NAGULAT SI VERON nang makita si Ynzo sa ibaba ng gusali nang dalhan niya ito ng tanghalian. Halos lingunin sila ng ilang mga empleyadong dumadaan.“Wifey!” Masayang salubong ni Ynzo sa kaniya at kinuha ang lunch box na bitbit niya. “Masyado nang mabigat itong dinadala mo. Come here, baby!” Hinapit siya nito sa baywang at marahang hinaplos ang kaniyang tiyan habang abot-tainga pa rin ang pagkakangiti.Kahit na sinong makakakita sa ginagawa nila ngayon ay makararamdam ng tuwa dahil sa angking ka-sweet-an ng kaniyang asawa.“Sus, napakagaan lang naman niyan, Hubby.” Tatanggihan na sana niya ang asawa ngunit kusang iniiwas ni Ynzo ang bitbit na lunch box at payakap na iginiya si Veron papasok ng naturang gusali. Sa isip-isip ni Veron ay napakaliit na bagay lang ang bitbit niya. Nakaya nga niyang magbuhat ng naglalakihang troso noong nag-eensayo pa lang siya upang maging agent, ito pa kayang lagayan lang ng lunch box hindi niya pa kayanin? Kahit pa siguro totoong buntis siya ay makakaya n
Natahimik ang bruha sa labas ng pintuan at hindi na muli pang kumatok at nangulit. Napataas muli ng kilay si Veron. Naisip lang niya kung ano nga ba ang iniisip ng Anika na iyon. Hindi nga ba’t gagawin nito ang lahat para lang makuha ang loob ni Ynzo? Ipinagpapasalamat niya ngayon na binigay sa kaniya ni Doktora Sweet ang makabagong imbensyon nito. Ang laki nang naitulong ng realistic baby bump sa pagsasama nilang mag-asawa. Mas lumalim pa ang naging bonding nilang dalawa at nawalan ng puwang ang masasamang elemento upang guluhin ang pagsasama nilang dalawa.“Let’s eat, Wifey.” Kumuha si Ynzo ng pagkain at iniumang ang hawak na kutsara sa asawa. “Say ‘ahhh’, Wifey,” utos pa nito.Hindi natinag si Veron at nanatiling nakahalukipkip ang mga braso habang nakataas ang isang kilay na nakatitig kay Ynzo.Napalunok ang lalaki nang sunod-sunod. Kapag ganoon na kasi ang kilos at reaksyon ni Veron ay paniguradong may naglalaro na naman sa isipan nito.“A—Ano na naman ba ’yang iniisip mo? Wala a
SAGLIT NA NAMAYANI ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nina Ynzo Abraham at Veron Stacey. Pareho silang nakikiramdam sa kung sino ba ang unang babasag ng namayaning katahimikan o pareho ring naglalakbay sa malayo ang isipan. Kahit naman sino ay magtataka sa biglaang pagpaparamdam ng kanilang lihim na kaaway. Ngayon pa nga lang ay binubundol na ng kaba si Veron dahil napansin na siya ng taong nais niyang paghigantihan sa loob ng matagal na panahon.“What do you think? Hindi ba’t napaka-weird naman talaga no’n?” naunang tanong ni Ynzo na siyang bumasag sa namayaning katahimikan.“Actually, I did expect this to happened. Hindi ko lang inaasahan na mapapaaga at magpapaalam pa siya sa ’yo para lang makilala ako nang lubos,” tugon naman ni Veron na ikinakunot ng noo ni Ynzo.“What do you mean by that? May hindi ka pa ba sinasabi sa ’kin?” tanong nito sa kaniya.“Well, ngayon ko na nga sasabihin sa ’yo, e. Ang totoo niyan ay si Doktora Sweet ang nagbigay sa akin ng ideyang ito. Kaya niy
“YNZO BABY, PLEASE let’s talk!” pangungulit ng malanding impakta sa labas ng bahay ng mag-asawang Ynzo at Veron.Halos tatlong araw ring hindi pumasok sa opisina si Ynzo dahil sa pagkahilig nito kay Veron. Walang ibang ginawa si Ynzo kundi ang pahigain ang asawa at haplusin ang tiyan nito. Tila ba naadik na si Ynzo sa pag-alon ng tiyan ni Veron. Halos maubos ang oras ng lalaki sa pagkausap sa munting anghel sa sinapupunan ng asawang babae na tila ba totoong may sanggol sa tiyan nito.Kaya naman gano’n na lang ang pagtawag at paghahanap dito ni Anika. Halos araw-araw itong bumibisita sa bahay nila at tila ba eskandalosang kabit na panay ang pagsisigaw sa labas ng kanilang gate. “Nand’yan na naman ang baliw mong secretary,” nakataas ang kilay na untag ni Veron sa asawa. “Hayaan mo lang siya diyan, magsasawa rin ’yan,” tila balewala lang na tugon ni Ynzo at muling ngumiti sa kaniyang tiyan na para bang nakikita rin ng sanggol sa loob ang reaksyon nito.“Para kang baliw diyan. Sige na,
“VERON, PUWEDE MO bang ihatid si Miss. Javier sa labas? Mag-uusap lang kami ng anak ko,”muli ay utos ni Ginoong Tolledo.Lihim na nagkatinginan sina Ynzo at Veron. Tanging simpleng pagtango lamang at banayad na pagpisil sa palad ni Veron ang nagawa ni Ynzo na tila ba sinasabing, ‘Sige na, Wifey. Control yourself muna, ha. I love you!’Bantulot namang napasunod si Veron. Bakit tila yata nais niyang maiyak sa pagkakataong ito? Sa hitsura ng mga magulang ni Ynzo ay napakalayo ng imahe ng mga ito ngayon kumpara noong mga nakaraang buwan na nakasama nila ito. Pakiramdam ni Veron ay mas kinakampihan pa ng mga ito ang Anika na iyon dahil lang sa hindi pagpasok ni Ynzo sa opisina ng ilang araw. Ayaw kasi ng mga magulang ni Ynzo na makarinig ng mga negatibong bagay hinggil sa ginagawa ng kaniyang asawa. Nais pumatak ng mga luha ni Veron. Dati-rati naman ay napakatapang niya at hindi mababaw ang kaniyang mga luha pero bakit ngayon ay tila yata tinatraidor siya ng sariling mga luha?“Ouch! Masak
“HUBBY, SIGURADO KA na ba?” nag-aalalang tanong ni Veron. Hindi niya alam kung bakit ngayon pa lang ay nais na niyang umatras sa imbitasyon ni Mr. Thurn na makisalo dito sa isang kainan. Hindi kasi maalis-alis sa isipan niya ang nilalaman ng CCTV footage na ipinakita sa kaniya ni Doktora Sweet. Sa dinami-dami ng laban na napuntahan niya noon ay kataka-takang ngayon pa nabahag ang kaniyang buntot. Iba kasi ang kabang nararamdaman niya ngayon. Hindi mapakali si Veron habang nag-aayos na sila ni Ynzo dahil maya-maya lang ay aalis na sila upang paunlakan ang imbitasyon ng matandang demonyo. “Wifey, ngayon pa ba tayo aatras? Tandaan mo, darating at darating ang panahon na makakaharap mo ang matagal mo nang kaaway. Ngayon pa lang na alam na nating posible ngang alam na niya ang lahat ng plano natin, ito na ang pagkakataong hinihintay natin,” tugon ni Ynzo at pinakatitigan siya sa mga mata. “Nandito na tayo, oh, ang kailangan lang nating gawin ay ang harapin siya. Wifey, kailangan nating h
ILANG ARAW RING nanatili sina Ginoo at Ginang Tolledo sa bahay nina Ynzo at Veron dahil maging ang mga ito ay nalibang na rin sa pakikipag-usap sa tiyan ng huli. Kitang-kita sa hitsura ng dalawang matanda kung gaano kasabik ang mga ito na magkaroon na ng apo upang may makalaro na rin naman at may mag-ingay sa malaking bahay ng mga ito. Sinulit ng dalawang matanda ang ilang araw na pananatili sa kanila bago umuwi ang mga ito. Laking pasasalamat ni Ynzo dahil umuwi na rin ang mga magulang bago pa man dumating ang araw ng imbitasyon ni Mr.Thurn.Sakay ng kulay itim na kotse ay magkatabing tinahak ng mag-asawa ang daan patungo sa isang five-star hotel. Nakasuot si Veron ng kulay itim na dress at flat sandals. Habang binabaybay ang daan ay iniisip ni Veron kung ano na naman ba ang bagong pakulo ng demonyong iyon. Tinitigan niya si Ynzo at seryoso lang itong nagmamaneho. Mahusay siyang mangilatis ng reaksyon ng isang tao ngunit hindi niya mabasa ang anumang reaksyon sa kabuuan ng asawa. Nan
NAPANGISI SI YNZO nang dahil sa narinig. Nais kabahan ni Veron ngunit pinanatili niyang kalmado ang sarili.“Why, Ninong? Mukha ba kaming magkarelasyon ng Nazareno na ’yon? ’Di hamak naman na mas guwapo ako do’n,” pagyayabang ni Ynzo sa kaharap.Napakunot-noo naman si Veron at bumaling sa asawa. “Sino ba ’yon, Hubby?”“H’wag ka nang magtanong, hija. Sa hitsura mong iyan mukhang ikaw lang itong walang kamuwang-muwang sa mundo naming mga business man,” pagsingit ni Mr. Thurn. Sa loob-loob ni Veron ay hindi niya nagustuhan ang tabas ng dila ng matanda. Gusto na namang kumulo ng dugo niya sa taong ito na panay ang pagngisi sa harapan nilang mag-asawa. Kung hindi lang malakas ang kontrol niya sa sarili marahil ay kanina pa niya nasaksak ng hawak na tinidor ang matanda.Nakangiting binalingan ni Ynzo ang asawa. “Don’t mind him, Wifey. Anyway, Solomon Ace Nazareno is one of a kind. Hindi ko pa naman siya nakikita o nakikilala man lang but his name is very popular in the business world. Sabi
SERYOSONG TINITIGAN ni Ynzo si Veron sa mga mata habang mahigpit na hawak ang mga kamay nito. Kung pupuwede lang matunaw sa mga titig ni Ynzo ay baka kanina pa natunaw na parang ice cream ang babae sa paraan ng pagkakatitig nito.“Today, in front of those we love, I give you my heart...” panimula ni Ynzo.Sa harap ng lahat ng mga mahal nila sa buhay, sa harap ng kaniyang mga magulang, kaibigan at mga kakilala ay buong katapatan niyang iniaalay ang puso kay Veron mula sa araw na ito.“I give it without hesitation, sure that it will be bruised at times by the chaos of life but sure also that it will know joy...” Madamdaming pagpapatuloy ni Ynzo.Hindi siya sigurado sa magiging takbo ng panahon at siguradong uulanin sila ng tukso at mga pagsubok sa buhay ngunit sisiguruhin niyang liligaya ang babae sa piling niya.“I give it without expectation or cost, for that is the only way it can truly belong to another. I give it only with hope, only with love, and only with joy that from this day
HALOS PAGTALUNAN PA nina Ynzo at Veron kung saan gaganapin ang kanilang kasal. Oo nga at ikinasal na sila noon ngunit iba pa rin ang sitwasyon nila ngayon. Tila balewala sa kanilang dalawa ang preparasyon para sa pag-iisang dibdib nila noon kumpara ngayong may damdamin na silang dalawa para sa isa’t isa. “I want a church wedding, Wifey. Iba pa rin ang may basbas tayo at pagpapala mula sa Poong Maykapal,” pagdesisyon ni Ynzo habang kausap ang asawa. Bahagyang umiling si Veron bilang tugon. “No. I won’t let that happened, Hubby. Church wedding na ang naganap nating kasal noon. Napaka-boring naman yata kung ganoon ulit ngayon. Iba talaga ang pakiramdam kung bago ang venue at dekorasyon ng buong paligid. I insists for a garden wedding,” pagtatapos na tugon ni Veron habang nakikipagtitigan kay Ynzo. Napabuntong-hininga naman ang lalaki habang kumakamot sa sariling ulo. “Wifey, let’s have a church wedding again. Mas maganda kung sa bahay ng Diyos tayo ikakasal para mas basbasan pa ang a
NAG-UNAHANG MAGLANDAS ang sunod-subod na patak ng luha sa mga mata ni Veron nang makita si Ynzo sa sulok ng silid na biglang nagliwanag dahil sa kislap ng mga Christmas lights at iba’t ibang klase ng pampailaw. Kasunod ng pagpailanlang ng mabining tugtugin ay siya ring pagsaliw ng tinig ni Ynzo na ilang linggo niya ring kinapanabikang marinig. Naghalo-halo na sa puso ni Veron ngayon ang tuwa, saya, galit, inis at pagkagigil sa lalaking halos pasabugin ang puso niya sa labis na kaba. Hawak ang kulay puting rosas ay unti-unting lumapit si Ynzo sa kaniya. “Can you let me take away your tears? Can I see your smile always? Please let’s get together... Let our hearts stay forever...” Pag-awit ni Ynzo sa kaniyang harapan habang sinasabayan ang malamyos na tugtuging nagmumula sa isang violin. Halos manlaki ang mga mata ni Ynzo nang pagsusuntukin siya ni Veron nang tuluyan itong makalapit sa babae. Natatawang sinalo ni Ynzo ang mga kamao niyang sumusuntok dito habang patuloy pa rin ang pagl
HALOS LUNURIN NG kaba ang puso ni Veron habang minamaneho ang sariling motorsiklo. Hindi siya makapaniwalang malalagay sa alanganin ang sitwasyon ni Ynzo sa mga oras na ito ngunit base sa narinig mula sa ina ng lalaki ay mukhang kailangan na niyang maniwalang nasa bingit na nga kamatayan ang asawa. Nais mag-unahang tumulo ng mga luha niya gawa ng takot at kabang nararamdaman ngunit hindi dapat lalo na’t nagmamaneho pa siya ng motorsiklo. Kailangan niyang kumalma dahil baka imbes na makarating siya sa ospital ng matiwasay ay baka mauna pa siya kay Ynzo na magtungo sa kabilang buhay. “Ano ba kasing nangyayari, Ynzo? Akala ko ba ay ayos ka na? Si Skyler nga nagawang maka-recover kaagad, ikaw pa kaya?” himutok ni Veron habang nagmamaneho. Halos patayin na siya ng kabang lumulukob sa puso niya. Daig pa niya ang sinasakal dahil sa nadaramang takot. Takot na mawala ang taong pinakamamahal niya. Basta na lang iniwan ni Veron ang motorsiklo nang makarating siya sa tapat ng ospital. Mabuti
Ipinagpatuloy ni Veron ang pagbabasa sa iba pang pahina ng kwaderno ni Ynzo. May iilang doodle at drawings doon na ginuguhit nito. May ibang pahina na ginuhitan nito ng babaeng nag-eensayo sa parang at kagubatan. Lahat ng iyon ay guhit ng isang babaeng nakatalikod o hindi kaya ay nakatagilid. ‘Ilang buwan o taon na ba akong hindi nakapagsusulat dito? I thought everything will end up on a piece of paper. But mind you, notebook! I saw her right now! Iba man ang tindig niya sa suot niyang black suit, when I saw her eyes, alam kong siya ’yon! Nakasalubong ko lang siya habang papalabas ng Secret Agency at kahit na salubong ang kaniyang mga kilay at tila ba galit na galit, ramdam ng puso ko ang kakaibang kaba nang magtagpo ang paningin namin. But she doesn’t even recognized me. Ang sakit! Iyong tingin niya na para bang isa lang akong estranghero para sa kaniya...’ Napailing-iling si Veron nang mabasa iyon. Marahil ay ang tagpong iyon ay nang magsimula siyang magrebelde sa kanilang organis
“I know that a little doubt playing on your head right now, Anak... But let me give you this,” bigkas naman ni Ginang Tolledo. “And I hope time will come that you will forgive our son.” Dumako ang tingin ni Veron sa maliit na kwadernong hawak ni Ginang Tolledo at marahang iniabot sa kaniya iyon. Nang tingnan niya ang mag-asawa ay kababakasan ng luha ang mga mata ng mga ito. “Hindi ko dapat pinakailaman iyan sa mga gamit ni Ynzo pero alam kong makatutulong ang bagay na iyan upang mas malinawan ka. Hope that you will soon understand why our son did that things to you...” sunod-sunod na bigkas ng butihing Ginang. “Alam kong maiintindihan mo rin ang lahat, Veron anak,” nakangiting bigkas ni Ginoong Tolledo. Muling dumako ang tingin ni Veron sa maliit na kwadernong hawak. Kumg titingnan ay may kalumaan na ang aklat na iyon ngunit halatang iningatan at inalagaan sa loob ng ilang taon. Kulay ginto at pilak ang pangunahing kulay ng pabalat ng kwadernong iyon. At nang buksan ni Veron ay k
NANINIWALA NA SI Veron na ang masamang damo ay matagal mamatay. Napatunayan niya iyon sa kalagayang natamo ni Mr. Thurn dahil nakikipaglaban pa rin ang katawan nito mula sa tadtad ng balang natamo mula sa sariling pamangkin. Hindi niya akalaing mabubuhay pa rin ang matanda sa kabila ng lahat ngunit ipinagpapasalamat pa rin iyon ni Veron dahil may pagkakataon siyang matunghayan kung paano nito pagbayaran ang mga kasalanan sa piitan kung sakaling gumaling na ito. Ang buong Gem Secret Agency Association ang nagpagamot sa tatlong importanteng tao na lubhang naapektuhan ng sagupaang naganap. Sina Mr. Thurn, Skyler at higit sa lahat ay si Ynzo. Buong akala ni Veron ay maayos na ang kalagayan ni Ynzo dahil dadalawang bala lang naman ang natanggap nito ngunit laking kaguluhan ng lahat nang mawalan ng malay tao ang kaniyang asawa habang dinadala ito sa ospital. Unang naisip niya ay umaarte lang ang lalaki ngunit napatunayan iyon nang maramdamang halos humina na ang pintig ng pulso nito nang
NAG-UNAHANG MAGLANDAS ANG masaganang luha sa mga mata ni Veron. Hindi alam kung sino sa dalawang lalaki ang unang dadaluhan. Nang mapadako ang kaniyang paningin kay Mr. Thurn, tahimik na itong nakahiga sa lupa habang naliligo sa sarili nitong dugo. Nakapikit na rin maging ang mga mata nito. “W—Wifey...” Ang katagang iyon ay tila isa lamang ungol dahil sa hirap ng paghinga ni Ynzo. Kaagad na dinaluhan ni Veron ang asawa. “Go... T—Talk to h—him...” paanas nitong pakiusap. Lumatay ang pag-aalinlangan sa mukha ni Veron ngunit ang mukha ni Ynzo ay nagpapakita ng pagiging determinado. Nais nitong kausapin niya si Skyler ngayon mismo. Ginawaran ni Veron ng marahang halik sa labi si Ynzo bago ito inilapag ng dahan-dahan sa lupang nalalatagan ng mga tuyong dahon at sanga ng mga punong-kahoy. “I’ll be right back, Hubby. Just hold on and don’t leave me,” mahigpit na bilin dito ni Veron. Tanging ngiti lamang ang naitugon ni Ynzo. Kaagad na dinaluhan ni Veron si Skyler na kagaya ni Mr. Th
“CAN YOU PLEASE slow down, Wifey?” malakas na pakiusap ni Ynzo kay Veron nang halos paliparin na nito ang pagpapaandar ng motorsiklo sa gitna ng kakahuyan. “I have no time to slow down, Ynzo! Makakalayo na ang mga hayop na ’yon!” ganting sigaw niya. Napakalapit lang naman nila sa isa’t isa at halos magkayakapan na nga ngunit nagagawa pa rin nilang magpalitan ng malakas na sigaw para mag-usap. Para kay Veron ay masyadong bingi si Ynzo kaya niya nagagawa ang bagay na iyon. “I hate you for being a spoiled brat and being a ‘headaches of all’,” turan ni Ynzo. “But still I don’t have a choice but to love you more.” Nagkasalubong naman ang mga kilay ni Veron nang dahil sa narinig. Sa gitna ng napakadelikadong sitwasyon, nagagawa pa rin nitong magpakawala ng ganoong klase ng salita. “Ano na naman ang ginawa ko?” Napailing pa siya habang kunot-noong nakatingin sa dinadaanan. “There! Iyang mga biglaang kilos mo! Hindi mo alam kung paano nahulog ang puso ko nang makita kitang nakatayo sa i