Erica POV Tatlong taon na ang nakakalipas nang huling makita ko si Greg sa Sommelier Building. Muntikan nang masira ang mission. Dapat sasakay ako isa sa mga kotse ng building subalit may mga armadong lalake naka abang. After so many years nagkita kami ng ama ng anak ko. Sa oras na yun nakaramdam ako ng takot. Takot para sa kanya para sa kaligtasan niya. Flashback Hawak ko ang baril habang naghihintay na bumaba ang elevator sa parking lot. Narinig ko na tumunog ang elevator. Hudyat na nakarating ako sa parking kung saan kukuha ako ng sasakyan para makatakas. Pag bukas ng pinto. Biglang huminto ang mundo ko nang makita si Greg na punong puno ng pawis at nabanaag ko ang takot sa kanyang mukha. Nanlaki ang mata ko. Bakit dito pa kami nag kita? Sa ganitong sitwasyon ko pa makikita si Greg? Lumagpas ang tingin ko dahil nakita ko ang mga armadong lalake. Nakatutok ang baril sa kanya. Bigla akong natakot sa kaligtasan ng ama ng anak ko. Kaya mabilis kong inilabas ang bar
Erica POV Hindi ko na hinintay si Greg na pag buksan ako ng pinto sa kotse niya. Mabilis akong bumaba. Narinig ko siya napa "tsk!" Wala akong pakielam kahit magalit pa siya! Inirapan ko na lang ang pagmamaktol niya. Sumama ako sa kanya dahil gusto ko nang makita si Baby Grey. Ang nag iisa kong anak. Mabilis siyang lumapit sa akin. "Let's get inside" Tahimik akong tumango sa kanya. Pagpasok namin sa loob ng Mansion niya. Wala pa rin pinag bago. Napatingin ako sa paligid. Naalala ko noon sinasaktan niya ako at pinapahiya sa ibang tao. Ang bahay niya na puno ng sakit at pag hihirap na dinanas ko noon. Bumalatay sa mukha ko ang sakit ng nakaraan. Ipinikit ko ang mata. Inalis ko agad sa isip ang nakaraan. Napansin ni Greg ang pananahimik ko kaya lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa balikat. "Are you okay?" Nag aalala niyang tanong. Nakaramdam ako ng kuryente sa pag hawak niya sa balikat ko. Hindi ko siya sinagot. Para akong napapaso na inalis ang kamay niya sa balikat
Erica POV Nagulat ako nang makita ko na may batang lalake nakatayo sa tapat ng pinto. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan. Parang nalunok ko ang aking dila. Hanggang sa namula ang mga mata ko. Ang aking anak si Greyson naka pantulog! "Hi! Are you my Dad's friend?" Namuo ang luha sa mga mata ko. Nang marinig ang boses ng anak ko. Biglang nanginig ang buong katawan ko. Ang laki laki n'ya na! Parang kailan lang isang taon gulang ko pa lang siyang iniwan. Ngayon binata na ang anak ko. Parang pina batang Greg. Ang gwapo ng anak ko! "Good morning. Son!" Bati ni Greg kay Greyson. "Good morning too. Dad!" Sagot niya sa ama. Nanatili ang titig niya sa akin. Pumasok siya sa loob ng office. "W - Who is she - Dad?" Tanong ni Grey habang nakatitig pa rin sa akin. Parang patalim sa puso ko dahil hindi ako kilala ng sarili kong anak. "She's - She is your -" Parang hirap magsalita si Greg. Ayokong kilalanin akong ina ni Grey lalo na't iniwan ko siya noon maliit pa siya. Bak
Erica POV Hindi na ako nakasuot ng maid's uniform pag balik ko galing school. Pinatanggal ni Greg ang maid's uniform sa wardrobe ko na labis na pinagtataka.Kasalukuyan kong binibihisan si Grey. Ang gwapo talaga ng anak ko! Kamukha niya ang bwisit niyang ama. "We have same color of our eyes" Nakatitig siya sa mata ko. Napangiti ako sa sinabi ni Grey. "Of course!" Sagot ko. Gusto kong sabihin sa kanya nagmana kami sa kanyang Lola Harlow. Nilagyan ko ng pulbo ang kanyang likod. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag inaalagaan mo ang sariling anak. Mahigit dalawang linggo na ako sa bahay ni Greg. Hindi ko siya pinapansin. Kahit kinakausap niya ako. Nag kukunwari ako na hindi ko siya narinig. Ayokong siyang kausapin baka mag talo lang kami. Palabas na kami ng bahay. Habang nakaabang ang driver ni Greg. "Good morning Ma'am Erica at Sir Grey" Napakunot ang noo ko dahil tinawag ako ni Kuya Bert na "Ma'am". "Erica na lang po. Kuya Bert" Umiling si Kuya Bert. "Magagalit po si Si
Erica POV "Mission Accomplished" Nakangisi ako kay Light. Tahimik siyang tumango. Hinatid niya ako sa Mansion ni Greg. Sinilip ko ang oras sa relo. Mag a alas singko na ng umaga. Dahil antok na ako naisipan ko na lang na dumaan sa gate ni Greg wala na akong lakas para umakyat at tumalon sa bahay niya. Hindi ko expected na maraming tauhan si Devon sa loob ng club. Ramdam ko ang pasa sa mukha ko. Damn! Naihampas sa mukha ko ang fire extinguisher. Mamaya mangingitim na ito. Inalis ko ang wig sa ulo ko at itinapon sa basurahan tinamad na akong mag palit ng damit. Dahan dahan akong naglakad papasok ng loob Mansion nang biglang may bumukas ng ilaw sa sala. Nanlaki ang mata ko nang makita si Greg nakatayo. Anong ginagawa niya dito? "Saan ka galing at sino ang naghatid sa iyo?" Mapanganib niyang tanong. Nanlilisik ang mata ni Greg nang makita ang suot kong damit. Blanko ko siyang tinignan. Kung maka kumpronta sa kin akala mo asawa. Hindi ko siya pinansin. Lalo na't pagod
Erica POV Saturday ngayon nag yayang mamasyal si Greg sa min ni Grey sa enchanted kingdom para mag bonding silang mag ama. Enjoy na enjoy sa mga rides kasama ang kanyang ama. Napatingin kami sa booth na naka display ang mga laruan. Itinuro ni Grey ang buzz light year na naka box. "Dad, I want that buzz lightyear please?" Request ng anak ko. "Sure, Son! " Kinindatan ni Greg si Grey inabot niya ang pera sa nag babantay sa booth. Ibinigay kay Greg ang gun toy. Kailangan niyang barilin ang maliit na statue na laruan. Gusto kong matawa dahil ni isa walang natamaan si Greg. "Ikaw gusto mong subukan?" Malambing niyang tanong sa akin. "Hindi ako marunong" Tanggi ko. "Halika. Turuan kita" Binigay niya sa akin ang toy gun. Pumuwesto siya sa likod ko habang ang kamay niya nasa kamay ko kung saan nakahawak ang toy gun. "Ganito lang gawin mo" Naamoy ko ang mabango niyang hininga. May kilabot akong naramdaman kaya pinisil ko ang gatilyo. Hindi ako makapag focus dahil ramdam ko ang kataw
Erica POV Mag iisang buwan at kalahati na din ako Nanny ni Grey. Natutulog ang anak ko sa kwarto dahil napagod kahapon sa pamamasyal namin. Hindi ko maintindihan kay Greg inutos niya na dito muna ako sa sala. Kung bakit kailangan ko tumambay dito kaya nanonood ako ng netflix. Narinig namin na may nag doorbell. Hindi na ako nag dalawang isip na lumapit sa pinto para buksan. May kasama ang security guard na babae. Balingkinita ang katawan at maputi. Maganda din siya pero mas higit pa rin akong maganda. "Hi! I'm Margaux, piano teacher ni Grey." Pakilala niya sa akin. Si Grey? Nag aaral ng piano? Hindi ko alam na mahilig si Grey sa piano. Shit! Wala man lang ako kaalam alam sa sarili kong anak. Pag pasok niya sa loob ng Mansion. Nakaupo si Greg sa may sala habang hawak ang ipad. Nag babasa ng mga e - mail mula sa trabaho. "Hi! Sir Greg" Napaangat ang kilay ko. Lumapit siya kay Greg para makipag beso. Napansin ko ang pag dikit niya ng katawan. Ang hudyo tuwang tuwa naman na na
Erica POV Napahalukipkip akong napaupo sa kama ni Greg. Gusto ba niyang magkatabi kaming matulog? Nasisiraan na ba siya? Paano kung bumalik si Amira? Naiinis akong tumayo sa kama. Naglakad ako papunta sa pinto para buksan. Subalit hindi ko ito mabuksan. Taena! Kinulong niya ako mag isa sa kwarto para hindi ako makalabas?! Naiinis ako! Napaupo ako muli sa kama. Kung tutuusin kaya kong tumakas. Kaso baka makahalata si Greg sa pagkatao ko. Bakit ka ba natatakot kung malaman ni Greg ang pagkatao mo? Tanong ko sa sarili. Hindi ko alam kung bakit pero ayokong malaman niya. Napabaling ang tingin ko sa tumpok na libro. Pamilyar sa akin ito. Nanlaki ang mata ko kaya nilapitan ko ang mga libro. Ang mga isinulat kong libro! May collection siya ng mga sinulat ko?! The Life of Hawk. Written by Lady Hawk Ito ang title ng mga sinulat ko. Isa itong series nangyari sa kin. Complete set talaga? Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Greg. Dahil busy ang utak ko. Hindi ko na