Home / Romance / NABALIW AKO SA ISANG BALIW / CHAPTER 2 - THE GUEST

Share

CHAPTER 2 - THE GUEST

Author: Scorpion Queen
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

"Sa tingin mo ba, nakakatawa ang ginawa mo? Muntik na akong mabangga sa poste, alam mo ba yon? Tsaka, bakit ka ba nandito? Sinusundan mo ba ako?" Mataray kong tanong kay Zed.

Napansin kong agad siyang tumahimik at parang wala na naman sa sarili na nakatingin sa akin. Pakiramdam ko gusto ko siyang suntukin, ngunit hindi ko magawa dahil nadaig ako ng pagkaawa sa kanya. Akala ko wala siyang balak na sagutin ang mga tanong ko ngunit, saglit akong natigilan ng marinig ko ang sinabi niya.

"Baliw din ba ang tingin mo sa akin?"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya.

"Bakit, totoo ba ang sinasabi nila na baliw ka?" Balik tanong ko ulit sa kanya. Nakita ko siyang saglit na nag-isip.

"Kung totoong baliw ako, iiwas ka na rin ba sa akin? Iiwanan mo na rin ba ako katulad ng ginawa nila?" Parang maiiyak niyang tanong sa akin.

Mas lalong nadagdagan ang awa ko sa kanya. Nakita ko siyang parang bata, na nagpahid ng sariling luha gamit ang suot niyang damit.

"Zed, gabi na, kailangan mo nang umuwi sa inyo." Pagtataboy ko sa kanya.

"Ayaw. Gusto kong hatid ang girlfriend ko." sagot niya habang nagmamaktol na parang bata.

Napakamot ako bigla sa aking ulo. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya, ang ibig kong sabihin. May sayad talaga siya sa utak.

"Zed, please. Kailangang-kailangan mo na talagang umuwi. Sa panahon ngayon, maraming mga halang ang kaluluwa ang umaaligid sa paligid. Baka ikaw ang mapagdiskitahan nila. Gusto mo bang magalit sayo ang girlfriend mo?"

Bigla pa akong napangiwi dahil sa huli kong sinabi. Hindi ko kasi alam kung paano ipaliwanag sa kanya na ayaw kong hinahatid ako.

"Bakit? Hindi mo ba ako love? Sabi mo mahal mo ako?" may himig pagtatampo ang sagot niya sa akin.

Naiirita na talaga ako sa kakulitan niya. " Bahala ka nga sa buhay mo, kung ayaw mong umuwi, pwes aalis na ako, at huwag na huwag mo akong susundan ulit ha, kapag sinundan mo pa ako malilintikan ka sa akin."

Pagkatapos ko siyang pagbantaan, ay agad na akong tumalikod sa kanya at padabog na umalis. Naka ilang hakbang pa lang ako, naisip kong lingunin siya upang makumpirma kung sinunod ba niya ang sinabi ko. Mabuti naman at wala na siya sa kinatatayuan niya kanina. Siguro umalis na nga ito. Binilisan ko na lang ang paglalakad. Medyo madilim ang paligid gayon, malamang brownout. Malapit na ako sa Dorm namin, nang matigil ulit ako sa aking paglalakad. Nakita ko kasi ang limang lalaki na parang rapest ang pagmumukha at halos puno ng tattoo ang buong katawan. Bigla akong kinabahan, dahil sinasalubong nila ako ng kanilang mapanghalay na mga tingin. Unti-unti akong nakaramdam ng panginginig sa sobrang takot ng makita ko silang palapit na sa akin, habang nakangisi na pa rin.

Akmang lalapitan na nila ako nang biglang may humawak ng aking kamay at hinatak ako, palayo sa mga lalaki. Nakita ko na malakas niyang tinadyakan ang isa sa mga lalaki kanina habang ang kanyang isang kamay ay nakapulupot sa aking baywang, upang masigurong maproteksyunan ako laban sa mga halang ang kaluluwa.

"Stay away from my woman!" Narinig kong sigaw niya sa mga ito at agad naman silang natigilan ng marinig ang galit na boses niya. Nakakunot ang noo ko ng makita ang takot sa mukha ng mga lalaki nang mapagtanto nila kung sino ang nagsalita. Agad silang napaatras, at sabay-sabay na tumakbo.

"The king! The king!" Narinig kong sigaw ng mga ito habang tumatakbo. Nalilitong binaling ko ang aking tingin kay Zed na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa aking baywang. Nagkibit-balikat lang ito at matamis na ngumiti sa akin na parang walang nangyari.

Nanginginig na agad ko siyang niyakap ng mahigpit habang umiiyak. Mas lalo ko pang isiniksik ang aking mukha sa kanyang matitipunong dibdib. Kahit madilim, naaninag ko pa rin mula sa streetlight ang mukha ng lalaking nagligtas sa akin. Ang natural na bango nito ay naging pamilyar na sa akin kahit kanina lang kami nagkakilala, kaya alam ko na si Zed ito.

"Thank you Zed, akala ko tuluyan na talaga akong magahasa ng mga taong yon." Humihikbi kong sabi.

"Yun lang? Hindi ka man lang ba magsosorry? Oh kahit sabihin man lang ang magic words?" May himig pagtatampo niyang tanong sa akin. Umangat ako ng ulo at nalilitong tiningnan siya.

"Sorry for what?" I asked.

"Never-mind. Ihahatid na kita," supladong sagot niya.

Agad na siyang bumitaw mula sa pagkakayakap sa akin at parang nagtatampo pa rin na hinawakan ang aking kamay.

Naguguluhan pa rin ako habang sumasabay sa kanya sa paglalakad. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Ang weird lang kasi, dahil may oras na parang may sayad siya sa tuwing kinakausap, mayroong oras naman na matino siya at hindi mo mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Pakiramdam ko ako yata ang mababaliw kapag ito lagi ang kasama ko. Hindi ko alam kung paano ko siya pakisamahan.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa harap ng dorm na aking tinutuluyan. Huminto na rin siya sa paglalakad at tahimik lang na nakamasid sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin. Kinuha ko ang susi sa aking bag upang buksan ang maliit na gate na pang isahang tao lang ang makakapasok. Ngunit bago pa man ako makapasok, hinatak niya ulit ng biglaan ang aking kamay kaya na out balance ako at napayakap sa kanya.

Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso  habang seryosong nakatitig pa rin sa akin. Kahit magulo ang kanyang buhok at halatang hindi sila nagkita ng suklay, hindi pa rin nakakabawas ito sa kanyang kagwapuhan. Ngayon ko lang napansin na kulay blue pala ang kanyang mga mata, matangos ang kanyang ilong, perfect ang hugis ng kanyang mukha, maging ang kanyang bibig ay nakakaakit halikan. Binalik ko ulit ang aking tingin sa kanyang mga mata at ganun na lang ang biglaang paglakas ng tibok ng aking puso dahil sa paraan ng pagtitig niya.

Agad akong nataranta at kumalas mula sa pagkakayakap niya ngunit mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin. Agad naman akong nalunod ulit sa ulap ng maramdaman kong naglapat ang mga labi naming dalawa. Maya-maya pa'y agad akong nakabalik sa aking sistema ng marinig ko ang boses niya.

"I love you Blaze. Good night." Mahinang bulong niya sa akin, at naamoy ko na naman ang freshmint galing sa kanyang mainit na hininga. Mabilis niya akong siniil ng halik sa labi tsaka nagmamadaling umalis.

Malayo na si Zed, ngunit hanggang ngayon parang hindi pa rin ako maka move on dahil sa mga ginawa niya. Hinawakan ko ang aking labi na hinalikan niya kanina, at naiinis ako sa sarili ko kung bakit hindi ako nagkakaroon ng lakas upang pigilan siya. Masyadong mabilis lahat ng mga pangyayari.

Pumasok na ako sa loob ng dorm namin habang tulala pa rin. Hindi ko nga namalayan na nakapasok na pala ako sa aking silid. Ipinilig ko ang aking ulo mula sa mga hindi magandang pangitain ng aking isipan. Talagang iiwas na ako sa kanya kung magkita man ulit kami. Pakiramdam ko kasi nawawala ako sa aking sarili sa tuwing hinahalikan niya ako. Hindi man lang ako nagrereklamo. Kainis talaga. Baka tuluyan na akong mabaliw kung hayaan ko ang aking puso na maniwala sa mga sinasabi niya.

Kinabukasan, maaga akong pumunta sa university namin dahil may natanggap akong mensahe mula sa University President, na darating daw ang may-ari ng St. Ford University. As a president nagpadala agad ako ng text messages para sa lahat, na mayroong gaganaping emergency meeting ang Alpha Theta Sorority at ang Sigma Alpha Theta Fraternity.

Dalawa ang Fraternity and Sorority ng university namin. Ako ang namumuno sa Alpha Theta Sorority na puro female ang members, at ang Ex ko naman na si Deo Enriquez ang namumuno sa Sigma Alpha Theta Fraternity na puro lalaki ang miyembro. May mga babae din siyang myembro; sweetheart ang tawag sa kanila dahil mga girlfriend sila ng mga lalaking miyembro ng nasabing frat. Isa na dun si Brenda Brillo ang bagong babae ni Deo. Ngayon sigurado ako na muli na naman kaming magkikita-kita sa meeting room mamaya, dahil isa lang ang main agenda ng aming meeting with the university president.

Hindi nga ako nagkamali dahil pagpasok ko sa meeting room andyan na silang lahat at ako na lang ang hinihintay. Naabutan ko pa ang matalim at nang-uuyam na mga tingin ni Deo at Brenda sa akin. Hindi ko sila pinansin, bagkus dinagdagan ko pa ang indayog ng aking mga balakang para mas lalo pang mainis sa akin si Brenda. Effective naman ang aking ginawa dahil nakita ko siyang nagpupuyos na sa galit, animoy parang lulunukin na ako ng buo.

Umupo ako sa tabi ni Deo at mas lalo ko pang dinikit ang aming mga balat. Pareho kaming namumuno sa Fraternity and Sorority nitong university kaya natural lang na magkatabi kami ng upuan habang nakaharap sa university president. Naramdaman kong biglang napaigtad pa si Deo, ng magdikit ang aming mga balat. Wala akong pakialam kung ano man ang nararamdaman niya, basta ako, gusto ko lang na asarin sila. Nasa likod namin ang lahat na mga miyembro ng aming team, kaya kahit nakatalikod ako kay Brenda alam ko na hanggang ngayon nagpupuyos pa rin siya sa galit. Ibinaling ko ang aking ulo upang tingnan ang reaksyon ni Deo, halos namumula ang buong mukha nito.

"Oh, Dear, what happen to your face? Huwag mong sabihin allergy ka sa akin? Well, tiisin mo na lang muna dahil andyan na si sir Greg." sarkastiko kong sabi sa kanya. Nakita kong bumuka ang kanyang bibig, may sasabihin sana sa akin ngunit hindi natuloy dahil nag-umpisa ng magsalita si Sir Greg ang university president namin.

"Goodmorning guys, Mr. Ford, the owner of this university will come later at 10:00 A.m. I want to let everyone know that this person is not taken lightly. He is only 21 years old, but don't underestimate his ability because he is different. Seeing later that the school's students lack of discipline, he will fire us immediately, including the board and faculty members. So please fix it, while he hasn't arrived yet. Deo, Heather Blaze, you had control of the overall students, so I expect you two, to maintain peace and order in the entire university. He will be staying here for a month so I'm asking for your full cooperation. Is that clear, Deo and Blaze?"

"Very clear sir." agad na sagot ko kay Sir Greg.

"Sir, can I ask? Paano po yung mga baliw na pagala-gala sa labas, kasama rin ba sila sa dapat nating linisin? Paano kung makita siya ni Mr Ford sa labas ng gate, at baka sabihin niya na hinahayaan nating may nanglilimos na taong grasa at pakalat-kalat sa labas. Baka maging masama ang impression niya sa atin." sarkastikong tanong ni Deo kay sir Greg na agad namang kinatawa ng lahat.

"Kayo lang naman ang nagsasabi na baliw siya, ngunit matino siyang tao." pagtatanggol ko kay Zed. Ewan ko ba kung bakit nasasaktan ako sa tuwing maririnig ko na tinatawag siyang baliw ng iba.

"Bakit, sino ba itong baliw na sinasabi niyo?" curious na tanong ni Sir Greg.

"Sir, boyfriend po kasi yun ni Blaze, kaya niya yan pinagtatanggol. Sa totoo lang po, laging tulala ang lalaking yun habang nakaabang sa labas ng gate buong araw. Pangit naman kung makikita ni sir Ford na may taong grasa na gwardya itong university natin di ba?" nang-uuyam na wika ni Brenda.

"Brenda, kung makapagsalita ka akala mo naman hindi mo pinatulan ang isang baliw. Ikaw nga ang unang naging girlfriend niya di ba? Pero huwag kang mag-alala, ako ang gagamot sa pagkabaliw niya." sarkastiko ko ring sagot kay Brenda.

Bakas ang pagtataka sa mukha ni Sir Greg dahil sa mga sinabi namin.

"Girls, wait." Nakangiting wika ni sir Greg. " Ang swerte naman ng baliw na ito na halos magaganda pa ang naging girlfriend. Kung sino man sa inyo ang totoong girlfriend niya, siguraduhin niyo na lang na kausapin siya ng maayos, at pansamantala munang umalis dito sa university, para maiwasan natin ang anumang negative feedback galing kay Mr. Ford. Nagkakaintidihan ba tayo Blaze, Brenda?"

"Si Blaze na ang bahala sa kanya sir, tutal siya naman ang girlfriend eh." sabay taas ng kilay nito sa akin.

Sinusubukan talaga ng babaeng ito ang pasensya ko. Teka nga lang tingnan lang natin kung hindi ka mangagalaiti sa galit. Bigla kong inakbayan si Deo atsaka malanding nagbulong sa kanyang tenga, ngunit sinigurado kong maririnig na rin ng lahat.

"Honey, papayag ka ba na lumapit ako kay Zed? Paano na lang kung yayain niya ako, eh di ba gusto mong ikaw ang makauna sa akin? Papayag ka ba na sa kanya ko ibibigay ang matagal mo ng hinihingi honey?" patay malisya kong paglalandi kay Deo. Naramdaman kong nang-init kaagad ang kanyang katawan, may pagkamahilig din kasi ito eh. Namumungay ang mga mata niyang nakatingin sa akin, wari'y sinusukat kung totoo ba ang sinasabi ko. Agad naman akong nagpanggap na kunyari seryoso ako, kaya binigyan ko siya ng isang napakatamis na ngiti.

"Walang hiya ka! Masasampal talaga kita!" galit na sigaw ni Brenda habang papalapit sa akin. Akmang sasampalin na niya ako ngunit agad kong pinigilan ang mga kamay niya na dadapo sana sa aking pisngi. Nakita ko rin ang biglang pag-alerto ng bawat panig ng Fraternity at Sorority na pinamumunuan namin ni Deo, at mukhang pati sila ay mapapalaban na rin sa isa't-isa.

"Stop it! I just said that I don't want trouble with the arrival of Mr. Ford. You haven't even left the meeting room, yet, are you going to start again? Deo, Blaze, what's going on with you guys? That's why we chose you as the president of the Fraternity and Sorority of Alpha Theta because we know that you can control the entire student body. But my God, what is this, You mess up in front of me? We only have 30 minutes left, to prepare for the arrival of Mr. Ford. Instead of fighting, get out of my presence right now and fix what you need to fix. Nakaisang hakbang pa lang si Sir Greg upang umalis, nang mapatingin ulit siya sa akin.

"By the way Blaze, tonight at 7 pm, we have prepared a welcoming program for the arrival of Mr. Ford. We don't have much time for auditions, etc., that's why the faculty and I discussed that you will have to sing later as our welcome remarks to Mr. Ford. And I don't want a No answer from you because we don't have time."

Gusto ko pa sana'ng umayaw kay sir Greg, ngunit hindi na niya ako hinayaan pang magsalita. Malalaki ang mga hakbang niya na lumabas ng pintuan. Hindi naman sa takot akong kumanta sa entablado, ayaw ko lang talaga kumanta, dahil wala ako sa mood ngayong araw. Kailangan ko pang hanapin si Zed upang pakiusapan na huwag nalang munang tumambay sa labas ng gate namin, baka ako pa ang mapagalitan. Aalis na sana ako ng makita kong may plano si Brenda na umupo sa tabi ni Deo. Dahil sa inis ko sa kanya, bigla kong hinatak ang upuan na uupuan niya sana, kaya siya napaupo sa sahig. Humagalpak ng tawa ang buong miyembro ng sorority at fraternity dahil nakita nilang lumabas ang T-back na panty ni Brenda ng mapasalampak ang puwitan niya sa sahig. Nakita kong napangiwi ito dahil sa sakit.

"Deo my Love, titingnan mo lang ba ako? Hindi mo ba nakita ang ginawa sa akin ng salbaheng Ex mo na yan? Bohoho, love ang sakit ng puwet ko, hindi mo manlang ba ako ipaghihiganti?" humahagulgol na wika ni Sandra sa nakatulala pa ring si Deo. Kaagad naman itong nahimasmasan at napatingin sa akin.

"Blaze, bakit niyo ba sinasaktan si Brenda? Kahapon ang baliw mong boyfriend tinadyakan siya, ngayon naman siya naman ang naisip mong pagtrippan. Akala ko ba tumigil ka na sa pangtitripping mo?" mahinahong wika sa akin ni Deo. Aba, naninibago pa ako dahil bigla yatang bumait sa akin. Hindi siya nagagalit? sa loob-loob ko.

"Deo, kilalang-kilala mo ako, tinuruan ko lang ng leksyon yang babae mo, baka kasi hindi pa niya ako kilala eh. Tinutulungan lang kita upang ipakilala ang totoong ugali ko sa kanya. Kaya pagsabihan mo yang babae mo na sa susunod huwag niya akong pangungunahan kung iiyak lang din pala siya at maghahanap ng kakampi." pinasadahan ko muna ng tingin mula ulo hanggang paa ang umiiyak na si Brenda bago padabog na tumalikod sa kanila na parang kontrabida sa pelikula.

"Alpha Theta Sorority Leaders, let's proceed to room 202, mayroon lang akong ilang instructions na e-didiscuss sa inyo." After ng announcement ko sa aking team, agad na akong dumeritso sa room 202 habang nakasunod naman sila sa akin.

After 10 minutes, lumabas na rin kaming lahat sa room 202 at nagkanya-kanya na kaming sinimulan ang bawat task namin. Dumiretso ako sa labas ng gate at hinanap si Zed. Nakita ko siya sa di kalayuan habang tulala na nakaupo sa waiting shed. Nakatalikod siya sa akin, kaya hindi niya napapansin na papalapit ako sa kanya.

"Zed," nakangiting lumingon kaagad sa akin si Zed ng marinig niya ang boses ko.

"Ahmmm, may gusto sana akong ipakiusap sayo, hwag kang magagalit ha." malumanay kong sabi sa kanya. Nakita ko ang pagkalito sa kanyang mga mata, ngunit hindi pa rin siya nagsasalita at waring naghihintay lang ng susunod ko na sasabihin.

"Zed, I know na masasaktan kita sa sasabihin ko ngayon sayo, ngunit ano kasi eh, kailangan mo munang umalis dito dahil dadating ang may-ari ng university, baka magagalit siya kapag makita ka niya." nahihirapan kong paliwanag sa kanya. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Hinawakan niya ang aking kamay, at nagtataka pa ako dahil ngayon ko lang napansin na sobrang lambot pala ng mga kamay niya. Hindi halatang pulubi siya. Parang kay sarap e- holding hands. Ipinilig kong muli ang aking ulo, dahil nandito na naman ako sa mga mahahalay kong kaisipan.

"Ikaw, gusto mo na rin bang mawala ako ng tuluyan sa paningin mo?" malungkot niyang tanong sa akin.

"Zed hindi naman sa ganun. Ayaw kong mawala ka sa paningin ko, I mean, ayoko ring paalisin ka dito, ngunit pansamantala lang naman ito eh, but don't worry, next month magkikita ulit tayo. masigla kong sagot sa kanya.

"Blaze, sa palagay mo, lahat ba ng babae, kayamanan lang ang hanap sa isang lalaki?" mahina niyang wika habang malamlam ang mga mata na nakatitig sa akin. Waring sinusukat niya sa aking mga mata kung totoo ba ang isasagot ko o hindi.

"Zed, hindi lahat ng babae, pera lang ang habol sa mga lalaki, siguro ang iba, yun ang hinahanap dahil sawa na sila sa pagiging mahirap nila, pero hindi naman ibig sabihin na hindi nila mahal yung lalaki." nakita kong parang hindi pa rin siya satisfied sa sagot ko.

"Bakit gusto mo akong umalis dito? gusto lang kitang bantayan lagi, at ihahatid kapag uuwi ka na, baka may mangyari na namang masama sayo." may himig pagtatampo na naman sa boses niya.

"Napakasuplado kasi ng may-ari nitong university, atsaka hindi daw mababasa kaagad kung ano ang tumatakbo sa isip nun, takot lang naman ako, baka kung ano ang gawin niya sayo. Kaya huwag ka nang mag-isip pa ng kung ano-ano, okay?" mahinahon kong pagpapaliwag sa kanya, kahit niirita na talaga ako, dahil nahihirapan na akong magpaliwanag pa.

"Sino naman ang nagsabi sayo na suplado siya? Masama lang yun magalit sa mga taong may kasalanan sa kanya." parang wala sa sarili niyang sagot. Nagtataka naman ako dahil parang kilala niya ang may-ari ng St. Ford University.

" Bakit mo naman nasabi yan, kilala mo ba kung sino siya?" tanong ko rin sa kanya.

"Ako ang may-ari nitong university." Saglit pa akong nagulat sa naging sagot niya. Kung hindi ko pa alam na may sayad siya sa utak, at ganito ang pananamit niya, siguro naniwala na rin ako. Nginitian ko na lang siya at kinurot sa pisngi.

"Zed, kung nagkataon na ikaw nga ang may-ari nitong pinakamayaman na university na ito, sigurado akong maraming babae ang magkakandarapa sayo. Siguro, hindi na mag-iisip si Brenda na iwanan ka. Ngunit tanggapin na lang natin ang realidad na ito ka ngayon. Kapag magaling ka na at, makapag-isip ng maayos, malay mo balang araw mabibili mo na rin ang university na ito." malambing kong sabi sa kanya.

"Blaze, kung sakaling ako ang may-ari nitong university, mamahalin mo rin ba ako ng totoo?" saglit akong natigilan sa tinanong niya sa akin. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin dahil, ang alam ko lang ngayon, naawa ako sa kanya, at hindi ko magawang magalit kapag hinahalikan niya ako.

"Zed,"

"Okay lang Blaze, naintidihan ko. Alam kong walang magmamahal sa akin dahil sa kalagayan ko ngayon. Kung nagkataon din na mayaman ako, hindi ko rin malalaman kung totoong mahal din ako ng mahal ko. Huwag kang mag-alala, simula ngayon hindi na ako magpapakita sayo. Ingat ka sa gabi kapag pauwi ka ha. Kailangan mo talagang gawin yon dahil wala na ako sa tabi mo para protektahan ka mula sa mga masasamang tao." I love you Blaze, kahit baliw man ang tingin sa akin ng iba, kahit may sayad man ang utak ko sa paningin mo, wala akong magawa dahil ganito talaga ako. Mamimiss kita. Pwede ko bang mahiram saglit itong kwintas mo? Remembrance ko lang mula sayo. Umaasa akong magkikita pa tayong muli pagdating ng panahon." maluha-luha niyang sabi sa akin.

Parang wala naman ako sa sariling pag-iisip dahil sinunod ko ring tanggalin ang kwintas sa aking leeg at binigay sa kanya. "Ito Zed, ingatan mo sana yan. Umaasa ako na sa pagbabalik mo, magaling ka na. Pag nagkita na tayong muli, hahanapin ko ang kwintas na ito sayo ha, at malalaman mo ang sagot ko sa pagmamahal mo kung pwede na." parang maiiyak ko ring sabi sa kanya.

"Salamat Blaze, sana maging totoo na ang pagmamahal mo sa akin pagdating ng panahon." sabay halik niya sa aking noo at mabilis na umalis.

Napaawang ang aking mga labi dahil sa mga narinig ko mula kay Zed. Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit parang nakaramdam ako ng kirot sa aking puso dahil hindi ko na makikita si Zed. Inikot ko ang aking paningin sa buong paligid ngunit hindi ko na siya nakita. Bigla akong nakaramdam ng takot, na baka nga hindi na talaga siya magpapakita sa akin. Hindi ko namamalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. Tiningnan ko ang oras sa aking wristwatch, mag-aalas dyes na pala. Inayos ko muna ang aking sarili at nagdesisyon na bumalik na sa loob ng university. Marami pa akong dapat ayusin, tsaka hahanap pa ako ng pwede kong kantahin mamaya.

ZED DAVEN's POV

Hinintay ko munang makapasok si Blaze sa loob ng university bago ko kinuha ang aking cellphone at tinawagan ang aking driver body guard. Agad namang huminto ang van sa aking harapan. Lumabas lahat ng mga body guard ko sa loob ng itim na van at nagkunyaring kinidnap nila ako. Maliwanag kasi ang araw ngayon, kaya naninigurado lang ako na walang may nakakakita sa akin na kusang sumakay ng van.

"Boss, tumawag si Gregory, ang president ng St. Ford university. Nakahanda na raw ang lahat." pagbibigay alam sa akin ni Leon ang aking driver bodyguard, ngunit matalik ko ring kaibigan. Simula pa pagkabata, sabay na kaming lumaki, at sa kanya ko lang pinaalam lahat ng mga plano ko.

"Leon, sa tingin mo tama ba itong ginawa ko sa kanya? Hindi kaya siya magagalit sakin pagdating ng panahon?" mahinang tanong ko.

"Boss, alam kong maintindihan ka rin niya pagdating ng panahon, gusto mo lang naman malaman kung siya na nga ang babae na karapat-dapat mong mahalin." seryosong sagot ni Leon sa akin. Kinuha ko ang kwintas ni Blaze at maingat na nilagay sa maliit na bulsa ng aking wallet.

"Diretso mo sa Hyatt Hotel, magbibihis muna ako." mahina kong utos kay Leon at agad naman niyang pinabilisan ang van. Hindi nagtagal at nakarating na rin kami.

Nagmamadali akong umakyat ng Top Floor, isang presidential suit ng Hyatt Hotel_ isa sa pagmamay-ari ko na rin. Mabilis akong nagbihis ng Black suit na usual ko ng sinusuot sa opisina. Tinanggal ko ang aking wig sa ulo at inayos ang aking natural na buhok. Tinanggal ko ang mga pekeng dumi sa aking mukha, pati ang kulay blue na contact lens, kaya agad na lumabas ang natural na kulay berde kong mga mata. Malayong-malayo na ang mukha ko sa isang baliw na Zed na nakilala nila. Siguro ang pagkakahawig lang namin ay sa bibig at kilay dahil ito lang naman ang hindi ko binago noon. Nang makita kong maayos na ang lahat, nagmamadali na akong bumaba at sumakay sa kulay pula na Rolls Royce na paborito kong sakyan kapag pumupunta ako sa opisina.

Ilang buwan ko pa lang inaaral ang negosyo namin. Last year lang ako nag graduate sa university na exclusibo lamang para sa mga Ashford. Isang taon ang hiningi kong freedom kay dad, dahil gusto kong makita ang realidad ng buhay sa labas. Gusto kong maranasan ang normal na buhay kaya ko naisipang maging isang tanga sa paningin ng iba. Gusto ko ring maranasan kung paano mahalin ng totoo sa kabila ng kapansanan ko.

Ilang sandali pa ay pumasok na ang kotse ko sa loob mismo ng university. Hinanap ng mga mata ko si Blaze, ngunit hindi ko pa rin siya makita. 

Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Lor Towercamp
makikila kaya ni Blaze si Zed
goodnovel comment avatar
Sam Raine Drake
ang ganda ng story author
goodnovel comment avatar
Jennelyn Casiguran
omg ang gandang nga storya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 3- "I'VE FALLEN IN LOVE"

    HEATHER BLAZE POV Kanina pa ako naghahanap ng kakantahin sa youtube, pero wala pa rin akong mahanap na pwedeng kantahin. Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa loob ng wall ng Recreation area, one hour na lang magsisimula na ang program. "Blaze, ano nangyari sayo, Bakit hindi maipinta ang pagmumukha mo? Tanong sa akin ni Janice. "Ewan ko, parang wala kasi akong gana na kumanta ngayon. Claire, pwede bang ikaw na lang ang kumanta?" tinatamad akong tanong kay Claire. "Ano? Ako ang kakanta? Nababaliw ka na ba Blaze? Kaya nga ikaw ang pinili ng presidente na kumanta dahil ikaw ang champion sa singing contest taon-taon. Kung may talent lang ako sa pagkanta katulad mo, sa tingin mo ba hindi ako kakanta? Isa pa, kailangan mong kumanta, malay mo mainlove sayo ang may-ari nitong university dahil sa ganda ng boses mo. Alam mo ba na busy lahat ng mga kababaihan sa pagpapaganda ngayon?" saglit pa siyang napangiti sa naisip. "Oh my gush! nakita ko siya kanina, super gwapo ng may-ari, friend. Na

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 4 - SIT NEXT TO ME

    Hindi ko na kinaya pa ang makita si Dr. Zane, mas lalo ko lang nami-miss si Zed. Ang tanga-tanga ko lang kasi, bakit ko pa siya pinaalis. Umupo ako sa Waiting Shed na laging tambayan ni Zed sa tuwing inaabangan niya kung kailan ako lalabas ng gate. Sinuyod ng paningin ko ang buong paligid ngunit nabigo ako ng hindi makita ng mga mata ko ang kahit anino man lang ni Zed.Matamlay akong nakatitig sa kawalan, pakiramdam ko parang baliw na rin ako dahil kay Zed."Sino, ang inaabangan mo?" Agad akong napalingon sa aking likuran, ng marinig ang boses ni Zed."Zed," masayang tawag ko sa pangalan niya. Ngunit agad naman akong nadismaya ng makumpirmang si Dr. Zane lang pala ang nasa likuran ko.Hindi ko siya sinagot. Itinuon ko na lang ang aking mga mata sa paligid, nag baka sakaling makita ko si Zed."Hindi na siya darating. Pero huwag kang mag-alala, mahal na mahal ka nun." Napalingon akong muli kay Dr. Zane.Nakita kong ngumiti siya sa akin. Kahit sa mga ngiti parehas talaga sila ni Zed. Sa h

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 5 - KING AND QUEEN

    Pinapawisan na talaga ako ngayon. Limang oras na akong kumukuha ng exam dito sa Office ni Dr. Zane. Sa tuwing nakakatulog ako, isang halik niya sa labi ko ang nagpapa gising sa akin. Siyempre dahil sa antok at pagod na ang utak ko sa exam, kaya hindi ko namamalayan nakaidlip na pala ako. Yun, nakakarami na rin ng halik si Dr. Zane sa akin. “Kaya mo pa ba?" Bahagya akong nagulat ng maramdaman kong nasa likod ko siya dahil naamoy ko ang mainit niyang hininga na dumadampi sa batok ko. “Pwede bang bukas na lang yung iba sir? Pagod na talaga ang utak ko sa kakaisip.” “Sino ba kasi ang iniisip mo? Alisin mo muna siya sa isipan mo at mag focus ka sa questionnaire.” Nagsitayuan na ang balahibo ko nang makitang halos magkadikit na ang mukha namin ni Dr. Zane. “Hindi naman sa ganun sir, inaantok na kasi talaga ako. Please bukas na lang po ang iba.” “Kapag hindi mo yan tinapos ngayon, Just bring it home. Tuturuan kita sa mga subjects na nahihirapan ka.” “Po? Naku hindi pwede sir, bawal po

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 6 - PAPER DANCE

    Tiningnan ko ang mga kamay niya na nakalahad sa aking harapan. Umangat ako ng tingin at umiling-iling sa kanya. "Sorry. Hindi kasi ako marunong sumayaw." Tipid na sagot ko. "Ay naku hindi totoo yan. Marunong siyang sumayaw. Cheer dancer pa nga namin yan sa University eh." Singit ni Claire sa aming usapan. Pinandilatan ko si Claire. Nagbabanta ang aking mga tingin sa kanya na nagpapahiwatig na tumigil na siya sa ka daldal. Ngunit hindi niya ako pinapansin. Bagkus bigla pa niya akong tinulak kaya hindi ako nakapag handa at napasubsob ang mukha ko sa dibdib ng ka partner kong lalaki. Bahagya ko pa itong tinulak ng maramdaman na nakayakap na siya sa akin. "Sige na Blaze, birthday ko ngayon. Nakakahiya naman kung tanggihan mo ang bisita ko. Malay mo kapag kayong dalawa ang mapili na King and Queen ngayong gabi, mapapanalunan niyo ang VIP ticket sa concert ni Zion bukas, ang paborito mong singer. Ayaw mo ba nun?" pang-eengganyo sa akin ni Claire. Agad na nag-iba ang expression ng mukha

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 7 - I'M ALONE

    Napa ismid ako ng marinig ang sinabi ng host. “Punta muna ako ng restroom sir.” paalam ko kay Dr. Zane. Wala kasi akong ibang gusto ngayon kundi ang lihim na umuwi. Naiinis kasi ako dahil feeling ko pinagkaisahan nila ako. Nagmumukha tuloy akong tanga at katawa-tawa. Napapansin kong simula nang malaman ng mga kaibigan ko na pinalayas ako sa amin, madalas na nila akong gawing sangkalan sa mga trip nila. Hindi naman sa pinapahiya nila ako, madalas lang kasi nila akong pagkatuwaang apat kapag naglalaro sila. “Gusto mo bang samahan kita?” narinig kong tanong ni Dr. Zane.“Pangit naman tingnan sir kung samahan mo pa ako pati sa restroom di ba?” sarkastiko kong sagot at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Tila nahiya naman ito sa sinabi ko kaya napatigil siya sa pagsunod sa akin."May I request our Mr. King and Queen of the Night to please come on stage, so I can give this two VIP tickets?" Narinig kong announce ng host, pero hindi na ako bumalik. Tuloy pa rin ako sa aking paglalakad papuntan

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 8 - MAFIA KING

    ZED DAVEN’S POV“Fuck!” Napamura akong bigla sa aking sarili ng makita ko ang dugo sa noo ni Blaze at parang wala na siyang lakas upang umahon pa sa swimming pool. Natatarantang tumalon ako sa pool at sinagip siya. Nang makaahon na ako sa tubig, inilapag ko ang katawan niya sa gilid ng pool. Masyado siyang maraming nainom na tubig, dagdagan pa ng maraming dugo na lumabas mula sa sugat sa noo niya kaya siya nawalan ng malay. Pinakinggan ko ang heartbeat niya at nang mapagtanto kong humihinga pa siya, kaagad akong ng perform ng CPR sa kanya. Binuksan ko ang daanan ng hangin niya sa pamamagitan ng pagtagilid ng kanyang ulo pabalik at pag-angat ng kanyang baba. Sinarado ng aking kamay ang ilong niya. Huminga muna ako ng malalim at saka tinakpan ng aking bibig ang bibig niya upang makalikha ako ng airtight seal. Pagkatapos ay binigyan ko siya ng dalawang segundong paghinga habang pinapanood ang pagtaas ng kanyang dibdib. Pinasundan ko ulit ng dalawang paghinga at saka binigyan ng tatlumpon

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 9 - SORRY BLAZE, "I LOVE YOU"

    Kalahating oras din ang lumipas bago ko natapos ang pagtahi ng sugat sa noo ni Blaze. Pagkatapos kong ma-inject sa kanya ang nararapat na gamot para sa sakit at pamamaga ng kanyang sugat, sinigurado ko munang bumaba na ang kanyang lagnat, bago ako umalis at lumabas ng aking clinic. Nagtungo ako sa isang unit ko na nasa 56th floor. Nasa 55th Floor lang naman ang clinic ko kaya mabilis lang ako nakarating sa unit ko kung saan ako natutulog. Fifteen years old pa lang ako nang maisipan kong itayo ang Skyline Condominium at masasabi kong isa ito sa pinakamataas na condominium sa buong bansa. Parang regalo na rin ito ni lola sa akin noong 15th birthday ko dahil siya na ang umako ng lahat ng mga gastos sa pagpapagawa nito. Mula 55th floor hanggang top floor ay ginawa kong exclusivo para lamang sa akin at tanging fingerprint ko lamang ang siyang susi para makapasok dito. Isa sa mga rason ko ay si Dad. Ayoko kasi na basta-basta na lang siya papasok dito at guguluhin ang buhay ko. Iwan ko

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 10 - OFFICIALLY MINE

    “Boss, pare, payong kaibigan lang, huwag mong daanin sa init ng ulo ang problema mo. Kaya kita sinamahan dito dahil alam kong kailangan mo rin ng kausap. Ano bang gumugulo diyan sa utak mo? Tungkol ba ito sa sinabi ko sayo na pagpapakasal kay Lexie?” nagtatakang tanong sa akin ni Leon, habang inaabot sa akin ang baso ng alak.Agad ko namang kinuha yon at mabilis na tinungga. Sa pagkakataong ito hindi na ako gumamit ng baso pa. Agad kong tinungga ang laman ng bote sa kagustuhan na mabilis akong malasing at makatulog.“Boss, dahan-dahan lang. Alalahanin mong may concert ka pa mamaya. Ano na lang ang sasabihin ng mga fans mo sakaling malaman nila na pumunta ka ng concert na lasing.” paalala sa akin ni Leon.Saglit akong natigilan ng marinig ang sinabi niya.“Fans? Sa tingin mo ba Leon, darating siya?” mangiyak-ngiyak kong tanong kay Leon habang patuloy pa rin sa pagtungga ng alak.“Huh? Sino Boss?” nalilitong tanong ni Leon.“Si Blaze. Sa tingin mo darating ba siya? Sadyang nagpareserve

Pinakabagong kabanata

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 41 - THE END

    ONE MONTH LATER…“Blaze, tama na yan, mukhang babagsak na ang ulan, kailangan na nating bumalik sa kotse.” wika ko kay Blaze, habang naksandal siya sa aking dibdib. Kasalukuyan kami ngayon nakaharap sa puntod ni King. Araw ngayon ng kanyang libing, at nag-aalala ako kay Blaze, dahil kanina pa siya iyak ng iyak. “Ewan ko ba Zed, hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na wala na si King. Masakit pa rin sa dibdib ko, na tuluyan na niya kaming iniwan ni ZB.” umiiyak pa rin na wika ni Blaze sa akin. Hinalikan ko ang kanyang noo at hinihimas ang kanyang likod upang kumalma siya. “Nandito pa rin siya peanut, kasama nating dalawa. Kapag namimiss mo si King, tumingin ka lang sa aking mga mata, at makikita mong nakangiti siya habang nakatingin sayo. Ayaw niyang nakikita ka na umiiyak, kaya tahan na.” Umangat ng mukha si Blaze upang tingnan ako sa mga mata, ngunit mas lalo lamang siyang umiyak at mahigpit na yumakap sa akin. “Zed, ang swerte ko kay King, kahit na mawawala na siya, kapakana

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 40 - HIS EYES

    “Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon peanut, hindi ko inaasahan na darating pa ang pagkakataon na ito, na mayakap kita at muling mahagkan. Mahal na mahal kita.”“I love you too, Zed, at sana wag mo na ulit kaming iiwan ni ZB.” Matapos marinig ang sinabi ni Blaze, bahagya akong kumalas sa pagkakayakap niya at tinaong siya. “Hindi ko na kayo iiwan ulit, Blaze, ngunit paano si King, baka hinahanap kana niya. Kailangan ka niya ngayon.”“Siya nga ang nag-utos sa akin na sundan si Dr. Clinton, upang kausapin ka. Bakit nga pala kinausap mo si Dr. Clinton, may kinalaman ba ito kay King?”“Oo, tinanong ko lang, kung may iba pang paraan upang ma dugtungan ang buhay niya. Ayaw ko kasing nalulungkot ka, kapag nawala siya. Alam kong mahalaga siya sa buhay mo.”“Pareho kayong mahalaga sa buhay ko. Ikaw mahalaga ka sa buhay ko, dahil naging kabiyak ka na ng puso ko, samantalang si King, mahalaga sa buhay ko, dahil simula noon pa, pamilya na ang turing ko sa kanya. Siya nga pala, pinasas

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 39 - HER LOVE NEVER DIES

    ZED’S POV“Leon, bakit ba tayo nagmamadali?” kunot noo na tanong ko kay Leon, dahil naramdaman kong pabilis ng pabilis ang pagtulak niya ng wheelchair ko palabas ng hospital. Binuksan muna niya ang pintuan ng kotse at tinulungan akong makaupo sa loob. “Leon, tinatanong kita, bakit ka nagmamadali, may humahabol ba sayo?”“Wala naman boss, nakita ko lang si Blaze sa loob ng hospital.” Mahinang sagot sa akin ni King. Naramdaman kong pinaandar na nito ang kotse. “Anong nangyari sa kanya?” Kinakabahan kong tanong kay Leon.“Wala naman nangyari sa kanya boss, si King ang sinugod sa hospital.” tipid n’yang sagot sa akin. Alam kong hanggang ngayon, nagtatampo pa rin si Leon kay Blaze, dahil nagawa kong ipatanggal ang mga mata ko, para lang e-donate sa kanya. Ngunit lagi kong sinasabi kay King, na ginawa ko yun dahil gusto kong masubaybayan ni Blaze ang paglaki ng anak namin. “Alamin mo ba, kung ano ang nangyari kay King?" Tanong ko kay Leon na agad naman niyang sinagot."Kapag may inuutos k

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 38- HE'S DYING

    Nanlulumo na umuwi ako ng mansyon ni King. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit pakiramdam ko iniiwasan na rin ako ni Leon. Malakas ang kutob ko na si Zed ang kumakanta na yun, dahil kasama niya si Leon, ngunit bakit ayaw niyang magpakita sa akin? Hindi ko na natuloy ang pagsunod sa kanila, dahil hindi ko na makita kung saan dumaan ang kanilang sasakyan."Nandito ka na pala. Kamusta naman ang lakad mo ng mga kaibigan mo. Nag-enjoy ka ba?"Saglit akong natigilan sa paglalakad, ng marinig ang boses ni King. Binalingan ko siya at nakita kong nakaupo siya sa couch habang nanonood ng TV. Napansin ko ang itim na bonnet na laging suot niya. Nagtataka ako, dahil nitong mga nakaraang araw lang, hindi na nito tinatanggal ang bonnet sa ulo niya. Kahit sa pagtulog suot niya pa rin ito."Hindi ka pa natulog?" Lumapit ako at malungkot na umupo sa tabi niya."Hindi ako makatulog. Hinihintay kita, sinisigurado ko lang na ligtas kang nakauwi." Nakangiting wika sa akin ni King. Sinandal ko

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 37 - WHEN HER EYES OPENED

    HEATHER BLAZE'S POV1 MONTH LATERBumalik kami ngayon sa clinic ni Dr. Fuentes, kasama si King at ang aking mga magulang. Ngayon na kasi tanggalin ang bendahe, sa aking mga mata. Tuwang-tuwa kaming lahat, dahil sa wakas, mayroon na ring naawa sa akin, na nag donate ng kanyang mga mata, upang muli akong makakita. Mabuti na lang at hindi naman na fractured ang aking buong katawan, kaya after ng ilang weeks, nakalabas na kaagad ako sa hospital."Sandali lang ha, relax mo muna ang iyong sarili, pagkatapos, dahan-dahan mong imulat ang iyong mga mata." Narinig kong wika sa akin ni Doctor Fuentes, kaya sinunod ko na rin ang sinabi niya. Inikot ng aking paningin ang buong silid, Ilang sandali pa'y unti-unting nagkaroon ng liwanag ang aking mga mata at naging malinaw na rin ang aking paningin. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" Nakangiting tanong kaagad ni Doc Fuentes sa akin."Nakakakita na ako, doc! Nakakita na ako!" Tuwang-tuwa na napayakap ako kay kay King, at sa aking mga magulang. "Mommy!"

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 36 - TWO HEARTS BEAT AS ONE

    ZED DAVEN'S POV"Boss, hindi natuloy ang kasal ni Blaze, dahil ikaw ang pinili niyang puntahan. Ngunit naaksidente siya, at ngayon, kailangan niyang makahanap kaagad ng eye donor, dahil kung hindi, permanente siyang maging bulag."Pakiramdam ko, biglang sinaksak ang puso ko dahil sa sinabi ni Leon. Bakit ba sa tuwing gusto namin ni Blaze na ipaglaban ang pagmamahalan namin, lagi kaming sinusubok ng tadhana. Bakit sa tuwing gusto naming magsama, nasasaktan lang namin ang isa’t-isa. Minsan na tanong ko sa aking sarili, kung wala na ba talaga akong pag-asa na maging masaya, Ang hirap, parang hindi ako makahinga, nang dahil sa akin, kaya ito nangyari kay Blaze. "Leon, gustong kong makita si Blaze.""Pero Boss, galit sayo, ang mga magulang ni Blaze, baka ano ang gawin nila sayo? Hindi ka pa magaling."Mapait akong ngumiti, saka sinagot si Leon, "Wala akong pakialam sa kung ano man ang gagawin nila sa akin, gusto ko lang makita si Blaze, gusto ko siyang makausap, please Leon, dalhin mo ako

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 35 - EYE DONOR

    AUTHOR'S POV SAMANTALA, sa simbahan, walang kaalam-alam si King sa lahat ng mga pangyayari. Hindi na rin niya maintindihan ang nararamdaman, dahil fifteen minutes nalang, magsisimula na ang seremonya ng kanilang kasal. Ngunit kanina pa siya kinakabahan, dahil hanggang ngayon wala pa rin si Blaze. Hindi naman pwedeng magbago ang isip niya, dahil isang buwan niya itong binigyan ng pagkakataon upang sabihin sa kanya kung ayaw na nitong magpakasal. "Sir, sir, naku po, patawarin nyo ako, hindi ko alam kung anong nangyari kay Ma'am Blaze, ngunit umiiyak po siya kanina noong mapanood, mula sa TV screen, na naputol ang isang paa ng pinuno ng TAB." Umiiyak at humihingal na paliwanag ni Chloie, kay King. Nakita niya itong tumatakbo, mula sa labas ng simbahan parang lang ibalita ito sa kanya. "Fuck! Nasaan si Blaze!?" Ramdam ni Chloie, ang namumuong galit sa dibdib ni King, matapos niyang ibalita ang nangyari. Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ni King. Tawag 'yun galing sa kaibigan mi

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 34 - MAHAL PA RIN KITA ZED

    Blaze’s POV“Ma’am ok lang po ba kayo?” Agad akong nakabawi mula sa malalim na pag-iisip, matapos marinig ang tanong sa akin ni Chloie–ang baklang umaayos sa akin ngayon. Isang oras na lang at ikakasal na ako kay King, ngunit hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman.Pinahid ko ang aking mga luha bago siya sinagot. "Ewan ko ba Chloie, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung ano itong nararamdaman ko.""Naku, talagang ganyan Ma'am, hindi mo talaga maintindihan ang nararamdaman mo kapag ikakasal ka na. Naghalo-halo na kasi ang kaba, excitement at lungkot dahil sa wakas tatalian ka na ng mapapangasawa mo. Sandali, i-on ko na lang ang TV, para maibaling mo ang atensyon mo sa panonood. Masyado lang po siguro kayong excited." Panunukso pa nito sa akin, habang ini-on ang TV. Ilang rooms ang kinuha namin ni King, upang dito na magbihis ang buong entourage. Yung iba kanina pa nauna sa simbahan dahil doon na lang ang pictorials. Kahit ang aking anak ay kanina pa, dinala

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 33 - LEON, HINDI KO NA KAYA

    ZED DAVEN’S POV Nagising ako na, nakahiga na, sa isang mahabang mesa habang ang aking kamay at paa ay kapwa nakatali sa bawat dulo nito. Wala na sila, sigurong makita na pwedeng itali sa akin, dahil napansin ko na puro duct tape ang nagbibigkis sa kamay at paa ko. Naalala ko, sinubukan ko palang barilin ang isang lalaki na may hawak din sa akin, ngunit hindi ako nagtagumpay dahil agad akong hinampas sa ulo ng mga kasamahan nito, at parang may tinurok pa sila sa akin, dahilan upang mawalan ako ng malay. Binuka ko ang aking bibig, ngunit hindi ko magawa dahil tinatakpan din ito ng docktape. Inikot ko ang aking paningin, upang malaman kung saan nila ako dinala. Agad kong nakita ang iba’t-ibang klase ng kutsilyo na nakadispaly sa knifes shelves, at maraming kasangkapan, pangkusina. Ibig sabihin, dito nila ako dinala sa kusina na sa ilalim na parte ng barko. Naramdaman kong umuusad ang barko, dahil umaandar na ang makina nito. Ipinikit ko ang aking mga mata upang muling ipunin ang aking la

DMCA.com Protection Status