"BEZ, jobless na naman ako..." nakapangalumbabang malungkot niyang sabi sa kaibigan.
Mula nang maka-graduate siya ng kolehiyo ay ilang beses na rin siyang nag-apply at natanggap sa trabaho. Ngunit lagi na ay kung hindi siya tinatanggal ng mga asawa, o girlfriend ng mga nagiging amo niya, ay disimulado naman siyang minumolestiya ng amo niya kaya't nagreresign siya.
"Huh?! Three days ka pa lang, ah. Ano na naman ang nangyari?" gulat na tanong ni Tin matapos ibaba ang hawak nitong milk tea.
Dahil restday ni Tin ay napagkasunduan nilang magkita sa paborito nilang tea house. Medyo matagal na rin naman mula nang huli silang nag-bonding ng sila lamang dalawa. Madalas ay kasama nila sina Lloyd at Kevin, o, pareho silang busy kaya't wala nang oras para magkita pa sila.
Pahablot na inabot niya ang milk tea na nasa harapan at sumimsim muna doon bago nagsalita.
"Putcha, manyakis pala iyong may-ari ng company. Pagbigyan ko lang daw siya, kahit isang gabi lang, at ipo-promote niya daw ako agad." pakiramdam niya ay na-high blood siya nang maalala ang sinabi ng huli niyang naging boos. "Ang kapal ng face, eh, ang pangit niya kaya, no. Feeling niya papatulan ko siya? Ayon, hinampas ko ng folder sa mukha!"
Nanlaki ang mga mata ni Tin sa sinabi niya. "Ginawa mo 'yon? Sira ka, mamaya maimpluwensya pala 'yon, pina-blacklist ka, mahirapan ka nang maghanap ng trabaho."
Paismid siyang ngumiti dito.
"Hindi niya gagawin 'yon, no. May asawa at mga anak 'yon, takot niya lang sa eskandalo."
"Eh, pa'no 'yan? Tambay ka na naman?" parang pati ito ay namroblema sa sitwasyon niya. Noong isang buwan lang, nag-resign ka kasi nahuli mo ang boss mo na binobosohan ka pala, bago 'yon, iyong ka-work mo, hina-harass ka... Hay nako, bez, why so pretty, kasi? Lagi na lang pinag-iinteresan!"
"Hay nako, ewan ko nga ba..." she heaved a frustrated sigh. "Ang gusto ko lang naman, makapag-tranaho eh, para magamit ko naman ang pinag-aralan ko. Bakit ba laging may mga manyakis at epal sa mundo?" naiiling na muli siyang sumimsim ng milk tea. "Ikaw? Kumusta naman 'yong work mo?"
Nagkibit ng balikat si Tin bago sumagot.
"Ayon, okay naman. Medyo nakaka-stress nga lang kasi ang.sungit ng manager namin, pero carry naman, kaysa wala."
"Haist, ang malas natin sa work!" minsan pa siyang bumuntong-hininga na tila pasan ang mundo. Nang mapatingin siya sa kaibigan ay tila may umilaw na bumbilya sa isip niya. "Eh, kung magtayo na lang tayo ng sarili natin?" nakangiting aniya rito.
"Huh?! Eh, ano naman ang itatayo natin? Kaya ba natin?" kunot ang noong balika-tanong nito.
Saglit siyang nanahimik at napaisip kung ano nga ba ang magandang itayo nilang negosyo. Iyong pasok sa field nila. Kapwa sila gumraduate sa kursong Hotel and Restaurant management. Ano pa nga ba ang pinakamalapit na negosyo sa kursong iyon?
Pagkain!
"Ahhmm... why not, catering business? Hindi naman natin kailangan ng malaking kapital d'on, kasi kapag may client naman, magbibigay naman sila ng half na down payment, 'di ba? Kailangan lang, makapag-produce tayo ng mga gagamitin natin, like plates, spoons, trays, warmers, and all, 'di ba?" hingi niya ng opinyon dito. "Ask mo kaya sina Lloyd and Kevin kung gusto nila makisosyo sa atin, mas hindi masyadong mabigat kung marami tayo."
Agad ding sumilay ang ngiti sa mga labi ng kaibigan.
"Ay, parang bet ko 'yan, Bez... at least tayo na ang boss ngayon, 'di ba?"
"Korek!" abot hanggang tainga rin ang ngiti niya sa sinabi nito.
Hindi pa man ay nakakaramdam na siya ng sobrang excitement sa pinag-uusapan nila.
"Sige. pag-uusapan namin ni Lloyd 'yan. Sana pumayag siya." naroon din ang saya at excitement sa tinig nito. "Ang alam ko, iyong dating restaurant nila pina-close 'yon kasi wala nang magma-manage, hindi na maasikaso ng parents niya. So, may place na sila, and may mga kitchen tools na rin. Tingnan na lang natin, kung ano pa ang mga pwedeng magamit."
"Talaga?! Good. Maganda 'yan, mas lalong hindi malaki ang ilalabas nating pera. Teka... baka hindi pumayag ang parents niya, nakakahiya."
Ipinaikot ni Tin ang mga mata. "Papayag 'yon, no! Buti nga bibigyan natin ng direksyon ang buhay ng unico hijo nila, eh. Kaysa naman ayun, panay lang ang COC sa bahay, sustentado eh."
Tinawanan niya ito ng nakakaloko.
"Nice...! Parang asawa lang pumutak, ah!"
"Hay nako, eh, papano ko siya pakakasalan kung puro sarap lang ang gusto niya sa buhay? Ano? Aasa lang kami sa parents niya? No way!" tila kunsumidong litanya pa rin nito.
Nakangiting tinaasan niya ito ng kilay.
"Bakit? Niyayaya ka na ba?"
"Of course!" taas naman ang noong sagot nito. "After graduation pa lang, actually. Sabi ko lang, hindi pa ako ready."
"Naks... gumaganun pa! Tapos kapag iniwan ka, iiyak-iyak ka!" kantiyaw niya rito.
"Sira. Siyempre naman, no, isipin din namin ang future. Saka, hindi ako iiwan n'on, mahal na mahal ako n'on."
Natutop nito ang bibig nang kagyat na mawala ang ngiti niya sa sinabi nito.
"Ay, sorry naman... hindi nakabusina." alanganing anito na nag-peace sign pa.
Mabilis din naman niyang ibinalik ang ngiti niya.
Ayaw niya ng bad vibes ngayon, baka malasin ang negosyong binabalak nila.
"Lukaret ka talaga!" nakangiting aniya rito. "Basta ha, kausapin mu agad si Lloyd kung willing ba sila makisosyo sa atin..."
"Of course. Akong bahala, papayag 'yon."
"SIS, ano na ang plano mo, saan ka na ulit mag-aaply?" tanong ng ate niya habang kumakain sila ng hapunan.
Naikwento na niya rito kung ano na naman ang nangyari sa trabahong pinang-galingan niya. Gayundin, sa iba pa, bago iyon.
Inabot niya ang baso ng tubig at uminom muna bago sumagot.
"Iyon na nga sana ang ibabalita ko sa iyo. Nagbabalak kami ni Tin na magtayo na lang ng sarili naming business." kaswal na sabi niya at muling sumubo.
"Talaga? Maganda nga iyan. Ano naman ang balak ninyong buksan?" tanong ng ate niya sa pagitan ng pagsubo.
"Catering sana. Tutal, pareho kaming HRM ang tinapos, bagay sa amin ang business na 'yon, 'di ba?"
"Hmm... tamang-tama, matutulungan ko kayo sa mga client n'yo. Pwede ko kayong irecommend sa mga client namin."
Flower shop ang business ng ate niya, at ng mga kaibigan nito. Mayroon nang sampung branch ang mga ito sa iba't ibang parte ng bansa.
"Kung kailangan mo ng extrang budget, magsabi ka lang, ha." muli ay sabi ng ate niya.
"Hayaan mo, ate, tatandaan ko iyan. Sa ngayon, may pera pa naman ako, eh." nakangiting sabi niya.
"Kayo lang bang dalawa ni Tin? Gusto mo bang makisosyo ako, or, hanap tayo ng iba na willing mag-invest sa business n'yo? Para hindi kayo masyadong mabigatan sa budget."
"Hmm..." umiiling na sabi niya. "Hindi ate, niyayaya namin sina Lloyd at Kevin. Relax ka lang, ate. Kaya namin 'to. Don't worry, 'pag hindi na, magsasabi talaga ako sa iyo."
"Okay." tumatangong sabi nito, bago kunot-noong tumingin sa kanya. "Maiba ako, iyon bang Kevin ay nanliligaw pa rin sa iyo, o, boyfriend mo na?"
Nagtataka man sa biglaang kuryosidad ng kapatid sa estado ng buhay-pag-ibig niya ay nakangiti niya pa rin itong sinagot.
"Sus, hindi, no! Matagal ko 'yong tinapat na hanggang friends lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya."
"Ahh... naitanong ko lang." lalo siyang nagtaka nang umilap ang mga mata nito. "I suggest, huwag ka muna papasok sa isang relasyon, baka pagsisihan mo lang."
"Promise, wala talaga."
"Teka... nagka-boyfriend ka na ba?"
"Huh..?! A-akala ko...--" nagtaka siya sa tanong nito.
Kung ganoon ay nagsinungaling din si Greg sa kanya noon?
Baka hindi naman talaga nito sinabi sa ate niya na magnobyo na sila, at wala talaga itong balak na sabihin, dahil wala rin naman itong balak na seryosohin niya.
Pinigilan niyang bumalatay ang sakit sa mga mata niya.
Wala na siyang balak na ipaalam pa sa ate niya ang nakaraan.
Para saan pa?
"Anong akala mo?" kunot-noo ang ate niya.
"A-ahh... wa-wala. Kalimutan mo na. Hindi ko alam kung seryosohan iyon o lokohan, kaya hindi ko rin alam kung oo, o, hindi ang isasagot ko." humigpit ang hawak niya sa kutsara sa tinatakbo ng isip niya.
"Huh? Bakit?" tila lalong lumalim ang kuryosidad ng kapatid.
Nagkibit muna siya ng balikat. "Sabi niya, mahal niya ako, pero iniwan niya ako noong mga panahong akala ko, siya na talaga." tila may bikig sa lalamunang sabi niya. "Noong asang-asa na ako na totoo lahat ng sinasabi niya. Sinabi niya sa aking mahal niya ako, tapos isang araw, biglang hindi na siya nagparamdam, biglang ayaw niya na..." namalayan niya na lamang na pagpatak ng mga luhang kanina niya pa pinipigilan.
Agad na tumayo ang kapatid niya at masuyong hinagod ang likod niya, matapos siyang abutan ng tissue.
"Sis, baka naman may reason kung bakit niya ginawa iyon."
"Paano ko malalaman kung wala naman siyang sinabi? Ni hindi siya nagpaliwanag," sumisigok pang sabi niya. "Kung nagpaliwanag siya, pakikinggan ko naman siya, eh. Kung sinabi niya sa akin kung ano'ng problema, pilit ko siyang iintindihin. Sana, sinabi niya man lang sa akin ang dahilan niya, kung bakit biglang ayaw niya na. Kung nagkulang ba ako, o, kung sumobra ba? Eh, di sana, baka sakali, naayos pa namin. Hindi iyong, bigla na lang siyang naglahong parang bula. Buti pa siguro, kung nambabae na lang siya, eh. At least, kahit papa-ano, baka ipinaglaban ko pa siya! Hindi iyong basta niya na lang akong iniwan ng walang kalaban-laban!" dahil mula nang mangyari iyon ay ngayon lamang nakapaglabas ng sama-loob, hindi niya maiwasang mapa-hagulgol.
"Shh..." pag-aalo ng ate niya habang panay ang hagod sa likod niya. "Lagi mong tatandaan na laging may dalawang mukha ang mga pangyayari. Anong malay mo, hindi niya rin naman ginusto 'yong mga nangyari. Saka, masyado ka pa namang bata n'on. Malay mo, iyon ang sa tingin niya, na mas tamang gawin. Believe me, balang araw, maiintindihan mo rin ang mga nangyari. And, hopefully, pagdating ng araw na iyon, buksan mo ang isip at puso mo para magpatawad." malungkot na sabi ng ate niya na nagpalito sa kanya.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" aniyang tumingala rito habang nagtutuyo ng luha.
"Nothing." blangko ang ekspresyon ng mukha nito. "Sige na, umakyat ka na at magpahinga. Ako na ang bahalang maglipit dito."
NANG nasa silid na siya ay hindi naman niya makuhang magpahinga.
Pakiramdam niya ay muling bumalik ang lahat ng sakit na naramdaman niya nang mga panahong iyon, na inakala niyang naibaon niya na sa limot.
Binuksan niya ang pinaka-ilalim na drawer sa tabi ng kama niya at kinapa sa pinaka-dulo ang isang kahon.
Nang makapa iyon ay maingat niya iyong inilabas at binuksan.
Lalo siyang napa-iyak nang tumambad sa kanya ang laman ng kahon.
Iyon ang kuwintas na iniregalo sa kanya ni Greg noong ika-labing walong kaarawan niya.
Kinuha niya iyon at pinakatitigan ang mga letrang naka-ukit doon.
Tandang-tanda niya pa ang mga sinabi nito nang ibigay sa kanya ang kuwintas.
Simbolo raw ito ng pagmamahal nito sa kanya.
"Puro kasinungalingan lang ang nakapaloob sa iyo. Ibenta kaya kita, nang makita niya ang hinahanap niya?" parang tangang umiiyak na kausap niya sa kuwintas. "Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon na ihampas kita sa pagmumukha niya." aniyang mapait na tumawa. "Hindi bale, sa susunod na magkita kami, sisiguraduhin ko na maglalaway na lang siya sa akin. Who you, talaga siya sa'kin!" aniyang lumuluha pa rin.
Natigil lang ang pag-e-emote niya nang tumunog ang cellphone niya.
Si Kevin.
Huminga muna siya ng malalim bago sagutin ang tawag.
"KEVIN..." bungad niya rito n pilit pinatatatag ang tinig.
"Hi," masiglang bati naman ni Kevin. "Nasabi na sa amin ni Tin ang tungkol sa plano n'yo... and we're in!"
"Talaga?!" tuwang sabi niya. "Thank you! Malaking tulong iyon sa amin ni Tin, lalo na, at may place na pala sina Lloyd, at least hindi na tayo uupang place para sa kitchen."
Kahit papaano ay napagaan ng balitang dala ni Kevin ang bigat ng dibdib niya.
"Nako, nung kinausap kami ni Tin, nanginginig pa si pinsan. Patay na patay..." anito saka malakas na tumawa.
Na nakapagpatawa rin sa kanya.
"Loko ka talaga!" naiiling pang sabi niya. "Sige na, kita-kita na lang tao para maplantsa ang mga details."
"Okidoki. See you... goodnight."
"Goodnight. And thank you, uli."
"Anytime. You know that."
"HI, still awake?" bati agad ni Greg nang bumkas ang kabilang linya.
"Yap. Kahihiga ko pa lang."
"So, ano nang balita? How is she?" tanong niya rito.
Sa loob ng dalawang taon ay ito ang naging koneksyon niya sa dalagang iniibig. Ibinabalita nito sa kanya ang lahat ng mga nangyayari sa dalaga at kung minsan ay hinihilingan niya itong panakaw na kuhanan ng litrato ang dalaga, saka ipadala sa kanya.
"Ayon, nag-resign na naman siya sa present job niya dahil kinukursunada na naman siya ng boss niya."
"What?! DAMN!" nagtatagis ang mga ngipin na halos ay sigaw niya
"Yes. Gusto pa yata siyang gawing kabit." pagbibigay impormasyon pa rin ng kausap.
"FUCK HIM!" napakuyom ang kamao niya sa sinabi nito.
Ilang saglit na pinakalma niya muna ang dibdib bago nagsalita.
"Anyway, kumusta naman siya? Is she okay?" medyo mahinahon na siya sa pagkakataong iyon.
"Oo naman. Nagpaplano sila ni Tin na magtayo ng catering business para hindi na raw sila mamasukan."
"Good. Mas mabuti na nga siguro iyon. And besides, baka matulungan ko pa sila
pagdating doon. But of course, with a little help from you, again."
Sure. Anything for her happiness."
"Thank you, goodnight!"
"You are always welcome, Greg. Goodnight."
AFTER TWO MONTHS"EVERYTHING is set, guys." malawak ang pagkakangiting sabi ni Tin, na magkasalikop pa ang dalawang kamay sa harap ng dibdib. "May naka-line up na rin tayong mga clients," anito at saka humarap sa kanya. "Grabe, bez... this is it. Ito na yata ang simula ng pagyaman natin.""Hon, masyado kang excited. Huwag munang magbilang ng mga sisiw, hangga't hindi pa napipisa ang mga itlog." nangingiting sabi ni Lloyd sa kasintahan.Alam naman niyang inaasar langnito ang kaibigan niya.Agad namang napalis ang ngiti sa labi ni Tin sa narinig at naniningkit ang mga matang hinarap ang kasintahan."Heh! Panira ka ng moment, diyan," inis pa ring inirapan nito ang kasintahan at... "...itlog mo pisain ko diyan, eh." bulong nito na ikinatawa niya.Alam niyang sinadya ng kaibigan na ibulong iyon upang siya lamang na malapit dito ang siyang makarinig."Oh, kayong dalawa, baka mag-away pa kayo." nakangiti
GREGHi, Sweetheart.GREGSweetheartGREGHeyGREGReply naman diyan...ALANGANING nginitian ni Toni ang kausap na kliyente nang sulyapan nito ang cellphone niya na sunud-sunod ang pagtunog. Pasimple niya iyong dinampot at sinilip ang mensahe."It's okay, you can take that," nakangiti namang sabi ng ka-meeting niya. "I'll just go to the restroom for a while.""Thank you." nakangiti ring sagot niya.Nang makaalis ito ay agad na napalis ang ngiti niya.May kasamang gigil na nagtipa siya ng sagot dito.TONIBakit ba? Nakakaistorbo ka, may kasusap ako'ng tao.GREGLalaki o babae?TONIWhat?GREGIyong kausap mo? Lal
PAGKAKAIN nila ay nagkanya-kanya nang hatid ang magpinsan sa kanilang magkaibigan. Inihatid ni Lloyd ang kasintahan nitong si Tin, at inihatid naman siya ni Kevin.Paghinto ng sasakyan sa mismong harap ng gate ng bahay nila ay nakangiting nagpasalamat siya kay Kevin at akmang bababa na, nang pigilan siya nito.Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ito."Ahm..." panimula nito na umayos ng upo at tumingin sa unahan ng sasakyan. "May... sasabihin sana ako sa'yo." anitong sa harap pa rin nakatingin.Bumaling siya rito na nagtatanong pa rin ang mga mata."May problema ba?" kunot-noong tanong niya rito."Gusto ko sana'ng ikaw muna ang maka-alam nito, e." hindi pa rin tumitinging sabi nito.Pina-ikot niya ang mga mata sa pagka-inip sa sasabihin nito. "Kevin, huwag mo na ako'ng bitinin, okay? Ano ba 'yon?"Tila lalo itong kinabahan. Huminga muna ng malalim bago nagsalita."Hindi ba, ang tagal ko naman nang nanliligaw s
PAGPASOK pa lamang ni Toni sa restaurant ay naririnig na niya ang boses ni Tin na nasa kitchen at tila aligaga sa pagbibigay ng instructions."Bez, aga-aga, ingay-ingay." aniya rito nang makapasok sa kitchen."Thank God, dumating ka rin, bez." anitong eksaheradang humawak pa sa dibdib. "May event tayo sa makalawa.""Oh, sa makalawa pa pala, maka-react ka, parang mamayang gabi na 'yong event." naiiling niyang sabi.Pinanlakihan pa siya nito ng mga mata bago muling magsalita. "Bez, big event 'yon. Two hundred pax. And take note, fully paid.""Wow!" kahit siya ay na-excite sa narinig.Nag-uumpisa pa lamang sila halos, at malaking break iyon para sa kanila."Pero teka," bahagyang napalis ang ngiti niya. "Kaya na ba natin ang ganoon kalaking event?""Kaya naman," tumatangong sabi nito habang masusing iniinspekyon ang mga rekadong nakapatong sa ibabaw ng mahabang lamesa. Metikulosa ang kaibigan pagdating sa mga bagay na iyon. Kailang
GREGSweetheart...GREGSweetheart...GREGSWEETHEARTTONIAno ba 'yon? Ang gulo mo na naman, may ka-meeting ako!GREGDate tayo?GREGHey..?GREGSweetheart...TONIAno ba, Greg? May kausapnga ako! Huwag ka munang magulo.GREGPumayag ka na kasi.GREGBakit ba kasi ako ang kinukulit mo? Bakit hindi si Chloe ang yayain mo?TONISweetheart, ramdam na ramdam ko, oh... hanggang dito.TONI
FLASHBACK"We need to talk." sinadya ni Greg si Dawn sa bahay ng mga ito nang masiguro niyang naka-alis na si Toni."Tungkol saan?" blangko ang ekspresyong tanong ni Dawn sa kaibigan, bagaman tila nahuhulaan na niya ang sasabihin nito.Huminga muna siya ng malalim bago tumingin sa mga mata ng kaibigan. Nais niyang makita nito ang sinseridad sa mga mata niya. "About Toni..."Nakita niya ang pag-angat ng isang kilay nito. "What about Toni?"Isa pang buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Dawn, gusto kong sabihin sa'yo 'to dahil pinahahalagahan ko ang pagka-kaibigan natin," matapang pa rin niyang sinalubong ang mga mata nito. "Gusto kong malaman mo na girlfriend ko na si Toni."Pilit niyang binabasa ang mukha ng kaibigan ngunit nanatiling blangko ang ekspresyon nito."What?" tanong niya maya-maya. Lalo siyang natetensyon sa pananahimik nito.Binigyan siya nito ng hilaw na tawa. "Bakit parang hindi na ako nagul
NANG makita ni Greg ang numero ng kasintahan na tumatawag ay mabilis niya iyong sinagot.Hanggang sa mga oras na iyon ay naroon pa rin siya sa bahay ng mga ito at matiyagang naghihintay na umuwi ito.Ayaw niyang umalis ng hindi naaayos ang kanilang hindi pagkakaintindihan. Masyado nang matagal ang ipinahintay niya rito. At hindi siya makapapayag na madagdagan pa iyon ng kahit na isang araw pa."Yes, Sweetheart, where are you? Umuwi ka na... nandito pa rin ako sa inyo, hinihintay kita. Mag-usap tayo, please..." bungad agad niya pagkabukas ng linya."No. Si Tin 'to. Nandito si Toni, lasing... iyak ng iyak."Kahit na papaano ay napanatag ang kalooban niya nang malamang doon ito tumuloy sa bahay ng kaibigan. Alam niyang ligtas ito doon.Kasabay noon ang labis pa ring pag-aalala sa sinabi ni Tin na lasing ito at umiiyak.Tila may malaking kamay na pumipiga sa puso niya sa kaalamang nasasaktan na naman ang babaeng mahal niya ng dahil na nam
LAST NIGHTMAYA-MAYA pa ay tahimik na ang dalaga. Paglingon ni Greg ay nakatulog na pala ito. Habang nakatingin siya sa dalaga ay ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat, mapatawad lamang siya nito.Nang makarating sila sa condo niya ay ipinasya niyang huwag na itong gisingin at pangkuin na lamang paakyat sa unit niya.Pagbukas niya pa lamang ng pinto ng sasakyan ay napansin niyang balisa ito at panay ang ungol. Naiiling na yumuko siya upang abutin ito at pangkuin. Nang masigurong komportable na ang dalaga sa mga bisig niya ay isinara niya ang pinto ng sasakyan. Ngunit hindi pa man siya nakaka-isang hakbang ay biglang sumuka ang dalaga. Dahil nga pangko niya ito ay sa katawan din ng dalaga napunta ang suka nito. Ang iba ay umagos na papunta naman sa binata."Oh, shit, Sweetheart... basang-basa ka tuloy," walang halong pandidiri, ngunit naroon ang pag-aalalang bulalas niya.Pagpasok nila sa unit niya ay idine
"What?!" bakas ang pagkagulat sa mga mata at tinig ni Toni sa sinabi ng kasintahan. "Nah... of course, you're joking.""Sweetheart, i'm not." bahagya siyang napalunok nang makitang seryoso nga ang mukha nito."Seryoso? As in...?""Damn, serious!" tumatango-tango pang sabi muli nito."B-but... I mean..." hindi niya alam kung ano ang sasabihin at kung papaano magre-react.Seryoso talaga?Naka-angat naman ang kilay nakatingin sa kanya si Greg. Nagtatanong ang mga mata."H-how? I mean... gan'on kabilis? Are we in a rush, here?""I am." seryoso pa ring sagot ng binata. "Ayaw mo ba?" she can sense insecurity in his voice."Of course, not." mabilis niyang sagot. "Look... I want to marry you, alright, but... do we really have to make it, tomorrow? Paano ang parents ko? Ni hindi pa nga kayo nagkikita, hindi ka pa nga namamanhikan? And besides, gusto ko, kapag kinasal ako, nandito sila."
KUNG naging lalaki lamang siguro si Chloe, ay kanina pa ito nasaktan ni Greg, sa labis na galit na nadarama niya nang mga oras na iyon.Nag-uumigting ang mga ugat sa kanyang kamao sa higpit ng pagkakakuyom, dahil sa pagpipigil na masaktan ang dalaga."From now on, stay away from me, and Toni. Sa susunod na lumapit ka pa sa amin, hindi ko na alam kung makakaya ko pang pigilan ang sarili ko." naniningkit ang mga matang sabi niya.Kahit ano'ng gawin nito ay hindi niya kayang kalimutan na lamang ang lahat ng mga ginawa nito. Kamuntikan na siyang iwan ni Toni nang dahil sa kagagawan nito."Ayoko nang magkaroon pa ng kahit na ano'ng kaugnayan sa'yo!" nagngangalit ang mga bagang na mariin niyang sabi. "Not even as friends, this time, Chloe!"Mariing napalunok si Chloe at nanlaki ang mga mata sa intensidad ng mga sinabi niya. "You can't do that to me!"Umangat ang gilid ng mga labi niya sa isang pagak na ngiti. "Try me." nagh
KUNG naging lalaki lamang siguro si Chloe, ay kanina pa ito nasaktan ni Greg, sa labis na galit na nadarama niya nang mga oras na iyon.Nag-uumigting ang mga ugat sa kanyang kamao sa higpit ng pagkakakuyom, dahil sa pagpipigil na masaktan ang dalaga."From now on, stay away from me, and Toni. Sa susunod na lumapit ka pa sa amin, hindi ko na alam kung makakaya ko pang pigilan ang sarili ko." naniningkit ang mga matang sabi niya.Kahit ano'ng gawin nito ay hindi niya kayang kalimutan na lamang ang lahat ng mga ginawa nito. Kamuntikan na siyang iwan ni Toni nang dahil sa kagagawan nito."Ayoko nang magkaroon pa ng kahit na ano'ng kaugnayan sa'yo!" nagngangalit ang mga bagang na mariin niyang sabi. "Not even as friends, this time, Chloe!"Mariing napalunok si Chloe at nanlaki ang mga mata sa intensidad ng mga sinabi niya. "You can't do that to me!"Umangat ang gilid ng mga labi niya sa isang pagak na ngiti. "Try me." nagh
HABANG nasa biyahe si Greg ay hindi niya maubos-maisip kung papaanong naroon si Chloe sa condo niya, sa dalawang pagkakataon na nagpunta doon si Toni.Kailangan niya talagang malaman ang katotohanan. Hindi siya papayag na ang mga pangyayaring iyon ang maging dahilan ng pagkasira nila ng kasintahan.Dahil babalik din naman siya agad sa condo niya, ay hindi na siya nag-abala pang ipasok sa loob ng gate ang sasakyan niya; ipinark niya na lamang ito sa tapat ng mansyon.Walang kamalay-malay ang mga tao sa loob sa pagdating niya. Nasa pinto pa lamang siya ay dinig niya na ang usapan ng mga ito."I guess, your plan worked. Greg wants to see you." dinig na dinig niyang sabi ng Mama niya na nagpatiim ng mga bagang niya. "Sana talaga, hindi na magpakita ang babaeng 'yon. And, I hope, too, na bayad na ako sa pagkakautang ko sa'yo." nangunot ang noo niya sa huling sinabi ng ina.Pinili niyang manatili na lamang sa labas ng pintuan. Nais ni
FLASHBACKPagkatapos na maihatid ni Toni sa opisina ang mga papeles na kailangan ni Tin, ay nagmamadali na siyang nagpaalam sa kaibigan at sinabing kailangan niyang puntahan si Greg sapagkat may sakit ang nobyo, at hindi pa ito nakakainom ng gamot, at sa malamang, ay hindi pa rin kumakain, dahil mag-isa lamang ito sa unit nito.Dumaan muna siya sa isang restaurant upang bumili ng makakain nito at pagkatapos ay sa drugstore naman, para sa gamot na ipaiinom niya rito pagkatapos.Naiiling-nangingiti pa siyang pumasok sa unit nito sapagkat katulad nga ng sinabi nito, ay hindi nga nito ini-lock ang pinto, para hindi na raw siya mahirapan pa sa pagkatok. Naalala niya ang naging pag-uusap nila kanina sa text, kaya't lalong lumawak ang ngiti niya, kasabay ng pag-iinit ng mga pisngi.Pagpasok, ay agad siyang dumeretso sa kusina upang ayusin ang biniling pagkain at saka niya gigisingin ang binata upang makakain na at mapainom ng gam
TINHey, kumusta? Nag-usap na ba kayo?TONINope. But it's over.TINWhat? Akala ko hindi pa kayo nakakapag-usap?TONIYeah. I tried. I went to his condo... guess kung sino ang inabutan ko?TIN???TONIThat girl again!TINBez, malay mo naman iniinis ka lang ng babaeng yon? You know how bitchy she is.TONIShe's only wearing Greg's shirt again, paano mo ipaliliwang yon? And, someone's in the shower.TINSigurado ka ba'ng siGreg yon?TONIBez, hindi naman ako siguro nagkamali ng pintong kinatok. Condo niya yon, malamang siya yon!Bez, I need you now. I am so broke. I need my bestfriend.
DAWNMom called, she said, Toni texted her and that, she wants to live there... for good.GREGWHAT?! God, Dawn, I really have to see her before it's too late.It's not that, I can't follow her there, God knows, i'll follow her, kahit saan man siya magpunta.Until now, i'm still clueless kung ano ba talaga ang nangyari, kung bakit siya umalis. And now, you're telling me that she wants to live there, for good? Dammit, Dawn, masisiraan na ako ng bait sa kaiisip!DAWNI'm sorry Greg, kung may magagawa lang talaga ako.¤¤¤¤¤¤¤¤¤GREGSweetheart, where are you?Please, at least, assure me that you're okay.I missed you, so much, don't you missed me, too? Don't you love me, anymore?Dammit, Toni! Don't you think, I deserve at least
TONISweetheart, nasaan ka? Galing ako sa office mo, wala ka raw. Sabi ng secretary mo hindi ka raw pumasok. Balak sana kitang i-surprise, kainis wala ka pala.GREGHi, Sweetheart, nandito ako sa condo, hindi ako nakapasok masama pakiramdam ko, eh.TONIHa? Nakainom ka na ba ng gamot?Bakit hindi mo kaagad ako tinawagan?GREGHindi pa, eh. Pagtingin ko sa medicine cab ko, expired na pala yung stock kong paracetamol.Tagal na pala noong huli ako nagkasakit, akalain mo tinatablan pa pala ako?TONIHay nako, swit❤, napaka-careless mo talaga. Bili lang ako ng paracetamol, dalhan na din tuloy kita ng food. Ano ba ang gusto mo kainin?GREGIkaw?TONISWEETHEART!GREGHaha
MAMAGreg, where are you?GREGMa, papunta na ako diyan. Bakit? May ipabibili ka ba?MAMANothing, i'm just checking on you. Ang tagal mo kasi eh. Naiinip na ako dito.Hindi pa ba talaga ako pwedeng lumabas at sa bahay na lang magpagaling?GREGMa, huwag nang matigas ang ulo mo. Sabi ng doktor kailangan mo pa raw obserbahan. Baka mga three days ka pa diyan para sa mga test na gagawin sa'yo.MAMABut Greg, I am so bored here, wala man lang akong makausap dito.GREGMa, para kang bata. I just want to make sure na okay ka na.MAMAHay nako, Greg, bahala ka na nga. Nasaan ka na ba?GREGDadaanan ko lang si Toni at sabay kaming pupunta diyan.MAMANO! Gr