Share

KABANATA 21

last update Huling Na-update: 2025-02-02 18:26:40
MARIANNE

“Marami na talaga, sweetie. Kaya babawi ako sa kanya, babawi ako.” parang may ibang kahulugan ang sinasabi nitong matandang ito.

“Naku, hindi na po kailangan, ninong. Malaki na po ako, hindi na po ako bata.” sabi ko sa kanya at pinipilit na inaalis ang kamay niya sa legs ko. Pero sadyang nang-aasar lang lalo siya.

“Ano ba ang gusto mo?” nakangiti na tanong niya sa akin na para bang ang bait niya.

“Gumala po,” mabilis na sagot ko sa kanya kaya biglang nagbago ang ekpresyon ng mukha niya.

“Hindi puwede,” mabilis niyang sagot sa akin.

“Gusto mo bumawi pero ayaw mo naman sa—”

“Puwede ko ibigay ang ibang bagay pero hindi ang tungkol d’yan.” putol niya sa sasabihin ko.

“Okay,” sabi ko na lang sa kanya.

“Pero, daddy. Puwede naman po siya lumabas kasama natin diba?” tanong ni Anica sa daddy niya.

“Of course, sweetie.” nakangiti na sagot niya sa anak niya.

“Puwede po ba tayong gumala ngayon?” tanong naman bigla ni Alden.

Tumingin sa akin si ninong. Minsan parang may saltik ang matanda
CALLIEYAH JULY

THANK YOU PO SA INYONG LAHAT!

| 60
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (10)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
bagay Kyu.. para Kyu asot Pisa haha
goodnovel comment avatar
Yanne bueno
seloso ka ninong mayor ...
goodnovel comment avatar
Chel
update please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   KABANATA 22

    MARIANNENapadaing ako dahil bigla na lang akong nadulas. Ang sakit ng balakang at paa ko. Mabilis naman na lumapit sa akin si ninong.“Are you okay?” tanong niya sa akin.“Mukha ba akong okay? Ang sakit ng paa ko pati na balakang ko–bastos!” naiinis na sabi ko sa kanya sabay sampal sa pisngi niya. Nagtatanong kasi siya pero yung mga mata niya.“What the–nag-aalala na nga ako galit ka pa.” sabi niya sa akin sabay hawak sa pisngi niya.“Really? Yung mata mo nga nakatingin sa ano ko,” mahina pero galit na sabi ko.“Di ko maiwasan eh, inaaki–”Sinampal ko ulit siya dahil sa lumabas sa bibig niya.“Ouch! Nakadalawa ka na,” sabi niya sa akin.“Magiging tatlo ‘yan kapag hindi ka pa tumigil,” sabi ko sa kanya.Hindi na siya nagsalita at binuhat na niya ako paakyat sa room ko. “Anong ginagawa mo?” natataranta na tanong ko sa kanya.“Bibihisan ka, pupunta tayo sa ospital.” “Ako na, maliligo muna ako.” sabi ko sa kanya.Binuhat niya ako papunta sa banyo.“Ano pang hinihintay mo? Labas na,” mat

    Huling Na-update : 2025-02-03
  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   KABANATA 23

    MARIANNE“Papatunayan ko sa ‘yo na hindi mabaho ang hininga ko. Maganda pala na nangyari ito, dahil magagawa ko na sa ‘yo ang mga nais ko.” sabi pa niya habang may malapad na ngiti.“Kung ano man ang binabalak mo ay tigilan mo ako. Hindi ako natutuwa sa ‘yong gurang ka,” sabi ko sa kanya.“Gurang? Tingnan natin kung gurang nga ako,” sabi niya sabay lapit nang mukha niya sa akin.“Lumayo ka nga sa akin!” naiinis na sabi ko sa kanya.“Bakit naman? Gusto kong malaman mo na hindi ako gurang. Malakas pa ang mga tuhod ko, kahit ilang rounds pa ay kaya ko.” sabi niya sa akin na talagang gusto niyang sabihin na hindi pa siya matanda.“Alam mo, antok lang ‘yan. Kulang ka lang sa tulog,” sabi ko sa kanya.“Hindi ako matutulog hangga’t wala akong mapapatunayan sa ‘yo,” sabi niya sa akin.“Hindi mo man lang naisip na nasa ganitong kalagayan ako. Talagang naisip mo pa ‘yan. Ang bastos mo talaga,” sabi ko sa kanya dahil hindi man lang naawa sa akin. “Bastos na kung bastos. Lait na lait ako eh,” sa

    Huling Na-update : 2025-02-04
  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   KABANATA 24

    MARIANNE“Akala ko ba aalis ka na?” tanong ko sa kanya.“May nakalimutan ako,” sagot niya sa akin.“Ano?” tanong ko sa kanya.“Ito,” sabi niya sa akin.Sobrang nagulat ako sa ginawa niya sa akin. Hindi ko alam kung ilang minuto ba akong nakatulala. Hinalikan niya kasi ako. Hindi naman ito ang unang beses na hinalikan niya ako. Pero iba ngayon. Bumalik siya dahil sa nakalimutan niya. Nakalimutan niya akong i-kiss. Napahawak ako sa puso ko dahil bigla na lang akong kinakabahan. Ang bilis ng t*bok ng puso ko na para bang may nag-kakarerahan sa loob. Hindi naman kasi kailangan na magkiss siya bago umalis. At ang bilis rin niyang lumabas.“Ano ba ang nangyayari sa ‘yo?” tanong ko sa sarili ko.Naiinis ako kaya naman magbihis na lang ako at bumaba na. Ang sosyal ng bahay nila ninong. May elevator kaya naman ito ang ginamit ko. Mas gusto ko nga sana na lumipat na lang dito sa baba pero ayaw naman niyang pumayag dahil may elevator naman daw.“Good morning po, manang.” nakangiti na bati ko sa k

    Huling Na-update : 2025-02-05
  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   KABANATA 25

    MARIANNEBago tuluyang bumukas ang pintuan ay mabilis ko siyang tinulak. Buong lakas ang naging pagtulak ko sa kanya.“Daddy, ate, kain na po tayo.” nakangiti na sabi ni Alden.“Tara na, baby.” sabi ko sa kinakapatid ko na para bang walang nangyaring kakaiba sa amin ng daddy niya. Mabuti na lang talaga at hindi na siya nagtanong pa sa akin.Nauna kaming lumabas kaysa kay ninong. Nakarating na kami sa hapagkainan ay hindi pa rin nakasunod sa amin si ninong. Nagrereklamo na ang mga anak niya pero hindi pa rin siya bumababa.“Ate, nag-away po ba kayo ni daddy?” tanong sa akin ni Alden.“Hindi po,” sagot ko sa kanya.“Ang tagal naman po ni–”“Kain na tayo,” sabi ni ninong na kakapasok lang dito sa dining area.“Ang tagal mo po, daddy.” sabi ni Anica.“May ginawa lang ako. Sana nauna na lang kayo,” nakangiti na sagot niya sa anak niya.Nakatingin ako sa kanya pero hindi man lang siya tumingin sa akin. Hinayaan ko na lang siya at kumain na ako. Masayang nagkukwentuhan ang dalawang bata. Naki

    Huling Na-update : 2025-02-06
  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   KABANATA 26

    MARIANNE “Hmmm, I smell something fishy,” sabi sa akin ng kaibigan ko. “Tumigil ka nga,” sabi ko sa kanya. “Hmm, crush mo na ba?” tanong niya sa akin. “Hindi,” mabilis na sagot ko sa kanya. Dahil hindi naman talaga. “Talaga ba? Hindi pero natulala ka,” sabi niya sa akin. “Ang dami mong alam,” naiinis na sabi ko sa kanya. “Gwapo kaya siya, ayaw mo ba sa kanya. Bigay na lang natin kay Gene–” “Gusto ko ng maligo,” sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya sa akin. “Hihintayin ko ang araw na magseselos ka,” pang-aasar pa niya sa akin. “Hindi mangyayari ‘yan,” sabi ko na lang. “Sabi mo eh,” sabi niya sa akin bago kami bumalik sa room ko. Nakaalis na rin kanina ang dalawang bata. Kaya kami na lang ang natira dito. Dito sa room ko matutulog si Libby dahil gusto ko na kasama ko siya pero tumawag raw si ninong at pinapalipat siya sa kabilang room. “Dito ka na lang kasi,” sabi ko sa kanya. “Hindi puwede,” sagot niya sa akin. “Ayaw mo lang yata na katabi ako–” “Ayaw ko, baka kasi m

    Huling Na-update : 2025-02-07
  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   KABANATA 27

    MARIANNE“Ang pares, malamig na.” nakangisi na naman na sabi ng kaibigan ko na bumalik pala.“Tsk!” Asik ko sa kanya at hindi ko na siya pinansin. Bumaba rin ulit siya kaya hinayaan ko na lang at dahan-dahan akong pumunta sa may kabinet para kumuha ng damit dahil magbibihis ako ng damit ko na may pawis.Ako lang naman ang mag-isa dito kaya hinubad ko ang damit ko pero nanlaki ang mga mata ko dahil nandito pala ang ninong ko. Hindi ko man lang naramdaman ang pagpasok niya dito sa room ko. Ang galing naman niya.“Hindi ka ba marunong kumatok?” Tanong ko sa kanya pero hindi man lang siya sumagot.Naglakad pa siya papunta sa kama ko at umupo pa siya. Ako naman ay nagmamadaling magbihis dahil ayaw ko na nandito siya at pinapanood ako. Nakasaklay lang ako mas gusto ko kasi ito kaysa wheelchair.“Bakit ka nagpalit ng bedsheet?”“Bawal ba?” Tanong ko rin sa kanya.“Sana tinawag mo ang isa sa mga katulong dito sa bahay. Alam mo naman ang kalagayan mo ay matigas pa rin ang ulo mo,” sabi niya sa

    Huling Na-update : 2025-02-08
  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   KABANATA 28

    MARIANNE“Ibaba mo nga ako,” utos ko sa kanya pero para lang siyang bingi.“Sabi ng ibaba mo ak–”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagulat ako dahil bigla na lang siyang tumakbo paakyat sa room ko. Ang bilis ng pangyayari dahil nandito na ako ngayon sa kama ko nakaupo.“Bakit gising ka pa?”“Bakit ngayon ka lang?” tanong ko rin sa kanya na dahilan para kumunot ang noo niya.“Ano naman kung ngayon lang ako? May pakialam ka ba?” tanong niya sa akin.“Wala naman,” sagot ko sa kanya dahil tama naman siya. Ano naman kasi kung ngayon lang siya umuwi.“Ano ang silbi ng wheelchair at elevator kung hindi mo naman gagamitin?” naiinis na tanong niya sa akin.“Nahihirapan ako at mas madali para sa akin ang saklay,” sagot ko sa kanya.“Tsk!” asik niya sa akin.“Matutulog na po ako, labas ka na. Baka hinihintay ka na ni Lona,” sabi ko sa kanya.Wala naman akong narinig mula sa kanya. Lumabas lang siya sa room ko. Gusto ko sanang magsorry sa kanya pero hindi ko naman magawa. Kasama niya nga

    Huling Na-update : 2025-02-09
  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   KABANATA 29

    MARIANNE“I’m sorry,” sabi ko sa kanya at alam ko na nagulat siya.“I’m sorry sa mga nasabi ko. I’m sorry—”“Lumabas ka na,” putol niya sa sinabi ko na para bang galit siya. Tumaas kasi ang tono ng boses niya.“Nagsorry na nga ako ayaw mo pa. Ano gusto mo, magalit na lang ako?” naiinis na tanong ko sa kanya.“Lagi ka naman galit, lagi mo nga akong nilalait.” mahina pero narinig ko pa rin na sabi niya sa akin.“Kaya nga sorry na, sorry na.”“Tsk! Napipilitan ka pa,” sabi niya sa akin.“Ewan ko sa ‘yo,” sabi ko na lang sa kanya at lumabas na ako dahil mag-aaway lang kaming dalawa. Bumaba na lang ako dahil magpapaluto ako ng lugaw niya kay manang. Kailangan niyang kumain ng mainit. At sa tingin ko mas okay na lugaw ang kainin niya. Ako na lang sana ang gagawa pero sa kalagayan ko ngayon ay hindi ito magiging posible. Mahirap kaya magluto ng nakasaklay. After ko sabihin kay manang na magluto ng lugaw ay lumabas na ako sa kusina. Nasa living room ang kaibigan ko kaya naman tumabi na ako sa

    Huling Na-update : 2025-02-10

Pinakabagong kabanata

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   KABANATA 57

    MARIANNE“Hindi na siya babalik dito. Hindi naman siya welcome diba? Sa labas na lang kami magki–”“Subukan mo lang,” tiim bagang at may pagbabanta na sabi niya sa akin.“Ganyan ka naman eh. Lahat na lang bawal, bawal ganito bawal ang ganyan, bawal na lang lah—”Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil bigla na lang niyang hinalikan ang labi ko. Kaya naman buong lakas ko siyang itinulak. “‘Wag mo nga akong halikan. Hindi mo ako puwedeng halikan na lang kung kailan mo gusto!” sigaw ko sa kanya dahil nakakainis siya.“Break up with him,” sabi niya sa akin habang seryoso ang mukha niya.“Ayaw ko nga! Bakit ko naman gagawin ang utos mo? Kakasagot ko pa nga lang sa kanya tapos makikipagbreak na agad ako. Ano ako, siraulo?” tanong ko sa kanya.“Huwag mong ubusin ang pasensya ko,” sabi pa niya sa akin.“Alam mo, ninong. Tigilan mo ak–”“Ako rin ang tigilan mo,. Makipaghiwalay ka na sa kanya,” sabi niya sa akin.“Ewan ko sa ‘yo, bahala ka nga sa buhay m–”Nagulat na naman ako dahil

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   KABANATA 56

    MARIANNE“Crush naman talaga kita, ikaw lang ito hard to get. Pero feeling ko talaga may gusto sa ‘yo ang ninong mo. Torpe lang yata sa ganda mo,” natatawa na sabi niya kaya lumapit ako sa kanya at hinampas ko siya ng unan.Naghampasan kaming dalawa hanggang sa nagaulat kaming dalawa dahil bigla na lang bumukas ang pintuan ng room ko.Nasa pintuan si ninong at kasama niya si Alden. “Ninong mong hindi mapakali,” pabulong na sabi sa akin ni Elias.“Hayaan mo siya,” sabi ko sa kaibigan ko.“Type ka talaga niyan, ayaw lang niyang aminin. Kita mo, parang sasaktan na ako,” sabi pa niya.“Saktan mo rin,” natatawa na sabi ko kaya lalong kumunot ang noo ni ninong.“May kailangan ka po ba, ninong?” tanong ko sa kanya.“Aalis ako, walang magbabantay kay Alden,” sabi niya sa akin.“Ang mommy niya?”“Magkasama kami,” sagot niya sa akin.“Bakit hindi niyo na lang siya isama?”“Ayaw niya, mas gusto ka raw niya kasama.” sagot niya sa akin.“Okay,” sabi ko at lumapit ako kay Alden.“Gusto mo sa akin,

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   KABANATA 55

    MARIANNE“I miss you, baby.” malambing na sabi niya sa akin at niyakap niya ako.“I miss you too,” sabi ko sa taong matagal ko ng hindi nakikita.“Miss mo ako pero hindi ka man lang nagrereply sa mga messages ko,” parang bata na sabi niya sa akin.“Sorry po, busy lang ako kaya hindi ako nakapag-check ng mga messages,” nakangiti na sagot ko sa kanya.“Mabuti na lang at si Libby, sinagot ang message ko sa kanya.”“Hindi naman kasi siya busy. Teka lang kailan ka pala dumating?” tanong ko sa kanya.“Kagabi lang,” sagot niya sa akin.“Baby, may–”Napalingon kami dahil may bigla na lang tumikhim. Ang buong akala ko ay umalis na ang ninong ko pero nandito pa pala siya. Ang seryoso ng mukha niya habang nakatingin sa amin. Si Libby naman ay may kakaibang kinang sa mga mata niya na halatang natutuwa siya. Sure ako na hindi ang isang ito ang nagmessage kundi siya mismo.“Good afternoon, Sir.” bati ni Elias sa ninong ko.“Who are you?” tanong ni ninong habang seryoso ang mukha niya.“I’m Elias, Si

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   KABANATA 54

    MARIANNEMukhang alam na niya na wala ako sa bahay niya. Hindi ako nagreply at umikot pa rin ako ng umikot dito sa subdivision nila. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa bigla na lang may humarang sa daraanan ko na sasakyan. Bumaba ang driver pero hindi ko naman mamukhaan dahil sa nasisilaw ako sa ilaw ng kotse.“Ang tigas talaga ng ulo mo,” sabi niya sa akin kaya nalaman ko na ang ninong ko ito.“Nag-jogging lang ako,” sagot ko sa kanya.“Hating gabi?” galit na tanong niya sa akin.“Eh, ano naman kung hating gabi? May oras ba dapat ang jogging?” “Ngayon na may alam ka na sa self defense ay mayabang ka na. Akala mo magaling ka na,” sabi niya sa akin kaya pinaikutan ko siya ng mata.“Kapag wala naman akong alam ay sasabihin mo sa akin na mahina ako. Ngayon na may alam na ako ay mayabang na ako. Galit ka lang yata dahil hindi mo matanggap na napatulog kita,” sabi ko sa kanya.“Hop in,” utos niya sa akin at halatang naiinis siya sa sinabi ko.“Ayaw ko,” sagot ko sa kanya.“Yanne,” may pa

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   KABANATA 53

    MARIANNEDahil sa paulit-ulit na nagpeplay sa utak ko ang sinabi niya kanina na hindi niya ako gusto pero ang katotohanan naman ay ginalaw na niya ako ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi na ako nagdalawang isip na atakehin siya na naging dahilan para matumba siya.“Boss!” sigaw ng mga tauhan niya.“Pretty, sibat na ako!” sigaw sa akin ng kaibigan ko at mabilis na lumabas.“Mayor, mayor, gising po! Gising!” paulit-ulit na sabi ng mga tauhan niya.“Ang hina naman ng mayor niyo,” sabi ko sa mga ito kaya tumingin sila sa akin.“Paano mo nagawa na mapatumba si mayor?” tanong niya sa akin.“Sinunod ko lang ang tinuro kanina,” sagot ko sa kanila.“Talaga po? Kanina lang ‘yon?” tanong pa nila na para bang hindi makapaniwala.“Opo,” sagot ko sa kanila.“Ang astig mo naman. Ang hinhin mo kasi kaya hindi namin inaasahan na mapapatulog mo si mayor.”“Gusto niyo bang makipaglaban sa akin para–”“Huwag na po, okay na po. Magaling ka na po, kaya mo ng patumbahin ang kalaban,” sabi niya sa a

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   KABANATA 52

    MARIANNE“Sumama ka sa akin,” sabi niya at hinila na lang niya ako bigla.“Saan po tayo pupunta?” tanong ko sa kanya.“Mag-uusap tayo,” sagot niya sa akin.“Puwede naman tayong mag-usap dito. Kailangan ba talaga na umalis tayo?” tanong ko sa kanya.“Babalik rin tayo mamaya,” sagot niya sa akin. Kaya naman lumabas na kami sa bahay.“Libby?” gulat na tanong ko dahil nasa labas siya ng bahay ni ninong.“Hi, pretty.” nakangiti na bati niya sa akin.“Isasama natin siya,” sabi sa akin ni ninong.“Anong meron?” tanong sa akin ng kaibigan ko.“Hindi ko alam,” sagot ko sa kanya dahil wala rin talaga akong idea.“Pumasok na kayo,” sabi sa amin ni ninong kaya naman pumasok na kaming dalawa sa loob ng sasakyan ni ninong.Sa backseat kaming dalawa nakaupo. Habang si ninong naman ang nagmamaneho. Hindi namin alam kung saan ba kami dadalhin nitong lalaking ito. Kaya naman humarap ako kay Libby at ganun rin siya sa akin.“Kumusta na ang lalaki?”“Okay naman siya. Kinulong ko.”“Mabuti naman, pakantahi

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   KABANATA 51

    MARIANNE“Pinagloloko mo ba ako?” tanong niya sa akin habang nakasalubong ang mga kilay niya.“Nagsasabi ako ng toto–”“Bakit marumi ang sapatos mo?” tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa sapatos ko na nangingitim na dahil sa dumi kanina sa bakanteng lote.“Ninong–”“Mag-uusap tayo mamaya,” sabi niya sa akin at inalalayan na niya si Alden papasok sa loob ng bahay.Pumasok na sila at ako na lang ang naiwan dito. Napatingin na lang ako sa sapatos ko ngayon. Naiinis ako dahil hindi ko man lang naisip na magpalit kanina. Nawala sa isip ko sa sobrang pagmamadali ko. Sumunod na lang ako sa kanila. Dahil nga sa marumi ang sapatos ko ay hinubad ko na lang ito. Dumiretso ako sa laundry area nila ninong dito sa bahay.Nilabhan ko ito para naman hindi na niya alamin kung saan ba ako pumunta. Baka kaso malaman pa niya mas mabuti na safe ang lahat.“Anong ginagawa mo?” nagulat ako sa kanya dahil nandito na pala siya sa likuran ko.“Nilabhan ko lang po ang sapatos ko,” sagot ko sa kanya.“Bakit

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   KABANATA 50

    MARIANNE“Hi, boys. Gusto niyo bang maglaro?” Nakangisi na tanong sa kanila ni Libby.“Magkakilala kayo?” tanong ng boss nila. “Hindi ko siya kilala,” sabi ko sa kanila dahil kailangan ko ng time.“Sino ka?!” tanong nila kay Libby.“Kailangan ko pa bang ipakilala ang sarili ko. Sorry pero hindi ko gustong makilala niyo ako. Sayang ang ganda ko,” natatawa na sabi ng kaibigan ko.“Sayang ang ka-sexyhan mo. Pakialamera ka kasi,” sabi pa nila.“Alam niyo, hindi niyo puwedeng saktan ang prinsesa ni congressman.” nakangisi na sabi ni Libby sa kanila.“Gusto mong maglaro diba? Simulan na natin–”“Okay,” nakangisi na sabi ni Libby at tinutok sa kanila ang baril na hawak niya.Akmang tututukan ako ng boss nila ng baril ay mabilis kong tinutok sa ulo niya ang baril na hawak ko. Dahil sa busy sila kanina kay Libby ay hindi man lang nila napansin na nakuha ko na ang dalawang baril sa kanila.“Prinsesa ni cong ‘yan,” tumatawa na sabi ng kaibigan ko.“Babarilin niyo ako? Sige barilin niyo ako para

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   KABANATA 49

    MARIANNE “Kuya, saan niyo ako dadalhin?” tanong ko sa kanila habang nasa biyahe kami. “Sa boss namin, pretty. Matagal ka na niyang gustong makilala eh,” sagot niya sa akin. “Sino po ba ang boss niyo?” tanong ko sa kanila. “Makikilala mo rin siya. Ang alam namin ay may pinaka-boss pa ang boss namin,” sagot niya sa akin. “Magkano po ba ang binayad nila sa inyo?” tanong ko pa sa kanila. “Isang milyon, Miss pretty.’ sagot pa ng isa sa kanila. “Maliit lang pala,” sabi ko sa kanila. “Gusto niyo bang magtrabaho sa akin?” tanong ko sa dalawang tanga na kausap ko. “Naku, Miss freelancer kaming dalawa. Wala kaming boss, kinukuha lang nila kami kapag kailangan nila kami. Boss lang ang tawag namin sa nagbabayad sa amin–” “Magbabayad ako?” sabi ko sa kanila pero bigla na lang silang tumawa na dalawa. Kahit na ang totoo ay ako ang dapat na natatawa ngayon dahil mga freelancer daw sila. Talagang pinaganda pa nila ang term na ginamit nila. “Naku, Miss. Marami na ang nag-alok sa amin niyan

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status