"TORI..." Walang buhay na tinapunan ni Tori ng tingin si Sid na puno naman ng pag-aalala ang anyo na nakatitig sa kanya. Nakatayo ito malapit sa main door habang hawak sa kamay ang isang pumpon ng bulaklak. "I wanna be alone, Sid," mahina ang tinig na usal niya. "please..." dugtong na pakiusap niya pa rito. Kararating lang nila mula sa hospital kung saan siya inilipat ni Sid mula sa San Lorenzo. Mahigit isang linggo rin siyang nasa St. Agustin Hospital at sa loob ng mga panahong iyon ay nabigo siyang makita ang kaisa-isang taong inaasam niyang dadalaw sa kanya. At nakausap rin niya si Oxygen nang tumawag sa kanya ang dating kaibigan para mangamusta. Tinanong niya ito kung nasaan si Taj at nalaman niyang nasa Singapore ang lalaki kasama ang fiancée nitong si Kara. Sandaling dumilim ang anyo ni Sid nang marinig ang sinabi ni Tori pero wala siyang magagawa. Tumango na lamang siya lalo na nang makitang tumalikod na ang babae at umakyat na sa naka-arkong hagdanan."Yeah, I think, I got
PALABAS ng restaurant si Tori kasama si Ember at ang PA niyang si Jessa nang biglang silang sinalubong ng mga reporter na kanina pa naghihintay sa paglabas ng popstar. "Tori, gaano katotoo ang bulong-bulungan na magpo-propose ka na daw kay nagkikita daw ulit kayo ni Everett Lozares?""Totoo rin bang isa siya sa magiging guest sa darating mong comeback concert sa susunod na buwan?" "Ngayong legal na kayong hiwalay ni Taj Sebastian, ibig bang sabihin nito ay magkakabalikan na kayo ni Evie?" Napahawak si Tori sa kanyang noo dahil sa sunod-sunod na mga katanungang ibinato sa kanya ng mga reporter at karamihan pa personal na bagay. Sumakit ang ulo niya at bigla siyang nakaramdan ng pagkahilo. "I—I..." hindi alam ang sasabihin na usal na lamang ni Tori habang ang isang kamay ay nakahawak sa kanyang ulo. Kaagad namang napansin ni Jessa ang namumutlang anyo ni Tori kaya kaagad niyang inabot sa isang security ang hawak na mga gamit bago mabilis na hinawakan ang isang braso ng popstar. "Ar
DAPIT-HAPON na nang makarating si Tori sa Iloilo kaya mabilis siyang umupa ng masasakyang pump boat patungo sa Guimaras. Pagkarating naman niya sa Isla ay naghihintay na sa kanya ang isang empleyado ng Toyota. Kaagad nitong inabot sa kanya ang susi ng bagong kotse na binili ni Darlene para sa kanya. Si Darlene ay ang kanyang financial advisor at tinawagan ito ni Jessa nang sabihin niyang kailangan niya ng sasakyan sa pagpunta niya sa San Lorenzo. Malayo-layo pa si Tori sa ancestral house nila ngunit tanaw na niya ang maliwanag na paligid sa labas. May ilang sasakyan ding nakaparada sa tabi ng kalsada. Bumuga siya ng hangin at bahagya ring humigpit ang pagkakahawak niya sa manubela habang papalapit siya nang palapit sa bahay nila. Dahan-dahan niyang ipinarada ang dalang kotse sa isang tabi bago muling nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Halo-halo rin ang emosyong pumupuno sa kanya. Kinakabahan siya dahil pagkalipas ng limang taon simula nang umalis siya sa San Lorenzo ay ngay
ISANG mabilis na sulyap sa malaking salamin ang ginawa ni Tori at nang makitang presentable na ang kanyang anyo ay dinampot na niya ang itim na purse na nakapatong sa isang tabi. Itinali lamang niya nang patalikod ang kanyang buhok. Naglagay lang siya ng manipis na lipstick at polbo sa kanyang mukha. Puting long-sleeved blouse na itinupi niya hanggang siko at pantalong maong na hapit sa kanyang mahahaba at makurbang hita at binti. Simple pero malakas pa rin ang dating. Kalilibing lang ng kanyang Uncle Ansen kahapon pagkatapos ng tatlong araw na burol. Nalaman na rin niya mula kay Tiya Belen na isinangla pala ng Uncle niya kay Taj ang ancestral house dahil kailangan nito ng perang pampagamot sa sakit na cancer. Gusto niyang magalit sa Uncle niya dahil hindi ito lumapit sa kanya pero sa huli ay pinilit na lamang niya itong unawain. Kung siya nga na pamangkin lang nito ay hindi man lang ito nagawang dalawin o kamustahin sa loob ng limang taon, ito pa kaya? Ang hindi lang niya maintindih
PAGPASOK ni Tori sa opisina ni Taj ay sinalubong siya ng malamig na hangin na nagmumula sa nakabukas na aircon. Kaagad na dumako ang kanyang paningin sa lalaking nakayuko at tila abalang-abala sa binabasa nito. Palihim na lamang siyang bumuga ng hangin dahil sa totoo lang ay kinakabahan siya. Hindi niya alam kung paano niya sisimulan ang pangungumbinse sa dating asawa na huwag nitong ilitin ang ancestral house nila. Ang bahay na lamang na iyon ang natitirang alaala sa kanya ng kanyang Uncle Ansen.Mahinang tumikhim si Tori para kunin ang pansin ni Taj at hindi naman siya nabigo. Mula sa binabasa nito ay nag-angat ang lalaki ng mukha bago deritso ang mga mata na tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Nang makita ni Tori ang klase ng tinging ipinupukol sa kanya ni Taj ay hindi niya napigilan ang sarili. Pumiksi siya kasabay ng matalim na irap na kitang-kita naman ng lalaki dahil eksaktong dumako ang mga mata nito sa mukha niya. "Sit down!" walang emosyong turan ni Taj kay Tori at i
PAREHONG napatigil sa kanilang ginagawa sina Taj at Tori nang bulabugin sila ng tunog ng intercom. Mabilis na bumitaw si Tori sa lalaki habang ang una naman ay pinindot ang speaker ng intercom."Yes?" medyo iritableng ani ni Taj habang ang mga mata ay nakatutok kay Moon na halos hindi malaman kung paano aayusin ang sarili. Kaagad na bumaba si Tori sa mesa para damputin ang damit niya na nahulog sa sahig. Kung paano iyon nahubad ni Taj nang ganoon kabilis ay hindi na niya maalala. Mabuti na lang at may suot pa rin siyang bra pero nakalilis na ang strap sa kaliwang bahagi. Tumalikod siya sa dating asawa at hinawi ang buhok bago isinuot ang hawak niyang damit. "Sir, nandito na po si Ma'am Kara," sabi ng sekretarya niya. "patutuluyin ko na ba diyan o—" "Tell her to wait for me there." putol niya sa sinasabi ni Cynthia habang ang mga mata ay matiim na nakatutok sa isang bahagi ng likod ni Tori. "Okay, Sir..." Nang mawala na sa kabilang linya ng intercom ang sekretarya niya ay isinanda
"FOR PETE'S SAKE, Tori, can you please tell me where you are right now?!" Automatic na nailayo ni Tori sa kanyang tainga ang hawak niyang cellphone dahil sa matinis na tinig ng naghi-histerical niyang manager. Damang-dama niya sa boses nito ang pinipigilang galit na may kasamang konsomisyon. "Hi, Ember!" malakas ang boses na aniya sa baklang napatili na lamang sa kabilang linya. "You better answer me now—""I'm in my mom's hometown, Ember," putol ni Tori sa iba pang sasabihin ng manager niya bago pa man tuluyang humaba ang mga litanya nito. "my uncle just passed away, so—yeah..." dugtong niya sabay abot ng towel na nakapatong sa katabing reclining chair. Kasalukuyan siyang nasa labas ng bahay at nagbibilad sa mainit na sikat ng araw. Alas otso na ng umaga at nag-a-almusal na naman na ng init ng ulo ang manager niya. Napatigil naman sa pagtili ang baklang manager nang marinig ang sinabi ni Tori. "Oh, my God, I'm so sorry, Tori," bulalas ni Ember. Bakas sa tinig nito ang simpatya
PASADO ALA-UNA na ng madaling-araw pero nasa Drifting Mist pa ring ang grupo si Tori kasama si Gio. Nauna nang umuwi si Oxygen dahil baka raw sa labas ng kulambo ito patulugin ni Lorie kapag lumagpas ito ng hating-gabi na wala pa rin sa bahay. "Shake that booty, Tori!" malakas ang boses na sabi ni Gio kay Tori na kaagad namang iginiling ang balakang habang hawak ang basong may lamang alak. Namumula na ang mukha ni Tori dahil sa dami ng nainom. Nahihilo na rin siya, tanda na tinamaan na siya ng mga ininom niya. Simula kasi nang ipagbuntis niya si Hajie ay tumigil na siya sa pag-inom kaya naninibago ang katawan niya. Ngayon lang uli siya nakapag-night out pagkatapos ng limang taon. "Hold this," ani ni Tori kay Gio sabay abot ng hawak niyang baso sa kaibigan.Nang makuha ni Gio ang baso ay hinawakan ni Tori ang laylayan ng suot niyang tank top saka iyon nilukot-lukot habang gumigiling ang balakang. Humawak naman si Gio sa balikat ni Tori bago sinabayan ang bawat galaw ng katawan ng ba
ISANG LINGGO BAGO ang kasal ni Tori at Taj ay dumalaw sila sa libingan ni Wanji. Nais ng una na magpaalam at magpasalamat sa namayapang kaibigan dahil sa dami ng ginawa nito para sa kanya. Oo, kaibigan. Alam ni Tori na naging unfair siya kay Wanji noong nabubuhay pa ito. Ipinakita at ipinaramdam sa kanya ng lalaki kung gaano siya nito kamahal sa kabila ng katotohanang alam nito na walang kasiguraduhan na matutumbasan niya ang pagmamahal nito. He was always there for her. Hindi siya iniwan ni Wanji kahit pa ang ibig sabihin ng pagpili nito sa kanya ay magagalit ang pamilya nito.Tinanggap ni Tori si Wanji dahil umaasa siya na darating ang araw na matutumbasan at matututunan niya rin ang pagmamahal nito sa kanya pero mali siya. Hindi nangyari ang inaasam niya dahil kahit minsan ay hindi nabawasan ang pagmamahal niya para kay Taj. Nasaktan siya sa nangyari sa kanila at ang sakit na iyon ang pansamantalang bumalot sa puso niya. At kung kung hindi niya nakilala si Wanji, hindi alam ni T
ILANG MINUTO na lang at papatak na ang alas dose ng gabi. Bagong taon na naman. Bagong pakikipagsapalaran. Bagong mga pagsubok. Sana lang magsimula ang taong ito na maayos at matapos na walang mabigat na problema.Inayos ni Tori ang suot niyang kulay pulang bestida na umabot lamang hanggang sa itaas ng kanyang tuhod ang haba. At dahil masuwerte daw ang bilog sa pagpasok ng taon ay polka dots ang design niyon. Sandali din niyang pinasadan ng tingin sa kaharap na salamin ang kanyang mukha at nang masigurong maayos na ang itsura niya ay nagpasya na siyang bumaba. Dinampot niya ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kanyang kama bago nagsimula nang maglakad palabas ng silid nila ni Hajie. Tanging sila lamang mag-ina ang sasalubong ng bagong taon dahil bumalik na sa Pilipinas si Taj kasama ang pamilya nito pagkatapos ng pasko. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Tori habang siya ay dahan-dahang bumababa sa hagdan. Oo, magkasama sila ni Taj na nag-celebrate ng pasko. Alam niyang nang
TANGHALI NA nang magising si Tori kinabukasan. Napabalikwas pa siya ng bangon nang makitang pasado alas-diyes na ng umaga.“Shit! Shit!" natatarantang bulalas ni Tori habang nagmamadaling bumaba sa kama. Kaagad siyang pumasok sa banyo na nasa loob ng silid nila ni Hajie para maghilamos at mag-sipilyo. Nagkukuskos na siya ng kanyang ngipin nang bigla siyang matigilan. Wala sa loob na napatitig sa kaharap na salamin si Tori. “Ano na naman ang ginawa ko?" tanong niya sa sarili habang sinasariwa ang nangyari sa kanila ni Taj nang lumipas na gabi. Pulang-pula ang buong mukha pati ang puno-tainga na napangiwi na lamang si Tori. ‘Akala ko ba gusto mong makalimot kaya ka umalis ng Pilipinas at lumipat dito sa Italy?’ naka-ismid na usig ng isang bahagi ng isipan ni Tori. Yeah, right. Bakit ba palagi siyang nakakalimot kapag kaharap na niya ang dating asawa? Bakit ba napakarupok niya pagdating kay Taj?‘Kasi nga, mahal mo pa rin siya!’ muling sabad ng atribidang parte ng pagkatao ni Tori.
MALALIM NA ANG GABI at tulog na rin ang lahat ngunit nanatiling dilat ang mga mata ni Tori.Hindi na nakabalik sa hotel na tinutuluyan ang pamilya ni Taj dahil sa kagustuhan ni Hajie na makasama ag mga ito. Tatlo ang silid sa bahay ni Tori at sa awa ng Diyos ay nagkasya naman ang lahat. Magkasama sa isang silid sina Claudia at Maddie samantalang solo naman sa isa ang ina ng mga ito na si Alyssa samantalang gamit naman ni Tori at ng anak na si Hajie ang isa pa. Si Taj naman ay nagpasyang sa sofa na lamang matulog.Dahan-dahang bumangon mula sa pagkakahiga si Tori. Inayos niya muna ang comforter ng anak na si Hajie bago siya nagpasyang bumaba na lamang para uminom ng gatas. Ingat na ingat si Tori habang bumababa siya ng may labing-dalawang baitang na hagdanan. Ayaw niyang gumawa ng ingay dahil nag-aalala siyang baka biglang magising si Taj na sa salas lamang natutulog. Patay na ang ilaw sa ibaba at tanging ang nakasinding ilaw sa maliit na altar lamang na nasa itaas ng hagdan ang nags
NANG TULUYANG tumapat si Tori kay Taj ay bahagya siyang nakaramdam ng pagkalito. Dahil kasi sa lakas ng kabog ng dibdib niya ay hindi na alam kung ano ang kanyang gagawin. “Hi," bati ni Taj kay Tori na sandali pang napapitlg. Kumurap-kurap ang mga mata ni Tori pagkuwa’y mahinang nagsalita. “Hello?" alanganin na tugon niya sa dating asawa. Napakamot sa kanyang batok si Taj. Kagaya ni Tori ay nalilito din siya at kinakabahang hindi niya mawari. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo niya nang tumapat sa kanya ang dating asawa.Napalunok pa si Taj ng laway at mahinang tumikhim. Jesus Christ pero pakiramdam niya ay para siyang teenager na nabigyan ng pagkakataong masilayan ang crush niya. At kagaya niya ay nakatitig din sa kanya si Tori. “Ehem!" nanunuksong ani ni Maddie na nasa likuran ni Taj. “Nakalimutan mo yatang kasama mo kami, Kuya." nakangising turan naman ni Claudia na nakahalukipkip pa. Sabay na nag-iwas ng tingin sa isa’t-isa ang dalawa. Saka pa lamang din napansin ni Tori ang
IT’S BEEN five months since Tori decided to go back to Los Angeles kasama ang anak nilang si Hajie at isang linggong mahigit na rin ang nakalipas nang huli silang nag-usap ni Taj. Nalaman ng huli na lumipat sa France ang babae at balak ni Taj na dalawin si Hajie sa susunod na araw. Tatapusin lamang niya ang ilang meetings na hindi na niya maaaring ipa-kansela. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Taj habang hawak sa kanang kamay ang basong may lamang alak. Kasalukuyan siyang nasa labas ng mansion na pag-aari ng asawa ng Mommy niya. Namanhikan kasi ang fiancee ng kapatid niyang si Claudia kaya kompleto silang lahat. Tumingala sa madilim na kalangitan si Taj. Pasado alas onse na ng gabi at nakauwi na din ang pamilya ng fiancee ni Claudia. Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa magkabilang sulok ng mga labi ni Taj. Napakapayapa ng gabi at maging ang kalangitan ay kay gandang pagmasdan dahil sa mga bituing nakakalat. Malamig ang simoy ng hangin palibhasa magpapasko na. Is
KASABAY NG pagkakulong ni Kara ay hinuli naman ng mga pulis ang ama nito. At dahil sa matinding kahihiyan ay hindi iyon nakayanan ng ina ng babae, nagpakamatay ito pagkatapos dakpin ng mga otoridad si Mr. Alvarez. Maayos na naisilang ni Kara ang anak nila ni Landon ngunit pagkaraan lamang ng isang linggo ay binawian ng buhay ang sanggol. At labid iyong dinamdam ng babae. Mabilis namang gumulong ang kaso laban sa mag-ama at dahil sa matibay na mga ebidensiyang nakalap ng kampo nina Taj at Tori kaya kaagad na bumaba ang hatol ng korte laban sa mag-amang Alvarez. At dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay hindi iyon nakayanan ni Kara. Pagkalipas ng isa pang buwan pagkatapos mapatunayang nawala sa katinuan ang babae ay ipinasok ito sa mental hospital. Nabigyan na ng katarungan ang pagkamatay ni Wanji at sa hindi inaasahang pangyayari ay kinausap si Tori ng mga magulang ng una. All is well ngunit dahil sa mga nangyari ay malaking bahagi rin ng pagkatao ni Tori ang nawala. At isa la
“HINDI TOTOO ‘YAN!" patiling sigaw ni Kara na mas lalo pang nagwala dahil sa galit. No, hindi siya makakapayag na masira ang lahat.“Alam mong totoo ang sinasabi ko, Kara. Stop using him. Nasira mo na siya. Ano pa ba ang gusto?" puno ng poot sa mga mata na sabi ni Taj. “Hindi!" tigas na pagtanggi na sigaw ni Kara. Itinutok niya ang mga mata kay Landon na sandali namang natigilan. “Landon, hon, listen to me. Look at me, honey. Huwag kang makinig sa kanya. Sa akin ka lang makinig. Mahal kita, Landon. Narinig mo ba ako? mahal kita.” malakas ang boses na sabi niya. Hindi niya pinansin ang biglaang pagkirot ng kanyang tiyan. “Nagpa-imbestiga ako, Kara. Hawak ko ang mga ebidensiya pati na ang litratong magpapatunay na may relasyon kayo ni Landon. Ang galing mo. Nagawa mo kaming paglaruan lahat. Hindi lang si Landon ang sinira mo. You ruined me—my marriage! I’ll make you pay ten times." Sandaling tumahimik si Kara habang si Landon naman ay tila nalilitong nagpalipat-lipat ang tingin kay
NANININGKIT ANG MGA mata ni Kara habang pinagmamasdan niya si Tori na kausap ang kibigan nitong sina Lorie at Cynthia. No, hindi siya makakapayag na maging masaya ito. Hindi p’wede!Humigpit ang pagkakahawak niya sa manubela ng kanyang sasakyan nang makita niyang sabay na pumasok sa katapat na coffee shop ang tatlo. Nang tuluyang makapasok sa loob ang mga ito ay mabilis na binuksan ni Kara ang pinto ng kanyang kotse. Bumaba siyaat nagmamadali ang mga hakbang na pumasok din sa coffee shop. “Good morning, Ma’am," bati kay Kara ng isang staff na nakasalubong niya. Hindi pinansin ni Kara ang staff na nagkibit-balikat lang naman.Sandaling umikot sa paligid ang paningin ni Kara para hanapin kung nasaan si Tori. At nang makita niya itong nakaupo sa sulok na bahagi ay pinili niyang umupo naman sa mesang ilang dipa lang ang layo mula rito at sa mga kaibigan nito. May suot siyang baseball cap kaya kampante siyang hindi siya mapapansin ng babae. Yumuko din siya para mas makasiguro at nagkunwa