Ngumiti si Harvey at hindi nagsalita.Gayunpaman, si Tyson, na nasa tapat niya, ay nanginginig sa sandaling ito.Ang gangster na karaniwang pumapatay ng mga tao nang walang awa ay nanlamig at halos maihi na sa kanyang pantalon sa puntong ito.Lalo na nang nagkatinginan sila ni Harvey, pumatak ang mga malamig na pawis niya at hindi makapagsalita sa mahabang oras.Si Don, na nasa likuran ni Tyson, ay medyo balisa nang makita niyang hindi na siya gumalaw. Sinabi niya pagkatapos, “Kuya Tyson, huwag kang mag-alala. Isa lamang siyang walang silbi na b*stardo at isang manugang na live-in. Pabagsakin mo siya! At putulin ang kanyang mga kamay!"Patuloy na umangal si Don sa sandaling ito. Ang kanyang mga mata ay mamula-mula, at hindi siya makapaghintay na makita si Harvey na mamatay sa lugar na iyon."Siya ang taong gusto mong nawala?" Si Tyson ay nagsalita rin sa wakas. Lumingon siya kay Don habang may mapait na pagtingin sa kanya.Halos maiyak na si Tyson. "Don, sabihin mo nang maling t
Sampal, sampal, sampal!Ilang beses sinampal si Don nang walang babala, kaya namaga ang kanyang mukha at tila nagmukha siyang ulo ng baboy bigla!Hindi naka-imik si Don. “Kuya Tyson, ang sabi ko ay sapakin ang basurang iyan… bakit ako...”Lahat ng naroon, maging si Don, ay nagulat.Ano ang nangyayari?Hindi ba turing ni Don kay Don ay parang dakilang kapatid?Paanong mabilis siyang napikon kay Don?"Gusto mo bang mamatay? Pati ako dinadamay mo. Kailangan kitang iligpit...” Sinipa ni Tyson si Don hanggang sa lumipad siya ng ilang metro ang layo. Masamang sabi niya, "Sige, tamaan mo siya nang malakas!"Ang mga tauhan niya kalaunan ay medyo nataranta, ngunit ngayon ay kumilos na sila. Ngayon na nagsalita ang boss nila, bakit sila nanonood lang?Sipain siya!Ilang dosenang tao ang lumapit kay Don para sipain siya.“Bakit?! Kuya Tyson, bakit mo sila inutusang sipain ako?!”Sumigaw si Don at gumulong. “Hindi ito ang gusto kong mangyari!”Ang lahat ng mga miyembro ng pamilya Zimm
Panaginip ba ito?Bakit si Tyson Woods — ang business mogul ay malaki ang respeto sa walang silbing manugang na ito? Para bang nakita niya ang kanyang ama sa kanyang asta.Paano ito nagawa ng isang walang kwentang b*stardo?Maraming tao ang hindi mapigilang kurutin ang kanilang sarili. Akala nila nananaginip! Baka yun na yon!Hindi rin naka-imik din si Mandy. Ang kanyang pagkabalisa sa simula ay napalitan ng grabeng gulat. Paano ito nangyari?Walang pakialam si Tyson sa mga reaksyon ng pamilyang Zimmer. Sa sandaling ito, nagawa na niya ang lahat maliban sa pagluhod. Pagkatapos ay bumulong siya, "Hindi ko alam na ikaw pala iyan. Hindi ako pupunta kung alam kong ikaw iyan. Sana... huwag kang magalit...""Tama na." Nakasimangot si Harvey at malamig na sinabi, “Pagkatapos ng maraming taon, pumunta ka pa para lamang sa maliit na gulong ito. Paano ka bumagsak nang ganito?"“Tinulungan kasi ako ng hayop na ito na mag-invest ng ilang stock...” Hindi na naglakas-loob si Tyson na itago pa
Sinampal ni Tyson ang mukha ni Don at malamig na sinabi, "Hindi mo ba alam kung bakit ko sila inutusang sapakin ka? Hindi mo ba kilala kung sino si Harvey? Ang lakas ng loob mong galitin siya!""Siya… hindi ba siya ang walang kwentang manugang pamilya Zimmer?"Sa sandaling ito, labis na pinagsisisihan ni Don ang nagawa niya, na halos magsuka siya ng dugo. Ang taong tinawag niya ay ginulpi siya nang ganito, at ito ay dahil sa hayop na ito — si Harvey. Hindi niya maintindihan!"Manugang?" Ngumisi ni Tyson. Nang sasabihin niya na sana ang tunay na pagkatao ni Harvey, nagkataong nakatingin sa kanya si Harvey.Nangatog at nagmura siya nang hindi niya namamalayan. “Tinatanong kita, nalugi ka na ba? Ibig sabihin ba nito ay nawala na ang limang milyong binigay ko sa iyo?”Ang pamilya Zimmer ay hindi naglakas-loob na kumbinsihin siya. Sa sandaling ito, lahat sila ay nagulat, lalo na si Senyor Zimmer. Nagbago ang kanyang ekspresyon nang marinig ang mga sinabi ni Tyson.Umabante siya nang h
"G. Xander, maaari ka bang magpaliwanag? May kinausap akong tingnan ito. Tumalbog ang iyong tseke."Sa sandaling ito, binaba ni Senior Zimmer ang telepono at lumabas. Kumaway siya at hinampas ang tseke sa mukha ni Don.Buong akala niyang nakuha na niya ang working capital na halos sampung milyong dolyar. Hindi inaasahan, ginising siya ng mga salita ni Tyson. Mabilis siyang nagpatulong tungkol dito. Doon niya na nalaman ang tungkol sa katotohanan.Labis na kinamumuhian ni Senyor Zimmer si Don ngayon dahil mahalaga lang sa kanya kung may mukha pa siyang ihaharap. Ang kanyang pinili — si Don ay nalugi at walang nang silbi. Paano niya haharapin ang mga taong iyon…Pinunasan ni Don ang dugo sa kanyang mukha at pilit ngumiti, "Senyor Zimmer, huwag mong kalimutan, nagtatrabaho pa rin ako sa York Enterprise. Kahit na nalugi ako, makakakbangon pa rin akong muli anumang minuto...”Sumimangot si Senyor Zimmer nang hindi niya namamalayan nang sinabi niya ito. Binabantaan siya ni Don!Ang mga
Tumango si Lilian. Pagkatapos ay lumapit siya kay Harvey para pagalitan ito, "Narinig mo ba? Bilisan mo at magpa-hostage ka. Basura ka nga at walang silbi. Tatlong taon ka na sa pamilyang Zimmer at binigyan ka namin ng pagkain at trinato nang maayos. Isasama mo pa kami sa hukay mo. Kung tatanggi ka pa ring maging hostage, hindi ka namin bibitawan!"Nanlamig ang mukha ni Harvey, ngunit nang makita niya ang maputlang mukha ni Mandy, nalambot ang kanyang puso. Sino ang nagsabi sa kanyang mahulog ang kanyang loob kay Mandy?"Sige!" Huminga siya ng malalim at hindi pinansin si Lilian. Naglakad siya palapit kay Don at sinabi, "Don, ako na ang hostage mo, pakawalan mo na ang asawa ko."Nabigla si Mandy. Tumingin siya kay Harvey habang hindi makapaniwanala sa mga nangyari at sinabing, "Huwag, huwag kang lumapit...""Huwag kang mag-alala, asawa kita, at po-protektahan kita." Banayad na ngumiti si Harvey at naglakad papunta kay Don. Hinayaan niyang tutukan siya ni Don ng kutsilyo sa kanyang
"Bakit?" Mababaliw na si Don. May tawag siyang natanggap ngayong gabi at sinabihan siyang nalugi siya nang hindi maipaliwanag sa kanya. Gusto din niyang malaman kung bakit.Ngumiti si Harvey at inilabas ang kanyang cellphone upang mag-redial ng isang numero. Binigay ni Yvonne sa kanya ang kanyang bagong phone number ngayon-ngayon lang.Mabilis na kumonekta ang telepono, at rinig ang boses ni Yvonne sa kabilang dulo ng telepono. “Presidente, natanggal ko na si Don Xander alinsunod sa iyong mga tagubilin. Sinabihan ko na din ang mga abugado nating imbestigahan ang mga pondo ng proyekto ng kumpanyang kanyang nakurakot.”“Binibini… Bb. Xavier…” Nagulat si Don nang marinig ang pamilyar na boses. Sa sandaling ito, nakaramdam siya ng pagkahilo na nagpalabo ang kanyang paningin.Nahulog ang hawak niyang kutsilyo. Bulong niya, “Paano ito nangyari? Paanong ang isang walang kwentang taong tulad mo ang naging bagong presidente? Imposible to! Imposible!”“Imposible! Kilala ang lahat ng nakabab
“Hindi magiging madali ito...” Nakasimangot si Sean. Kung madali lang iyon, baka hindi nila naisip si Don noon.Mahinang hinampas ni Senior Zimmer ang mesa. Sinabi niya, “Kung sino man ang may kayang makakuha ng ganong halaga ng pondo, siya ang mamamahala sa pagtatayo ng shopping center!”Ang shopping center ay itinuturing na pinakamalaki at pinakamahalagang proyekto ng mga Zimmer ngayon.Kung ang isa ay itinalaga bilang manager sa proyektong iyon, maaari niyang pamunuan ang mga Zimmer bilang head nito.Nang sabihin ni Senior Zimmer iyon, kakaiba ang naging reaksyon ng maraming tao.Ngunit, hindi ito madali kung ang lahat ay nais na makipag-ugnayan sa York Enterprise."Lolo." Tumayo bigla si Zack. "Kamakailan, may isang dilag akong nakilala sa York Enterprise, at manager siya doon. Mukhang mataas ang katayuan niya sa kumpanya, at ang iba ay makikinig sa kanya. Bakit hindi ko siya yayaing lumabas para pag-usapan ito."Sumimangot si Senior Zimmer at sinabing, “Manager lang siya. P
Mas mahalaga, si Harvey ay gumagamit lamang ng kanyang palad.Kung gumamit siya ng anumang galaw mula sa sagradong lugar ng pagsasanay sa martial arts, aaminin ng mga nakatatanda ang pagkatalo.Sa wakas, ang mga sining ng pakikidigma ng Country H ay hindi matutumbasan.Gayunpaman, ang mga atake ni Harvey ay simple. Ang kanyang bilis ay talagang pambihira.Bawat sampal ay tila mahina, ngunit ang mukha ng matanda ay ngayon ay lubos nang namamaga. Patuloy siyang natitisod paatras.Sige na! Ikaw ay isang kilalang tao sa Island Nations!Sabihin mo sa akin nang tapat!“Sa kabila ng iyong Bushido Spirit, ang tanging magagawa mo lang ay lumuhod, di ba?”Patuloy na pinagsasampal ni Harvey ang matanda hanggang napilitan itong gumapang muli sa lupa.Ang iba pang pitong matatanda ay natigilan sa kanilang kinalalagyan. Hindi sila maglalakas-loob na gumalaw kahit kaunti, at agad silang lumuhod sa lupa.‘Nagbibiro ka ba? Ang mga sampal niya ay talagang nakakatakot!Ang mga sampal niya ay tal
”Tapusin na natin ‘to, Harvey!”Matapos makita na lahat ng iba ay itinaboy, ang nakatatandang lalaki sa harap ay natumba mula sa lupa at itinutok ang kanyang espada kay Harvey."Ako pa rin ang elder ng pamilya Masato! Ako ay isang tunay na royalty, na may dugong maharlika!“Maging sa Island Nations, ako ay isang pigura na sinasamba ng maraming tao!”"Kaming makapangyarihang mga Islander ay hindi mapapahiya ng isang katulad mo!"Pinagkrus ni Harvey ang kanyang mga braso. "Lumuhod ka, at hindi kita papatayin.""Gusto mong lumuhod ako?!"Ang elder ay nag-aapoy sa galit. Galit na galit siyang tumawa."Sino ka ba sa akala mo, hayop ka?"Talaga bang iniisip mo na magagawa mo ang lahat ng gusto mo dahil lang ikaw ang kinatawan ng Country H Martial Arts Alliance at ang young master ng Longmen?""Walang sinuman sa buong bansa ang makapagpapaluhod sa akin!"Kahit na ang Head Coach niyo!“Mas pipiliin ng pamilya Masato na mamatay kaysa magmakaawa para sa aming buhay!"Mga onmyoji kam
Nakita ang pagbabago kay Harvey, ang ekspresyon ng nakatatanda ay patuloy na nagbabago. Dinala niya ang kanyang espada patungo sa lalamunan ni Harvey sa bilis ng liwanag.Hinampas ni Harvey ang kanyang daliri sa talim nang walang balak na umiwas dito.Clang!Isang malakas na tunog ang narinig; ang matanda ay umatras ng ilang hakbang, ang buong katawan niya ay nanginginig. Isang sigaw ang biglang narinig mula sa Demon Sword.Pinunasan ni Harvey ang kanyang mga daliri nang may pagduduwal habang nakatayo sa kanyang pwesto, na parang may nahawakan siyang nakakadiring bagay.Ang matanda ay sumabog sa galit; siya ay lumundag sa hangin bago muling ibinaba ang kanyang espada. Siya ay isang onmyoji, ngunit mayroon din siyang malalim na pag-unawa sa martial arts ng Island Nations.Ang kanyang atake ay katulad ng killer move ng Shindan Way.Gayunpaman, hindi man lang maalala ni Harvey ang pangalan ng galaw, lalo na hindi siya nagmamalasakit. Tinapakan niya ang lupa; nagkabasag-basag ang mg
Swoosh, swoosh, swoosh!Winasiwas ng natitirang pitong elder ang kanilang mga kamay, agad nilang hinagis ang mga talisman nila.Lahat ng klaseng napakasamang hugis na kamukha ng iba’t ibang bagay ang sumulpot sa ere. Mga fox, mga python, at sumulpot din ang isang cyclops.Bumuntong-hininga si Harvey, pagkatapos ay muli niyang ipinitik ang kanyang daliri.Poof!Nagsimulang umubo ng dugo ang pitong elder, agad na nanginig ang kanilang mga katawan.“Witchcraft! Anong ginawa mo?!”Galit na galit ang pinuno ng mga elder.Walang nagawa ang isang elder kay Harvey… Pero ngayon, kahit na ang pito ay hindi man lang siya nagalusan.“Paninira! Isa itong paninira!” sigaw ni Harvey.“Natutunan ko lang ito mula sa Book of Changes!“Malinaw na isa itong geomancy art, pero sinasabi niyo na isa itong witchcraft?“Gaano kawalanghiya ba kayong mga tao kayo?”“Ang Book of Changes?”Tumingin ang mga elder sa isa’t isa.Ayon sa mga alamat, ang Book of Changes ay mayroong maraming anyo, kabilan
Tinitigang maigi ni Harvey ang uwak na pasugod sa kanya. Noong sandaling dumapo sa katawan niya ang uwak, kalmado niyang ipinitik ang kanyang daliri.Poof!Isang dilaw na talisman ang lumipad mula sa kamay niya, at biglang naglaho ang uwak. Dahan-dahang nahulog sa lupa ang talisman, at pagkatapos ay naging abo.Kalmado niyang hinipan ang amoy ng sunog mula sa kanyang mga daliri. “Ito lang ba ang kaya niyong gawin? Kulang pa ‘to…”“Imposible!”Nanigas ang mga mukha ng mga elder; napasigaw sila sa gulat sa mga isip nila.‘Isa ‘yung Shikigami!‘Isang Shikigami! Mula sa Island Nations!‘Paano ito nasira ni Harvey gamit lang ang isang talisman na basta na lang niyang inilabas kanina?!‘Kalokohan ‘to!‘Kailan pa naging ganito kahina ang technique ng Masato family?!’“Iniisip niyo ba na imposible ‘to?” Sumimangot si Harvey. “Hindi ko maintindihan. Matagal na kayong mahina, pero gustong-gusto niyong magyabang. Mahilig lang ba kayong magpanggap?”Pffft!Halos umubo na ng dugo ang e
Inunat ni Harvey ang kanyang leeg habang nakangiti.“Tutal mamamatay naman na ako…“Bakit hindi niyo ipaintindi sa’kin ang isang bagay?“Pagkatapos akong subukang kumbinsihin ni Peyton na iwan ang sitwasyon, bigla kayong sumulpot.“Tauhan ba kayo ng Dragon Cell? O tauhan ba kayo ni Blaine?" Tumawa ng malamig ang elder. “Walang karapatan ang isang taong gaya ni Peyton na kontrolin kami!" Tumango si Harvey.“Naiintindihan ko na.“Mukhang maraming ginawa si Blaine para lang paghandaan ang pag-angat niya.“Pero kung gamit lang ang pagkatao niya, hindi niya rin kayo makokontrol.“Malamang mula siya sa Evermore. At malamang mataas din ang katayuan niya dun.“Hindi ko inakala na may makikita akong mga buhay na saksi nun!" Bukod sa hindi natakot si Harvey, mukhang natuklasan na din niya ang katotohanan.“Mukhang hindi ako makakaalis sa Golden Sands hangga’t buhay pa si Blaine!" Dumilim ang mga mata ng elder.“Wala ka nang pag-asa, bata. Ikaw ang kinatawan ng Martial Arts All
Dumilim ang mga mata ni Peyton matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Harvey. Pagkaraan ng mahabang oras, bumuntong-hininga siya at umalis mula sa kabilang panig.Noong sandaling umalis siya, biglang huminto sa paglalakad si Harvey. Nahulog ang mga piraso ng papel mula sa langit.Sumimangot si Harvey. Tumingin siya sa magkabilang gilid, at pagkatapos ay sumipa siya paharap.Bam!Lumipad ang isang brick sa lupa patungo sa isang mukhang sinaunang puntod.Sumabog ang puntod, at isang kulay pulang kabaong ang lumipad patungo sa direksyon ni Harvey. Umatras siya, masama ang kanyang loob.Bam!Sumalpok ang kabaong kung saan nakatayo si Harvey.Isang mabahong amoy ang tumagas, at binalot ng alikabok at lupa ang buong lugar. Kasabay nito, lumabas mula sa iba’t ibang direksyon ang mga taong may matataas na sombrero at nakadamit na pang-onmyoji.“Yin-Yang Techniques?” Tanong ni Harvey, habang nakatingin sa kanila.“Magaling.“Gaya ng inaasahan kay Representative York.“Hindi na nak
Bumuntong-hininga si Peyton nang makita ang kaswal na ekspresyon sa mukha ni Harvey.“May isang bagay kang hindi alam.“Ang Golden Sands ay itinuturing na ang lugar na tinatawag na Midheaven.“Sa madaling salita, ito ang lupain kung saan isinilang ang Country H.“Ang dating emperador, si Emperor Toghon, ay ginawang kapitolyo ang Golden Sands dahil dito.“Subalit, naging ang Wolsing ang kapitolyo ng bansa noong kinuha ni Emperor Khan ang trono.“Gayunpaman, ang kahalagahan ng kasaysayan ng Golden Sands sa bansa ay higit pa sa imahinasyon mo!“Dahil kontrolado ng John family ang buong siyudad, hindi lang napipigilan ang Patel family at ang six Hermit Families, kundi pati ang buong Midheaven ay pag-aari din nila!“Sa madaling salita, kapag ginalaw mo si Blaine ngayon, magdudulot ito ng malaking kaguluhan sa buong lugar!”“Hindi naman na makakakuha ng mas maraming mga Blaine ang John family para palitan siya. Anong magiging problema?” sagot ni Harvey.Muling bumuntong-hininga si
"Hula ko, mukhang ang Wright family ang target ng Evermore."Kumunot ang noo ni Harvey York.“Ang Wright family?”"May balak bang magdulot ng problema ang Evermore kay Big Boss?""Gusto ba nilang mamatay o ano?""Kung wala ang apat na haligi at ang tulong ng Nine Elders, malamang kaya niyang mapaalis ang grupo ng mga walang kwentang tao na nagtatago sa Wolsing ng mag-isa, di ba?"Si Peyton Horan ay umiling.“Hindi kasing simple ng iniisip mo ang mga bagay-bagay.”"Ang Evermore ay napakatagal nang nabubuhay. Marami ring matatandang hangal na malapit nang mamatay ang may koneksyon sa kanila."Ang Wolsing ay maaaring hindi nagkakaisa.""Hindi pa natin alam kung gaano na kalalim ang Evermore.""Siguro galing din sa Evermore si Big Boss.""Kung gagawa ng kahit ano ang Evermore sa Wolsing, ang buong Wolsing ay magkakaproblema!""Ang buong lungsod ay malulugmok sa kaguluhan!""Ang Country H ay magkakagulo kung hindi tayo mag-iingat..."Nag-aalala si Peyton.Bahagyang tumango s