Share

Kabanata 9

"Ah…" natulala si Howard, ito ay…

"Hindi?"

"Hindi… hindi… kapatid na Tyson, magpakasaya ka…" Hindi naglakas-loob si Howard na tumingin kay Wendy pagkatapos niyang magsalita. Sa halip, kinuha niya ang susi sa lamesa at tatakbo na sana.

"Howard! Walanghiya ka!" Nanggigil sa galit si Wendy. Hindi niya inakala na ang isang lalaking tulad niya ay duwag pala. Natatakot din ang ibang mga kaklase. Lahat sila ay mukhang takot na mapahamak.

Si Harvey lamang ang nandoon na walang emosyon, hindi dahil sa ibang bagay, kundi dahil sa siya ang nagsanay kay Tyson Woods palihim noong siya ay nasa Yorks.

Dating nasa kalye si Tyson noong bata pa siya. Wala siyang pera at kapangyarihan. Halos mapatay na siya sa kalye maraming beses na. Isang beses, nakilala niya si Harvey at naisip na maaari siyang maging isang kilalang tao, kaya napagpasyahan niyang sanayin siya.

Nagulat siya na ganito na ang inilaki ni Tyson sa loob ng ilang taon.

Subalit, hindi gusto ni Harvey na makilala siya. Hindi na siya tigapagmana ng mga Yorks makalipas ang maraming taon. Baka hindi gustuhin ni Tyson na kilalanin siya.

Samantala, tinignan na ng masamang si Tyson ang ibang mga tao sa silid. Nadaanan ng tingin niya si Harvey at siya ay nabigla.

Nagbago ang kanyang mukha sa susunod na sandali. Ang kayabangan at kasamaan niya ay kaagad na naglaho. Sa halip, mabilis siyang umabante at lumapit kay Harvey. Yumuko siya at sinabi, "Sir, hindi ko alam na nandito ka. Patawarin mo ako!"

Nagulat ang lahat ng nasa pribadong silid sa sandaling ito.

Ang napakayabang na si Tyson na kaya silang patayin ay magalang nang nakatayo sa tabi ni Harvey ngayon. Tulad ng isang estudyanteng tinuturuan ng isang guro.

Maging ang mga tauhan ni Tyson ay nagulat. Noon pang walang kinatatakutan at walang pakundangan ang kanilang amo! Hindi niya kailanman iginalang nang ganito ang kahit na sino.

Si Harvey lamang ang nanatiling kalmado at walang emosyon.

"Ang tagal na din." Napabuntong-hininga si Harvey matapos ang matagal na panahon. Tinapik niya ang balikat ni Tyson. "Palayain mo na lang sila, tutal mga kaklase ko naman sila."

"Opo, gagawin ko ang anumang iutos mo, Sir. Pakakawalan ko sila. Paalisin niyo sila dito. Gusto kitang makausap Sir. Huwag mo silang hayaan na istorbohin tayo!" Galak na galak si Tyson.

Sandali lang, ang mga kaklaseng may kakaibang ekspresyon ay pinalabas.

Sa labas ng Platinum Hotel. Ang lahat ng mga kaklase niya ay nabigla.

Bumulong pa si Shirley, "Hindi ko inasahang tutulungan tayo ni Harvey. Ngunit paano niya nakilala ang may-ari ng Platinum Hotel?"

Bumulong din sk Wendy, "Mali ba tayo ng akala sa kanya? Baka mahusay at asensado din siya."

"Paano tayo nagkamali?" Nahihiya si Howard sa mga sandaling ito. Hiyang-hiya siya ngayong gabi. Kailangan niyang maibalik ang kanyang imahe at reputasyon.

"Alam ko na! Siguro si Harvey ay isang manggagantso. Matagal na siyang nakipagsabwatan sa Platinum Hotel at binalak na kunin ang pera ng lahat…" mapait na sinabi ni Howard.

Suminghal si Shirley. "Kung gusto niya ang pera mo, bakit ka niya pakakawalan?"

"Yun ay dahil alam niyang tatawag ako ng pulis. Kaya natakot siya. Oo! Kung hindi, paanong natapos nang ganito kadali ang gulo?! Ang walanghiyang Harvey na yun! Di pa ito tapos!" Nagtanim ng galit si Howard.

Nagtinginan ang ibang magkakaklase at tingin nila makatwiran ito.

"Oo! Di pa ito tapos!"

"Si Harvey, ang live-in son-in-law ay nagawa ring lokohin ang mga kaklase niya. Tingnan natin. Sa susunod na makita ko siya, gagawin ko…"

Nagsasalita lang sila. Walang nangahas na sundan siya o saktan siya sa sandaling ito. Dismayado silang umalis matapos magmura at sumigaw sandali.

Matapos tanggihan ang Audi ni Howard, sumakay si Wendy sa isang Porsche at umalis, iniwan si Howard na nagngingitngitan ang mga ngipin.

Si Harvey at Tyson na lamang ang magkasama sa pribadong silid ngayon.

Nakayukong tumayo si Tyson, ngunit tumingin pa rin siya sa labas ng bintana at sinabi, "Sir, napakawalang utang na loob ng mga taong. Gusto mo bang…"

"Kalimutan mo na sila." Ngumiti si Harvey dahil hindi niya ito dinamdam. Kung hindi dahil kay Shirley ngayong gabi, mananahimik lamang siya at hahayaan si Tyson na asikasuhin sila.

"Opo!" Hindi na nangatwiran si Tyson. "Sir, saan kayo nagtatrabaho ngayon? Hindi kita mahanap nitong nakaraang mga taon…"

"Kalaunan ay malalaman mo rin ito. Tandaan mo, tawagin mo lang ang pangalan ko kapag nakita mo ako sa hinaharap." Utos ni Harvey.

Tumunog ang makalumang telepono ni Harvey habang siya ay nagsasalita. Dinampot niya ang telepono at tinitigan ito. Sumimangot siya at sinabi, "Bwisit! Kailangan kong umuwi at linisin ang bahay. Tyson, pupuntahan kita kapag may oras ako…"

Sa sandaling matapos siya magsalita, sumakay siya sa kanyang electric bike at naglaho sa paningin ni Tyson.
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
ruby ann laforteza
kabanata 2915
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status