ELYSSA POINT OF VIEW
*May consist brutal words* Papasok ako ngayon sa squatter area kung saan kami nakatira. Tagpi-tagping mga bahay ang nadadaanan ko. Lubak ang daan at may mga nagkalat na basura. Hindi ko matanto kung anong amoy ang umaalingasaw. Naghalo-halo na kasi iyon. Ganito ang pamumuhay na meron ako. Pamumuhay na kahit ilang beses kong gustong ibahin ay walang nangyayari. Para akong pinaparusahan dahil kahit anong kayod ko, kahit anong sipag at tiyaga ko, nakalugmok pa rin ako sa hirap. Gusto ko iyong takasan pero may mga taong nakakapit sa paa ko at pilit akong pinipigilan. Sabagay, hindi ko sila kayang takbuhan at taguan. Ikamamatay ko muna bago ko sila abandonahin at iwanan. Malapit na ako sa bahay at kagagaling lamang sa trabaho nang makasalubong ko ang ilang mga kabataan at kalalakihang nagtatakbuhan. Nagsisigawan at naghahabulan pa ang mga ito. Ang iba ay nakangisi at nagtatawanan habang nakatingin sa akin. Bumungad sa aking paningin ang binatilyong si Ariel na humahangos palapit sa akin. Isa siya sa mga batang kalye na binibigyan ko ng pagkain paminsan-minsan. Napakadungis niya at walang tsinelas na suot. May uhog pa sa ilong na ipinahid muna sa maruming damit bago ako kausapin. "Ang nanay mo Ate Elyssa, lasing at binubugbog na naman ang tatay mo!" Pagbabalita niyang hinihingal. Nakatukod ang isang kamay sa tuhod habang ang isa ay nakaturo kung saan ang bahay namin. Kinabahan ako at natakot kaya agad akong napatakbo para makauwi. Halos liparin ko na yata ang pagitan ko at ang aming tirahan. Nagpupuyos ako sa galit nang maaktuhan ko ang aking ina na akmang sasampalin si papa. Sa likod ni papa ay ang limang taong gulang kong kapatid. Palinga-linga lamang si papa habang hindi alam kung ano ang gagawin para pigilan si mama. Baldado na ang kalahati ng katawan ni Papa dahil na-stroke ito ilang taon na ang nakararaan. Naapektuhan ang kanyang isip at ang katawan. Hindi na niya kayang magtrabaho kaya laging pinag-iinitan ng aking ina. Wala akong inaksayang panahon at tinakbo ko si mama. Malakas ko siyang itinulak bago pa man dumapo ang kamay niya kay papa. Si papa na gulo ang buhok at may dugo sa labi. May rumaragasang luha sa mga mata habang hinahayaan lang niyang saktan siya ng ina kong walang hiya! Oo, walang hiya ang nanay ko. Wala siyang kuwentang ina kahit noon pa. Isa siyang pabayang ina at asawa. "Pùnyeta! sinong..." Napatigil si mama nang bumaling siya sa gawi ko. Matalim ko siyang tinitigan. Ganoon din siya sa akin. "Pùta! Ito pa lang walang hiya mong anak ang malakas ang loob para labanan ako!" singhal niya sa akin at napaismid pa. Sinulyapan ko si papa na payat ang pangangatawan at halos buto na dahil sa kapabayaan niya. Nanginginig ito sa takot. Sumisikip ang dibdib ko dahil sa kanyang sitwasyon. Nang muling susugod si Mama ay iniamba ko sa kanya ang malaking kahoy na pinulot ko kanina bago pa man makarating sa bahay. Napaatras siya ng bahagya at naibaba ang kamay na nakaamba para sampalin ako. "Sige, subukan mo. Tignan natin kung hindi mabasag iyang bungo mo!" banta ko kay mama habang malalim at sunod-sunod ang paghugot ko ng hininga. Pilit pinapatigas ang loob ko. Pinipilit kong hindi magpakita ng kahinaan dito kahit pa nga sobra na ang panginginig ng aking katawan. "P*****a kang babae ka! ang lakas din naman ng apog mo para labanan ako!" Muli niyang bulyaw pero hindi tinangkang sumugod. Alam niyang kaya ko siyang saktan. Dumura siya sa harapan ko. "Anak lang kita, walang hiya ka! Wala kang respeto. Sana hindi na lang kita binuhay!" Muli niyang sumbat. Paulit-ulit na lang sa tuwing nalalasing siya o kaya'y galit. Hindi na ako nasasaktan sa mga salita niyang iyon. Naging manhid na ako. Sawang-sawa na akong marinig iyon mula sa kanya. Hindi na ako kayang paiyakin ng mga salita niyang iyon dahil sa totoo lang, baon na baon na iyon sa puso ko. Pinamanhid na nito ang pagkatao ko. Nanggagalaiti ako sa galit. Galit na meron na lang ako para sa ina ko. "Sana nga! Kesa naman ganitong buhay ang meron kami sa kamay mo! Nakakapagod! nakakasawa!" Sigaw ko sa kanya. Wala na akong natitirang respeto sa nanay ko. Sagad na sagad na ako. Isa siyang walang kuwentang ina. Kaya wala rin kuwenta ang buhay ko! Buhay naming mag-aama. Sarili lang niya ang iniisip. Ang kamunduhan ng pera at laman ang sinasamba niya. "Pùtang-ina mo! wala kang utang na loob!" sigaw niya pabalik at sumugod muli sa akin. Inihampas ko sa kanya ang kahoy. Tinamaan ko siya sa braso kaya lalo niya akong minura habang napapaatras. Narinig kong napasigaw si papa sa ginawa ko. Agad niya akong niyakap mula sa likod. "Anak, t-ta-ma na," pautal-utal na pigil niya sa akin. Hirap magsalita. Napapikit ako. Heto na naman si papa. Pilit na naman niya akong pinipigilan at ipagtatanggol ang walang hiya kong ina. Kahit bugbog-sarado na siya rito sige pa rin siya sa pagpapakamartir. Dinamay pa kaming mga anak niya. Masisisi ko ba si Papa? Ginawa niya kasing mundo niya si Mama kahit noong maayos pa ang lagay niya. Kay Mama niya pinaikot ang kanyang buhay. Dahil sa pagyakap ni Papa at sa pagkakapikit ko. Hindi ko namalayan si Mama na nakalapit sa akin. Isang malakas na sampal ang tumama sa aking mukha. Parang nabingi ako sa lakas ng sampal, naibaling ang mukha ko sa kanan. Alam kong pulang-pula ang mukha ko at bumakat ang mga daliri ni mama sa pisngi ko. Masakit iyon pero wala nang sasakit pa na walang ginagawa si papa para maipagtanggol ang sarili niya o maipagtanggol man lang kami. Hindi na masakit ang pisikal na pang-aabuso, mas masakit pa rin ang bagay na alam mong kaya naman gawin, kaya naman niya kaming ipagtanggol pero mas pinipili niyang manahimik. Pinipiling hayaan ang nanay ko kahit halos mapatay na niya kami. Mahinang tao si papa kahit noon pa. Mahigpit ang hawak ko sa kahoy habang muling ibinaling ang mukha ko sa harap ni mama. Nginisian ko siya na parang nadedemonyo. "Kulang pa, hindi pa basag ang mukha ko. Lakasan mo pa. Kulang pa ang sampal, suntok o tadyak na binibigay mo sa akin." Binato ko sa kanya ang kahoy. "Gamitin mo iyan, patayin mo na lang ako!" Matapang kong hamon kay mama. Si papa ay pumapalahaw na naman ng iyak na nagmamakaawa kay mama. "Patayin mo na lang ako! Wakasan mo na lang ang paunti-unti mong pagpapahirap sa akin! Patayin mo na lang ako kesa araw-araw mong ipinamumukha sa akin ang kasalanang hindi ko naman ginusto!" Hiyaw ko kay mama. Galit at hinanakit na lang ang nararamdaman ko. Ni hindi ko na nga magawang umiyak pa. Nagdilim pa lalo ang mukha ni mama na matalim ang titig sa akin. "Gagawin mo pa akong kriminal! Magpatiwakal ka kung iyan ang gusto mo! Patayin mo na lang ang sarili mo!" Saad niya at umatras paalis. Pasuray-suray na naglakad palayo. Alam kong kagagaling na naman niya sa pasugalan kasama ang iba't ibang barkada. Mapababae man o lalaki. Hindi ko na nga alam kung alak lang ba talaga ang tinitira nila. Simula noon ay mabisyo na talaga si mama. Kahit wala naman talaga kaming pera ay mas inuuna pa niya ang sarili kesa sa kumakalam naming sikmura. Nagpapakahirap ang aking ama para ibigay ang kapritso ng aking ina. Kahit iniiputan na si papa sa ulo ay nagbubulag-bulagan ito. Ganoon niya kamahal si mama. Ganoon siya katanga. Napahawak ako sa aking dibdib. Napakabigat, halos hindi na ako makahinga sa bigat. Gusto kong pumalahaw ng iyak. Gusto kong magsisigaw! Pero wala! Pati luha ay sinukuan na ako! Inilibot ko ang mga mata ko sa mga taong nanonood at nakikiusyoso. May mga nakangisi at nagbubulong-bulungan pa. Ginawang tsismis ang buhay namin. Wala namang ginagawa para umawat kahit alam nilang halos mapatay na ni mama si papa. Nanonood lang sila at walang pakialam! Nasisiyahan pa yata na may libreng sine na napapanood. "Ano'ng tinitingin-tingin ninyo?" Bulyaw ko sa kanilang lahat. "Tapos na ang drama. Magsilayas na kayo rito!" Muli kong sigaw. Sa kanila ko naibaling ang galit ko. Hinarap ko si papa. Nanginginig ang kamay niyang nakabaluktot at hinawakan ang mukha kong nangangapal dahil sa sampal. "A-nak," tawag niya sa akin habang umiiyak na naman. Walang emosyon ang mukha kong ngumiti, hindi ko kailangan ipakita na mahina ako. "Okay lang ba kayo?" Tanong kong ineksamina ang buo niyang katawan. Alam kong sanay na siya sa bugbog ni mama. Kahit naman hindi siya okay, sasabihin niyang oo. "Ate?" Isang munting tinig ang nagpabaling sa amin ni papa sa gilid. Naroon pa rin ang kapatid ko at nakasiksik na sa may mga sako ng panggatong. Nanginginig ang katawan kong nilapitan siya. Kapagdaka'y lumuhod ako at niyakap siya. Alam kong hindi siya hinayaan ni papa na mapagbuhatan ng kamay ni mama. Pero malaki pa rin ang takot kong isang araw, masaktan ito ni mama. Masaktan niya ang walang kamuwang-muwang na bata sa reyalidad ng aming pamumuhay. Kahit kailan kasi ay hindi niya tanggap ang kapatid ko. Kinapa ni Ashley ang mukha ko. Kinapa niya ang ilong ko, mga mata, bibig at ang pisngi ko. Hinayaan ko siya kahit masakit ang parteng nahahawakan niya. Bulag si Ashley kaya kailangan niyang kapain kung sino ang nasa harap niya. Kahit pa nabobosesan naman niya kami. "Ate!" Mabining ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi. Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil nagpipigil akong maiyak. Masakit sa loob kong nakikita siyang ganito. Pero napakalakas ng loob ni Ashley. Kahit sa madilim niyang mundo, isa siyang masayahin at matatag na bata. Hindi gaya ko na halos sukuan na ang mundong kasing dilim ng paligid ng isang bulag. Hindi ako malakas. Sumusuko ako kaya nakakagawa ako ng desisyong pinagsisihin ko hanggang ngayon. Isang maling desisyong hinahabol-habol pa rin ako. Nakaraang kahit gusto kong kalimutan ay nahihirapan ako. Binuhat ko si Ashley at ipinasok siya sa barong-barong naming bahay. Sumunod si papa sa akin kahit paika-ikang maglakad. Pagbungad ko pa lamang sa loob ay tumambad na ang basag at wasak naming kasangkapan. Dahan-dahan akong naglakad at umiwas sa anumang nakakasugat na bagay. Maingat kong ibinaba si Ashley sa hagdan naming kahoy. "Diyan ka lang at huwag kang gagalaw, maglilinis lang ang ate," bilin ko kay Ashley. Tinulungan ko si papa para makaupo ng maayos sa upuang kahoy. Habang pakiramdam ko ay ginugupo ako ng isang mabigat na alalahanin. Kung bakit naging ganito kamiserable ang buhay namin. Kung bakit ganoon na lamang ang galit ni mama sa mundo. Kung bakit lahat kami ay nakatali sa isang nakaraan. Masamang nakaraan na pilit kong tinatakbuhan at kinakalimutan. Nakaraang ayaw akong tantanan.ALYJAH POINT OF VIEW Ang mainit na hangin ng Maynila ang bumungad sa akin pagkalabas ko sa Ninoy Aquino International Airport. Mula sa kumpulan ng mga taong palabas ay nakisiksik ako para makita ang kaibigan kong susundo sa akin. Si Aiden.Nagpalinga-linga ako dahil hindi ko siya makita agad. Paano, sa dami ng nagsisiksikang tao palabas doon para hanapin rin ang kani-kanilang mga sundo.Kumakaway na parang nakakita ng artista ang loko noong makita niya ako. Tang ìna! may placards pa na nagsasabing 'Welcome back bro.' May kalokohan na namang naisip ang gàgo.Naihilamos ko ang aking kamay sa mukha dahil sa trip ng kaibigan kong sinto-sinto. Wala talagang magawa sa buhay. Napapailing akong lumapit sa kanya. Parang ayaw ko na ngang lumapit pa pero no choice ako."Welcome back, bro," sabi niya na nakabuka ang dalawang kamay. Kinunutan ko siya ng noo at dismayadong tinitigan siya."Para saan iyan?" tanong ko at binalewala ang kanyang nakabukang kamay. Napalingon pa ako sa mga napapalingon
ALYJAH POINT OF VIEW Bigla akong nag-init. Ito yung pakiramdam na hinahanap-hanap ng katawan ko noon pa, simula noong matikman ko ang babaeng iyon. Nagkarelasyon nga ako ng ibang babae sa America pero hindi ko naramdaman ang anumang init na meron ako gaya ngayon. Hindi ko matanto kung libog lamang ba iyon pero ngayon ay nagkakarambola ang bituka ko sa aking tiyan. Mabilis din ang tibok ng puso ko.Patuloy sa pagsayaw ang babae na ngayon ay lumalambitin na sa tubo. Ang mga kalalakihan ay nagpapaulan ng pera sa entablado. Pinapalakpakan nila ang babae at sinisigawan. "Sige pa baby, igiling mo pa!" sigaw ng isang matanda. Halatang lasing na lasing at gustong pumunta sa taas ng entablado. Agad itong hinawakan ng security na nakapalibot sa stage.Tatlong tugtog ang sinayaw ng babaeng nakamaskara. Hindi pa rin ako makapaniwala sa epekto nito sa akin. Nanood lamang ako pero halatang nagkaroon ng matinding epekto sa akin. I was literally hard under my garments.Agad na umalis ang babae sa
ELYSSA Nakatungo ako habang pinaglalaruan ang mga daliri at nakikinig sa sermon ni Mamang. Naririndi na ako sa kakasermon niya. Paulit-ulit din lang naman ang mga sinasabi. Sa bawat punta ko sa kanyang opisina ay iisa lamang ang laman ng sermon niya sa akin. Oo, inaamin kong may punto siya. Pero hindi ba puwedeng hayaan na lang niya ako. Alam ko ang tama at mali. Alam ko ang karapatan ko bilang trabahador niya sa club. "Elyssa, kung gusto mong tumagal bilang waitress dito dapat marunong kang makisama. Marunong mong sayawan ang mga customer! Hindi iyong napapaaway ka lagi. Hindi ko kayang protektahan lagi ang mga trabahador ko rito..." Napangiwi siya at napabuga ng hangin dahilan para tampalin niya ang mesa gamit ang kamay. Halata yatang hindi ako nakikinig sa kanya. Paano naman kasi, memoryado ko na ang bawat katagang binabanggit niya. Pumapasok na nga lamang sa isang teynga ko at lumalabas sa kabila. "Elyssa! Hindi na ako nagbibiro. Mawawalan ka talaga ng trabaho kapag nagpatulo
ALYJAH (Spg alert)Sabay kaming umuwi ni Aiden at ako na rin ang nag-drive sa kotse niya dahil lasing na siya. Si Heron naman ay nag-hotel kasama ang dalawang bebot na ka-table niya kanina.Buti na lang at hindi pa nagpapalit ng address itong si Aiden kahit anim na taon na ang nakalilipas na wala ako. Pagkababa ko ay hinayaan ko na lamang ang maleta at ilang gamit ko sa compartment ng kotse niya. Tanging bagpack ang dinala ko at inakay na siya papasok sa bahay niya.Pagkabukas ko, bumungad sa akin ang isang kagila-gilalas na tanawin! Parang binagyo ang condo unit ni Aiden. Napailing akong inakay siya hanggang kuwarto at binagsak siya sa kama. Hindi ko na pinag-aksayahang tanggalin ang kanyang sapatos. Iniwanan ko na lamang siya roon na matulog at muling lumabas doon.Napabuga ako ng hangin dahil kahit gusto ko na rin magpahinga ay hindi ko naman magawa. Paano ba naman kasi kahit sofa niya ay hindi mahigaan sa nagkalat na mga damit. Ni hindi ko nga alam kung malinis ba o marumi ang mga
BABAENG NAKAMASKARASabado, alas onse ng gabi. Nasa private room ako sa club na pinagtatrqbahuan ko. Suot pa rin ang itim na maskara para itago ang aking mukha. Kaharap ko ngayon ang isang limampong anyos na matanda. Kahit matanda na ay makisig pa rin ito at masasabing guwapo. Kaya nagkakandarapa ang ilang bayarang babae para magpapansin dito. Masuwerte ako at ako ang natipuhan niya. Pinili para i-table at bayaran. Suwerte nga ba?Nakangisi ito habang sinisipat ang buo kong katawan. Suot ko pa rin ang props ko sa pagsayaw. Laced bikini at bra. Napatungan ng itim na roba pero aninag pa rin ang maalindog kong katawan. Para siyang asong ulol kung makatitig at naglalaway sa aking katawan. Napatawa na lang ako ng lihim at napaismid.Hindi ako nakikipagteybol o nakikipaglandian sa mga customer. Pagkatapos ng sayaw, dapat ay aalis na ako. Ayaw kong makipag-usap kahit pa marami ang nagre-request at magbayad ng malaki. Kaya lang ay iba ang matandang ito. Bukod sa malaki ang bayad niya sa ora
Babaeng NakamaskaraMalungkot kong pinagmamasdan ang isang lapida habang hinahaplos iyon. Katatapos ko lamang magtirik ng kandila para sa kanila, isang dapit hapon bago pumasok sa Club.Dumausdos ang luha sa aking mga mata. Lalo na nang muling mabasa ang pangalang naroon sa lapida."Hanggang sa huling buhay mo, hindi ko man lamang nabigyang ng hustisiya ang pagkawala ng pinakamamahal mo. Patawad, pero kahit wala ka na, itutuloy kong hanapin at pagbayarin ang gumawa ng kasalanan sa kanya." Muli kong pinalandas ang aking daliri sa mga letrang naroon. Isang linggo na ang nakararaan at ngayon lang ako muling nakadalaw."Dito lamang pala kita makikita," saad ng baritonong boses. Mabibigat ang mga yabag niya papalapit sa kinaroroonan ko. Bumaling ako sa nagsalita habang niyayakap ang sarili dahil sa lamig ng hangin na dumadampi sa aking balat. Ngayon ay nasa tabi ko na siya. Nagtirik rin siya ng kandila at naglagay ng pumpom ng bulaklak."Alam kong sinusundan mo ako. Kaya kahit hindi ko s
ELYSSA POINT OF VIEW Pangalawang linggo na ni Ashley sa hospital. Bumuti na rin ang pakiramdam niya kaya puwede na raw naming iuwi kinabukasan. Ang problema, kulang ang perang naipon ko para mabayaran ang gastos niya sa pagkaka-hospital. Nahihiya na rin akong humiram kay Mamang dahil marami na akong utang sa kanya. Hinaplos ko sa braso si Papa dahil magpapaalam ako para pumasok sa Heaven club. Nakadukdok siya sa kama ni Ashley at natutulog. Naalimpungatan siya at kumurap-kurap na bumaling sa akin. "A-nak..." Mapait akong ngumiti. Alam kong hirap na hirap na rin si Papa sa kalagayan niya at kalagayan naming pamilya. "Pa, aalis na ako para makagawa ako ng paraan nang mailabas na natin dito si Ashley bukas. Baka tanghali na ako makakabalik, kailangan kong humanap ng pera." Malungkot siyang tumango. Muli akong nagpaalam, niyakap ko muna siya ng mahigpit at agad na umalis. Kailangan kong makapag-isip ng anumang paraan para magkapera. Kung patatagalin ko pa si Ashley sa hospit
ALYSSA POINT OF VIEW Nang matapos niyang magamot ang sugat ko at mabendahan ito ay tahimik kaming pareho. Alam kong nakatitig lamang siya sa akin. Ako naman ay nakayuko lamang. Hindi ko maarok na tingnan siya lalo na at sobrang kaba ng nararamdaman ko ngayon. Dapat ay nagagalit ako, dapat ay sumbatan ko siya! Dahil sa unang pagkakataon ay nagtagpo ang landas namin sa ilang taong nakalipas. Pero wala akong maapuhap na sasabihin. Tila ba kahit galit at mura ay pinagtaksilan ako at tinaguan. Hindi ko sila mahanap para sana ipamukha sa lalaking kasama ko ang sakit na dinanas ko simula noong iwanan niya ako at niloko. "Elyssa..." tumindig ang balahibo ko sa katawan sa pagbanggit niya ng buo kong pangalan. Ngayon, tuluyan nang naglandas ang luha sa mga mata ko. Nakakainis! Imbes na galit at poot. Luha! Bakit luha ang kumawala? Bakit kahinaan ko ang laging naipapakita sa tuwing kaharap ko siya. Bakit? Ayaw kong makita niya ako na umiiyak at nasasaktan. Ayokong isipin niya na hang
ELYSSA POINT OF VIEW Nang makapagbihis ako ng pantalon at kulay bughaw na pantaas ay lumabas na ako sa banyo. Inayos ko muna kasi ang aking sarili. Ayaw kong makahalata si Ali. Umaasa rin ako na aalis kami rito kinabukasan kaya hindi ako dapat kabahan at matakot. Maingat akong naglakad at pinagala ang paningin sa loob ng kuwarto ni Ali. Ngayon ko lang din napagmasdan ng mabuti ang kuwarto niya. Malaki iyon. Halos kasing laki yata ng bahay namin. May pandalawahang sofa, mesa sa gitna at may malaking telebisyon na nakakabit sa dingding. May maliit na fridge sa gilid. Kulay bughaw din ang dingding na may posters ng iba't ibang klase ng sasakyan. Mga spare parts at iba pa na hindi ko maintindihan kung ano. Wala naman akong alam sa mga sasakyan kaya nakaka-bobo. Muling napadako ang aking paningin sa kama kung saan natutulog ang aking kapatid. Tantiya ko, king size bed iyon dahil puwede ang tatlong tao para matulog. Tatlong tao? Naloloka na ata ako. Ano'ng iniisip ko? May balak ba akon
ELYSSA POINT OF VIEW Nakatutok lang ang mga mata sa akin ni Ali, nakakunot-noo. Naikiling pa nito ang ulo dahil sa pagtataka sa ikinikilos ko. Sa pagkakataong iyon ay napaupo ako at umiyak sa aking palad. Tumabi siya sa akin nang dahan-dahan para hindi mabulabog sa pagkakatulog si Ashley. Ginagap niya ang aking nanlalamig na kamay. Biglang sumikdo ang aking puso. "Ganoon ka na ba ka-trauma na pati ama ng iba kinakatakutan mo?" Tanong niya. Napapikit ako dahil wala siyang kaalam-alam na ang babaeng tinulungan niya. Ang babaeng pinakasalan at asawa niya ay ang naging babae ng kanyang ama, isang kabit. Kung alam ko lang sana ay hindi ko muling papasukin ang mundo ni Lauro. "Ganoon ka ba katakot..." marahas akong umiling at tinitigan ang maamo niyang mukha. Napakabait sa akin ni Ali para paglihiman ko. Gusto kong sabihin ang totoo. Wala akong pakialam kung magalit siya at ipagtabuyan kami. Wala akong pakialam kung ayaw na niyang tumulong. Gusto kong magsabi ng totoo. "Nakakatakot nga
ELYSSA POINT OF VIEW "Ayaw ko rito, Ali," saad ko na gumaralgal pa ang boses. Naiiyak na sa hindi maipaliwanag na damdaming gumugupo sa aking sistema. Natatakot ako na may kasamang kaba. Kasama ng pagdaloy ng ibat-ibang emosyon ang pagdaloy ng isang alala na pilit ko nang kinakalimutan at ayaw nang balikan pa. Alaalang ayaw akong tantanan at pilit na hinahabol. Tahimik akong pumapalakpak sa sulok pagkatapos magsayaw ng babaeng nakamaskara. Masaya ako at talagang ipinagmamalaki ko siya dahil sa kanya pumatok ang club na pareho naming pinagta-trabahuan. Siya bilang dancer at ako bilang isang waitress. Gabi-gabi siyang nagsasayaw kaya halos puno ang club bawat gabi. Pareho kaming hanggang doon lang ang trabaho. Hindi na kami lumalagpas pa roon. Hindi kami nagbebenta ng katawan. Hindi kailanman naging interesado sa anumang tawag ng laman o ng malaking halaga para sa aming katawan. Alam kong kinaiinisan kami ng mga babaeng kasama namin. Wala na kaming pakialam sa iniisip nila. Basta
ALYJAH POINT OF VIEW Napangisi ako sa isip nang makita ko kung ano ang reaksiyon ni papa. Hindi niya inaasahan na darating ako na may kasamang babae, asawa ko pa. Maging ako ay nagulat din naman. Hindi ko akalaing nandito siya. Naisip kong marahil ay dumadalaw lamang. Hinila ko si Yssa o Ely, Elyssa ang buo niyang pangalan at gamit niya ang Yssa sa club. Hinila ko siya palapit sa akin at inakbayan ko siya. Nakangiti ko siyang tinitigan habang halos manliit siya sa kinatatayuan. Siguro hindi niya rin inaasahan na makakatagpo niya agad at makikilala ang aking ama. Hindi ko rin naman nasabi na may ama pa ako. Gusto ko sanang hindi na niya makilala ito dahil para sa akin wala na akong itinuturing na ama. Ngumiti si papa, akala naman niya hindi ko napansin ang matalim na titig niya kanina sa kamay kong nakaakbay sa aking asawa. "Bakit ka narito, hijo?" Sa mababang boses ay tanong niya. Tumayo siya at lumapit sa amin. Naramdaman ko ang tensiyon sa katawan ni Ely. Napansin ko rin an
ALYJAH POINT OF VIEW "Saan kayo ngayon titira?" tanong ni Aiden habang nasa veranda kami at naninigarilyo. Napaawang ang bibig kong napabaling ang tingin sa kanya. Shit! Hindi ko napaghandaan ang bagay na iyon. Nagsalubong ang kilay ni Aiden sa akin. "Don't tell me..." Tumango ako. Hindi naman puwede kay Aiden kami makitira. Bakit kasi ako padalos-dalos kaya problema ngayon kung saan kami titira. Napailing si Aiden sa akin at muling bumuga ng usok mula sa hinihithit na sigarilyo. "Hindi ba may bahay kayo sa Villa Claritas. Bakit hindi kayo doon," suhestiyon niya. Bumuntong hininga ako. Wala nga si Papa doon. Tanging ang mga taong pinagkakatiwalaan lang ang naroon para maglinis at magbantay. Ang magaling kong ama ay may sariling Condo na inuuwian, kahit noon pa man. Kaya lang ay ayaw ko na sanang umuwi doon dahil maalala ko lang ang aking ina. Mas lalo lamang akong malulugmok sa lungkot. "Hindi ka naman na siguro malulungkot dahil nandiyan na ang asawa mo at kapatid niya," s
Nasa Hotel del Mundo kami. Nagcheck-in kami sa isang executive suite at doon na rin gaganapin sa loob ng kuwarto ang kasal. Isang linggo, pagkatapos mailibing ang nanay nila namin napagdesisyunan ang magpakasal. Hindi ko inalintana ang sinasabi nilang sukob sa patay. Hindi naman siguro kami mamalasin nang dahil dito. Isa pa, sa papel lang naman talaga kami maikakasal. Para lamang sa isang pangarap. Simpleng damit lang ang suot ko. T-shirt with collar ang slacks. Si Yssa at Ashley ay nasa banyo at nagbibihis na rin habang ako naman ay naghihintay kina Heron at Aiden. Sila ang magiging saksi sa kasal. Sila na rin ang bahalang kumuha ng judge na magkakasal sa amin. Nang may kumatok sa pinto kaya pinagbuksan ko agad dahil alam kong ang mga kaibigan ko iyon. Kararating lang ni Aiden mula sa business trip pero pinagbigyan ako na puntahan dito. "Anong meron?" agad niyang tanong halatang pagod na pagod. "Bakit dapat may judge?" tanong naman ni Heron na nakakunot ang noo. "Magpapakasal n
"Magpakasal tayo kung naiilang kang sumama sa akin dahil diyan sa pangarap mo!" Untag ko kay Yssa. Gulat na gulat siya sa sinabi ko noong ayain ko siyang mag-usap kami sa labas ng kuwarto. Tulog naman si Ashley kaya malaya kaming umalis doon. Lalo akong napangisi dahil sa kanyang reaksiyon. Namumula na siya at hindi makatingin sa akin ng diretso. "Pinagsasabi mo?" Kaila pa niya. Halatang-halata naman. "Magpakasal tayo tapos sumama na kayo sa akin. So parang natupad na rin ang pangarap mong makasal muna bago tumira sa iisang bubong kasama ang isang lalaki." "Makapag-aya ka parang laro lang ang kasal ah. Hindi basta-basta ang kasal, Ali. Sagrado ito at..." "Tinutulungan lang kita Yssa. Alam ko kung gaano ka-sagrado ang kasal. Ako man, gusto ko rin naman bumuo ng pamilya na iingatan ko at mag-uugnay pa rin sa isang kasal ang pagsasama namin ng babaeng panghabang-buhay kong makakasama. Iyong sa atin kasal lang sa papel. May time frame. Ipapa-annul din natin. May kasunduan din na wala
Sakay na kami ngayon ng kotse ko. Pagkagaling sa presinto papunta naman kami ngayon sa children's heart center para puntahan ang kapatid niya. "Okay ka na ba?" tanong ko kahit ang bobo na tanungin ko pa siya. Halata namang hindi. Hapong-hapo ang itsura ni Yssa ngayon. "Salamat sa pagpunta, hindi ko inaasahan na darating ka nga," sabi niyang gumaralgal ang boses. Alam kong lumuluha na naman siya kahit hindi niya ibaling ang tingin sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng awa sa kanya. "Magkaibigan tayo, kunsensiya ko na rin naman kung pababayaan kita," sabi kong itinutok muli ang mga mata sa daan. "Salamat, magiging okay rin ang lahat. Hindi mo na rin kailangan pang tuparin ang pangako mo kay itay. Kaya ko pa naman." Napabaling ako sa kanya nang mag-red light at tumigil ang mga sasakyan. "Ano'ng gagawin mo? Paano mo bubuhayin ang kapatid mo? Paano mo ilalaban ang kaso ng itay mo?" Kuryoso kong tanong. Bakit parang dismayado akong ayaw niya sa tulong ko. "Paano ang pagpapalibing mo sa ina
ALYJAH POINT OF VIEW Date me! Langya! Paulit-ulit na nagplay-play sa isip ko ang sinabi kong iyon kay Yssa. Hindi ko na alam kung dahil ba iyon sa alak na nainom ko o ano. Basta ang alam ko malungkot ang mag-isa. At sa tuwing nakikita ko siya, nabubuhayan ako ng pag-asa. Punong-puno kasi siya ng buhay na para bang walang problema. Kahit na ang totoo ay pasan naman niya ang mundo. I just want to help you. Tang-ina! Paanong pagtulong iyong proposition ko? Kaya lang, hindi na masama. Matutulungan ko naman talaga siya. Nakikita ko naman siya na walang panahon sa pag-ibig kaya magkakasundo kami. May maibalandra lang akong babae sa buhay ko kila Heron at Aiden ay okay na. Kung sana kasi nakakalapit at nakilala ko ang babaeng nakamaskara, e 'di sana sa kanya ko naibubuhos ang lahat ng atensiyon na meron ako. Sa kanya ko lang nararamdaman ang pagseseryoso na wala ako sa ibang babae. Hindi ko na alam kung epekto ba ito nang dahil sa ginawa ni Papa kaya ganito ako mag-isip o dahil na-inl