Share

Chapter 46.2

MAIKLING ORAS LANG ang inilaan nina Veron at Skyler para sa isa’t isa dahil tumawag ang sekretarya ng kasintahan upang ilapag ang kung anumang kailangan at problema nito sa opisina. Nasanay na rin naman si Veron na laging abala ang kasintahan kaya matapos itong humingi ng paumanhin sa kaniya ay nagmamadali na itong umalis. Nagpaiwan lang siya sa private restaurant na iyon upang makapag-isip. Hindi niya alam kung napansin rin ba ng kasintahan ang biglang pagbabago ng reaksyon niya o sadyang balewala lang dito ang simpleng bagay na iyon. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang siya kung maapektuhan. Tila ba balewala lang sa kaniya ang mga sinabi ni Skyler. Higit pa nga yata siyang apektado ng babaeng lumalakantari sa asawa kaysa ang malaman na uuwi na ang mga magulang ni Skyler upang makilala siya.

Natigilan si Veron nang biglang tumunog ang sariling cellphone. Nang tingnan ang screen niyon ay nakita niyang ang sariling obgyne ang tumatawag.

“Hello?” tinatamad niyang sagot.

“Are you b
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status