ISANG linggo na rin simula nang makalabas ng hospital si Tori at sa loob ng mga araw na nagdaan ay nanatili lamang siya sa loob ng bahay, hindi dahil gusto niya kundi dahil bantay-sarado siya ng Mommy niya. Lumuwas din ng Manila ang Uncle Ansen niya kasama ang boyfriend nitong si Uncle Mon kaya mas lalo siyang nahirapang makatakas. Gustong magtampo ni Tori kay Taj dahil ni hindi siya nito sinubukan puntahan o kumustahin man lang. Gayun pa man ay gusto niya pa ring bigyan ng dahilan kung bakit hindi man lang siya nagawang dalawin ng asawa. Marahil ay galit ito sa kanya dahil sa mga balita. Wala siyang ideya sa iba pang kasinungalingang hinabi ng kanyang ina dahil maging ang panonood ng TV ay ipinagbawal din sa kanya. Ipinatanggal ng Mommy niya ang TV na nasa loob ng kuwarto niya. Ni hindi rin siya makahawak ng cellphone. Kinasabwat pa nito ang mga nakapaligid sa kanya kaysa mas lalong hindi siya makakilos. Simula nang lumabas siya nang hospital ay hindi pa ulit sila nag-usap ng Mommy
“HEY, ARE YOU OKAY?”Mula sa kanyang kinakaing Caesar's salad ay nag-angat ng paningin si Tori. Tumutok ang mga mata niya sa kaharap na si Sid. Kasalukuyan silang nasa Andie’s Grills na nasa loob ng isang sikat na shopping mall at kumakain ng tanghalian.Tipid na ngumiti si Tori sabay tango. Kailangan niyang umakto nang normal. Iyong sakto lang para mapaniwala niya si Sid na talagang gusto nga niya itong makasama. Naghihintay sa kanya si Everett sa basemennt ng mall kung saan naroon ang parking space. Alam niyang hindi dapat siya lumapit kay Evie para mapuntahan si Taj at makausap pero wala siyang ibang choice. Ito lang ang tangi niyang mapagkakatiwalaan sa mga sandaling iyonIlang araw din niyang pinag-isipan kung paano siya makakalabas ng bahay nila hanggang sa naisipan niyang magbait-baitan. Gayun pa man ay hindi siya sumugal sa mommy niya dahil tiyak na hindi ito maniniwala sa kanya. Praning ang nanay niya kaya pagdududuhan lang nito ang biglaan niyang pagsunod sa mga gusto nito k
Kabadong naglakad si Tori nang tuluyan siyang makalabas ng comfort room. Wala siyang ideya kung sa plano ni Everett para ma-distract si Sid. Wala na siyang sapat na energy dahil ang utak niya nakatuon lamang kay Taj at sa magiging usapan nila kapag nagkaharap sila ng asawa niya mamaya. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaction nito kapag nagkaharap na sila o kung magkaka-ayos ba sila kaagad pagkatapos ng mga nangyari. Sa laki ng damage na nagawa ng mommy niya at ni Sid ay nagdududa din siya kung makakausap niya nang matino si Taj. Kilala niya si Taj at sa ugali nitong nawawala sa katwiran kapag nagseselos at galit, tiyak niyang mahaba-habang paliwanagan ang mangyayari pero naniniwala siyang pakikinggan siya ng asawa. Mahal siya ni Taj kaya hindi siya nito matitiis. Pagkatapos ng dalawang linggo simula nang mangyari ang gulo sa Itadakimasu, ngayon lang uli sila magkikita ng asawa. Kahit kasi sa hospital ay hindi siya nito napuntahan. Marahil ay kagagawan ng mommy niya.Lumunok n
Habang kausap ni Sid ang bagong talent ng Crystal Music na si Jonas ay sandali siyang napasulyap sa suot niyang relong pambisig. Kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya nang makita niyang halos bente minutos na ang nakakalipas simula nang magpaalam si Tori na pupunta ito sa rest room. Natakasan na ba siya ng babae? No way!"Okay lang po ba kayo?" tanong ni Jonas kay Sid nang mapansin niyang hindi mapakali ang kaharap na big boss ng Crystal Music.Sumeryoso ang anyo ni Sid pagkuwa'y tumango. Ngumiti rin siya ngunit napansin ni Jonas na tabingi iyon. Hindi rin nakaligtas sa edad bente-uno na binata ang maya't-mayang pagsulyap nito sa suot na relong pambisig."You know what," maya-maya ay sabi ni Sid na sinabayan pa ng tayo. "I gotta go, Jonas. Just call my secretary if you need something, alright..." aniya saka niya binigyan ng magaang tapik sa balikat ang lalaki.Ngumiti naman nang maluwag si Jonas sabay tango."Yes, boss! Thank you so much," tugon niya kay Sid.Hindi na sumagot si Sid
“WILL YOU BE OKAY HERE?” Mula sa pagtanaw sa labas ng bintana ay lumingon si Tori para tingnan si Everett. Nasa loob pa rin sila ng sasakyan nito at kasalukuyang nakaparada sa tapat ng apartment ni Taj. Alam ni Tori na nasa loob ang asawa dahil naroon sa garahe ang secondhand na kotseng ipinahiramm dito ni Landon.Ngumiti ng tipid si Tori bago tumango. “Yeah…I’ll be fine,” turan niya habang mahigpit na nakahawak ang kamay sa suot niyang seatbelt.Napatitig si Everett kay tori pagkuwa’y isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawala. Labis ang pag-aalala niya para sa babae. Sana lang ay maging maayos na ang lahat pagkatapos nitong mag-usap ng lalaking mahal nito.Isang pinong kirot sa puso ang nadama ni Everett nang sumagi sa kanyang isipan ang naging pag-uusap nila ni Tori. Ah, ano ba itong iniisip niya? Malinaw sa kanya ang lahat at tanggap niya iyon. ‘Pero valid naman siguro na makaramdam ka ng sakit, tama? After all, umasa ka na magiging kayo. Nabigo ka lang dahil may nak
“I'm leaving the country, mom. And please—just please don't do anything to make things worse. You and Sid have done enough damage already. Because if you do, I'm gonna get back to both of you, fair and square..."Are you threatening me? I am your mother, Victoria and I know what's good and what's not for you!""Don't use that mother card to me right now, mom. I'm not buying it anymore—not now. And do not ever tell me that you know what's good and what's not for me because you don't! And yes, you are my mother and right now, I am a mother too. So stop—just stop controlling my life already because I'm so done with it! Leave my fucking life alone!" Dalawang araw na rin ang nakakalipas simula nang madatnan niya si Taj sa apartment nito na may kasamang ibang babae. At wala rin siyang narinig o natanggap na kahit na anong balita mula rito. Kung gusto talaga siya nitong makausap ay p’wede nitong pakiusapan si Landon kagaya ng madalas nitong gawin. Masakit, sobrang sakit dahil ito ang unang b
“HON, NAIPAGTABI mo ba si Tori nong ginawa mong salad? Paborito niya’yon ‘di ba,”Tumigil sa ginagawang paglalagay ng dagdag ng mga plato si Cynthia nang marinig niya ang tanong na iyon ng asawa niyang si Raymond. Karga nito ang anak nilang si Kathleen na dalawang linggo pa lamang.Birthday ni Raymond kaya naghanda sila ng kaunti at isinabay na rin nila ang pasasalamat dahil maayos na nailuwal ni Cynthia ang anak nilang si Kathleen. Bukod sa mga kamag-anak ay imbitado rin ang ilang malalapit na kaibigan ng mag-asawa at mga ka-opisina. Isa kasing municipal engeneer si Raymond.“Oo naman, no,” aniyang muling itinuloy ang ginagawa. “Iyon pa ba naman ang makakalimutan ko, eh, ‘yong salad ko kaagad ang itinanong nong nag-usap kami nang nakaraang gabi.” malawak ang ngiti sa mga labi na aniya. Natutuwa si Cynthia na nagustuhan ni Tori ang patsambang salad na dinala niya minsan sa opisina nila. Ilang araw bago ang kanyang maternity leave ay naisipan niyang gumawa ng salad na pinaghalong pruta
Nakauwi na ang ibang bisita ng mag-asawang Cynthia at Raymond. Ang tanging natira na lamang ay ilang mga kamag-anak at ka-opisina ng mag-asawa na nag-iinuman at nagkakantahan.“Hon, darating pa ba si Tori?” tanong ni Raymomd kay Cynthia na kaagad namang tumango.“Oo, baka nga andito na iyon mamayang kaunti.”“Ano raw ba ang sabi? Nasaan na raw ba siya?” tanong na rin ni Oxygen. Alam niyang hinihintay ni Taj ang pagdating ng babae pero ayaw lang nitong magsalita kaya siya na ang nagtanong. “Ang huling sabi niya sa akin, eh, nasa pier na raw sila at kanina pa ‘yon.” “Sila?” hindi nakatiis at nagtatakang tanong ni Taj. “Ah, oo, Sir,” sagot ni Cynthia habang isinasayaw ang anak nitong tulog na tulog. “pero saglit lang daw rito. Idadaan lang daw niya ang anak niya sa bahay nila then tutuloy na sila rito.” dugtong niya.“Ay, kasama ni Tori ang anak niya…excited akong makita ang bata.” ani ni Sandra.“Hindi mo ba narinig?” sikmat ni Troy sa babae. “idadaan nga raw niya ang anka niya sa ba
ISANG LINGGO BAGO ang kasal ni Tori at Taj ay dumalaw sila sa libingan ni Wanji. Nais ng una na magpaalam at magpasalamat sa namayapang kaibigan dahil sa dami ng ginawa nito para sa kanya. Oo, kaibigan. Alam ni Tori na naging unfair siya kay Wanji noong nabubuhay pa ito. Ipinakita at ipinaramdam sa kanya ng lalaki kung gaano siya nito kamahal sa kabila ng katotohanang alam nito na walang kasiguraduhan na matutumbasan niya ang pagmamahal nito. He was always there for her. Hindi siya iniwan ni Wanji kahit pa ang ibig sabihin ng pagpili nito sa kanya ay magagalit ang pamilya nito.Tinanggap ni Tori si Wanji dahil umaasa siya na darating ang araw na matutumbasan at matututunan niya rin ang pagmamahal nito sa kanya pero mali siya. Hindi nangyari ang inaasam niya dahil kahit minsan ay hindi nabawasan ang pagmamahal niya para kay Taj. Nasaktan siya sa nangyari sa kanila at ang sakit na iyon ang pansamantalang bumalot sa puso niya. At kung kung hindi niya nakilala si Wanji, hindi alam ni T
ILANG MINUTO na lang at papatak na ang alas dose ng gabi. Bagong taon na naman. Bagong pakikipagsapalaran. Bagong mga pagsubok. Sana lang magsimula ang taong ito na maayos at matapos na walang mabigat na problema.Inayos ni Tori ang suot niyang kulay pulang bestida na umabot lamang hanggang sa itaas ng kanyang tuhod ang haba. At dahil masuwerte daw ang bilog sa pagpasok ng taon ay polka dots ang design niyon. Sandali din niyang pinasadan ng tingin sa kaharap na salamin ang kanyang mukha at nang masigurong maayos na ang itsura niya ay nagpasya na siyang bumaba. Dinampot niya ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kanyang kama bago nagsimula nang maglakad palabas ng silid nila ni Hajie. Tanging sila lamang mag-ina ang sasalubong ng bagong taon dahil bumalik na sa Pilipinas si Taj kasama ang pamilya nito pagkatapos ng pasko. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Tori habang siya ay dahan-dahang bumababa sa hagdan. Oo, magkasama sila ni Taj na nag-celebrate ng pasko. Alam niyang nang
TANGHALI NA nang magising si Tori kinabukasan. Napabalikwas pa siya ng bangon nang makitang pasado alas-diyes na ng umaga.“Shit! Shit!" natatarantang bulalas ni Tori habang nagmamadaling bumaba sa kama. Kaagad siyang pumasok sa banyo na nasa loob ng silid nila ni Hajie para maghilamos at mag-sipilyo. Nagkukuskos na siya ng kanyang ngipin nang bigla siyang matigilan. Wala sa loob na napatitig sa kaharap na salamin si Tori. “Ano na naman ang ginawa ko?" tanong niya sa sarili habang sinasariwa ang nangyari sa kanila ni Taj nang lumipas na gabi. Pulang-pula ang buong mukha pati ang puno-tainga na napangiwi na lamang si Tori. ‘Akala ko ba gusto mong makalimot kaya ka umalis ng Pilipinas at lumipat dito sa Italy?’ naka-ismid na usig ng isang bahagi ng isipan ni Tori. Yeah, right. Bakit ba palagi siyang nakakalimot kapag kaharap na niya ang dating asawa? Bakit ba napakarupok niya pagdating kay Taj?‘Kasi nga, mahal mo pa rin siya!’ muling sabad ng atribidang parte ng pagkatao ni Tori.
MALALIM NA ANG GABI at tulog na rin ang lahat ngunit nanatiling dilat ang mga mata ni Tori.Hindi na nakabalik sa hotel na tinutuluyan ang pamilya ni Taj dahil sa kagustuhan ni Hajie na makasama ag mga ito. Tatlo ang silid sa bahay ni Tori at sa awa ng Diyos ay nagkasya naman ang lahat. Magkasama sa isang silid sina Claudia at Maddie samantalang solo naman sa isa ang ina ng mga ito na si Alyssa samantalang gamit naman ni Tori at ng anak na si Hajie ang isa pa. Si Taj naman ay nagpasyang sa sofa na lamang matulog.Dahan-dahang bumangon mula sa pagkakahiga si Tori. Inayos niya muna ang comforter ng anak na si Hajie bago siya nagpasyang bumaba na lamang para uminom ng gatas. Ingat na ingat si Tori habang bumababa siya ng may labing-dalawang baitang na hagdanan. Ayaw niyang gumawa ng ingay dahil nag-aalala siyang baka biglang magising si Taj na sa salas lamang natutulog. Patay na ang ilaw sa ibaba at tanging ang nakasinding ilaw sa maliit na altar lamang na nasa itaas ng hagdan ang nags
NANG TULUYANG tumapat si Tori kay Taj ay bahagya siyang nakaramdam ng pagkalito. Dahil kasi sa lakas ng kabog ng dibdib niya ay hindi na alam kung ano ang kanyang gagawin. “Hi," bati ni Taj kay Tori na sandali pang napapitlg. Kumurap-kurap ang mga mata ni Tori pagkuwa’y mahinang nagsalita. “Hello?" alanganin na tugon niya sa dating asawa. Napakamot sa kanyang batok si Taj. Kagaya ni Tori ay nalilito din siya at kinakabahang hindi niya mawari. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo niya nang tumapat sa kanya ang dating asawa.Napalunok pa si Taj ng laway at mahinang tumikhim. Jesus Christ pero pakiramdam niya ay para siyang teenager na nabigyan ng pagkakataong masilayan ang crush niya. At kagaya niya ay nakatitig din sa kanya si Tori. “Ehem!" nanunuksong ani ni Maddie na nasa likuran ni Taj. “Nakalimutan mo yatang kasama mo kami, Kuya." nakangising turan naman ni Claudia na nakahalukipkip pa. Sabay na nag-iwas ng tingin sa isa’t-isa ang dalawa. Saka pa lamang din napansin ni Tori ang
IT’S BEEN five months since Tori decided to go back to Los Angeles kasama ang anak nilang si Hajie at isang linggong mahigit na rin ang nakalipas nang huli silang nag-usap ni Taj. Nalaman ng huli na lumipat sa France ang babae at balak ni Taj na dalawin si Hajie sa susunod na araw. Tatapusin lamang niya ang ilang meetings na hindi na niya maaaring ipa-kansela. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Taj habang hawak sa kanang kamay ang basong may lamang alak. Kasalukuyan siyang nasa labas ng mansion na pag-aari ng asawa ng Mommy niya. Namanhikan kasi ang fiancee ng kapatid niyang si Claudia kaya kompleto silang lahat. Tumingala sa madilim na kalangitan si Taj. Pasado alas onse na ng gabi at nakauwi na din ang pamilya ng fiancee ni Claudia. Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa magkabilang sulok ng mga labi ni Taj. Napakapayapa ng gabi at maging ang kalangitan ay kay gandang pagmasdan dahil sa mga bituing nakakalat. Malamig ang simoy ng hangin palibhasa magpapasko na. Is
KASABAY NG pagkakulong ni Kara ay hinuli naman ng mga pulis ang ama nito. At dahil sa matinding kahihiyan ay hindi iyon nakayanan ng ina ng babae, nagpakamatay ito pagkatapos dakpin ng mga otoridad si Mr. Alvarez. Maayos na naisilang ni Kara ang anak nila ni Landon ngunit pagkaraan lamang ng isang linggo ay binawian ng buhay ang sanggol. At labid iyong dinamdam ng babae. Mabilis namang gumulong ang kaso laban sa mag-ama at dahil sa matibay na mga ebidensiyang nakalap ng kampo nina Taj at Tori kaya kaagad na bumaba ang hatol ng korte laban sa mag-amang Alvarez. At dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay hindi iyon nakayanan ni Kara. Pagkalipas ng isa pang buwan pagkatapos mapatunayang nawala sa katinuan ang babae ay ipinasok ito sa mental hospital. Nabigyan na ng katarungan ang pagkamatay ni Wanji at sa hindi inaasahang pangyayari ay kinausap si Tori ng mga magulang ng una. All is well ngunit dahil sa mga nangyari ay malaking bahagi rin ng pagkatao ni Tori ang nawala. At isa la
“HINDI TOTOO ‘YAN!" patiling sigaw ni Kara na mas lalo pang nagwala dahil sa galit. No, hindi siya makakapayag na masira ang lahat.“Alam mong totoo ang sinasabi ko, Kara. Stop using him. Nasira mo na siya. Ano pa ba ang gusto?" puno ng poot sa mga mata na sabi ni Taj. “Hindi!" tigas na pagtanggi na sigaw ni Kara. Itinutok niya ang mga mata kay Landon na sandali namang natigilan. “Landon, hon, listen to me. Look at me, honey. Huwag kang makinig sa kanya. Sa akin ka lang makinig. Mahal kita, Landon. Narinig mo ba ako? mahal kita.” malakas ang boses na sabi niya. Hindi niya pinansin ang biglaang pagkirot ng kanyang tiyan. “Nagpa-imbestiga ako, Kara. Hawak ko ang mga ebidensiya pati na ang litratong magpapatunay na may relasyon kayo ni Landon. Ang galing mo. Nagawa mo kaming paglaruan lahat. Hindi lang si Landon ang sinira mo. You ruined me—my marriage! I’ll make you pay ten times." Sandaling tumahimik si Kara habang si Landon naman ay tila nalilitong nagpalipat-lipat ang tingin kay
NANININGKIT ANG MGA mata ni Kara habang pinagmamasdan niya si Tori na kausap ang kibigan nitong sina Lorie at Cynthia. No, hindi siya makakapayag na maging masaya ito. Hindi p’wede!Humigpit ang pagkakahawak niya sa manubela ng kanyang sasakyan nang makita niyang sabay na pumasok sa katapat na coffee shop ang tatlo. Nang tuluyang makapasok sa loob ang mga ito ay mabilis na binuksan ni Kara ang pinto ng kanyang kotse. Bumaba siyaat nagmamadali ang mga hakbang na pumasok din sa coffee shop. “Good morning, Ma’am," bati kay Kara ng isang staff na nakasalubong niya. Hindi pinansin ni Kara ang staff na nagkibit-balikat lang naman.Sandaling umikot sa paligid ang paningin ni Kara para hanapin kung nasaan si Tori. At nang makita niya itong nakaupo sa sulok na bahagi ay pinili niyang umupo naman sa mesang ilang dipa lang ang layo mula rito at sa mga kaibigan nito. May suot siyang baseball cap kaya kampante siyang hindi siya mapapansin ng babae. Yumuko din siya para mas makasiguro at nagkunwa