Share

DEAL

PAREHONG napatigil sa kanilang ginagawa sina Taj at Tori nang bulabugin sila ng tunog ng intercom. Mabilis na bumitaw si Tori sa lalaki habang ang una naman ay pinindot ang speaker ng intercom.

"Yes?" medyo iritableng ani ni Taj habang ang mga mata ay nakatutok kay Moon na halos hindi malaman kung paano aayusin ang sarili.

Kaagad na bumaba si Tori sa mesa para damputin ang damit niya na nahulog sa sahig. Kung paano iyon nahubad ni Taj nang ganoon kabilis ay hindi na niya maalala. Mabuti na lang at may suot pa rin siyang bra pero nakalilis na ang strap sa kaliwang bahagi. Tumalikod siya sa dating asawa at hinawi ang buhok bago isinuot ang hawak niyang damit.

"Sir, nandito na po si Ma'am Kara," sabi ng sekretarya niya. "patutuluyin ko na ba diyan o—"

"Tell her to wait for me there." putol niya sa sinasabi ni Cynthia habang ang mga mata ay matiim na nakatutok sa isang bahagi ng likod ni Tori.

"Okay, Sir..."

Nang mawala na sa kabilang linya ng intercom ang sekretarya niya ay isinanda
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status