“Boss, pare, payong kaibigan lang, huwag mong daanin sa init ng ulo ang problema mo. Kaya kita sinamahan dito dahil alam kong kailangan mo rin ng kausap. Ano bang gumugulo diyan sa utak mo? Tungkol ba ito sa sinabi ko sayo na pagpapakasal kay Lexie?” nagtatakang tanong sa akin ni Leon, habang inaabot sa akin ang baso ng alak.Agad ko namang kinuha yon at mabilis na tinungga. Sa pagkakataong ito hindi na ako gumamit ng baso pa. Agad kong tinungga ang laman ng bote sa kagustuhan na mabilis akong malasing at makatulog.“Boss, dahan-dahan lang. Alalahanin mong may concert ka pa mamaya. Ano na lang ang sasabihin ng mga fans mo sakaling malaman nila na pumunta ka ng concert na lasing.” paalala sa akin ni Leon.Saglit akong natigilan ng marinig ang sinabi niya.“Fans? Sa tingin mo ba Leon, darating siya?” mangiyak-ngiyak kong tanong kay Leon habang patuloy pa rin sa pagtungga ng alak.“Huh? Sino Boss?” nalilitong tanong ni Leon.“Si Blaze. Sa tingin mo darating ba siya? Sadyang nagpareserve
BLAZE'S POV Masaya akong nakikipag harutan kay Zed habang kumakain kami. Sinusulit ko ang bawat minuto na kasama ko siya dahil hindi ko alam kung kailan na naman ulit kami magkikita. "Peanut, may itatanong sana ako sayo. Ano kasi, yung kaibigan ko problemado, kaya humingi siya sa akin ng advice. Hindi kasi ako magaling sa pagbibigay ng ganun kaya naisip ko na tanungin ka." Napatingin ako kay Zed nang magsalita siya habang kami ay kumakain. "Bakit ano ba ang problema niya?" Balewala kong tanong habang patuloy pa rin sa pagkain. "Ganito kasi yun. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa girlfriend niya ang tunay na identity niya, dahil mali ang pagkakakilala nito sa kanya nung umpisa pa lang." Tiningnan ako ni Zed, waring inaaral ang aking reaksyon. "Huh? Bakit naman? Ano ba ang pagkakakilala sa kanya nung umpisa?" takang tanong ko. Nakita ko siyang napakamot sa kanyang batok. Waring nag-iisip pa kung sasabihin sa akin o hindi. "Teka, Tikman mo ito mahal, ang sarap." sabay pasub
Nag half bath lang ako kaya di nagtagal, lumabas na rin ako sa bathroom, bihis ang bagong bili niyang damit para sa akin. Isa itong casual chiffon dress na kulay pula at abot lamang hanggang tuhod. May kasama itong maliit na silver belt sa baywang na bumagay sa silver sandals na binili na rin niya sa akin. Aaminin kong magaling si Dr. Zane pumili ng damit na nababagay sa isang babae. Malamang palagi na niya itong ginagawa, ang regalohan ang mga babae niya. Pero ayokong isama ang sarili ko na isa sa mga niregalohan niya. Babayaran ko ito sa kanya kapag nakaluwag-luwag na ako.Napatingin siya sa akin at nakita ko ang pagkamangha sa kanyang mga mata. Lumabas ang pantay-pantay at mapuputi niyang mga ngipin nang ngumiti siya sa akin.“Wow, you look stunning tonight.” manghang wika niya ng makalapit na ako sa kanya. “Stunning pa ba itong pagmumukha ko, eh, mayroong bendahe ang noo ko.” agad na kontra ko sa kanya, habang pasimpleng sumusulyap sa hickey sa kanyang leeg.“Okay lang yan. Hin
“Hi, how are you?” agad akong nakabawi ng marinig ko ang tanong niya sa akin. “I’m..I’m Fine.” nauutal kong sagot. Nakita ko siyang pilyo na ngumiti. “Alright, Do you know how to sing Crazy?” “What?” biglang sagot ko dahil nalito ako sa tanong niya. Nakita ko siyang cute na ngumiti, at parang nang-aakit na nakatitig sa akin. “I mean, the song Crazy for you. Do you know how to sing that song?” tanong ulit niya habang pasimpleng pinipisil ang aking kamay. “Y…yes.” nauutal kong sagot. Hindi ko alam kung bakit naapektuhan ako sa mga ginagawa niya. “Music, please.” agad niyang request sa operator. Di nagtagal maririnig na ang intro ng kakantahin naming dalawa. Nakita ko siyang sumenyas na siya ang mauna na kakanta, naintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin. Magkataob pa rin ang aming mga palad, nang sinimulan na niyang kantahin ang unang lyrics ng kanta. “Swaying room as the music starts Strangers making the most of the dark Two by two, their bodies become one I see you thro
ALAS ONSE na nang gabi nang makauwi ako sa dorm. Hindi ko nga alam kung paano ako nakarating eh. Agad akong nagpalit ng pantulog na damit saka sumalampak sa aking higaan.Kahit anong iyak ko ngayon, ayaw nang lumabas ng luha sa aking mga mata, paano naubos ko nang palabasin kanina sa daan pa lang. Ayaw kong dalhin pa dito sa kwarto ko, baka pasukin pa ng negative vibes at malasin ako araw-araw. Mabuti na lang at linggo bukas, uuwi muna ako sa amin. Babalik na lang ulit ako dito sa Monday, kapag pasukan na naman. Bahala na kung pagagalitan ulit ako ni mom at dad, mag bingi-bingihan na lang ako, tutal naman sanay na akong binubungangaan nila simula ng mamatay si Ate. Kinuha ko ang aking cellphone sa bag at ini-on. Pinatay ko kasi ito kanina dahil ayaw ko ng dinidistorbo ang pagluluksa ko sa namatay kong puso. Kailangan kong ilibing kaagad. Ilibing sa limot lahat-lahat ng sakit. Ngunit paano ako makakalimot kung ganitong pilit hinuhukay ni Zed ang puso kong nalibing ko na. Nanatili lang
“Oink, wake up, we're here.” bigla akong naalimpungatan ng nararamdaman kong may mga kamay na pumipisil sa aking ilong. “Zed,” sambit ko ng makita ang kulay berde na mga mata na nakatitig sa akin. “S..sorry.” hinging paumanhin ko kay King ng napagtanto na namamalikmata lang pala ako. “It’s ok.” mahinang sagot ni King, bagamat halata na nasaktan siya dahil napagkamalan ko siyang si Zed. Tahimik siyang bumaba sa kotse. Nakita ko siyang nagsindi ng sigarilyo at agad na hinithit ito. Bumaba na rin ako ng kotse tsaka inikot ang aking paningin sa buong paligid. Agad akong namangha sa lugar na pinuntahan namin. “Azure Nature Park” ang nakasulat sa sign board ng entrance. Maraming naggagandahang bulaklak ang nakapaligid sa park na ito. Sa gilid ay mayroong gawa sa bermuda grass na footwalk na pang dalawahan paakyat ng bundok. “Ano kaya ang mayroon sa itaas?” sa loob-loob ko. Binalingan ko si King. Nakatalikod pa rin siya sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Nananatili lang
"Siguro nga tama ka, kailangan na nating maghiwalay Blaze, hindi ako para sayo, at mas lalong hindi ka nababagay sa akin! Tapos na ang lahat sa atin Blaze, hanggang dito na lang tayo." Nagpaligsahan sa pagpatak ang aking mga luha habang pinapakinggan ang bawat salita na binibitawan ni Zed sa akin. Bawat bigkas nya ng mga salitang yon, parang saksak ng patalim na direktang tumatagos sa aking puso. Hindi pa man ako nakasagot, nakita ko na siyang agad na tumalikod sa akin. Ngunit nakailang hakbang pa lang siya nang agad ko siyang hinabol at niyakap sa kanyang likuran. "Zed, maawa ka, huwag mo akong iwan, mababaliw ako kapag nawala ka sa akin Zed. Tatanggapin ko lahat ng panloloko mo sa akin, huwag mo lang akong iwan, maawa ka." Umiiyak ako habang nagmamakaawa kay Zed, ngunit hindi niya ako pinakinggan. Sa halip tinanggal niya ang dalawang kamay ko na nakayakap sa kanyang baywang. "Kalimutan mo na ako Blaze." Pagkasabi ay walang lingon-lingon na ipinagpatuloy ni Zed ang kanyang mga hakba
"Fuck!, Peanut come back here!" Narinig kong napamura si Zed habang sinisigaw ang pangalan ko. "Blaze!" sigaw niya ulit habang hinahabol ako, kaya pinabilisan ko ulit ang pagtakbo upang hindi niya ako abutan. Alas syete na ng umaga kami nakarating dito sa Guisi Lighthouse, isang white sand, beach resort na makikita sa Guimaras Island. Aaminin kong sobrang napakaganda ng lugar na ito, ngunit nilamon pa rin ako ng sobrang galit kay Zed. Hindi ko inaasahan na malayo pala ang pinagdalhan niya sa akin para lang magpaliwanag. Kaya nang makita ko na busy siya sa kausap niyang manager ng resort, nagkaroon ako ng pagkakataon upang tumakas. Narinig ko kasi kanina, nagbook siya for 1 week stay namin dito. Ano naman gagawin namin dito sa loob ng isang linggo? Gayunpaman, nag-aalangan din ako dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko kabisado ang lugar na ito. Bago kami nakarating dito nag dalawang sakay, pa kami ng RORO passenger ship, at kung hindi ako nagkakamali, inabot kami ng dal
ONE MONTH LATER…“Blaze, tama na yan, mukhang babagsak na ang ulan, kailangan na nating bumalik sa kotse.” wika ko kay Blaze, habang naksandal siya sa aking dibdib. Kasalukuyan kami ngayon nakaharap sa puntod ni King. Araw ngayon ng kanyang libing, at nag-aalala ako kay Blaze, dahil kanina pa siya iyak ng iyak. “Ewan ko ba Zed, hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na wala na si King. Masakit pa rin sa dibdib ko, na tuluyan na niya kaming iniwan ni ZB.” umiiyak pa rin na wika ni Blaze sa akin. Hinalikan ko ang kanyang noo at hinihimas ang kanyang likod upang kumalma siya. “Nandito pa rin siya peanut, kasama nating dalawa. Kapag namimiss mo si King, tumingin ka lang sa aking mga mata, at makikita mong nakangiti siya habang nakatingin sayo. Ayaw niyang nakikita ka na umiiyak, kaya tahan na.” Umangat ng mukha si Blaze upang tingnan ako sa mga mata, ngunit mas lalo lamang siyang umiyak at mahigpit na yumakap sa akin. “Zed, ang swerte ko kay King, kahit na mawawala na siya, kapakana
“Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon peanut, hindi ko inaasahan na darating pa ang pagkakataon na ito, na mayakap kita at muling mahagkan. Mahal na mahal kita.”“I love you too, Zed, at sana wag mo na ulit kaming iiwan ni ZB.” Matapos marinig ang sinabi ni Blaze, bahagya akong kumalas sa pagkakayakap niya at tinaong siya. “Hindi ko na kayo iiwan ulit, Blaze, ngunit paano si King, baka hinahanap kana niya. Kailangan ka niya ngayon.”“Siya nga ang nag-utos sa akin na sundan si Dr. Clinton, upang kausapin ka. Bakit nga pala kinausap mo si Dr. Clinton, may kinalaman ba ito kay King?”“Oo, tinanong ko lang, kung may iba pang paraan upang ma dugtungan ang buhay niya. Ayaw ko kasing nalulungkot ka, kapag nawala siya. Alam kong mahalaga siya sa buhay mo.”“Pareho kayong mahalaga sa buhay ko. Ikaw mahalaga ka sa buhay ko, dahil naging kabiyak ka na ng puso ko, samantalang si King, mahalaga sa buhay ko, dahil simula noon pa, pamilya na ang turing ko sa kanya. Siya nga pala, pinasas
ZED’S POV“Leon, bakit ba tayo nagmamadali?” kunot noo na tanong ko kay Leon, dahil naramdaman kong pabilis ng pabilis ang pagtulak niya ng wheelchair ko palabas ng hospital. Binuksan muna niya ang pintuan ng kotse at tinulungan akong makaupo sa loob. “Leon, tinatanong kita, bakit ka nagmamadali, may humahabol ba sayo?”“Wala naman boss, nakita ko lang si Blaze sa loob ng hospital.” Mahinang sagot sa akin ni King. Naramdaman kong pinaandar na nito ang kotse. “Anong nangyari sa kanya?” Kinakabahan kong tanong kay Leon.“Wala naman nangyari sa kanya boss, si King ang sinugod sa hospital.” tipid n’yang sagot sa akin. Alam kong hanggang ngayon, nagtatampo pa rin si Leon kay Blaze, dahil nagawa kong ipatanggal ang mga mata ko, para lang e-donate sa kanya. Ngunit lagi kong sinasabi kay King, na ginawa ko yun dahil gusto kong masubaybayan ni Blaze ang paglaki ng anak namin. “Alamin mo ba, kung ano ang nangyari kay King?" Tanong ko kay Leon na agad naman niyang sinagot."Kapag may inuutos k
Nanlulumo na umuwi ako ng mansyon ni King. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit pakiramdam ko iniiwasan na rin ako ni Leon. Malakas ang kutob ko na si Zed ang kumakanta na yun, dahil kasama niya si Leon, ngunit bakit ayaw niyang magpakita sa akin? Hindi ko na natuloy ang pagsunod sa kanila, dahil hindi ko na makita kung saan dumaan ang kanilang sasakyan."Nandito ka na pala. Kamusta naman ang lakad mo ng mga kaibigan mo. Nag-enjoy ka ba?"Saglit akong natigilan sa paglalakad, ng marinig ang boses ni King. Binalingan ko siya at nakita kong nakaupo siya sa couch habang nanonood ng TV. Napansin ko ang itim na bonnet na laging suot niya. Nagtataka ako, dahil nitong mga nakaraang araw lang, hindi na nito tinatanggal ang bonnet sa ulo niya. Kahit sa pagtulog suot niya pa rin ito."Hindi ka pa natulog?" Lumapit ako at malungkot na umupo sa tabi niya."Hindi ako makatulog. Hinihintay kita, sinisigurado ko lang na ligtas kang nakauwi." Nakangiting wika sa akin ni King. Sinandal ko
HEATHER BLAZE'S POV1 MONTH LATERBumalik kami ngayon sa clinic ni Dr. Fuentes, kasama si King at ang aking mga magulang. Ngayon na kasi tanggalin ang bendahe, sa aking mga mata. Tuwang-tuwa kaming lahat, dahil sa wakas, mayroon na ring naawa sa akin, na nag donate ng kanyang mga mata, upang muli akong makakita. Mabuti na lang at hindi naman na fractured ang aking buong katawan, kaya after ng ilang weeks, nakalabas na kaagad ako sa hospital."Sandali lang ha, relax mo muna ang iyong sarili, pagkatapos, dahan-dahan mong imulat ang iyong mga mata." Narinig kong wika sa akin ni Doctor Fuentes, kaya sinunod ko na rin ang sinabi niya. Inikot ng aking paningin ang buong silid, Ilang sandali pa'y unti-unting nagkaroon ng liwanag ang aking mga mata at naging malinaw na rin ang aking paningin. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" Nakangiting tanong kaagad ni Doc Fuentes sa akin."Nakakakita na ako, doc! Nakakita na ako!" Tuwang-tuwa na napayakap ako kay kay King, at sa aking mga magulang. "Mommy!"
ZED DAVEN'S POV"Boss, hindi natuloy ang kasal ni Blaze, dahil ikaw ang pinili niyang puntahan. Ngunit naaksidente siya, at ngayon, kailangan niyang makahanap kaagad ng eye donor, dahil kung hindi, permanente siyang maging bulag."Pakiramdam ko, biglang sinaksak ang puso ko dahil sa sinabi ni Leon. Bakit ba sa tuwing gusto namin ni Blaze na ipaglaban ang pagmamahalan namin, lagi kaming sinusubok ng tadhana. Bakit sa tuwing gusto naming magsama, nasasaktan lang namin ang isa’t-isa. Minsan na tanong ko sa aking sarili, kung wala na ba talaga akong pag-asa na maging masaya, Ang hirap, parang hindi ako makahinga, nang dahil sa akin, kaya ito nangyari kay Blaze. "Leon, gustong kong makita si Blaze.""Pero Boss, galit sayo, ang mga magulang ni Blaze, baka ano ang gawin nila sayo? Hindi ka pa magaling."Mapait akong ngumiti, saka sinagot si Leon, "Wala akong pakialam sa kung ano man ang gagawin nila sa akin, gusto ko lang makita si Blaze, gusto ko siyang makausap, please Leon, dalhin mo ako
AUTHOR'S POV SAMANTALA, sa simbahan, walang kaalam-alam si King sa lahat ng mga pangyayari. Hindi na rin niya maintindihan ang nararamdaman, dahil fifteen minutes nalang, magsisimula na ang seremonya ng kanilang kasal. Ngunit kanina pa siya kinakabahan, dahil hanggang ngayon wala pa rin si Blaze. Hindi naman pwedeng magbago ang isip niya, dahil isang buwan niya itong binigyan ng pagkakataon upang sabihin sa kanya kung ayaw na nitong magpakasal. "Sir, sir, naku po, patawarin nyo ako, hindi ko alam kung anong nangyari kay Ma'am Blaze, ngunit umiiyak po siya kanina noong mapanood, mula sa TV screen, na naputol ang isang paa ng pinuno ng TAB." Umiiyak at humihingal na paliwanag ni Chloie, kay King. Nakita niya itong tumatakbo, mula sa labas ng simbahan parang lang ibalita ito sa kanya. "Fuck! Nasaan si Blaze!?" Ramdam ni Chloie, ang namumuong galit sa dibdib ni King, matapos niyang ibalita ang nangyari. Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ni King. Tawag 'yun galing sa kaibigan mi
Blaze’s POV“Ma’am ok lang po ba kayo?” Agad akong nakabawi mula sa malalim na pag-iisip, matapos marinig ang tanong sa akin ni Chloie–ang baklang umaayos sa akin ngayon. Isang oras na lang at ikakasal na ako kay King, ngunit hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman.Pinahid ko ang aking mga luha bago siya sinagot. "Ewan ko ba Chloie, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung ano itong nararamdaman ko.""Naku, talagang ganyan Ma'am, hindi mo talaga maintindihan ang nararamdaman mo kapag ikakasal ka na. Naghalo-halo na kasi ang kaba, excitement at lungkot dahil sa wakas tatalian ka na ng mapapangasawa mo. Sandali, i-on ko na lang ang TV, para maibaling mo ang atensyon mo sa panonood. Masyado lang po siguro kayong excited." Panunukso pa nito sa akin, habang ini-on ang TV. Ilang rooms ang kinuha namin ni King, upang dito na magbihis ang buong entourage. Yung iba kanina pa nauna sa simbahan dahil doon na lang ang pictorials. Kahit ang aking anak ay kanina pa, dinala
ZED DAVEN’S POV Nagising ako na, nakahiga na, sa isang mahabang mesa habang ang aking kamay at paa ay kapwa nakatali sa bawat dulo nito. Wala na sila, sigurong makita na pwedeng itali sa akin, dahil napansin ko na puro duct tape ang nagbibigkis sa kamay at paa ko. Naalala ko, sinubukan ko palang barilin ang isang lalaki na may hawak din sa akin, ngunit hindi ako nagtagumpay dahil agad akong hinampas sa ulo ng mga kasamahan nito, at parang may tinurok pa sila sa akin, dahilan upang mawalan ako ng malay. Binuka ko ang aking bibig, ngunit hindi ko magawa dahil tinatakpan din ito ng docktape. Inikot ko ang aking paningin, upang malaman kung saan nila ako dinala. Agad kong nakita ang iba’t-ibang klase ng kutsilyo na nakadispaly sa knifes shelves, at maraming kasangkapan, pangkusina. Ibig sabihin, dito nila ako dinala sa kusina na sa ilalim na parte ng barko. Naramdaman kong umuusad ang barko, dahil umaandar na ang makina nito. Ipinikit ko ang aking mga mata upang muling ipunin ang aking la