Share

Kabanata 43: Gulo

NAG-AALALANG nilapitan ni Tallulah si Kendric habang pilit itong pinipigilan ng guard. Halos matumba na ito dala ng kalasingan. Kita niya sa mukha nito ang lungkot at selos na nararamdaman ng binata dahil sa takot nito habang kasama niya si Gael.

"Kendric, tama na," malungkot niyang sabi at nilapitan ito. Binitawan ito ng guard at dinaluhan niya si Kendric. "Ano'ng ginagawa mo rito?" nababahala niyang tanong.

Namumungay ang mga matang tiningnan siya ni Kendric. Bakas doon ang pananabik na makita siya. Marahan nitong hinawakan ang pisngi niya at hinaplos iyon. "Talu, please, sumama ka na sa akin. Uuwi na tayo," pakiusap nito.

Umiwas siya rito ng tingin. Alam niyang nandoon si Gael na nakikinig. "Kendric, I'm sorry! Hindi ko gustong saktan ka, hindi ko gustong maging ganito ka. Please, tama na! Hayaan mo muna akong manatili rito habang pinagbabayaran ko ang kasalanan ko," aniya. Naawa siya kay Kendric. Niyakap niya ito ng mahigpit.

"Talu, I can't! H-hindi ko kayang maghintay habang nand
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
Janet Reodava
ano ba kc ang totoo , Sir Gael
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
kelan kya mauntog ung ulo mo Tali ng mahimasmasan ka
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
hayyy naku Tali ewan ko sayo bahala ka nga
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status