Share

DRIFTING MIST(GIO)

Author: Bryll McTerr
last update Last Updated: 2023-04-07 16:11:55

"FOR PETE'S SAKE, Tori, can you please tell me where you are right now?!"

Automatic na nailayo ni Tori sa kanyang tainga ang hawak niyang cellphone dahil sa matinis na tinig ng naghi-histerical niyang manager. Damang-dama niya sa boses nito ang pinipigilang galit na may kasamang konsomisyon.

"Hi, Ember!" malakas ang boses na aniya sa baklang napatili na lamang sa kabilang linya.

"You better answer me now—"

"I'm in my mom's hometown, Ember," putol ni Tori sa iba pang sasabihin ng manager niya bago pa man tuluyang humaba ang mga litanya nito. "my uncle just passed away, so—yeah..." dugtong niya sabay abot ng towel na nakapatong sa katabing reclining chair.

Kasalukuyan siyang nasa labas ng bahay at nagbibilad sa mainit na sikat ng araw. Alas otso na ng umaga at nag-a-almusal na naman na ng init ng ulo ang manager niya.

Napatigil naman sa pagtili ang baklang manager nang marinig ang sinabi ni Tori.

"Oh, my God, I'm so sorry, Tori," bulalas ni Ember. Bakas sa tinig nito ang simpatya
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    YOU ARE MINE

    PASADO ALA-UNA na ng madaling-araw pero nasa Drifting Mist pa ring ang grupo si Tori kasama si Gio. Nauna nang umuwi si Oxygen dahil baka raw sa labas ng kulambo ito patulugin ni Lorie kapag lumagpas ito ng hating-gabi na wala pa rin sa bahay. "Shake that booty, Tori!" malakas ang boses na sabi ni Gio kay Tori na kaagad namang iginiling ang balakang habang hawak ang basong may lamang alak. Namumula na ang mukha ni Tori dahil sa dami ng nainom. Nahihilo na rin siya, tanda na tinamaan na siya ng mga ininom niya. Simula kasi nang ipagbuntis niya si Hajie ay tumigil na siya sa pag-inom kaya naninibago ang katawan niya. Ngayon lang uli siya nakapag-night out pagkatapos ng limang taon. "Hold this," ani ni Tori kay Gio sabay abot ng hawak niyang baso sa kaibigan.Nang makuha ni Gio ang baso ay hinawakan ni Tori ang laylayan ng suot niyang tank top saka iyon nilukot-lukot habang gumigiling ang balakang. Humawak naman si Gio sa balikat ni Tori bago sinabayan ang bawat galaw ng katawan ng ba

    Last Updated : 2023-04-07
  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    PATIENCE

    PANAY ang sulyap ni Tori sa suot niyang relo. Alas-otso y media ang flight niya patungo sa Manila kaya dapat ay nasa Iloilo na siya ng alas-sais at halos alas-kuwatro na ng hapon. Malapit na ang out nila. "Tori," Nag-angat ng paningin si Tori at napatingin kay Cynthia na nakangiwi ang mukhang itinuro ang pinto ng opisina ni Taj. Mag-iisang linggo na siyang nagta-trabaho sa Sebastian plantation at kagaya ng kanyang inaasahan ay hindi naging madali ang lahat. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay palaging may nakikitang mali si Taj sa ginagawa niya. At tiyak niyang kaya siya ipinapatawag ng lalaki ngayon ay may nakita na naman itong palpak sa trabaho niya kaya malapit na ring maubos ang kanyang pasensiya. Huminga siya ng malalim bago tumayo. "Galit ulit?" tanong niya kay Cynthia na napakamot na lang sa ulo bago tumango. Sa loob ng ilang araw na nakasama niya ang babae ay naging magkasundo na silang dalawa. Nakakalungkot lang dahil huling araw na ni Cynthia sa trabaho. Na-extend ng ilan

    Last Updated : 2023-04-08
  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    WEDDING RING

    PASADO alas onse na nang gabi at naghahanda na si Taj sa pagtulog nang biglang tumunog ang cellphone niyang nakapatong sa ibabaw ng maliit na bedside table. Kunot ang noong isinampay niya sa kanyang balikat ang tuwalya na ginamit niyang pangtuyo sa basa niyang buhok dahil katatapos lang niyang mag-shower. Humakbang siya patungo sa gilid ng kama dinampot ang cellphone. Mas lalo pang lumalim ang kunot sa kanyang noo nang makita ang pangalan ng security guard na naka-duty sa administration building ng Sebastian Plantation."Yes, Paeng," bungad ni Taj pagkatapos sagutin ang tawag. "may problema ba?" tanong niya at saglit na nakinig nang magsalita ang guwardiya. "Wala naman, Sir," medyo nag-aalangan na sagot ng guwardiya kay Taj. "kaya lang kasi, kalalabas lang ng opisina ni Miss Herrera. Naglakad lang palabas ng plantation. Ihahatid ko sana pero walang maiiwan dito sa post ko kaya itinawag ko na lang sa-"Nagsalpukan ang mga kilay ni Taj nang marinig niya ang sinabi ni Paeng. Sinulyapan

    Last Updated : 2023-04-08
  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    EGGS AND HOTDOGS

    NATITIGILANG umikot ang mga mata ni Tori sa paligid. Kumunot ang kanyang noo nang makumpirmang naroon na siya sa kanyang silid. What happened? Ang huling tanda niya ay naglalakad siya palabas ng Sebastian Plantation at—Si Taj!Mabilis na bumangon mula sa pagkakahiga si Tori nang sumagi sa kanyang isipan ang lalaki. Binuhat ba siya nito? Dahil sa isiping iyon ay napatayo siya at nagmamadaling naglakad palabas ng kanyang silid. Ni hindi na niya nagawang isinuot ang kanyang pambahay na tsinelas dahil sa sobrang pagmamadali. Halos patakbo siyang bumaba ng hagdan at nang makarating sa ibaba ay kaagad niyang hinanap ang dating asawa ngunit ni kapirasong anino nito ay hindi niya nakita maging sa kusina at sa labas ng bahay. 'What do you expect?' Untag ng isang bahagi ng kanyang isipan. Nasapo ni Tori ang kanyang noo. Ano ba ang iniisip niya? Bakit parang umaasa siyang makikita niya si Taj pagkababae niya? Nagpapadala na naman siya sa kanyang katangahan. Hinatid lang siya ng lalaki ay muk

    Last Updated : 2023-04-09
  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    CALLING CARD

    "TORI HERRERA?" Kiming ngumiti si Tori sa kaharap na Chinese. Si Greggy Tan, ang CEO ng isa sa pinakamalaking hotel and restaurant chains sa Pilipinas. Titig na titig ang edad trenta y sais na negosyante kay Tori. Bakas sa singkit na mga mata nito ang matinding paghanga para sa babae. ."I'm glad to meet you, Mr. Tan!" may tipid na ngiti sa mga labi na turan ni Tori bago niya inilahad ang kanyang kanang kamay sa intsik. Mabilis na inabot ni Greggy ang kamay ni Tori. Mahigpit nito iyong kinamayan. "And the pleasure is mine, too," tuwang turan ni Greggy. "And please, just call me Greggy." deretsang sabi pa niya habang ang mga mata ay titig na titig kay Tori. Ni hindi niya napansin ang pagkunot ng noo ni Taj na nakatayo naman sa tabi ni Tori. Tumikhim si Taj para makuha ang atensiyon ni Greggy na saka pa lang din ibinaling ang pansin sa kanya. "Taj Sebastian!" maluwag ang ngiti sa mga labi na bati ni Greggy. "I wasn't aware that Tori is working for you, huh. I'm a fan," aniya bago m

    Last Updated : 2023-04-10
  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    REHEARSAL

    "TORI, may tatlong araw ka na lang, baka nakakalimutan mo!"Napapangiwi si Tori habang nakikinig sa walang katapusang litanya ng choreographer niyang si Zeus. Tama naman ito. Tatlong araw na lang ang natitira sa kanya bago ang mismong araw ng comeback concert niya sa Polaris Stadium. "Oo na, ito nga. Nagbihis lang, eh," aniyang sinadya pang lambingan ang tinig habang nilalagay sa loob ng kanyang sports bag ang mga hinubad na damit.Alas-onse y media na ng tanghali at lunch time na nila sa Sebastian Plantation pero sa halip na tumuloy sa canteen para kumain ay dumiretso si Tori sa comfort room para magbihis ng baon niyang jogger pants, maluwag na white t-shirt at sneakers. Hindi pa naman siya nagugutom kaya mamaya na lang siya kakain. "Asus!" naka-ismid na turan ni Zeus kay Tori. Magkausap silang dalawa via video call sa iChat. "Buti pinayagan ka ni Taj Sebastian na mag-rehearse diyan." nakangusong ani pa ng choreographer. Itinali ni Tori ang kanyang buhok sa likod at nang masigurong

    Last Updated : 2023-04-11
  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    WISHING STAR

    UMAALINGAWNGAW ang malakas na hiyawan ng mga fans ni Tori nang matapos niyang i-perform ang Isa sa naging hit song niya na pinamagatang Move. And it was one hell of a hot performance! "Tori!" "Tori!""Tori!"Sabay-sabay na sigaw ng mga naroon sa loob ng Polaris Stadium na sinasabayan pa ng malakas na palakpakan at ang ilan ay sinamahan pa ng pagpadyak ng mga paa. "God, namiss ko ito! Namiss ko ang performance ni Tori na nagpapa-init ng stage. Jusko!" "The queen is finally back!" "Grabe 'yon!""Infinite Star indeed!" "Kaya hindi ako pumunta sa Fan Feast kahit isa siya sa nagperform doon, eh. Hinintay ko talaga itong comeback concert niya. At sulit ang ticket ko..."Ilan lamang iyon sa mga komento ng mga fans na matagal na naghintay sa pagbabalik ng kaisa-isang Infinite Star ng Pilipinas. At hindi sila binigo ni Tori dahil binigyan sila nito ng sobra pa sa inaasahan nila nang bumalik ito sa entablado. Sa kabila ng mga issues na kinasangkutan nito limang taon na ang nakakaraan magi

    Last Updated : 2023-04-11
  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    WORRIED SICK

    NAPATIGIL sa akmang pagpasok sa kanyang opisina si Taj nang mapansing iba ang nakaupo sa p'westo ni Tori. "Where's Miss Herrera?" kunot ang noong untag niya kay Jane, ang secretary ni Oxygen na siyang manager ng accounting department ng Sebastian Plantation. Mula sa ginagawa ay nag-angat ng paningin si Jane. "Ah, tumawag daw po siya kay Sir Oxy kagabi, Sir. Masama raw Po ang pakiramdam kaya ako na muna ang pansamantalang pinapunta ni Sir dito.Mas lalong lumalim ang gatla sa noo ni Taj. "Bakit hindi siya nagsabi sa akin?" mainit ang ulo na tanong niya. Napakamot sa ulo si Jane. "Hindi ko po alam, Sir pero ang alam ko po, eh, nagsend daw po siya ng E-mail sa inyo sabi ni Sir Oxy." Hindi na nagsalita si Taj. Tumuloy na siya sa kanyang opisina at nang makaupo ay kaagad niyang binuksan ang kanyang email. Sandali siyang nagscroll para hanapin ang email ni Tori at nang makita iyon ay kaagad niyang binuksan. Napabuga na lamang ng hangin si Taj. Pinindot niya ang intercom sa kanyang tabi

    Last Updated : 2023-04-12

Latest chapter

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    ALWAYS [FINALE]

    ISANG LINGGO BAGO ang kasal ni Tori at Taj ay dumalaw sila sa libingan ni Wanji. Nais ng una na magpaalam at magpasalamat sa namayapang kaibigan dahil sa dami ng ginawa nito para sa kanya. Oo, kaibigan. Alam ni Tori na naging unfair siya kay Wanji noong nabubuhay pa ito. Ipinakita at ipinaramdam sa kanya ng lalaki kung gaano siya nito kamahal sa kabila ng katotohanang alam nito na walang kasiguraduhan na matutumbasan niya ang pagmamahal nito. He was always there for her. Hindi siya iniwan ni Wanji kahit pa ang ibig sabihin ng pagpili nito sa kanya ay magagalit ang pamilya nito.Tinanggap ni Tori si Wanji dahil umaasa siya na darating ang araw na matutumbasan at matututunan niya rin ang pagmamahal nito sa kanya pero mali siya. Hindi nangyari ang inaasam niya dahil kahit minsan ay hindi nabawasan ang pagmamahal niya para kay Taj. Nasaktan siya sa nangyari sa kanila at ang sakit na iyon ang pansamantalang bumalot sa puso niya. At kung kung hindi niya nakilala si Wanji, hindi alam ni T

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    DOUBLE WEDDINNG

    ILANG MINUTO na lang at papatak na ang alas dose ng gabi. Bagong taon na naman. Bagong pakikipagsapalaran. Bagong mga pagsubok. Sana lang magsimula ang taong ito na maayos at matapos na walang mabigat na problema.Inayos ni Tori ang suot niyang kulay pulang bestida na umabot lamang hanggang sa itaas ng kanyang tuhod ang haba. At dahil masuwerte daw ang bilog sa pagpasok ng taon ay polka dots ang design niyon. Sandali din niyang pinasadan ng tingin sa kaharap na salamin ang kanyang mukha at nang masigurong maayos na ang itsura niya ay nagpasya na siyang bumaba. Dinampot niya ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kanyang kama bago nagsimula nang maglakad palabas ng silid nila ni Hajie. Tanging sila lamang mag-ina ang sasalubong ng bagong taon dahil bumalik na sa Pilipinas si Taj kasama ang pamilya nito pagkatapos ng pasko. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Tori habang siya ay dahan-dahang bumababa sa hagdan. Oo, magkasama sila ni Taj na nag-celebrate ng pasko. Alam niyang nang

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    MOSQUITO BITE

    TANGHALI NA nang magising si Tori kinabukasan. Napabalikwas pa siya ng bangon nang makitang pasado alas-diyes na ng umaga.“Shit! Shit!" natatarantang bulalas ni Tori habang nagmamadaling bumaba sa kama. Kaagad siyang pumasok sa banyo na nasa loob ng silid nila ni Hajie para maghilamos at mag-sipilyo. Nagkukuskos na siya ng kanyang ngipin nang bigla siyang matigilan. Wala sa loob na napatitig sa kaharap na salamin si Tori. “Ano na naman ang ginawa ko?" tanong niya sa sarili habang sinasariwa ang nangyari sa kanila ni Taj nang lumipas na gabi. Pulang-pula ang buong mukha pati ang puno-tainga na napangiwi na lamang si Tori. ‘Akala ko ba gusto mong makalimot kaya ka umalis ng Pilipinas at lumipat dito sa Italy?’ naka-ismid na usig ng isang bahagi ng isipan ni Tori. Yeah, right. Bakit ba palagi siyang nakakalimot kapag kaharap na niya ang dating asawa? Bakit ba napakarupok niya pagdating kay Taj?‘Kasi nga, mahal mo pa rin siya!’ muling sabad ng atribidang parte ng pagkatao ni Tori.

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    I LOVE YOU

    MALALIM NA ANG GABI at tulog na rin ang lahat ngunit nanatiling dilat ang mga mata ni Tori.Hindi na nakabalik sa hotel na tinutuluyan ang pamilya ni Taj dahil sa kagustuhan ni Hajie na makasama ag mga ito. Tatlo ang silid sa bahay ni Tori at sa awa ng Diyos ay nagkasya naman ang lahat. Magkasama sa isang silid sina Claudia at Maddie samantalang solo naman sa isa ang ina ng mga ito na si Alyssa samantalang gamit naman ni Tori at ng anak na si Hajie ang isa pa. Si Taj naman ay nagpasyang sa sofa na lamang matulog.Dahan-dahang bumangon mula sa pagkakahiga si Tori. Inayos niya muna ang comforter ng anak na si Hajie bago siya nagpasyang bumaba na lamang para uminom ng gatas. Ingat na ingat si Tori habang bumababa siya ng may labing-dalawang baitang na hagdanan. Ayaw niyang gumawa ng ingay dahil nag-aalala siyang baka biglang magising si Taj na sa salas lamang natutulog. Patay na ang ilaw sa ibaba at tanging ang nakasinding ilaw sa maliit na altar lamang na nasa itaas ng hagdan ang nags

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    THANK YOU

    NANG TULUYANG tumapat si Tori kay Taj ay bahagya siyang nakaramdam ng pagkalito. Dahil kasi sa lakas ng kabog ng dibdib niya ay hindi na alam kung ano ang kanyang gagawin. “Hi," bati ni Taj kay Tori na sandali pang napapitlg. Kumurap-kurap ang mga mata ni Tori pagkuwa’y mahinang nagsalita. “Hello?" alanganin na tugon niya sa dating asawa. Napakamot sa kanyang batok si Taj. Kagaya ni Tori ay nalilito din siya at kinakabahang hindi niya mawari. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo niya nang tumapat sa kanya ang dating asawa.Napalunok pa si Taj ng laway at mahinang tumikhim. Jesus Christ pero pakiramdam niya ay para siyang teenager na nabigyan ng pagkakataong masilayan ang crush niya. At kagaya niya ay nakatitig din sa kanya si Tori. “Ehem!" nanunuksong ani ni Maddie na nasa likuran ni Taj. “Nakalimutan mo yatang kasama mo kami, Kuya." nakangising turan naman ni Claudia na nakahalukipkip pa. Sabay na nag-iwas ng tingin sa isa’t-isa ang dalawa. Saka pa lamang din napansin ni Tori ang

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    GET HER

    IT’S BEEN five months since Tori decided to go back to Los Angeles kasama ang anak nilang si Hajie at isang linggong mahigit na rin ang nakalipas nang huli silang nag-usap ni Taj. Nalaman ng huli na lumipat sa France ang babae at balak ni Taj na dalawin si Hajie sa susunod na araw. Tatapusin lamang niya ang ilang meetings na hindi na niya maaaring ipa-kansela. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Taj habang hawak sa kanang kamay ang basong may lamang alak. Kasalukuyan siyang nasa labas ng mansion na pag-aari ng asawa ng Mommy niya. Namanhikan kasi ang fiancee ng kapatid niyang si Claudia kaya kompleto silang lahat. Tumingala sa madilim na kalangitan si Taj. Pasado alas onse na ng gabi at nakauwi na din ang pamilya ng fiancee ni Claudia. Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa magkabilang sulok ng mga labi ni Taj. Napakapayapa ng gabi at maging ang kalangitan ay kay gandang pagmasdan dahil sa mga bituing nakakalat. Malamig ang simoy ng hangin palibhasa magpapasko na. Is

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    COURT YOU

    KASABAY NG pagkakulong ni Kara ay hinuli naman ng mga pulis ang ama nito. At dahil sa matinding kahihiyan ay hindi iyon nakayanan ng ina ng babae, nagpakamatay ito pagkatapos dakpin ng mga otoridad si Mr. Alvarez. Maayos na naisilang ni Kara ang anak nila ni Landon ngunit pagkaraan lamang ng isang linggo ay binawian ng buhay ang sanggol. At labid iyong dinamdam ng babae. Mabilis namang gumulong ang kaso laban sa mag-ama at dahil sa matibay na mga ebidensiyang nakalap ng kampo nina Taj at Tori kaya kaagad na bumaba ang hatol ng korte laban sa mag-amang Alvarez. At dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay hindi iyon nakayanan ni Kara. Pagkalipas ng isa pang buwan pagkatapos mapatunayang nawala sa katinuan ang babae ay ipinasok ito sa mental hospital. Nabigyan na ng katarungan ang pagkamatay ni Wanji at sa hindi inaasahang pangyayari ay kinausap si Tori ng mga magulang ng una. All is well ngunit dahil sa mga nangyari ay malaking bahagi rin ng pagkatao ni Tori ang nawala. At isa la

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    SORRY

    “HINDI TOTOO ‘YAN!" patiling sigaw ni Kara na mas lalo pang nagwala dahil sa galit. No, hindi siya makakapayag na masira ang lahat.“Alam mong totoo ang sinasabi ko, Kara. Stop using him. Nasira mo na siya. Ano pa ba ang gusto?" puno ng poot sa mga mata na sabi ni Taj. “Hindi!" tigas na pagtanggi na sigaw ni Kara. Itinutok niya ang mga mata kay Landon na sandali namang natigilan. “Landon, hon, listen to me. Look at me, honey. Huwag kang makinig sa kanya. Sa akin ka lang makinig. Mahal kita, Landon. Narinig mo ba ako? mahal kita.” malakas ang boses na sabi niya. Hindi niya pinansin ang biglaang pagkirot ng kanyang tiyan. “Nagpa-imbestiga ako, Kara. Hawak ko ang mga ebidensiya pati na ang litratong magpapatunay na may relasyon kayo ni Landon. Ang galing mo. Nagawa mo kaming paglaruan lahat. Hindi lang si Landon ang sinira mo. You ruined me—my marriage! I’ll make you pay ten times." Sandaling tumahimik si Kara habang si Landon naman ay tila nalilitong nagpalipat-lipat ang tingin kay

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    MASTER PLAN

    NANININGKIT ANG MGA mata ni Kara habang pinagmamasdan niya si Tori na kausap ang kibigan nitong sina Lorie at Cynthia. No, hindi siya makakapayag na maging masaya ito. Hindi p’wede!Humigpit ang pagkakahawak niya sa manubela ng kanyang sasakyan nang makita niyang sabay na pumasok sa katapat na coffee shop ang tatlo. Nang tuluyang makapasok sa loob ang mga ito ay mabilis na binuksan ni Kara ang pinto ng kanyang kotse. Bumaba siyaat nagmamadali ang mga hakbang na pumasok din sa coffee shop. “Good morning, Ma’am," bati kay Kara ng isang staff na nakasalubong niya. Hindi pinansin ni Kara ang staff na nagkibit-balikat lang naman.Sandaling umikot sa paligid ang paningin ni Kara para hanapin kung nasaan si Tori. At nang makita niya itong nakaupo sa sulok na bahagi ay pinili niyang umupo naman sa mesang ilang dipa lang ang layo mula rito at sa mga kaibigan nito. May suot siyang baseball cap kaya kampante siyang hindi siya mapapansin ng babae. Yumuko din siya para mas makasiguro at nagkunwa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status