Inis na binagsak ko ang katawan ko sa malapad na kama ko. Para akong tangang nag-titili sa inis habang nakatakip ang unan sa mukha ko. Nakakainis kasi eh, bakit kailangan pa akong pabantayan sa school? Ano 'ko preso? Hindi naman ako tatakas ah! Knock! Knock! Napatingin ako sa pintuan nang may marinig na kumatok at nag-sabi pa ng 'knock knock'. Boses yun ni KC, kaya agad akong bumalikwas ng bangon at inayos ko ang sarili. "W-wait lang," ani ko habang mabilis na tumakbo palapit sa salamin at sinipat-sipat ang mukha ko. Hindi pwedeng hindi ako maganda. Kailangan kong mag-liptint, ang putla ng labi ko. Wait, suklay. Hay's nasaan na ba kasi yung suklay. Ngarag na ang kilos ko at natutumba ang bawat bagay na masagi ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Parang gusto ko na lang mag-ayos at maging maganda bago humarap kay KC. Nababaliw ka na Jaymee! "Jaymee?" "Sandali lang!" bakit kasi siya nagmamadali? Hindi pa nga ako tapos manuklay eh! Ang guni
[JAYMEE] Hindi na ako mapakali habang nagi-sroll sa site na napuntahan ko. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit nadagdagan pa ang curiousity ko. Dapat ay tigilan ko na at i-block ang site ngunit nangibabaw pa rin sa akin ang pagka-marites ko. Naluluwa na nga ang mga eyeballs ko sa lapit ng screen ng phone sa mukha ko eh. 'Hays ang lalaki naman ng mga dragons ng mga lalakeng 'to!' bulalas ng aking isipan habang tinititigan ang mga 'dragons' ng mga lalakeng naka-hubad sa video. Sheeshh! I kennat! Lalo pa akong napanganga ng mag-play na ang video at five seconds pa lang siguro ang nakalilipas ay may... tsk. How do I explain this? Sinubo lang naman nung girl ang dragon ni Kuya. Sarap na sarap naman ang lalake at tumitirik-tirik pa ang mata habang labas-pasok ang ari nito sa bibig ng babaeng blonde. 'Jaymee, ano ba 'tong pinapanuod mo?' Aaminin kong first time kong nakakita ng ganito. I mean, alam ko na may mga site na ganito ngunit hindi ko sinubukang puntahan. Bad
[JAYMEE]Kinabukasan, maaga akong gumising katulad ng bilin ni KC. ‘Saan naman kaya kami pupunta?’ Mabigat ang mga paa ko na dumiretso sa banyo para maligo. ‘Lang’ya, daig ko pa ang na-virgin-an dahil sa kilos ko. Eh, nangangawit ang binti ko eh, kayo kaya ang labasan r’yan. “AAACKKKK!” Pucha! Nakalimutan kong ilagay sa medium warm ang shower! Tuloy sobrang lamig ang bumuhos sa katawan ko. May sabon na pa naman ang mukha ko. Dahil naka-pikit, kinapa-kapa ko ang pihitan ng shower. Akmang pipihitin ko palang sana yun nang may maapakan ako na sa tingin ko ay sabon. Nag-dulot yun ng pagkawala ng balanse ko dahilan para madulas ako. Syeteng buhay ‘to! Thank goodness at waterproof ang green alarm na bracelet ko at agad kong pinindot yun para mang-hingi ng tulong kung sino man ang makaka-recieve ng alarm ko. Aray kupu! Yung natapilok ko nung isang araw, yun din ang nadali ngayon. Naka-upo lang tuloy ako sa sahig habang iniinda ang sakit ng paa ko. Patuloy lang din sa pag-lagas
CHAPTER 0NE. “Hindi ko maintindihan ang sinasabi niyo. Walang Natasha Sandrino dito. Ako lang ang solong nakatira sa apartment na ‘to,” mahabang paliwanag ni Jaymee sa mga lakakeng bigla na lamang sumulpot sa kanyang apartment. “Sumama ka sa amin, hinihintay ka na ni Don Jaime. Siya na ang bahalang mag-paliwanag sayo,” anito na para bang hindi narinig ang sinabi niya. “At bakit naman ako sasama sa inyo?” humalukipkip siya. Bakit naman siya sasama sa mga taong hindi niya naman kilala? Saka kanina pa siya nito sinasabihan na isa siyang tagapagmana ng isang malaking organisasyon. Hello? Renta nga nitong apartment hindi siya makapag-bayad buwan-buwan eh. Tanging part-time job lang din ang bumubuhay sa kanya at nagtutustos ng pag-aaral niya ng Senior High. Panty nga hindi siya makabili-bili eh. Paano siyang magiging tagapag-mana? Ang isang ulilang Jaymee Santillo ay mahirap pa sa daga. Kaya sa mga naisip, humagalpak ng tawa si Jaymee. “Walang Natasha Sandrino dit
CHAPTER TWO. Pabagal na nang pabagal ang takbo ni Jaymee. Sinisigurado niyang malayo na ang narating niya. Nat-trauma pa siya sa nasaksihan niyang sagupaan kanina. Buong buhay niya, ngayon lang siya nakaranas ng ganun. Sino ba kasi ang mga taong yun at anong kailangan ng mga ito sa kanya? Ang iniisip niya ay makalayo sa lugar niya at mag-sumbong sa pulis. Ngunit mula sa ere, nakita niya ang paglapag ng dalawang lalake sa harapan niya. Galing ba ang mga ito sa itaas? Tumingala pa siya. Nagtataasang bubong lang ang nakita niya. “Huwag kang matakot, hindi ka namin sasaktan,” wika nung isa sa kanya. “Mas matatakot pa siya sa itsura mo, Jin.” “Huh? Unlike naman sayo, no.” “Sino ba kayo? Ano bang kailangan niyo sakin? Pera? Wala ako nun,” putol niya sa pag-uusap dalawa. “Mukha bang kailangan namin ng pera? Miss Natasha, sumama ka na sa amin.” “Hays, hindi nga ako si Natasha! Jaymee pangalan ko! J-A-Y-M double E! JAYMEE!” kanina pa siya tinatawag ng mga ito na Natasha.
CHAPTER THREE. *Smoke from pipe* Isang matandang lalake ang nakatalikod at nakaharap sa bintana habang hinihipak ang isang mahabang pipa. Base sa suot nitong flopped hat at all white american suit, hindi pa rin mapagkakamalan na nasa singkwenta y sinco anyos na ang matanda. Kumikinang din ang singsing nitong may black heart-shaped na bato na nakasuot sa hintuturo nito. Isang lalake ang lumapit sa matanda kapagkuwa’y yumuko at nilagay ang kanang kamay sa dibdib tanda ng mataas na pag-galang dito. “Master-” “Oh, KC. Gising na ba si Natasha?” kahit na matanda na, baritono pa rin ang boses nito. “Yes, Master.” “Nasaan na siya?” sa mga pagkakataong iyon ay humarap na kay KC ang matanda. Sa kabila ng edad nito ay wala man lang itong wrinkles sa mukha. “Nasa kwarto niya po, nagpapahinga. Wala pa siyang alam sa nangyayari.” “Ganun ba? Iharap mo kaagad siya sakin kapag okay na siya.” “Yes, Master,” pagkasabi nun, mabilis na ring tumalikod si KC para iwan ang
CHAPTER FOUR. “ATTENTION EVERYBODY! THE BOSS IS COMING!” Sabay-sabay na tumayo ang mga tao sa loob ng silid na yun. Pati na si Jaymee ay napatayo na din. Saka siya sumisilip sa kung anong nagaganap. Pagkatapos kasi siyang ayusan ng mga ‘servants’ ay dinala siya dito ni Madame Love. May kailangan daw siyang makilala. Nagtataka man ay sumunod pa rin siya. Nasaksihan ni Jaymee ang tila ba mga nag-mamartsang tao na papalapit sa kinaroroonan nila. Sa unahan nito ay isang matandang lalake na may baston pa sa kanang kamay. Iniisa-isa nitong tingnan ang bawat taong naroroon. Natigilan si Jaymee nang huminto ito sa harapan niya. “MY DAUGHTER.” ‘My daughter’ ‘My daughter’ “Hija?” Nabigla siya ng yakapin siya nito ng buong higpit. Ilang minuto yatang natigilan si Jaymee. Nagpapaulit-ulit sa utak niya ang katagang sinabi ng matandang lalake habang yakap siya. Kumurap-kurap siya. Tinatawag siya nitong anak! “Hija, are you okay?” namalayan na lang ni Jaymee na
CHAPTER FIVE. Makikita sa isang sulok ng kalsada ang isang itim na kotse na nakaparada. Sakto lang ang pagtatago nito sa madilim na lugar para lamang hindi makita kung sino man ang lalabas mula sa mansion. Mula doon ay nakatanaw ang apat na di-kilalang lalake. “Nakauwi na pala ang tagapagmana?” sambit ng lalakeng nakaupo sa driver’s seat habang humihithit ng sigarilyo. “Oo-” “Tapos, pinakawalan niyo pa?” ani pa nito. “Biglang dumating yung mga assasin eh. Napurnada ang plano,” depensa ng katabi nito. Ang lalakeng nasa driver’s seat ay walang iba kundi si Fil Andrada. Siya ang leader ng grupong G4, isa sa mga sanga ng Diamond Brotherhood. “Ano ng gagawin natin?” tanong ng katabi niyang si Luke. “Ano na lang ang sasabihin natin sa Boss?” “You better explain to him. A good explanation, Luke, kung gusto mo pang tumagal sa mundong ibabaw,” sinigurado ni Fil na matatakot ito sa sinabi niya. “By the way? Nasaan na si Mr. Park? Hindi ba at kasama niyo siya kanin