ILANG ARAW RING nanatili sina Ginoo at Ginang Tolledo sa bahay nina Ynzo at Veron dahil maging ang mga ito ay nalibang na rin sa pakikipag-usap sa tiyan ng huli. Kitang-kita sa hitsura ng dalawang matanda kung gaano kasabik ang mga ito na magkaroon na ng apo upang may makalaro na rin naman at may mag-ingay sa malaking bahay ng mga ito. Sinulit ng dalawang matanda ang ilang araw na pananatili sa kanila bago umuwi ang mga ito. Laking pasasalamat ni Ynzo dahil umuwi na rin ang mga magulang bago pa man dumating ang araw ng imbitasyon ni Mr.Thurn.Sakay ng kulay itim na kotse ay magkatabing tinahak ng mag-asawa ang daan patungo sa isang five-star hotel. Nakasuot si Veron ng kulay itim na dress at flat sandals. Habang binabaybay ang daan ay iniisip ni Veron kung ano na naman ba ang bagong pakulo ng demonyong iyon. Tinitigan niya si Ynzo at seryoso lang itong nagmamaneho. Mahusay siyang mangilatis ng reaksyon ng isang tao ngunit hindi niya mabasa ang anumang reaksyon sa kabuuan ng asawa. Nan
NAPANGISI SI YNZO nang dahil sa narinig. Nais kabahan ni Veron ngunit pinanatili niyang kalmado ang sarili.“Why, Ninong? Mukha ba kaming magkarelasyon ng Nazareno na ’yon? ’Di hamak naman na mas guwapo ako do’n,” pagyayabang ni Ynzo sa kaharap.Napakunot-noo naman si Veron at bumaling sa asawa. “Sino ba ’yon, Hubby?”“H’wag ka nang magtanong, hija. Sa hitsura mong iyan mukhang ikaw lang itong walang kamuwang-muwang sa mundo naming mga business man,” pagsingit ni Mr. Thurn. Sa loob-loob ni Veron ay hindi niya nagustuhan ang tabas ng dila ng matanda. Gusto na namang kumulo ng dugo niya sa taong ito na panay ang pagngisi sa harapan nilang mag-asawa. Kung hindi lang malakas ang kontrol niya sa sarili marahil ay kanina pa niya nasaksak ng hawak na tinidor ang matanda.Nakangiting binalingan ni Ynzo ang asawa. “Don’t mind him, Wifey. Anyway, Solomon Ace Nazareno is one of a kind. Hindi ko pa naman siya nakikita o nakikilala man lang but his name is very popular in the business world. Sabi
Kanina pa nagtitimpi si Veron. Sa dinami-dami ng masasakit na salitang binitiwan ng matanda ay wala siyang nagawa kundi ang pakinggan lamang iyon. Kumukulo ang dugo niya at nais nang paulanan ng bala ang katawan ng matanda ngunit kailangan nilang mag-ingat lalo na ngayong halos nakatutok sa kanila ni Ynzo ang lahat ng nguso ng baril na hawak ng mga tauhan ni Mr. Thurn. Kaunting galaw lang ay maaari silang maligo sa sarili nilang mga dugo.Sinenyasan ang mga ito ng matanda na ibaba ang mga armas at baril na hawak ng mga kalalakihang nakasuot ng purong itim na suit.“Hayaan niyo siyang magalit sa akin ngayon,” utos ni Mr. Thurn at muling humalakhak. Napipilitang ibinaba ng mga tauhan ang kanilang mga armas ngunit nanatiling mailap ang atensyon at pakiramdam ng mga ito kung sakali man na kumilos sila ng hindi kanais-nais sa harapan ng mga ito. Umiling-iling si Mr. Thurn. “Sayang ka pa naman, Ynzo. Kung sana ay ginagamit mo ang utak mo. Dito ka pa nagpakasal sa babaeng wala man lang maiha
“WHAT HAPPENED TO my wife? Bakit hindi pa rin siya nagigising?” tanong ni Ynzo kay Doktora Sweet matapos niyang dalhin dito ang asawa.“That’s part of the process upang makapagpahinga siya ng maayos. I warned her na alagaan ng mabuti ang sarili dahil mararanasan na niya ang tunay na pagbubuntis. Ano ba talaga ang nangyari?” nag-aalalang tanong ng doktora.Napasapo sa sariling mukha si Ynzo at tila ba yamot na yamot na ginulo ang sariling buhok. “Someone poisoned her. I don’t know what happened basta nakita na lang namin na dinudugo na siya at—” Tuliro siyang naglakad ng paroon at parito habang hindi alam kung ano ang sasabihin o gagawin. “Magiging okay naman ang asawa ko, hindi ba, dok?”Natigilan ang doktora nang makita ang biglang pagdaloy ng luha sa mga mata ni Ynzo. Punong-puno ng kalituhan at sakit ang mga mata ng lalaki habang panay ang pagsulyap sa natutulog na si Veron.Napatango-tango naman si Doktora Sweet. “Syempre naman at magiging maayos rin siya. Sa ngayon ay kailangan
HALOS MAMUGTO ANG mga mata ni Veron nang mapagtanto ang nangyari. Paggising niya ay nasa loob pa rin siya ng klinika ni Doktora Sweet. Naroroon pa rin ang asawa sa kaniyang tabi habang hawak-hawak ang kaniyang kamay. Nang malamang nawala na ang munting supling na inilagay ng doktora sa kaniyang tiyan ay halos nag-unahang maglandas ang luha sa magkabila niyang pisngi. Oo nga at hindi naman talaga totoo ang ipinagbubuntis niya ngunit ang pakiramdam ng pagkakaroon ng supling sa loob ng tiyan niya ay tila totoong-totoo sa kaniyang pakiramdam. Sa ikli ng panahon na naranasan niya ang bagay na iyon ay tila ba napamahal na sa kanila ni Ynzo ang imaginary baby na iyon. Ngayon pa lang ay pinipilas na sa labis na sakit ang puso niya. Nais niyang maglupasay sa pag-iyak at pilitin ang doktora na gawan siyang muli ng realistic baby bump ngunit sa pagkakataong ito ay masyado nang delikado ang ideyang iyon lalo pa’t siya rin naman ang naging dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ang eksperimentong iy
“NAKU, MA’AM, ako na po diyan.” Natatarantang inagaw ng isang maid ang hawak ni Veron na vacuum cleaner.Nagtatakang napatingin siya sa mga katulong na paroon at parito sa loob ng kanilang bahay. Ilang araw na rin ang nakalilipas simula nang maganap ang hindi inaasahang pangyayari sa buhay niya at heto’t pag-uwi nila galing sa klinika ni Doktora Sweet ay sinalubong sila ng sampung katulong sa loob ng kanilang pamamahay. Lahat ng iyon ay pinadala ng ina ni Ynzo nang sa gano’n ay hindi na raw kailangan pang kumilos ni Veron sa paglilinis at pag-aasikaso sa bahay.Kanina pa siya nagtatangkang tumulong sa mga gawaing-bahay ngunit tuwing may hahawakan lang siyang bagay na panglinis ay may katulong nang lalapit sa kaniya upang agawin ang kaniyang ginagawa. Nauna na ring linisin ng mga ito ang loob ng silid nilang mag-asawa kung kaya’y wala nang kailangan pang linisin doon.Nagtungo si Veron sa kusina at gaya nang inaasahan ay tambak rin ang katulong doon na abala sa pagluluto at kung ano-an
“HERE’S YOUR COFFEE, Sir,” napapakagat-labi pang alok ni Anika nang makapasok sa loob ng opisina ni Ynzo.Naging abala siya sa maghapong pagtitipa at pagbabasa ng mga papeles at proposals sa kumpanya. Halos lamunin ng trabaho ang buong oras niya at natigil lang iyon nang pumasok ang kaniyang sekretarya. Nang sipatin niya ang suot na wrist watch ay napag-alaman niyang coffee break na pala.Akma niyang kukuhanin ang kapeng hawak ng babae nang bigla itong lumapit sa tabi niya. Saktong pag-abot niya ng tasa ay tumilapon ang kaunting kape sa suot niyang office suit.“Oh my ghad, Sir! I’m sorry!” nataranta si Anika at mabilisang kumuha ng panyo upang punasan ang bandang dibdib niya.Hindi naman ganoon kainit ang kape ngunit pakiramdam ni Ynzo ay nag-iinit ngayon ang kaniyang pakiramdam. Imbes kasi na punasan ng babae ng maayos ang mantsa sa suot niya ay dahan-dahan na ang naging pagkilos ng kamay ni Anika.Gumapang sa kaniyang dibdib ang mga daliri ng babae. Nang tingnan ni Ynzo si Anika ay
“I’M HAPPY TO MEET you again, Partner!” masayang hiyaw ni Ynzo matapos bigyan ng mahigpit na yakap si Anika.“Me too, Ynzo. I’m happy right now. Hindi ko akalaing hindi mo ako kaagad na makikilala,” natatawang bigkas ng babae. “Napakagaling ko na bang mag-disguise ngayon?”“Hindi lang sa pag-di-disguise, Jade. Napakagaling mo na ring umarte. Bentang-benta ’yang kalandian mo. Ang sarap mong tirisin sa totoo lang,” pabiro siyang nanggalaiti sa babae.Tumatawang naupo sa mahabang sofa si Anika. Muli nitong kinuha ang tinanggal na tila balat at muling inilapat sa mukha.“Thanks to Agent Nic’s cosmetics and inventions. Napakalaking tulong ng mga imbensiyon niya sa lahat ng misyon at disguise sa loob ng agency,” bigkas ni Anika. “Even Veron didn’t notice my real identity. She’s a sharp-thinker. Siguro kung nakasama ko lang siya kahit minsan sa mga trainings at exams sa agency noon, marahil ay makikilala niya kaagad ako. Mabuti at hindi man lang nag-krus ang landas namin noong nasa agency pa