THANK YOU PO SA INYONG LAHAT!
MARIANNE“Marami na talaga, sweetie. Kaya babawi ako sa kanya, babawi ako.” parang may ibang kahulugan ang sinasabi nitong matandang ito.“Naku, hindi na po kailangan, ninong. Malaki na po ako, hindi na po ako bata.” sabi ko sa kanya at pinipilit na inaalis ang kamay niya sa legs ko. Pero sadyang nang-aasar lang lalo siya. “Ano ba ang gusto mo?” nakangiti na tanong niya sa akin na para bang ang bait niya.“Gumala po,” mabilis na sagot ko sa kanya kaya biglang nagbago ang ekpresyon ng mukha niya.“Hindi puwede,” mabilis niyang sagot sa akin.“Gusto mo bumawi pero ayaw mo naman sa—”“Puwede ko ibigay ang ibang bagay pero hindi ang tungkol d’yan.” putol niya sa sasabihin ko.“Okay,” sabi ko na lang sa kanya.“Pero, daddy. Puwede naman po siya lumabas kasama natin diba?” tanong ni Anica sa daddy niya.“Of course, sweetie.” nakangiti na sagot niya sa anak niya.“Puwede po ba tayong gumala ngayon?” tanong naman bigla ni Alden.Tumingin sa akin si ninong. Minsan parang may saltik ang matanda
MARIANNENapadaing ako dahil bigla na lang akong nadulas. Ang sakit ng balakang at paa ko. Mabilis naman na lumapit sa akin si ninong.“Are you okay?” tanong niya sa akin.“Mukha ba akong okay? Ang sakit ng paa ko pati na balakang ko–bastos!” naiinis na sabi ko sa kanya sabay sampal sa pisngi niya. Nagtatanong kasi siya pero yung mga mata niya.“What the–nag-aalala na nga ako galit ka pa.” sabi niya sa akin sabay hawak sa pisngi niya.“Really? Yung mata mo nga nakatingin sa ano ko,” mahina pero galit na sabi ko.“Di ko maiwasan eh, inaaki–”Sinampal ko ulit siya dahil sa lumabas sa bibig niya.“Ouch! Nakadalawa ka na,” sabi niya sa akin.“Magiging tatlo ‘yan kapag hindi ka pa tumigil,” sabi ko sa kanya.Hindi na siya nagsalita at binuhat na niya ako paakyat sa room ko. “Anong ginagawa mo?” natataranta na tanong ko sa kanya.“Bibihisan ka, pupunta tayo sa ospital.” “Ako na, maliligo muna ako.” sabi ko sa kanya.Binuhat niya ako papunta sa banyo.“Ano pang hinihintay mo? Labas na,” mat
MARIANNE“Papatunayan ko sa ‘yo na hindi mabaho ang hininga ko. Maganda pala na nangyari ito, dahil magagawa ko na sa ‘yo ang mga nais ko.” sabi pa niya habang may malapad na ngiti.“Kung ano man ang binabalak mo ay tigilan mo ako. Hindi ako natutuwa sa ‘yong gurang ka,” sabi ko sa kanya.“Gurang? Tingnan natin kung gurang nga ako,” sabi niya sabay lapit nang mukha niya sa akin.“Lumayo ka nga sa akin!” naiinis na sabi ko sa kanya.“Bakit naman? Gusto kong malaman mo na hindi ako gurang. Malakas pa ang mga tuhod ko, kahit ilang rounds pa ay kaya ko.” sabi niya sa akin na talagang gusto niyang sabihin na hindi pa siya matanda.“Alam mo, antok lang ‘yan. Kulang ka lang sa tulog,” sabi ko sa kanya.“Hindi ako matutulog hangga’t wala akong mapapatunayan sa ‘yo,” sabi niya sa akin.“Hindi mo man lang naisip na nasa ganitong kalagayan ako. Talagang naisip mo pa ‘yan. Ang bastos mo talaga,” sabi ko sa kanya dahil hindi man lang naawa sa akin. “Bastos na kung bastos. Lait na lait ako eh,” sa
MARIANNE“Akala ko ba aalis ka na?” tanong ko sa kanya.“May nakalimutan ako,” sagot niya sa akin.“Ano?” tanong ko sa kanya.“Ito,” sabi niya sa akin.Sobrang nagulat ako sa ginawa niya sa akin. Hindi ko alam kung ilang minuto ba akong nakatulala. Hinalikan niya kasi ako. Hindi naman ito ang unang beses na hinalikan niya ako. Pero iba ngayon. Bumalik siya dahil sa nakalimutan niya. Nakalimutan niya akong i-kiss. Napahawak ako sa puso ko dahil bigla na lang akong kinakabahan. Ang bilis ng t*bok ng puso ko na para bang may nag-kakarerahan sa loob. Hindi naman kasi kailangan na magkiss siya bago umalis. At ang bilis rin niyang lumabas.“Ano ba ang nangyayari sa ‘yo?” tanong ko sa sarili ko.Naiinis ako kaya naman magbihis na lang ako at bumaba na. Ang sosyal ng bahay nila ninong. May elevator kaya naman ito ang ginamit ko. Mas gusto ko nga sana na lumipat na lang dito sa baba pero ayaw naman niyang pumayag dahil may elevator naman daw.“Good morning po, manang.” nakangiti na bati ko sa k
MARIANNEBago tuluyang bumukas ang pintuan ay mabilis ko siyang tinulak. Buong lakas ang naging pagtulak ko sa kanya.“Daddy, ate, kain na po tayo.” nakangiti na sabi ni Alden.“Tara na, baby.” sabi ko sa kinakapatid ko na para bang walang nangyaring kakaiba sa amin ng daddy niya. Mabuti na lang talaga at hindi na siya nagtanong pa sa akin.Nauna kaming lumabas kaysa kay ninong. Nakarating na kami sa hapagkainan ay hindi pa rin nakasunod sa amin si ninong. Nagrereklamo na ang mga anak niya pero hindi pa rin siya bumababa.“Ate, nag-away po ba kayo ni daddy?” tanong sa akin ni Alden.“Hindi po,” sagot ko sa kanya.“Ang tagal naman po ni–”“Kain na tayo,” sabi ni ninong na kakapasok lang dito sa dining area.“Ang tagal mo po, daddy.” sabi ni Anica.“May ginawa lang ako. Sana nauna na lang kayo,” nakangiti na sagot niya sa anak niya.Nakatingin ako sa kanya pero hindi man lang siya tumingin sa akin. Hinayaan ko na lang siya at kumain na ako. Masayang nagkukwentuhan ang dalawang bata. Naki
MARIANNE “Hmmm, I smell something fishy,” sabi sa akin ng kaibigan ko. “Tumigil ka nga,” sabi ko sa kanya. “Hmm, crush mo na ba?” tanong niya sa akin. “Hindi,” mabilis na sagot ko sa kanya. Dahil hindi naman talaga. “Talaga ba? Hindi pero natulala ka,” sabi niya sa akin. “Ang dami mong alam,” naiinis na sabi ko sa kanya. “Gwapo kaya siya, ayaw mo ba sa kanya. Bigay na lang natin kay Gene–” “Gusto ko ng maligo,” sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya sa akin. “Hihintayin ko ang araw na magseselos ka,” pang-aasar pa niya sa akin. “Hindi mangyayari ‘yan,” sabi ko na lang. “Sabi mo eh,” sabi niya sa akin bago kami bumalik sa room ko. Nakaalis na rin kanina ang dalawang bata. Kaya kami na lang ang natira dito. Dito sa room ko matutulog si Libby dahil gusto ko na kasama ko siya pero tumawag raw si ninong at pinapalipat siya sa kabilang room. “Dito ka na lang kasi,” sabi ko sa kanya. “Hindi puwede,” sagot niya sa akin. “Ayaw mo lang yata na katabi ako–” “Ayaw ko, baka kasi m
MARIANNE“Ang pares, malamig na.” nakangisi na naman na sabi ng kaibigan ko na bumalik pala.“Tsk!” Asik ko sa kanya at hindi ko na siya pinansin. Bumaba rin ulit siya kaya hinayaan ko na lang at dahan-dahan akong pumunta sa may kabinet para kumuha ng damit dahil magbibihis ako ng damit ko na may pawis.Ako lang naman ang mag-isa dito kaya hinubad ko ang damit ko pero nanlaki ang mga mata ko dahil nandito pala ang ninong ko. Hindi ko man lang naramdaman ang pagpasok niya dito sa room ko. Ang galing naman niya.“Hindi ka ba marunong kumatok?” Tanong ko sa kanya pero hindi man lang siya sumagot.Naglakad pa siya papunta sa kama ko at umupo pa siya. Ako naman ay nagmamadaling magbihis dahil ayaw ko na nandito siya at pinapanood ako. Nakasaklay lang ako mas gusto ko kasi ito kaysa wheelchair.“Bakit ka nagpalit ng bedsheet?”“Bawal ba?” Tanong ko rin sa kanya.“Sana tinawag mo ang isa sa mga katulong dito sa bahay. Alam mo naman ang kalagayan mo ay matigas pa rin ang ulo mo,” sabi niya sa
MARIANNE“Ibaba mo nga ako,” utos ko sa kanya pero para lang siyang bingi.“Sabi ng ibaba mo ak–”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagulat ako dahil bigla na lang siyang tumakbo paakyat sa room ko. Ang bilis ng pangyayari dahil nandito na ako ngayon sa kama ko nakaupo.“Bakit gising ka pa?”“Bakit ngayon ka lang?” tanong ko rin sa kanya na dahilan para kumunot ang noo niya.“Ano naman kung ngayon lang ako? May pakialam ka ba?” tanong niya sa akin.“Wala naman,” sagot ko sa kanya dahil tama naman siya. Ano naman kasi kung ngayon lang siya umuwi.“Ano ang silbi ng wheelchair at elevator kung hindi mo naman gagamitin?” naiinis na tanong niya sa akin.“Nahihirapan ako at mas madali para sa akin ang saklay,” sagot ko sa kanya.“Tsk!” asik niya sa akin.“Matutulog na po ako, labas ka na. Baka hinihintay ka na ni Lona,” sabi ko sa kanya.Wala naman akong narinig mula sa kanya. Lumabas lang siya sa room ko. Gusto ko sanang magsorry sa kanya pero hindi ko naman magawa. Kasama niya nga
MARIANNEGrabe ang lakas ng t*bok ng puso ko ngayon. Ipinagdarasal ko na hindi niya ako makilala kanina. Dahil kapag nagkataon ay baka bigla na lang magbago ang lahat at masira ang trabaho ko. Ayaw ko naman na mangyari ‘yon. Hindi ko pababayaan ang mga kaibigan ko sa misyon na ito.“Sige, umalis na kayo. Kami na ang bahala dito,” sabi ni ninong.“Hayaan niyo na sa kanya,” sabi ni Sir Val.Binigay ko sa kanya si Romell. Pagkatapos ay mabilis akong hinila ni Gene paalis sa lugar. Sa may sasakyan na kami nagkitang apat. “Okay ka lang?” tanong nilang dalawa sa akin.“Akala ko talaga mahuhuli na ako,” sabi ko sa kanila dahil ‘yon talaga ang totoo.“Mabuti na lang talaga at nagsuot ka ng mask. Dahil kung hindi ay baka nakilala na niya ang baby niya,” natatawa na sabi ni Libby.“Ang baby niyang astig,” pang-aasar na rin ni Gene na naging dahilan para gawin na lang na joke ang nangyari.Tumawa na lang rin ako dahil balik na naman silang dalawa sa pagiging makulit nila. Kahit ako ay natutuwa
THIRD PERSON POV“Hulihin natin sila sa akto,” sabi ni Yanne.“Let’s do this para maisunod na natin si Ayra. Bwisit na ako sa kanya,” natatawa na sabi ni Libby.“Bakit pagod na kayo ng kakambal mo?” natatawa na tanong ni Gene.“Pagod na si Gallong, need niya ng day off. Nagpaalam kami pero hindi kami pinayagan,” natatawa na sagot ni Libby kaya napangiti na rin si Yanne.“Girls, later na lang ang chikahan. Work na muna tayo,” sabi ni Yanne at mabilis na lumabas sa pinagtataguan niya.Nakasuot siya ng sumbrero at mask kaya naman hindi siya nakikilala ni Romell. Habang ang dalawa ay proud na ipakita ang mga beauty nila. “Hi, boys.” nakangiti si Libby habang nagsasalita.“Sino naman ang mga pisteng ito?!” galit na tanong ni Romell sa mga tauhan niya. At napatigil sila sa ginagawa nila.“Sila po ang dahilan kaya sunod-sunod na nasira ang trabaho, boss.”“So, kayo pala?” tanong nito.“Yes, we are.” natatawa na sagot ni Gene.“S–Sino ka? Bakit parang may ka boses ka? You look familiar,” sabi
THIRD PERSON POV“Ako na ang magbababa ng maleta mo,” sabi ni Gene kay Yanne.“Ako na, kaya ko na ito.” sabi naman ni Yanne dahil ayaw niyang mahirapan ang kaibigan niya.“Don’t worry, may magbubuhat niyan at hindi ako,” nakangiti na sabi ni Gene.“Sino?”“Ako,” mabilis na sumagot ang lalaki na pumasok sa silid nila.“Anong ginagawa mo dito?” nagtataka na tanong ni Yanne sa kapatid ni mayor.“Kailangan niyo raw ng tulong kaya ako nandito?” nakangiti na sagot nito na para bang walang kaba na nararamdaman.“Pero–”“Secret natin ito, hindi ko sasabihin kay kuya.” nakangiti na sabi nito kaya naguguluhan si Yanne.“Huwag ka ng magtanong, basta tropa ko siya.” sabi ni Gene sa kaibigan niya habang nakangiti.Gusto sanang magtanong ni Yanne pero mas pinili na lang niya na manahimik. Hinayaan niya na kunin ni Arthur ang maleta niya at ito mismo ang nagbaba. Sobrang naguguluhan siya pero dahil may mas mahalagang bagay silang gagawin ay pinili na lang niya na maghanda para sa pagtakas niya, sa pa
MARIANNENakatutok na ngayon sa aming dalawa ang baril ni Romell. “Hindi ako aalis dito ng hindi ko siya kasama,” matatag sabi ni ninong sa lalaki.“Ayaw kong gawin ito pero pinipilit mo ako—”Nagulat kami dahil may biglang pumana sa baril na hawak ni Romell kaya hindi na natuloy ang pagbaril niya kay ninong. Nabitiwan niya ito at nagkakagulo sila kung saan galing ang palaso.“Aalis na ako, ingat ka dito.” pabulong na sabi ni ninong sa tainga ko.Mas diniin ko ang kuko sa kamay niya para malaman niya ang sagot ko sa kanya. Pagkatapos ay mabilis ko siyang binalibag. Na dahilan para mapadaing siya. Halatang nagulat na ang lahat sa ginawa ko kaya naman lumipat sa amin ang atensyon nila. Sa totoo lang ay kinakabahan na rin ako baka kasi nasaktan talaga siya sa ginawa ko.“Umalis ka na at ‘wag ka ng bumalik dito,” sabi ko bago ako pumasok sa loob ng bahay nila Romell.Nagkatinginan kaming dalawa ni Gene. Alam ko na siya ang may gawa ng pana na ‘yon. Ngumiti ako sa kanya at ganun rin siya s
MARIANNEGusto ko na lang siyang hayaan sa ginagawa niya para malaman niya na wala akong alam. Ilang sandali pa ay lumabas na siya sa room ko. Lumabas rin si Gene sa pinagtataguan niya. Tinapon niya ang tubig na nasa baso. “Simula ngayon kapag kailangan mo ng tubig ay magsabi ka lang sa akin. Ako na mismo ang kukuha para sa ‘yo,” sabi niya sa akin.“Kaya ko na it–”“Hindi, demonyo siya at pagbabayaran niya ang ginagawa niyang ito sa ‘yo. Hindi niya alam kung sino ang binabangga niya, gago siya! Baka kapag nagalit ako at putulin ko ang mga kamay niya.”Alam ko na galit na talaga si Gene at alam ko rin na hindi siya nagbibiro. Kaya naman hinawakan ko ang kamay niya.“Kumalma ka lang. Kaya ko ito, at kaya nating dalawa. Kaunting oras na lang at magagawa rin natin ito,” sabi ko sa kanya.“Alam ko, kailangan na nating bilisan bago pa siya gumawa ng ibang hakbang na ikakasama mo. sure ako na may binabalak siyang masama kaya niya nilagyan ng dr*gs ang baso.”“Akala niya kasi mapapasunod niya
MARIANNE “Welcome sa aming bahay. This is your home now,” sabi niya sa akin habang nakangiti. “Okay lang ba talaga na dito ako?” tanong ko sa kanya. Na kunwari ay nag-aalala ako. “Of course, tara na sa loob ipapakilala kita sa pamilya ko.” sabi niya sa akin. Sumunod naman ako sa kanya. Siya na rin ang naghila ng maleta ko. Pagpasok ko ay may matandang nakaupo sa may wheelchair ang sumalubong sa amin. At may babae rin at lalaki na sa tingin ko ay mga teenager pa. “Dad, Yanne is here na.” sabi ni Romell sa matanda. “Is that you, Yanne? Ang laki mo na,” sabi niya sa akin. “Good morning po,” bati ko sa kanya. “Good morning, iha. Parang noong nakita kita ay sampung taon ka lang yata noon,” nakangiti na sabi niya. “Pasensya na po kayo kung hindi ko na po kayo gaanong maalala,” sabi ko sa kanya. “It’s okay, masyado ka namang bata noon. Saka inaanak ko rin ang daddy mo kaya magkapatid ang turingan nila ni Romell.” nakangiti na sabi niya na para bang totoo. Ayaw ko man sa narinig ko
MARIANNEMabilis ko itong nararamdaman kaya naman bigla akong tumayo para sugurin siya pero..“It’s me, mahal.” sabi ni ninong kaya naman nakahinga ako ng maayos.“Bakit kasi hindi ka man lang nagsasalita?” tanong ko sa kanya dahil nagulat talaga ako sa kanya.“Gusto ko kasing sumabay sa ‘yo maligo,” sagot niya sa akin habang nakangisi kaya naman tumawa ako.“Sure ka bang walang nakakita sa ‘yo pagpasok mo dito?” tanong ko sa kanya.“Wala po, maingat ako.” sagot niya sa akin.“Mabuti naman,” sabi ko sa kanya.“Ayyy!” nagulat ako dahil bigla na lang niya akong binuhat at pumasok kaming dalawa sa loob ng bathtub.“I miss you, mahal ko.” malambing na bulong niya sa tainga ko.“I miss you,” nakangiti na sabi ko at hinalikan ko siya sa labi.Mabilis naman siyang tumugon sa akin hanggang sa naging mapusok na kaming dalawa sa isa’t isa. Bumaba ang halik niya sa leeg ko, hanggang sa balikat ko. “M–Mahal, ‘wag mo akong lagyan ng kiss mark.” sabi ko sa kanya.“Why?”“Sasabihin ko sa ‘yo mamaya,
MARIANNE“Naniniwala ka ba sa kanya?” tanong sa akin ni Romell.“Hindi ko alam,” sagot ko sa kanya.“Maniwala ka sa akin, ginagamit ka lang niya. Gagawin niya ang lahat para pagtakpan ang ginawa niya sa daddy mo,” sabi niya sa akin.“Kung alam mo pala na siya ay bakit hindi mo siya pina-aresto? Bakit hinayaan mo siya–”“Malakas ang kapit niya. Kilala mo si Governor Adam Dela Vega? Silang dalawa ang magkakampi, masyado silang malakas at hawak nilang dalawa ang mga kapulisan dito,” sagot niya sa akin.“Gaano ba siya kalakas para kaya niyang baliin ang batas?” kunwari ay tanong ko sa kanya.“Hindi mo alam ang kaya niyang gawi–”“Aalamin ko ang lahat,” sabi ko sa kanya.“Tutulungan kita,” sabi niya sa akin.“Ikaw ang bahala,” sabi ko at tumalikod na ako.“Gusto mo bang sumama sa bahay ko? Puwede kang tumira doon para hindi ka guluhin ni Andrew,” tanong niya sa akin.“Safe ba para sa akin ang bahay mo?” tanong ko sa kanya.“Oo naman, safe ka sa bahay ko.” sagot niya sa akin.“Okay,” sabi ko
MARIANNEAyaw kong sabihin kay manang ang totoo hindi dahil sa wala akong tiwala sa kanya. Mas pinili namin na hindi sabihin sa kanya dahil mas okay na kami na lang apat ang nakakaalam sa tunay na nangyayari. Naiinis lang ako dahil ang lakas talaga ng loob ni Ayra na pumunta sa bahay namin.“Pretty, ‘wag kang mag-alala dahil ang alaga kong ahas ang bahala kay Ayra.” natatawa na sabi ni Libby na mukhang may binabalak na naman.“Baka naman saktan niya ‘yon. Alalahanin mo nirentahan mo lang ‘yon,” paalala ko sa kanya.“Don’t worry dahil binili ko na siya. Akin na siya,” natatawa na sagot niya sa akin.“Really?”“Opo, dahil tuwang-tuwa ako sa kanya kaya akin na siya. Ang mahal nga ng bili ko sa kanya kaya hindi siya puwedeng mamatay,” sabi pa sa akin ng kaibigan ko.“Magkano naman ang bili mo sa ahas na ‘yon?”“Dahil sa magaling si Gallong ay binili ko siya ng 500k sa may-ari,” sagot niya sa akin.“Hindi naman halata na tuwang-tuwa ka sa ahas na ‘yon.”“Hindi lang ako natuwa kundi love ko