BABAENG NAKAMASKARA
Sabado, alas onse ng gabi. Nasa private room ako sa club na pinagtatrqbahuan ko. Suot pa rin ang itim na maskara para itago ang aking mukha. Kaharap ko ngayon ang isang limampong anyos na matanda. Kahit matanda na ay makisig pa rin ito at masasabing guwapo. Kaya nagkakandarapa ang ilang bayarang babae para magpapansin dito. Masuwerte ako at ako ang natipuhan niya. Pinili para i-table at bayaran. Suwerte nga ba? Nakangisi ito habang sinisipat ang buo kong katawan. Suot ko pa rin ang props ko sa pagsayaw. Laced bikini at bra. Napatungan ng itim na roba pero aninag pa rin ang maalindog kong katawan. Para siyang asong ulol kung makatitig at naglalaway sa aking katawan. Napatawa na lang ako ng lihim at napaismid. Hindi ako nakikipagteybol o nakikipaglandian sa mga customer. Pagkatapos ng sayaw, dapat ay aalis na ako. Ayaw kong makipag-usap kahit pa marami ang nagre-request at magbayad ng malaki. Kaya lang ay iba ang matandang ito. Bukod sa malaki ang bayad niya sa oras ko may nag-udyok din sa akin para pumayag na harapin ito. Siyempre sa nakatago kong mukha at pangalan. "Halika rito sa tabi ko hija," malambing na tawag ng matanda sa akin. Nanindig ang balahibo ko sa paraan ng pagsasalita niya. Mahalay ang tinig niya na tila ba nang-aakit. Nakakasuka! Titig pa lamang niya ay mukhang pinagsawaan na niya ako. Siguradong nalamutak na niya ang buo kong katawan sa kanyang imahinasyon. Nakakadiri siya! "Okay lang ako rito sa kinauupuan ko Mr. Villota," diretsang tanggi ko rito. Nginitian ko ito ng pagkatamis-tamis. "Napaka-aloof mo naman. Binayaran ko na ang oras mo..." "Binayaran n'yo ang oras ko, oo. Pero hindi ang tumabi sa inyo at lumandi. Pumayag ako dahil usap lang ang sinabi mo kay Mamang," walang gatol na saad ko. Inismiran ko ang matanda nang mawala ang ngiti nito sa labi. "Iba ka nga talaga, kaya mas lalong maraming nauulol sa iyo," sambit nitong humitit ng sigarilyo. Pagkatapos ay ibinuga iyon sa harap ko. Hindi naman ako nagpatinag at humalukipkip ako habang pinapanood lang siya sa paninigarilyo. "Paano tayo mag-uusap kung ang layo-layo mo?" Kapagkuwa'y muli itong nagsalita. Pinatay ang sigarilyo sa ashtray at uminom sa basong may lamang alak. Humalakhak ako. Nakakadiri talaga ang matandang ito. Mahilig talaga kahit matanda na. Pero hinding-hindi niya ako makukuha ng ganoon na lamang. Pahihirapan ko siyang maghabol sa akin. He will spend his money on me hanggang sa mamulubi na siya. Hindi ako bibigay. Kailangan niya munang maghirap. Gusto ko ay gumapang siya sa sahig at lumuhod sa akin. At alam ko kung paano ko magagawang paluhurin siya sa harapan ko. Muli akong napangisi ng lihim. "Well, hindi ka naman bingi para hindi ako marinig hindi ba?" Sarkastiko kong saad. Isang oras lang ang ibinigay ko para sa kagustuhan nitong makausap at makita ako. Tumatakbo ang oras para aksayahin niya lamang sa pakikipagtalo sa akin. Well, wala naman kaming mapag-usapan kaya bakit hindi na lang ako mag-enjoy sa pakikipag-argumento sa kanya. Ngumisi siya sa akin. Nakakaloko ang ngiti niyang pinakita. Tinaasan ko siya ng kilay kahit hindi niya kita dahil sa maskara. Umayos ako ng upo. "Kaya gusto kita dahil kakaiba ka sa mga babaeng narito. Interesting and challenging." Humalakhak ako sa kanyang sinabi. Really huh? Sige maglalaro tayo hanggang sa sumuko ka. "Time's up!" deklarasyon ko pagkatapos kong sinipat ang relo sa dingding. Tumayo na ako sa kinauupuan at nag-umpisang maglakad paalis nang pigilan niya ako ng kanyang salita. "I want you every Saturday here at this time!" Hindi na ako nagulat doon. Bumaling ako sa kanya na nakapagkit ang ngiti sa labi. "Well, Mr Villota. Let the game begin!"sabi ko bago tuluyang umalis. Nang makalabas ako ay malaki na ang ngiti ko sa mga labi na tila ba nanalo ako ng ilang milyon sa lotto. Well matagal kong inasam-asam na mapansin ako ng matandang iyon. Ngayon na ito na ang lumalapit sa akin, maisasakatuparan ko na ang plano ko. Titiyakin kong magiging pulubi ang matandang iyon. Wala ni sentimo ang matitira rito. Pagbabayaran niya ng malaki ang kinuha niya sa akin. Maging buhay man niya ang kapalit ay hindi ko pagsisisihan. Nakuyom ko ang aking kamao. Ito pa lamang ang simula ng laro. Taas noo akong naglakad sa isang daan na ako lang ang nakakaalam patungo sa isang silid na ako rin lang ang nakakagamit. Nang makarating sa silid ay agad akong nagtanggal ng maskara at nagpalit. Nang biglang pumasok si Mamang. "Kailangan mo ba talagang gawin iyon?" May pag-aalala na tanong niya habang ako naman ay nagsusuot na ng jacket. Hindi ko siya pinansin dahil abala na ako sa pagsisintas ng aking sapatos. "Hindi mo kailangang ipahamak iyang sarili mo, baka kung mapano ka..." Nilingon ko siya na may blankong ekspresyon sa mukha. "Hindi ko ikakapahamak ito Mamang. Tantiyado at planado ko na ang lahat," determinadong saad ko. Nang matapos akong magsapatos ay kinuha ko na rin ang malaking bag na lagayan ng aking props. Lagi kong dala in case na kailanganin ko. Naramdaman ko ang paglapit ni Mamang sa akin. Hinarap ko siya na may determinadong mukha. Ayaw kong magpatinag sa mukha niyang nag-aalala talaga. "Ayaw kong may ibang mapahamak na naman. Tama na..." "Mamang, please manalig ka sa akin. Hindi ako papasok sa isang gulo kung hindi ko alam lusutan. Huwag ka ng mag-alala pa." Hinawakan ko siya sa kamay. Parang pangalawang ina na sa akin si Mamang. Kahit sabihin na isa siyang bugaw. Isang babaeng kumikita dahil sa katawan ng mga babaeng nagtatrabaho sa kanya. Isa pa rin siyang ina. At nararamdaman kong concern siya sa aming lahat. Nanggaling rin siya sa putikan. Naging babae rin siyang bayaran na umahon gamit ang katawan. "Alam mo ang hangarin ko Mamang. After this, titigil na ako," saad kong mapait na ngumiti. Tumango ito sa akin. "Ano pa bang magagawa ko kundi suportahan kita at protektahan sa lahat ng makakaya ko." Alam ko iyon. Poprotektahan niya ako hanggang kaya niya. Siya lamang ang nakakaalam ng tunay kong pagkatao. Kung sino ako sa likod ng maskarang suot ko sa pagsasayaw. At kung bakit ko napasok ang trabahong ito. Siya lamang ang taong kaya kong pagkatiwalaan maging ng buhay ko. Umaasa akong kahit itong sikreto ng pagkatao ko na lamang ang tanging ingatan niya. Ayaw ko na siyang idamay pa sa ibang plano ko. Kung ikakapahamak ko iyon, ako lang dapat at wala ng ibang tao. "Aalis na ako." paalam ko at humalik sa kanyang pisngi. Dumaan muli ako sa sikretong daan na kami lang ni Mamang ang nakakaalam. Maingat akong lumabas sa isang madilim na eskinita. Walang ibang tao o nakaparadang sasakyan kaya malaya akong naglakad. Ang malamig na hangin ng gabi ang bumalot sa aking katawan kahit pa nga may suot na akong jacket. Ang nakalugay kong buhok ay nililipad habang marahan akong naglalakad patungong sakayan ng tricycle. Tumingala ako sa langit at nakita na naman ang isang bituin na sobrang liwanag sa kalangitan. Iyon ang ginawa kong tanglaw. "Diyan ka lang, tanglawan mo lamang ako at panoorin mo kung paano ko sila pababagsakin!" Napahid ko ang aking pisngi dahil sa luhang biglang kumawala sa mga mata ko. Kapag naalala ko siya, hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaiyak. "Nag-uumpisa pa lamang ako!"Babaeng NakamaskaraMalungkot kong pinagmamasdan ang isang lapida habang hinahaplos iyon. Katatapos ko lamang magtirik ng kandila para sa kanila, isang dapit hapon bago pumasok sa Club.Dumausdos ang luha sa aking mga mata. Lalo na nang muling mabasa ang pangalang naroon sa lapida."Hanggang sa huling buhay mo, hindi ko man lamang nabigyang ng hustisiya ang pagkawala ng pinakamamahal mo. Patawad, pero kahit wala ka na, itutuloy kong hanapin at pagbayarin ang gumawa ng kasalanan sa kanya." Muli kong pinalandas ang aking daliri sa mga letrang naroon. Isang linggo na ang nakararaan at ngayon lang ako muling nakadalaw."Dito lamang pala kita makikita," saad ng baritonong boses. Mabibigat ang mga yabag niya papalapit sa kinaroroonan ko. Bumaling ako sa nagsalita habang niyayakap ang sarili dahil sa lamig ng hangin na dumadampi sa aking balat. Ngayon ay nasa tabi ko na siya. Nagtirik rin siya ng kandila at naglagay ng pumpom ng bulaklak."Alam kong sinusundan mo ako. Kaya kahit hindi ko s
ELYSSA POINT OF VIEW Pangalawang linggo na ni Ashley sa hospital. Bumuti na rin ang pakiramdam niya kaya puwede na raw naming iuwi kinabukasan. Ang problema, kulang ang perang naipon ko para mabayaran ang gastos niya sa pagkaka-hospital. Nahihiya na rin akong humiram kay Mamang dahil marami na akong utang sa kanya. Hinaplos ko sa braso si Papa dahil magpapaalam ako para pumasok sa Heaven club. Nakadukdok siya sa kama ni Ashley at natutulog. Naalimpungatan siya at kumurap-kurap na bumaling sa akin. "A-nak..." Mapait akong ngumiti. Alam kong hirap na hirap na rin si Papa sa kalagayan niya at kalagayan naming pamilya. "Pa, aalis na ako para makagawa ako ng paraan nang mailabas na natin dito si Ashley bukas. Baka tanghali na ako makakabalik, kailangan kong humanap ng pera." Malungkot siyang tumango. Muli akong nagpaalam, niyakap ko muna siya ng mahigpit at agad na umalis. Kailangan kong makapag-isip ng anumang paraan para magkapera. Kung patatagalin ko pa si Ashley sa hospit
ALYSSA POINT OF VIEW Nang matapos niyang magamot ang sugat ko at mabendahan ito ay tahimik kaming pareho. Alam kong nakatitig lamang siya sa akin. Ako naman ay nakayuko lamang. Hindi ko maarok na tingnan siya lalo na at sobrang kaba ng nararamdaman ko ngayon. Dapat ay nagagalit ako, dapat ay sumbatan ko siya! Dahil sa unang pagkakataon ay nagtagpo ang landas namin sa ilang taong nakalipas. Pero wala akong maapuhap na sasabihin. Tila ba kahit galit at mura ay pinagtaksilan ako at tinaguan. Hindi ko sila mahanap para sana ipamukha sa lalaking kasama ko ang sakit na dinanas ko simula noong iwanan niya ako at niloko. "Elyssa..." tumindig ang balahibo ko sa katawan sa pagbanggit niya ng buo kong pangalan. Ngayon, tuluyan nang naglandas ang luha sa mga mata ko. Nakakainis! Imbes na galit at poot. Luha! Bakit luha ang kumawala? Bakit kahinaan ko ang laging naipapakita sa tuwing kaharap ko siya. Bakit? Ayaw kong makita niya ako na umiiyak at nasasaktan. Ayokong isipin niya na hang
"Elyssa, buti narito ka na. Kailangan ko nang umalis!" Isinara niya ang bag at isinukbit iyon sa balikat. Binigyan ko siya ng espasyo para makadaan palabas ng counter. Ako naman ay pumasok pagkatapos niyang makalabas. "Mag-iingat ka pauwi!" sigaw na bilin ko nang malapit na siya sa pinto. Inayos ko naman agad ang gamit ko sa ilalim ng counter. Nakakatuliro ang magbantay lalo na at madalang lang naman ang bumibili. Hindi naman ako puwedeng matulog. Nakabukas lang ang store ng bente kuwatro oras dahil ang nakapalibot dito ay mga motel at inn kung saan nagchecheck-in ang mga tao. Karamihan ay mga nagsho-shorttime at kailangan ng makakain at maiinom. Pinatay ko ang oras ko sa pagbabasa ng goodnovel stories sa selpon ko. Naki-connect ako sa kapitbahay na motel kaya libre ako sa wifi. Ngayon nga ay hooked na hooked ako sa binabasa kong story. Billionaire's bed warmer ang title. Malapit na ring matapos kaya naman nakatutok ako sa bawat update. Nakakatatlong istorya ako kapag walang bum
Pagkatapos kaming kausapin ng mga pulis ay saka pa lamang kami nakapunta ng hospital. Itong kasama kong lalaki ay sobrang tigas ng ulo. Inuna pa talaga ang pagpunta sa police station kesa magamot ang sugat niya. Nakaupo siya sa bakanteng kama at hinihintay ang nurse na titingin sa sugat niya. Daplis lang naman daw iyon pero natakot talaga ako dahil maraming dugo ang nasa damit niya at kamay. "Wala bang masakit sa iyo?" Basag niya sa katahimikang namayani sa amin. Nakatayo ako malapit sa paanan ng hospital bed na kinaroroonan niya habang pinaglalaruan ko ang aking mga daliri. Agad kong itinago sa aking likod ang may sugat na kamay. "Wala naman. Huwag mo akong alalahanin. Ikaw nga itong nasaktan. Pasensiya ka na kung nadamay ka," nalulungkot na saad ko. Nakukunsensiya talaga ako dahil nasaktan siya. "Okay lang, nagkataon naman talaga na bibili ako at maabutan ko ang sitwasyon na iyon, buti..." "Sir, lilinisan na po namin ang sugat 'nyo." Napalingon kami pareho sa bumukas na pinto.
ALYJAH POINT OF VIEW Napapailing ako habang nagmamaneho. Hindi ko maintindihan kung bakit nasabi ko iyon kay Yssa. Natatawa tuloy ako sa sarili dahil hindi ko naman intensiyon talaga na maningil. Bibiruin ko lang sana siya pero nang makita ko ang ekspresiyon ng kanyang mukha, parang mas ginusto ko na lang na seryosohin ang sinabi. "Ah!" Napangiwi ako dahil kumirot ang sugat ko. Kahit daplis lang iyon ay masakit pa rin naman. Nagsinungaling din ako na pupunta at bibili sa convenience store na iyon. Nagkataon lang na napadaan at namukhaan ko ang babaeng iyon mula sa club kaya tinulungan ko siya nang mamataan kong nakikipag-agawan siya sa kanyang bag. Kung iba lang sigurong tao iyon ay hindi ko isusugal ang sarili kong buhay. Ewan ko ba, gusto ko tuloy iuntog ang sarili ko kung bakit sumuong na naman ako para iligtas siya. Para kasing may magnet ang babaeng iyon sa gulo kaya pati ako na-magnet na rin. Una, muntikan na akong mabangga dahil sa biglaang pagparada sa gilid para ag
ALYJAH POINT OF VIEW Pagdating na pagdating namin ay pumuwesto agad kami sa dati. Sa harapan para mas maganda ang view namin. As usual ang mga gago may kanya-kanyang babae na naman sa tabi. Umayaw akong may maka-table. Ang habol ko lang ay ang mapanood ang babaeng nakamaskara. Isa pa, masakit pa ang sugat ko para lumandi. Gaya ng dati, maraming kalalakihan ang nag-aabang sa pagsayaw ng babaeng nakamaskara. Nakatatlong bote na ako ng beer nang pinatay ang mga ilaw at pumaimbabaw ang malamyos na saliw ng musika. Naghiyawan na at nagpapalakpakan ang mga panauhin. Nang lumabas ang babaeng nakaitim naman ngayon ay lalong nagkaingay sa loob. Itim ang maskara at itim ang kasuotang bikini nito. Mahaba ang boots na suot at may mahabang itim na guwantes sa kamay. Ngayon, hindi tubo ang props niya kundi isang upuan sa gitna. Doon siya nagpagiling-giling. Gaya ng nagagawa nito sa ibang lalaki, nilukuban ako ng matinding libog pero ang sa akin, kasama ang puso kong malakas ang kabog. Hindi ko
Babaeng Nakamaskara Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng lalaking iyon sa harapan ko. Natakot ako dahil baka isa ito sa mga taong nais makita kung sino ako. Wala akong balak ipakilala ang pagkatao ko kahit sa sino man. Tama na sa akin na makita nila at pagpantasyahan ang katawan ko. Kalabisan na ang makilala pa nila ako at makita ang mukha ko. Ngunit may kakaiba akong pakiramdam sa lalaking iyon. Hindi man lamang ako nakaramdam ng pagkaalangan sa presensiya niya. Oo nga't natakot ako dahil bigla na lamang siyang sumulpot pero nawala agad ang takot ko noong magsalita siya. Bagay na hindi ko maintindihan, nagawa ko pa siyang ipagtanggol at takpan para lamang hindi mapahamak. Napakagat labi ako habang tinatanggal ang maskara at pinakatitigan ang aking sarili sa salamin. Sa loob ng maskara ay isang babaeng mapagpanggap. Babaeng puno ng galit at hinanakit. Isang babaeng mahina at nagtatago sa isang maskara. Parang ulan na tumulo ang luha sa pisngi ko. Hindi ko maawat iyon kahit anong
ELYSSA POINT OF VIEW Nang makapagbihis ako ng pantalon at kulay bughaw na pantaas ay lumabas na ako sa banyo. Inayos ko muna kasi ang aking sarili. Ayaw kong makahalata si Ali. Umaasa rin ako na aalis kami rito kinabukasan kaya hindi ako dapat kabahan at matakot. Maingat akong naglakad at pinagala ang paningin sa loob ng kuwarto ni Ali. Ngayon ko lang din napagmasdan ng mabuti ang kuwarto niya. Malaki iyon. Halos kasing laki yata ng bahay namin. May pandalawahang sofa, mesa sa gitna at may malaking telebisyon na nakakabit sa dingding. May maliit na fridge sa gilid. Kulay bughaw din ang dingding na may posters ng iba't ibang klase ng sasakyan. Mga spare parts at iba pa na hindi ko maintindihan kung ano. Wala naman akong alam sa mga sasakyan kaya nakaka-bobo. Muling napadako ang aking paningin sa kama kung saan natutulog ang aking kapatid. Tantiya ko, king size bed iyon dahil puwede ang tatlong tao para matulog. Tatlong tao? Naloloka na ata ako. Ano'ng iniisip ko? May balak ba akon
ELYSSA POINT OF VIEW Nakatutok lang ang mga mata sa akin ni Ali, nakakunot-noo. Naikiling pa nito ang ulo dahil sa pagtataka sa ikinikilos ko. Sa pagkakataong iyon ay napaupo ako at umiyak sa aking palad. Tumabi siya sa akin nang dahan-dahan para hindi mabulabog sa pagkakatulog si Ashley. Ginagap niya ang aking nanlalamig na kamay. Biglang sumikdo ang aking puso. "Ganoon ka na ba ka-trauma na pati ama ng iba kinakatakutan mo?" Tanong niya. Napapikit ako dahil wala siyang kaalam-alam na ang babaeng tinulungan niya. Ang babaeng pinakasalan at asawa niya ay ang naging babae ng kanyang ama, isang kabit. Kung alam ko lang sana ay hindi ko muling papasukin ang mundo ni Lauro. "Ganoon ka ba katakot..." marahas akong umiling at tinitigan ang maamo niyang mukha. Napakabait sa akin ni Ali para paglihiman ko. Gusto kong sabihin ang totoo. Wala akong pakialam kung magalit siya at ipagtabuyan kami. Wala akong pakialam kung ayaw na niyang tumulong. Gusto kong magsabi ng totoo. "Nakakatakot nga
ELYSSA POINT OF VIEW "Ayaw ko rito, Ali," saad ko na gumaralgal pa ang boses. Naiiyak na sa hindi maipaliwanag na damdaming gumugupo sa aking sistema. Natatakot ako na may kasamang kaba. Kasama ng pagdaloy ng ibat-ibang emosyon ang pagdaloy ng isang alala na pilit ko nang kinakalimutan at ayaw nang balikan pa. Alaalang ayaw akong tantanan at pilit na hinahabol. Tahimik akong pumapalakpak sa sulok pagkatapos magsayaw ng babaeng nakamaskara. Masaya ako at talagang ipinagmamalaki ko siya dahil sa kanya pumatok ang club na pareho naming pinagta-trabahuan. Siya bilang dancer at ako bilang isang waitress. Gabi-gabi siyang nagsasayaw kaya halos puno ang club bawat gabi. Pareho kaming hanggang doon lang ang trabaho. Hindi na kami lumalagpas pa roon. Hindi kami nagbebenta ng katawan. Hindi kailanman naging interesado sa anumang tawag ng laman o ng malaking halaga para sa aming katawan. Alam kong kinaiinisan kami ng mga babaeng kasama namin. Wala na kaming pakialam sa iniisip nila. Basta
ALYJAH POINT OF VIEW Napangisi ako sa isip nang makita ko kung ano ang reaksiyon ni papa. Hindi niya inaasahan na darating ako na may kasamang babae, asawa ko pa. Maging ako ay nagulat din naman. Hindi ko akalaing nandito siya. Naisip kong marahil ay dumadalaw lamang. Hinila ko si Yssa o Ely, Elyssa ang buo niyang pangalan at gamit niya ang Yssa sa club. Hinila ko siya palapit sa akin at inakbayan ko siya. Nakangiti ko siyang tinitigan habang halos manliit siya sa kinatatayuan. Siguro hindi niya rin inaasahan na makakatagpo niya agad at makikilala ang aking ama. Hindi ko rin naman nasabi na may ama pa ako. Gusto ko sanang hindi na niya makilala ito dahil para sa akin wala na akong itinuturing na ama. Ngumiti si papa, akala naman niya hindi ko napansin ang matalim na titig niya kanina sa kamay kong nakaakbay sa aking asawa. "Bakit ka narito, hijo?" Sa mababang boses ay tanong niya. Tumayo siya at lumapit sa amin. Naramdaman ko ang tensiyon sa katawan ni Ely. Napansin ko rin an
ALYJAH POINT OF VIEW "Saan kayo ngayon titira?" tanong ni Aiden habang nasa veranda kami at naninigarilyo. Napaawang ang bibig kong napabaling ang tingin sa kanya. Shit! Hindi ko napaghandaan ang bagay na iyon. Nagsalubong ang kilay ni Aiden sa akin. "Don't tell me..." Tumango ako. Hindi naman puwede kay Aiden kami makitira. Bakit kasi ako padalos-dalos kaya problema ngayon kung saan kami titira. Napailing si Aiden sa akin at muling bumuga ng usok mula sa hinihithit na sigarilyo. "Hindi ba may bahay kayo sa Villa Claritas. Bakit hindi kayo doon," suhestiyon niya. Bumuntong hininga ako. Wala nga si Papa doon. Tanging ang mga taong pinagkakatiwalaan lang ang naroon para maglinis at magbantay. Ang magaling kong ama ay may sariling Condo na inuuwian, kahit noon pa man. Kaya lang ay ayaw ko na sanang umuwi doon dahil maalala ko lang ang aking ina. Mas lalo lamang akong malulugmok sa lungkot. "Hindi ka naman na siguro malulungkot dahil nandiyan na ang asawa mo at kapatid niya," s
Nasa Hotel del Mundo kami. Nagcheck-in kami sa isang executive suite at doon na rin gaganapin sa loob ng kuwarto ang kasal. Isang linggo, pagkatapos mailibing ang nanay nila namin napagdesisyunan ang magpakasal. Hindi ko inalintana ang sinasabi nilang sukob sa patay. Hindi naman siguro kami mamalasin nang dahil dito. Isa pa, sa papel lang naman talaga kami maikakasal. Para lamang sa isang pangarap. Simpleng damit lang ang suot ko. T-shirt with collar ang slacks. Si Yssa at Ashley ay nasa banyo at nagbibihis na rin habang ako naman ay naghihintay kina Heron at Aiden. Sila ang magiging saksi sa kasal. Sila na rin ang bahalang kumuha ng judge na magkakasal sa amin. Nang may kumatok sa pinto kaya pinagbuksan ko agad dahil alam kong ang mga kaibigan ko iyon. Kararating lang ni Aiden mula sa business trip pero pinagbigyan ako na puntahan dito. "Anong meron?" agad niyang tanong halatang pagod na pagod. "Bakit dapat may judge?" tanong naman ni Heron na nakakunot ang noo. "Magpapakasal n
"Magpakasal tayo kung naiilang kang sumama sa akin dahil diyan sa pangarap mo!" Untag ko kay Yssa. Gulat na gulat siya sa sinabi ko noong ayain ko siyang mag-usap kami sa labas ng kuwarto. Tulog naman si Ashley kaya malaya kaming umalis doon. Lalo akong napangisi dahil sa kanyang reaksiyon. Namumula na siya at hindi makatingin sa akin ng diretso. "Pinagsasabi mo?" Kaila pa niya. Halatang-halata naman. "Magpakasal tayo tapos sumama na kayo sa akin. So parang natupad na rin ang pangarap mong makasal muna bago tumira sa iisang bubong kasama ang isang lalaki." "Makapag-aya ka parang laro lang ang kasal ah. Hindi basta-basta ang kasal, Ali. Sagrado ito at..." "Tinutulungan lang kita Yssa. Alam ko kung gaano ka-sagrado ang kasal. Ako man, gusto ko rin naman bumuo ng pamilya na iingatan ko at mag-uugnay pa rin sa isang kasal ang pagsasama namin ng babaeng panghabang-buhay kong makakasama. Iyong sa atin kasal lang sa papel. May time frame. Ipapa-annul din natin. May kasunduan din na wala
Sakay na kami ngayon ng kotse ko. Pagkagaling sa presinto papunta naman kami ngayon sa children's heart center para puntahan ang kapatid niya. "Okay ka na ba?" tanong ko kahit ang bobo na tanungin ko pa siya. Halata namang hindi. Hapong-hapo ang itsura ni Yssa ngayon. "Salamat sa pagpunta, hindi ko inaasahan na darating ka nga," sabi niyang gumaralgal ang boses. Alam kong lumuluha na naman siya kahit hindi niya ibaling ang tingin sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng awa sa kanya. "Magkaibigan tayo, kunsensiya ko na rin naman kung pababayaan kita," sabi kong itinutok muli ang mga mata sa daan. "Salamat, magiging okay rin ang lahat. Hindi mo na rin kailangan pang tuparin ang pangako mo kay itay. Kaya ko pa naman." Napabaling ako sa kanya nang mag-red light at tumigil ang mga sasakyan. "Ano'ng gagawin mo? Paano mo bubuhayin ang kapatid mo? Paano mo ilalaban ang kaso ng itay mo?" Kuryoso kong tanong. Bakit parang dismayado akong ayaw niya sa tulong ko. "Paano ang pagpapalibing mo sa ina
ALYJAH POINT OF VIEW Date me! Langya! Paulit-ulit na nagplay-play sa isip ko ang sinabi kong iyon kay Yssa. Hindi ko na alam kung dahil ba iyon sa alak na nainom ko o ano. Basta ang alam ko malungkot ang mag-isa. At sa tuwing nakikita ko siya, nabubuhayan ako ng pag-asa. Punong-puno kasi siya ng buhay na para bang walang problema. Kahit na ang totoo ay pasan naman niya ang mundo. I just want to help you. Tang-ina! Paanong pagtulong iyong proposition ko? Kaya lang, hindi na masama. Matutulungan ko naman talaga siya. Nakikita ko naman siya na walang panahon sa pag-ibig kaya magkakasundo kami. May maibalandra lang akong babae sa buhay ko kila Heron at Aiden ay okay na. Kung sana kasi nakakalapit at nakilala ko ang babaeng nakamaskara, e 'di sana sa kanya ko naibubuhos ang lahat ng atensiyon na meron ako. Sa kanya ko lang nararamdaman ang pagseseryoso na wala ako sa ibang babae. Hindi ko na alam kung epekto ba ito nang dahil sa ginawa ni Papa kaya ganito ako mag-isip o dahil na-inl