Hindi ko na kinaya pa ang makita si Dr. Zane, mas lalo ko lang nami-miss si Zed. Ang tanga-tanga ko lang kasi, bakit ko pa siya pinaalis. Umupo ako sa Waiting Shed na laging tambayan ni Zed sa tuwing inaabangan niya kung kailan ako lalabas ng gate. Sinuyod ng paningin ko ang buong paligid ngunit nabigo ako ng hindi makita ng mga mata ko ang kahit anino man lang ni Zed.Matamlay akong nakatitig sa kawalan, pakiramdam ko parang baliw na rin ako dahil kay Zed."Sino, ang inaabangan mo?" Agad akong napalingon sa aking likuran, ng marinig ang boses ni Zed."Zed," masayang tawag ko sa pangalan niya. Ngunit agad naman akong nadismaya ng makumpirmang si Dr. Zane lang pala ang nasa likuran ko.Hindi ko siya sinagot. Itinuon ko na lang ang aking mga mata sa paligid, nag baka sakaling makita ko si Zed."Hindi na siya darating. Pero huwag kang mag-alala, mahal na mahal ka nun." Napalingon akong muli kay Dr. Zane.Nakita kong ngumiti siya sa akin. Kahit sa mga ngiti parehas talaga sila ni Zed. Sa h
Pinapawisan na talaga ako ngayon. Limang oras na akong kumukuha ng exam dito sa Office ni Dr. Zane. Sa tuwing nakakatulog ako, isang halik niya sa labi ko ang nagpapa gising sa akin. Siyempre dahil sa antok at pagod na ang utak ko sa exam, kaya hindi ko namamalayan nakaidlip na pala ako. Yun, nakakarami na rin ng halik si Dr. Zane sa akin. “Kaya mo pa ba?" Bahagya akong nagulat ng maramdaman kong nasa likod ko siya dahil naamoy ko ang mainit niyang hininga na dumadampi sa batok ko. “Pwede bang bukas na lang yung iba sir? Pagod na talaga ang utak ko sa kakaisip.” “Sino ba kasi ang iniisip mo? Alisin mo muna siya sa isipan mo at mag focus ka sa questionnaire.” Nagsitayuan na ang balahibo ko nang makitang halos magkadikit na ang mukha namin ni Dr. Zane. “Hindi naman sa ganun sir, inaantok na kasi talaga ako. Please bukas na lang po ang iba.” “Kapag hindi mo yan tinapos ngayon, Just bring it home. Tuturuan kita sa mga subjects na nahihirapan ka.” “Po? Naku hindi pwede sir, bawal po
Tiningnan ko ang mga kamay niya na nakalahad sa aking harapan. Umangat ako ng tingin at umiling-iling sa kanya. "Sorry. Hindi kasi ako marunong sumayaw." Tipid na sagot ko. "Ay naku hindi totoo yan. Marunong siyang sumayaw. Cheer dancer pa nga namin yan sa University eh." Singit ni Claire sa aming usapan. Pinandilatan ko si Claire. Nagbabanta ang aking mga tingin sa kanya na nagpapahiwatig na tumigil na siya sa ka daldal. Ngunit hindi niya ako pinapansin. Bagkus bigla pa niya akong tinulak kaya hindi ako nakapag handa at napasubsob ang mukha ko sa dibdib ng ka partner kong lalaki. Bahagya ko pa itong tinulak ng maramdaman na nakayakap na siya sa akin. "Sige na Blaze, birthday ko ngayon. Nakakahiya naman kung tanggihan mo ang bisita ko. Malay mo kapag kayong dalawa ang mapili na King and Queen ngayong gabi, mapapanalunan niyo ang VIP ticket sa concert ni Zion bukas, ang paborito mong singer. Ayaw mo ba nun?" pang-eengganyo sa akin ni Claire. Agad na nag-iba ang expression ng mukha
Napa ismid ako ng marinig ang sinabi ng host. “Punta muna ako ng restroom sir.” paalam ko kay Dr. Zane. Wala kasi akong ibang gusto ngayon kundi ang lihim na umuwi. Naiinis kasi ako dahil feeling ko pinagkaisahan nila ako. Nagmumukha tuloy akong tanga at katawa-tawa. Napapansin kong simula nang malaman ng mga kaibigan ko na pinalayas ako sa amin, madalas na nila akong gawing sangkalan sa mga trip nila. Hindi naman sa pinapahiya nila ako, madalas lang kasi nila akong pagkatuwaang apat kapag naglalaro sila. “Gusto mo bang samahan kita?” narinig kong tanong ni Dr. Zane.“Pangit naman tingnan sir kung samahan mo pa ako pati sa restroom di ba?” sarkastiko kong sagot at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Tila nahiya naman ito sa sinabi ko kaya napatigil siya sa pagsunod sa akin."May I request our Mr. King and Queen of the Night to please come on stage, so I can give this two VIP tickets?" Narinig kong announce ng host, pero hindi na ako bumalik. Tuloy pa rin ako sa aking paglalakad papuntan
ZED DAVEN’S POV“Fuck!” Napamura akong bigla sa aking sarili ng makita ko ang dugo sa noo ni Blaze at parang wala na siyang lakas upang umahon pa sa swimming pool. Natatarantang tumalon ako sa pool at sinagip siya. Nang makaahon na ako sa tubig, inilapag ko ang katawan niya sa gilid ng pool. Masyado siyang maraming nainom na tubig, dagdagan pa ng maraming dugo na lumabas mula sa sugat sa noo niya kaya siya nawalan ng malay. Pinakinggan ko ang heartbeat niya at nang mapagtanto kong humihinga pa siya, kaagad akong ng perform ng CPR sa kanya. Binuksan ko ang daanan ng hangin niya sa pamamagitan ng pagtagilid ng kanyang ulo pabalik at pag-angat ng kanyang baba. Sinarado ng aking kamay ang ilong niya. Huminga muna ako ng malalim at saka tinakpan ng aking bibig ang bibig niya upang makalikha ako ng airtight seal. Pagkatapos ay binigyan ko siya ng dalawang segundong paghinga habang pinapanood ang pagtaas ng kanyang dibdib. Pinasundan ko ulit ng dalawang paghinga at saka binigyan ng tatlumpon
Kalahating oras din ang lumipas bago ko natapos ang pagtahi ng sugat sa noo ni Blaze. Pagkatapos kong ma-inject sa kanya ang nararapat na gamot para sa sakit at pamamaga ng kanyang sugat, sinigurado ko munang bumaba na ang kanyang lagnat, bago ako umalis at lumabas ng aking clinic. Nagtungo ako sa isang unit ko na nasa 56th floor. Nasa 55th Floor lang naman ang clinic ko kaya mabilis lang ako nakarating sa unit ko kung saan ako natutulog. Fifteen years old pa lang ako nang maisipan kong itayo ang Skyline Condominium at masasabi kong isa ito sa pinakamataas na condominium sa buong bansa. Parang regalo na rin ito ni lola sa akin noong 15th birthday ko dahil siya na ang umako ng lahat ng mga gastos sa pagpapagawa nito. Mula 55th floor hanggang top floor ay ginawa kong exclusivo para lamang sa akin at tanging fingerprint ko lamang ang siyang susi para makapasok dito. Isa sa mga rason ko ay si Dad. Ayoko kasi na basta-basta na lang siya papasok dito at guguluhin ang buhay ko. Iwan ko
“Boss, pare, payong kaibigan lang, huwag mong daanin sa init ng ulo ang problema mo. Kaya kita sinamahan dito dahil alam kong kailangan mo rin ng kausap. Ano bang gumugulo diyan sa utak mo? Tungkol ba ito sa sinabi ko sayo na pagpapakasal kay Lexie?” nagtatakang tanong sa akin ni Leon, habang inaabot sa akin ang baso ng alak.Agad ko namang kinuha yon at mabilis na tinungga. Sa pagkakataong ito hindi na ako gumamit ng baso pa. Agad kong tinungga ang laman ng bote sa kagustuhan na mabilis akong malasing at makatulog.“Boss, dahan-dahan lang. Alalahanin mong may concert ka pa mamaya. Ano na lang ang sasabihin ng mga fans mo sakaling malaman nila na pumunta ka ng concert na lasing.” paalala sa akin ni Leon.Saglit akong natigilan ng marinig ang sinabi niya.“Fans? Sa tingin mo ba Leon, darating siya?” mangiyak-ngiyak kong tanong kay Leon habang patuloy pa rin sa pagtungga ng alak.“Huh? Sino Boss?” nalilitong tanong ni Leon.“Si Blaze. Sa tingin mo darating ba siya? Sadyang nagpareserve
BLAZE'S POV Masaya akong nakikipag harutan kay Zed habang kumakain kami. Sinusulit ko ang bawat minuto na kasama ko siya dahil hindi ko alam kung kailan na naman ulit kami magkikita. "Peanut, may itatanong sana ako sayo. Ano kasi, yung kaibigan ko problemado, kaya humingi siya sa akin ng advice. Hindi kasi ako magaling sa pagbibigay ng ganun kaya naisip ko na tanungin ka." Napatingin ako kay Zed nang magsalita siya habang kami ay kumakain. "Bakit ano ba ang problema niya?" Balewala kong tanong habang patuloy pa rin sa pagkain. "Ganito kasi yun. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa girlfriend niya ang tunay na identity niya, dahil mali ang pagkakakilala nito sa kanya nung umpisa pa lang." Tiningnan ako ni Zed, waring inaaral ang aking reaksyon. "Huh? Bakit naman? Ano ba ang pagkakakilala sa kanya nung umpisa?" takang tanong ko. Nakita ko siyang napakamot sa kanyang batok. Waring nag-iisip pa kung sasabihin sa akin o hindi. "Teka, Tikman mo ito mahal, ang sarap." sabay pasub
ONE MONTH LATER…“Blaze, tama na yan, mukhang babagsak na ang ulan, kailangan na nating bumalik sa kotse.” wika ko kay Blaze, habang naksandal siya sa aking dibdib. Kasalukuyan kami ngayon nakaharap sa puntod ni King. Araw ngayon ng kanyang libing, at nag-aalala ako kay Blaze, dahil kanina pa siya iyak ng iyak. “Ewan ko ba Zed, hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na wala na si King. Masakit pa rin sa dibdib ko, na tuluyan na niya kaming iniwan ni ZB.” umiiyak pa rin na wika ni Blaze sa akin. Hinalikan ko ang kanyang noo at hinihimas ang kanyang likod upang kumalma siya. “Nandito pa rin siya peanut, kasama nating dalawa. Kapag namimiss mo si King, tumingin ka lang sa aking mga mata, at makikita mong nakangiti siya habang nakatingin sayo. Ayaw niyang nakikita ka na umiiyak, kaya tahan na.” Umangat ng mukha si Blaze upang tingnan ako sa mga mata, ngunit mas lalo lamang siyang umiyak at mahigpit na yumakap sa akin. “Zed, ang swerte ko kay King, kahit na mawawala na siya, kapakana
“Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon peanut, hindi ko inaasahan na darating pa ang pagkakataon na ito, na mayakap kita at muling mahagkan. Mahal na mahal kita.”“I love you too, Zed, at sana wag mo na ulit kaming iiwan ni ZB.” Matapos marinig ang sinabi ni Blaze, bahagya akong kumalas sa pagkakayakap niya at tinaong siya. “Hindi ko na kayo iiwan ulit, Blaze, ngunit paano si King, baka hinahanap kana niya. Kailangan ka niya ngayon.”“Siya nga ang nag-utos sa akin na sundan si Dr. Clinton, upang kausapin ka. Bakit nga pala kinausap mo si Dr. Clinton, may kinalaman ba ito kay King?”“Oo, tinanong ko lang, kung may iba pang paraan upang ma dugtungan ang buhay niya. Ayaw ko kasing nalulungkot ka, kapag nawala siya. Alam kong mahalaga siya sa buhay mo.”“Pareho kayong mahalaga sa buhay ko. Ikaw mahalaga ka sa buhay ko, dahil naging kabiyak ka na ng puso ko, samantalang si King, mahalaga sa buhay ko, dahil simula noon pa, pamilya na ang turing ko sa kanya. Siya nga pala, pinasas
ZED’S POV“Leon, bakit ba tayo nagmamadali?” kunot noo na tanong ko kay Leon, dahil naramdaman kong pabilis ng pabilis ang pagtulak niya ng wheelchair ko palabas ng hospital. Binuksan muna niya ang pintuan ng kotse at tinulungan akong makaupo sa loob. “Leon, tinatanong kita, bakit ka nagmamadali, may humahabol ba sayo?”“Wala naman boss, nakita ko lang si Blaze sa loob ng hospital.” Mahinang sagot sa akin ni King. Naramdaman kong pinaandar na nito ang kotse. “Anong nangyari sa kanya?” Kinakabahan kong tanong kay Leon.“Wala naman nangyari sa kanya boss, si King ang sinugod sa hospital.” tipid n’yang sagot sa akin. Alam kong hanggang ngayon, nagtatampo pa rin si Leon kay Blaze, dahil nagawa kong ipatanggal ang mga mata ko, para lang e-donate sa kanya. Ngunit lagi kong sinasabi kay King, na ginawa ko yun dahil gusto kong masubaybayan ni Blaze ang paglaki ng anak namin. “Alamin mo ba, kung ano ang nangyari kay King?" Tanong ko kay Leon na agad naman niyang sinagot."Kapag may inuutos k
Nanlulumo na umuwi ako ng mansyon ni King. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit pakiramdam ko iniiwasan na rin ako ni Leon. Malakas ang kutob ko na si Zed ang kumakanta na yun, dahil kasama niya si Leon, ngunit bakit ayaw niyang magpakita sa akin? Hindi ko na natuloy ang pagsunod sa kanila, dahil hindi ko na makita kung saan dumaan ang kanilang sasakyan."Nandito ka na pala. Kamusta naman ang lakad mo ng mga kaibigan mo. Nag-enjoy ka ba?"Saglit akong natigilan sa paglalakad, ng marinig ang boses ni King. Binalingan ko siya at nakita kong nakaupo siya sa couch habang nanonood ng TV. Napansin ko ang itim na bonnet na laging suot niya. Nagtataka ako, dahil nitong mga nakaraang araw lang, hindi na nito tinatanggal ang bonnet sa ulo niya. Kahit sa pagtulog suot niya pa rin ito."Hindi ka pa natulog?" Lumapit ako at malungkot na umupo sa tabi niya."Hindi ako makatulog. Hinihintay kita, sinisigurado ko lang na ligtas kang nakauwi." Nakangiting wika sa akin ni King. Sinandal ko
HEATHER BLAZE'S POV1 MONTH LATERBumalik kami ngayon sa clinic ni Dr. Fuentes, kasama si King at ang aking mga magulang. Ngayon na kasi tanggalin ang bendahe, sa aking mga mata. Tuwang-tuwa kaming lahat, dahil sa wakas, mayroon na ring naawa sa akin, na nag donate ng kanyang mga mata, upang muli akong makakita. Mabuti na lang at hindi naman na fractured ang aking buong katawan, kaya after ng ilang weeks, nakalabas na kaagad ako sa hospital."Sandali lang ha, relax mo muna ang iyong sarili, pagkatapos, dahan-dahan mong imulat ang iyong mga mata." Narinig kong wika sa akin ni Doctor Fuentes, kaya sinunod ko na rin ang sinabi niya. Inikot ng aking paningin ang buong silid, Ilang sandali pa'y unti-unting nagkaroon ng liwanag ang aking mga mata at naging malinaw na rin ang aking paningin. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" Nakangiting tanong kaagad ni Doc Fuentes sa akin."Nakakakita na ako, doc! Nakakita na ako!" Tuwang-tuwa na napayakap ako kay kay King, at sa aking mga magulang. "Mommy!"
ZED DAVEN'S POV"Boss, hindi natuloy ang kasal ni Blaze, dahil ikaw ang pinili niyang puntahan. Ngunit naaksidente siya, at ngayon, kailangan niyang makahanap kaagad ng eye donor, dahil kung hindi, permanente siyang maging bulag."Pakiramdam ko, biglang sinaksak ang puso ko dahil sa sinabi ni Leon. Bakit ba sa tuwing gusto namin ni Blaze na ipaglaban ang pagmamahalan namin, lagi kaming sinusubok ng tadhana. Bakit sa tuwing gusto naming magsama, nasasaktan lang namin ang isa’t-isa. Minsan na tanong ko sa aking sarili, kung wala na ba talaga akong pag-asa na maging masaya, Ang hirap, parang hindi ako makahinga, nang dahil sa akin, kaya ito nangyari kay Blaze. "Leon, gustong kong makita si Blaze.""Pero Boss, galit sayo, ang mga magulang ni Blaze, baka ano ang gawin nila sayo? Hindi ka pa magaling."Mapait akong ngumiti, saka sinagot si Leon, "Wala akong pakialam sa kung ano man ang gagawin nila sa akin, gusto ko lang makita si Blaze, gusto ko siyang makausap, please Leon, dalhin mo ako
AUTHOR'S POV SAMANTALA, sa simbahan, walang kaalam-alam si King sa lahat ng mga pangyayari. Hindi na rin niya maintindihan ang nararamdaman, dahil fifteen minutes nalang, magsisimula na ang seremonya ng kanilang kasal. Ngunit kanina pa siya kinakabahan, dahil hanggang ngayon wala pa rin si Blaze. Hindi naman pwedeng magbago ang isip niya, dahil isang buwan niya itong binigyan ng pagkakataon upang sabihin sa kanya kung ayaw na nitong magpakasal. "Sir, sir, naku po, patawarin nyo ako, hindi ko alam kung anong nangyari kay Ma'am Blaze, ngunit umiiyak po siya kanina noong mapanood, mula sa TV screen, na naputol ang isang paa ng pinuno ng TAB." Umiiyak at humihingal na paliwanag ni Chloie, kay King. Nakita niya itong tumatakbo, mula sa labas ng simbahan parang lang ibalita ito sa kanya. "Fuck! Nasaan si Blaze!?" Ramdam ni Chloie, ang namumuong galit sa dibdib ni King, matapos niyang ibalita ang nangyari. Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ni King. Tawag 'yun galing sa kaibigan mi
Blaze’s POV“Ma’am ok lang po ba kayo?” Agad akong nakabawi mula sa malalim na pag-iisip, matapos marinig ang tanong sa akin ni Chloie–ang baklang umaayos sa akin ngayon. Isang oras na lang at ikakasal na ako kay King, ngunit hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman.Pinahid ko ang aking mga luha bago siya sinagot. "Ewan ko ba Chloie, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung ano itong nararamdaman ko.""Naku, talagang ganyan Ma'am, hindi mo talaga maintindihan ang nararamdaman mo kapag ikakasal ka na. Naghalo-halo na kasi ang kaba, excitement at lungkot dahil sa wakas tatalian ka na ng mapapangasawa mo. Sandali, i-on ko na lang ang TV, para maibaling mo ang atensyon mo sa panonood. Masyado lang po siguro kayong excited." Panunukso pa nito sa akin, habang ini-on ang TV. Ilang rooms ang kinuha namin ni King, upang dito na magbihis ang buong entourage. Yung iba kanina pa nauna sa simbahan dahil doon na lang ang pictorials. Kahit ang aking anak ay kanina pa, dinala
ZED DAVEN’S POV Nagising ako na, nakahiga na, sa isang mahabang mesa habang ang aking kamay at paa ay kapwa nakatali sa bawat dulo nito. Wala na sila, sigurong makita na pwedeng itali sa akin, dahil napansin ko na puro duct tape ang nagbibigkis sa kamay at paa ko. Naalala ko, sinubukan ko palang barilin ang isang lalaki na may hawak din sa akin, ngunit hindi ako nagtagumpay dahil agad akong hinampas sa ulo ng mga kasamahan nito, at parang may tinurok pa sila sa akin, dahilan upang mawalan ako ng malay. Binuka ko ang aking bibig, ngunit hindi ko magawa dahil tinatakpan din ito ng docktape. Inikot ko ang aking paningin, upang malaman kung saan nila ako dinala. Agad kong nakita ang iba’t-ibang klase ng kutsilyo na nakadispaly sa knifes shelves, at maraming kasangkapan, pangkusina. Ibig sabihin, dito nila ako dinala sa kusina na sa ilalim na parte ng barko. Naramdaman kong umuusad ang barko, dahil umaandar na ang makina nito. Ipinikit ko ang aking mga mata upang muling ipunin ang aking la