"YOU'RE crying?" Lumingon si Tallulah sa lalaking tumabi sa kaniya habang nakatayo siya sa terrace ng mansyon at umiiyak dahil kay Gael. Tumambad sa kaniya si Serum na nakalahad ang kamay na may panyo.Umiwas din agad siya at bahagyang yumuko. "O-ok lang ako, Serum," kaswal niyang sabi at pinahid ang luha sa kaniyang pisngi."Ok? But you look not ok, Tali. Remember what I've said, nandito ako lang ako to hear your rant and sentiments. Dahil ba kay Gael?" Bumuntong-hininga ito at hinarap siya.Nagulat siya nang hawakan nito ang balikat niya at marahan siyang hinarap. Dahan-dahan nitong pinunasan ang pisngi niya gamit ang panyo nito. Natigilan siya at nakaramdam ng pagkailang.Bahagya siyang umatras at hindi makatingin sa binata. "O-ok na ako, Serum. Salamat!" Tumingin na lang siya sa malawak na kalangitan na puno ng bituin."Bakit ba nagtitiis ka sa ugali ni Gael? Why you're still here to take care of him even he's always mad at you? Pwede ka namang maghanap ng ibang trabaho. Kung pag
NAG-AALALANG nilapitan ni Tallulah si Kendric habang pilit itong pinipigilan ng guard. Halos matumba na ito dala ng kalasingan. Kita niya sa mukha nito ang lungkot at selos na nararamdaman ng binata dahil sa takot nito habang kasama niya si Gael."Kendric, tama na," malungkot niyang sabi at nilapitan ito. Binitawan ito ng guard at dinaluhan niya si Kendric. "Ano'ng ginagawa mo rito?" nababahala niyang tanong.Namumungay ang mga matang tiningnan siya ni Kendric. Bakas doon ang pananabik na makita siya. Marahan nitong hinawakan ang pisngi niya at hinaplos iyon. "Talu, please, sumama ka na sa akin. Uuwi na tayo," pakiusap nito.Umiwas siya rito ng tingin. Alam niyang nandoon si Gael na nakikinig. "Kendric, I'm sorry! Hindi ko gustong saktan ka, hindi ko gustong maging ganito ka. Please, tama na! Hayaan mo muna akong manatili rito habang pinagbabayaran ko ang kasalanan ko," aniya. Naawa siya kay Kendric. Niyakap niya ito ng mahigpit."Talu, I can't! H-hindi ko kayang maghintay habang nand
"HAIST!" Inis na nagpagulong-gulong si Tallulah sa kaniyang higaan dahil hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip niya ang sinabi ni Gael sa kaniya kanina habang ginagamot niya ang sugat nito. Bakit parang seryoso ang binata roon? "Ano ba, Tali? Hindi ka dapat maapektuhan sa laro ni Kuya Gael," pagpapakalma niya sa sarili.Kapagkuwa'y bumangon siya sa mula sa pagkakahiga at nakasimangot na tumingala. Naiinis siya sa sarili niya naapektuhan siya sa binata. Umiling siya. Wala siyang dapat maramdaman para kay Gael kung 'di awa at konsensiya.Bumuntong-hininga siya nang maalala si Kendric. Sinubukan niyang tawagan at i-text ang binata pero hindi siya nito sinasagot. Nag-aalala siya para sa nobyo dahil alam niyang nasaktan niya ito ng labis.Kapagkuwa'y nagpasiya siyang bumaba ng silid para uminom ng tubig. Kailangan niya iyon para kalmahin ang kaniyang sarili. Palagi niyang dapat tandaan ang dahilan kung bakit siya naroon at iyon lang ang pakay niya. Hindi na ulit siya mahuhulog kay Ga
"NO, Tali! Hindi ka dapat maapektuhan sa sinasabi ni Kuya Gael dahil nandito ka para pagbayaran ang kasalanan mo at hindi para ibalik ang nararamdaman mo noon," paalala ni Tallulah sa kaniyang sarili habang nakasandal sa likod ng pinto ng silid ni Gael. Pumikit siya ng mariin at napalunok. Ano ba kasing pinagsasabi ni Gael sa kaniya? Ano'ng gusto nito, mahalin niya ulit ito? Paanong magiging kabayaran iyon sa kasalanan niya noon? "Are you ok, Tali?" "Ay pangit ka!" gulat niyang sabi. Nagulat siya at alangang napangiti. "Sorry, Hiro nagulat lang ako," paliwanag niya. Kumunot ang noo nito at kapagkuwa'y napangiti na rin. "You seem so nervous, ok ka lang ba? May ginawa ba sa iyo si Sir Gael para magkaganiyan ka?" usisa nito. "Huh? W-wala, Hiro. I'm fine. I'm fine," aniya na hininaan sa huling sinabi. "Sige, mauna na ako sa iyo," paalam niya. Nahihiya pa siyang ngumiti bago naglakad palayo sa binata. Napakibit-balikat na lang ito at napanguso. Nakahinga siya ng maluwang nang makalay
"HANGGANG kailan ka magtitiis, Tali?"Napapitlag siya nang marinig ang boses na iyon. Mabilis niyang pinahid ang luha sa kaniyang mga mata at hinarap si Serum. Hindi kasi siya makatulog kaya nagpasiya siyang tumambay muna sa terrace ng mansyon para kalmahin ang sarili. Masyado na yata niyang mina-murder ang sarili niya sa pagtitiis at paniniwalang kasalanan niya ang lahat ng nangyari kay Gael.Pilit siyang ngumiti at umiwas din ng tingin sa binata. "I-ikaw pala, Serum, bakit gising ka pa?" aniya para ibahin ang usapan."Hindi ako makatulog so I decided to go up here," pakli nito. Lumapit ito sa tabi niya at humarap sa malawak na kalangitan. "Bakit tinitiis mo ang pagpapahirap sa iyo ni Gael, Tali? Alam kong may dahilan ka at paulit-ulit na rin ang tanong ko but I really wanna know why you're staying with him," anito na bakas doon ang kuryosidad.Bahagya siyang yumuko. Muli na namang tumulo ang luha sa mga mata niya dahil habang nararamdaman niya ang galit ni Gael, mas nanliliit siya.
BUMUNTONGHININGA si Gael habang nakatayo siya sa terrace ng mansyon at nakatingin sa malawak na kapaligiran. Hindi niya maintindihan ang sarili pero hanggang ngayon, iniisip pa rin niya si Tallulah at ang sinabi nito sa kaniya nang nagdaang araw. Paano kung mapagod ito at iwanan siya? Hindi niya alam pero may takot na lumitaw sa kaniya o baka marahil dahil hindi na siya makakaganti sa dalaga kapag umalis ito.Pinilig niya ang kaniyang ulo. "Stop thinking her, Gael. Remember what she did to you?" pagpapakalma niya sa sarili dahil baka nakalimutan na niya ang ginawa nito sa kaniya. Ito ang dahilan kung bakit nasira ang buhay niya.Kumapit siya sa bakal na nasa harap niya at suminghap. Natigilan na naman siya nang bumalik sa isip niya ang hitsura ni Tallulah habang umiiyak ito sa harap niya. Awa ba ang nararamdaman niya para rito o satisfaction? Hindi na niya alam dahil aminin man niya o hindi, apektado siya sa ginagawa niyang pasakit sa dalaga. Hindi niya alam ang dahilan pero baka dahi
"ARE you ok, Tali?"Naramdaman niya ang paghawak ni Caroline sa balikat niya habang nakatayo siya sa tapat ng bintana at pinagmamasdaan ang madilim na paligid. Pinahid niya ang luha sa kaniyang mga mata at bahagyang yumuko. Hanggang ngayon apektado pa rin siya sa lahat ng sinabi ni Gael sa kaniya, sa pangmamaliit nito sa kaniya at pagtapak sa pagkatao niya. Naiinis pa siya sa binata dahil nagpapanggap itong mabait sa kaniya at naguguluhan siya sa pinakikita nito.Hinarap niya ang kaniyang ina at ngumiti na may pagpapanggap. "O-ok lang ako, Mom," aniya. "Naisip ko lang kung umalis na kaya ako sa trabaho ko?"Kumunot ang noo ni Caroline. "Bakit naman, 'nak? Napapagod ka ba? May ginawa bang masama sa iyo si Gael? Did he hurt you?" sunod-sunod na tanong nito na bakas ang pag-aalala roon.Bumuntonghininga siya at humarap muli sa labas ng bintana. "Wala po siyang ginawa sa akin, Mom pero naisip ko pong baka maging dahilan lang ng pag-aaway namin palagi ni Kendric ang pagtatrabaho ko kay Kuy
"SIGE na, Callum pumasok ka na muna sa silid mo," utos ni Tallulah sa anak niya. Hindi niya maiwasang hindi mataranta at kabahan sa pagkikita ng mag-ama. Paano kung magtanong si Gael kung sino ang bata? Ano'ng isasagot niya?"T-totoo nga, ikaw nga, Kuya Gael," ani Brielle na hindi na naitago ang pagkasabik sa binata dahil naging malapit din naman sila sa isa't isa. Nilapitan nito si Gael at marahang tinitigan, saka niyakap. "I'm happy to see you again, Kuya Gael," masayang anito.Walang reaction si Gael habang nanatili lang ito sa kanina nitong pwesto. Nakasuot ito ng sunglasses kaya hindi niya makita ang paggalaw ng mga mata nito.Kapagkuwa'y ngumiti ang binata. "Brielle, ikaw na ba 'yan? I almost didn't recognize your voice, you already grown up," komento nito.Si Brielle naman ang lumungkot ang mukha at pinagmasdan si Gael. "I-I'm sorry, Kuya Gael for what happened to you. I feel bad dahil sa nangyari," anito.Dahan-dahan niyang tinago sa likod niya si Callum at hinarap ito habang
NIYAKAP NI Tali ang sarili nang umihip ang malamig na hangin mula sa dalampasigan. Palubog na ang araw kaya naisip niyang maglakad muna sa tabi ng dagat bago magsimula ang bonfire ng pamilya.Nasa isang resort sila sa Cavite para roon magdiwang ng birthday ni Callum at ng isang pang magandang balita para sa kanila ni Gael.Ilang buwan na ang nagdaan, marami nang nagbago pero ang pagbabagong iyon ay naging mabuti para sa lahat. Tuluyang nakulong si Serum dahil sa mga kasalanan nito at gayon din ang ama ni Kendrick na siyang sumalo ng lahat. Hindi siya masaya sa nangyari pero kailangan niyang itama ang lahat. Bumuntonghininga siya at lumingon sa palubog na araw. Napangiti siya dahil sa napakaganda niyon. Kumalat ang kulay kahel na ulap habang sumasabay ang alon ng dagat na nagbibigay ng magandang tanawin.Nagpatuloy siya sa paglalakad pero agad siya nagulat nang bigla na lang may yumakap sa kaniyang tela."You should wear jacket, baka malamigan si baby." Napangiti siya nang makilala si
MABILIS na nilapitan ni Gael si Serum at ginawaran ito ng suntok. Natumba ang binata at dahil sa galit niya, pumaibabaw siya at ginawaran ito ng sunod sunod na suntok. Bawat tama ng kamao niya, bitbit niyon ang galit.Ngunit mabilis din niyang pinigilan ng mga naroon. Duguan ang labi ni Serum habang nakalupasay ito at hindi na halos makatayo. Binalingan niya si Hiro na namimilipit sa sakit."H-Hiro! Hiro, are you ok?" Nababahala niyang tanong.Mayamaya pa, dumating na rin ang mga pulis agad nilang inaresto si Serum. Nilapitan niya si Hiro. "I-I'm fine, Sir," sabi nito. Nagawa pa nitong ngumiti."I'm sorry, Serum," ani naman ng kaniyang ina."It's my duty to protect you and Sir Gael, Madam."Ilang saglit pa at may dumating na rin na medical team para kunin doon si Hiro at dalhin sa hospital."A-ano'ng nangyari?"Kapwa napalingon si Gael at Donna nang makita si Tali at Callum na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha ng mag-ina. Lumapit si Tali at agad siyang niyakap."Ok lang po ba kay
"SIR, NAGHIHINTAY na ang mga board," ani Hiro habang hindi mapakali si Gael sa kinatatayuan niya. Kinakabahan siya at hindi niya mawari ang nararamdaman. Natatakot siyang matalo at mapunta kay Serum ang lahat ng dapat sa kaniya."Hiro, ano'ng gagawin natin? I-I know most of the boards are now in Serum's hand at wala na tayong magagawa roon," frustrated niyang sambit. "Kahit ano'ng panliligaw ang gawin natin sa kanila, hindi na sila papanig sa atin."Malungkot na yumuko si Hiro. "Sir, hindi pa tapos ang laban and we need to fight no matter what. Kailangan ninyong magtiwala sa kakayahan mo, sa mommy mo at sa mga board na nagtitiwala sa iyo.""Tama si Hiro, Gael at naniniwala akong hindi ang pera o suhol ang rason para iboto ka nila, kung 'di dahil sa kakayahan mo, sa talino mo sa paghawak ng kompanya at sa kaya mo pang gawin. We believe in you, kami ng anak mo at alam kong ganoon din sila sa iyo." Ngumiti si Tali na kakapasok lang silid, akay si Callum.Napangiti si Gael at mabilis na n
MASAYANG ngumiti si Tallulah habang pinagmamasdan niya ang pagkaing niluto niya para kay Gael. Balak niya iyong dalhin sa kompanya para makakain ito dahil nitong mga nakaraang araw ay masyado itong busy sa trabaho at dahil na rin sa nalalapit na board meeting kaya kailangan nitong maghanda para sa pwedeng ibato sa kaniya ni Serum.Matapos niyang ilagay sa lunch box ang pagkain, masaya siyang lumabas na ng bahay. Nasa school naman si Callum at dadaanan na lang niya ito mamaya pag-uwi niya. Nag-commute na lang siya dahil wala namang available na sasakyan sa bahay.Nang makarating siya sa kompanya, agad siyang nagbayad at bumaba sa taxi. Ngumiti siya at tiningnan muli ang dalang lunch bag. Siguradong magugustuhan iyon ni Gael dahil pinuno niya ng pagmamahal ang pagkaing inihanda niya para rito.Naglakad na siya papasok sa ground floo ng building. Ngumiti siya sa guard at ganoon din ito. Kilala na rin naman kasi siya sa kompanya bilang girlfriend ni Gael kaya hindi na rin nakakapagtaka na
"HIRO, how's the investigation?" tanong ni Gael habang nakaupo siya sa kaniyang opisina."We need more time to gather all the evidence we needed, Sir. Hindi pa matibay na evidence ang ilang email and texts mula sa ilang boards para idiin si Serum at ang ilang kasabwat nito," ani Hiro na nakatayo sa tapat niya.Pinatong niya ang siko sa table at marahang hinaplos ang labi niya. "I can't wait any longer, Hiro kailangan nating makahanap ng matibay na evidence para makulong si Serum at mapagbayaran niya lahat ng anomalyang ginagawa niya sa kompanya," galit niyang sabi."Don't worry, Sir gumagawa na tayo ng paraan para makakuha pa ng mas matibay na ebedensiya at hindi magtatagal magagamit natin 'yon para ipakulong si Serum."Bumuntonghininga siya. Hindi siya matatahimik hanggat alam niyang nandiyan pa sa kompanya si Serum. Alam niya ang gusto nitong gawin sa negosyo ng pamilya niya at alam niyang utay-utay na nitong kinakain ang kompanya para tuluyang mapasakaniya ang lahat ng pinaghirapan
"I-I'M sorry, Tali," simula ni Kendrick habang nakaupo ito sa sofa kung saan katapat nito siya. "Sorry for what?" nagtataka niyang tanong. Nagulat na lang siya nang sumulpot ito sa tapat ng bahay nila matapos ang ilang linggo na hindi ito nagparamdam sa kaniya. Si Callum naman ay hinayaan muna niyang maglaro sa labas."Sorry for everything that I've done, sa mga pagkakamali ko, sa mga kasalanan ko." Bumuntonghininga ito, saka nag-angat ng tingin sa kaniya. Mababakas ang lungkot sa mga mata nito. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano tatanggapin ang nangyari sa ating dalawa. Nahirapan ako, nasaktan ako ng sobra dahil akala ko, ikaw na ang babaeng makakasama ko buong buhay ko." Umiling ito. "I-I don't know how to start again without you, without Callum sa buhay ko. Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko, ang pangarap ko dahil kayo lang naman ang bumuo niyon and it's so hard for me to accept everything." Malungkot itong ngumiti.Hindi siya nakakibo. Kumurap siya at marahang yumuko dahil na
HINDI rin naitago ang saya ng mga magulang ni Tallulah nang malaman nito ang estado nila ni Gael dahil para sa kanila, iyon ang mas mabuti para kay Callum at sa kanilang dalawa dahil nagmamamahalan naman sila."I can't believe it's happening, Tali." Bakas pa rin ang saya sa boses ni Gael na animo'y hindi pa rin makapaniwala sa pagtanggap niya sa pagmamahal nito. "Alam kong nasaktan kita, nagtiis ka sa kagag*han ko, sa lahat ng ginawa ko at alam kong hindi ganoon kadaling tanggapin muli ako. I-I don't know how to explain how happy I am right now."Natawa siya habang nakahawak siya sa braso nitong nakayakap sa katawan niya mula sa kaniyang likod. "Nasaktan ako because that was my choice, Gael dahil kung hindi ko piniling ipilit ang sarili ko sa iyo noon, hindi ako masasaktan, wala tayo sa ganoong sitwasyon. Matagal ko nang tinanggap na lahat ng sakit at hirap na naranasan ko, dahil iyon sa mga naging desisyon ko noon pero hindi ko iyon lahat pinagsisihan dahil kung hindi ko ginawa iyon,
HANGGANG ngayon iniisip pa rin ni Tallulah ang maraming tanong sa isip niya na gusto niyang masagot pero hindi niya alam kung paano. Naguguluhan siya, hindi niya maintindihan ang lahat ng sinabi ni Braille sa kaniya na kahit anong gawin niya para unawain iyon, hindi niya magawa.Bumuntonghininga siya habang naglalakad patungo sa school ni Callum. Kakagaling lang niya sa trabaho at doon na dumeretso.Dahil sa lalim ng iniisip niya, dumeretso siya sa pagtawid sa kalsada nang hindi namamalayang mayroong sasakyan na daaraan. Ukupado kasi ng maraming bagay ang isip niya na kahit tunog sa paligid at pagtingin doon ay hindi na niya nabigyan pa ng pansin. Narinig na lang niya ang malakas na pagbusena ng sasakyang padaan at doon lang bumalik ang huwisyo niya. Nanlaki ng mga mata niya nang makita ang papalapit na sasakyan. Huli na kaya hindi niya alam ang gagawin. Hindi na rin gumana pa ang isip niya para makaiwas. Iyon na ba ang katapusan ng buhay niya? Pero hindi pa pwede.Sunod na lang niyan
"KENDRICK, a-anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba diyan?" gulat na salubong ni Tali nang madatnan niya ang binata sa harap ng bahay nila, nakaupo sa gilid ng bakod.Mabilis itong tumayo at hinarap siya. Ngumiti agad ito. "Ahm! G-gusto ko sanang ihatid ka sa trabaho mo since 'di naman ako busy today," tila nahihiya nitong sabi. Napakamot pa ito sa batok.Ngumiti siya. "Hindi na kailangan, Kendrick. Magko-commute na lang ako. Malapit lang din naman iyon.""No, Tali hassle mag-commute at isa pa, nandito na rin naman ako kaya pumayag ka na."Bumuntonghininga siya. "Kendrick, hindi mo 'to kailangang—""No, I insist, Tali. Gusto kong gawin 'to, pagsilbihan ka ulit...makasama." Bumakas ang labis na lungkot sa mukha nito."Pero hindi na tayo gaya ng dati. If you keep on doing this, mas mahihirapan kang kalimutan ang nararamdaman mo para sa akin.""Dahil ayaw kong kalimutan ka, Tali dahil mahal kita.""Pero hindi na tayo pwede, Kendrick. We need to live our own life dahil iyon ang mas makabu