HINDI AGAD nakagalaw si Tallulah sa mga naging tanong ni Kendric sa kaniya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Kinikilig siya sa ginawa nitong effort para sa proposal nito kahit alam nitong nagsinungalin siya sa binata pero sa loob niya'y hindi buo ang desisyon niya para sa tanong nito.Handa na ba siya para tanggapin ang binata bilang magiging asawa niya at makakasama habang buhay? Ito na ba ang tamang panahon?Tinikom niya ang kaniyang bibig at napalunok. Tiningnan niya si Kendric na nakaluhod pa rin sa harap niya habang may hawak itong box na mayroong singsing. Maraming bumubulong sa isip niya at hindi niya alam kung bakit kailangan niyang isipin si Gael sa magiging desisyon niya."Yes! Yes!" sigaw ng mga guro at magulang na naroon. Bakas ang kilig sa kanilang mga mukha. Sino nga ba namang hindi kikiligin sa ginawa ni Kendric. Bukod kasi sa gwapo na ito, makikita rin ang pagmamahal nito sa pamamagitan ng mga ginagawa nito."Talu, masaya ako sa bawat araw na kasama kita, na
"TALI, anak," narinig niyang tawag sa kaniya ng kaniyang ina habang tahimik siyang nakaupo sa sala ng bahay. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin siya makatulog dahil sa patuloy na gumugulo sa isip niya ang lahat ng sinabi ng ina ni Kendric. Humarap siya kay Caroline at ngumiti. "Bakit gising ka pa?" Yumuko siya at marahang hinaplos ang braso niya na nakahalukipkip. "Hindi pa po kasi ako inaantok, Mom," dahilan niya.Lumapit ito sa kaniya at umupo sa kaniyang tabi. Bumuntong-hininga ito. "Dahil ba 'to sa pamilya ni Kendric? Hindi mo sa akin maitatago ang nararamdaman mo, 'nak dahil kung ano'ng nararamdaman mo, ganoon din sa akin. Everything changed hindi lang sa buhay na mayroon tayo, kung 'di maging sa mga taong kaibigan natin noon," malungkot na pagtatapat ni Caroline.Kumawala siya ng hangin at malungkot na tiningnan ito. "Mom, lahat ba ng nararanasan ko, ng pamilya natin ay dahil sa pagkakamaling nagawa ko noon?" Nanubig ang mga mata niya at bahagyang kumiling. "I'm sorry, Mom!
NGUMISI si Gael nang marinig nito ang pagtawag ni Tallulah ng Kuya sa binata. Hindi na ito nagulat at tanging ang makahulugang tingin ang pinukol nito sa kaniya."I know it's you, Tallulah Lopez! I won't never forget you and all the things you've done to me." Ang seryoso nitong mukha ay napalitan ng galit at poot. Tumalim iyon na nagbigay sa kaniya ng takot. "Tapos na ang pagpapanggap, Tallulah dahil kahit hindi kita nakikita at kahit hindi ka magpakilala sa akin, kilala kita." Suminghap ito at sarkastikong ngumiti. "Sa tingin mo ba hindi kita makilala? Hindi kita makakalimutan dahil ikaw ang dahilan ng lahat ng ito!" madiin nitong sambit na nangangalit ang mga ngipin.Mahigpit na napahawak siya sa laylayan ng kaniyang suot na damit. Binalot siya ng kaba at takot sa pwedeng gawin ni Gael sa kaniya. Hindi naman na siya nagulat sa pagtatapat nito dahil iyon naman ang inaasahan niya pero ang galit nito, hindi na niya kayang takasan pa.Natigilan siya at hindi agad nakasagot. Napalunok si
NASAPO ni Tallulah ang kaniyang noo at tiningnan ang kaniyang ina na nagpapahiwatig na dalhin muna nito si Callum sa silid nito na nakuha naman nito ang ibig niyang sabihin."Let's go to your room, Apo," anito at inakay nito ang nagtatakang bata. Nilingon pa sila nito na bakas ang pagkabahala roon.Nang mawala ang mga ito, hinarap niya si Kendric na bakas ang magulong isip sa kaniyang mukha. Hindi na niya alam ang dapat niyang gawin gayong ang tanging alam niya, kailangan niyang pagbayaran ang lahat ng nagawa niya noon."K-Kendric, I'm sorry!" sunod-sunod na pumatak ang luha sa mga mata niya dahil alam niyang masasaktan niya ang binata na hindi nito deserve."Bakit ka nagso-sorry, Talu?" naguguluhan nitong tanong na bakas doon ang kaba.Bumuntong-hininga siya at pinakatitigan ang nobyo. "Wala akong ibang magawa, Kendric kung 'di ang tanggapin at pagbayaran ang pagkakamali ko noon sa kamay ni Gael. I'm sorry dahil...h-hindi ko kayang takasan ang nakaraan na pilit kong kinalilimutan."K
"ANO'NG plano mo, Sir Gael ngayong alam na ni Tali na kilala mo siya?" tanong ni Hiro sa kaniya habang nakatayo siya at nakaharap sa veranda ng silid niya habang hawak ang kaniyang stick para maging gabay niya sa kaniyang paglakad.Walang emosyon ang kaniyang mukha. "Simple lang, ipararanas ko sa kaniya ang hirap. Paulit-ulit kong ipapaalala sa kaniya na siya ang dahilan ng lahat ng ito at hindi ko ibibigay ang kapanatagang hinahanap niya." Ngumisi siya. "Sinira niya ang buhay ko at iyon din ang gagawin ko sa kaniya.""We both know that you and Tali has a son, Sir Gael. Paano siya? Paano ang anak mo, maaari siyang maapektuhan sa gagawin mo," ani Hiro na tila ba hindi ito sang-ayon sa gusto niyang gawin.Natigilan siya. Dahil sa galit na nararamdaman niya kay Tallulah, nakalimutan niyang may anak nga pala siya sa dalaga. Sa kabila ng poot na mayroon siya, hindi niya itinatakwil ang batang naging bunga ng lahat ng ginawa nito noon. Excited na nga siyang makita at mayakap ito dahil alam
"YOU'RE crying?" Lumingon si Tallulah sa lalaking tumabi sa kaniya habang nakatayo siya sa terrace ng mansyon at umiiyak dahil kay Gael. Tumambad sa kaniya si Serum na nakalahad ang kamay na may panyo.Umiwas din agad siya at bahagyang yumuko. "O-ok lang ako, Serum," kaswal niyang sabi at pinahid ang luha sa kaniyang pisngi."Ok? But you look not ok, Tali. Remember what I've said, nandito ako lang ako to hear your rant and sentiments. Dahil ba kay Gael?" Bumuntong-hininga ito at hinarap siya.Nagulat siya nang hawakan nito ang balikat niya at marahan siyang hinarap. Dahan-dahan nitong pinunasan ang pisngi niya gamit ang panyo nito. Natigilan siya at nakaramdam ng pagkailang.Bahagya siyang umatras at hindi makatingin sa binata. "O-ok na ako, Serum. Salamat!" Tumingin na lang siya sa malawak na kalangitan na puno ng bituin."Bakit ba nagtitiis ka sa ugali ni Gael? Why you're still here to take care of him even he's always mad at you? Pwede ka namang maghanap ng ibang trabaho. Kung pag
NAG-AALALANG nilapitan ni Tallulah si Kendric habang pilit itong pinipigilan ng guard. Halos matumba na ito dala ng kalasingan. Kita niya sa mukha nito ang lungkot at selos na nararamdaman ng binata dahil sa takot nito habang kasama niya si Gael."Kendric, tama na," malungkot niyang sabi at nilapitan ito. Binitawan ito ng guard at dinaluhan niya si Kendric. "Ano'ng ginagawa mo rito?" nababahala niyang tanong.Namumungay ang mga matang tiningnan siya ni Kendric. Bakas doon ang pananabik na makita siya. Marahan nitong hinawakan ang pisngi niya at hinaplos iyon. "Talu, please, sumama ka na sa akin. Uuwi na tayo," pakiusap nito.Umiwas siya rito ng tingin. Alam niyang nandoon si Gael na nakikinig. "Kendric, I'm sorry! Hindi ko gustong saktan ka, hindi ko gustong maging ganito ka. Please, tama na! Hayaan mo muna akong manatili rito habang pinagbabayaran ko ang kasalanan ko," aniya. Naawa siya kay Kendric. Niyakap niya ito ng mahigpit."Talu, I can't! H-hindi ko kayang maghintay habang nand
"HAIST!" Inis na nagpagulong-gulong si Tallulah sa kaniyang higaan dahil hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip niya ang sinabi ni Gael sa kaniya kanina habang ginagamot niya ang sugat nito. Bakit parang seryoso ang binata roon? "Ano ba, Tali? Hindi ka dapat maapektuhan sa laro ni Kuya Gael," pagpapakalma niya sa sarili.Kapagkuwa'y bumangon siya sa mula sa pagkakahiga at nakasimangot na tumingala. Naiinis siya sa sarili niya naapektuhan siya sa binata. Umiling siya. Wala siyang dapat maramdaman para kay Gael kung 'di awa at konsensiya.Bumuntong-hininga siya nang maalala si Kendric. Sinubukan niyang tawagan at i-text ang binata pero hindi siya nito sinasagot. Nag-aalala siya para sa nobyo dahil alam niyang nasaktan niya ito ng labis.Kapagkuwa'y nagpasiya siyang bumaba ng silid para uminom ng tubig. Kailangan niya iyon para kalmahin ang kaniyang sarili. Palagi niyang dapat tandaan ang dahilan kung bakit siya naroon at iyon lang ang pakay niya. Hindi na ulit siya mahuhulog kay Ga
NIYAKAP NI Tali ang sarili nang umihip ang malamig na hangin mula sa dalampasigan. Palubog na ang araw kaya naisip niyang maglakad muna sa tabi ng dagat bago magsimula ang bonfire ng pamilya.Nasa isang resort sila sa Cavite para roon magdiwang ng birthday ni Callum at ng isang pang magandang balita para sa kanila ni Gael.Ilang buwan na ang nagdaan, marami nang nagbago pero ang pagbabagong iyon ay naging mabuti para sa lahat. Tuluyang nakulong si Serum dahil sa mga kasalanan nito at gayon din ang ama ni Kendrick na siyang sumalo ng lahat. Hindi siya masaya sa nangyari pero kailangan niyang itama ang lahat. Bumuntonghininga siya at lumingon sa palubog na araw. Napangiti siya dahil sa napakaganda niyon. Kumalat ang kulay kahel na ulap habang sumasabay ang alon ng dagat na nagbibigay ng magandang tanawin.Nagpatuloy siya sa paglalakad pero agad siya nagulat nang bigla na lang may yumakap sa kaniyang tela."You should wear jacket, baka malamigan si baby." Napangiti siya nang makilala si
MABILIS na nilapitan ni Gael si Serum at ginawaran ito ng suntok. Natumba ang binata at dahil sa galit niya, pumaibabaw siya at ginawaran ito ng sunod sunod na suntok. Bawat tama ng kamao niya, bitbit niyon ang galit.Ngunit mabilis din niyang pinigilan ng mga naroon. Duguan ang labi ni Serum habang nakalupasay ito at hindi na halos makatayo. Binalingan niya si Hiro na namimilipit sa sakit."H-Hiro! Hiro, are you ok?" Nababahala niyang tanong.Mayamaya pa, dumating na rin ang mga pulis agad nilang inaresto si Serum. Nilapitan niya si Hiro. "I-I'm fine, Sir," sabi nito. Nagawa pa nitong ngumiti."I'm sorry, Serum," ani naman ng kaniyang ina."It's my duty to protect you and Sir Gael, Madam."Ilang saglit pa at may dumating na rin na medical team para kunin doon si Hiro at dalhin sa hospital."A-ano'ng nangyari?"Kapwa napalingon si Gael at Donna nang makita si Tali at Callum na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha ng mag-ina. Lumapit si Tali at agad siyang niyakap."Ok lang po ba kay
"SIR, NAGHIHINTAY na ang mga board," ani Hiro habang hindi mapakali si Gael sa kinatatayuan niya. Kinakabahan siya at hindi niya mawari ang nararamdaman. Natatakot siyang matalo at mapunta kay Serum ang lahat ng dapat sa kaniya."Hiro, ano'ng gagawin natin? I-I know most of the boards are now in Serum's hand at wala na tayong magagawa roon," frustrated niyang sambit. "Kahit ano'ng panliligaw ang gawin natin sa kanila, hindi na sila papanig sa atin."Malungkot na yumuko si Hiro. "Sir, hindi pa tapos ang laban and we need to fight no matter what. Kailangan ninyong magtiwala sa kakayahan mo, sa mommy mo at sa mga board na nagtitiwala sa iyo.""Tama si Hiro, Gael at naniniwala akong hindi ang pera o suhol ang rason para iboto ka nila, kung 'di dahil sa kakayahan mo, sa talino mo sa paghawak ng kompanya at sa kaya mo pang gawin. We believe in you, kami ng anak mo at alam kong ganoon din sila sa iyo." Ngumiti si Tali na kakapasok lang silid, akay si Callum.Napangiti si Gael at mabilis na n
MASAYANG ngumiti si Tallulah habang pinagmamasdan niya ang pagkaing niluto niya para kay Gael. Balak niya iyong dalhin sa kompanya para makakain ito dahil nitong mga nakaraang araw ay masyado itong busy sa trabaho at dahil na rin sa nalalapit na board meeting kaya kailangan nitong maghanda para sa pwedeng ibato sa kaniya ni Serum.Matapos niyang ilagay sa lunch box ang pagkain, masaya siyang lumabas na ng bahay. Nasa school naman si Callum at dadaanan na lang niya ito mamaya pag-uwi niya. Nag-commute na lang siya dahil wala namang available na sasakyan sa bahay.Nang makarating siya sa kompanya, agad siyang nagbayad at bumaba sa taxi. Ngumiti siya at tiningnan muli ang dalang lunch bag. Siguradong magugustuhan iyon ni Gael dahil pinuno niya ng pagmamahal ang pagkaing inihanda niya para rito.Naglakad na siya papasok sa ground floo ng building. Ngumiti siya sa guard at ganoon din ito. Kilala na rin naman kasi siya sa kompanya bilang girlfriend ni Gael kaya hindi na rin nakakapagtaka na
"HIRO, how's the investigation?" tanong ni Gael habang nakaupo siya sa kaniyang opisina."We need more time to gather all the evidence we needed, Sir. Hindi pa matibay na evidence ang ilang email and texts mula sa ilang boards para idiin si Serum at ang ilang kasabwat nito," ani Hiro na nakatayo sa tapat niya.Pinatong niya ang siko sa table at marahang hinaplos ang labi niya. "I can't wait any longer, Hiro kailangan nating makahanap ng matibay na evidence para makulong si Serum at mapagbayaran niya lahat ng anomalyang ginagawa niya sa kompanya," galit niyang sabi."Don't worry, Sir gumagawa na tayo ng paraan para makakuha pa ng mas matibay na ebedensiya at hindi magtatagal magagamit natin 'yon para ipakulong si Serum."Bumuntonghininga siya. Hindi siya matatahimik hanggat alam niyang nandiyan pa sa kompanya si Serum. Alam niya ang gusto nitong gawin sa negosyo ng pamilya niya at alam niyang utay-utay na nitong kinakain ang kompanya para tuluyang mapasakaniya ang lahat ng pinaghirapan
"I-I'M sorry, Tali," simula ni Kendrick habang nakaupo ito sa sofa kung saan katapat nito siya. "Sorry for what?" nagtataka niyang tanong. Nagulat na lang siya nang sumulpot ito sa tapat ng bahay nila matapos ang ilang linggo na hindi ito nagparamdam sa kaniya. Si Callum naman ay hinayaan muna niyang maglaro sa labas."Sorry for everything that I've done, sa mga pagkakamali ko, sa mga kasalanan ko." Bumuntonghininga ito, saka nag-angat ng tingin sa kaniya. Mababakas ang lungkot sa mga mata nito. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano tatanggapin ang nangyari sa ating dalawa. Nahirapan ako, nasaktan ako ng sobra dahil akala ko, ikaw na ang babaeng makakasama ko buong buhay ko." Umiling ito. "I-I don't know how to start again without you, without Callum sa buhay ko. Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko, ang pangarap ko dahil kayo lang naman ang bumuo niyon and it's so hard for me to accept everything." Malungkot itong ngumiti.Hindi siya nakakibo. Kumurap siya at marahang yumuko dahil na
HINDI rin naitago ang saya ng mga magulang ni Tallulah nang malaman nito ang estado nila ni Gael dahil para sa kanila, iyon ang mas mabuti para kay Callum at sa kanilang dalawa dahil nagmamamahalan naman sila."I can't believe it's happening, Tali." Bakas pa rin ang saya sa boses ni Gael na animo'y hindi pa rin makapaniwala sa pagtanggap niya sa pagmamahal nito. "Alam kong nasaktan kita, nagtiis ka sa kagag*han ko, sa lahat ng ginawa ko at alam kong hindi ganoon kadaling tanggapin muli ako. I-I don't know how to explain how happy I am right now."Natawa siya habang nakahawak siya sa braso nitong nakayakap sa katawan niya mula sa kaniyang likod. "Nasaktan ako because that was my choice, Gael dahil kung hindi ko piniling ipilit ang sarili ko sa iyo noon, hindi ako masasaktan, wala tayo sa ganoong sitwasyon. Matagal ko nang tinanggap na lahat ng sakit at hirap na naranasan ko, dahil iyon sa mga naging desisyon ko noon pero hindi ko iyon lahat pinagsisihan dahil kung hindi ko ginawa iyon,
HANGGANG ngayon iniisip pa rin ni Tallulah ang maraming tanong sa isip niya na gusto niyang masagot pero hindi niya alam kung paano. Naguguluhan siya, hindi niya maintindihan ang lahat ng sinabi ni Braille sa kaniya na kahit anong gawin niya para unawain iyon, hindi niya magawa.Bumuntonghininga siya habang naglalakad patungo sa school ni Callum. Kakagaling lang niya sa trabaho at doon na dumeretso.Dahil sa lalim ng iniisip niya, dumeretso siya sa pagtawid sa kalsada nang hindi namamalayang mayroong sasakyan na daaraan. Ukupado kasi ng maraming bagay ang isip niya na kahit tunog sa paligid at pagtingin doon ay hindi na niya nabigyan pa ng pansin. Narinig na lang niya ang malakas na pagbusena ng sasakyang padaan at doon lang bumalik ang huwisyo niya. Nanlaki ng mga mata niya nang makita ang papalapit na sasakyan. Huli na kaya hindi niya alam ang gagawin. Hindi na rin gumana pa ang isip niya para makaiwas. Iyon na ba ang katapusan ng buhay niya? Pero hindi pa pwede.Sunod na lang niyan
"KENDRICK, a-anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba diyan?" gulat na salubong ni Tali nang madatnan niya ang binata sa harap ng bahay nila, nakaupo sa gilid ng bakod.Mabilis itong tumayo at hinarap siya. Ngumiti agad ito. "Ahm! G-gusto ko sanang ihatid ka sa trabaho mo since 'di naman ako busy today," tila nahihiya nitong sabi. Napakamot pa ito sa batok.Ngumiti siya. "Hindi na kailangan, Kendrick. Magko-commute na lang ako. Malapit lang din naman iyon.""No, Tali hassle mag-commute at isa pa, nandito na rin naman ako kaya pumayag ka na."Bumuntonghininga siya. "Kendrick, hindi mo 'to kailangang—""No, I insist, Tali. Gusto kong gawin 'to, pagsilbihan ka ulit...makasama." Bumakas ang labis na lungkot sa mukha nito."Pero hindi na tayo gaya ng dati. If you keep on doing this, mas mahihirapan kang kalimutan ang nararamdaman mo para sa akin.""Dahil ayaw kong kalimutan ka, Tali dahil mahal kita.""Pero hindi na tayo pwede, Kendrick. We need to live our own life dahil iyon ang mas makabu