Home / All / My Sweetheart / Chapter 1

Share

My Sweetheart
My Sweetheart
Author: Ruby Timbol

Chapter 1

Author: Ruby Timbol
last update Last Updated: 2021-04-08 04:09:48

"Bez, punta ka rito." bungad sa kanya ng bestfriend niyang si Tin nang sagutin niya ang tawag nito.

"Bakit, ano meron?"

"Wala, bored lang. Hindi ako makaalis, bantay ako sa dalawang kapatid ko."

"Hay nako, bez, not now. Alam mo naman kapag Saturday hindi ako pwede, di ba? Nandito siya."

"Wahhh... at ipagpapalit mo talaga ako sa pagpapa-charming mo sa bestfriend ng ate mo, ha." kunwa, ang nagtatampong anito.

"Ang hard mo naman." ipinaikot niya pa ang mga mata kahit pa alam niyang hindi naman siya nito nakikita. "Hindi ako nagpapa-charming, no, gusto ko lang naman siya makita kahit sa malayo lang."

"Eh, ano pala tawag mo d'on?" balik-sikmat naman nito.

Minsan talaga mas mahirap kausap ang totoong kaibigan, eh. Mare-real talk ka. Hays!

"Wala... basta, 'wag ka nang ano diyan, alam mo naman na fifteen pa lang ako sobrang crush ko na siya, eh."

"Hay nako, Maria Antoinette. Bakit kasi hindi mo pa aminin na crush mo siya, para magka-alaman na kung may pag-asa ba yang pagsinta mo."

"Ano ka ba? Para namang gan'on lang kadali 'yon, no. Papatulan ba ako 'non? Eh, feeling ko nga, may something na sila ng ate ko, eh." napalabi pa siya nang maisip ang matagal niya nang kutob.

"Ouch. So, hanggang tingin ka na lang talaga?"

Pang-asar talaga!

"Hayaan mo na, bez, masaya na ako dun. At least nakikita ko siya kahit once a week.

"Ikaw na inlove."

"Bez, konting support naman diyan."

"Oo na. Ikaw pa ba? Kung sa'n ka masaya, suportahan taka." anito. Ngunit dahil kilalang-kilala niyanito ay alam niyang may kadamang kantyaw iyon. "Anyway, kita na lang tayo sa school, sa monday."

"Okay, thanks. Kitakits." iyon lang at pinatay na niya ang tawag.

HINDI pa man naibababa ni Toni ang hawak sa cellphone ay narinig niya na ang rinig ng ate niyang tinatawag siya mula sa labas ng silid.

"Sis, baba ka na, lunch na tayo. May dala si Greg na california maki. 'Di ba favorite mo 'yon?" 

"Okay, coming."

Kahit nahihiya, ay walang nagawa si Toni kundi bumaba at sumalo sa tanghalian.

Wala siyang maidahilan, dahil hindi naman siya nakakain ng almusal, at tanghali na siyang nagising, kaya hindi niya masasabing busog pa siya.

Habang kumakain, ay hindi niya alam kung paano makakaiwas sa dalawang kaharap niya, na masayang kumakain, habang nagkukwentuhan.

Kung alam lang niya na masisira ang appetite niya sa ka-sweetan ng dalawa, ay nagpa-mamaya na lang siya sa pagkain.

Wala sa loob na napalakas ang buntong-hininga niya at agad na napatingin si Greg sa kanya.

"Ang lalim n'on, ah. Okay ka lang ba? Ayaw mo ba ng food?" kunot-noong tanong nito. "Ang layo pa ng binilihan ko niyan, kasi sabi ng ate mo, favorite mo raw yan." anitong nakatingin sa california maki na nasa plato niya na nagkahiwa-hiwalay na, dahil kanina niya pa tinutusok-tusok ng tinidor.

'So, nagpapalakas siya sa akin, kaya siya bumili nito, at baka sakaling magustuhan ko siya para sa ate ko?' lalong sumama ang panlasa niya sa naisip.

"Sis, okay ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ng ate niyang nakatingin na rin sa kanya.

"Ahh... wala ito. Medyo napuyat lang ako kagabi sa pagbabasa ng pocketbooks." agad na sagot niya sa dalawa at nagpakawala ng pilit na ngiti at nag-iwas ng tingin.

Maya-maya lang ay tumayo na siya. "Akyat na ako ate. Ahm... Gr--K-kuya Greg, pasensya na, ha, puyat lang talaga ako." Hindi niya alam kung ngiti, o, ngiwi ba ang nakapaskil sa mga labi nito nang sandali itong tumingin sa kaniya at sumulyap sa plato niyang halos wala namang nabawas. "K-kakainin ko 'yang california maki mamaya, tulog ko lang 'to. Sakit talaga ng ulo ko." at ng puso ko. Dagdag ng isang bahagi ng utak niya at alanganin ang ngiting tumalikod na, bago pa man ito makasagot.

Hindi niya alam, pero nararamdaman niya pa rin ang tingin ni Greg sa kanya, kahit nakatalikod na siya.

Isang napalaking pagkakamaling nilingon niya pa ito.

Agad na nagtama ang paningin nila, ngunit hindi niya mabasa ang ibinabadya ng tingin nito. Namula yata pati punong-tainga niya nang ngitian siya nito, kaya't nagmamadali siyang lumabas ng kusina at patakbong umakyat ng hagdan para maitago ang pamumula niya. 

Pagpasok niya ng silid, ay habol ang hiningang isinara niya ang pinto at hawak ang dibdib na sumandal doon.

Dali-dali niyang kinuha ang cellphone at tinawagan muli ang kaibigan, na agad naman nitong sinagot.

"Bez, helpppp!!! Hindi yata ako makahinga." bungad niya agad dito.

"Ha? Bakit? Ano nangyari sa'yo? Okay ka lang ba? Bakit hindi mo sabihin sa ate mo? Ano'ng nararamdaman mo?"

"Sila nga ang dahilan, kung bakit hindi ako mahahinga, eh, nadurog na yata ang puso ko." aniya sa tinig na kunwaring naiiyak.

"Huh? Wait... pinoprocess ko pa. Okay. Kwento na, dali. Ikaw talaga, akala ko kung ano na." 

"Ayun nga, tinawag ako ni ate para mag-lunch. Hay nako, hindi kinaya ng powers ko, panay ang harutan nila sa harap ko, parang mag-jowa."

Narinig niya ang pagtawa ng kaibigan sa kabilang linya.

"Loka ka talaga. Akala ko kung ano na 'yon."

"At juskolerd! Muntik nang malagot ang hininga ko nung ngitian ako ni Greg. Grabe, ang bilis ng tibok ng puso ko."

Wala naman masabing tawa lang nang tawa si Tin. Ang bestfriend niya, at nag-iisang may alam ng pagsinta niya kay Greg.

"Sige lang, tawa pa." aniya sabay irap sa hangin na animo nakikita ng kaibigan.

"Oa mo naman kasi, bez. Akala mo naman girlfriend kang nagseselos diyan."

"It hurts, kaya. Sa harap ko pa sila naglalambingan." nakalabi pang aniya.

"Bez, hindi naman nila alam na head over heels ka pala kay Greg, no. Ano ka ba? And besides, BF yun ng ate mo, I mean bestfriend." at binuntutan muli iyon ng paghagikgik.

"Haist, 'yon na nga, eh. Ang hirap ng kalagayan ko. Gusto ko siyang laging nakikita rito, pero nasasaktan lang naman ako kapag nandito siya, kasi super close sila ng ate ko."

"Ibaling mo na lang kasi sa iba 'yang nararamdaman mo... ang dami mong suitors, eh. Sila na lang, at least, ka-age pa natin. Si Greg, twenty-five na 'yon, no, ang tanda na."

"Grabe ka naman makatanda diyan... seven years lang age gap namin, no. Saka kapag twenty-one na ako, twenty-eight siya, hindi na halata 'yon."

"Oo nga... iyon eh, kung gusto ka rin niya. Eh, kaso, bata nga ang tingin niya sa iyo... little sister, hindi ka papatusin n'on."

"Aray naman... ang hard mo naman sa akin. "

"Ginigising lang kita sa ilusyon mo, girl. Maka-compute ng age gap, akala mo may future sila."

"Bestfriend pa ba talaga ang tingin mo sa akin? Ang sakit na, ha."

"Kaya ko sinasabi sa'yo lahat 'to, kasi nga bestfriend kita... ayokong umasa ka sa wala at masasaktan lang pagkatapos. Ako lang yung tao na magsasabi sa'yo ng mga bagay na, oo nga, at masakit, pero para din naman sa kabutihan mo, pagdating ng araw." mahabang litanya sa kanya ng kaibigan.

"Oo na. Alam ko naman 'yon... kaya nga mahal na mahal kita, eh."

"Mas mahal, kesa kay Greg?"

"Hmmm... teka, papakiramdaman ko pa."

"Ahh, ganon? Teka... maitext nga si papa Greg, at masabi 'yan lahat."

Malakas siyang tumawa sa reaksyon nito sa sinabi niya. "Joke lang, no. Saka wala ka kaya number niya, no. Ako nga wala, eh."

"Anyway, sundin mo na lang payo ko sa'yo. Mag-entertain ka ng suitors at baka makalimutan mo ang kahibangan mo kay papa Greg."

"Hayaan mo, pag-iisipan ko 'yang sinabi mo... sige na, bez, tulog muna ako... parang sumakit nga talaga ang ulo ko."

"Huu... lovesick yan. Sige na, natakasan na yata ako ng kapatid ko, sabi ko, 'wag lalabas eh."

"Sige na, hanapin mo na. Lagot ka sa mama mo."

0905678765

Hi, kumusta pakiramdam mo? Okay ka na ba?

My Sweetheart

Huh? Who you, po?

0905678765

Si Greg 'to... hiningi ko number mo sa ate mo.

My Sweetheart

Huh? Bakit po? I mean, bakit mo po hiningi number ko kay ate?

Swit❤

Wait, i'll call, ha. Para makapag-usap tayo ng maayos.

HINDI nga naglipat saglit ay tumunog ang cellphone niya.

'Kalma, Toni.' Aniyang hinahagod-hagod pa ang dibdib sa pinaghalong kaba at kilig.

Jusko! Si Greg kaya 'to!

Huminga muna siya ng malalim bago naglakas ng loob na sagutin ang tawag.

"H-hello, K-kuya Greg," 'Shit! Kuya talaga?'

"Hi. So, kumusta ang pakiramdam mo?" masigla at tila walang anuman namang sagot ng nasa kabilang linya.

"Ahm... o-okay naman na po ako."

"Are you sure?" paniniguro pa nito.

"Yeah." lumunok muna siya ng mariin bago nagpatuloy. "Ahm... bakit mo nga pala hiningi 'yung number ko sa ate ko?" ulit niya sa tanong niya sa text kanina.

"Wala lang. Gusto lng kitang kumustahin, parang matamlay ka kasi kanina nung kumakain tayo eh."

"Ahh... okay lang naman po ako, k-kuya. Medyo puyat lang po talaga."

"Ahh. okay. Pwede bang humiling sa'yo?"

"Ahm... okay lang naman po. Ano po 'yon?"

"Will you drop the 'po'? Parang kasing ang tanda ko na, kapag ganon, eh."

"Ahh... sori. Sige po."

"Ayan na naman yung 'po', mo. Aist."

"S-sorry." mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi upang pigilin ang mapatili sa kilig.

"Hindi ba ako nakaka-istorbo sa pamamahinga mo?"

"Hindi, no... okay lang."

'Oh my God, Greg.. kung alam mo lang..' piping sigaw ng isip niya.

"Ilang taon ka na nga?" kapagkuwan ay tanong nito.

"Malapit na akong mag-eighteen, three months na lang."

"Ahh... bata pa rin." tila dismayadong anito.

"Hindi na kaya ako bata. Siguro nga, para sa'yo, bata pa yon... twenty-five ka na kasi, eh."

"Uuyyy... pa'no mo nalaman age ko?"

'Urgh.. shit, Toni. Ang daldal mo.' napapukpok siya ng nakatikom na kamao sa noo niya dahil sa pagkadulas niya rito.

Pwede ba niyang aminin dito na hindi lang ang edad nito ang alam niya tungkol dito?

"H-huh? 'Di ba, magka-age lang kayo ng ate ko, halos?" palusot niya.

"Ahh, okay. Akala ko, pinagtanong mo rin."

"Hindi, no!"

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. "Why sound, defensive?"

"Haist, why sound assuming?"

Muli ay tumawa lang ito.

"Joke lang, po." agad na bawi niya sa sinabi niya.

"Ayan na naman, yang po mo"

"Ay sorry uli, kuya Greg." napangiwi siya sa pagtawag dito ng kuya.

"Kuya ka diyan, nakakarami ka na ng kaka-kuya sa'kin, ha."

"Ayaw mong tawagin kitang kuya?"

Ang lakas na naman ng kabog ng dibdib niya.

"Ayawwwww."

"Why? Bestfriend mo ang ate ko, so, parang kuya na rin kita. And besides, malay mo maging kayo ng ate ko, eh, di sanay na akong tawagin kang kuya."

Ouch. Masokista lang ang peg, teh?

"And who gave you the idea, na magiging kami ng ate mo?"

"Wala lang, naisip ko lang. 'Di ba, yung iba ganon? Nagkakatuluyan 'yung mag-bestfriend?"

"Well, yeah. Most of the time." wika nito. "Ikaw? Gusto mo ba akong maging kuya?"

"No." mabilis niyang sagot bago pa man niya maisip ang isinagot niya. "I mean... ahm--"

"Don't worry... I don't want you, for a sister-in-law, either."

"H-huh?"

"Nothing. Sige na matulog ka na. Goodnight, Sweetheart." iyon lang at naputol na ang linya.

Ang ending... lalo siyang hindi nakatulog.

Haist!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
alanasyifa11
the synopsis kinda intrigue me and i'm glad to have read this first chapter! seems like a good story! btw,is there any way i can keep up with your work? do you have social media?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • My Sweetheart   Chapter 2

    ABALA si Toni sa pagbabasa ng pocketbook nang marinig niya ang ilang mahihinang katok mula sa labas ng pintuan bago marahang bumukas iyon at iluwa ang ate niya."Hi, sis, busy ka?" tanong agad nito habang naglalakad palapit at naupo sa paanan ng kama niya." Hindi naman, ate, why?" sagot niyang isinara ang binabasa at hinarap ito."May out of town ako, with friends, this weekend, sama ka?"Alanganin siyang ngumiti dito. "Nyek, sabi mo nga, with friends, ano gagawin ko d'on?""Wala lang." nagkibit pa ito ng balikat. "Baka lang gusto mo mag-unwind. Ma-relax lang."She pouted."Baka ma-OP lang ako d'on, teh.""Hindi naman siguro. Nandun naman si Greg. Siya pa nga nagsabi, na baka gusto mo raw sumama, eh."Ilang saglit siyang natigilan nang marinig ang pangalan ng binata."Wehh...?" hindi makapaniwalang paniniyak pa niya rito.Tama ba ang narinig niya? Na si Greg pa mismo, ang ultimate crush niya ang nagyaya sa

    Last Updated : 2021-04-08
  • My Sweetheart   Chapter 3

    MAG-ISA siyang nakaupo sa beach lounge chair nang maramdaman niyang may lumapit sa kanya at maupo sa tabi niya.Kahit hindi niya ito lingunin, sa amoy pa lamang nito at base na rin sa malakas na kabog ng dibdib niya, aoam niya na agad kung sino ito."Hi"Nilinga niya itong at tipid na nginitian."Hi.""Akala ko ba, wala kang kasamang bf?" maya-maya ay tanong nito, nasa dagat ang tingin."Wala nga." kunot ang noong sagot niya."'Yong lalaking kasama niyo?" hindi pa rin sa kanya nakatingin na wika nito."Ha? Hindi ko bf 'yon, no. Pinsan 'yon ni Lloyd, nakisabit lang din.""Ows?" naka-angat ang isang kilay na sa wakas ay tumingin din ito sa kanya. "Kulang na lang ipagbalat ka ng hipon, ah,"Oh my gosh, Greg. Nagseselos ka ba?"Ganon lang siguro siyang ka-caring sa kaibigan.""Ganon na ba uso ngayon?""Yap. Katulad n'ong friend mo.""Sino?" bahagya nitong ikinunot din ang noo.

    Last Updated : 2021-04-08
  • My Sweetheart   Chapter 4

    KevinHi, kumusta?ToniHello, ayos naman. You?KevinAyos lang din. Saturday ngayon, gusto mo mag-hang out? Pupunta yata si Lloyd kila Tin, let's join them, para masaya.ToniAhh... hindi ko alam kung papayagan ako, eh. May party dito mamaya sa bahay, birthday n'ong isang friend ni ate, dito daw gagawin, kasi nag-do-dorm lng 'yon dito sa manila, sa cebu ang bahay nila, eh, bawal yata sa dorm.KevinAh, gan'on ba? Eh, kung kami na lang kaya pumunta diyan? Tamang-tama, libre na food. Hahaha... joke lang.ToniHehe, sira ka talaga. Next time na lang. Nakakahiya naman mag-invite, hindi naman ako ang may birthday.KevinSabi mo 'yan, ha.Toni

    Last Updated : 2021-04-08
  • My Sweetheart   Chapter 5

    HABANG lumalalim ang gabi ay isa-isa nang nagkakalasingan ang mga kaibigan niya.Kanya-kanya nang pwesto ng tulog ang mga lalaki sa sala. Habang ang mga babae ay sa kwarto ni Dawn matutulog.Hindi siya masyadong uminom sapagkat hinihintay niya ngang dumating si Toni.Napatingin siya sa orasan sa pader.Alas dose na. At nagkukukot ang kalooban niya sapagkat wala pa rin ang kasintahan.Swit❤Sweetheart, nasaan ka na? Twelve midnight na po, Cinderella.Swit❤Sweetheart...Swit❤Please, magreply ka naman para alam ko kung okay ka...Swit❤Galit ka pa ba? Please, huwag naman pong ganyan, nag-aalala na ako.Swit❤Sweetheart..My SweetheartPauwi na ako.Swit❤Thank Go

    Last Updated : 2021-04-08
  • My Sweetheart   Chapter 6

    KATATAPOS lang ng klase nina Toni at naglalakad sila palabas ng University nang tumunog ang cellphone niya. Napangiti pa siya nang makita ang pangalan ng kasintahan."Hello, beautiful!" bungad kaagad nito nang sagutin niya ang tawag"Hi, handsome!" sagot niyang may malapad pa ring ngiti. "How's your day, Sweetheart?""Hmm... kanina okay naman, pero parang ngayon hindi na.""Aww... why po?" malambing ang tinig na aniya rito, hindi alintana ang nagtatakang tingin ni Kevin, na kasabay niyang naglalakad.Patay malisya naman si Tin na humigit kumulang, alam na kung sino ang kausap niya."I hate seeing my girlfriend with another guy."Kunot ang noong magpalinga-linga siya sa paligid.Nakikita niya ako?"Huh? Nasaan ka po, Sweetheart?"Nandito sa labas ng school ng girlfriend ko, susunduin ko sana siya, pero may kasabay na pala siyang iba." anito sa pinalungkot pang tinig.Lalo niyang pinagbuti ang paglinga-

    Last Updated : 2021-04-08
  • My Sweetheart   Chapter 7

    "BEZ, nasaan ka na ba?""Heto na, malapit na po. Kasi naman, ang aga-aga ng pina-schedule mo sa spa eh..." tinawagan siya ng kaibigan kahapon at sinabi nga na nagpa-appointment ito sa isang kilalang Spa. Regalo raw nito iyon sa kanya sa kanyang kaarawan.Nang araw na iyon ang ika-labing walo niyang kaarawan. Tinanong siya ng mga magulang niya kung gusto raw ba niya ng magarbong party at imbitahin ang mga kaklase niya ngunit tumanggi siya. Sinabi niyang nais lamang niya magdinner kasama ang ate niya at mga kaibigan. Sina Tin, Lloyd at Kevin lamang naman ang masasabi niyang mga talagang kaibigan niya sa school. Iyong iba ay mga pawang kakilala lang.Kahit na sinabi niya na kay Greg ang tungkol sa birthday dinner niya ay sinabihan pa rin niya ang kapatid na imbitahan si Greg. Baka kasi magtaka ito kung bakit bigla na lamang sumulpot doon ang kaibigan nito.Noong una ay bahagya itong natigilan sa sinabi niya, bago animo wala sa loob na marahang tumango.

    Last Updated : 2021-04-08
  • My Sweetheart   Chapter 8

    AFTER TWO YEARS.."Bez, malapit na graduation, pa-make-over tayo..."Nag-angat si Toni ng tingin mula sa mga reviewers na nasa harapan niya nang magsalita ang kaibigan."Huh? Bakit? Okay na yan, maganda na tayo, no! No need." nakangiti niyang sabi ngunit dahil kilalang-kilala siya ni Tin, nakita agad nito na walang buhay ang ngiting pinakawalan niya.Lihim itong malungkot na nailing.Sa loob ng dalawang taon ay ilang beses niya ring binalak na kausapin si Greg kung bakit nito iyon nagawa sa kaibigan niya.Naramdaman at nakita niya kung gaano nito kamahal si Toni nang kausapin siya nito na gawing espesyal ang araw iyon para sa nobya, habang ito naman ang punong-abala sa paghahanda ng dinner party para dito.Kaya't hindi siya makapaniwala nang sabihin sa kanya ni Toni na iniwan siya ni Greg at hindi niya alam kung bakit.Makailang beses siyang tumawag dito... at may ilang pagkakataon ding pu

    Last Updated : 2021-04-11
  • My Sweetheart   Chapter 9

    "BEZ, jobless na naman ako..." nakapangalumbabang malungkot niyang sabi sa kaibigan.Mula nang maka-graduate siya ng kolehiyo ay ilang beses na rin siyang nag-apply at natanggap sa trabaho. Ngunit lagi na ay kung hindi siya tinatanggal ng mga asawa, o girlfriend ng mga nagiging amo niya, ay disimulado naman siyang minumolestiya ng amo niya kaya't nagreresign siya."Huh?! Three days ka pa lang, ah. Ano na naman ang nangyari?" gulat na tanong ni Tin matapos ibaba ang hawak nitong milk tea.Dahil restday ni Tin ay napagkasunduan nilang magkita sa paborito nilang tea house. Medyo matagal na rin naman mula nang huli silang nag-bonding ng sila lamang dalawa. Madalas ay kasama nila sina Lloyd at Kevin, o, pareho silang busy kaya't wala nang oras para magkita pa sila.Pahablot na inabot niya ang milk tea na nasa harapan at sumimsim muna doon bago nagsalita."Putcha, manyakis pala iyong may-ari ng company. Pagbigyan ko lang daw siya, kahit isang gabi lang,

    Last Updated : 2021-04-12

Latest chapter

  • My Sweetheart   FINALE

    "What?!" bakas ang pagkagulat sa mga mata at tinig ni Toni sa sinabi ng kasintahan. "Nah... of course, you're joking.""Sweetheart, i'm not." bahagya siyang napalunok nang makitang seryoso nga ang mukha nito."Seryoso? As in...?""Damn, serious!" tumatango-tango pang sabi muli nito."B-but... I mean..." hindi niya alam kung ano ang sasabihin at kung papaano magre-react.Seryoso talaga?Naka-angat naman ang kilay nakatingin sa kanya si Greg. Nagtatanong ang mga mata."H-how? I mean... gan'on kabilis? Are we in a rush, here?""I am." seryoso pa ring sagot ng binata. "Ayaw mo ba?" she can sense insecurity in his voice."Of course, not." mabilis niyang sagot. "Look... I want to marry you, alright, but... do we really have to make it, tomorrow? Paano ang parents ko? Ni hindi pa nga kayo nagkikita, hindi ka pa nga namamanhikan? And besides, gusto ko, kapag kinasal ako, nandito sila."

  • My Sweetheart   Chapter 37

    KUNG naging lalaki lamang siguro si Chloe, ay kanina pa ito nasaktan ni Greg, sa labis na galit na nadarama niya nang mga oras na iyon.Nag-uumigting ang mga ugat sa kanyang kamao sa higpit ng pagkakakuyom, dahil sa pagpipigil na masaktan ang dalaga."From now on, stay away from me, and Toni. Sa susunod na lumapit ka pa sa amin, hindi ko na alam kung makakaya ko pang pigilan ang sarili ko." naniningkit ang mga matang sabi niya.Kahit ano'ng gawin nito ay hindi niya kayang kalimutan na lamang ang lahat ng mga ginawa nito. Kamuntikan na siyang iwan ni Toni nang dahil sa kagagawan nito."Ayoko nang magkaroon pa ng kahit na ano'ng kaugnayan sa'yo!" nagngangalit ang mga bagang na mariin niyang sabi. "Not even as friends, this time, Chloe!"Mariing napalunok si Chloe at nanlaki ang mga mata sa intensidad ng mga sinabi niya. "You can't do that to me!"Umangat ang gilid ng mga labi niya sa isang pagak na ngiti. "Try me." nagh

  • My Sweetheart   Chapter 36

    KUNG naging lalaki lamang siguro si Chloe, ay kanina pa ito nasaktan ni Greg, sa labis na galit na nadarama niya nang mga oras na iyon.Nag-uumigting ang mga ugat sa kanyang kamao sa higpit ng pagkakakuyom, dahil sa pagpipigil na masaktan ang dalaga."From now on, stay away from me, and Toni. Sa susunod na lumapit ka pa sa amin, hindi ko na alam kung makakaya ko pang pigilan ang sarili ko." naniningkit ang mga matang sabi niya.Kahit ano'ng gawin nito ay hindi niya kayang kalimutan na lamang ang lahat ng mga ginawa nito. Kamuntikan na siyang iwan ni Toni nang dahil sa kagagawan nito."Ayoko nang magkaroon pa ng kahit na ano'ng kaugnayan sa'yo!" nagngangalit ang mga bagang na mariin niyang sabi. "Not even as friends, this time, Chloe!"Mariing napalunok si Chloe at nanlaki ang mga mata sa intensidad ng mga sinabi niya. "You can't do that to me!"Umangat ang gilid ng mga labi niya sa isang pagak na ngiti. "Try me." nagh

  • My Sweetheart   Chapter 35

    HABANG nasa biyahe si Greg ay hindi niya maubos-maisip kung papaanong naroon si Chloe sa condo niya, sa dalawang pagkakataon na nagpunta doon si Toni.Kailangan niya talagang malaman ang katotohanan. Hindi siya papayag na ang mga pangyayaring iyon ang maging dahilan ng pagkasira nila ng kasintahan.Dahil babalik din naman siya agad sa condo niya, ay hindi na siya nag-abala pang ipasok sa loob ng gate ang sasakyan niya; ipinark niya na lamang ito sa tapat ng mansyon.Walang kamalay-malay ang mga tao sa loob sa pagdating niya. Nasa pinto pa lamang siya ay dinig niya na ang usapan ng mga ito."I guess, your plan worked. Greg wants to see you." dinig na dinig niyang sabi ng Mama niya na nagpatiim ng mga bagang niya. "Sana talaga, hindi na magpakita ang babaeng 'yon. And, I hope, too, na bayad na ako sa pagkakautang ko sa'yo." nangunot ang noo niya sa huling sinabi ng ina.Pinili niyang manatili na lamang sa labas ng pintuan. Nais ni

  • My Sweetheart   Chapter 34

    FLASHBACKPagkatapos na maihatid ni Toni sa opisina ang mga papeles na kailangan ni Tin, ay nagmamadali na siyang nagpaalam sa kaibigan at sinabing kailangan niyang puntahan si Greg sapagkat may sakit ang nobyo, at hindi pa ito nakakainom ng gamot, at sa malamang, ay hindi pa rin kumakain, dahil mag-isa lamang ito sa unit nito.Dumaan muna siya sa isang restaurant upang bumili ng makakain nito at pagkatapos ay sa drugstore naman, para sa gamot na ipaiinom niya rito pagkatapos.Naiiling-nangingiti pa siyang pumasok sa unit nito sapagkat katulad nga ng sinabi nito, ay hindi nga nito ini-lock ang pinto, para hindi na raw siya mahirapan pa sa pagkatok. Naalala niya ang naging pag-uusap nila kanina sa text, kaya't lalong lumawak ang ngiti niya, kasabay ng pag-iinit ng mga pisngi.Pagpasok, ay agad siyang dumeretso sa kusina upang ayusin ang biniling pagkain at saka niya gigisingin ang binata upang makakain na at mapainom ng gam

  • My Sweetheart   Chapter 33

    TINHey, kumusta? Nag-usap na ba kayo?TONINope. But it's over.TINWhat? Akala ko hindi pa kayo nakakapag-usap?TONIYeah. I tried. I went to his condo... guess kung sino ang inabutan ko?TIN???TONIThat girl again!TINBez, malay mo naman iniinis ka lang ng babaeng yon? You know how bitchy she is.TONIShe's only wearing Greg's shirt again, paano mo ipaliliwang yon? And, someone's in the shower.TINSigurado ka ba'ng siGreg yon?TONIBez, hindi naman ako siguro nagkamali ng pintong kinatok. Condo niya yon, malamang siya yon!Bez, I need you now. I am so broke. I need my bestfriend.

  • My Sweetheart   Chapter 32

    DAWNMom called, she said, Toni texted her and that, she wants to live there... for good.GREGWHAT?! God, Dawn, I really have to see her before it's too late.It's not that, I can't follow her there, God knows, i'll follow her, kahit saan man siya magpunta.Until now, i'm still clueless kung ano ba talaga ang nangyari, kung bakit siya umalis. And now, you're telling me that she wants to live there, for good? Dammit, Dawn, masisiraan na ako ng bait sa kaiisip!DAWNI'm sorry Greg, kung may magagawa lang talaga ako.¤¤¤¤¤¤¤¤¤GREGSweetheart, where are you?Please, at least, assure me that you're okay.I missed you, so much, don't you missed me, too? Don't you love me, anymore?Dammit, Toni! Don't you think, I deserve at least

  • My Sweetheart   Chapter 31

    TONISweetheart, nasaan ka? Galing ako sa office mo, wala ka raw. Sabi ng secretary mo hindi ka raw pumasok. Balak sana kitang i-surprise, kainis wala ka pala.GREGHi, Sweetheart, nandito ako sa condo, hindi ako nakapasok masama pakiramdam ko, eh.TONIHa? Nakainom ka na ba ng gamot?Bakit hindi mo kaagad ako tinawagan?GREGHindi pa, eh. Pagtingin ko sa medicine cab ko, expired na pala yung stock kong paracetamol.Tagal na pala noong huli ako nagkasakit, akalain mo tinatablan pa pala ako?TONIHay nako, swit❤, napaka-careless mo talaga. Bili lang ako ng paracetamol, dalhan na din tuloy kita ng food. Ano ba ang gusto mo kainin?GREGIkaw?TONISWEETHEART!GREGHaha

  • My Sweetheart   Chapter 30

    MAMAGreg, where are you?GREGMa, papunta na ako diyan. Bakit? May ipabibili ka ba?MAMANothing, i'm just checking on you. Ang tagal mo kasi eh. Naiinip na ako dito.Hindi pa ba talaga ako pwedeng lumabas at sa bahay na lang magpagaling?GREGMa, huwag nang matigas ang ulo mo. Sabi ng doktor kailangan mo pa raw obserbahan. Baka mga three days ka pa diyan para sa mga test na gagawin sa'yo.MAMABut Greg, I am so bored here, wala man lang akong makausap dito.GREGMa, para kang bata. I just want to make sure na okay ka na.MAMAHay nako, Greg, bahala ka na nga. Nasaan ka na ba?GREGDadaanan ko lang si Toni at sabay kaming pupunta diyan.MAMANO! Gr

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status