ABALA si Toni sa pagbabasa ng pocketbook nang marinig niya ang ilang mahihinang katok mula sa labas ng pintuan bago marahang bumukas iyon at iluwa ang ate niya.
"Hi, sis, busy ka?" tanong agad nito habang naglalakad palapit at naupo sa paanan ng kama niya.
" Hindi naman, ate, why?" sagot niyang isinara ang binabasa at hinarap ito.
"May out of town ako, with friends, this weekend, sama ka?"
Alanganin siyang ngumiti dito. "Nyek, sabi mo nga, with friends, ano gagawin ko d'on?"
"Wala lang." nagkibit pa ito ng balikat. "Baka lang gusto mo mag-unwind. Ma-relax lang."
She pouted.
"Baka ma-OP lang ako d'on, teh."
"Hindi naman siguro. Nandun naman si Greg. Siya pa nga nagsabi, na baka gusto mo raw sumama, eh."
Ilang saglit siyang natigilan nang marinig ang pangalan ng binata.
"Wehh...?" hindi makapaniwalang paniniyak pa niya rito.
Tama ba ang narinig niya? Na si Greg pa mismo, ang ultimate crush niya ang nagyaya sa kanyang sumama?
Juskolord! Kinikilig yata siya, wala pa man.
"Oo nga, kulit. Pwede ka rin magsama ng friends mo, if you want." pangungumbinsi pa rin ng kapatid niya.
"Sige. Pag-iisipan ko 'yan." ngunit sa loob-loob niya ay buo na sa loob niyang sasama talaga siya. "Ask ko na rin si Tin, kung gusto niyang sumama. Sure ka, okay lang, ha?" kunwa ay nag-aalangan pang sabi niya.
"Oo nga, sabi. Kulit lang?"
"Sige. Update kita kapag nakausap ko na si Tin." sa ayaw at sa gusto nito ay pipilitin iya talaga itong sumama. Para naman may mapaglabasan siya ng kilig niya kapag hindi na kinakaya ng puso niya.
Nakakahiya naman kung atakihin siya doon sa kilig, di ba?
"Sige," anang ate niya na tumayo na at muli naga lalabas ng pintuan. "Update me agad, ha. Para masabi ko kay Greg at maipareserve kayo ng mauupuan."
"Yes, ate."
PAGLABAS na paglabas ng ate niya sa kanyang silid ay dinampot niya agad ang kanyang cellphone upang tawagan ang kaibigan.
Matapos ang ilang ring ay sinagot nito ang tawag.
"May gagawin ka ba sa weekend?" walang ligoy na tanong agad niya rito.
"Hmm... wala pa yata. Bakit?"
"Gusto mo marelax?"
"Bakit? Magpapa-spa tayo? Parang need ko na nga yan..."
"Hindi, no. Nagyayaya si ate, out of town, sa weekend."
"Oh, ngayon? Ano'ng kinalaman ko d'on?"
"Siyempre, sasama ka." sabi agad niya rito. Hindi niya na ito binigyan ng pagpipilian.
Saglit na natahimik ang kabilang linya sa sinabi niya.
"Sino-sino mga kasama?"
"Mga friends nya."
"Hmm... I smell something fishy..." nasa himig agad nito ang panunukso.
Kilalang-kilala talaga siya ng kaibigan.
"Ligo mo kaya yan..."
"Nako, nako, nako... Maria Antoinette, kilala kita. May kinalaman si fafa Greg dito, no?" nagsususpetsang anito.
"Ikaw naman, kailangan din naman natin magrelax, 'di ba?" pagmamaang-maangan pa rin niya.
"Asus... yung totoo? Don't me, bez, ha. Aminin mo na kasi."
"Tss. Oo na sige na. Sa'yo pa ba ako makakapagtago?"
"So?" alam niyang nagpapakwento lang ito.
"'Yon na nga, siya pa raw nagbigay ng idea kay ate na isama raw ako. Baka kung hindi ako sumama, hindi na maulit 'yon. Kaya grab the opportunity na lang, 'di ba?" tuloy-tuloy na kwento niya rito.
"Hay nako, bestfriend. Hindi ko alam kung tama ba itong pangungunsinti ko sa kahibangan mo... baka ang ending, masaktan ka lang, sa kaka-asa mo."
Alam niyang concern lang sa kanya ang kaibigan.
Dangan naman kasi, ang batang puso niya... may kakulitan talaga.
"Bez, sige na. Just support me na lang dito. Promise, hindi kita sisisihin kapag nasaktan ako." patuloy niyang pamimilit dito.
"Gaga ka, matitiis ba kita?" tila walang nagawang sumuko na lamang ito sa pangungulit niya. "Basta hinay-hinay lang sa paglande, ha."
"Grabe ka sa'kin, paglande talaga?"
"Nga pala, pwede ko bang isama si Lloyd ko? Para naman ma-enjoy ko rin ang pangungunsinti ko sa'yo." maya-maya ay tanong nito. "Sige na, may sarili naman siyang sasakyan saka driver, so, hindi siya makakasikip."
"At ako talaga malande, ha?" naka-angat ang isang kilay na aniya rito.
Natawa naman si Tin sa sinabi niya.
"Oo na. Sige na. Dahil mag-bestfriend tayo, pareho na tayong malande."
"Sige na nga. Bestfriend with the same lande, flocks together." lalong lumakas ang tawanan nilang dalawa.
"Loka-loka ka talaga." tumatawa pa ring sabi nito. "Sige na, inform ko muna si Lloyd, at baka mag-commit pa 'yon sa weekend."
"Sige. Inform ko na rin si ate, na sasama tayo."
Pagbaba niya ng telepono ay agad siyang bumaba ng kama at tumakbo papuntas sa silid ng kapatid niya.
"Attttteeee!"
Swit❤
Hi. Musta? Ano gawa mo?
My Sweetheart
Heto po, nagpapa-antok.
Swit❤
Haist...My Sweetheart
Why, po?Swit❤
'Yan na naman kasi 'yung 'po', mo.My Sweetheart
Ay, sorry naman...Swit❤
Can I call?
My Sweetheart
Sure.
HINDI nga naglipat-saglit ay tumunog ang telepono niya.
Ilang beses muna siyang huminga nga malalim bago sinagot ang tawag
"Hi."
"H-hello..."
"Ahm... nasabi na ba sa iyo ng ate mo?" tanong agad nito.
"'Yung lakad sa weekend?"
"Yap."
"Yes."
"And...?"
"Yap. Join kami, sayang naman, minsan lang ma-invite, eh."
"Sino kasama mo?"
"Si Tin, 'yung bestfriend ko. And, okay lang ba kung kasama bf niya?"
"Oo naman. mas marami mas masaya." mabilis na pagpayag ng binata. "Ikaw? wala ka bang isasamang bf?"
Oh my gosh... as if, he's fishing for an info., kung may boyfriend na ba ako. Kikiligin na ba ako? Sa isip-isip niyang itinapat pa sa dibdib ang cellphone.
Muli, kinalma niya muna ang sarili bago muling itinapat sa tainga ang aparato. Baka mahalata siya nito.
"Wala akong bf, no." nang makabawi ay kaswal niya sabi.
"Talaga? Sa ganda mong 'yan?" tila hindi makapaniwalang sabi naman ng binata.
Jusme! Yung heart ko po, pakibalik sa pwesto. Magkakasakit yata siya sa puso kung lagi niya itong makakausap ng ganito.
"Let's just say, na 'yung guy na gusto, ko may iba yatang gusto."
"Ouch." pakikisakay nito sa sinabi niya.
"Yap. Sad no?" aniyang pinalungkot pa ang tinig. "Ikaw? Gf mo, kasama?"
"Hmm... let's say, na yung girl na gusto ko, may iba na rin palang gusto." panggagaya ni Greg. "Sad no?"
Napkunot ang noo niya.
Wala naman akong alam na nagugustuhan ng ate ko, ah.
"Linya ko yan, ah. Gaya-gaya ka." aniya saka mabining tumawa.
"And, masyado pa siyang bata. Dyahe manligaw. Mahirap makipag-compete sa mga kaedad niya, baka mapagtawanan lang ako." dugtong nito sa pinalunkot pa ring tinig.
Omg. Omg. Omg. Ako ba 'yon?
"Ay, gan'on? Hindi naman siguro. Bakit hindi mo i-try?"
"Basta... nakakahiya, eh."
"Malay mo naman. Cute ka naman, stable... saka mukhang seryoso sa life... walang reason para hindi ka niya magustuhan."
Kung ako lang 'yon, nakuuuu...
"Hmm... kung ikaw yung girl, example lang ha... magugustuhan mo ba ako, kahit ang layo ng agwat ng edad natin?"
Ako na lang kasi,eh... papatol ka rin lang naman pala sa bata, bakit hindi na lang ako? Promise, hindi kita pahihirapan. Napalabi pa siya sa naisip.
"Hmm... oo naman, no. Nasa iyo na kaya lahat ng qualities." buong puso niyang sagot dito.
"Hindi mo naman ako binobola niyan?" tila hindi naniniwalang tanong nito.
"Bakit naman kita bobolahin? Totoo naman lahat ng qualities na binanggit ko, 'di ba?"
"Hala ka..."
Nangunot ang noo niya sa sagot nito.
"Bakit?"
"Baka naiinlove ka na sa akin ha..." anito at sinundan ng pagtawa.
Huli ka na sa balita, Greg. Matagal na akong inlove sa'yo.
"Hindi ko alam na kasama pala sa qualities mo ang pagiging assuming?" sa halip ay sabi niya.
"Aray naman..." kunwa'y nasaktan ito sa sinabi niya.
Tinawanan niya lang ito.
"Joke lang naman po."
Narinig niya rin ang pagtawa sa kabilang liny.
"Ahm... kumusta naman kayo ng ate ko?" ewan kung bakit nagkalas siya ng loob na itanong.
"Okay naman kami, bakit?"
"Is there any instance, na nagkagusto ka sa kanya?" kagat-kagat niya ang thumb finger niya habang tinatanong iyon.
Tanong na kahit siya ay hindi yata handa sa magiging sagot.
"Huh? Wala, no. Ang maton ng ate mo, eh." parang nagulat pa ito sa tanong niya.
"Ganon? Isusumbong kita..." kahit na papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.
Kung totoo nga ang sagot nito.
"Seryoso, wala talaga. Sobrang platonic ng relationship namin."
"Ahh... akala ko magiging kuya kita, eh."
"Gusto mo ba akong maging kuya?" tila nananantiyang tanong ni Greg.
"Wala naman akong choice, 'di ba? Kung magkakagustuhan kayo ng ate ko, eh." nagkibit pa siya ng balikat na animo wala lang.
Ouch. Ayoko kaya...
"Ganon? Sabagay. Pero sinasabi ko sa'yo, hindi mo ako magiging kuya, lang." naroon ang katiyakan sa bawat pagbigkas nito ng salita.
"Eh, ano pala?
"Bodyguard." anito bago malakas na tumawa. "Nakaligtaan na naman natin ang oras. 2am na, may pasok ka pa bukas."
Parang ayoko pumasok!
"Nyaks... bodyguard ka diyan." tila wala na lang masabing sagot niya. "Oo nga. 2am na... ikaw din, may work pa bukas."
No choice. Tsk.
"Sige na, matulog ka na. Goodnight."
"Goodnight."
SATURDAY MORNING
"Sino 'yang kasama n'yo?" pabulong na tanong ni Toni sa kaibigan nang makahanap ng tiyempo.
"Pinsan ni Lloyd 'yan, nagpilit sumama." pabulong din nitong sagot. "Girl, crush ka raw niyan sabi ni Lloyd, kaya nagpilit."
"Huh?" bahagya pa siyang lumayo sa kaibigan at nilingo ang sinasabi nitong pinsan daw ng kasintahan nitong si Lloyd saka bumalik muli ang tingin sa kaibigan. "Eh, ngayon ko lang nakita 'yan, eh,"
"Tama. Pero ikaw, nakita ka na raw niyan, nung napunta tayo kina Lloyd at doon tayo gumawa ng project. Hindi lang daw nagpakita kasi nahihiya raw sa'yo. Ayee... may balak na yata manligaw sa'yo 'yan." wala pa man ay panunukso na agad nito.
"Che!" ingos niya rito. "Pwede ba? Nako, ngayon pa ba, na mukhang nagkaka-pag-asa na ako kay Greg?"
Agad na umilaw ang mga mata niya nang mabanggit ang pangalan ng binata.
"Grabe, bez, katext ko siya n'ong isang gabi... ang sweet niya... he even called me sweetheart. OMG." abot ang kilig na pabulong na kwento ni Toni sa kaibigan.
Irap naman ang isinagot nito sa kanya.
"Sige lang inday, asa lang tayo ha?"
"Haist... panira ka ng moment." kunwa'y inis na inirapan niya rin ito saka mahinang tinampal sa balikat.
"Kasi naman bez, ikaw na nga nagsabi, na may iba siyang gusto, 'di ba?" natatawang paliwanag nito. "At least, out na sa list of karibal mo ang ate mo, 'di ba?"
"Hay nako, ewan ko sa'yo." naka-ingos pa ring aniya. "Basta NO, ako diyan sa cousin mong hilaw. Wait ko na lang na matauhan si papa Greg ko na ako pala ang mahal niya."
"Apply ka sa PAG-ASA, pagka-graduate mo, bagay ka d'on."
"Che! Sige na nga, bumalik ka na d'on sa jowa mo. Baka mamiss ka n'on agad."
Tatawa-tawang naglakad naman ito agad pabalik sa kasintahan.
Naiiling naman sa sumunod din si Toni dito.
PAGDATING nila sa isang beach resort sa batangas ay kanya-kanya na silang pasok sa mga cottage na naka-assign para sa kanila.
Dahi kasama ng ate niya ang mga girl-friends niya sa iisang kwarto, ay hiniling niyang baka pwedeng si Tin na lamang ang kasama niya sa isang pang kwarto, bilang hindi naman siya kasali sa grupo ng mga ito.
Pumayag naman agad ang ate niya. Si Lloyd na ang nagprisintang magbayad ng kwartong ookupahin nila ni Tin.
Nakita niyang saglit pa itong nagtalo at si Greg, dahil nagpipilit ang huli na siya ang magbabayad.
Sa bandang huli, wala itong nagawa nang hindi pumayag si Lloyd na ipaako rito ang kwartong ookupahin ng kasintahan.
Napansin niya ang matamang tingin ng ate niya kay Greg na nag-iwas lang ng tingin.
Kasama ni Greg ang mga lalaking kaibigan niya sa iisang silid. Habang magkasama si Lloyd at ang pinsan nitong si Kevin sa isa pa.
"Buti pumayag si ate Dawn na bumukod tayo ng room, no?" sabi ni Tin nang makapasok na sila sa silid nila.
"Oo nga, eh. Nakakahiya naman kasi sa mga friends niya, kung doon din tayo sa room nila. At least, dito, solo natin."
"Oo nga, parang ang sososyal pa naman ng mga friends niya."
"Hindi naman, mga career women na kasi sila, kaya ang hirap na sabayan. Mababait naman sila, kapag nagpupunta sila sa bahay, never pa naman may nang-snob sa'kin." aniya habang inilalabas ang damit niyang panligo.
"Sabagay." anito at lumapit sa kanya. "Bez, may napansin ako."
"Ano 'yon?" hindi lumilingon ditong tanong niya.
"Nagpipilit si fafa Greg kanina na magbayad ng room natin." himig nanunuksong sabi nito na naupo sa harap niya.
"Dito daw kasi matutulog ang mahal niya." nangingiting sagot niya.
"Asa..." anitong inirapan siya.
Natawa na lang siya sa kaibigan.
"Sa tingin mo, bakit kaya?" nasa mukha pa rin nito ang kuryosidad.
"Malay ko. Baka naisip niya lang, na siya kasi ang nagyaya sa atin dito."
"Sa'yo lang, no."
"Sira."
Tumawa lang ito at inayos na rin ang mga gagamitin.
"Dalian mo na, bez, ligong-ligo na 'ko." maya-maya ay sabi nito sa kanya.
"Oo na po. Heto na. Excited ka lang mag-moment sa jowa mo, eh." nakangiting tukso niya rito.
"Huu... palibhasa, wala kang ka-moment, eh. Pagtyagaan mo muna si Kevin."
"Sira ka talaga. Mamaya marinig ka ni Lloyd, sabihin, pinagtitripan mo pinsan niya."
"Sus... 'di naman magagalit 'yon. Baka matawa lang din 'yon. Tara na nga." yaya nito nang makitang pareho na silang nakabihis.
"BEZ, may napansin ako." sabi agad ni Tin na hinila siya saisang tabi, malayo sa karamihan.
"Ano na naman 'yon, Christina Marie? Ikaw, kanina ka pa kumo-quota sa pang-asar sa'min nyang pinsan mong hilaw, ha." inis na inirapan niya ito.
Naaawa na siya doon sa tao na hindi na yata pinanumbalikan ng normal nitong kulay dahil sa katutukso ni Tin. Baka permanente nang maging kulay kamatis ang pobre.
Ngunit tinawanan lang siya nito.
"Eto naman, joke lang naman, eh."
"Sira ulo ka, mamaya nyan, magkasabay pa kami ng apply sa PAG-ASA."
Lalo lang lumakas ang tawa ng bruha.
"Anyways, Bez, yung kwento ko." tinagtag pa nito ang braso niya.
"Ano ba 'yon?" alam niyang hindi rin naman siya titigilan nito hanggat hindi nailalabas ang nasa loob nito.
"Bago ang lahat, gusto kong ipaalala sa iyo, na 'wag muna umasa, ha, sapagkat ito ay haka-haka at kuro-kuro ko lamang... wala pa itong nakalap na solidong ebidensya."
Loka-loka talaga 'to.
"Christina Marie, ano nga?????" nauubusan na ng pasensyang singhal niya rito.
"Eto na... makabuo ng pangalan, Maria Antoinette?" anitong may kasamang irap.
Sinamaan niya ito ng tingin.
"Oo na... game na." sa wakas. "Ayun nga, kanina pa, n'ong kumakain tayo at todo asikaso sa'yo si Kevin, parang tingin ko, masama ang tingin ni fafa Greg sa inyong dalawa." nasa boses nito ang pang-iintriga.
"TALAGAAAA????" mabilis namang nakuha ng sinabi ng kaibigan ang buong atensyon niya.
"Ooopppssss... 'wag kumapslock, at bawasan ang question mark, pati na rin ang A. Ramdam na ramdam ko 'yung intensity. Gaya ng sinabi ko, 'wag masyado umasa, ha. Baka lang badtrip, siya talaga at nadamay lang kayo."
Dagling nawala ang ilaw sa mga mata niya sa sinabi ng kontrabida niyang bestfriend.
"Ano ba yan, binawi agad ang saya ko... hmfp!" irap niyang muli dito.
"At hindi mo ba napapansin, na 'yong isang kapatid ng friend ng ate mo, super close sa kanya? Kulang na nga lang, subuan siya, eh." hindi niya alam kung nang-iintriga pa rin ito o nang-aasar na lang, eh.
"Pinasaya mo lang ako'ng saglit, no? Tapos may karugtong nang intriga."
"Bakit ikaw, hindi mo ba nakikita?" angat ang kilay na tanong nito.
"Nakikita..." she said, pouting.
"See?"
"Ano sa tingin mo, bez? Siya kaya 'yong sinasabi ni Greg, na gusto niyang ligawan, kaya lang, masyado pang bata?"
"Ewan. Eh, sa tingin ko naman, hindi na siya kailangan pang ligawan ni Greg, eh. Mukhang wala pang sinasabi si Greg, I do na agad ang sagot ng bruha. Kita mo nga makadikit..." lumagpas ang tingin nito sa kanya at tinanaw ang nasa likuran niya.
Hinayon niya ang tinitingnan nito at hindi sinasadyang nagkasalubong ang mga mata nila ni Greg... isang irap tuloy ang ibinigay niya rito, sa pagsasalubong ng mga kilay ng binata.
"Tingin ko din.. talande! Hay nako, ewan ko ba. Hindi ko na alam ang iisipin at mararamdaman. Sana pala, hindi na lang tayo sumama dito."
"Sabi ko naman sa'yo, i-enjoy mo na lang ang company ni Kevin kesa mag-mukmok ka diyan,"
"Oo na, susubukan ko. Anyway, mabait naman siya, at mukhang gentleman."
"Oo naman, no. Nasa lahi nila 'yon."
09320000000
Hi..
TONI
Who are you?09320000000
Kevin po...KEVIN
Ahh... ikaw talaga, bakit hindi mo na lang ako kausapin? Eto lang ako, eh.
KEVIN
Hehe... nahihiya po kasi ako, eh.TONI
Sus... ano ka ba?KEVIN
Okay lang ba, hiningi ko kay Tin number mo?TONI
Oo naman, okay lang.KEVIN
Ahh.. thanks ha, hindi mo kasi ako sinusungitan.TONI
Ano ka ba? Wala 'yon, no. Saka, pinsan ka ni Lloyd, kaya friend na rin kita.KEVIN
Ouch... friendzone agad?TONI
Haha... ikaw talaga.KEVIN
Haha.. joke lang po. Sige, lusong na 'ko, ha, Kulit ni Lloyd, eh. Maya na lang uli.TONI
Haha... sige. Kanina pa ligong-ligo 'yan. Ayaw pa ni Tin, eh... mainit pa raw.KEVIN
Ikaw, ayaw mo pa rin?
TONI
Mamaya na ako. Sabay na kami ni TinKEVIN
Ahh... sige po.MAG-ISA siyang nakaupo sa beach lounge chair nang maramdaman niyang may lumapit sa kanya at maupo sa tabi niya.Kahit hindi niya ito lingunin, sa amoy pa lamang nito at base na rin sa malakas na kabog ng dibdib niya, aoam niya na agad kung sino ito."Hi"Nilinga niya itong at tipid na nginitian."Hi.""Akala ko ba, wala kang kasamang bf?" maya-maya ay tanong nito, nasa dagat ang tingin."Wala nga." kunot ang noong sagot niya."'Yong lalaking kasama niyo?" hindi pa rin sa kanya nakatingin na wika nito."Ha? Hindi ko bf 'yon, no. Pinsan 'yon ni Lloyd, nakisabit lang din.""Ows?" naka-angat ang isang kilay na sa wakas ay tumingin din ito sa kanya. "Kulang na lang ipagbalat ka ng hipon, ah,"Oh my gosh, Greg. Nagseselos ka ba?"Ganon lang siguro siyang ka-caring sa kaibigan.""Ganon na ba uso ngayon?""Yap. Katulad n'ong friend mo.""Sino?" bahagya nitong ikinunot din ang noo.
KevinHi, kumusta?ToniHello, ayos naman. You?KevinAyos lang din. Saturday ngayon, gusto mo mag-hang out? Pupunta yata si Lloyd kila Tin, let's join them, para masaya.ToniAhh... hindi ko alam kung papayagan ako, eh. May party dito mamaya sa bahay, birthday n'ong isang friend ni ate, dito daw gagawin, kasi nag-do-dorm lng 'yon dito sa manila, sa cebu ang bahay nila, eh, bawal yata sa dorm.KevinAh, gan'on ba? Eh, kung kami na lang kaya pumunta diyan? Tamang-tama, libre na food. Hahaha... joke lang.ToniHehe, sira ka talaga. Next time na lang. Nakakahiya naman mag-invite, hindi naman ako ang may birthday.KevinSabi mo 'yan, ha.Toni
HABANG lumalalim ang gabi ay isa-isa nang nagkakalasingan ang mga kaibigan niya.Kanya-kanya nang pwesto ng tulog ang mga lalaki sa sala. Habang ang mga babae ay sa kwarto ni Dawn matutulog.Hindi siya masyadong uminom sapagkat hinihintay niya ngang dumating si Toni.Napatingin siya sa orasan sa pader.Alas dose na. At nagkukukot ang kalooban niya sapagkat wala pa rin ang kasintahan.Swit❤Sweetheart, nasaan ka na? Twelve midnight na po, Cinderella.Swit❤Sweetheart...Swit❤Please, magreply ka naman para alam ko kung okay ka...Swit❤Galit ka pa ba? Please, huwag naman pong ganyan, nag-aalala na ako.Swit❤Sweetheart..My SweetheartPauwi na ako.Swit❤Thank Go
KATATAPOS lang ng klase nina Toni at naglalakad sila palabas ng University nang tumunog ang cellphone niya. Napangiti pa siya nang makita ang pangalan ng kasintahan."Hello, beautiful!" bungad kaagad nito nang sagutin niya ang tawag"Hi, handsome!" sagot niyang may malapad pa ring ngiti. "How's your day, Sweetheart?""Hmm... kanina okay naman, pero parang ngayon hindi na.""Aww... why po?" malambing ang tinig na aniya rito, hindi alintana ang nagtatakang tingin ni Kevin, na kasabay niyang naglalakad.Patay malisya naman si Tin na humigit kumulang, alam na kung sino ang kausap niya."I hate seeing my girlfriend with another guy."Kunot ang noong magpalinga-linga siya sa paligid.Nakikita niya ako?"Huh? Nasaan ka po, Sweetheart?"Nandito sa labas ng school ng girlfriend ko, susunduin ko sana siya, pero may kasabay na pala siyang iba." anito sa pinalungkot pang tinig.Lalo niyang pinagbuti ang paglinga-
"BEZ, nasaan ka na ba?""Heto na, malapit na po. Kasi naman, ang aga-aga ng pina-schedule mo sa spa eh..." tinawagan siya ng kaibigan kahapon at sinabi nga na nagpa-appointment ito sa isang kilalang Spa. Regalo raw nito iyon sa kanya sa kanyang kaarawan.Nang araw na iyon ang ika-labing walo niyang kaarawan. Tinanong siya ng mga magulang niya kung gusto raw ba niya ng magarbong party at imbitahin ang mga kaklase niya ngunit tumanggi siya. Sinabi niyang nais lamang niya magdinner kasama ang ate niya at mga kaibigan. Sina Tin, Lloyd at Kevin lamang naman ang masasabi niyang mga talagang kaibigan niya sa school. Iyong iba ay mga pawang kakilala lang.Kahit na sinabi niya na kay Greg ang tungkol sa birthday dinner niya ay sinabihan pa rin niya ang kapatid na imbitahan si Greg. Baka kasi magtaka ito kung bakit bigla na lamang sumulpot doon ang kaibigan nito.Noong una ay bahagya itong natigilan sa sinabi niya, bago animo wala sa loob na marahang tumango.
AFTER TWO YEARS.."Bez, malapit na graduation, pa-make-over tayo..."Nag-angat si Toni ng tingin mula sa mga reviewers na nasa harapan niya nang magsalita ang kaibigan."Huh? Bakit? Okay na yan, maganda na tayo, no! No need." nakangiti niyang sabi ngunit dahil kilalang-kilala siya ni Tin, nakita agad nito na walang buhay ang ngiting pinakawalan niya.Lihim itong malungkot na nailing.Sa loob ng dalawang taon ay ilang beses niya ring binalak na kausapin si Greg kung bakit nito iyon nagawa sa kaibigan niya.Naramdaman at nakita niya kung gaano nito kamahal si Toni nang kausapin siya nito na gawing espesyal ang araw iyon para sa nobya, habang ito naman ang punong-abala sa paghahanda ng dinner party para dito.Kaya't hindi siya makapaniwala nang sabihin sa kanya ni Toni na iniwan siya ni Greg at hindi niya alam kung bakit.Makailang beses siyang tumawag dito... at may ilang pagkakataon ding pu
"BEZ, jobless na naman ako..." nakapangalumbabang malungkot niyang sabi sa kaibigan.Mula nang maka-graduate siya ng kolehiyo ay ilang beses na rin siyang nag-apply at natanggap sa trabaho. Ngunit lagi na ay kung hindi siya tinatanggal ng mga asawa, o girlfriend ng mga nagiging amo niya, ay disimulado naman siyang minumolestiya ng amo niya kaya't nagreresign siya."Huh?! Three days ka pa lang, ah. Ano na naman ang nangyari?" gulat na tanong ni Tin matapos ibaba ang hawak nitong milk tea.Dahil restday ni Tin ay napagkasunduan nilang magkita sa paborito nilang tea house. Medyo matagal na rin naman mula nang huli silang nag-bonding ng sila lamang dalawa. Madalas ay kasama nila sina Lloyd at Kevin, o, pareho silang busy kaya't wala nang oras para magkita pa sila.Pahablot na inabot niya ang milk tea na nasa harapan at sumimsim muna doon bago nagsalita."Putcha, manyakis pala iyong may-ari ng company. Pagbigyan ko lang daw siya, kahit isang gabi lang,
AFTER TWO MONTHS"EVERYTHING is set, guys." malawak ang pagkakangiting sabi ni Tin, na magkasalikop pa ang dalawang kamay sa harap ng dibdib. "May naka-line up na rin tayong mga clients," anito at saka humarap sa kanya. "Grabe, bez... this is it. Ito na yata ang simula ng pagyaman natin.""Hon, masyado kang excited. Huwag munang magbilang ng mga sisiw, hangga't hindi pa napipisa ang mga itlog." nangingiting sabi ni Lloyd sa kasintahan.Alam naman niyang inaasar langnito ang kaibigan niya.Agad namang napalis ang ngiti sa labi ni Tin sa narinig at naniningkit ang mga matang hinarap ang kasintahan."Heh! Panira ka ng moment, diyan," inis pa ring inirapan nito ang kasintahan at... "...itlog mo pisain ko diyan, eh." bulong nito na ikinatawa niya.Alam niyang sinadya ng kaibigan na ibulong iyon upang siya lamang na malapit dito ang siyang makarinig."Oh, kayong dalawa, baka mag-away pa kayo." nakangiti
"What?!" bakas ang pagkagulat sa mga mata at tinig ni Toni sa sinabi ng kasintahan. "Nah... of course, you're joking.""Sweetheart, i'm not." bahagya siyang napalunok nang makitang seryoso nga ang mukha nito."Seryoso? As in...?""Damn, serious!" tumatango-tango pang sabi muli nito."B-but... I mean..." hindi niya alam kung ano ang sasabihin at kung papaano magre-react.Seryoso talaga?Naka-angat naman ang kilay nakatingin sa kanya si Greg. Nagtatanong ang mga mata."H-how? I mean... gan'on kabilis? Are we in a rush, here?""I am." seryoso pa ring sagot ng binata. "Ayaw mo ba?" she can sense insecurity in his voice."Of course, not." mabilis niyang sagot. "Look... I want to marry you, alright, but... do we really have to make it, tomorrow? Paano ang parents ko? Ni hindi pa nga kayo nagkikita, hindi ka pa nga namamanhikan? And besides, gusto ko, kapag kinasal ako, nandito sila."
KUNG naging lalaki lamang siguro si Chloe, ay kanina pa ito nasaktan ni Greg, sa labis na galit na nadarama niya nang mga oras na iyon.Nag-uumigting ang mga ugat sa kanyang kamao sa higpit ng pagkakakuyom, dahil sa pagpipigil na masaktan ang dalaga."From now on, stay away from me, and Toni. Sa susunod na lumapit ka pa sa amin, hindi ko na alam kung makakaya ko pang pigilan ang sarili ko." naniningkit ang mga matang sabi niya.Kahit ano'ng gawin nito ay hindi niya kayang kalimutan na lamang ang lahat ng mga ginawa nito. Kamuntikan na siyang iwan ni Toni nang dahil sa kagagawan nito."Ayoko nang magkaroon pa ng kahit na ano'ng kaugnayan sa'yo!" nagngangalit ang mga bagang na mariin niyang sabi. "Not even as friends, this time, Chloe!"Mariing napalunok si Chloe at nanlaki ang mga mata sa intensidad ng mga sinabi niya. "You can't do that to me!"Umangat ang gilid ng mga labi niya sa isang pagak na ngiti. "Try me." nagh
KUNG naging lalaki lamang siguro si Chloe, ay kanina pa ito nasaktan ni Greg, sa labis na galit na nadarama niya nang mga oras na iyon.Nag-uumigting ang mga ugat sa kanyang kamao sa higpit ng pagkakakuyom, dahil sa pagpipigil na masaktan ang dalaga."From now on, stay away from me, and Toni. Sa susunod na lumapit ka pa sa amin, hindi ko na alam kung makakaya ko pang pigilan ang sarili ko." naniningkit ang mga matang sabi niya.Kahit ano'ng gawin nito ay hindi niya kayang kalimutan na lamang ang lahat ng mga ginawa nito. Kamuntikan na siyang iwan ni Toni nang dahil sa kagagawan nito."Ayoko nang magkaroon pa ng kahit na ano'ng kaugnayan sa'yo!" nagngangalit ang mga bagang na mariin niyang sabi. "Not even as friends, this time, Chloe!"Mariing napalunok si Chloe at nanlaki ang mga mata sa intensidad ng mga sinabi niya. "You can't do that to me!"Umangat ang gilid ng mga labi niya sa isang pagak na ngiti. "Try me." nagh
HABANG nasa biyahe si Greg ay hindi niya maubos-maisip kung papaanong naroon si Chloe sa condo niya, sa dalawang pagkakataon na nagpunta doon si Toni.Kailangan niya talagang malaman ang katotohanan. Hindi siya papayag na ang mga pangyayaring iyon ang maging dahilan ng pagkasira nila ng kasintahan.Dahil babalik din naman siya agad sa condo niya, ay hindi na siya nag-abala pang ipasok sa loob ng gate ang sasakyan niya; ipinark niya na lamang ito sa tapat ng mansyon.Walang kamalay-malay ang mga tao sa loob sa pagdating niya. Nasa pinto pa lamang siya ay dinig niya na ang usapan ng mga ito."I guess, your plan worked. Greg wants to see you." dinig na dinig niyang sabi ng Mama niya na nagpatiim ng mga bagang niya. "Sana talaga, hindi na magpakita ang babaeng 'yon. And, I hope, too, na bayad na ako sa pagkakautang ko sa'yo." nangunot ang noo niya sa huling sinabi ng ina.Pinili niyang manatili na lamang sa labas ng pintuan. Nais ni
FLASHBACKPagkatapos na maihatid ni Toni sa opisina ang mga papeles na kailangan ni Tin, ay nagmamadali na siyang nagpaalam sa kaibigan at sinabing kailangan niyang puntahan si Greg sapagkat may sakit ang nobyo, at hindi pa ito nakakainom ng gamot, at sa malamang, ay hindi pa rin kumakain, dahil mag-isa lamang ito sa unit nito.Dumaan muna siya sa isang restaurant upang bumili ng makakain nito at pagkatapos ay sa drugstore naman, para sa gamot na ipaiinom niya rito pagkatapos.Naiiling-nangingiti pa siyang pumasok sa unit nito sapagkat katulad nga ng sinabi nito, ay hindi nga nito ini-lock ang pinto, para hindi na raw siya mahirapan pa sa pagkatok. Naalala niya ang naging pag-uusap nila kanina sa text, kaya't lalong lumawak ang ngiti niya, kasabay ng pag-iinit ng mga pisngi.Pagpasok, ay agad siyang dumeretso sa kusina upang ayusin ang biniling pagkain at saka niya gigisingin ang binata upang makakain na at mapainom ng gam
TINHey, kumusta? Nag-usap na ba kayo?TONINope. But it's over.TINWhat? Akala ko hindi pa kayo nakakapag-usap?TONIYeah. I tried. I went to his condo... guess kung sino ang inabutan ko?TIN???TONIThat girl again!TINBez, malay mo naman iniinis ka lang ng babaeng yon? You know how bitchy she is.TONIShe's only wearing Greg's shirt again, paano mo ipaliliwang yon? And, someone's in the shower.TINSigurado ka ba'ng siGreg yon?TONIBez, hindi naman ako siguro nagkamali ng pintong kinatok. Condo niya yon, malamang siya yon!Bez, I need you now. I am so broke. I need my bestfriend.
DAWNMom called, she said, Toni texted her and that, she wants to live there... for good.GREGWHAT?! God, Dawn, I really have to see her before it's too late.It's not that, I can't follow her there, God knows, i'll follow her, kahit saan man siya magpunta.Until now, i'm still clueless kung ano ba talaga ang nangyari, kung bakit siya umalis. And now, you're telling me that she wants to live there, for good? Dammit, Dawn, masisiraan na ako ng bait sa kaiisip!DAWNI'm sorry Greg, kung may magagawa lang talaga ako.¤¤¤¤¤¤¤¤¤GREGSweetheart, where are you?Please, at least, assure me that you're okay.I missed you, so much, don't you missed me, too? Don't you love me, anymore?Dammit, Toni! Don't you think, I deserve at least
TONISweetheart, nasaan ka? Galing ako sa office mo, wala ka raw. Sabi ng secretary mo hindi ka raw pumasok. Balak sana kitang i-surprise, kainis wala ka pala.GREGHi, Sweetheart, nandito ako sa condo, hindi ako nakapasok masama pakiramdam ko, eh.TONIHa? Nakainom ka na ba ng gamot?Bakit hindi mo kaagad ako tinawagan?GREGHindi pa, eh. Pagtingin ko sa medicine cab ko, expired na pala yung stock kong paracetamol.Tagal na pala noong huli ako nagkasakit, akalain mo tinatablan pa pala ako?TONIHay nako, swit❤, napaka-careless mo talaga. Bili lang ako ng paracetamol, dalhan na din tuloy kita ng food. Ano ba ang gusto mo kainin?GREGIkaw?TONISWEETHEART!GREGHaha
MAMAGreg, where are you?GREGMa, papunta na ako diyan. Bakit? May ipabibili ka ba?MAMANothing, i'm just checking on you. Ang tagal mo kasi eh. Naiinip na ako dito.Hindi pa ba talaga ako pwedeng lumabas at sa bahay na lang magpagaling?GREGMa, huwag nang matigas ang ulo mo. Sabi ng doktor kailangan mo pa raw obserbahan. Baka mga three days ka pa diyan para sa mga test na gagawin sa'yo.MAMABut Greg, I am so bored here, wala man lang akong makausap dito.GREGMa, para kang bata. I just want to make sure na okay ka na.MAMAHay nako, Greg, bahala ka na nga. Nasaan ka na ba?GREGDadaanan ko lang si Toni at sabay kaming pupunta diyan.MAMANO! Gr