Home / Romance / NABALIW AKO SA ISANG BALIW / CHAPTER 5 - KING AND QUEEN

Share

CHAPTER 5 - KING AND QUEEN

Author: Scorpion Queen
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Pinapawisan na talaga ako ngayon. Limang oras na akong kumukuha ng exam dito sa Office ni Dr. Zane. Sa tuwing nakakatulog ako, isang halik niya sa labi ko ang nagpapa gising sa akin. Siyempre dahil sa antok at pagod na ang utak ko sa exam, kaya hindi ko namamalayan nakaidlip na pala ako. Yun, nakakarami na rin ng halik si Dr. Zane sa akin.

“Kaya mo pa ba?" Bahagya akong nagulat ng maramdaman kong nasa likod ko siya dahil naamoy ko ang mainit niyang hininga na dumadampi sa batok ko.

“Pwede bang bukas na lang yung iba sir? Pagod na talaga ang utak ko sa kakaisip.”

“Sino ba kasi ang iniisip mo? Alisin mo muna siya sa isipan mo at mag focus ka sa questionnaire.”

Nagsitayuan na ang balahibo ko nang makitang halos magkadikit na ang mukha namin ni Dr. Zane.

“Hindi naman sa ganun sir, inaantok na kasi talaga ako. Please bukas na lang po ang iba.”

“Kapag hindi mo yan tinapos ngayon, Just bring it home. Tuturuan kita sa mga subjects na nahihirapan ka.”

“Po? Naku hindi pwede sir, bawal po kayo doon sa dormitory ko.” natatarantang sagot ko ng marinig ang sinabi niya.

“No, that’s not what I mean. From now on, lilipat ka na sa condo ko.”

Biglang nawala ang antok ko sa sinabi niya. Nagtataka na tiningnan ko siya sa mga mata.

“Sir, nagbibiro po ba kayo? Ano naman ang pambayad ko sa condo mo?”

“There’s no need to pay me. Every weekends in the morning tumatanggap ako ng patients sa clinic ko, and every afternoon bumibisita naman ako sa mga pasyente ko sa hospitals. Dahil kailangan mo rin ito sa practicum mo, kaya I offered you a job. Sa akin ka na mag On-the-Job training. Maliban sa naka pag practicum ka na, sumasahod ka pa.”

“Talaga po sir? Kukunin niyo akong maging nurse ninyo?”

“Hmmm.”

Sa sobrang tuwa ko nang tumango siya, agad akong napatalon at yumakap sa kanya habang pinag hahalikan ang lahat sa mukha niya, kulang na lang sa labi.

“Yes! Thank you sir. Hulog ka ng langit. Problema ko pa naman yan ngayon dahil, hindi na ako binibigyan ng allowance nina mama. Mabuti nga free tuition ako dito eh.”

“I don’t expect, may lahing palaka ka rin pala. Daig mo pa nga sila kung tumalon.” Nang-aasar na sabi nito, habang namumungay ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin.

Agad akong nakaramdam ng hiya ng mapansin kong nag pakarga na pala ako kay Dr. Zane. Bumaba ako mula sa pagkarga niya at patay malisya na bumalik sa aking upuan.

Nakita kong panay ang pahid ni Dr. Zane ng pawis sa kanyang noo, ng bumaba na ako. Naiinitan ba siya? Parang ang lamig naman ng aircon ah. Maya-maya pay nakita ko ulit siyang naghubad ng kanyang long sleeve at pumasok sa Cr. Ano kaya ang nangyari sa kanya? Ganun na ba ako kabigat? Kailangan ko na yata ang mag gym.

Isang oras na ang lumipas saka ko pa lang nakitang lumabas si Dr. Zane sa cr. Nagtataka ako bakit ang tagal niya.

“Sir, anong nangyari po sa inyo?” sa wakas ay natanong ko.

“Wala, naligo lang ako, Para mamaya, ready na akong pumunta sa party ni Claire.”

Tiningnan ko ang orasan sa wall ng opisina niya.

“Mag-aalas sinko pa lang naman po sir ah. Ang aga niyo naman yata maligo.” wika ko sa kanya. Agad ko namang nakita ang matalim niyang tingin sa akin.

“Tapusin mo na yang exams mo, or baka gusto mong dagdagan ko pa yan mamaya?”

“Ito na nga po sir, matatapos na po ako.”

“Kailangan mong matapos yan lahat ngayon, dahil magsisimula na tayo mamaya sa lecture.”

Nagkasalubong kaagad ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi naman kaya, abuso na sa studyante mo yan sir? Kapag gabi na, kailangan rin magpahinga ng estudyante mo. Isa pa may event pa akong pupuntahan mamaya.” nagmamaktol na sagot ko sa kanya.

Nakita kong saglit na rin siyang nag-isip.

“Alright, bukas na lang. Pagkatapos mo diyan, pwede ka nang umuwi, para makapag handa ng susuotin mo mamaya.”

“Hindi naman po kailangan maghanap pa ako ng maisusuot dahil wala naman akong balak magpaganda doon. Siya nga pala tapos ko nang sagutin lahat ng questionnaire sir. Pwede na po ba akong umuwi?”

“Sige iwan mo na yan diyan sa mesa. Come here.”

Agad naman akong lumapit sa kanya.

“Bakit po sir?” Kinakabahan kong tanong. Nakita kong may kinuha siya sa kanyang bulsa.

“Here. Idaan mo ito sa Fashion Boutique ni Rachel, tapos ibigay mo ito sa kanya. Alam na niya kung ano ang gagawin diyan.”

Kinuha ko ang makapal na sobre mula sa kanya,tsaka nagpaalam ng umalis.

6:30 P.M Thirty minutes before the Masquerade party starts.

"Ayyyy…bongga! Napakaganda mo girl. Kahit sinong lalaki sigurado akong maglalaway kapag nakita ka nila. Nakakainggit ngayon ang beauty mo bakla."

Napa dilat ako ng aking mga mata ng marinig ang sigaw ni Rachel. Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga para lang magulat ng makita ko ang aking mukha sa salamin.

"Jusko, anong ginawa mo?" Baling ko kaagad kay Rachel.

Hindi ako makapaniwala na nahulog ako sa mahimbing na pagtulog, paggising ko hindi ko na kilala ang mukha ko.

Pumayag ako kay Dr. Zane na dumaan sa Fashion Boutique ni Rachel dahil hindi naman ito kalayuan sa Dorm na tinutuluyan ko. Napapayag naman ako ng bakla na pumasok dito sa loob ng boutique niya dahil may ginagawa pa daw siya. Binigyan niya ako ng juice at uminom naman ako. Hindi ko alam kung bakit ako nakatulog kaagad.

"Taray mo girl. Ang ganda mo talaga. Oh siya magbihis ka na at baka ma late ka na sa party."

Tiningnan ko ang orasan sa aking wrist watch, agad akong tumakbo palabas ng boutique ni Rachel, ng makitang malapit na magsimula ang party. Baka hahaba na naman ang nguso ni Claire kung ma late ako.

"Teka Blaze saan ka pupunta bakla?" Narinig kung pa habol na sigaw ni Rachel.

Akmang bubuksan ko na ang glassdoor para lumabas, ngunit pinigilan niya ako.

"Ano, bakla aalis ka na lang ba na ganyan ang bihis mo? Di kaya ma turn off sa'yo ang knight in shining armour mo ngayong gabi?"

Tiningnan ko ang damit ko at naka nursing uniform pa pala ako.

"Kasalanan mo kasi ito bakla eh, kung hindi mo ako pinapasok dito sa loob ng shop mo eh di sana nakahanap na ako ng masusuot ngayon."

"Hahaha, no worries bakla, may mga gowns ako dito, pahiramin kita. Halika na dali."

Wala na akong magawa, kundi ang sumang ayon kay Rachel. Kung hindi ko lang talaga ito kaibigan, kanina ko pa ito inupakan.

"Oh ito pumasok ka na sa dressing room, isuot mo itong gown. Ingatan mo yan ha. Mahal ang gawa diyan."

" Ayaw ko nito, masyado itong maganda at mamahalin. Bigyan mo ako ng tama lang sa presyo, baka mamaya masira ko pa yan, wala akong pambayad."

"Echoserang palaka. Malalate ka na, naghahanap ka pa ng murang susuotin. Magmadali ka nang magbihis dun."

Nag-aalangan man, ay pumasok na ako sa loob ng dressing room. Wala akong kaalam-alam na may sabwatan pa lang nangyayari.

"Hello, sir Zed, nagawa ko na po ang pinag-uutos ninyo… Ah hindi niya po ako naririnig dahil nasa dressing room po siya ngayon nagbibihis ng damit na binili nyo para sa kanya. Po? Ah si Christy yung sikat na make up artist? Umuwi na po siya sir…Ah hindi po…Hindi niya nakita….Ok sige po sir, ipahatid ko na lang siya diyan sa driver ninyo…Ok lang yun sir, sa laki ba naman ng

binayad ninyo. Hehe. Sige sir salamat din po."

Nakangiting pinatay ni Rachel ang tawag at pinuntahan si Blaze sa loob ng Dressing Room.

"Wow, talagang dinaig mo pa ang birthday ng kaibigan mo bakla. Mas lalong lumitaw ang kagandahan mo. Ay, bongga talaga ang damit na binili ni Sir."

"What?"

"I mean bongga talaga ang damit na binili ni Sir, yung may ari nitong boutique. Isa kasi yan sa mga collection niya. Bagay na bagay sayo bakla."

Aaminin kong kahit ako nagandahan na rin sa gown na suot ko. Isa itong kulay blue na all over sequin scoop fitted sheath gown. Ang magarbong iridescent na mga sequins at beads ay nagpadagdag ng sophisticated look ng damit. Ipinagmamalaki nito ang isang pabulusok na scoop neckline na may magagandang spaghetti nshoulder straps na humahantong sa lace-up na likod at perpektong sumusuporta sa bodice. Fitted type ito at elegante na binabaybay ang mga kurba ng dibdib, baywang, at balakang, at nagtatampok ng mainit na hati mula sa hita na nagpapatingkad sa palda habang ito ay nag-flute kapag naglalakad ang sinumang nagsusuot.

"Bakla, hubarin ko na lang kaya ito, masyado yatang maganda, baka wala pang nakasuot nito at magalit ang may-ari."

"Ay naku, hindi siya magagalit. Promise. For promotion ang damit na yan. Kaya go ka na. Ayan one minute na lang late ka na. Ipahatid na lang kita sa driver ni Sir, sayang naman ang beauty mo kung mag jeep ka lang."

Hindi na ako umangal pa sa suggestion ni Rachel. Agad na akong sumakay ng kotse at nagpahatid sa Marriott Hotel kung saan gaganapin ang Masquerade birthday party. May glittering mask na rin akong suot ngayon, pinahiram din ako ni Rachel. Half lang ng mukha ko ang natatakpan at blue rin ang kulay nito.

Ilang sandali pa ay nasa loob na ako ng hotel. Binaybay ko ang ally hanggang sa nakarating na ako sa isang malawak na function hall kung saan nagaganap ang birthday party ni Claire.

Nakita kong magkaiba pala ang male at female entrance nito. Pumasok ako sa female entrance.

Tinulak ko ang glass door at kitang-kita ko ang sobrang paghanga at inggit sa mga mata ng mga bisita habang nakatingin sila sa akin. Agad akong binigyan ng lalaki na nakaabang sa entrance ng isang maliit na papel. Ang sabi itago ko raw dahil kailangan ito mamaya. Ginawa ko na rin at dumiritso na kay Claire at nag beso-beso sa kanya. May dumaan na waiter na naghahatid ng mga wine at juice drinks, kaya kumuha rin ako ng isa para inumin.

"Happy Birthday bestie, bati ko sabay abot ng aking regalo na kanina ko lang din binili.

"Bestie, ang ganda mo ngayon, grave hindi kita nakilala. Nakakainggit ka talaga. Ang ganda ng makeover mo. Sino ba ang nag make-up sayo?" Nanggigil na tanong ni Claire.

"Si Rachel bakla. Dumaan ako sa boutique niya kanina, nakatulog ako pag gising ko ito na ang mukha ko. Hindi ko alam kung ano pumasok sa utak nun at nagawang pag praktisan ang mukha ko." Wala sa loob kong sabi.

"Talaga! Seryoso? Hindi ko alam magaling na pa lang mag make-up si Rachel Bakla, kasi sa naalala ko hindi niya kayang gawin ang ganyan ka pulido at high quality na make-up sa mukha mo."

"Hindi ko alam sa kanya. Basta pag gising ko, ito na ang hitsura ko."

"Daig mo pa ang celebrities sa ganda mo ngayon Blaze. Ikaw na talaga. Inagaw mo ang limelight ko, nakakainis ka." nagmamaktol na wika ni Claire.

"Ah, ganun? Parang gusto mo pa yatang magsisi dahil inimbita mo ako ah. Sabihin mo lang at uuwi na ako." Mataray kong sagot sa kanya.

"Ito naman masyadong highblood. Okay lang yan bestie, Kailangan mo yan ngayon para hindi ka na tuluyang mabaliw sa boyfriend mong baliw na yun."

Maya-maya pa'y narinig na namin ang boses ng MC na nagsasalita sa mikropono.

Magandang gabi sa inyong lahat, Ang gabing ito ay napakaganda dahil magkaroon tayo ng King and Queen for the night. Kung naalala nyo kanina bago kayo pumasok sa entrance may papel na binibigay sa inyo. Take note, hindi po namin pinipili ang binibigyan namin, lahat kayo may hawak na papel. So, ngayon, ang gagawin natin tatawagin ko ang numero. Kapag ikaw ang may hawak ng numero na yan pupunta ka sa gitna. Lahat ng numero ay may pares yan, kaya kung pareho kayo ng number kayo ang magka partner for the whole night hanggang sa matapos ang event. Lahat ng pares ay kailangang magbigay ng dance duo or Singing duo depende sa trip nyo basta mapasaya niyo lang ang birthday girl natin. Si birthday girl na ang pipili kung sino ang magiging King and Queen for the night.

Binalingan ko si Claire na pangiti-ngiti sa aking tabi habang umiinom ng juice.

"Hoy bruha, aminin mo sa akin, kagagawan nyo namang apat ito no? Ano, sino na naman ang pasimuno si Janice na naman ba o ikaw?"

"Oh, bakit naman ako nadamay diyan? Kakarating ko lang ano."

Sabat ni Janice ng marinig ang aming usapan.

"Ano ka ba Blaze, napa sobra na naman ang pagka overthinkers mo. Event coordinator ko ang may plano niyan kaya wag kang masyadong kabahan. Don’t worry, walang nakapasok na baliw dito sa loob kaya safe kang mag partner sa normal na lalaki."

"Kung hindi mo lang birthday ngayon, kanina pa talaga ako umuwi. Ang sarap mo talagang kutusin, babae ka."

Humagalpak lang ng tawa si Claire ng makitang nagpipigil ako sa inis ko sa kanya.

"Number 34, kanina ka pa hinihintay ng partner mo sa gitna." Announce ng MC

"Sino sa inyo ang number 34, pag wala ako na lang, ang gwapo ng magiging ka partner ni 34!" Sigaw ng isang bisita.

Na tauhan ako ng may sumigaw na 34. Tiningnan ko ulit ang maliit na pirasong papel na hawak ko. Akin nga ang numerong yon.

"Nandito MC si number 34!"

Agad kong tinakpan ang bunganga ni Myrtle nang marinig na sinisigaw niya ang aking numero habang tinuturo ang kinaroroonan ko. Wala kasi akong plano na sumali sa ka ek-ikan nila.

"There you have it, Miss 34. Mr. 34, would you mind taking Miss 34 to the center?

Agad namang naglakad ang lalaking ka partner ko papunta sa akin. Habang papalapit siya, pakiramdam ko familiar sa akin ang built ng katawan niya. Pakiramdam ko malakas pa sa tunog ng tambol ang pagkabog ng dibdib ko.

"Oh my gush, bestie ang ganda ng katawan niya. Pero I'm sure ang gwapo niya kahit may takip ang mukha. Malakas talaga ang pakiramdam ko bestie, kahit hubarin mo ang damit nya, alam kung 6 packs ang abs niyan." Parang hihimatayin na wika ni Myrtle.

"Hi. Can I dance with my lovely partner?" Tanong ng nakamaskara na lalaki, habang inilahad ang kamay sa akin.

Napaawang ang labi ko ng magsalita siya. "Bakit ka boses niya si Zed at Dr. Zane?"

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Riri Dela Merced
Nakaplano ang lahat ah. ahahaha malamang Blaze, iisa lang naman sila kaya ka naguguluhan. thank you Author
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
si zed/dr.zane ang may pakana ng lahat
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 6 - PAPER DANCE

    Tiningnan ko ang mga kamay niya na nakalahad sa aking harapan. Umangat ako ng tingin at umiling-iling sa kanya. "Sorry. Hindi kasi ako marunong sumayaw." Tipid na sagot ko. "Ay naku hindi totoo yan. Marunong siyang sumayaw. Cheer dancer pa nga namin yan sa University eh." Singit ni Claire sa aming usapan. Pinandilatan ko si Claire. Nagbabanta ang aking mga tingin sa kanya na nagpapahiwatig na tumigil na siya sa ka daldal. Ngunit hindi niya ako pinapansin. Bagkus bigla pa niya akong tinulak kaya hindi ako nakapag handa at napasubsob ang mukha ko sa dibdib ng ka partner kong lalaki. Bahagya ko pa itong tinulak ng maramdaman na nakayakap na siya sa akin. "Sige na Blaze, birthday ko ngayon. Nakakahiya naman kung tanggihan mo ang bisita ko. Malay mo kapag kayong dalawa ang mapili na King and Queen ngayong gabi, mapapanalunan niyo ang VIP ticket sa concert ni Zion bukas, ang paborito mong singer. Ayaw mo ba nun?" pang-eengganyo sa akin ni Claire. Agad na nag-iba ang expression ng mukha

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 7 - I'M ALONE

    Napa ismid ako ng marinig ang sinabi ng host. “Punta muna ako ng restroom sir.” paalam ko kay Dr. Zane. Wala kasi akong ibang gusto ngayon kundi ang lihim na umuwi. Naiinis kasi ako dahil feeling ko pinagkaisahan nila ako. Nagmumukha tuloy akong tanga at katawa-tawa. Napapansin kong simula nang malaman ng mga kaibigan ko na pinalayas ako sa amin, madalas na nila akong gawing sangkalan sa mga trip nila. Hindi naman sa pinapahiya nila ako, madalas lang kasi nila akong pagkatuwaang apat kapag naglalaro sila. “Gusto mo bang samahan kita?” narinig kong tanong ni Dr. Zane.“Pangit naman tingnan sir kung samahan mo pa ako pati sa restroom di ba?” sarkastiko kong sagot at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Tila nahiya naman ito sa sinabi ko kaya napatigil siya sa pagsunod sa akin."May I request our Mr. King and Queen of the Night to please come on stage, so I can give this two VIP tickets?" Narinig kong announce ng host, pero hindi na ako bumalik. Tuloy pa rin ako sa aking paglalakad papuntan

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 8 - MAFIA KING

    ZED DAVEN’S POV“Fuck!” Napamura akong bigla sa aking sarili ng makita ko ang dugo sa noo ni Blaze at parang wala na siyang lakas upang umahon pa sa swimming pool. Natatarantang tumalon ako sa pool at sinagip siya. Nang makaahon na ako sa tubig, inilapag ko ang katawan niya sa gilid ng pool. Masyado siyang maraming nainom na tubig, dagdagan pa ng maraming dugo na lumabas mula sa sugat sa noo niya kaya siya nawalan ng malay. Pinakinggan ko ang heartbeat niya at nang mapagtanto kong humihinga pa siya, kaagad akong ng perform ng CPR sa kanya. Binuksan ko ang daanan ng hangin niya sa pamamagitan ng pagtagilid ng kanyang ulo pabalik at pag-angat ng kanyang baba. Sinarado ng aking kamay ang ilong niya. Huminga muna ako ng malalim at saka tinakpan ng aking bibig ang bibig niya upang makalikha ako ng airtight seal. Pagkatapos ay binigyan ko siya ng dalawang segundong paghinga habang pinapanood ang pagtaas ng kanyang dibdib. Pinasundan ko ulit ng dalawang paghinga at saka binigyan ng tatlumpon

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 9 - SORRY BLAZE, "I LOVE YOU"

    Kalahating oras din ang lumipas bago ko natapos ang pagtahi ng sugat sa noo ni Blaze. Pagkatapos kong ma-inject sa kanya ang nararapat na gamot para sa sakit at pamamaga ng kanyang sugat, sinigurado ko munang bumaba na ang kanyang lagnat, bago ako umalis at lumabas ng aking clinic. Nagtungo ako sa isang unit ko na nasa 56th floor. Nasa 55th Floor lang naman ang clinic ko kaya mabilis lang ako nakarating sa unit ko kung saan ako natutulog. Fifteen years old pa lang ako nang maisipan kong itayo ang Skyline Condominium at masasabi kong isa ito sa pinakamataas na condominium sa buong bansa. Parang regalo na rin ito ni lola sa akin noong 15th birthday ko dahil siya na ang umako ng lahat ng mga gastos sa pagpapagawa nito. Mula 55th floor hanggang top floor ay ginawa kong exclusivo para lamang sa akin at tanging fingerprint ko lamang ang siyang susi para makapasok dito. Isa sa mga rason ko ay si Dad. Ayoko kasi na basta-basta na lang siya papasok dito at guguluhin ang buhay ko. Iwan ko

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 10 - OFFICIALLY MINE

    “Boss, pare, payong kaibigan lang, huwag mong daanin sa init ng ulo ang problema mo. Kaya kita sinamahan dito dahil alam kong kailangan mo rin ng kausap. Ano bang gumugulo diyan sa utak mo? Tungkol ba ito sa sinabi ko sayo na pagpapakasal kay Lexie?” nagtatakang tanong sa akin ni Leon, habang inaabot sa akin ang baso ng alak.Agad ko namang kinuha yon at mabilis na tinungga. Sa pagkakataong ito hindi na ako gumamit ng baso pa. Agad kong tinungga ang laman ng bote sa kagustuhan na mabilis akong malasing at makatulog.“Boss, dahan-dahan lang. Alalahanin mong may concert ka pa mamaya. Ano na lang ang sasabihin ng mga fans mo sakaling malaman nila na pumunta ka ng concert na lasing.” paalala sa akin ni Leon.Saglit akong natigilan ng marinig ang sinabi niya.“Fans? Sa tingin mo ba Leon, darating siya?” mangiyak-ngiyak kong tanong kay Leon habang patuloy pa rin sa pagtungga ng alak.“Huh? Sino Boss?” nalilitong tanong ni Leon.“Si Blaze. Sa tingin mo darating ba siya? Sadyang nagpareserve

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 11 - SANA HINDI SIYA SI ZED

    BLAZE'S POV Masaya akong nakikipag harutan kay Zed habang kumakain kami. Sinusulit ko ang bawat minuto na kasama ko siya dahil hindi ko alam kung kailan na naman ulit kami magkikita. "Peanut, may itatanong sana ako sayo. Ano kasi, yung kaibigan ko problemado, kaya humingi siya sa akin ng advice. Hindi kasi ako magaling sa pagbibigay ng ganun kaya naisip ko na tanungin ka." Napatingin ako kay Zed nang magsalita siya habang kami ay kumakain. "Bakit ano ba ang problema niya?" Balewala kong tanong habang patuloy pa rin sa pagkain. "Ganito kasi yun. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa girlfriend niya ang tunay na identity niya, dahil mali ang pagkakakilala nito sa kanya nung umpisa pa lang." Tiningnan ako ni Zed, waring inaaral ang aking reaksyon. "Huh? Bakit naman? Ano ba ang pagkakakilala sa kanya nung umpisa?" takang tanong ko. Nakita ko siyang napakamot sa kanyang batok. Waring nag-iisip pa kung sasabihin sa akin o hindi. "Teka, Tikman mo ito mahal, ang sarap." sabay pasub

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 12 - "ZION"

    Nag half bath lang ako kaya di nagtagal, lumabas na rin ako sa bathroom, bihis ang bagong bili niyang damit para sa akin. Isa itong casual chiffon dress na kulay pula at abot lamang hanggang tuhod. May kasama itong maliit na silver belt sa baywang na bumagay sa silver sandals na binili na rin niya sa akin. Aaminin kong magaling si Dr. Zane pumili ng damit na nababagay sa isang babae. Malamang palagi na niya itong ginagawa, ang regalohan ang mga babae niya. Pero ayokong isama ang sarili ko na isa sa mga niregalohan niya. Babayaran ko ito sa kanya kapag nakaluwag-luwag na ako.Napatingin siya sa akin at nakita ko ang pagkamangha sa kanyang mga mata. Lumabas ang pantay-pantay at mapuputi niyang mga ngipin nang ngumiti siya sa akin.“Wow, you look stunning tonight.” manghang wika niya ng makalapit na ako sa kanya. “Stunning pa ba itong pagmumukha ko, eh, mayroong bendahe ang noo ko.” agad na kontra ko sa kanya, habang pasimpleng sumusulyap sa hickey sa kanyang leeg.“Okay lang yan. Hin

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 13 - I HATE YOU ZED

    “Hi, how are you?” agad akong nakabawi ng marinig ko ang tanong niya sa akin. “I’m..I’m Fine.” nauutal kong sagot. Nakita ko siyang pilyo na ngumiti. “Alright, Do you know how to sing Crazy?” “What?” biglang sagot ko dahil nalito ako sa tanong niya. Nakita ko siyang cute na ngumiti, at parang nang-aakit na nakatitig sa akin. “I mean, the song Crazy for you. Do you know how to sing that song?” tanong ulit niya habang pasimpleng pinipisil ang aking kamay. “Y…yes.” nauutal kong sagot. Hindi ko alam kung bakit naapektuhan ako sa mga ginagawa niya. “Music, please.” agad niyang request sa operator. Di nagtagal maririnig na ang intro ng kakantahin naming dalawa. Nakita ko siyang sumenyas na siya ang mauna na kakanta, naintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin. Magkataob pa rin ang aming mga palad, nang sinimulan na niyang kantahin ang unang lyrics ng kanta. “Swaying room as the music starts Strangers making the most of the dark Two by two, their bodies become one I see you thro

Latest chapter

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 41 - THE END

    ONE MONTH LATER…“Blaze, tama na yan, mukhang babagsak na ang ulan, kailangan na nating bumalik sa kotse.” wika ko kay Blaze, habang naksandal siya sa aking dibdib. Kasalukuyan kami ngayon nakaharap sa puntod ni King. Araw ngayon ng kanyang libing, at nag-aalala ako kay Blaze, dahil kanina pa siya iyak ng iyak. “Ewan ko ba Zed, hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na wala na si King. Masakit pa rin sa dibdib ko, na tuluyan na niya kaming iniwan ni ZB.” umiiyak pa rin na wika ni Blaze sa akin. Hinalikan ko ang kanyang noo at hinihimas ang kanyang likod upang kumalma siya. “Nandito pa rin siya peanut, kasama nating dalawa. Kapag namimiss mo si King, tumingin ka lang sa aking mga mata, at makikita mong nakangiti siya habang nakatingin sayo. Ayaw niyang nakikita ka na umiiyak, kaya tahan na.” Umangat ng mukha si Blaze upang tingnan ako sa mga mata, ngunit mas lalo lamang siyang umiyak at mahigpit na yumakap sa akin. “Zed, ang swerte ko kay King, kahit na mawawala na siya, kapakana

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 40 - HIS EYES

    “Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon peanut, hindi ko inaasahan na darating pa ang pagkakataon na ito, na mayakap kita at muling mahagkan. Mahal na mahal kita.”“I love you too, Zed, at sana wag mo na ulit kaming iiwan ni ZB.” Matapos marinig ang sinabi ni Blaze, bahagya akong kumalas sa pagkakayakap niya at tinaong siya. “Hindi ko na kayo iiwan ulit, Blaze, ngunit paano si King, baka hinahanap kana niya. Kailangan ka niya ngayon.”“Siya nga ang nag-utos sa akin na sundan si Dr. Clinton, upang kausapin ka. Bakit nga pala kinausap mo si Dr. Clinton, may kinalaman ba ito kay King?”“Oo, tinanong ko lang, kung may iba pang paraan upang ma dugtungan ang buhay niya. Ayaw ko kasing nalulungkot ka, kapag nawala siya. Alam kong mahalaga siya sa buhay mo.”“Pareho kayong mahalaga sa buhay ko. Ikaw mahalaga ka sa buhay ko, dahil naging kabiyak ka na ng puso ko, samantalang si King, mahalaga sa buhay ko, dahil simula noon pa, pamilya na ang turing ko sa kanya. Siya nga pala, pinasas

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 39 - HER LOVE NEVER DIES

    ZED’S POV“Leon, bakit ba tayo nagmamadali?” kunot noo na tanong ko kay Leon, dahil naramdaman kong pabilis ng pabilis ang pagtulak niya ng wheelchair ko palabas ng hospital. Binuksan muna niya ang pintuan ng kotse at tinulungan akong makaupo sa loob. “Leon, tinatanong kita, bakit ka nagmamadali, may humahabol ba sayo?”“Wala naman boss, nakita ko lang si Blaze sa loob ng hospital.” Mahinang sagot sa akin ni King. Naramdaman kong pinaandar na nito ang kotse. “Anong nangyari sa kanya?” Kinakabahan kong tanong kay Leon.“Wala naman nangyari sa kanya boss, si King ang sinugod sa hospital.” tipid n’yang sagot sa akin. Alam kong hanggang ngayon, nagtatampo pa rin si Leon kay Blaze, dahil nagawa kong ipatanggal ang mga mata ko, para lang e-donate sa kanya. Ngunit lagi kong sinasabi kay King, na ginawa ko yun dahil gusto kong masubaybayan ni Blaze ang paglaki ng anak namin. “Alamin mo ba, kung ano ang nangyari kay King?" Tanong ko kay Leon na agad naman niyang sinagot."Kapag may inuutos k

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 38- HE'S DYING

    Nanlulumo na umuwi ako ng mansyon ni King. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit pakiramdam ko iniiwasan na rin ako ni Leon. Malakas ang kutob ko na si Zed ang kumakanta na yun, dahil kasama niya si Leon, ngunit bakit ayaw niyang magpakita sa akin? Hindi ko na natuloy ang pagsunod sa kanila, dahil hindi ko na makita kung saan dumaan ang kanilang sasakyan."Nandito ka na pala. Kamusta naman ang lakad mo ng mga kaibigan mo. Nag-enjoy ka ba?"Saglit akong natigilan sa paglalakad, ng marinig ang boses ni King. Binalingan ko siya at nakita kong nakaupo siya sa couch habang nanonood ng TV. Napansin ko ang itim na bonnet na laging suot niya. Nagtataka ako, dahil nitong mga nakaraang araw lang, hindi na nito tinatanggal ang bonnet sa ulo niya. Kahit sa pagtulog suot niya pa rin ito."Hindi ka pa natulog?" Lumapit ako at malungkot na umupo sa tabi niya."Hindi ako makatulog. Hinihintay kita, sinisigurado ko lang na ligtas kang nakauwi." Nakangiting wika sa akin ni King. Sinandal ko

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 37 - WHEN HER EYES OPENED

    HEATHER BLAZE'S POV1 MONTH LATERBumalik kami ngayon sa clinic ni Dr. Fuentes, kasama si King at ang aking mga magulang. Ngayon na kasi tanggalin ang bendahe, sa aking mga mata. Tuwang-tuwa kaming lahat, dahil sa wakas, mayroon na ring naawa sa akin, na nag donate ng kanyang mga mata, upang muli akong makakita. Mabuti na lang at hindi naman na fractured ang aking buong katawan, kaya after ng ilang weeks, nakalabas na kaagad ako sa hospital."Sandali lang ha, relax mo muna ang iyong sarili, pagkatapos, dahan-dahan mong imulat ang iyong mga mata." Narinig kong wika sa akin ni Doctor Fuentes, kaya sinunod ko na rin ang sinabi niya. Inikot ng aking paningin ang buong silid, Ilang sandali pa'y unti-unting nagkaroon ng liwanag ang aking mga mata at naging malinaw na rin ang aking paningin. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" Nakangiting tanong kaagad ni Doc Fuentes sa akin."Nakakakita na ako, doc! Nakakita na ako!" Tuwang-tuwa na napayakap ako kay kay King, at sa aking mga magulang. "Mommy!"

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 36 - TWO HEARTS BEAT AS ONE

    ZED DAVEN'S POV"Boss, hindi natuloy ang kasal ni Blaze, dahil ikaw ang pinili niyang puntahan. Ngunit naaksidente siya, at ngayon, kailangan niyang makahanap kaagad ng eye donor, dahil kung hindi, permanente siyang maging bulag."Pakiramdam ko, biglang sinaksak ang puso ko dahil sa sinabi ni Leon. Bakit ba sa tuwing gusto namin ni Blaze na ipaglaban ang pagmamahalan namin, lagi kaming sinusubok ng tadhana. Bakit sa tuwing gusto naming magsama, nasasaktan lang namin ang isa’t-isa. Minsan na tanong ko sa aking sarili, kung wala na ba talaga akong pag-asa na maging masaya, Ang hirap, parang hindi ako makahinga, nang dahil sa akin, kaya ito nangyari kay Blaze. "Leon, gustong kong makita si Blaze.""Pero Boss, galit sayo, ang mga magulang ni Blaze, baka ano ang gawin nila sayo? Hindi ka pa magaling."Mapait akong ngumiti, saka sinagot si Leon, "Wala akong pakialam sa kung ano man ang gagawin nila sa akin, gusto ko lang makita si Blaze, gusto ko siyang makausap, please Leon, dalhin mo ako

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 35 - EYE DONOR

    AUTHOR'S POV SAMANTALA, sa simbahan, walang kaalam-alam si King sa lahat ng mga pangyayari. Hindi na rin niya maintindihan ang nararamdaman, dahil fifteen minutes nalang, magsisimula na ang seremonya ng kanilang kasal. Ngunit kanina pa siya kinakabahan, dahil hanggang ngayon wala pa rin si Blaze. Hindi naman pwedeng magbago ang isip niya, dahil isang buwan niya itong binigyan ng pagkakataon upang sabihin sa kanya kung ayaw na nitong magpakasal. "Sir, sir, naku po, patawarin nyo ako, hindi ko alam kung anong nangyari kay Ma'am Blaze, ngunit umiiyak po siya kanina noong mapanood, mula sa TV screen, na naputol ang isang paa ng pinuno ng TAB." Umiiyak at humihingal na paliwanag ni Chloie, kay King. Nakita niya itong tumatakbo, mula sa labas ng simbahan parang lang ibalita ito sa kanya. "Fuck! Nasaan si Blaze!?" Ramdam ni Chloie, ang namumuong galit sa dibdib ni King, matapos niyang ibalita ang nangyari. Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ni King. Tawag 'yun galing sa kaibigan mi

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 34 - MAHAL PA RIN KITA ZED

    Blaze’s POV“Ma’am ok lang po ba kayo?” Agad akong nakabawi mula sa malalim na pag-iisip, matapos marinig ang tanong sa akin ni Chloie–ang baklang umaayos sa akin ngayon. Isang oras na lang at ikakasal na ako kay King, ngunit hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman.Pinahid ko ang aking mga luha bago siya sinagot. "Ewan ko ba Chloie, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung ano itong nararamdaman ko.""Naku, talagang ganyan Ma'am, hindi mo talaga maintindihan ang nararamdaman mo kapag ikakasal ka na. Naghalo-halo na kasi ang kaba, excitement at lungkot dahil sa wakas tatalian ka na ng mapapangasawa mo. Sandali, i-on ko na lang ang TV, para maibaling mo ang atensyon mo sa panonood. Masyado lang po siguro kayong excited." Panunukso pa nito sa akin, habang ini-on ang TV. Ilang rooms ang kinuha namin ni King, upang dito na magbihis ang buong entourage. Yung iba kanina pa nauna sa simbahan dahil doon na lang ang pictorials. Kahit ang aking anak ay kanina pa, dinala

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 33 - LEON, HINDI KO NA KAYA

    ZED DAVEN’S POV Nagising ako na, nakahiga na, sa isang mahabang mesa habang ang aking kamay at paa ay kapwa nakatali sa bawat dulo nito. Wala na sila, sigurong makita na pwedeng itali sa akin, dahil napansin ko na puro duct tape ang nagbibigkis sa kamay at paa ko. Naalala ko, sinubukan ko palang barilin ang isang lalaki na may hawak din sa akin, ngunit hindi ako nagtagumpay dahil agad akong hinampas sa ulo ng mga kasamahan nito, at parang may tinurok pa sila sa akin, dahilan upang mawalan ako ng malay. Binuka ko ang aking bibig, ngunit hindi ko magawa dahil tinatakpan din ito ng docktape. Inikot ko ang aking paningin, upang malaman kung saan nila ako dinala. Agad kong nakita ang iba’t-ibang klase ng kutsilyo na nakadispaly sa knifes shelves, at maraming kasangkapan, pangkusina. Ibig sabihin, dito nila ako dinala sa kusina na sa ilalim na parte ng barko. Naramdaman kong umuusad ang barko, dahil umaandar na ang makina nito. Ipinikit ko ang aking mga mata upang muling ipunin ang aking la

DMCA.com Protection Status