NAPATIGIL sa akmang pagpasok sa kanyang opisina si Taj nang mapansing iba ang nakaupo sa p'westo ni Tori. "Where's Miss Herrera?" kunot ang noong untag niya kay Jane, ang secretary ni Oxygen na siyang manager ng accounting department ng Sebastian Plantation. Mula sa ginagawa ay nag-angat ng paningin si Jane. "Ah, tumawag daw po siya kay Sir Oxy kagabi, Sir. Masama raw Po ang pakiramdam kaya ako na muna ang pansamantalang pinapunta ni Sir dito.Mas lalong lumalim ang gatla sa noo ni Taj. "Bakit hindi siya nagsabi sa akin?" mainit ang ulo na tanong niya. Napakamot sa ulo si Jane. "Hindi ko po alam, Sir pero ang alam ko po, eh, nagsend daw po siya ng E-mail sa inyo sabi ni Sir Oxy." Hindi na nagsalita si Taj. Tumuloy na siya sa kanyang opisina at nang makaupo ay kaagad niyang binuksan ang kanyang email. Sandali siyang nagscroll para hanapin ang email ni Tori at nang makita iyon ay kaagad niyang binuksan. Napabuga na lamang ng hangin si Taj. Pinindot niya ang intercom sa kanyang tabi
"HOW IS SHE?" kaagad na tanong ni Taj kay Kalil nang bumukas ang pinto ng silid ni Tori at mula roon ay lumabas ang kaibigang doctor. Pinalabas siya ni Kalil kanina nang makarating ito. Gusto niya sanang tumutol pero wala siyang nagawa nang ipagtulakan siya nito palabas. Wala naman daw siyang maitutulong dito at magliligalig lang daw siya habang sinusuri nito si Tori. "She needs a rest." tipid na sagot ni Kalil habang abala sa pagsusulat sa dala nitong maliit na notepad. "And?" "And when I say rest," patuloy ni Kalil. "I mean to say, complete rest, Taj. Hindi isa o dalawang araw lang. Kailangan niya ng at least isang linggo o mahigit pa na pahinga." Kumunot ang noo ni Taj. "Because?" aniyang bakas sa mukha ang pinaghalong pag-aalala at pagka-irita. He needs Tori in his office!"Over fatigue and she's mentally and physically drained, man," Ani ni Kalil bago inabot kay Taj ang hawak na papel kung saan nakasulat ang mga gamot na kailangan ni Tori. "Hindi pa fully recovered ang kata
"THIS IS bullshit, Tori!" madilim ang anyong sabi ni Sid na napigilang hampasin ang kaharap na mesa. Kasalukuyan silang nasa conference room ng Crystal Music at pinag-uusapan kung ano ang dapat na gawin para sa nalalapit na world tour ni Tori. Matalim naman ang mga matang tiningnan ni Winona si Tori bago niya sinulyapan ang kapatid na si Sid na siyang President ng Crystal Music na under ng Rodriguez group of companies."I'm so sorry, Sid," hindi naman nagpatinag sa nakikitang galit ng mga kasama niya sa loob ng conference room na turan Tori. "but my decision is final. I only have two options—reschedule the world tour or I'll cancel it then—" "You are not in the position to bargain, Tori Herrera!" medyo mataas na ang boses na sabi ni Winona. Nagkibit ng balikat si Tori. Hindi na bago sa kanya ang hindi magandang pagtrato ng Ate ni Sid sa kanya. Noon pa man ay ipinakita ng babae sa kanya na hindi siya nito gusto para sa kapatid nito na hindi naman niya binibigyang pansin dahil wala n
Pagkagaling ni Tori sa press conference ay tumuloy siya sa suking flower shop para bumili ng bulaklak. Kagaya ng kanyang inaasahan ay nakahanda na ang mga bulaklak na maayos na naka-arrage sa yantok na basket. Pinaghalong matingkad na kulay pula at puti ang mga iyon na siyang madalas niyang bilhin simula pa noong umuwi siya sa Pilipinas. "Magandang araw, Miss Herrera," may magiliw na ngiti sa mga labi na bati ng may-ari ng flower shop kay Tori nang pumasok siya sa loob. Kasalukuyang nag-aayos ng mga bulaklak ang babaeng marahil ay nasa kuwarenta mahigit na ang edad. Kaagad nitong itinigil ang ginagawa nang tumunog ang wind chime at nang malingunan si Tori ay mabilis siya nitong sinalubong. "Magandang araw din ho sa inyo, Mrs. Torres," tipid ang ngiti sa mga labi na tugon naman niya sa kaharap. "Nakahanda na ang mga bulaklak mo," ang sabi ni Mrs. Torres bago niya sinenyasan ang babaeng ilang taon na rin niyang katu-katulong sa shop. "Aida, 'yong order ni Miss Herrera," aniya rito
FIVE YEARS AGOITADAKIMASU, isang fine dining restaurant na nagse-serve ng mga authentic Japanese food na matatagpuan sa bahaging iyon ng Eastwood sa Quezon city. Mula sa dalang kotse ay bumaba si Tori at nagmamadaling naglakad papasok sa restaurant kung saan sila magkikita ni Sid. Nanggaling pa siya sa Cavite dahil may ribbon cutting siyang dinalohan. Tumawag kay Jessa ang mommy niya at ang sabi ay gusto raw siyang makausap ng lalaki. Hindi raw siya sumasagot sa tawag kaya ang PA na lang niya ang kinontak. Saka lang din napagtanto ni Tori na hindi pala niya nadala ang cellphone niya. Naiwan niya marahil sa bahay nila dahil sa sobrang pagmamadali na makaalis kanina. "Good evening," bati ni Tori sa crew na lumapit sa kanya nang makita siya nitong papasok. "Reservation for Mr. Sid Rodriguez, please." aniya sa babaeng kaagad namang tumango sabay lahad ng kamay."This way, Ma'am, please," Ani ng crew bago siya nito iginiya patungo sa medyo sulok na bahagi ng restaurant. Kaagad na natan
NANG MULING idilat ni Tori ang kanyang mga mata ay sinalubong siya ng kulay puting kapaligiran. Nangunot ang kanyang noo lalo na nang mapuno ng amoy ng gamot ang ilong niya. Natigilan siya saka niya naalala ang huling nangyari bago siya nawalan ng malay. "Taj!" bulalas ni Tori bago siya mabilis na bumalikwas ng bangon para lang muling mapabalik sa higaan nang may mga kamay na pumigil sa kanya. "Relax lang ho kayo, Miss Herrera," anang malambing na tinig ng isang babae. Nang tingnan niya ito ay saka niya napagtanto na nurse pala ang pumigil sa kanya. "No, kailangan kong makalabas," turan niya habang nagpupumilit na makabangon. "I need to talk to my husband." dugtong pa niya na tinugon naman ng nurse ng malawak na ngiti. "Ah, huwag ho kayong mag-alala," Ani ng nurse habang inaayos ang pagkakahiga niya. "babalik po siya. May kinausap lang ho sa labas."Natigilan si Tori at naguguluhang napatitig sa nurse. Ano ang ibig nitong sabihin? Alam na ba ng Mommy niya ang tungkol sa kanila ni
ISANG linggo na rin simula nang makalabas ng hospital si Tori at sa loob ng mga araw na nagdaan ay nanatili lamang siya sa loob ng bahay, hindi dahil gusto niya kundi dahil bantay-sarado siya ng Mommy niya. Lumuwas din ng Manila ang Uncle Ansen niya kasama ang boyfriend nitong si Uncle Mon kaya mas lalo siyang nahirapang makatakas. Gustong magtampo ni Tori kay Taj dahil ni hindi siya nito sinubukan puntahan o kumustahin man lang. Gayun pa man ay gusto niya pa ring bigyan ng dahilan kung bakit hindi man lang siya nagawang dalawin ng asawa. Marahil ay galit ito sa kanya dahil sa mga balita. Wala siyang ideya sa iba pang kasinungalingang hinabi ng kanyang ina dahil maging ang panonood ng TV ay ipinagbawal din sa kanya. Ipinatanggal ng Mommy niya ang TV na nasa loob ng kuwarto niya. Ni hindi rin siya makahawak ng cellphone. Kinasabwat pa nito ang mga nakapaligid sa kanya kaysa mas lalong hindi siya makakilos. Simula nang lumabas siya nang hospital ay hindi pa ulit sila nag-usap ng Mommy
“HEY, ARE YOU OKAY?”Mula sa kanyang kinakaing Caesar's salad ay nag-angat ng paningin si Tori. Tumutok ang mga mata niya sa kaharap na si Sid. Kasalukuyan silang nasa Andie’s Grills na nasa loob ng isang sikat na shopping mall at kumakain ng tanghalian.Tipid na ngumiti si Tori sabay tango. Kailangan niyang umakto nang normal. Iyong sakto lang para mapaniwala niya si Sid na talagang gusto nga niya itong makasama. Naghihintay sa kanya si Everett sa basemennt ng mall kung saan naroon ang parking space. Alam niyang hindi dapat siya lumapit kay Evie para mapuntahan si Taj at makausap pero wala siyang ibang choice. Ito lang ang tangi niyang mapagkakatiwalaan sa mga sandaling iyonIlang araw din niyang pinag-isipan kung paano siya makakalabas ng bahay nila hanggang sa naisipan niyang magbait-baitan. Gayun pa man ay hindi siya sumugal sa mommy niya dahil tiyak na hindi ito maniniwala sa kanya. Praning ang nanay niya kaya pagdududuhan lang nito ang biglaan niyang pagsunod sa mga gusto nito k
ISANG LINGGO BAGO ang kasal ni Tori at Taj ay dumalaw sila sa libingan ni Wanji. Nais ng una na magpaalam at magpasalamat sa namayapang kaibigan dahil sa dami ng ginawa nito para sa kanya. Oo, kaibigan. Alam ni Tori na naging unfair siya kay Wanji noong nabubuhay pa ito. Ipinakita at ipinaramdam sa kanya ng lalaki kung gaano siya nito kamahal sa kabila ng katotohanang alam nito na walang kasiguraduhan na matutumbasan niya ang pagmamahal nito. He was always there for her. Hindi siya iniwan ni Wanji kahit pa ang ibig sabihin ng pagpili nito sa kanya ay magagalit ang pamilya nito.Tinanggap ni Tori si Wanji dahil umaasa siya na darating ang araw na matutumbasan at matututunan niya rin ang pagmamahal nito sa kanya pero mali siya. Hindi nangyari ang inaasam niya dahil kahit minsan ay hindi nabawasan ang pagmamahal niya para kay Taj. Nasaktan siya sa nangyari sa kanila at ang sakit na iyon ang pansamantalang bumalot sa puso niya. At kung kung hindi niya nakilala si Wanji, hindi alam ni T
ILANG MINUTO na lang at papatak na ang alas dose ng gabi. Bagong taon na naman. Bagong pakikipagsapalaran. Bagong mga pagsubok. Sana lang magsimula ang taong ito na maayos at matapos na walang mabigat na problema.Inayos ni Tori ang suot niyang kulay pulang bestida na umabot lamang hanggang sa itaas ng kanyang tuhod ang haba. At dahil masuwerte daw ang bilog sa pagpasok ng taon ay polka dots ang design niyon. Sandali din niyang pinasadan ng tingin sa kaharap na salamin ang kanyang mukha at nang masigurong maayos na ang itsura niya ay nagpasya na siyang bumaba. Dinampot niya ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kanyang kama bago nagsimula nang maglakad palabas ng silid nila ni Hajie. Tanging sila lamang mag-ina ang sasalubong ng bagong taon dahil bumalik na sa Pilipinas si Taj kasama ang pamilya nito pagkatapos ng pasko. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Tori habang siya ay dahan-dahang bumababa sa hagdan. Oo, magkasama sila ni Taj na nag-celebrate ng pasko. Alam niyang nang
TANGHALI NA nang magising si Tori kinabukasan. Napabalikwas pa siya ng bangon nang makitang pasado alas-diyes na ng umaga.“Shit! Shit!" natatarantang bulalas ni Tori habang nagmamadaling bumaba sa kama. Kaagad siyang pumasok sa banyo na nasa loob ng silid nila ni Hajie para maghilamos at mag-sipilyo. Nagkukuskos na siya ng kanyang ngipin nang bigla siyang matigilan. Wala sa loob na napatitig sa kaharap na salamin si Tori. “Ano na naman ang ginawa ko?" tanong niya sa sarili habang sinasariwa ang nangyari sa kanila ni Taj nang lumipas na gabi. Pulang-pula ang buong mukha pati ang puno-tainga na napangiwi na lamang si Tori. ‘Akala ko ba gusto mong makalimot kaya ka umalis ng Pilipinas at lumipat dito sa Italy?’ naka-ismid na usig ng isang bahagi ng isipan ni Tori. Yeah, right. Bakit ba palagi siyang nakakalimot kapag kaharap na niya ang dating asawa? Bakit ba napakarupok niya pagdating kay Taj?‘Kasi nga, mahal mo pa rin siya!’ muling sabad ng atribidang parte ng pagkatao ni Tori.
MALALIM NA ANG GABI at tulog na rin ang lahat ngunit nanatiling dilat ang mga mata ni Tori.Hindi na nakabalik sa hotel na tinutuluyan ang pamilya ni Taj dahil sa kagustuhan ni Hajie na makasama ag mga ito. Tatlo ang silid sa bahay ni Tori at sa awa ng Diyos ay nagkasya naman ang lahat. Magkasama sa isang silid sina Claudia at Maddie samantalang solo naman sa isa ang ina ng mga ito na si Alyssa samantalang gamit naman ni Tori at ng anak na si Hajie ang isa pa. Si Taj naman ay nagpasyang sa sofa na lamang matulog.Dahan-dahang bumangon mula sa pagkakahiga si Tori. Inayos niya muna ang comforter ng anak na si Hajie bago siya nagpasyang bumaba na lamang para uminom ng gatas. Ingat na ingat si Tori habang bumababa siya ng may labing-dalawang baitang na hagdanan. Ayaw niyang gumawa ng ingay dahil nag-aalala siyang baka biglang magising si Taj na sa salas lamang natutulog. Patay na ang ilaw sa ibaba at tanging ang nakasinding ilaw sa maliit na altar lamang na nasa itaas ng hagdan ang nags
NANG TULUYANG tumapat si Tori kay Taj ay bahagya siyang nakaramdam ng pagkalito. Dahil kasi sa lakas ng kabog ng dibdib niya ay hindi na alam kung ano ang kanyang gagawin. “Hi," bati ni Taj kay Tori na sandali pang napapitlg. Kumurap-kurap ang mga mata ni Tori pagkuwa’y mahinang nagsalita. “Hello?" alanganin na tugon niya sa dating asawa. Napakamot sa kanyang batok si Taj. Kagaya ni Tori ay nalilito din siya at kinakabahang hindi niya mawari. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo niya nang tumapat sa kanya ang dating asawa.Napalunok pa si Taj ng laway at mahinang tumikhim. Jesus Christ pero pakiramdam niya ay para siyang teenager na nabigyan ng pagkakataong masilayan ang crush niya. At kagaya niya ay nakatitig din sa kanya si Tori. “Ehem!" nanunuksong ani ni Maddie na nasa likuran ni Taj. “Nakalimutan mo yatang kasama mo kami, Kuya." nakangising turan naman ni Claudia na nakahalukipkip pa. Sabay na nag-iwas ng tingin sa isa’t-isa ang dalawa. Saka pa lamang din napansin ni Tori ang
IT’S BEEN five months since Tori decided to go back to Los Angeles kasama ang anak nilang si Hajie at isang linggong mahigit na rin ang nakalipas nang huli silang nag-usap ni Taj. Nalaman ng huli na lumipat sa France ang babae at balak ni Taj na dalawin si Hajie sa susunod na araw. Tatapusin lamang niya ang ilang meetings na hindi na niya maaaring ipa-kansela. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Taj habang hawak sa kanang kamay ang basong may lamang alak. Kasalukuyan siyang nasa labas ng mansion na pag-aari ng asawa ng Mommy niya. Namanhikan kasi ang fiancee ng kapatid niyang si Claudia kaya kompleto silang lahat. Tumingala sa madilim na kalangitan si Taj. Pasado alas onse na ng gabi at nakauwi na din ang pamilya ng fiancee ni Claudia. Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa magkabilang sulok ng mga labi ni Taj. Napakapayapa ng gabi at maging ang kalangitan ay kay gandang pagmasdan dahil sa mga bituing nakakalat. Malamig ang simoy ng hangin palibhasa magpapasko na. Is
KASABAY NG pagkakulong ni Kara ay hinuli naman ng mga pulis ang ama nito. At dahil sa matinding kahihiyan ay hindi iyon nakayanan ng ina ng babae, nagpakamatay ito pagkatapos dakpin ng mga otoridad si Mr. Alvarez. Maayos na naisilang ni Kara ang anak nila ni Landon ngunit pagkaraan lamang ng isang linggo ay binawian ng buhay ang sanggol. At labid iyong dinamdam ng babae. Mabilis namang gumulong ang kaso laban sa mag-ama at dahil sa matibay na mga ebidensiyang nakalap ng kampo nina Taj at Tori kaya kaagad na bumaba ang hatol ng korte laban sa mag-amang Alvarez. At dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay hindi iyon nakayanan ni Kara. Pagkalipas ng isa pang buwan pagkatapos mapatunayang nawala sa katinuan ang babae ay ipinasok ito sa mental hospital. Nabigyan na ng katarungan ang pagkamatay ni Wanji at sa hindi inaasahang pangyayari ay kinausap si Tori ng mga magulang ng una. All is well ngunit dahil sa mga nangyari ay malaking bahagi rin ng pagkatao ni Tori ang nawala. At isa la
“HINDI TOTOO ‘YAN!" patiling sigaw ni Kara na mas lalo pang nagwala dahil sa galit. No, hindi siya makakapayag na masira ang lahat.“Alam mong totoo ang sinasabi ko, Kara. Stop using him. Nasira mo na siya. Ano pa ba ang gusto?" puno ng poot sa mga mata na sabi ni Taj. “Hindi!" tigas na pagtanggi na sigaw ni Kara. Itinutok niya ang mga mata kay Landon na sandali namang natigilan. “Landon, hon, listen to me. Look at me, honey. Huwag kang makinig sa kanya. Sa akin ka lang makinig. Mahal kita, Landon. Narinig mo ba ako? mahal kita.” malakas ang boses na sabi niya. Hindi niya pinansin ang biglaang pagkirot ng kanyang tiyan. “Nagpa-imbestiga ako, Kara. Hawak ko ang mga ebidensiya pati na ang litratong magpapatunay na may relasyon kayo ni Landon. Ang galing mo. Nagawa mo kaming paglaruan lahat. Hindi lang si Landon ang sinira mo. You ruined me—my marriage! I’ll make you pay ten times." Sandaling tumahimik si Kara habang si Landon naman ay tila nalilitong nagpalipat-lipat ang tingin kay
NANININGKIT ANG MGA mata ni Kara habang pinagmamasdan niya si Tori na kausap ang kibigan nitong sina Lorie at Cynthia. No, hindi siya makakapayag na maging masaya ito. Hindi p’wede!Humigpit ang pagkakahawak niya sa manubela ng kanyang sasakyan nang makita niyang sabay na pumasok sa katapat na coffee shop ang tatlo. Nang tuluyang makapasok sa loob ang mga ito ay mabilis na binuksan ni Kara ang pinto ng kanyang kotse. Bumaba siyaat nagmamadali ang mga hakbang na pumasok din sa coffee shop. “Good morning, Ma’am," bati kay Kara ng isang staff na nakasalubong niya. Hindi pinansin ni Kara ang staff na nagkibit-balikat lang naman.Sandaling umikot sa paligid ang paningin ni Kara para hanapin kung nasaan si Tori. At nang makita niya itong nakaupo sa sulok na bahagi ay pinili niyang umupo naman sa mesang ilang dipa lang ang layo mula rito at sa mga kaibigan nito. May suot siyang baseball cap kaya kampante siyang hindi siya mapapansin ng babae. Yumuko din siya para mas makasiguro at nagkunwa