Share

Kabanata 8

Author: A Potato-Loving Wolf
May gusto sanang sabihin si Harvey, ngunit nang makita niya ang inasal ni Howard, umiling siya at hindi na lang nagsalita. Sa halip ay pumunta siya sa tabi ni Shirley at sinabi, "Sabay na ba tayong pumunta? Ikinatatakot ko na baka magkagulo mamaya."

"Ito…" nagdalawang-isip sandali si Shirley. Mayroon siyang magandang ugnayan kay Harvey habang sila ay nasa kolehiyo, ngunit syempre, si Harvey ang bida ngayong gabi. Kung aalis siya ngayon, di ba magagalit niya si Howard?

Sa kabilang banda, nang makita ni Howard na nandoon pa rin si Harvey at kasama pa ang magandang kaklase na si Shirley, nagdilim ang kanyang mukha. Tinitigan niya ito. "Harvey, ayos lang kung di ka umalis. Ngayon gusto mo pang dalhin kasama mo ang maganda naming kaklase. Sino ka ba sa tingin mo? Isa ka bang asensadong tao? Wag mong kakalimutan! Isa kang live-in son-in-law, at nahihiya kami na magkaroon ng kaklaseng kagaya mo!"

"Tama yan! Lahat ng mga kaklase namin ay maayos ang kalagayan. Isa kang kahihiyan!"

"Dalian mo at umalis ka na! Shirley, isa siyang live-in- son-in-law. Wag kang magpapaloko sa kanya!"

Si Howard ang bida ngayong gabi. Ang mga kaklaseng ito ay nasa lipunan na sa loob ng maraming taon. Hindi sila ganoon kahusay ngunit lahat sila ay magaling sa pambobola. Sa sandaling ito, malaswa nilang iniinsulto si Harvey.

Napakunot ng noo si Harvey. Kung di lang dahil sa takot na baka mapahamak si Shirley mamaya, hindi na niya ginustong magsalita pa.

Kalaunan, napansin ni Howard na hindi pa umaalis si Harvey at pakiramdam niyang napapahiya siya. Naglabas siya ng isang bank card at inihagis ito sa hapag. Ngumisi siya, "Waiter, bill please. Kapag may hindi sumuko, edi ipapakita ko sa kanya na hindi niya mabibili ganitong pagkain sa buong buhay niya!"

Maraming taong sumingap nang makita ang ginawa ni Howard.

Silver card! Mga tao lamang na may higit isang milyong kayamanan ang maaaring makakuha nito.

Hindi nila inakala na may ganitong nakamit si Howard sa ganito kamurang edad. Nakakaloko talaga ang itsura.

Sa kabilang banda, mahirap si Harvey at isang talunan. Paano nangyaring ganon kalaki ang agwat sa pagitan nh dalawang tao?

Siguradong maging si Wendy ay hindi mapigilang tignan si Howard nang ilang beses nang makita niya ang silver card. Tila ba ang lalaking ito ay medyo mahusay.

Natuwa si Howard nang makita niya ang nasisiyahang mata ng dalaga. Tumitig siya kay Harvey at nagpatuloy. "Hindi, nagbago bigla ang aking isip. Waiter, mag Dutch tayo ngayonh gabi. Isa para sa kanya at ang lahat ay ako na ang sasagot. Tulungan mo akong paghiwalayin sa dalawa ang bayarin."

Tumango ang waiter at bumaba.

Nalungkot si Shirley para kay Harvey sa sandaling ito. Diba mas mabuti na kung umalis na siya ngayon? Ang pagkain ngayong gabi ay natatantyang nasa sampung libo, at ang katampatang magagastos ng bawat tao ay higit sa isang libo. Mababayaran ba ito ni Harvey?

Napabuntong-hininga si Shirley nang pag-isipan niya ito. Tahimik niyang inilabas ang kanyang bank card. Kailangan niyang bayaran ang bayarin para kay Harvey para hindi ito mapahiya.

Sa sandaling ito, ang waiter na may hawak sa kanyang card, at isang taong mukhang ang manager ay mabils na naglakad papasok sa isang pribadong kwarto.

Yumuko ang waiter kay Howard nang mukhang nalulungkot at sinabi. "Ginoo, paumanhin, kulang ang balanse sa inyong card."

Nagulantang sandali si Howard. Pagkatapos ay galit niyang sinabi, "Nagbibiro ka ba? Milyon-milyon pa ang meron ako sa card na yan, paano mo nasasabing kulang ang balanse ko?!"

"Opo, ginoo. Paumanhin. Ang pagkain ngayong gabi ay 1.8 million dollars. Kailangan mo pang magbayad ng 1.7 million dollars pagkatapos ibawas ang bayarin ng lalaking ito…"

"Pfft…"

Halos tumawa nang malakas si Harvey nang marinig niya ang numero. Nagmistulang bastos ito.

Ang Howard na ito ay isang tunay na tanga. Kahit na walang may alam tungkol sa dalawang bote ng wine na inilabas ng waiter, alam ito ni Harvey.

Ito ay ang kilalang Eden XIII, isang French original royal wine, na may presyong nasa walong daang libong dolyar. Bumili si Howard nh dalawang bote ngayon lang, at ang presyo ay nasa higit 1.6 milyong dolyar na.

Nagulat si Howard. Itinuro niya ang waiter at sinabi, "Niloloko mo ba ako? Wala pang dalawampung katao anh nandito. Paano kami nakagastos ng nasa dalawang milyong dolyar? Dalhin mo ang manager mo dito. Gusto kong makita kung gaano kakurakot ang hotel niyo!"

Napabuntong-hininga ang waiter. Inasahan na niya ito. Umatras siya at sinabi, "Ito ang aming manager."

"Magaling!" Sigaw ni Howard habang nakatitig sa maayos manamit na manager sa harapan niya. "Balak niyo bang mawalan ng trabaho? Paanong naging isang daang libong dolyar ang katampatang gastos? Kilala mo ba ako? Pinsan ko si Don Xander!"

Hindi nagmamadali ang manager. Mabagal niyang sinabi, "Ginoo, ipagpaumanhin mo. Ang pagkain ay nasa sampung libong dolyar lamang. Subalit, bumili ka ng dalawang bote ng pinakamagandang French wine, ang Eden XIII ngayon lang. Bawat isa nito ay nagkakahalagang walong daan at walompung libong dolyar. Kaya kailangan mong magbayad ng 1.76 milyong dolyar. Ito ay halos 1.8 milyong dolyar matapos idagdag ang pagkain. Ngunit dahil pinsan ka ni Mr. Xander, tinipon na namin ang numero…"

"Sa maniwala ka o sa hindi, papatayin kita!" Galit na sinabi ni Howard. Hinablot niya ang damit ng manager. "Paano kayo nagkaroon ng wine na nagkakahalagang higit sa walong daang libong dolyar? Kahit na mayroon kayo nito, hindi ko sinabing gusto ko ng ganito kamahal na wine. Tatawag ako ng pulis!"

Ikinalma ng manager ang kanyang sarili at dahan-dahang ihinawi palayo ang kamay ni Howard.

Nasa ganitong posisyon na siya sa loob ng maraming taon. Kaya nakita na niya ang lahat ng klaseng tao sa Niumhi noon. Subalit, ito ang unang pagkakataon na makakita siya ng isang taong walang pera ngunit nagpanggap pa rin na mayaman.

Malumanay niyang sinabi matapos huminga nang malalim, "Ginoo, hayaan mong ipaliwanag ko sa iyo ang ilang bagay. Una, ihinandog namin sa iyo ang pinakamagandang wine na iyong hiniling. Ikalawa, ipinaalala sa iyo ng aming waiter ang presyo nang dalawang beses, pero wala kang pake. Ikatlo, ang lahat ng ito ay nakatala, kaya may ebidensya kami. Kung gusto mong tumawag ng pulis, sige lang."

Clap, clap…

Malumanay na pumalakpak ang manager matapos niyang magsalita.

Boom! Sinipa pabukas ang pinto ng pribadong kwarto. Ilang mga malaking taong nakapang ilalim ang sumugod. Lahat sila ay mababagsik at nakakatakot.

Nang magpunta para magbalita sa kanya ang security ngayon lang, naramdaman na niya na may isang taong gagawa ng gulo, kaya nagdala siya ng mga bodyguard kasama niya.

Nanlamig ang pawis ni Howard at siya ay nanginig. Nagngitngitan ang kanyang mga ngipin at sinabi niya, "Nasaan ang amo niyo? Gusto kong makita ang amo niyo! Nagpapatakbo kayo ng isang "black shop"!"

"Sinasabi mo bang nagbukas ako ng isang "black shop"?"

Isang binatang may buzzcut ang may suot ng puting damit at may hawak na dalawang bola sa kanyang kamay. Nakangiti itong lumapit.

Suot niya ang salamin na may ginintuang na frame, mukhang nakakatakot, at masama. Napahikbi ang mga tao sa itsura niya.

Ang may-ari ng Platinum Hotel, si Tyson Woods ay itinuturing na isa sa pinakakilalang tao sa Niumhi. Ang Platinum Hotel ay isa sa mga pagmamay-ari niya.

Magmumura sana si Howard, ngunit nagpatuloy sa pagtagaktak ang kanyang pawis sa mga oras na ito. Ito ay si Tyson Woods! Siya ay isang kilalang tao!

Talagang sumobra siya ngayon, lalo na magkaibigan si Don at Tyson. Alam niya na wala lang si Don sa harap ni Tyson.

Si Howard ay isa lamang trabahador. Ang lakas ng loob niyang banggain si Tyson?

Galit na sinabi ng manager nang makita na dumating ang boss, "Ginoo, mayroon kang silver card at may hawak ka ring isang Audi car key. Sa tingin ko hindi ka naman isang taong hindi kayang magbayad. Hiningi mo mismo ang pinakamagandang wine at nanghingi pa ng dalawa. Ngayon tumatanggi kang bayaran ito."

"Hindi! Di ko gagawin yun!" Mabilis na sinabi ni Howard, "Magbabayad kami, babayaran namin to!"

Tinignan niya ang kanyang mga kaklase para humingi nang tulong habang nagsasalita. Mayroon lamang siyang isang milyong dolyar na natitira sa kanyang card. Ito ang kalahatan ng yaman na inipon niya sa loob nitong nakaraang taon. Binili niya pa gamit ng utang ang kanyang Audi. Paano niya magagawang maglabas ng dalawang milyong dolyar mag-isa?

Ang mga kaklaseng binobola siya kanina lang ay tumitingin sa lahat ng direksyon. 'Kanina lang, gusto mong magyabang at hiningi mo ang pinakamahal na wine. Anong nais mong iparating? Ngayon gusto mong tulungan ka naming magbayad? Imposible!'

Kaagad na nalaman ni Tyson kung ano ang iniisip nila. Dahan-dahan siyang lumapit at tinapik nang dalawang beses ang mukha ni Howard. Sinabi niya pagkatapos, "Bata, kung wala kang pera, huwag kang magpanggap na mayaman at magpakumbaba ka ha?"

"Opo, opo, opo…"

"Hindi mo kailangang magbayad ngayong gabi," ngumiti si Tyson. "Pero sa isang kondisyon…"

"Pakiusap sabihin mo! Pakiusap! Gagawin ko ang lahat…" nagmamakaawang sinabi ni Howard.

Malagim na ngumiti si Tyson. "Hayaan mong sumama siya at siya sa akin."

Sumulyap siya kay Wendy at kay Shirley. Ang dalawang babaeng ito, isa ay seksi at isa ay dalisay.
Comments (1)
goodnovel comment avatar
TevarJane
maganda po ba to?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 9

    "Ah…" natulala si Howard, ito ay… "Hindi?" "Hindi… hindi… kapatid na Tyson, magpakasaya ka…" Hindi naglakas-loob si Howard na tumingin kay Wendy pagkatapos niyang magsalita. Sa halip, kinuha niya ang susi sa lamesa at tatakbo na sana. "Howard! Walanghiya ka!" Nanggigil sa galit si Wendy. Hindi niya inakala na ang isang lalaking tulad niya ay duwag pala. Natatakot din ang ibang mga kaklase. Lahat sila ay mukhang takot na mapahamak. Si Harvey lamang ang nandoon na walang emosyon, hindi dahil sa ibang bagay, kundi dahil sa siya ang nagsanay kay Tyson Woods palihim noong siya ay nasa Yorks. Dating nasa kalye si Tyson noong bata pa siya. Wala siyang pera at kapangyarihan. Halos mapatay na siya sa kalye maraming beses na. Isang beses, nakilala niya si Harvey at naisip na maaari siyang maging isang kilalang tao, kaya napagpasyahan niyang sanayin siya. Nagulat siya na ganito na ang inilaki ni Tyson sa loob ng ilang taon. Subalit, hindi gusto ni Harvey na makilala siya. Hindi na s

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 10

    Sa sumunod na umaga, si Harvey namumula pa ang mga mata at magulo pa ang buhok ay pumunta sa pinakamayaman na distrito sa Niumhi sa kanyang electric bike.Ang York Enterprise ay matatagpuan sa pinakamagandang lokasyon.Tumawag si Yonathan kagabi sa kanya at sinabi na natapos na niya ang mga proseso ng pagpasa sa York Enterprise. Kung pipirmahan niya ang mga papeles ngayon, ang kumpanya ay mapupunta na sa kanya.Si Harvey ay medyo nagaalala sa bagay na ito. Kung sabagay, binili niya ang kumpanya ng sampung bilyong dollars. Iyan ang dahilan bakit nagmadali siyang pumunta dito ng maaga ng hindi pa kumakain ng almusal.Si Harvey ay walang masabi ng makarating siya sa kumpanya. Hindi nakakapagtaka kung bakit ito ang pinakamayamang lugar sa Niuhi. Mayroong mga luxury cars sa kung saan-saan. Nagpunta siya dito gamit ang kanyang electric bike. Kung iiwan niya lang ang kanyang bike dito, siguradong tatangayin ito ng kung sinuman mamaya.Umikot siya sa kumpanya at nakakita na parking space

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 11

    “Sinasabihan mo ba akong umalis?”Natawa si Harvey Paano na lang magagawa ng empleyadong paalisin ang boss?“Hindi mo ba naiintindihan ang mga sinabi ko? Pinapaalis na kita! Kahit na sino ang tumanggap sayo, wala akong pakialam kung sino pa siya, sa madaling salita, umalis ka na ngayon!” Nagngingitngit ang mga ngipin ni Wendy.Naglabas siya isang tumpok ng pera mula sa kanyang bag matapos magsalita at tinapon ito sa lapag. Galit niyang sinabi, “Ayaw mong umalis, ano? Hindi ba’t gusto mo lang ng pera? Kuhanin mo na ang perang iyan at umalis ka na!”Sa sandaling ito, isang nakakabinging busina ang narinig, ang lahat ng empleyado ay nagsitabi, dahil isang Bentley ang huminto sa paradahan ng presidente.Tapos, isang babae na nasa kanya 20’s, na nakasuot ng puting pang itaas, magandang leather pants at ponytail, ay mabilis na naglakad pababa habang may hawak na pouch.Ang kanyang itsura ay kasing lebel ng kay Wendy, ngunit ang kanyang paguugali ay napakalayo kumpara kay Wendy.Wala s

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 12

    Namumula si Wendy habang si Harvey ay nakatitig sa kanya ng diretso. Nahihiya siya. Siya ay sobrang arogante sa harapan ni Harvey kagabi at kinasusuklaman pang makaupo ito. Subalit, siya ngayon ang nakatayo dito ngayon, inaantay ang kanyang utos.Nakatitih si Harvey sa kanya ng ilang sandali. Gayunpaman ang dating kaklase na ito ay mukhang medyo mayabang, ang kanyang paguugali ay hindi ganun kasama.Kalmado niyang sinabi ng maisip niya ito. “Hindi kita tatanggalin sa trabaho dahil dito. Para sa iyong promosyon, ipakita mo kung ano ang kaya mo, saka tayo magusap pagnagawa mo iyon.” Hindi na niya siya pinansin matapos sabihin ito. Kakakuha niya pa lang sa kumpanya at hindi niya pa naiintindihan kung paano ito tumatakbo. Bakit naman niya sasayangin ang oras niya sa pagsasalita ng kalokohan kay Wendy?Kahit na maganda si Wendy, nakakita na si Harvey ng mas magagandang babae, kahit papaano ang kanyang asawa—si Mandy ay mas maganda sa kanya.…Ang presidente ng York Enterprise ay nagb

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 13

    “Huh?” Napahinto si Harvey ng sandali at nakalimutang lunukin ang steak sa kanyang bibig. Bakit hindi niya alam kung ano ang mangyayari?Si Xynthia ay mas nandiri ng makita niya na kumakain ng malakas si Harvey. Mayabang niyang sinabi, “Hindi ako takot na sabihin sayo. Si Brother Don ay opisyal na nagpropose ng pagpapakasal sa Zimmer family. Magpapadala siya ng dowries ngayong gabi. Kung may isip ka, wala kang gagawin. Kung wala naman...”Inirapan siya ni Xynthia ng sinabi niya ito. Kahit na ang Zimmer family ay nagpapatakbo ng legal na negosyo, mayroon pa din silang ilang mga bodyguard. Kung ang taong ito ay gustong gumawa ng gulo, siguradong patutumbahin nila siya.“Kung gayon, lahat kayo, manatili kayong tahimik. May sasabihin si Senior!”Nasa pinakamataas na posisyon, si Senior Zimmer ay inunat ang kanyang kamay at kumatok sa lamesa. Inaasahan niya at sinabi, “Narinig niyo na siguro ang balita, tama? Hindi ako sigurado kung bakit, ngunit ang presidente ng York Enterprise ay big

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 14

    Nakatingin ang lahat doon. At nakita nila si Don na nakasuot ng magandang damit at ang kanyang buhok ay nakasuklay papunta sa likod. Mukha siyang gwapo at matalino. Mayroon siyang hawak na reagalo sa kanyang kamay at naglalakad siya papasok ng nakangiti.“Salubungin natin si Mr. Xander ng masigabong palakpakan!” Sumigaw ang isang batang lalaki.Iba’t ibang klase ng pagsisigaw ang biglaang narinig.Kapansin-pansin na ang isang batang talentadong lalaki tulad ni Don ay mas kikilalanin at sasalubungin ng Zimmer family kumpara kay Harvey.Ang importante pa, maaari niyang tulungan ang Zimmer family!Sa sandaling ito, ang buong Zimmer family ay nakatingin kay Don na para bang siya ang Diyos ng Yaman!Nakangiti si Don at kumaway sa mga tao sa paligid niya. Mukha siyang bituing naglalakad sa red carpet at mukhang taong mataas ang lipad.“Senior Zimmer, pasensya na sa pagabala sayo. Nagpunta ako dito ng hindi iniimbita. Subalit, diretso akong tao. Kaya, magsasalita ako kung mayroon akong

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 15

    Noong una kakaiba ang pakiramdam ni Mandy sa loob niya ng makaramdam siya ng init sa kanyang puso sa sandaling ito. Isang hindi maipaliwanag na pakiramdam ang naranasan sa kanyang puso.May pakiramdam siya na ang mga rosas na pinadala kahapon ay galing kay Don. Tutal inamin na ni Don ito ngayon, tama nga talaga siya tungkol sa bagay na ito.Hindi niya inaakala na si Don ay talagang gagawin ang sinabi niya. Nagsalita lang siya tungkol sa mga Prague rose kahapon ng umaga. Kung gayon, ang mga rosas ay ipinadala sa kanya sa hapon at kasama ang Heart of Prague sa loob nito.Ang bagay na ito ay hindi madaling mahanap. Kung kaya, pinagplanuhan niya na ito ng matagal na panahon, tama ba?Kahit na alam ni Mandy na hindi siya pwedeng tumanggap sa pagpapakasal na ito dahil sa kasal na siyang babae, naantig pa din siya at nahihiya.“Hoy, nakita niyo ba iyon? Sobrang nakakatawa yung ekspresyon ni Harvey! Nagulat siya! Hahaha!”Samantala, si Zack ay tumayo, tinuro ang direksyon kung nasaan si

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 16

    Ang buong Villa Zimmer ay tahimik sa sandaling iyon. Halos lahat ay lumingon kay Harvey nang may dismaya.Kampante ang manugang na iyon sa mga sinabi niya. Baka kilala niya kung sino ang bagong CEO ng York Enterprise.Ni hindi siya pinaniwalaan ni Don. Malamig siyang ngumiti at sinabing, “Sige! Sabihin mo sa amin! Sino ang bagong CEO sa aking enterprise?"Nag-inat si Harvey at tinuro ang sarili niya. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang sinabi, "Ang bagong CEO ng York Enterprise ay ako."Ang lahat ay nagulantang..Ngunit sa sumunod na sandali…"Ikaw?" Sa simula ay naguluhan si Don. Dali-dali niyang hinawakan ang kanyang tiyan at malakas na humalakhak.Nahirapan siyang tumigil sa pagtawa. Pagkatapos ay tumingin siya kay Senyor Zimmer. “Senyor Zimmer, Akala ko nung una ay gusto lang ng manugang mo magpalabas. Pero nagulat ako nang makita ko siyang parang tanga.”Matapos niyang sabihin iyon, natawa din sina Zack at ang iba pa. Tumingin sila kay Harvey na para bang nakatingin sila sa i

Latest chapter

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5111

    ”Suportahan ang main branch?”Marahang ngumiti si Dalton."Baka may mga bagay na hindi mo alam. Bakit hindi tayo maghanap ng lugar para pag-usapan ito? Sa ganitong paraan, malalaman mo kung sino ang karapat-dapat sa suporta.”Lumiko si Dalton, pumasok sa isang maliit na silid kasama ang ilang mga katulong at bodyguard.Kumunot ang noo ni Kairi bago siya sinundan ng ilan sa kanyang mga katulong. Susuko siya sa sinuman—maliban kay Dalton.Ang hidwaan ng pangunahing sangay sa iba pang mga sangay ay matagal nang nagaganap. Kung susuko siya ngayon, papayagan lang niyang lumipat ng panig ang mga matatanda mula sa pangunahing sangay.Ilang minuto ang lumipas, umupo ang dalawa sa isang dilaw na bulaklak na peras na kahoy na sofa. Ngumiti si Dalton sa kanya.“Pag-usapan muna natin kung ano ang gusto kong sabihin sa iyo, Lady Patel."Diretso akong tao, kaya patawarin mo ako kung may masabi akong makakapagpalungkot sa iyo."Una, maaari kong hayaan kang manatili sa iyong posisyon.“Panga

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5110

    Ang lalaki ay may maayos na buhok at may kwintas na pang-ngipin ng tigre sa kanyang leeg. Wala siyang ibang palamuti.Gayunpaman, ang kuwintas lamang ay nagkakahalaga ng milyon-milyong dolyar. Kung ikukumpara sa aktwal na alahas, ang kuwintas ay talagang nakahihigit.May dala siyang pino at kaakit-akit na aura, na para bang siya ay isang tunay na prinsipe na may magandang asal.Wala nang iba kundi isa sa mga pangunahing tauhan ngayong gabi, ang prinsipe ng sangay ng Wolsing, si Dalton Patel.Bumati siya at nakipagkamay sa mga pamilyar na mukha habang naglalakad. Ang mga mayayamang babae ay napuno ng kagalakan nang makita nila si Dalton. Ang mga batang ginoo at iba pang mga kilalang tao ay nagpakita ng magagalang na tingin nang batiin siya.Si Dalton ay may pambihirang katayuan sa loob ng pamilya. Sinasabing mahusay siya sa martial arts, at kalahating daan na patungo sa pagiging Diyos ng Digmaan. Kahit na hindi siya makatalo kay Elias, isa pa rin siyang kahanga-hangang tao.Mas ma

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5109

    "Ang mga Diyos ng Digmaan ay tao lamang! Ang mga baril at armas ay pareho lang ang pinsala sa kanya! Barilin siya!”Inilabas ng mga eksperto ang kanilang mga baril na naka-off ang safety bago subukang hilahin ang gatilyo.Swoosh!Si Elias ay isang Diyos ng Digmaan—bakit pa niya bibigyan ng pagkakataon ang mga taong ito? Ipinagpag niya ang kanyang mahabang espada, agad na pinapatumba ang mga tinatawag na eksperto.Mabilis niyang inikot ang likod ng kanyang palad, pinatumba si Titania sa lupa. Sumigaw siya sa sakit, ang buong katawan niya ay nanginginig nang labis.Pumalakpak si Harvey, senyales kay Elias na panatilihing buhay ang lahat. Ngumiti siya kay Titania."Sa tingin mo ba talaga may pagkakataon kang patayin kaming dalawa?"“Dapat alam ni Dalton na wala ka talagang lakas.”"Hindi naman niya hinihingi ang aking ulo para ipakita ang katapatan sa simula pa lang.""Sinusubukan lang niyang subukan si Elias.""Sa limang prinsipe, wala siyang respeto at takot kay Alfred. Ang ka

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5108

    Lumabas ang dalawa mula sa restawran. Habang papasok sila sa kotse, may isang Land Cruiser na mabilis na dumaan.Agad na nag-parking ang kotse, at lumabas ang isang babae na may hawak na pangsibat kasama ang maraming eksperto sa martial arts. Sinalakay nila ang buong lugar na may mga kalmadong ekspresyon.Umiling si Harvey ng nakangiti. "Sabihin mo, sa tingin mo ba ang mga eksperto na ito ay para sa iyo, o para sa akin?"Nagpakita si Elias ng kakaibang ekspresyon."Kahit gaano ako kasimple, prinsipe pa rin ako ng sangay ng Mordu. Ako ang Diyos ng Digmaang na kilala ng lahat. Hindi sila baliw para labanan ako.”Hinampas ni Harvey ang kanyang tuhod."Magandang punto! Malamang nandito sila para sa akin, kung gayon. Nag-iisa lang ako nang walang tulong sa teritoryo ng pamilya Patel!Sandaling tumingin si Harvey sa kanyang telepono."Well, well! Wala ring signal dito!"Kailangan mong bantayan nang mabuti ang kaibigan mo dito, Elias. Ito ang Patel Residence. Kailangan mong managot k

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5107

    Si Elias ay kumunot ang noo kay Harvey sandali bago huminga ng malalim."Sa relasyon namin, tiyak na kakampi ako kay Kairi."“Gayunpaman… Wala nang pag-asa si Kairi na manalo."Si Dalton ay gumagamit ng lahat ng kanyang lakas upang agawin ang trono ng pamilya."Hindi lang ang sangay ng Wolsing, pati ang sangay ng Northsea at Mordu ay sumusuporta sa kanya. Maraming matatandang miyembro mula sa pangunahing sangay ang sumusuporta sa kanya."Si Kairi ay hindi makabangon."Humigop si Harvey ng kanyang tsaa, pagkatapos ay tiningnan si Elias nang may pag-usisa."Si Dalton? Ang prinsipe ng sangay ng Wolsing? Kilalang-kilala mo ba siya? Anong klaseng tao siya?”Nag-isip si Elias sandali."Si Dalton ang pinakamataas sa lahat ng limang pangunahing sangay. Hindi lamang siya mahusay sa martial arts, kundi isa rin siyang napakahusay na manlilinlang. Dahil sa kanyang katayuan sa Wolsing, mayroon siyang magandang relasyon sa sampung pinakamataas na pamilya at sa sagradong lugar ng pagsasanay

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5106

    Nang makita ni Kairi ang mga tao mula sa overseas at Gangnam branch na umalis, nag-atubili siya sandali bago tuluyang huminga ng malalim.Ngumiti si Harvey nang makita ang ekspresyon ni Kairi."Ano? Nagsisi ka ba na dinala mo ako dito?“May pagkakataon ka pang iligtas ang sitwasyon."Papuntahin mo ang mga tao mo sa kanila. Malamang patawarin nila ang pangunahing sangay para dito.”Si Kairi ay matalim na tumingin kay Harvey. "Minamaliit mo ba ako?"Ngumiti si Harvey."Medyo masyadong kumplikado ang sitwasyon ng pamilya mo ngayon. Wala tayong ibang pagpipilian kundi harapin sila agad."Kapag naintindihan nila na ito lang ang paraan para mapanatili ang kanilang mga posisyon, tiyak na susuko sila...""Wala na tayong oras para makipaglaro sa kanila."Sumimangot si Kairi. “At kung hindi nila maisip iyon?”"Kung gayon, kailangan lang nating pahinain sila bago ang lahat," sagot ni Harvey. "Isa pang bagay, makikipagkita ako kay Elias. Tingnan natin kung makukuha natin siya sa panig m

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5105

    Hindi na magtatangkang ipakita ni Rudy ang kanyang lakas.Sa wakas, naintindihan niya ang sitwasyon.Si Harvey ay isang kept man… ngunit padalos-dalos din siya.Kung patuloy na magmamalabis si Rudy, tiyak na papatayin siya nang walang pag-aalinlangan!Ang makapangyarihang tao ay hindi ilalagay ang sariling buhay sa panganib. Siya ay isang makapangyarihang prinsipe; hindi ito makabuluhan na mamatay dahil lamang sa isang simpleng alagad!Sa mga sandaling ito, nagpasya siyang pigilin ang sarili at magpakatatag."Oh? Tumigil ka na rin pagkatapos mong matutunan ang leksyon mo?”Sinipa ni Harvey si Rudy sa tabi."Tigilan mo na ang pagpapakita sa harap ko. Kung gagawin mo ulit ito, papatayin kita!“Ngayon, umalis ka na!“Kung gusto mong makatrabaho kami, kung ganun isipin mo ang aming kondisyon!“Kung hindi, magkikita tayo bilang magkaaway!”Natisod si Rudy pabalik kay Alfred, mukhang miserable. Puno siya ng pagkabigla at galit, ngunit hindi na siya naglakas-loob na labanan pa si

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5104

    “Aaagh!”Si Rudy ay nanginginig sa sakit.Wala talagang balak si Harvey na palayain siya; agad niyang tinapakan ang mukha ni Rudy, pinadapa ang mukha nito sa sahig na kahoy.Lahat ay natigilan; hindi man lang sila makapag-isip habang pinapanood nila ito nang may pagkabigla.Siyempre, walang inaasahan na magiging matapang si Harvey na gawin ang ganitong bagay. Hindi lang siya hindi natatakot sa mga banta ni Rudy, naglakas-loob pa siyang tapakan ang mukha ni Rudy.Unang bumalik sa katinuan si Alfred, at nagalit. "Ano ang ibig sabihin nito? Alam mo ba ang mga magiging kahihinatnan ng paggawa ng ganitong bagay?”Sumigaw si Titania at ang iba pa sa matinding galit matapos makabawi sa kanilang mga sarili."Anong karapatan mong saktan ang aming prinsipe, hayop ka?! Papatayin ka namin!"Ipinagpag ni Titania ang kanyang panghampas at sumugod pasulong. Ang mga eksperto ng Gangnam branch ay humugot ng kanilang mga armas; sila ay nag-aalab sa galit, handang putulin si Harvey sa piraso.Ka

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5103

    Nagpakita si Rudy ng tusong ngiti, na parang nakontrol na niya ang sitwasyon. Pati si Alfred, na kalmado sa buong panahong ito, ay tumingin nang may pag-usisa kay Harvey.Ang mga nakatayo sa likuran ay nagmamasid kay Harvey nang may pagdududa. Sila ay kumbinsido na pinapahiya niya ang kanyang dangal bilang isang lalaki.Hawak ni Harvey ang tseke, at ilang beses niya itong sinilip."Ang daming zero; maraming tao ang hindi makikita ang numerong ito sa buong buhay nila..."Talagang nakakaakit, syempre. Pero hindi ito sapat.”Tumawa si Rudy nang malamig."Ano? Sa tingin mo ba ay masyadong maliit ang labinlimang milyon?"Binigay ko sa iyo ito para sa ikabubuti ng pangunahing sangay!“Kung patuloy kang magmalaki at magmataas, huwag mo akong sisihin kung hindi ako magpigil!"Makakamit ko ang aking layunin sa pagpatay sa iyo!""Ang layunin namin ay simple: nandito kami para pigilan si Kairi na magkaroon ng live-in na manugang!""Patayin namin kung sino man ang interesado siya!"Sin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status