ALYSSA POINT OF VIEW Masayang masaya si Ashley na nakapamasyal. Hindi man niya nakikita ang napuntahan namin, malaking tulong ang ginagawa ni Lauro na ipinapaliwanag kung ano ang nasa paligid. Sinasagot niya lahat ng tanong ni Ashley. Hindi ko masasabing nag-enjoy ako dahil sa totoo lang, sa buong araw ay kabado ako. Lalo na sa tuwing magdidikit ang katawan namin ni Lauro sa 'di inaasahang sitwasyon. Ngunit kung masaya si Ashley, masaya na rin ako, iyon lang naman ang hangad ko para sa kanya, ang maging masayang bata. Tahimik kami habang pauwi na. Tulog na si Ashley sa likod at ako naman ay nakatingin sa labas. Wala akong pakialam kung mangawit ang leeg ko sa iisang posisyon. Gusto kong magkunwaring tulog pero alam kong hindi iyon uubra dahil mas lalo ko lamang binibigyan si Lauro ng pagkakataong titigan ako. Lalo na ngayon na nararamdaman ko ang panaka-nakang pagsulyap niya sa akin. Pilit ko na lamang iyon binabalewala. Hindi na rin namin napag-usapan ang tungkol sa nangyari kani
"Stop staring. Baka matunaw ako." Napaawang ang aking bibig at nag-init ang pisngi nang marinig ang boses ni Ali. "Ah..." Lumunok ako dahil biglang nagbara ang aking lalamunan. "Ay!" Napasigaw ako nang bigla niya akong hinila dahilan para mapadagan ako sa kanya. Pinilit kong bumangon sa pamamagitan ng pagtukod ng palad ko sa kanyang dibdib ngunit lalo niya lang akong niyakap ng mahigpit kaya napasubsob ako sa kanyang dibdib. "Let's stay like this!" malambing niyang bulong kaya napatigil ako. Humaplos ang kamay niya sa aking buhok habang ramdam ko ang hininga niya sa aking bumbunan. Katahimikan ang namayani sa amin pagkatapos. Ngunit nabibingi ako sa iregular na tibok ng kanyang puso, mabilis kasi iyon at malakas. Katulad na katulad ng nararamdaman ko. "Kumain ka na ba?" mula sa pagkakadukdok sa dibdib niya ay nagawa kong itanong. Dinig na dinig ko pa rin ang malakas na pintig ng kanyang puso. Puso niya ba o puso ko ang naririnig ko ngayon? "Hindi pa, ikaw? Si Ashley?" Nakaga
ALYJAH POINT OF VIEW Tinitigan ko ang likod ni Ely habang hila-hila ako sa kamay. I was upset upon knowing that she's with my father and they spent time together with Ashley. I am jealous, alright! At lalo akong nagpupuyos sa galit dahil mukhang in-enjoy ni Papa na kasama sila. Nagseselos ako dahil ni minsan hindi nagawa ni Papa sa akin ang bagay na iyon. Hindi niya ipinaranas ang kasiyahan ng buong pamilya na namamasyal na masaya. Hindi niya ako binigyan ng magandang memorya sa aking kabataan kasama sila ni Mama. At ngayon, lalo niya lang dinagdagan ang inipon kong sama ng loob. He looks happy when he's looking at Ashley. He is somewhat very caring person when it comes to Ely. Noong una pilit ko iyong binabalewala, but now, why I'm feeling suspicious? Bakit nakakaramdam ako ng ganito? Nang makarating kami sa kusina ay kasalukuyan ng naghahanda si nanay Minda sa hapag. Bago ako pumanhik, hiniling kong magluto siya ng buttered shrimp at may kasama pang chicken kaldereta na isa rin
"Take your mask off!" mariing utos niya sa babaeng kasama sa kuwarto. Nakatunghay siya ngayon sa babaeng nakasuot ng maskara habang ito ay nakatungo at hindi man lamang siya makuhang tingnan. Pinag-aralan niya ang kabuuan ng babae. May malaporselanang kutis ito at seksi ang pangangatawan. Regalo ito ng kaibigan niyang sina Aiden at Heron. Kailangan daw niya munang mag-enjoy bago siya umalis papuntang America. Napagpasyahan nilang sumubok sa isang club dahil nasa tamang edad naman na sila, disi-otso.Kaya heto nga. May mga babae silang dala-dala pagkalabas sa club na iyon. Dinala niya ang babae sa isang pipitsuging hotel na malapit lamang sa club na iyon. Maayos naman ang loob ng lugar. May sixteen inch na TV. Malaki naman ang kama para sa pagpapakasasa niya sa katawan ng kasama. Hindi na niya pinag-aksayang tingnan ang banyo dahil wala siyang balak gamitin iyon. Isa pa, unang beses niyang gawin ang tumikim ng isang babaeng bayaran. Unang beses niya rin makasama ang isang babae. Ne
ELYSSA POINT OF VIEW*May consist brutal words*Papasok ako ngayon sa squatter area kung saan kami nakatira. Tagpi-tagping mga bahay ang nadadaanan ko. Lubak ang daan at may mga nagkalat na basura. Hindi ko matanto kung anong amoy ang umaalingasaw. Naghalo-halo na kasi iyon.Ganito ang pamumuhay na meron ako. Pamumuhay na kahit ilang beses kong gustong ibahin ay walang nangyayari. Para akong pinaparusahan dahil kahit anong kayod ko, kahit anong sipag at tiyaga ko, nakalugmok pa rin ako sa hirap. Gusto ko iyong takasan pero may mga taong nakakapit sa paa ko at pilit akong pinipigilan. Sabagay, hindi ko sila kayang takbuhan at taguan. Ikamamatay ko muna bago ko sila abandonahin at iwanan.Malapit na ako sa bahay at kagagaling lamang sa trabaho nang makasalubong ko ang ilang mga kabataan at kalalakihang nagtatakbuhan. Nagsisigawan at naghahabulan pa ang mga ito. Ang iba ay nakangisi at nagtatawanan habang nakatingin sa akin.Bumungad sa aking paningin ang binatilyong si Ariel na humahang
ALYJAH POINT OF VIEW Ang mainit na hangin ng Maynila ang bumungad sa akin pagkalabas ko sa Ninoy Aquino International Airport. Mula sa kumpulan ng mga taong palabas ay nakisiksik ako para makita ang kaibigan kong susundo sa akin. Si Aiden.Nagpalinga-linga ako dahil hindi ko siya makita agad. Paano, sa dami ng nagsisiksikang tao palabas doon para hanapin rin ang kani-kanilang mga sundo.Kumakaway na parang nakakita ng artista ang loko noong makita niya ako. Tang ìna! may placards pa na nagsasabing 'Welcome back bro.' May kalokohan na namang naisip ang gàgo.Naihilamos ko ang aking kamay sa mukha dahil sa trip ng kaibigan kong sinto-sinto. Wala talagang magawa sa buhay. Napapailing akong lumapit sa kanya. Parang ayaw ko na ngang lumapit pa pero no choice ako."Welcome back, bro," sabi niya na nakabuka ang dalawang kamay. Kinunutan ko siya ng noo at dismayadong tinitigan siya."Para saan iyan?" tanong ko at binalewala ang kanyang nakabukang kamay. Napalingon pa ako sa mga napapalingon
ALYJAH POINT OF VIEW Bigla akong nag-init. Ito yung pakiramdam na hinahanap-hanap ng katawan ko noon pa, simula noong matikman ko ang babaeng iyon. Nagkarelasyon nga ako ng ibang babae sa America pero hindi ko naramdaman ang anumang init na meron ako gaya ngayon. Hindi ko matanto kung libog lamang ba iyon pero ngayon ay nagkakarambola ang bituka ko sa aking tiyan. Mabilis din ang tibok ng puso ko.Patuloy sa pagsayaw ang babae na ngayon ay lumalambitin na sa tubo. Ang mga kalalakihan ay nagpapaulan ng pera sa entablado. Pinapalakpakan nila ang babae at sinisigawan. "Sige pa baby, igiling mo pa!" sigaw ng isang matanda. Halatang lasing na lasing at gustong pumunta sa taas ng entablado. Agad itong hinawakan ng security na nakapalibot sa stage.Tatlong tugtog ang sinayaw ng babaeng nakamaskara. Hindi pa rin ako makapaniwala sa epekto nito sa akin. Nanood lamang ako pero halatang nagkaroon ng matinding epekto sa akin. I was literally hard under my garments.Agad na umalis ang babae sa
ELYSSA Nakatungo ako habang pinaglalaruan ang mga daliri at nakikinig sa sermon ni Mamang. Naririndi na ako sa kakasermon niya. Paulit-ulit din lang naman ang mga sinasabi. Sa bawat punta ko sa kanyang opisina ay iisa lamang ang laman ng sermon niya sa akin. Oo, inaamin kong may punto siya. Pero hindi ba puwedeng hayaan na lang niya ako. Alam ko ang tama at mali. Alam ko ang karapatan ko bilang trabahador niya sa club. "Elyssa, kung gusto mong tumagal bilang waitress dito dapat marunong kang makisama. Marunong mong sayawan ang mga customer! Hindi iyong napapaaway ka lagi. Hindi ko kayang protektahan lagi ang mga trabahador ko rito..." Napangiwi siya at napabuga ng hangin dahilan para tampalin niya ang mesa gamit ang kamay. Halata yatang hindi ako nakikinig sa kanya. Paano naman kasi, memoryado ko na ang bawat katagang binabanggit niya. Pumapasok na nga lamang sa isang teynga ko at lumalabas sa kabila. "Elyssa! Hindi na ako nagbibiro. Mawawalan ka talaga ng trabaho kapag nagpatulo
ALYJAH POINT OF VIEW Tinitigan ko ang likod ni Ely habang hila-hila ako sa kamay. I was upset upon knowing that she's with my father and they spent time together with Ashley. I am jealous, alright! At lalo akong nagpupuyos sa galit dahil mukhang in-enjoy ni Papa na kasama sila. Nagseselos ako dahil ni minsan hindi nagawa ni Papa sa akin ang bagay na iyon. Hindi niya ipinaranas ang kasiyahan ng buong pamilya na namamasyal na masaya. Hindi niya ako binigyan ng magandang memorya sa aking kabataan kasama sila ni Mama. At ngayon, lalo niya lang dinagdagan ang inipon kong sama ng loob. He looks happy when he's looking at Ashley. He is somewhat very caring person when it comes to Ely. Noong una pilit ko iyong binabalewala, but now, why I'm feeling suspicious? Bakit nakakaramdam ako ng ganito? Nang makarating kami sa kusina ay kasalukuyan ng naghahanda si nanay Minda sa hapag. Bago ako pumanhik, hiniling kong magluto siya ng buttered shrimp at may kasama pang chicken kaldereta na isa rin
"Stop staring. Baka matunaw ako." Napaawang ang aking bibig at nag-init ang pisngi nang marinig ang boses ni Ali. "Ah..." Lumunok ako dahil biglang nagbara ang aking lalamunan. "Ay!" Napasigaw ako nang bigla niya akong hinila dahilan para mapadagan ako sa kanya. Pinilit kong bumangon sa pamamagitan ng pagtukod ng palad ko sa kanyang dibdib ngunit lalo niya lang akong niyakap ng mahigpit kaya napasubsob ako sa kanyang dibdib. "Let's stay like this!" malambing niyang bulong kaya napatigil ako. Humaplos ang kamay niya sa aking buhok habang ramdam ko ang hininga niya sa aking bumbunan. Katahimikan ang namayani sa amin pagkatapos. Ngunit nabibingi ako sa iregular na tibok ng kanyang puso, mabilis kasi iyon at malakas. Katulad na katulad ng nararamdaman ko. "Kumain ka na ba?" mula sa pagkakadukdok sa dibdib niya ay nagawa kong itanong. Dinig na dinig ko pa rin ang malakas na pintig ng kanyang puso. Puso niya ba o puso ko ang naririnig ko ngayon? "Hindi pa, ikaw? Si Ashley?" Nakaga
ALYSSA POINT OF VIEW Masayang masaya si Ashley na nakapamasyal. Hindi man niya nakikita ang napuntahan namin, malaking tulong ang ginagawa ni Lauro na ipinapaliwanag kung ano ang nasa paligid. Sinasagot niya lahat ng tanong ni Ashley. Hindi ko masasabing nag-enjoy ako dahil sa totoo lang, sa buong araw ay kabado ako. Lalo na sa tuwing magdidikit ang katawan namin ni Lauro sa 'di inaasahang sitwasyon. Ngunit kung masaya si Ashley, masaya na rin ako, iyon lang naman ang hangad ko para sa kanya, ang maging masayang bata. Tahimik kami habang pauwi na. Tulog na si Ashley sa likod at ako naman ay nakatingin sa labas. Wala akong pakialam kung mangawit ang leeg ko sa iisang posisyon. Gusto kong magkunwaring tulog pero alam kong hindi iyon uubra dahil mas lalo ko lamang binibigyan si Lauro ng pagkakataong titigan ako. Lalo na ngayon na nararamdaman ko ang panaka-nakang pagsulyap niya sa akin. Pilit ko na lamang iyon binabalewala. Hindi na rin namin napag-usapan ang tungkol sa nangyari kani
ELYSSA POINT OF VIEW "Ate, gising na. Mamasyal daw tayo kaya gising na." Naalimpungatan ako sa marahang pagyugyog ni Ashley sa katawan ko. Inaantok pa ako at medyo nahihilo. "Ate, sige na! Gising na!" Minulat ko ang isa kong mata para silipin si Ashley, pero agad akong napabalikwas ng bangon nang mapansin ko rin ang isang bulto na nakatayo sa likod ni Ashley. Nanlalaki ang mga mata ko at talagang gising na gising ako nang magtama ang mga mata namin ni Lauro. "Gusto raw mamasyal ni Ashley," ika niya at pinasadahan ang buong kama kung saan naroon ako. Wala na sa tabi ko si Ali kaya alam kong nakaalis na siya para sa meeting niya. Tabi-tabi na kaming matulog simula noong gabing niyakap niya ako nang mamatay si Papa. Namumula ang pisngi ko at hindi na makatingin ng diretso kay Lauro. Hindi ko mabasa ang tinatakbo ng isip niya ngayon pero mataman siyang nakamasid sa akin. "Lets go, Ashley. Kailangan pang magbihis ng ate mo. Hintayin na lamang natin siya sa baba." Agad niyang hi
ALYJAH POINT OF VIEW Kanina pa ako tapos maligo,ngunit hinayaan kong nakabukas ang shower habang palihim kong sinisilip si Ely. Alam kong kuryoso siya sa pinapanood ko kanina dahil kita iyon sa kanyang mga mata. Sa aking pagmamasid, mas lalo akong humanga sa kanya dahil sa ginawa niya. Nanaig sa kanya ang salitang privacy at alam kong nirerespeto niya ako. Pinakiramdaman ko ang aking sarili at napahawak sa aking dibdib kung saan naroon ang puso kong nasisiyahan. Aminado akong mas lalong lumalaki ang puwang ni Ely sa puso ko. Yumayabong ang paghangang nararamdaman ko habang tumatagal na kasama ko siya. Nang mahagip ng mga mata ko ang maliit na piraso ng papel sa lababo. Iyon ang numerong ibinigay ng babaeng nakamaskara kanina. Alam ko sa sarili ko na gusto ko pa rin siya. Hindi ko pa rin talaga maiwasang humanga. Malaki pa rin ang epekto niya sa akin. Bagay na gusto ko na sanang ipagsawalang bahala. Tang-ina! Hindi na lang isip ko ang magulo! Pati ba naman puso ko hindi na alam k
ALYSSA POINT OF VIEW Mabilis akong umatras at iniwan si Lauro sa silid na iyon. Dahil wala sa huwisyo at sa pagmamadaling makalayo, hindi ko napansin si Ali na naghihintay sa akin sa corridor. "Ely!" Sa gulat ko, hindi ko rin napansin ang dalawa pa niyang kaibigan. Nabangga ko si Aiden dahilan ng muntikan kong pagkabuwal. Buti na lamang at naagapan niya ako at nahawakan sa beywang. "Pretty lady, mukhang balisa ka?" tanong niya noong magtama ang mga mata namin. Malawak ang ngiti niya sa labi at lumabas ang mapuputi niyang mga ngipin. Aayos na sana ako ng tayo nang marahan akong hablutin ni Ali papunta sa kanya. Napataas ang kamay ni Aiden at tatawa-tawang nginisian kami. "Huwag na nlmagselos, fafang. I'm all yours, baby!" biro pa niya kay Ali. Lumapit sa amim at akmang hahalikan sa pisngi ang kaibigan. Agad na sinupalpal ng kamay ni Ali ang bibig na nakanguso ni Aiden. Halatang may tama na sa alak dahil sa sobrang pamumula ng pisngi nito. "Heron, iuwi mo na nga ito. Baka kun
ELYSSA POINT OF VIEW "Elyssa, okay ka lang?" tanong sa akin ng aming Chef. Kasalukuyan kong hinihintay ang pulutang order. Marahan akong tumango. "Sana ay nagpahinga ka muna." Napakagat labi ako at tumahimik. Ang katulad ko ay walang karapatang manatiling nagluluksa lamang. Walang mangyayari sa buhay namin ni Ashley. Kahit masakit pa rin ang pagkawala ni Papa ay kailangan kong magpatuloy. Kailangan namin umusad. Hindi porke asawa ko si Ali ay sasandal na lang ako sa kanya sa pinansiyal na bagay. Ali has his own struggle. Hindi man siya magsalita ay nararamdaman ko iyon. Isa pa, tinutulungan niya lamang kami, mag-asawa lamang kami sa papel. "Yssa, patulong please, pakidala naman ito sa private room o! Kailangan kong magbanyo, masakit na talaga ang tiyan ko," pakiusap ni Joy na isa sa naging kaibigan ko sa club. Inilapag ni Joy ang isang basong tubig na may yelo saka nagtatakbo papunta sa banyo. Naglabasan ang mga guhit ko sa noo sa pagkakakunot. Iginala ko ang tingin kung may ib
ALYJAH POINT OF VIEW Nakatulala pa rin ako sa nangyari kahit kanina pa tapos ang pagsayaw ng babaeng nakamaskara. Like what just happened? Nananaginip ba ako?"Woah! Suwerte mo bro, mukhang naka-jackpot ka sa gabing ito ah!" palatak ni Aiden na tumunga ng beer pagkatapos. May ningning sa mga mata niya. "Akala ko ba wala ng babaeng nakamaskara?"Napalunok ako. Hindi ko rin naman maintindihan. Sumama ako sa kanila dahil susunduin ko si Ely. May trabaho siya ngayon dito at gagabihin. Kung bakit kasi hindi na lang katulad ng ibang araw na maaga-aga siya sa pag-uwi. Ngayon kasi ay galing pa siya sa part-time niya."Akin na lang bro, may Ely ka na eh!" Muling ika ni Aiden hindi pa rin naaalis ang ngisi sa labi. Napailing ako at kinapa ang papel na binigay sa akin ng babaeng nakamaskara.Napabaling ang mata ko kay Heron na matamang nakatitig sa akin. Na para bang binabasa niya ang kinikilos ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Itinaas nito ang boteng hawak saka tinungga. Himalang wala silang ba
Babaeng Nakamaskara Point of View Malungkot kong pinagmamasdan ang isang lapida habang hinahaplos iyon. Katatapos ko lamang magtirik ng kandila para sa kanila, isang dapit hapon bago pumasok sa Club. Dumausdos ang luha sa aking mga mata. Lalo na nang muling mabasa ang pangalang naroon sa lapida. "Hanggang sa huling buhay mo, hindi ko man lamang nabigyang ng hustisiya ang pagkawala ng pinakamamahal mo. Patawad, pero kahit wala ka na, itutuloy kong hanapin at pagbayarin ang gumawa ng kasalanan sa kanya." Muli kong pinalandas ang aking daliri sa mga letrang naroon. Isang linggo na ang nakararaan at ngayon lang ako muling nakadalaw. "Dito lamang pala kita makikita," saad ng baritonong boses. Mabibigat ang mga yabag niya papalapit sa kinaroroonan ko. Bumaling ako sa nagsalita habang niyayakap ang sarili dahil sa lamig ng hangin na dumadampi sa aking balat. Ngayon ay nasa tabi ko na siya. Nagtirik rin siya ng kandila at naglagay ng pumpom ng bulaklak. "Alam kong sinusundan mo ako.