Erica POV Mag iisang buwan at kalahati na din ako Nanny ni Grey. Natutulog ang anak ko sa kwarto dahil napagod kahapon sa pamamasyal namin. Hindi ko maintindihan kay Greg inutos niya na dito muna ako sa sala. Kung bakit kailangan ko tumambay dito kaya nanonood ako ng netflix. Narinig namin na may nag doorbell. Hindi na ako nag dalawang isip na lumapit sa pinto para buksan. May kasama ang security guard na babae. Balingkinita ang katawan at maputi. Maganda din siya pero mas higit pa rin akong maganda. "Hi! I'm Margaux, piano teacher ni Grey." Pakilala niya sa akin. Si Grey? Nag aaral ng piano? Hindi ko alam na mahilig si Grey sa piano. Shit! Wala man lang ako kaalam alam sa sarili kong anak. Pag pasok niya sa loob ng Mansion. Nakaupo si Greg sa may sala habang hawak ang ipad. Nag babasa ng mga e - mail mula sa trabaho. "Hi! Sir Greg" Napaangat ang kilay ko. Lumapit siya kay Greg para makipag beso. Napansin ko ang pag dikit niya ng katawan. Ang hudyo tuwang tuwa naman na na
Erica POV Napahalukipkip akong napaupo sa kama ni Greg. Gusto ba niyang magkatabi kaming matulog? Nasisiraan na ba siya? Paano kung bumalik si Amira? Naiinis akong tumayo sa kama. Naglakad ako papunta sa pinto para buksan. Subalit hindi ko ito mabuksan. Taena! Kinulong niya ako mag isa sa kwarto para hindi ako makalabas?! Naiinis ako! Napaupo ako muli sa kama. Kung tutuusin kaya kong tumakas. Kaso baka makahalata si Greg sa pagkatao ko. Bakit ka ba natatakot kung malaman ni Greg ang pagkatao mo? Tanong ko sa sarili. Hindi ko alam kung bakit pero ayokong malaman niya. Napabaling ang tingin ko sa tumpok na libro. Pamilyar sa akin ito. Nanlaki ang mata ko kaya nilapitan ko ang mga libro. Ang mga isinulat kong libro! May collection siya ng mga sinulat ko?! The Life of Hawk. Written by Lady Hawk Ito ang title ng mga sinulat ko. Isa itong series nangyari sa kin. Complete set talaga? Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Greg. Dahil busy ang utak ko. Hindi ko na
Erica POV Kapag wala si Greg at Grey inuutusan ako ni Lorena na mag laba ng damit at linisin ang mga kwarto. Gusto kong sabihin sa kanya na Nanny ako ni Grey hindi all around maid. "Bagay talaga sa iyo yan maging labandera!" Binato niya ang ilan labahin sa akin. Blanko ko siya tinignan dahil hindi ko pinatulan ang pag papasaring niya sa akin. "Bago mag tanghali tapos na dapat yan labahin" Nang aasar ko siyang ningitian bago napailing. "Ang tapang mo na ngayon! Akala mo kung sino ka! Samantalang Nanny ka lang ni Greyson" Dumilim ang mukha ko sa sinabi ni Lorena. "Umalis ka na! Lorena, bago mag dilim ang paningin ko sa iyo" May halong banta kong sinabi. Napansin ko ang palihim niyang pag lunok ng laway. Ang tingin na isang Lady Hawk. Pilit niyang tinapangan ang mukha. "Dyan ka na nga!" Pagka alis ni Lorena. Kinuha ko ang cellphone bago tinawagan ang isa sa mga tauhan ko. Inutos ko sa kanya na ipa dala sa laundry shop ang mga damit. Matutulog muna ako. Hindi a
Erica POV "Who is he?" Tanong ni Greg habang nakatiim ang bagang. Nakakuyom ang kanyang kamao. Anong ginagawa niya dito? Hindi ko pinahalata kay Greg ang pagkataranta sa mukha ko. "He's just a friend" Tipid kong sagot. Nilabanan ko ang masama niyang titig sa akin. Alam ko binabasa ni Greg ang nilalaman ng isip ko. Kung nagsasabi ako ng totoo. "A friend or a lover?" Umangat ang isang kilay ko. "Why do you need to ask? Are you jealous?" Unti unting lumapit sa kin si Greg. Kaya napapa atras ako bigla dahil sa nadaramang takot. Bakit ba ako natatakot sa kanya? Tanong ng isip ko. Dahil natatakot kang malaman ni Greg ang pagkatao mo! "Yes! I am very jealous man. Erica Mendoza - Miller, Ayokong may lalakeng lalapit o mapapadikit sa iyo. Because you are Mine!" Nagulat ako nang bigla niya akong kinabig sabay hinalikan sa labi. He kissed me and I kinda like it! Nanigas ang buong katawan ko dahil sa pagkabigla. Hindi ko inaasahan na hahalikan niya ako sa public place. May m
Erica POV Kumatok sa kwarto ko si Cora. Inutos ni Greg na pinapapunta ako sa office room niya. Nagtataka ako dahil hindi siya pumasok sa trabaho. Friday pa naman ngayon dapat may pasok siya. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pinto. Ayoko siyang makausap dahil naalala ko pa rin ang pag halik niya sa labi ko. "Come in" He said. Kaya binuksan ko ang pinto. Naabutan ko siya nakaupo sa harap ng laptop niya. Mukhang may tsini check sa email. Napatingin siya nang pumasok ako sa loob. "Bakit mo ako daw pinapatawag?" Tanong ko. Malamig ang tingin ko sa kanya. Naiinis ako dahil sinasamantala niya ang pag halik sa akin sa harap ni Grey. Talaga lang ah! Kunwari ka pa?! Kinikilig ka nga! Shut up! Mind, huwag kang marupok! Saway ko sa isip. Hindi lang ako maka tanggi dahil kay Grey mukhang tuwang tuwa sa amin dalawa ng ama niya. "I need your help because i don't have secretary. May business meeting ako sa Baler." Paliwanag niya. Napaawang ang labi ko. Isasama niya ako da
Greg POV Napabuntong hininga ako dahil inalala ko ang mga binitiwang salita ni Erica. Napatingin ako sa rolex watch ko. Mag aalas otso na hindi pa rin bumabalik si Erica. Nag aalala na ako. Kinuha ko ang card key sa tokador. Bumaba ako para mag tanong sa mga staff ng hotel kung nakita nila ang asawa ko. Ngunit sinabi nila na hindi nila nakita si Erica. Habang nag lalakad ako may nakita akong bar. May nag uudyok sa kin na pumasok sa loob para hanapin ang asawa ko. Napansin ko na maraming tao ang umiinom. Napadako ang tingin ko sa dance floor. Naningkit ang mata ko dahil sumasayaw mag isa ang asawa ko. Habang may lalakeng dumikit sa kanyang likod. Hindi ko na matiis mabilis akong lumapit sa kanila at saka ko hinila ang lalake. Sinapak ko sa mukha ang lalakeng dumikit sa katawan ng asawa ko. "Greg?!" Napahinto sa pag sayaw si Erica. "Don't touch my wife. Asshole!" Galit kong sinabi. Akmang lalapit ang lalake nang biglang nag silapitan ang isa sa mga bouncer ng bar. "May pr
Beware SPG Ahead *** Erica POV Nanatili pa rin akong umiiyak sa dibdib ni Greg. Hinahagod ng kamay niya ang likod ko. Napahinto ako nang may pumatak na dugo sa braso ko. Biglang nanlaki ang mga mata ko. Nang matanto kung saan nanggaling ang tumulong dugo. Hindi sa akin nanggaling ang dugo na yan! Umangat ang ulo ko nang makita si Greg namumula ang parte ng mukha. Ang kanyang labi may mga dugo sa gilid. Napaawang ang labi ko. Hindi ko malaman ang sasabihin. Parang nag atrasan ang luha sa mga mata ko na makita ang mga pasa ni Greg. Nasaktan ko siya? Tuluyan na akong napahinto sa pag iyak. "I'm sorry! I didn't mean to hurt you" Nag aalala kong sinabi. Hinawakan ko ang pisngi niya. Napangiwi si Greg dahil sa ini indang sakit. "It's okay. Wife, Dapat mo lang ako saktan sa dami ng nakagawa kong kasalanan sa iyo noon" Napakagat ako sa labi. Parang hindi si Greg ang kausap ko ngayon. Noon nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Ngayon kung tumingin sa akin parang
Greg POV Pinagmamasdan ko ang aking asawa. Habang natutulog sa balikat ko. Hindi ako mag sasawa sa napakaganda niyang mukha. Gusto ko siyang mag buntis ulit kaya ibinuhos ko lahat sa kanya. Sinadya ko na may mangyari sa aming dalawa. Naalala ko ang ibinulong ko sa anak namin si Grey. Kailangan kong tuparin ang pinangako ko sa kanya. Flashback "I'll give you a little brother or little sister. Son, I promise!" Bulong ko sa tainga ng anak ko. Pinangako sa anak namin na bibigyan ko siya ng kapatid. Kaya mabilis na pumayag ang anak ko na magbakasyon kami ng Mommy niya. Lalo na tatlong linggo na lang tapos na ang pinag usapan namin na anim na buwan ang pagiging nanny niya kay Grey. Inaamin ko natatakot ako. Natatakot ako na baka mawala siya ulit sa amin ni Grey. Alam ko may inililihim ang asawa ko. Sa mga pinapakita niyang kakaibang kilos. Napapamangha niya ako. Alam ko na hindi na siya ang dating Erica na nakilala ko noon. Inaamin ko may kakaiba sa kanya na hindi ko masagot
Erica POV Pagkatapos kong manganak sa anak naming babae ni Greg. After two months, nandito ako ngayon sa simbahan habang naglalakad sa aisle kasama si Genesis. Siya ang nag hatid sa akin papuntang altar kung saan nag hihintay si Greg. Halos ayaw i abot ni Genesis ang kamay ko kay Greg. "Try to hurt my cousin again. I won't hesitate to kill you!" Malamig pa rin ang tingin ni Genesis kay Greg. Napalunok si Greg sa banta ni Genesis. "Eto den' moyey svad'by! ne pugay yego (It's my wedding day! Do not frighten him)" Natatawa kong sinabi kay Genesis. "Mne vse ravno! (I don't care!)" He said with his famous poker face. Mas sinamaan niya ng tingin si Greg. Talagang bad shot sa kanya si Genesis. Nakangiti akong nakatitig kay Greg na halos naluluha ang kanyang mata. Inakay niya ako papunta sa altar. "I love you so much. Wife!" Mahina niyang bulong. "I love you too. Hubby" Ganting sagot ko. Hinalikan niya ang kamay ko. Pareho kaming nakatitig sa isa't isa. Nabaling ang tingin na
Erica POV Limang buwan na ang nakakalipas. Nang huling nakita ko si Greg. Nandito ako ngayon sa davao nagtatago. Hindi ako maaaring kumilos dahil maselan ang pag bubuntis ko. Hinaplos ko ang aking tyan. Hindi ko alam na buntis na ako habang nakikipag patayan ako kay Neville at kay Nelson De Luca. Dala ng pagod ng katawan kaya nahimatay ako ng araw na iyon. Itinago ako ni Genesis kay Greg. Nagising na lang ako nasa hospital. Nalaman ko na buntis ako ng dalawang buwan nang sinabi ng Doctor. Hindi ko akalain nabuo ang pangalawang anak namin sa Hotel de Baler. Dahil hindi na ako umiinom ng pills. Simula nang umalis ako sa poder ni Greg. Dahan dahan akong tumayo. Mabigat na din ang pakiramdam ko dahil malaki na ang tyan ko. Mahigit pitong buwan na. Papalubog na ang araw kaya naisipan ko na bumalik sa loob ng hacienda. Isa sa binili ko na bahay bakasyunan ko dito sa Davao. Isa ito sa pinag ipunan ko bukod sa pag aari ko ang Novikov Hotel sa Russia at sa ibang bansa. Binigay ni
Greg POV Pinuntahan ko si Grandpa sa bahay ng magulang ko. Para humingi ng tulong na mahanap ang asawa ko at gusto kong malaman ang tungkol sa pamilyang Novikov. "Grandpa, I want to know about the Royal Mafia?" I asked him. Habang nakaupo siya sa kanyang opisina. "Why?" Ngumisi si Grandpa sa akin. "I want to see my wife. Please...Help me to find her" Nakikiusap kong sinabi. "Are you sure? Are you willing to die?" Napalunok ako sa tanong niya. "Y - Yes" Pilit kong tinapangan ang boses ko. Tumawa ng malakas si Grandpa. "Okay! I will tell you everything" Mariin siyang nakatitig sa akin. Pinaliwanag sa akin ni Grandpa ang napakagwapong lalake muntikan ko na masuntok sa mukha ay si King Genesis. Bigla akong nangilabot sa kwento ni Grandpa. Kung wala si Erica sa tabi ko. Sa oras na iyon baka nakabaon na ako sa ilalim ng lupa. Nalaman ko na pinsan ni Erica si Genesis or Bradley Kuzmin - Novikov. Ang kanilang magulang magkapatid sa ama. Maagang namatay ang Asawa ni Osvaldo Novi
Erica POV Nagulat si Nelson nang marinig ang pangalan ko. "So, you are Lady Hawk, The Queen of Royal Mafia!" Matiim ang tingin niya sa akin. "Hindi kami nakielam sa Royal Mafia but why are you fighting with us?" Malamig ko siyang tinignan. "Because, he is my husband" Sagot ko. Pagkagulat ang nabanaag sa mukha ni Nelson."I see" Itinutok niya ang baril sa ulo ni Greg. Napalunok ako dahil hindi mangingiming pindutin ni Nelson ang gatilyo ng baril. Tatlong tauhan niya ang hindi ko pa napapatay. Hindi ako makapag isip ng maayos pag dating kay Greg. "Papatayin ko ang lalakeng ito. kung hindi mo ibaba ang baril" Dumiin ang kamay ko sa pag hawak ng baril. May takot na lumukob sa dibdib ko. Ayokong mamatay ang asawa ko! "Erica. No! Huwag mo akong isipin! barilin mo na siya!" Matigas na sigaw ni Greg. "One -" Unang bilang n'ya pa lang mabilis kong binaba ang baril. Wala na talo na ako. Pagdating sa kaligtasan ng asawa ko."Good! Marunong ka palang makinig!" Nakakalokong sinabi ni N
Erica POV Kausap ko si Genesis at Light tungkol sa nangyari kanina. Pinaliwanag ni Light na nakatakas si Nelson De Luca. Habang hostage niya kanina si Georgie. "Kailangan natin higpitan ang pagbabantay. Lalo na alam na ngayon ni Nicodemus ang nangyari kay Neville" Napakuyom ang kamao ko. May galit nababanaag sa mukha ni Light habang nag ke kwento. Gusto kong malaman kung bakit pursigido si Light na mapabagsak ang Dragon Mafia. "Light, tell me the truth. Bakit galit ka sa Dragon Mafia?" Pareho kaming nag hihintay ni Genesis sa isasagot ni Light. "I'm an illegitimate son of Nicodemus De Luca" Napaawang ang labi ko sa gulat. Si Genesis napatuwid ng tayo. "He raped my mother. After a month when she gave birth to me. He killed my Mom. Luckily, my grandparents naitago nila ako." Nanlalaki ang mata ko sa nalaman. Now i know, kung bakit galit siya kay Nicodemus. Gusto niyang ipaghiganti ang nangyari sa kanyang ina. Si Genesis hinawakan sa balikat si Light. "I'll take care of
Erica POV Inalalayan ako ni Greg papunta sa venue kung saan ang pamilyang Miller. Iniligtas sila ng Royal Mafia mula sa kamay ng Dragon Mafia. Sinalubong ako ng matalim na tingin ng ina ni Greg. "Anong ginagawa ng babae yan dito?!" Nang gagalaiti sa galit ang ina ni Greg, si Mrs. Giselle Miller. "Mom, will you just shut up?!" Pagpapatigil ni Greg sa ina. Sinamaan niya ito ng tingin. "Giselle, don't be rude to your son's wife!" Nagbabantang saway ni Mr. Robert Miller sa asawa. Biglang natakot si Mrs. Giselle dahil sa pag babantang tingin ng kanyang asawa at anak. Natahimik ang lahat nang biglang bumukas ang pinto. Lahat napatingin nang pumasok sa loob ng venue ang matandang Miller. May mga kasama siyang naka itim na kalalakihan. Tumiim ang bagang ko. Hawak ko pa rin ang baril sa kamay. Tinignan ni Alberto ang paligid dahil sa nangyaring gulo. May ilang mga bangkay nakahiga. Napatingin siya sa akin bago lumapit. Napasinghap ang magulang ni Greg nang makitang lumuhod at yumuko sa
Erica POV "I know but the man that you are holding is my... Husband" Umawang ang labi ni Greg. Nang marinig ang sinabi ko. Saka ko hinubad ang itim na maskara. Pagkagulat at pagkamangha ang mababakas sa mukha ni Greg. Hindi makapaniwalang nakatitig sa akin na malaman niya na ako si Lady Hawk. "You?! You're a traitor!" Nanlisik ang mata ni Neville nang makilala niya ako. Itinutok niya agad ang baril sa akin saka ako pinaputukan. Mabilis kong inilagan ang bala na tatama sa akin. Hanggang sa maubos ang kanyang bala ng baril. Kaya chance ko na makalapit sa kanya. Napilitan siyang bitawan si Greg na basta na lang niya itinulak. Pareho kaming nakatitig ni Neville sa isa't isa. "Such a beautiful face but a cunning woman! Nadaya mo ako! Sisiguraduhin ko na hindi ka na makakaalis dito ng buhay!" Mariin banta niya sa akin. May pang hihinayang mababakas sa mukha niya. Alam ko naman na may gusto siya sa akin. Subalit wala akong pakielam. Iisang lalake lang ang itinatangi ko. Napan
Greg POV Para akong binagsakan ng mundo. Nang tinanggihan ni Erica ang proposal ko sa kanya na magpakasal kaming muli. Pareho kami ni Grey nasaktan. Umasa kami na mabuo ang pamilya namin kasama ang kanyang ina. Subalit hindi ko akalain na iiwan kami ng tuluyan ni Erica. Kaya ilang araw ako puro alak ang laman ng tyan ko. Ginawa ko naman ang lahat para hindi na siya umalis sa amin ni Grey. Ilang araw kong hinanap si Erica pero wala na akong balita sa kanya. Simula nang umalis siya ng araw na iyon. Nagtaka ako dahil nakatanggap ako ng invitation sa pinsan ko si Neville. Inauguration ng Dragon Enterprises. Malayo ang loob ko sa kanilang magkapatid dahil nalaman ko na ang kanilang ama ay isang Leader ng Dragon Mafia. Isa sa kinakatakutan na Mafia bukod sa Royal Mafia na pumuprotekta sa amin. Si Grandpa Alberto ang nag kwento sa akin tungkol sa nangyari noon bumagsak ang Miller's Group dahil sa kagagawan ni Nicodemus De Luca. Wala akong alam sa mga Mafia. Kaya binabale w
Erica POV Papasok na kami para uma ttend ng Miller's Group Party.Nakasuot ako ng Black sequin deep V - neck long sleeves dress hanggang taas ng tuhod ko at Black ankle boots with heels. Kasama ko si Adam naka suot siya ng white tuxedo. Habang nakahawak siya sa baywang ko. Nagpapanggap kaming nag di - date. Umiikot ang paningin ko sa paligid. Ino obserbahan ko ang mga kilos ng mga waiter at waitress kung may kakaiba sa kanila. Hinihintay ko pa ang report tungkol sa may ari ng hotel na pinag darausan ng Miller's Group. Tahimik lang kami ni Adam. Bumaling ang tingin ko kay Georgie. Napansin ko na kanina pa siya sumusulyap sa amin ni Light. Nakikita ko ang selos sa kanyang mukha. Napangisi ako kay Adam. Bubulungan ko na sana ang kasama ko plano ko sanang asarin. Subalit biglang nawala ang ngiti ko nang makita si Greg na kasama niya si Margaux sa tabi niya. Pinilit ko na hindi maluha. Napakagat ako sa labi. Masakit pala ang makita mo ang taong mahal mo na may kasamang ibang babae. S