Share

Kabanata 2

Author: A Potato-Loving Wolf
“Isang mensahe mula sa mga York.” Bahagyang nakasimangot si Harvey.

Ang mga York ay ang pinaka-maimpluwensyang pamilya sa South Light. Kalaunan, si Harvey ay ang nararapat na tagapagmana.

Ngunit tatlong taon na ang nakaraan, may isang tao sa pamilya nila ang inakusahan siya na binulsa niya ang pondo ng kumpanya. Kung kaya, ang kanyang estado bilang tagapagmana ay nawala.

Ang buong pamilyang York ay may parehong opinyon at si Harvey ay agad na tinakwil. Bukod dito, ang kanyang mga magulang ay ipinadala sa ibang bansa at hindi na niya sila nakita mula noon.

Nang umalis siya sa mga York tatlong taon ang nakararaan, wala siyang kahit isang sentimo. Labis siyang naapektuhan ng matinding dagok sa ekonomiya, at siya ay nagkasakit ng malubha. Sa kabutihang palad, si Lola Zimmer ay mabait at kinupkop siya. Pinayagan niya pa siyang maging manugang, kaya't hindi siya namatay sa isang malagim na trahedya.

Gayunpaman, kahit na kasal siya kay Mandy sa loob ng tatlong taon ngayon, sa papel lang sila kasal.

Kung hindi sinubukan ng mga Zimmer na protektahan ang kanilang reputasyon, maaaring walang matutuluyan si Harvey.

Tatlong buong taon na ang nakalipas. Tila nasanay na si Harvey sa ganoong klaseng buhay. Sa katunayan, siya ay isa lamang manugang na inampon ng mga Zimmer.

May isa pang bagay na naging sanhi ng higit na matinding kirot sa puso ni Harvey. Bagaman laging prangka at deretsong nagsasalita sa kanya si Mandy, siya ay ubod ng ganda. Matapos ang tatlong taon na pagsasama nila, napagtanto ni Harvey na tuluyan nang ang loob niya sa isang pag-ibig na walang pag-asa.

Habang iniisip niya ang mga iyon, nakatanggap siya ng isa pang mensahe sa kanyang telepono.

"Sir, nakikiusap po ako sa iyo. Tulungan niyo na po kami! Hindi ba bumili ka po ng ilang mga stock ng isang minahan ng ginto tatlong taon na ang nakakaraan? Kamakailan lamang ay nalaman na mayroong maraming halaga ng ginto sa minahang iyon. Ngayon, ang presyo ng stock ng minahan ng ginto ay labis na tumaas! ”

"Ngayon, tinigil ang pagpopondo sa kumpanya at kailangan namin kaagad ang iyong tulong. Kung hindi, masisira ang ating pamilya! "

Naguluhan si Harvey.

Sandali siyang hindi kumibo. Sa mga taong iyon, namuhunan siya ng milyon-milyong dolyar sa minahan ng ginto. Ito rin ang dahilan kung bakit sinabi ng mga York na ninakaw niya ang pondo ng kumpanya, at dahil dito ay itinakwil siya.

Hindi pa ito naging tatlong taon, at nalaman nila na ang minahan ng ginto ay puno ng malaking halaga ng ginto, at samakatuwid ay napakalaking pagtaas ng presyo ng stock din.

Sa sumunod na sandali, mabilis na nilabas ni Harvey ang isang itim na bank card.

Ang itim na card na iyon ay inabandona sa loob ng tatlong taon. Isa itong gamit na nagpapakita ng kanilang katayuan sa buhay. Sinasabing makukuha ng isang tao ang kahit anong nanaisin niya saan man siya, basta nagmamay-ari siya ng card na ito.

Dali-dali niyang tinawagan ang 24-hour customer service hotline na nasa card. Narinig niya sa kabilang linya ang malambing na boses ng isang babae. "Dear G. York, magandang araw. Maaari ko bang malaman anong maitutulong ko sa inyo?"

"Pakitingnan kung magkano ang laman ng aking account!"

"Walang problema. Mangyari pong maghintay kayo nang sandali," magalang na sinabi ng babae. Kasunod nito, malinaw na nanginig ang kanyang boses at halatang nagulat siya. "G. York, ang balanse ng iyong account ay masyadong malaki na tinago ito bilang seguridad. Wala akong kakayahang tinangan ang balanse para sa iyo. Akin pong ire-request ito ngayon. Maaari bang tawagan ko kayo maya-maya?"

"Walang problema." Binaba na ni Harvey ang tawag. 'Ang halaga ng pera ay malaki na naka-lock ang account para sa seguridad nito.'

"Humalakhak siya. Hindi niya sukat akalain, naglabas siya ng milyon-milyong dolyar at nag-invest doon para sa katuwaan niya. Hindi niya naisip na ang ganoong uri ng investment ay bibigyan siya ng malaking surpresa. Hindi alam ni Harvey magkano ang perang pag-aari niya ngayon.

***

Masayang naglakad pauwi si Harvey. Nang nakauwi na siya, si Mandy ay matagal nang nakauwi.

Sa kabilang banda, may dalawa pang babae sa sala. Mula sa malayo, nakikita niya ang dalawang maganda at kaakit-akit. Bukod dito, si Mandy ay ubod ng ganda. Kasama ni Mandy ang dalawang pinakamatalik niyang kaibigan, sina Cecilia Zachary at Angel Quinn.

Nila nila pinansin si Harvey nang pumasok siya sa sala.

Si Angel na nakaupo sa gilid ay nagbuntong-hininga. Sinabi niya, "Mandy, mag-usap tayo nang masinsinan. Narinig ko na may mga problema ang inyong kumpanya?"

Napahawak si Manday sa kanyang sentido. Sumagot siya, "Oo, itong mga nakaraang araw, nagkaroon ng problema sa pera ang kumpanya. Ngayon, kailangan namin ng limang milyong dolyar. Kung hindi ko makuha agad ang pera, maaaring ang kumpanya ko ay…"

Muling nagbuntong hininga si Angel. "Pero Mandy, hindi madaling makakuha ng limang milyong dolyar sa maikling panahon…"

Si Cecilia na nakaupo sa kanilang tabi ay sumang-ayon rin.

Tiningnan ni Mandy ang kanilang mga reaksyon, at napagtanto niyang wala silang maitutulong sa kanya, kaya medyo nataranta siya. Nang makita niya si Harvey, hindi niya mapigilang tingnan siya nang masama. Sumigaw siya, "Harvey, kailan ka pa nagkaroon ng karapatang makinig habang mayroon kaming seryosong usapan? Umalis ka at maglaba ng damit ko! Gumamit ka ng maligamgam na tubig sa paglalaba. Kapag nangupas ang mga damit ko, sisiguraduhin kong sa labas ka matutulog ngayong gabi!"

Aalis na dapat siya para maglaba nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Sa hindi inaasahan, isa itong tawag mula sa 24-hour customer service ng itim na card.

Sinagot ni Harvey ang tawag at muli niyang narinig ang malambing na boses ng isang babae. "Dear G. Harvey, matapos naming siyasatin, nalaman naming ang iyong buong pag-aari ay nakalagay sa isang offshore account. Kung susubukan naming busisiin, maaari naming malabag ang iyong karapatan. Minumungkahi naming tawagan mo kami kapag may oras ka na. Tapos ay magpapadala kami ng susundo sa iyo papunta sa headquarters ng Niumhi agad-agad, para makita mo mismo ang balanse ng iyong account. Sumasang-ayon ba kayo?"

Nagsalita si Harvey. "Sige, pero bakit ang dami kong kailangang gawin para alamin ang balanee ng isamg offshore account?"

Binaba niya tawag matapos sabihin iyon. "Mandy, nakakatuwa ang iyong asawa." Hindi mapigilang humalakhak ni Angel. "Gusto niyang malaman ang balanse ng kanyang offshore account? Gaano karaming palabas ang pinanood nito? Alam ba niya kung ano ang isang offshore account?"

Napangiti si Mandy nang marinig niya ito. Sinabi niya, "Baka narinig niya ang usapan namin ni Dad sa telepono noong mga nakaraang araw. Iniisip niya bang offshore accounts ang tawag sa lahat ng bank accounts?"

"Pero lagi ko siyang binibigyan ng daang dolyar bilang pocket money niya araw-araw. Iniisip ko kung iniipon niya iyong sobra."

"Mandy, maayos ang pagtuturo mo sa alaga mo. Mukhang masinop siya!" Bahagyang ngumiti si Cecilia. Sa katunayan, hindi nila mapigilang matuwa. Sa pagkakataong iyon, medyo nainis si Harvey at lumapit kay Mandy. "Mahal, hindi ba nangangailan ang kumpanya mo ng limang milyong dolyar? Bakit hindi… mo ako hayaang tulungan kitang ayusin ito."

Humahalakhak nang malakas si Cecilia. Sa mga sandaling iyon, tumingin siya kay Harvey at sinabi, "Harvey, alam mo ba kung gaano kalaking halaga ang limang milyong dolyar? Hindi ito maliit na halaga. Kahit na ipunin mo ang isang daanh dolyar na pocket money mo araw-araw, paano ka magkakaroon ng limang milyong dolyar?"

Ngumisi ai Harvey. "Paano kung kaya ko?"

Pangungutya ni Cecilia, "Kung kaya mong maglabas ng limang milyong dolyar, luluhod ako sa harap mo at tatawagin kang daddy!" Humahalakhak siya nang malakas.

"Ganoon ba?" Ngumiti si Harvey. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Kung ganoon, tandaan mo ang iyong sinabi. Huwag mong kakalimutan ang iyong pangako."

Hinawakan ni Mandy ang kanyang sentido habang nasa tabi nilang dalawa. Iwinagayway niya ang kanyang kamay sabay sabing, "Tama na yan. Lumayas ka at huwag ka nang umasa. Nakakahiya ka."

"Oo na", ang sabi ni Harvey. Hindi na niya dinepensahan ang sarili niya.

***

Nang gabing iyon, natulog pa rin si Harvey sa bulwagan. Hindi siya makapaniwala sa magandang balita.

"Tunay ngang hindi ako nananaginip!" Hindi mapigilan ni Harvey na tapikin ang kanyang mukha. "Kailangan ko lamang pumunta sa bangko bukas para malaman kung magkano ba talaga ang perang pag-aari ko."

Buong gabi siyang hindi mapakali. Kinabukasan, maagang nilabas ni Harvey ang kanyang electric bike. Hindi niya inaasahan na may mag-iiwan ng baterya para sa kanya. Matapos niyang pag-isipan, alam niyang si Mandy lang ang gagawa niyon. Walang iba sa mga Zimmer ang magiging mabait sa kanya para gawin iyon.

Pagkatapos niyang ikabit ang baterya, naghanda na si Harvey para pumuntang bangko.

"Harvey, saang lupalop ka pupunta nang ganito kaaga?" Sa balkonahe mula sa ikatlong palapag, nakita niya ang isang dalagang nakapantulog pa. Kamukha niya si Mandy. Sa sandaling iyon, nakatitig diya nang masama kay Harvey. Siya si Xynthia.

"Magandang umaga." Magalang na bumati si Harvey.

"Hindi pa rin ako makapaniwalang kinasal ang ate ko sa isang walang kwentang taong katulad mo. Kung ako iyon, sinakal na kita sa gabi ng kasal!"

Mukhang masungit si Xynthia. Naghagis siya ng document folder pababa kay Harvey. "Nakalimutan ng ate kong dalhin ang dokumentong iyan para sa meeting niya. Dalhin mo yan sa kanya. Kung mahuli ka, alam mo na mangyayari sa iyo!"

Hindi matatanggi, kahit senior pa lamang si Xynthia sa high school, nakuha niya pa rin ang magandang lahi ng mga Zimmer. Meron siyang maliit na baywang na may mahabang biyas. Tunay ngang siya'y kaakit-akit.

Nakatulalang pinulot ni Harvey ang mga dokumento. Sa tatlong taong pagiging kasal niya kay Mandy, hindi niya pinayagan si Harvey na puntahan siya sa opisina sa takot na mapahiya siya dahil kay Harvey. Ngayon, gusto niyang dalhin ni Harvey ang mga dokumento sa kanya. Panaginip ba ito?

"Lumayas ka na agad!" Nang makita niyang tulala si Harvey, nagalit si Xynthia. Matatangkad at gwapo ang ibang mga bayaw. Pero bakit ang kanyang bayaw ay isang walang kwentang duwag? Hindi niya man lang kayang tingnan si Harvey.

Higit pa dito, ayaw ni Harvey na makipaghiwalay. Sino ba siya sa tingin niya?
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5797

    Pagkaraan ng ilang minuto, umalis na ang lahat.Kahit hindi pa nakakapasok sa No. 1 villa, alam na ng lahat na si Harvey York ay malamang na kinakasama ni Aria Surrey. Kung hindi ganoon ang sitwasyon, hindi siya titira sa lugar na tulad nito.Hinihintay siya ni Aria sa villa, mukhang handang magbigay ng leksyon kay Harvey.Nawalan ng pag-asa si Harlan Higgs. Hindi niya inakala na bababa nang ganito ang antas ni Harvey.Medyo nalungkot din si Whitley Cobb.‘Alam din ba ng Surrey family ang nangyari sa Mandrake Residence? Kaya ba sila kumikilos nang ganito kabilis?‘Hindi kayang kalabanin ng pamilya ko ang isang malaking pamilya na tulad nila!'Hindi makapagsalita sina Billie Higgs at Judith Pedler.‘Isa siyang kahanga-hangang lalaki, pero may iba na siyang kinakasama…”Si Aliza lang ang mukhang masaya. Para sa kanya, masarap sa pakiramdam ang ibunyad ang tunay na kulay ni Harvey!-Habang ganap na binabalewala ang iniisip ng iba, kaswal na pumasok si Harvey sa sala.Si Lenno

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5796

    ”Uuwi na tayo?“Hindi ba ipapakita pa sa’tin ni Harvey ang villa niya?”Ayaw pang umalis ni Aliza Howell.“Hindi pwedeng umalis na tayo ngayon! Hindi pa natin nasisilip ang loob!“Isa pa, magkapitbahay kayo!“Tutal maganda ang relasyon mo sa kanya, maganda siguro kung bibisitahin niyo ang isa’t isa paminsan-minsan, 'di ba?“Kung hindi ka sanay sa paligid dahil sa iyong edad, mabuti pa mauna ka nang umalis.“Maiiwan kami ni Billie dito.”Natural lang na akalain ni Aliza na lubos niyang nasira ang reputasyon ni Harvey York nang magmukha siyang arogante.Kung sabagay, ang pagligtas ni Harvey sa kanya ang pinakamalaking kahihiyang naranasan niya.Gusto niyang tapakan si Harvey at ipaalam sa lahat na wala siyang silbi.Higit pa rito, hindi mapupunta sa kanya ang mga matalik niyang kaibigan sa ganitong paraan.Sa halip, maipapakilala niya sila sa iba pang mayayamang tagapagmana.“Kalimutan mo na, Aliza,” sabi ni Judith.“Lahat tayo ay magkakaklase dito sa unibersidad. Magpakita

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5795

    Mapait na tumawa si Harvey York. Hindi niya balak mag-aksaya pa ng oras sa iba.Pero sa puntong ito, wala na siyang pagpipilian kundi dalhin sila sa kanyang bahay.Maganda rin na ipakita kay Harlan Higgs ang kaunti pang impormasyon tungkol sa kanya.Kung hindi, baka hindi matanggap ni Harlan ang katotohanan kung malalantad ang lahat.Kung sabagay, maayos naman ang pagtrato niya kay Harvey.Dahil doon, pumayag na lang siya.Umakyat ang grupo sa mga hagdanang bato bago nakarating sa tuktok ng bundok sa harap ng No. 1 villa.Hindi lang sinakop ng villa ang karamihan sa espasyo ng bundok, kundi ito rin ang may pinakamahinhing disenyo.Sa ilalim ng malabong ilaw, ang buong lugar ay tila isang ethereal na paraiso.Kung sabagay, ang mga taong nakatira sa No. 1 villa ay maaaring makita ang buong paligid sa isang sulyap lamang.Pagkalapit sa villa, biglang tumunog ang telepono ni Harvey.Tiningnan ni Harvey ang screen bago nakita ang isang hindi kilalang numero. Sumenyas siya sa mga

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5794

    Magkakahalong emosyon ang naramdaman ni Harvey York matapos makita sina Mandy Zimmer at Rhodes Wright na sumakay sa iisang sasakyan.Naging maingat siya nang makarating sa labas ng bayan, pero hindi niya inaasahang magagalit nang ganito kay Mandy.“Kalimutan mo na ‘yun.”Lumapit si Judith Pedler sa tabi ni Harvey.“Halos limang taon ang tanda niya kaysa sa’tin. Wala kang pag-asa sa kanya.”Walang masabi si Harvey matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Judith.‘Hindi ko naman pwedeng sabihin sayo na ex-wife ko siya, hindi ba…?’Natapos ang selebrasyon pagkaraan ng isang oras.Maraming bisita ang sunod-sunod na umalis. Si Harlan, ang kanyang pamilya, at ang dalawang matalik na kaibigan ni Billie Higgs lamang ang natira.Dahil kay Mandy, hindi na naganahan si Harvey na paluhurin si Aliza Howell bilang paghingi ng paumanhin. Plano niyang ayusin ang mga bagay-bagay pagkauwi niya.“Saan ka pupunta, Harvey?“Naghanda ako ng isang kuwarto para sayo dito. Dumito ka muna sa ngayon.”

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5793

    Walang nakaramdam sa lumalaking tensyon sa pagitan ni Mandy Zimmer at Harvey York. Lahat sila ay sabik na nakatingin kay Rhodes Wright.“Dahil nandito ka na, maaari mo bang suriin ang mga bead?“Malaki ang posibilidad na galing ang mga ito sa isang tindahan sa tabi ng kalsada. Marahil ay makakasira ito sa iyong mga mata, ngunit dapat nating samantalahin ang pagkakataong ilantad ang tunay na kulay ng lalaking iyon.“Mabilis mo naman itong masusuri, hindi ba?”Ngumiti si Rhodes kay Mandy bago siya tumingin sa paligid niya.“Parte ako ng team na inupahan ni Ms. Zimmer.“Dahil hiniling niyang gawin ko ito, walang dahilan para tumanggi ako.”Dinampot ni Rhodes ang mga bead sa mesa bago tiningnan nang malapitan.Pagkatapos, huminga siya nang malalim bago tuluyang nagsalita.“Ang dalawang bead na ito ay hindi bababa sa isang libong taon na ang edad.“Ang mga ito ay tinatawag na Millenium Beads. Ito ay mga bead ng maalamat na Medicine Avatar.“Ang mga bead na ito ay ginagamit na gam

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5792

    Pagkakita sa tanawin at pagkarinig sa mga salita ni Aliza Howell, hindi maiwasan ni Whitley Cobb na malungkot.Akala niya, may magandang ibinigay si Harvey York dahil napakalakas niyang tao…Pero hindi niya inakala na mabubunyag siya sa harap ng mga propesyonal na tulad noon.Natawa si Harlan Higgs. Sinubukan niyang mamagitan sa sitwasyon.“Estudyante lang naman si Harvey.“Ang mahalaga ay ang intensyon. Hindi mahalaga kung mahal o hindi ang mga regalo.”Natawa si Aliza nang malamig. Hindi niya basta-bastang palulusutin si Harvey.“Oo, maaari mong sabihin iyan…“Pero talagang kasuklam-suklam siya dahil niloloko niya ang iba gamit ang ilang basura mula sa isang tindahan sa tabi ng kalsada!"Talagang dapat mo nang paalisin dito ang lalaking ito, Tito Harlan!“Pinarurumi niya ang hangin habang lumilipas ang bawat minuto!”Sumimangot si Harlan.Sinubukan niyang mamagitan sa sitwasyon, pero nakialam si Aliza at sinira ang lahat.Sa sandaling sasabihin na sana ni Harlan ang isan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status