ZED DAVEN’S POV Nag-uumapaw ang saya ko ngayon habang bumibyahe kami ni Blaze pabalik ng maynila. Matapos ang isang linggo na bakasyon namin sa Guimaras Island, mas lalo naming minahal ang isa’t-isa. Wala akong oras na sinayang upang iparamdam sa kanya na siya lang ang babaeng minahal ko ng ganito, at ganun din siya sa akin. Pakiramdam ko ngayon nakalutang pa rin ako sa ulap, hindi nasayang ang isang linggo, dahil nagkaroon ako ng pagkakataon upang magpaliwanag at magsabi ng totoo kong pagkatao sa kanya, maliban na lang sa isa, ang pagiging anak ng Mafia. Natakot ako na pag sinabi ko sa kanya, baka hindi niya ako maintindihan, baka maisip niyang iwanan ako. Binalingan ko siya habang natutulog, napangiti ako dahil nakapulupot pa rin ang dalawang kamay niya sa aking mga braso habang nagmamaneho ako. Dahan-dahan ko munang inihinto ang sasakyan sa tabi ng kalsada, upang saglit ding magpahinga. Sumandal ako sa headrest ng aking upuan at binalingan muli si Blaze, mas lalo pa niyang isinubs
Nakita ko ang tuluyang pagbagsak ng mga luha ni Blaze dahil sa sinabi ng aking ama. Galit kong binalingan si dad.“W..what the hell dad! Nagmamahalan kaming dalawa ni Blaze bakit kailangan pang idamay mo ang pamilya niya dito! Tatanggapin kong mawalan ako ng mana, huwag nyo lang pakialaman si Blaze!”“Ngayon takot ka na, Zed!? Alam mong hindi ako nagbibiro, kapag sinabi ko, ginagawa ko! Ngunit may isa ka pang pagkakataon, upang pumili. Papakasalan mo si Lexie, kapalit ng kaligtasan ng babaeng yan, o ipipilit mo ang pagmamahalan ninyong dalawa, at lahat sayo mawawala, pati na siya!”Kinuyom ko ang aking kamao, dahil sa sobrang pagpipigil ng galit ko kay dad, gustong-gusto ko ng suntukin siya sa mga oras na ito, ngunit ang kaligtasan ni Blaze ang nasa isip ko.“Fuck! Fuck! Fuck!, ang unfair mo dad!, bakit kailangang umabot sa ganito!?” galit kong tanong sa kanya. Bigla akong natigilan ng ihagis niya ang dokumento sa center table. Nakita ko ang pagkagulat ni Blaze ng makita ang Marriage
Alas otso na nang gabi nang makarating kami sa hideout ng “The Ashford Bloods (TAB)’’ ang pinakamalaking underground organization sa buong pilipinas na pinamumunuan ng aking ama. Sa pintuan palang nanlilisik na ang aking mga mata, agad akong nagwala sa loob ng makita ko ang buong grupo ng mga gang, na halatang kakarating lang mula sa kanilang dark operations sa labas. Alam kong nandito sila upang mag report sa aking ama tungkol sa achievements ng mga lakad nila. Parang pinasukan kaagad ang utak ko ng demonyo ng maalala na isa si Blaze sa dinukot nila. Galit kong hinablot ang baril ng isang gangster na nakasukbit mula sa kanyang baywang at agad na pinaputok yun sa itaas.Bang! Bang! Bang!“Mga putang ina niyo, saan nyo dinala si Blaze huh! Sino sa inyo ang may lakas-loob na galawin ang babae ko! Sino!” pakiramdam ko anumang oras maari nang pumutok ang ugat ko sa leeg dahil sa kakasigaw ko sa sobrang galit. Nakita kong walang ni isa sa kanila ang gumalaw, kahit na ang sumagot ay takot
"Lately ko lang nalaman na ang ama ni Lexie ay nakipag connive sa kalaban kong Mafia upang pabagsakin ako. Kaya kailangan kong gawin yun upang maniwala sila na talagang nagpakasal na kayo ni Lexie, at iisipan nila nagtagumpay sila sa kanilang mga plano.""Put****ng Ina! "Fuck!"Bigla akong napatayo at sinipa ang upuan na kanina lang, inupuan ko pa. Ramdam ko kaagad ang biglang pag-usok ng ilong ko sa sobrang galit. Sinabunutan ko ang aking sariling buhok dahil sa sobrang pagtitimpi ng aking galit kay dad. Kung hindi lang talaga masama na pumatay ng sariling ama, kanina ko pa siya binaril. Galit ko siyang tiningnan."Fuck! Dad, bakit kailangan mo pang idamay ang pagmamahalan namin ni Blaze sa problema mo! Alam mo ba kung ano ang ginawa mo!? Naghiwalay kaming dalawa dahil akala niya totoong kinasal ako kay Lexie! Sana sinabi mo sa akin ng mas maaga, upang hindi kami umabot sa ganito! Ang galing mo talagang magpaikot ng tao dad. Kahit ako nagawang maniwala sa pag-arte mo!""I'm sorry son
ALAS DIYES NG UMAGA ng magising ako mula sa himbing na pagkakatulog. Masakit pa rin ang ulo ko dahil sa hangover ko kagabi, pinilig, ko ang aking ulo at bumangon na sa kama. Saglit akong natigilan ng mahagip ng aking mga mata ang bakas ng pulang mantsa na naiwan sa puting sapin ng kama. Nakakunot ang noo ko, pilit ina-alala kung ano ang nangyari kagabi. Inikot ng aking paningin ang buong silid, hindi ito ang silid ko. “Fuck,” mura ko habang mabilis na nagbihis ng mapansin, naka hubot-hubad ako. I recalled having sex with a virgin girl last night, ngunit wala na ito sa tabi ko pag gising ko. Nakita ko ang pinaghubarang damit ng babae sa dulo ng kama. Kinuha ko ito at inamoy. Parang bigla akong pinagsakluban ng langit ng mapagtanto kong damit ni Blaze ang hinawakan ko. Ito ang suot niya kahapon nang mag kasama pa kami. “Aaahhh!, Blaaaaaze!” dumadagundong ang boses ko habang sinisigaw ang pangalan ni Blaze. Bumabalik sa ala-ala ko ang ginawa namin kagabi. Kahit pareho naming ginusto yun
5 YEARS LATERPhilippine time 5:00 p.mKnock! Knock!"Come in!" Wika ko ng marinig ang magkasunod na katok mula sa pintuan ng aking opisina, ang Ashen Corporation.Kasalukuyan akong nakaupo sa aking swivel chair na sa loob mismo ng opisina, habang tinititigan ang picture frame namin ni Blaze na nakapatong sa ibabaw mismo ng aking lamesa. Sa picture, masaya kami habang magkayakap na nakaupo sa dalampisan. Remembrance namin ito na kinuha noong magkasama pa kaming naligo sa Guimaras Island. Parang kailan lang limang taon na ang nakalipas simula ng mawala sa akin si Blaze. Hanggang ngayon hindi pa rin ako tumitigil sa paghahanap sa kanya, araw-araw, umaasa ako na sana mahanap ko na kung sino man ang taong nakakuha sa kanya. "Boss,"Muli akong nanumbalik sa aking tamang hwesyo ng marinig ang boses ni Leon. Saglit ko siyang sinulyapan, na ngayo'y nakadungaw na sa pintuan at waring may sasabihin."Pumasok ka Leon, may balita na ba sa paghahanap nyo kay Blaze?" Agad kong tanong sa kanya ng m
“Good Evening Ladies and Gentlemen, May I have your attention please,” narinig kong wika ng lalaki sa mikropono habang nakaakbay pa rin sa balikat ni Blaze. Naalala ko na kung sino ang lalaking kasama nito sa itaas ng stage. Siya si King, ang childhood friends ni Blaze at isa din sa masugid niyang manliligaw, ngunit hindi ko alam kung ano ang apelyido niya. “Gusto kong ipaalam sa lahat na mga nandito ngayon, na next month magpapakasal na kami ng babaeng mula pa noong mga bata kami ay minahal ko na. Ilang taon din ang panliligaw ko sa kanya at ngayon sobrang saya ko dahil sa wakas pumayag na rin siyang magpakasal sa akin. In one months time magiging ganap na kaming isang pamilya kasama ng anak namin ngayon at sa mga magiging anak pa namin sa mga susunod na taon. I Love you sweetheart.” Narinig ko ang masigabong na palakpakan ng mga tao sa loob ng function hall, matapos marinig ang anunsyo ni King. Samantalang ako, para akong kandila na unti-unting natutunaw sa aking kinatatayuan haba
Parang gusto kong magwala dahil sa mga banta sa akin ni King. Nakita ko siyang tumayo at binalingan ang presidente. "I'm sorry Mr. President, kailangan ko ng umalis. Salamat sa pagtitiwala sa akin, ngunit ipagpaumanhin po ninyo, mas mahalaga ang babaeng mahal ko kaysa collaboration na ito. Excuse me." Ngumiti ako ng mapakla, habang sinusundan ng aking mga tingin si King palabas ng meeting room. Hindi ko matanggap sa aking sarili na mayroon ng lalaki na pumalit sa akin sa puso ni Blaze. Parang unti-unti akong pinapatay, sa tuwing naiisip ko na iba ang kasama niya ngayon at hindi ako. Pilit kong pinigilan and mga luha na gustong kumawala sa aking mga mata. "Zed," Agad akong nakabawi matapos marinig ang pagtawag sa akin ng presidente. Binalingan ko siya at matabang na ngumiti. "Okay lang ako Mr. President, sorry, sinira ko ang collaboration. Huwag kayong mag-alala, itutuloy pa rin natin ang plano. Ipapadala ko dito ang ibang mga tauhan ko galing America, upang madagdagan ang manpow
ONE MONTH LATER…“Blaze, tama na yan, mukhang babagsak na ang ulan, kailangan na nating bumalik sa kotse.” wika ko kay Blaze, habang naksandal siya sa aking dibdib. Kasalukuyan kami ngayon nakaharap sa puntod ni King. Araw ngayon ng kanyang libing, at nag-aalala ako kay Blaze, dahil kanina pa siya iyak ng iyak. “Ewan ko ba Zed, hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na wala na si King. Masakit pa rin sa dibdib ko, na tuluyan na niya kaming iniwan ni ZB.” umiiyak pa rin na wika ni Blaze sa akin. Hinalikan ko ang kanyang noo at hinihimas ang kanyang likod upang kumalma siya. “Nandito pa rin siya peanut, kasama nating dalawa. Kapag namimiss mo si King, tumingin ka lang sa aking mga mata, at makikita mong nakangiti siya habang nakatingin sayo. Ayaw niyang nakikita ka na umiiyak, kaya tahan na.” Umangat ng mukha si Blaze upang tingnan ako sa mga mata, ngunit mas lalo lamang siyang umiyak at mahigpit na yumakap sa akin. “Zed, ang swerte ko kay King, kahit na mawawala na siya, kapakana
“Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon peanut, hindi ko inaasahan na darating pa ang pagkakataon na ito, na mayakap kita at muling mahagkan. Mahal na mahal kita.”“I love you too, Zed, at sana wag mo na ulit kaming iiwan ni ZB.” Matapos marinig ang sinabi ni Blaze, bahagya akong kumalas sa pagkakayakap niya at tinaong siya. “Hindi ko na kayo iiwan ulit, Blaze, ngunit paano si King, baka hinahanap kana niya. Kailangan ka niya ngayon.”“Siya nga ang nag-utos sa akin na sundan si Dr. Clinton, upang kausapin ka. Bakit nga pala kinausap mo si Dr. Clinton, may kinalaman ba ito kay King?”“Oo, tinanong ko lang, kung may iba pang paraan upang ma dugtungan ang buhay niya. Ayaw ko kasing nalulungkot ka, kapag nawala siya. Alam kong mahalaga siya sa buhay mo.”“Pareho kayong mahalaga sa buhay ko. Ikaw mahalaga ka sa buhay ko, dahil naging kabiyak ka na ng puso ko, samantalang si King, mahalaga sa buhay ko, dahil simula noon pa, pamilya na ang turing ko sa kanya. Siya nga pala, pinasas
ZED’S POV“Leon, bakit ba tayo nagmamadali?” kunot noo na tanong ko kay Leon, dahil naramdaman kong pabilis ng pabilis ang pagtulak niya ng wheelchair ko palabas ng hospital. Binuksan muna niya ang pintuan ng kotse at tinulungan akong makaupo sa loob. “Leon, tinatanong kita, bakit ka nagmamadali, may humahabol ba sayo?”“Wala naman boss, nakita ko lang si Blaze sa loob ng hospital.” Mahinang sagot sa akin ni King. Naramdaman kong pinaandar na nito ang kotse. “Anong nangyari sa kanya?” Kinakabahan kong tanong kay Leon.“Wala naman nangyari sa kanya boss, si King ang sinugod sa hospital.” tipid n’yang sagot sa akin. Alam kong hanggang ngayon, nagtatampo pa rin si Leon kay Blaze, dahil nagawa kong ipatanggal ang mga mata ko, para lang e-donate sa kanya. Ngunit lagi kong sinasabi kay King, na ginawa ko yun dahil gusto kong masubaybayan ni Blaze ang paglaki ng anak namin. “Alamin mo ba, kung ano ang nangyari kay King?" Tanong ko kay Leon na agad naman niyang sinagot."Kapag may inuutos k
Nanlulumo na umuwi ako ng mansyon ni King. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit pakiramdam ko iniiwasan na rin ako ni Leon. Malakas ang kutob ko na si Zed ang kumakanta na yun, dahil kasama niya si Leon, ngunit bakit ayaw niyang magpakita sa akin? Hindi ko na natuloy ang pagsunod sa kanila, dahil hindi ko na makita kung saan dumaan ang kanilang sasakyan."Nandito ka na pala. Kamusta naman ang lakad mo ng mga kaibigan mo. Nag-enjoy ka ba?"Saglit akong natigilan sa paglalakad, ng marinig ang boses ni King. Binalingan ko siya at nakita kong nakaupo siya sa couch habang nanonood ng TV. Napansin ko ang itim na bonnet na laging suot niya. Nagtataka ako, dahil nitong mga nakaraang araw lang, hindi na nito tinatanggal ang bonnet sa ulo niya. Kahit sa pagtulog suot niya pa rin ito."Hindi ka pa natulog?" Lumapit ako at malungkot na umupo sa tabi niya."Hindi ako makatulog. Hinihintay kita, sinisigurado ko lang na ligtas kang nakauwi." Nakangiting wika sa akin ni King. Sinandal ko
HEATHER BLAZE'S POV1 MONTH LATERBumalik kami ngayon sa clinic ni Dr. Fuentes, kasama si King at ang aking mga magulang. Ngayon na kasi tanggalin ang bendahe, sa aking mga mata. Tuwang-tuwa kaming lahat, dahil sa wakas, mayroon na ring naawa sa akin, na nag donate ng kanyang mga mata, upang muli akong makakita. Mabuti na lang at hindi naman na fractured ang aking buong katawan, kaya after ng ilang weeks, nakalabas na kaagad ako sa hospital."Sandali lang ha, relax mo muna ang iyong sarili, pagkatapos, dahan-dahan mong imulat ang iyong mga mata." Narinig kong wika sa akin ni Doctor Fuentes, kaya sinunod ko na rin ang sinabi niya. Inikot ng aking paningin ang buong silid, Ilang sandali pa'y unti-unting nagkaroon ng liwanag ang aking mga mata at naging malinaw na rin ang aking paningin. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" Nakangiting tanong kaagad ni Doc Fuentes sa akin."Nakakakita na ako, doc! Nakakita na ako!" Tuwang-tuwa na napayakap ako kay kay King, at sa aking mga magulang. "Mommy!"
ZED DAVEN'S POV"Boss, hindi natuloy ang kasal ni Blaze, dahil ikaw ang pinili niyang puntahan. Ngunit naaksidente siya, at ngayon, kailangan niyang makahanap kaagad ng eye donor, dahil kung hindi, permanente siyang maging bulag."Pakiramdam ko, biglang sinaksak ang puso ko dahil sa sinabi ni Leon. Bakit ba sa tuwing gusto namin ni Blaze na ipaglaban ang pagmamahalan namin, lagi kaming sinusubok ng tadhana. Bakit sa tuwing gusto naming magsama, nasasaktan lang namin ang isa’t-isa. Minsan na tanong ko sa aking sarili, kung wala na ba talaga akong pag-asa na maging masaya, Ang hirap, parang hindi ako makahinga, nang dahil sa akin, kaya ito nangyari kay Blaze. "Leon, gustong kong makita si Blaze.""Pero Boss, galit sayo, ang mga magulang ni Blaze, baka ano ang gawin nila sayo? Hindi ka pa magaling."Mapait akong ngumiti, saka sinagot si Leon, "Wala akong pakialam sa kung ano man ang gagawin nila sa akin, gusto ko lang makita si Blaze, gusto ko siyang makausap, please Leon, dalhin mo ako
AUTHOR'S POV SAMANTALA, sa simbahan, walang kaalam-alam si King sa lahat ng mga pangyayari. Hindi na rin niya maintindihan ang nararamdaman, dahil fifteen minutes nalang, magsisimula na ang seremonya ng kanilang kasal. Ngunit kanina pa siya kinakabahan, dahil hanggang ngayon wala pa rin si Blaze. Hindi naman pwedeng magbago ang isip niya, dahil isang buwan niya itong binigyan ng pagkakataon upang sabihin sa kanya kung ayaw na nitong magpakasal. "Sir, sir, naku po, patawarin nyo ako, hindi ko alam kung anong nangyari kay Ma'am Blaze, ngunit umiiyak po siya kanina noong mapanood, mula sa TV screen, na naputol ang isang paa ng pinuno ng TAB." Umiiyak at humihingal na paliwanag ni Chloie, kay King. Nakita niya itong tumatakbo, mula sa labas ng simbahan parang lang ibalita ito sa kanya. "Fuck! Nasaan si Blaze!?" Ramdam ni Chloie, ang namumuong galit sa dibdib ni King, matapos niyang ibalita ang nangyari. Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ni King. Tawag 'yun galing sa kaibigan mi
Blaze’s POV“Ma’am ok lang po ba kayo?” Agad akong nakabawi mula sa malalim na pag-iisip, matapos marinig ang tanong sa akin ni Chloie–ang baklang umaayos sa akin ngayon. Isang oras na lang at ikakasal na ako kay King, ngunit hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman.Pinahid ko ang aking mga luha bago siya sinagot. "Ewan ko ba Chloie, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung ano itong nararamdaman ko.""Naku, talagang ganyan Ma'am, hindi mo talaga maintindihan ang nararamdaman mo kapag ikakasal ka na. Naghalo-halo na kasi ang kaba, excitement at lungkot dahil sa wakas tatalian ka na ng mapapangasawa mo. Sandali, i-on ko na lang ang TV, para maibaling mo ang atensyon mo sa panonood. Masyado lang po siguro kayong excited." Panunukso pa nito sa akin, habang ini-on ang TV. Ilang rooms ang kinuha namin ni King, upang dito na magbihis ang buong entourage. Yung iba kanina pa nauna sa simbahan dahil doon na lang ang pictorials. Kahit ang aking anak ay kanina pa, dinala
ZED DAVEN’S POV Nagising ako na, nakahiga na, sa isang mahabang mesa habang ang aking kamay at paa ay kapwa nakatali sa bawat dulo nito. Wala na sila, sigurong makita na pwedeng itali sa akin, dahil napansin ko na puro duct tape ang nagbibigkis sa kamay at paa ko. Naalala ko, sinubukan ko palang barilin ang isang lalaki na may hawak din sa akin, ngunit hindi ako nagtagumpay dahil agad akong hinampas sa ulo ng mga kasamahan nito, at parang may tinurok pa sila sa akin, dahilan upang mawalan ako ng malay. Binuka ko ang aking bibig, ngunit hindi ko magawa dahil tinatakpan din ito ng docktape. Inikot ko ang aking paningin, upang malaman kung saan nila ako dinala. Agad kong nakita ang iba’t-ibang klase ng kutsilyo na nakadispaly sa knifes shelves, at maraming kasangkapan, pangkusina. Ibig sabihin, dito nila ako dinala sa kusina na sa ilalim na parte ng barko. Naramdaman kong umuusad ang barko, dahil umaandar na ang makina nito. Ipinikit ko ang aking mga mata upang muling ipunin ang aking la