Nang marinig ang sinabi ni Don, biglang nasabik si Senyor Zimmer. 'Tama. Kung hahayaan kong manatili pa sa amin si Harvey, masisira ang buong Zimmer dahil sa kanya.'"Senyor Zimmer, party mo ito ngayong gabi. Sayang naman kung ikaw ang magpi-prisintang bumugbog sa kanya. Hayaan mo akong tulungan kang turuan ng leksyon ang walang silbing taong yan!"Nang makita na bubugbugin na ni Don si Harvey, walang balak si Senyor Zimmer na pigilan siya.Bukod dito, ang iba sa mga Zimmer ay tuwang-tuwa din sa nasasaksihan nila. Matagal na nilang kinamumuhian si Harvey at sabik na makita si Don na bugbugin siya.Ngumiti nang masama si Don. Umatras siya nang bahagya, at bumuwelo siya para bigyan ng flying kick sa mukha si Harvey.Ilang taon nang nag-eensayo si Don sa gym. Natuto din siya ng Taekwondo sa loob ng ilang taon mula sa isang di umano'y private coach na merong black belt. Sa sandaling iyon, ang kanyang sipa ay mukhang mabangis at malakas."Naalala ko na eksperto si G. Xander sa Taekwon
‘Ano?’Ang lahat ay natulala. ‘Anong nangyari?’‘Ang ungas na iyon ay bahagya lang na inangat ang kanyang kanang kamay. Bakit ganun na lang na bumagsak si Don?’‘Meron palang ganyang kakayahan ang b*stardong iyan?’’‘O hindi kaya araw niya ngayon?’Ngunit karamihan sa kanila ay iniisip na naka-tsamba lang si Harvey, at si Don ay talagang minalas. Itinaas lang ni Harvey ang kanyang kamay nang ganoon lang, at si Don ay tumilapon."Harvey... maghintay ka lang at makikita mo..." Bulagta si Don sa sahig, nanginginig. Sinubukan niyang bumangon. Dinuro niya si Harvey at sinigawan, "Sisirain kita! Magbabayad ka. Maghintay ka lang at makikita mo...”Sa sandaling iyon, ang lahat ay nakatingin kay Don na nagdurugo ang ilong. Pagkatapos ay bumaling sila ng nakakaawang tingin kay Harvey.Anong yamang meron ang manugang na iyon? Ngunit iba si Don. Siya ay isang middle-rank na empleyado sa York Enterprise. Kung meron siyang ganong balak, madali lang para sa kanyang wasakin si Harvey sa isang
Nang mabanggit ang pangalang Tyson Woods, ang lahat ng mga Zimmer ay nanlamig.Sino si Tyson? Isa siyang sikat na tao sa Niumhi. Marami ang nais na humingi ng pabor sa kanya, pero hindi nila ito magawa.Ang magiging manugang — si Don, ay nagawang papuntahin siya. Si Don ay talagang isang maimpluwensyang at makapangyarihang tao.Kahit si Senyor Zimmer ay natuwa kay Don. Masisiyahan siya kung magiging manugang niya iyon.“Ayaw mo akong makitang buhay bukas. Magaling." Ngumiti si Harvey. "Gusto kong malaman. Malapit nang mawala sa iyo ang lahat, at ikaw ay isang walang silbing taong palugi na. Iniisip ko kung paano mo magagawa iyon..."May isang biglang tumawa. “Baliw na ba siya? Si G. Xander ay mayaman. Narito pa rin ang kanyang tsekeng may halagang one million dollars. Paano niya nasabing mawawala ang lahat kay G. Xander at malulugi siya? Alam niya ba kung ano ang pagkalugi?""Ay! Ang manugang na ito ay laging nasa bahay, nanonood ng TV o nagbabasa ng mga nobela. Hindi man siya na
Biglang bumalik sa kanyang ulirat si Don. Ngumiti siya at sinubukang bumawi. “Wala yun. Niyaya ako ng bise presidente kung pwede kaming uminom. Wala akong oras ngayon. Kaya, sabi ko magkita kami bukas.”Nagulat ang lahat sa pamilya Zimmer nang marinig ang tungkol dito. Ang bise presidente ng York Enterprise, niyaya si Don na uminom sila?Bukod dito, tumanggi si Don at nagsabing buka na lang daw. Tunay ngang mayroon siyang katayuan sa buhay!Ang bawat isa sa pamilya Zimmer ay hindi mapigilang lumapit at magtipon sa paligid ni Don para pasayahin siya.Sa oras na iyon, may sigaw ng prenong narinig mula sa gate ng villa. Maraming itim na commercial vehicle ang huminto sa gate.Pagkatapos, ang mga pinto ng kotse sabay-sabay nagbukas. Ilang kalalakihan ang lumabas mula sa mga kotse na may dalang mga watermelon knife at baseball bat.Isang nakakatakot na taong nakasuot ng puting shirt ang naglalakad sa gitna sa gitna ng mga batak na lalaki. Siya si Tyson Woods.Samantala, may hawak siy
Gulat na napatingin si Harvey kay Mandy. Pakiramdam ni Harvey na sa simula pa lang ay pinabayaan siya ng kanyang asawa at walang pakialam sa kanya. Kung kaya, hindi niya sukat akalain na mag-aalala siya sa kanyang kaligtasan. Nanlambot ang kanyang puso sa pag-iisip nito.Ngunit, hindi alintana ni Mandy ang pagbabago sa damdamin sa isip ni Harvey. Puno ng kaba ang isip niya sa mga sandaling iyon!Sino ba ito? Siya si Tyson Woods — ang kilalang Kuya Tyson. Bagaman hindi pa niya ito nakita nang personal, marami siyang naririnig tungkol sa kanya.Si Tyson Woods ay sinasabing isang gangster ilang taon na ang nakakaraan, ngunit pagkatapos na kunin siya ng isang tao, siya ay sinanay at binigyan ng bagong bihis. Sa hindi inaasahan, dugo’t pawis ang pinuhunan niya hanggang sa gumawa siya ng pangalan para sa sarili niya sa Niumhi.Kahit na si Tyson ay nasa pagne-negosyo at nagawang pigilin ang sarili niya sa nagdaang dalawang taon, kinatatakutan pa rin siya, na maging ang mga pulis at mga tr
Paminsan-minsan ding nakasama ni Don si Tyson!Minsan, pumunta si Don sa Platinum Hotel. Nakabunggo siya ng isang magandang babae nang hindi sinasadya at muntik nang mapatay. Nagkataong dumaan si Tyson at ayaw niyang may gumawa ng gulo sa store. Kung kaya, tinulungan niya si Don na malutas ang problema.Mula noon, alam ni Don na hindi sapat kung mayaman lang siya. Kailangan nila ng mga kaibigan.Samakatuwid, pinag-isipan niya ang pakikipagkaibigan kay Tyson at inalok pa siyang tulungan siyang ayusin ang kanyang finances. Tinulungan niya si Tyson na kumita pera sa nakaraang dalawang taon, at ito rin ang dahilan kung bakit siya naglakas-loob na tawagan si Tyson ngayong gabi.Gayunpaman, ang investment ay hindi garantisado. May ilang beses kung saan nawalan ng pera si Tyson, at napangisi si Don upang tulungan siya.Alam niyang kapag mawalan ng pera si Tyson, papatayin siya ni Tyson hanggang sa mat*e siya sa kanyang pantalon.Pero, sa totoo lang, dahil sinusuportahan ni Tyson si Don,
Ngumiti si Harvey at hindi nagsalita.Gayunpaman, si Tyson, na nasa tapat niya, ay nanginginig sa sandaling ito.Ang gangster na karaniwang pumapatay ng mga tao nang walang awa ay nanlamig at halos maihi na sa kanyang pantalon sa puntong ito.Lalo na nang nagkatinginan sila ni Harvey, pumatak ang mga malamig na pawis niya at hindi makapagsalita sa mahabang oras.Si Don, na nasa likuran ni Tyson, ay medyo balisa nang makita niyang hindi na siya gumalaw. Sinabi niya pagkatapos, “Kuya Tyson, huwag kang mag-alala. Isa lamang siyang walang silbi na b*stardo at isang manugang na live-in. Pabagsakin mo siya! At putulin ang kanyang mga kamay!"Patuloy na umangal si Don sa sandaling ito. Ang kanyang mga mata ay mamula-mula, at hindi siya makapaghintay na makita si Harvey na mamatay sa lugar na iyon."Siya ang taong gusto mong nawala?" Si Tyson ay nagsalita rin sa wakas. Lumingon siya kay Don habang may mapait na pagtingin sa kanya.Halos maiyak na si Tyson. "Don, sabihin mo nang maling t
Sampal, sampal, sampal!Ilang beses sinampal si Don nang walang babala, kaya namaga ang kanyang mukha at tila nagmukha siyang ulo ng baboy bigla!Hindi naka-imik si Don. “Kuya Tyson, ang sabi ko ay sapakin ang basurang iyan… bakit ako...”Lahat ng naroon, maging si Don, ay nagulat.Ano ang nangyayari?Hindi ba turing ni Don kay Don ay parang dakilang kapatid?Paanong mabilis siyang napikon kay Don?"Gusto mo bang mamatay? Pati ako dinadamay mo. Kailangan kitang iligpit...” Sinipa ni Tyson si Don hanggang sa lumipad siya ng ilang metro ang layo. Masamang sabi niya, "Sige, tamaan mo siya nang malakas!"Ang mga tauhan niya kalaunan ay medyo nataranta, ngunit ngayon ay kumilos na sila. Ngayon na nagsalita ang boss nila, bakit sila nanonood lang?Sipain siya!Ilang dosenang tao ang lumapit kay Don para sipain siya.“Bakit?! Kuya Tyson, bakit mo sila inutusang sipain ako?!”Sumigaw si Don at gumulong. “Hindi ito ang gusto kong mangyari!”Ang lahat ng mga miyembro ng pamilya Zimm
Galit na ikinumpas ni Zaid Surrey ang kanyang kamay.Isang dosenang disipulo ni Layton Surrey ang agad na naglabas ng kanilang mga espada bago sumulong.Si Adler Lowe at Osman Bowie ay malupit na tumawa nang lumapit sila kasama ang kanilang mga pamilya.Halos isang daang eksperto ang masidhing nakatitig kay Harvey York, handang sumugod anumang sandali.Agad na nagbago ang ekspresyon ni Rachel Hardy. Si Bryn Osborne ay mayroong mapagmalaking hitsura.Alani Carlson, Shinsuke Yamamoto, Calvin Lowe, at iba pa ay may pagdududa ring nakatingin kay Harvey.‘Eh ano kung nanalo siya?‘Nandito ang mga numero!‘Bukod pa rito, hindi naman siya mabait na tao! ‘Bilang karagdagan, hindi naman siya mabait na tao! ’Humupa ang pag-aalala ni Layton nang makita niya ang suporta ng kanyang mga tao.“Aaminin kong malakas ka, Harvey!"Pero may lakas ka ba ng loob na patayin ako?"Hintayin mo lang! Kapag natapos na ang lahat, bibisitahin ko ang bawat sagradong lugar ng pagsasanay sa martial arts
Ang mga eksperto ng Heaven’s Gate ay nagalit nang makita nilang natalo si Layton Surrey.Para sa kanila, si Layton ang kanilang diyos, ang haliging sumusuporta sa kanila, at pinagmumulan ng kanilang lakas ng loob!Gayunpaman, hindi lamang natalo ng isang sampal ang kanilang pinakamalaking suporta, ipinahiya din siya at dinurog sa lupa."Walang hiya ka, Harvey!""Paano mo nagawang atakihin si Mr. Layton ng ganun?!"Wala kang galang sa mga nakatatanda sayo!"Nagising si Bryn Osborne mula sa kanyang pagkamangha bago tumingin ng masama sa eksena sa harap niya.Para sa kanya, kailangan niyang makita si Harvey York na matalo upang makuha ang posisyon bilang kinatawan ng Martial Arts Alliance.Gayunpaman, bukod sa hindi iyon nangyari, inilampasong maigi ni Harvey si Layton.Parang panaginip ang lahat para sa kanya!‘Hindi ako dapat matulala dito!‘Malamang inatake ng palihim ng hayop na ito si Mr. Layton!’"Ipapadala na kita sa huling hantungan mo, Mr. Layton."Dinagdagan ni Ha
Nanuyo ang lalamunan ng mga tao sa paligid. Pahirap ng pahirap ang kanilang paghinga.‘Paano?!’‘Paano nangyari ito?!’“Mukhang hindi gumagana ang paggamit ng pwersa para sayo.Ihinagis ni Harvey York ang kanyang tissue sa lupa bago siya ngumit.“Heaven’s Gate? Isang sacred martial arts training ground?“Kalokohan!“Bukod sa hindi niyo pinaghuhusayan ang pagsasanay niyo, ang tanging alam niyo lang ay makinabang gamit sa kawalan niyo ng katapatan!“Wala kayong alam sa batas!“Akala mo ba kaya mong gawin ang lahat ng gusto mo dahil lang malakas ka?!“Pwedeng maging mga God of War ang mga taong gaya mo?“Karapatdapat bang tawagin ang lugar na ito na isang sacred martial arts training ground?“Ni hindi nga kayo karapatdapat…”Sapat na ang mga kalmadong salita ni Harvey upang durugin ang puso ng mga tao. Ang lahat ng mga tinaguriang eksperto ng Heaven’s Gate ay galit na galit.Wala man lang natinag sa mga sinabi ni Harvey bago nagsimula ang laban…Ngunit dahil natalo si Layto
Ang bilis!Simple lang ang mga kilos ni Harvey, walang espesyal sa sampal niya, ngunit napakabilis nito!Ni hindi siya kayang sabayan ni Bryn at ng iba pa.Nagmadali si Layton na iangat ang kanyang espada upang depensahan ang kanyang sarili.Bam!Nagawang paluin ni Harvey ang likod ng espada ni Layton. Isang malakas na tunog ang narinig. Bumugso ang nakakatakot at napakalakas na hangin; nagkalat sa ere ang dumi at alikabok, dahilan upang mahirapang makakita ang mga tao.Walang nakakaalam kung ano ang nangyari.Nang humupa ang hangin matapos ang matagal na sagupaan, nakita ang mga bitak na parang sapot ng gagamba sa lupa kung saan naglaban sina Harvey at Layton.Nakakatakot ang lakas niya!Nakakagulat ang nakita nila!Si Layton ay nakita na hawak ang kanyang espada habang nakatayo; ipinagmamalaki niyang matibay ang kanyang katawan, ngunit siya ay duguan. Ang parehong mga braso niya ay naputol. Isa itong kalunos-lunos na tanawin.Maririnig ang mabilis niyang paghinga. Ang mga
”Hayop ka!”Nagsimula nang mapagod si Layton matapos mag-swing ng espada nang tuloy-tuloy. Hindi pa kasi niya perpekto ang kanyang martial arts.Isa siyang Diyos ng Digma, ngunit nakarating lamang siya dito sa pamamagitan ng lakas. Hindi kasing tagal ng ibang eksperto ang tibay ng kanyang enerhiya. Pareho rin ang kanyang lakas sa pakikipaglaban.Matapos mawalan ng bisa ang bawat atake, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting inis.Nang marinig ang mga sigaw ni Layton, nayanig sina Bryn at ang iba pa, at tila naging mabigat ang kanilang pakiramdam.Napagtanto nila na hindi na gustong subukin ni Layton si Harvey… Si Harvey lang talaga ay sobrang bilis kaya’t hindi siya matamaan.‘Alam ba ng bastos na ito ang pinakamalaking kahinaan ng Heaven’s Gate? Karaniwan, hindi matagal ang tibay ng lakas ni Layton sa labanan!’Galit na galit si Bryn matapos maisip iyon.“Ngayon ko na naiintindihan kung paano mo natalo ang pinakamagagaling na talento ng India!“Ang alam mo lang ay umiwa
Si Layton ay nagmumura sa kanyang loob, ngunit hindi siya nagsalita nang malakas. Pagkatapos ng lahat, ang pagpapanatili ng kanyang status bilang isang eksperto ay laging magandang bagay.Kung pinatay niya si Harvey, hindi lang na hindi maipapahayag ang kanyang kahihiyan sa buong mundo, kundi papurihan pa siya bilang isang mahabaging tao.Si Layton ay humalakhak. Nang walang pag-aalinlangan, hinugot niya ang espada mula sa kanyang baywang.Siya ay isang Diyos ng Digma! Isang ekspertong martial artist!Sobrang nakahihiya para sa kanya na humugot ng armas para lamang sa isang mababang tao...Ngunit ang mga tao ng Heaven’s Gate ay buong dangal na sumisigaw nang malakas."Patay ka na! Patay ka na, Harvey!""Si G. Layton ay naghasa ng kanyang espada ng dekada! Isang karangalan para sa iyo na makita siya sa aksyon!""Sino ba sa buong mundo ang makakapagtanggol laban kay G. Layton?!"Habang sila’y sumisigaw, ini-swing ni Layton ang kanyang espada diretso sa ulo ni Harvey sa bilis ng
Sumimangot si Layton habang nakatingin siya kay Harvey, hindi siya nagpakita ng iba pang reaksyon.Si Bryn at ang iba pa ay tumingin na para bang may naisip sila.‘Akala ko kayang-kaya ni Harvey! Kung ganun, ‘yun pala ang nangyayari!’‘Kung hindi siya pinabayaan ni Layton, patay na siya ngayon!’‘Pero gayunpaman, kumikilos pa rin siya na parang talagang kahanga-hanga siya! Napakawalanghiya niya!‘Sa karaniwan, dapat sana ay umamin na siya ng pagkatalo matapos niyang mapagtanto kung gaano kabait si Layton!’Nakatayo si Zaid hindi kalayuan kay Bryn, at tumawa."Alam ng lahat ng mga sagradong lugar ng pagsasanay sa martial arts na ang Heaven’s Gate ay lumalaban para sa katarungan at upang panatilihin ang reputasyon ng Martial Arts Alliance ng bansa. Sana, makakuha tayo ng isa pang kinatawan sa Gangnam pagkatapos ng laban na ito.”Mabilis na naintindihan ni Bryn ang sinasabi niya."Huwag kang mag-alala, Ginoong Zaid. Sino pa ba kundi ikaw?”"Kapag naging kinatawan ako ng Martial
"Yan na ba yun?" sabi ni Harvey na may pagdududa pagkatapos palaging hindi siya maabot ni Layton."Ignorante ka, bata!”Suminghal si Layton, pagkatapos ay lumipat sa kanyang isa pang nakamamatay na galaw.The Crackling Fist!Pinalawak ni Layton ang kanyang aura sa paligid ng kanyang mga kamao; hindi siya naghahanap ng kapangyarihan ngayon, kundi bilis.Kumpiyansa sa kanyang mga kalamnan, inalog niya ang kanyang mga kamao pasulong nang walang tigil habang hindi pinapansin ang kanyang depensa. Ito ay isang nakakatakot na tanawin. Gayunpaman, hindi siya nakapag-iwan ng kahit isang gasgas kay Harvey.Nakita ni Layton na kalmado si Harvey na iniiwasan ang lahat ng mga suntok habang nakatayo sa isang lugar, kaya't siya'y nagalit.Siya ay isang Diyos ng Digmaan, isang bihasang martial artist. Ang kanyang reputasyon ay madudungisan kung malalaman ng mundo na hindi siya makapag-atake sa isang mas mababa sa kanya.Walang pag-aalinlangan, pinunit niya ang kanyang manggas, at nanginginig a
Bumati si Layton sa iba habang hindi pinapansin si Harvey, sinusubukang lumikha ng presyon sa ganitong paraan. Ang iba ay napaka-cooperative; si Harvey ay tila ganap na na-isolate.Kumunot ang noo ni Rachel, pero wala siyang sinabi tungkol dito.Isang malaking laban ang malapit nang mangyari, at bahagi rin nito ang psychological warfare. Dahil ito ang punong-himpilan ng Heaven’s Gate at si Harvey ay nasa teritoryo ni Layton, maaari lamang siyang manatiling passive.Pinaloob niya ang kanyang mga braso, na parang wala siyang pakialam."Anong pinagsasabi mo, Layton? Tapos ka na ba sa eulogy mo?”Ang mga tao ay biglang natigilan; ang masiglang kasiglahan ay agad na naging tahimik. Lahat ay napuno ng pagkabigla nang tumingin sila kay Harvey.‘Itong tarantadong ito ay walang takot sa kamatayan!‘Sinusubukan pa rin niyang provokin si Ginoong Layton ngayon!‘Nakapagtagumpay siya sa ganung paraan, pero siya na mismo ang naghuhukay ng kanyang sariling libingan!’"Hindi masama. Mukhang