KATATAPOS lang ng klase nina Toni at naglalakad sila palabas ng University nang tumunog ang cellphone niya. Napangiti pa siya nang makita ang pangalan ng kasintahan.
"Hello, beautiful!" bungad kaagad nito nang sagutin niya ang tawag
"Hi, handsome!" sagot niyang may malapad pa ring ngiti. "How's your day, Sweetheart?"
"Hmm... kanina okay naman, pero parang ngayon hindi na."
"Aww... why po?" malambing ang tinig na aniya rito, hindi alintana ang nagtatakang tingin ni Kevin, na kasabay niyang naglalakad.
Patay malisya naman si Tin na humigit kumulang, alam na kung sino ang kausap niya.
"I hate seeing my girlfriend with another guy."
Kunot ang noong magpalinga-linga siya sa paligid.
Nakikita niya ako?
"Huh? Nasaan ka po, Sweetheart?
"Nandito sa labas ng school ng girlfriend ko, susunduin ko sana siya, pero may kasabay na pala siyang iba." anito sa pinalungkot pang tinig.
Lalo niyang pinagbuti ang paglinga-linga sa paligid.
"Huh?! Sweetheart, please, tell me where are you... papaunahin ko
na sina Tin, tapos pupuntahan na kita."
"Sure? Baka nakaka-istorbo ako sa inyo..."
Ipinaikot niya ang mga mata... alam naman niyang nakikita siya nito. "Of course not, miss na po kita." malambing niya sabi.
"I'm here, sa harap ng burger stand, black Mercedes."
Nakita niya nga ang sinabi nitong sasakyan na nakaparada sa harap ng burger stand.
"Ikaw 'yon? Kaninong car 'yan?"
"Hiniram ko lang 'to sa friend ko, para walang makakita sa atin."
Natawa siya sa sinabi nito.
"Ikaw talaga! Sige po, paalam na ako sa kanila, tapos punta na ako diyan."
"Okay. "
Pagkababa ng tawag ay saka lamang niya napansin na nakahinto na pala sila sa tapat ng gate at sa kanya nakapako ang tingin ng tatlong kasama.
Alanganin niyang nginitian ang mga ito at nag-iwas ng tingin kina Kevin at Lloyd. Kay Tin niya ipinaling ang tingin.
"Ahm... Bez, una na pala kayo." tiningnan niya ito ng makahulugan at base sa marahang pagtango nito ay alam niyang naintindihan nito ang nais niyang sabihin.
Bumaling siya kina Kevin at Lloyd at nginitian ang mga ito.
"Paesenya na, next time na lang pala ako sasama sa inyo maglunch. May lalakarin pala ako, nakalimutan ko."
Kahit nagtataka ay nakuhang ngumiti ni Kevin, habang wala naman siyang nakitang kakaiba sa ekspresyon ni Lloyd. Nakangiting tumango lamang ito habang nakaakbay sa kasintahan.
"Gan'on ba?" ani Kevin. "Hatid na kita sa pupuntahan mo," alok pa nito.
Mabilis siyang umiling. "No thanks. Tuloy n'yo na lang 'yung lunch n'yo."
Bakas ang panghihinayang sa mukha ni Kevin.
Tumingin naman siya ng makahulugan kay Tin, anyong nagpapasaklolong segundahan ang sinabi niya, na mabilis naman nitong naintindihan.
"Oo nga, Kevin, let's go. Hayaan mo na 'yang bestfriend ko, kaya niya na sarili niya."
Tumingin muna si Kevin kay Tin bago bumalik ang tingin sa kanya.
"Sure?" paniniyak pa nito.
"Sure." nakangiti pa niyang sabi.
Lumapit siya kay Tin upang humalik sa pisngi nito. "Thanks." bulong niya, bago lumayo dito.
Doon lamang siya tinapunan ng nagtatakang tanong ni Lloyd na alam niyang narinig ang ibinulong niya sa kasintahan nito.
Matamis niya lang itong nginitian.
NANG makaalis ang tatlo ay saka pa lamang siya naglakad patungo sa sasakyang sinabi ni Greg. Sa passenger's seat na siya dumeretso at agad na binuksan ang pintuan niyon... hindi na naka-lock.
"Hi." bati niya rito nang makasakay.
"Hi, yourself." walang ngiting sabi nito na binuhay na ang makina.
Tumatakbo na sila nang muli siyang bumaling dito. Hindi niya matiis ang katahimikan lumulukob sa buong sasakyan.
"Galit ka?" alanganin niya tanong dito.
Wala pa ring imik na umiling ito.
Humugot na lamang siya ng malalim na paghinga at saka bumaling ng tingin sa labas ng bintana. Alam niyang may kinalaman si Kevin sa pagsusungit nito.
"School mate pala kayo ng Kevin na 'yon? Akala ko ba pinsan lang siya ng boyfriend ni Tin?" maya-maya ay sabi nito.
Noon siya lumingon at tumingin dito.
"Yeah." aniyang may kasama pang tango. "Nagpatransfer siya sa school, last week."
"At nanliligaw na siya sa iyo?" wala pa ring makikitang emosyon sa mukha nito.
"Nagseselos ka?" nangingiting tanong niya rito.
Sumulyap lang ito sa kanya na tila ba sinasabing, 'tinatanong pa ba 'yon?', bago ibinalik muli ang mga mata sa daan.
Nangingiti pa ring umiba siya ng upo. Nakaharap na dito.
"Sweetheart, wala ka pong dapat na ikaselos kay Kevin, ikaw nga ang man of my dreams, remember?"
Mataman siyang nakatitig dito kaya't nakita niya ang paglambot ng ekspresyon nito at ang pinipigil na ngiti.
"Ayee... kinilig!" tukso niya pa rito sabay sundot sa tagiliran nito na ikinaigtad ng binata.
"Sweetheart, i'm driving,"
Isa pa uling sundot sa tagiliran nito ang ginawa niya.
"Sabihin mo munang hindi ka na galit at kinikilig ka." pangungulit niya rito.
Hinuli nito ang kamay niya at dinala iyon sa mga labi nito saka pinagkawing ang mga daliri nito.
"Sweetheart, alam mong hindi ko kayang magalit sa'yo," ani Greg at minsan pang hinalikan ang kamay niyang hawak pa rin nito.
"At kinikilig ka?" nakangiti pa ring kulit niya muli dito.
Parang siya yata ang kinikilig!
Urgh!
Nakangising kinindatan lamang siya nito.
"Saan mo gustong kumain?" tanong nito kapagkuwan.
Umangat ang isang kilay niya sa tanong nito.
"Baka may makakita sa'tin."
Unti-unting napalis ang ngiti sa mga labi nito.
Nakaramdam naman siya ng pangongonsensya. Ayaw niyang isipin nito na ikinahihiya niya ito. Pero natatakot talaga siyang may makakita sa kanila at makarating sa ate niya. Siguradong mahabang paliwanagan kung bakit sila magkasama ng binata.
"Sorry." aniyang nagbaba ng tingin.
Nakakunawa namang pinisil nito ang kamay niya.
"It's okay." saka siya nito binigyan ng nakakaunawang ngiti. "Don't worry, we'll eat somewhere, na walang makakakita sa atin."
Muli siyang ngumiti rito at tumango.
Napakaswerte niya talaga sa pagiging understanding ng nobyo kahit minsan alam niyang hindi ito sang-ayon sa gusto niya ay pinipilit pa rin siya nitong intindihin.
Wala na talaga siyang mahihiling pa rito.
Binitiwan nito ang kamay niya at dinampot ang telepono nito. Maya-maya lamang ay may kausap na ito.
Hindi niya gaanong nainitindihan ang mga sinabi nito ngunit kumabog ang dibdib niya at napaawang ang mga labi nang marinig niya ang salitang 'suite'.
Jusko, maghohotel na yata kami!
Ready na ba ako?
Nang ibaba nito ang tawag ay ang lapad ng ngiti nitong sumulyap muli sa kanya.
Nawala ang ngiti nito sa mga labi nang makita ang reaksyin niya.
"Are you okay?" tanong nito habang pasulyap-sulyap sa kanya at muling ibabalik ang tingin sa kalsada.
"Ahm... I heard, you reserved a suite, for us?" paniniyak niya sa narinig.
"Yeah, why?" parang walang anuman na sabi nito.
Kahit malamig ang sasakyan, pakiramdam niya ay pinawisan siya nang kumpirmahin nito ang narinig niya.
"Ahm... ah, Sweetheart..." hindi siya makaapuhap ng sasabihin.
Kunot noong sinulyapan siya nitong muli.
"Is there a problem, Sweetheart?"
Muli nitong inabot ang kamay niya na ikinapitlag niya pa. Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Greg.
"Sweetheart...?" nagtatanong ang mga mata nito.
"Sweetheart... ahm... I d-don't think... ahm.." hindi niya alam kung papaano sasabihin ditong hindi pa siya handa sa mga ganoong bagay. "I d-don't think, i'm ready for that."
Kunot ang noong tumingin ito muli sa kanya... anyong naguguluhan sa sinasabi niya.
"Sweet--"
"Please, try to understand, Sweetheart... nag-aaral pa ako, and mag-e-eighteen pa lang ako, in two weeks time... ayoko naman na kapag tinanong ako ng anak natin kung kailan ako na-de-verginize, seventeen ang isasagot ko sa kanya... that's not even a legal age, right?"
Unti-unting namilog ang mga mata ni Greg sa sinabi niya. Tila noon lamang rumehistro sa isip nito kung ano ang ibig niya sabihin.
"Sweetheart..." pagpapatuloy pa rin niyang hindi pinansin ang anyo nito. "...pwede bang after ko na lang mag-eighteen?" nananantiya pang aniya rito.
Pumuno sa buong sasakyan ang paghagalpak ng malakas na tawa ni Greg. Hitsurang aliw na aliw.
Siya naman ang nangunot ang noo rito.
"Sweetheart..." hindi pa rin naghuhupa ang tawa nito. "I wasn't thinking of that, you silly!"
"Eh, ano ang gagawin natin sa motel?" takang tanong pa niya.
"Hotel, Sweetheart... not motel." hindi pa rin ito nakakarecover sa katatawa.
Sinamaan niya ito ng tingin at sinimangutan. Pinagtitripan ba siya nito?
Pilit naman nitong pinigil ang pagtawa ngunit naroon pa rin ang kislap ng pagkaalis sa mga mata. "Sweetheart... mali ka ng iniisip. Wala akong balak na masama noong naisip kong magpabook ng hotel."
"Eh, ano nga ang gagawin natin d'on? Huwag mong sabihing manananghalian lang tayo doon?"
"I'm telling you now... manananghalian lang tayo doon."
Binigyan niya ito ng nagdududang tingin.
Natatawa pa ring hinalikan nito ang kamay niya.
"Trust me, Sweetheart... I am never after that. Kakain lang talaga tayo d'on." seryoso na ito sa pagkakataong iyon. Tila nais iparamdam sa kanyang totoo ito sa sinasabi. "And I want to be with you... iyong tayong dalawa lang. Where, I could kiss you, and nobody will see and judge."
Bagaman naroon at mababanaag ang labis na pagmamahal sa mga mata nito... there's something else na hindi niya matukoy.
Nangunot ang noo niya.
"Sweetheart--"
"It's okay, Sweetheart. I love you... and it's all that matters." madamdaming sabi ni Greg.
Muli siyang nakaramdam ng pangongonsensya. Alam niyang nahihirapan ito. Dahil nasa legal nang edad si Greg, alam niyang hindi ito sanay na itinatago ang relasyon. O, na itinatago ito.
"I'm sorry, Sweetheart, alam kong nahihirapan ka na sa sitwasyon natin." humilig pa siya sa balikat nito. "Don't worry, two weeks na lang po, and magiging legal na tayo." nag-angat siya ng tingin at ipinatong ang baba niya sa balikat nito habang nakatingin dito.
Muling may nakiraang kung ano sa mga mata nito na hindi niya matukoy, inignora na lamang niya. "And, in two weeks, promise ready na ako."
Kunot-noo munang tumingin ito sa kanya. At nang sa tila ay naiproseso na sa utak kung ano ang sinabi niya at matamlay itong ngumiti sa pagtataka niya, at saka siya hinalikan sa noo.
"Silly." mahinang anito. "That's not what I want you to promise." seryoso nitong sabi.
Nahihiwagaan na talaga siya sa nobyo.
"What, then?"
"I want you to promise me, that you'll finish your studies, the soonest time possible. After your graduation, you'll see me... patiently waiting to claim what you were offering. I'll gladly claim it, by that time. Promise me, you'll wait..."
Muling nangunot ang noo niya.
"Ako talaga?"
Ngumiti ito sa kanya ngunit hindi naman umabot sa mga mata nito.
"Yeah, you. Because I already made a promised that I will wait for you... until such time, that you are ready. For me... for us. And I promised, that I am always there, in every steps of your way." matapos nitong sabihin iyon ay mariin siya nitong hinalikan sa noo. "I love you."
Lalo yata siyang naguluhan.
"BEZ, nasaan ka na ba?""Heto na, malapit na po. Kasi naman, ang aga-aga ng pina-schedule mo sa spa eh..." tinawagan siya ng kaibigan kahapon at sinabi nga na nagpa-appointment ito sa isang kilalang Spa. Regalo raw nito iyon sa kanya sa kanyang kaarawan.Nang araw na iyon ang ika-labing walo niyang kaarawan. Tinanong siya ng mga magulang niya kung gusto raw ba niya ng magarbong party at imbitahin ang mga kaklase niya ngunit tumanggi siya. Sinabi niyang nais lamang niya magdinner kasama ang ate niya at mga kaibigan. Sina Tin, Lloyd at Kevin lamang naman ang masasabi niyang mga talagang kaibigan niya sa school. Iyong iba ay mga pawang kakilala lang.Kahit na sinabi niya na kay Greg ang tungkol sa birthday dinner niya ay sinabihan pa rin niya ang kapatid na imbitahan si Greg. Baka kasi magtaka ito kung bakit bigla na lamang sumulpot doon ang kaibigan nito.Noong una ay bahagya itong natigilan sa sinabi niya, bago animo wala sa loob na marahang tumango.
AFTER TWO YEARS.."Bez, malapit na graduation, pa-make-over tayo..."Nag-angat si Toni ng tingin mula sa mga reviewers na nasa harapan niya nang magsalita ang kaibigan."Huh? Bakit? Okay na yan, maganda na tayo, no! No need." nakangiti niyang sabi ngunit dahil kilalang-kilala siya ni Tin, nakita agad nito na walang buhay ang ngiting pinakawalan niya.Lihim itong malungkot na nailing.Sa loob ng dalawang taon ay ilang beses niya ring binalak na kausapin si Greg kung bakit nito iyon nagawa sa kaibigan niya.Naramdaman at nakita niya kung gaano nito kamahal si Toni nang kausapin siya nito na gawing espesyal ang araw iyon para sa nobya, habang ito naman ang punong-abala sa paghahanda ng dinner party para dito.Kaya't hindi siya makapaniwala nang sabihin sa kanya ni Toni na iniwan siya ni Greg at hindi niya alam kung bakit.Makailang beses siyang tumawag dito... at may ilang pagkakataon ding pu
"BEZ, jobless na naman ako..." nakapangalumbabang malungkot niyang sabi sa kaibigan.Mula nang maka-graduate siya ng kolehiyo ay ilang beses na rin siyang nag-apply at natanggap sa trabaho. Ngunit lagi na ay kung hindi siya tinatanggal ng mga asawa, o girlfriend ng mga nagiging amo niya, ay disimulado naman siyang minumolestiya ng amo niya kaya't nagreresign siya."Huh?! Three days ka pa lang, ah. Ano na naman ang nangyari?" gulat na tanong ni Tin matapos ibaba ang hawak nitong milk tea.Dahil restday ni Tin ay napagkasunduan nilang magkita sa paborito nilang tea house. Medyo matagal na rin naman mula nang huli silang nag-bonding ng sila lamang dalawa. Madalas ay kasama nila sina Lloyd at Kevin, o, pareho silang busy kaya't wala nang oras para magkita pa sila.Pahablot na inabot niya ang milk tea na nasa harapan at sumimsim muna doon bago nagsalita."Putcha, manyakis pala iyong may-ari ng company. Pagbigyan ko lang daw siya, kahit isang gabi lang,
AFTER TWO MONTHS"EVERYTHING is set, guys." malawak ang pagkakangiting sabi ni Tin, na magkasalikop pa ang dalawang kamay sa harap ng dibdib. "May naka-line up na rin tayong mga clients," anito at saka humarap sa kanya. "Grabe, bez... this is it. Ito na yata ang simula ng pagyaman natin.""Hon, masyado kang excited. Huwag munang magbilang ng mga sisiw, hangga't hindi pa napipisa ang mga itlog." nangingiting sabi ni Lloyd sa kasintahan.Alam naman niyang inaasar langnito ang kaibigan niya.Agad namang napalis ang ngiti sa labi ni Tin sa narinig at naniningkit ang mga matang hinarap ang kasintahan."Heh! Panira ka ng moment, diyan," inis pa ring inirapan nito ang kasintahan at... "...itlog mo pisain ko diyan, eh." bulong nito na ikinatawa niya.Alam niyang sinadya ng kaibigan na ibulong iyon upang siya lamang na malapit dito ang siyang makarinig."Oh, kayong dalawa, baka mag-away pa kayo." nakangiti
GREGHi, Sweetheart.GREGSweetheartGREGHeyGREGReply naman diyan...ALANGANING nginitian ni Toni ang kausap na kliyente nang sulyapan nito ang cellphone niya na sunud-sunod ang pagtunog. Pasimple niya iyong dinampot at sinilip ang mensahe."It's okay, you can take that," nakangiti namang sabi ng ka-meeting niya. "I'll just go to the restroom for a while.""Thank you." nakangiti ring sagot niya.Nang makaalis ito ay agad na napalis ang ngiti niya.May kasamang gigil na nagtipa siya ng sagot dito.TONIBakit ba? Nakakaistorbo ka, may kasusap ako'ng tao.GREGLalaki o babae?TONIWhat?GREGIyong kausap mo? Lal
PAGKAKAIN nila ay nagkanya-kanya nang hatid ang magpinsan sa kanilang magkaibigan. Inihatid ni Lloyd ang kasintahan nitong si Tin, at inihatid naman siya ni Kevin.Paghinto ng sasakyan sa mismong harap ng gate ng bahay nila ay nakangiting nagpasalamat siya kay Kevin at akmang bababa na, nang pigilan siya nito.Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ito."Ahm..." panimula nito na umayos ng upo at tumingin sa unahan ng sasakyan. "May... sasabihin sana ako sa'yo." anitong sa harap pa rin nakatingin.Bumaling siya rito na nagtatanong pa rin ang mga mata."May problema ba?" kunot-noong tanong niya rito."Gusto ko sana'ng ikaw muna ang maka-alam nito, e." hindi pa rin tumitinging sabi nito.Pina-ikot niya ang mga mata sa pagka-inip sa sasabihin nito. "Kevin, huwag mo na ako'ng bitinin, okay? Ano ba 'yon?"Tila lalo itong kinabahan. Huminga muna ng malalim bago nagsalita."Hindi ba, ang tagal ko naman nang nanliligaw s
PAGPASOK pa lamang ni Toni sa restaurant ay naririnig na niya ang boses ni Tin na nasa kitchen at tila aligaga sa pagbibigay ng instructions."Bez, aga-aga, ingay-ingay." aniya rito nang makapasok sa kitchen."Thank God, dumating ka rin, bez." anitong eksaheradang humawak pa sa dibdib. "May event tayo sa makalawa.""Oh, sa makalawa pa pala, maka-react ka, parang mamayang gabi na 'yong event." naiiling niyang sabi.Pinanlakihan pa siya nito ng mga mata bago muling magsalita. "Bez, big event 'yon. Two hundred pax. And take note, fully paid.""Wow!" kahit siya ay na-excite sa narinig.Nag-uumpisa pa lamang sila halos, at malaking break iyon para sa kanila."Pero teka," bahagyang napalis ang ngiti niya. "Kaya na ba natin ang ganoon kalaking event?""Kaya naman," tumatangong sabi nito habang masusing iniinspekyon ang mga rekadong nakapatong sa ibabaw ng mahabang lamesa. Metikulosa ang kaibigan pagdating sa mga bagay na iyon. Kailang
GREGSweetheart...GREGSweetheart...GREGSWEETHEARTTONIAno ba 'yon? Ang gulo mo na naman, may ka-meeting ako!GREGDate tayo?GREGHey..?GREGSweetheart...TONIAno ba, Greg? May kausapnga ako! Huwag ka munang magulo.GREGPumayag ka na kasi.GREGBakit ba kasi ako ang kinukulit mo? Bakit hindi si Chloe ang yayain mo?TONISweetheart, ramdam na ramdam ko, oh... hanggang dito.TONI
"What?!" bakas ang pagkagulat sa mga mata at tinig ni Toni sa sinabi ng kasintahan. "Nah... of course, you're joking.""Sweetheart, i'm not." bahagya siyang napalunok nang makitang seryoso nga ang mukha nito."Seryoso? As in...?""Damn, serious!" tumatango-tango pang sabi muli nito."B-but... I mean..." hindi niya alam kung ano ang sasabihin at kung papaano magre-react.Seryoso talaga?Naka-angat naman ang kilay nakatingin sa kanya si Greg. Nagtatanong ang mga mata."H-how? I mean... gan'on kabilis? Are we in a rush, here?""I am." seryoso pa ring sagot ng binata. "Ayaw mo ba?" she can sense insecurity in his voice."Of course, not." mabilis niyang sagot. "Look... I want to marry you, alright, but... do we really have to make it, tomorrow? Paano ang parents ko? Ni hindi pa nga kayo nagkikita, hindi ka pa nga namamanhikan? And besides, gusto ko, kapag kinasal ako, nandito sila."
KUNG naging lalaki lamang siguro si Chloe, ay kanina pa ito nasaktan ni Greg, sa labis na galit na nadarama niya nang mga oras na iyon.Nag-uumigting ang mga ugat sa kanyang kamao sa higpit ng pagkakakuyom, dahil sa pagpipigil na masaktan ang dalaga."From now on, stay away from me, and Toni. Sa susunod na lumapit ka pa sa amin, hindi ko na alam kung makakaya ko pang pigilan ang sarili ko." naniningkit ang mga matang sabi niya.Kahit ano'ng gawin nito ay hindi niya kayang kalimutan na lamang ang lahat ng mga ginawa nito. Kamuntikan na siyang iwan ni Toni nang dahil sa kagagawan nito."Ayoko nang magkaroon pa ng kahit na ano'ng kaugnayan sa'yo!" nagngangalit ang mga bagang na mariin niyang sabi. "Not even as friends, this time, Chloe!"Mariing napalunok si Chloe at nanlaki ang mga mata sa intensidad ng mga sinabi niya. "You can't do that to me!"Umangat ang gilid ng mga labi niya sa isang pagak na ngiti. "Try me." nagh
KUNG naging lalaki lamang siguro si Chloe, ay kanina pa ito nasaktan ni Greg, sa labis na galit na nadarama niya nang mga oras na iyon.Nag-uumigting ang mga ugat sa kanyang kamao sa higpit ng pagkakakuyom, dahil sa pagpipigil na masaktan ang dalaga."From now on, stay away from me, and Toni. Sa susunod na lumapit ka pa sa amin, hindi ko na alam kung makakaya ko pang pigilan ang sarili ko." naniningkit ang mga matang sabi niya.Kahit ano'ng gawin nito ay hindi niya kayang kalimutan na lamang ang lahat ng mga ginawa nito. Kamuntikan na siyang iwan ni Toni nang dahil sa kagagawan nito."Ayoko nang magkaroon pa ng kahit na ano'ng kaugnayan sa'yo!" nagngangalit ang mga bagang na mariin niyang sabi. "Not even as friends, this time, Chloe!"Mariing napalunok si Chloe at nanlaki ang mga mata sa intensidad ng mga sinabi niya. "You can't do that to me!"Umangat ang gilid ng mga labi niya sa isang pagak na ngiti. "Try me." nagh
HABANG nasa biyahe si Greg ay hindi niya maubos-maisip kung papaanong naroon si Chloe sa condo niya, sa dalawang pagkakataon na nagpunta doon si Toni.Kailangan niya talagang malaman ang katotohanan. Hindi siya papayag na ang mga pangyayaring iyon ang maging dahilan ng pagkasira nila ng kasintahan.Dahil babalik din naman siya agad sa condo niya, ay hindi na siya nag-abala pang ipasok sa loob ng gate ang sasakyan niya; ipinark niya na lamang ito sa tapat ng mansyon.Walang kamalay-malay ang mga tao sa loob sa pagdating niya. Nasa pinto pa lamang siya ay dinig niya na ang usapan ng mga ito."I guess, your plan worked. Greg wants to see you." dinig na dinig niyang sabi ng Mama niya na nagpatiim ng mga bagang niya. "Sana talaga, hindi na magpakita ang babaeng 'yon. And, I hope, too, na bayad na ako sa pagkakautang ko sa'yo." nangunot ang noo niya sa huling sinabi ng ina.Pinili niyang manatili na lamang sa labas ng pintuan. Nais ni
FLASHBACKPagkatapos na maihatid ni Toni sa opisina ang mga papeles na kailangan ni Tin, ay nagmamadali na siyang nagpaalam sa kaibigan at sinabing kailangan niyang puntahan si Greg sapagkat may sakit ang nobyo, at hindi pa ito nakakainom ng gamot, at sa malamang, ay hindi pa rin kumakain, dahil mag-isa lamang ito sa unit nito.Dumaan muna siya sa isang restaurant upang bumili ng makakain nito at pagkatapos ay sa drugstore naman, para sa gamot na ipaiinom niya rito pagkatapos.Naiiling-nangingiti pa siyang pumasok sa unit nito sapagkat katulad nga ng sinabi nito, ay hindi nga nito ini-lock ang pinto, para hindi na raw siya mahirapan pa sa pagkatok. Naalala niya ang naging pag-uusap nila kanina sa text, kaya't lalong lumawak ang ngiti niya, kasabay ng pag-iinit ng mga pisngi.Pagpasok, ay agad siyang dumeretso sa kusina upang ayusin ang biniling pagkain at saka niya gigisingin ang binata upang makakain na at mapainom ng gam
TINHey, kumusta? Nag-usap na ba kayo?TONINope. But it's over.TINWhat? Akala ko hindi pa kayo nakakapag-usap?TONIYeah. I tried. I went to his condo... guess kung sino ang inabutan ko?TIN???TONIThat girl again!TINBez, malay mo naman iniinis ka lang ng babaeng yon? You know how bitchy she is.TONIShe's only wearing Greg's shirt again, paano mo ipaliliwang yon? And, someone's in the shower.TINSigurado ka ba'ng siGreg yon?TONIBez, hindi naman ako siguro nagkamali ng pintong kinatok. Condo niya yon, malamang siya yon!Bez, I need you now. I am so broke. I need my bestfriend.
DAWNMom called, she said, Toni texted her and that, she wants to live there... for good.GREGWHAT?! God, Dawn, I really have to see her before it's too late.It's not that, I can't follow her there, God knows, i'll follow her, kahit saan man siya magpunta.Until now, i'm still clueless kung ano ba talaga ang nangyari, kung bakit siya umalis. And now, you're telling me that she wants to live there, for good? Dammit, Dawn, masisiraan na ako ng bait sa kaiisip!DAWNI'm sorry Greg, kung may magagawa lang talaga ako.¤¤¤¤¤¤¤¤¤GREGSweetheart, where are you?Please, at least, assure me that you're okay.I missed you, so much, don't you missed me, too? Don't you love me, anymore?Dammit, Toni! Don't you think, I deserve at least
TONISweetheart, nasaan ka? Galing ako sa office mo, wala ka raw. Sabi ng secretary mo hindi ka raw pumasok. Balak sana kitang i-surprise, kainis wala ka pala.GREGHi, Sweetheart, nandito ako sa condo, hindi ako nakapasok masama pakiramdam ko, eh.TONIHa? Nakainom ka na ba ng gamot?Bakit hindi mo kaagad ako tinawagan?GREGHindi pa, eh. Pagtingin ko sa medicine cab ko, expired na pala yung stock kong paracetamol.Tagal na pala noong huli ako nagkasakit, akalain mo tinatablan pa pala ako?TONIHay nako, swit❤, napaka-careless mo talaga. Bili lang ako ng paracetamol, dalhan na din tuloy kita ng food. Ano ba ang gusto mo kainin?GREGIkaw?TONISWEETHEART!GREGHaha
MAMAGreg, where are you?GREGMa, papunta na ako diyan. Bakit? May ipabibili ka ba?MAMANothing, i'm just checking on you. Ang tagal mo kasi eh. Naiinip na ako dito.Hindi pa ba talaga ako pwedeng lumabas at sa bahay na lang magpagaling?GREGMa, huwag nang matigas ang ulo mo. Sabi ng doktor kailangan mo pa raw obserbahan. Baka mga three days ka pa diyan para sa mga test na gagawin sa'yo.MAMABut Greg, I am so bored here, wala man lang akong makausap dito.GREGMa, para kang bata. I just want to make sure na okay ka na.MAMAHay nako, Greg, bahala ka na nga. Nasaan ka na ba?GREGDadaanan ko lang si Toni at sabay kaming pupunta diyan.MAMANO! Gr