“I already talked to Warren and he said na gumagawa siya ng paraan to contact Van,” Lia said when they started eating.Tanging tango lang ang ginawa ni Belinda at tumitig sa pagkain niya. Wala itong gana at pakiramdam niya ang kaya lang niyang gawin ay ang titigan ang pinggan niya hanggang sa mapanis ito.“Belinda.” Dahan-dahang inangat ni Belinda ang tingin niya kay Lia nang marinig niya ang tawag nito.“You need to eat and then after that take your vitamins.”Belinda sighed and looked at her food again."May nararamdaman ka bang kakaiba? Nahihilo ka or anything? Sabihan mo ako kung may nararamdaman ka. The doctor said na bawal kang ma stress o kahit nga mag-isip ng subra, so please; tell me if you felt something para madala kita sa hospital."After hearing that Belinda sigh then looked at Lia again.“I really want to go to the company. Mas malaki naman kasi ang posibilidad na makita ko siya roon,” Belinda said, which made Lia close her eyes. Napahilot siya sa noo at subrang lalim na
Chapter 93 Malaki ang tiwala ni Belinda kay Van, pero kung sakaling totoo lahat ng sinabi ni Zy, na talagang planado ang lahat at nilapitan lang siya ni Van para maghiganti, Belinda knows that she can't be with Van. “What’s happening here?! Zyril, anong nangyare sayo?” Manager Cecilla said and immediately approached Zy, but Belinda just looked at Van, who was just staring at her blankly. Walang emosyon siyang nakatingin kay Belinda. Nang tignan ni Belinda si Van sa mata ay saka siya nag-iwas ng tingin at tinignan si Zy. Why is he looking at me like that? Belinda couldn't help but ask herself. “What the hell?! What’s that? Why is there spaghetti on your head?!” Nagtataka, ngunit namutawi na ang galit sa boses ni Manager Cecilla. Tinignan pa niya ang buhok ni Zy na parang nandidiri ito. Zy really looks so messy, habang si Belinda naman ay parang basang sisiw. Kinagat ni Belinda ang labi at walang masabi. She wanted to talk, pero wala talaga siyang masabi na gusto na lang ni
"Let's talk while eating. Get the menu and tell the waiter kung anong gusto mo.” Van was too serious while saying that. Nagsimula na rin itong tumingin sa menu habang nasa tabi nilang dalawa ay ang waiter na naghihintay ng order nila. Belinda just looked at Van and didn't say anything. Pumunta sila sa isang mamahaling restaurant after what happened. Ang gusto ni Belinda ay mag-usap na agad sila, but Van was too serious when he said that they will talk outside. Ang masakit doon ay hindi pinasakay ni Van si Belinda sa kotse niya, bagkus ay nagpatawag siya ng driver para ihatid si Belinda sa lugar kung saan sila mag-uusap. “What do you want?” Van asked that again when Belinda didn't talk. Muling hindi nagsalita si Belinda. Ni hindi nga niya ginalaw ang menu na nasa harap niya dahil alam niya na hindi siya sumama rito para kumain. She's not here to eat, she's here to talk to Van and ask him many questions that she wants to ask. At alam din naman niya na hindi niya magagawang kuma
Napakurap na lang tuloy si Belinda sa braso niya para pigilan ang sariling magtanong ulit, pero kahit anong gawin niya, hindi niya kaya. “Y-You're not wearing our ring.” It was a statement. Van looked at his finger at muling hindi niya tinignan si Belinda. “Yes. I removed it.” Van said while still not looking at Belinda kaya huminga ng sobrang lalim si Belinda dahil naisip nito na hindi man lang nagdalawang-isip si Van na sabihin iyon. Nanikip na ng tuluyan ang dibdib niya. Belinda didn't talk after that and just waited for their food at paminsan-minsan ay pumapatak ang luha niya kahit anong pigil ang gawin niya, naninikip na talaga ang dibdib niya. Their wedding ring. He removed their wedding ring. Some even looked at Belinda dahil pati hikbi niya habang kumakain ay kumakawala na rin. Hindi maiwasang mag-isip ni Belinda and everything that came to her mind was really making her weak and cry. Ayaw niyang maging mahina, pero sobrang hina na niya emotionally, dumagdag pa sa i
Naging mas maraming luha ang pumatak sa mata ni Belinda pagkatapos niyang marinig iyon. She felt dizzier and her chest really tightened, na kinailangan niyang humawak sa lamesa para suportahan ang sarili niya. “V-Van—” Nataranta si Belinda nang makita ang pagtayo ni Van sa upuan niya. “Let's stop this, and I'm serious. Nilapitan lang kita because of your mother who destroyed my perfect family, and now I have already succeeded in making you fall in love with me and hurt you really hard. My intention is done. Nasaktan na kita at kitang-kita ko na kung gaano ako nagtagumpay, so it's really done.” Walang nagawa si Belinda kundi panoorin si Van na nagbaba ng tig-iisang libo sa lamesa at pagkatapos ay pagtalikod at paglabas ng restaurant. Belinda continued to cry and didn't mind all the people who were already looking at her. Belinda tried to stand up while still crying, but then she felt weak kaya napabalik siya sa pagkakaupo. Ilang sandali ay tuluyan na siyang nawalan ng malay at n
"The truth is, noong araw na sinabi ni Zy iyon, lahat iyon naipagtagpi-tagpi ko na sa isip ko. Iyong biglang pagsulpot niya sa bahay ni Danilo, ang pagbibigay niya ng bahay, lupa, at sasakyan sa ex niya gayong niloko naman siya noon, everything that, nabuo na sa isip ko, pero naunahan ako ng takot. Takot na takot ako sa mga mangyayari, but now, it still hurts, pero mas mababaliw ata ako kung mawawala ang anak ko sa kapabayaan ko and I don't want that to happen. Masakit lahat ng ginawa ni Van sa akin, pero mas lalong hindi ko kakayanin kung mawala ang magiging anak ko." While Belinda was alone in that room a while ago, she had time to think about her baby inside her, and for her, right now, that’s what she should do. Masakit pa rin para kay Belinda ang nangyari at mga narinig mula sa taong mahal niya. Hindi pa rin natatanggal ang bigat ng dibdib niya dahil nagmula pa ang mga salitang iyon sa taong buong puso niyang pinagkatiwalaan, pero naisip niya ang nangyari kanina. The pain s
Belinda didn't want to look rude lalo na at siya pa rin ang magiging lola ng anak niya, pero hindi niya na napigilan ang magsalita at sabihin nga ang bagay na iyon. "What did you say!" Nabura ang ngiti sa labi ni Cecilla at napalitan ng pagkunot ng noo at galit. Lumapit pa siya lalo at talagang kitang-kita nanaman ang sobrang galit ni Cecilla. "Ang sabi ko, mukhang iniwan ka ng asawa mo at sumama sa Mama ko dahil hindi niya nakayanan kung gaano kasama ang ugali mo. Siguro mas maganda ang ugali ng mama ko kaysa sa'yo kaya baka kailangan mo ring sisihin ang sarili mo kung bakit ka iniwan?" Belinda really didn't want to say that, pero hindi talaga niya magawang pigilan ang sarili at parang nagkaroon na nga ng sariling buhay ang bibig niya at patuloy ito sa pagsasalita. “Sinisisi mo ang Mama ko, pero ngayon nakikita ko talaga ang rason ng asawa mo kaya ka niya pinagpalit. Hulaan ko, ganyan din kagaspang ang ugali mo pagdating sa kanya no?” Pati si Lia ay gulat sa lahat ng mga sin
“Sa wakas natapos din!” Pagod na naupo si Lia sa sofa sa living room ni Belinda sa condo nito nang tuluyang maayos ang mga gamit nila. Dahil halos ilang taon na rin naman si Lia at Belinda na nasa RIVA Company ay talagang marami rami silang gamit sa apartment kaya ang ending, napagod ng subra sa pabalik balik na pagkuha ng mga gamit. “Nakakapagod iyon.” Lia said and almost close her eyes, so Belinda just went to the kitchen and looked at her fridge. Noong last na punta niya rito ay may mga stock pa naman siya and she was really sure na pwede pa rin kainin at inumin iyon. Pagkatapos makapagtimpla si Belinda ng juice ay agad na niya iyong dinala kay Lia na nakasandal ang buong katawan sa backrest ng sofa at talagang nakapikit. “Oh, heto juice, uminom ka muna.” Lia looked at Belinda after hearing that, pero napasimangot si Lia. “Hindi ba sabi ko sa 'yo maupo ka lang diyan? Bawal kang mapagod sabi ng doctor.” Napailing si Belinda sa tinuran ni Lia. “Buntis lang ako, pero hindi
Mariing pumikit si Cheska at hinimas ang batok niya, sinusubukang kalmahin ang sarili. Pero nang marinig niya ang pag-andar ng makina, agad siyang sumakay sa front seat, hindi na nag-isip pa. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya—parang may kung anong sumasakal sa dibdib niya habang pinagmamasdan si Azrael na tila ba hindi siya nakikita.Pagkaupo niya sa passenger seat, agad niyang nilingon si Azrael. Walang emosyon ang mukha nito, at tila ba tumagos ang katahimikan ng buong sasakyan sa balat niya."Hindi ba talaga kita makakausap ng matino?" Tanong ni Cheska at napapikit dahil sa suot nitong earbud, hindi siya sigurado kung naririnig ba siya nito o ano.Hindi na nakatiis si Cheska. Inabot niya ang kanang tainga ni Azrael at biglang inalis ang isang earbud. Kasabay ng pag-alis niya roon ay ang biglang pag-ikot ng mukha ng lalaki para tignan siya, puno ng iritasyon at pagkabigla.“What the fvck you fvcking think are you doing?” Inis na ani ni Azrael, masyadong diretso
Paglabas ni Cheska ng pinto ay agad siyang luminga sa magkabilang direksyon ng hallway, hinahanap ang pamilyar na porma ni Azrael. Mabilis ang pintig ng puso niya—hindi niya alam kung dahil ba sa kaba, inis, o… baka pareho, ewan, pati siya ay talagang nagugulugan sa nararamdaman. Kaso sa magkabilang dereksyon iyon ay wala siyang nakitang Azrael.“Ang bilis naman niya?” bulong ni Cheska sa sarili, bitbit ang iritang hindi niya maipaliwanag.Napahawak na lang si Cheska sa sintido. Dalawa ang elevator doon at sa dalawang hallway din ang daan kaya hindi niya alam kung alin sa dalawa ang sinakyan ni Azrael o tinungo nito.“Dito na nga lang!” Inis na ani Cheska sa sarili. Bahagyang nabunutan siya ng tinik nang makita niya ang pamilyar na likod nito—nakatayo, nakaharap sa elevator, at tila malapit nang sumakay. Mabilis ang lakad ni Azrael at may mga bumating nurse pa nga dito, dahil nga kilala ito doon, pero wala man lang itong pakealam o pinansin man lang. Diretso lang. Walang tingin. Walan
“Huwag ka kasi mag-alala. Kaya ko ang sarili ko, at mabait naman iyong boss kong iyon kahit medyo bugnutin. Kaya relax ka lang diyan."Ngumiti si Cheska pagkatapos sabihin iyon. Naiintindihan naman ni Cheska kung bakit nag-aalala ang kaibigan. Hindi rin naman ito ang unang beses na subra ang pag-aalala ng kaibigan dahil sa lalake.Bumuntong-hininga si Cris, halatang napapaisip.“Kaya kumain na lang tayo nito. Sayang din, at saka para kang tanga magtampo—Shit!”Napasinghap si Cheska nang maramdaman ang malamig at malagkit na icing ng yema cake sa pisngi niya. Napapikit siya sa gulat, halos hindi makapaniwalang pinahiran din siya ni Cris ng yema cake sa mukha, gaya ng ginawa niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, naglalagablab ang titig, at unti-unting inangat ang ulo papunta kay Cris.Nakita niya itong may mahinang tawa habang hawak pa ang daliring may natirang icing, kitang-kita ang kalokohan sa mukha. Parang batang nakaiskor ng kalokohan.“Cris...” seryoso ang boses niya, m
"Kamusta po ang kapatid ko, Doc? Okay lang naman po siya, hindi ba? Matagal na din po kasi kami rito at palaging na dedelay ang operasyon ng kapatid ko. Medyo nag-aalala na rin po kasi ako at ang laki na ng bill namin dito. Nagmukha na ngang hotel itong hospital para sa amin ng kapatid ko kaya gustong gusto ko na pong malaman kung bumubuti na po ang lagay ko." Tuloy tuloy na tanong ni Cheska dahil nabalitaan niyang tapos na ang panibagong test na ginawa nila sa kapatid niya.Ngumiti ang doctor bago sumagot,“Bumubuti ang lagay ng kapatid mo, so we are really happy to say that we are going to schedule the operation for him next month, first week.”Nagliwanag ang mukha ni Cheska sa narinig mula sa doctor. Hindi ito iyong tita ni Azrael dahil naka-leave daw ito—kaya’t iba ang naka-assign na doktor na sumuri at dumalo sa kapatid niya ngayon. Ngunit kahit iba ang kausap niya, dala pa rin ng balitang iyon ang matinding ginhawa at pag-asa.“And na-inform na din namin si Dr. Villariva. We su
Napasulyap si Cheska kay Azrael, and Azrael just sighed. Biglang lumambot ang tingin nito at hindi tulad kanina na halos umigting na ang panga.“I’m really happy na nandito ka ngayon para sa anak ko,” masayang ani Daviah habang hindi pa rin binibitawan si Cheska. “Nandito sana ako para pagalitan siya. Pasensya ka na sa anak ko, ha. Nalaman ko kasing puro trabaho ang inaatupag nitong mga nakaraang araw. Hindi man lang siya makapaglaan ng oras para sayo. Sana hindi ka magsawa sa kanya.”Napatingin si Azrael sa ina, agad na sumabat, “Saan mo ba kasi nalaman yan, Ma? I told you, napag-usapan na namin ng girlfriend ko na kapag tungkol sa trabaho ay ayos lang kung—”“No way! Ayos lang? I told you, magsasawa siya kapag palagi kang busy sa trabaho!” Pagalit na ani ng kanyang ina kaya napahawak sa batok si Azrael.“She won’t. Hindi siya magsasawa sa akin and I am making my way para magkasama naman kami—and you don’t need to meddle in our relationship, Ma.” Mahinahong sagot ni Azrael, ngunit bu
“Get a day off today. Spend time with your girlfriend! Hindi ka naman kailangan sa kompanya kaya–”“Kailangan ako sa kompanya, Ma. I’m the boss–”“Come on! Hindi ikakabagsak ng kompanya ang isang day off ng boss!”Naalimpungatan si Cheska nang makarinig ng pag-uusap at pagtatalo sa kung saan.Mabigat ang talukap ng mga mata niya habang dahan-dahan itong iminulat. Ang una niyang napansin ay ang malambot na kutson ng sofa sa ilalim ng kanyang likod. May kumot na nakabalot sa kanya, at may unan sa ilalim ng ulo niya.Kumunot ang noo ni Cheska. Hindi niya maalala kung kailan siya nahiga nang maayos doon, pero masarap ang pakiramdam ng init ng kumot—parang may sumilong na yakap sa buong katawan niya. Sinalubong din siya ng mahinang aroma ng nilulutong pagkain—bawang na piniprito, longganisang medyo nanunuyot na sa kawali, at ang pinong halimuyak ng piniritong itlog. Lahat ng iyon ay humaplos sa kanyang ilong, tila inaakay siya na bumangon na.Napaupo siya, marahang itinulak ang kumot at na
Binuka ni Cheska ang labi, handang magsalita ulit—siguro para kontrahin siya, siguro para lang mapanatili ang kaunting distansya sa pagitan nila. Pero sa huli, isang mahabang buntong-hininga na lang ang pinakawalan niya. Tinitigan niya si Azrael, hindi gumalaw, hindi rin siya gumawa ng anumang hakbang para paalisin ito sa pagkakahiga sa kanyang hita.Alam naman kasi talaga ni Cheska na pagod na ito, kahit sino ay mapapagod pagkatapos ng nangyari kanina. Ni hindi nga naisip ni Cheska na hanggang ngayon ay gising pa ito gayong kanina pa niya nakikita ang pagod sa mata niya at gusto ng magpahiga.Hinigit ni Cheska ang paghinga at sinubukang sumulyap na lang sa ibang direksyon, pilit pinipigilan ang anumang emosyong bumabalot sa dibdib niya. Sinisubukang huwag mag-isip at hayaan na lang ito sa pwesto nito.Pero ilang sandali, kinagat ni Cheska ang labi at hindi mapigilan ang mapatitig ulit dito. Nakapikit na, pero hindi matukoy ni Cheska kung tulog na ba ito o ano.Napatingin siya sa mukh
Tahimik si Cheska habang nagluluto. Halos hindi niya magawa ang huminga ng malalim. Ilang beses na siyang napapahawak sa pisngi niyang alam niyang namumula dahil sa sobrang init ng pakiramdam niya sa mukha. Hindi niya alam kung dahil ba 'yun sa kalan o sa... nangyari kanina.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyare at lalo na sa inaasta niya mismo.Hindi niya makalimutan ang biglaan, marahas ngunit sabay rin na banayad na halik ni Azrael. Gulong-gulo pa rin siya sa sarili niya—at hindi lang dahil doon. Pati na rin sa kung paano siya tumugon, kung paano siya... napalapit at hinayaan ito na halikan siya ng ganoon kalalim. Sa isang taong hindi naman niya karelasyon dahil peke lang naman ang namamagitan sa kanila.Humigpit ang hawak ni Cheska sa sandok.Naririnig niya ang bawat tik-tak ng wall clock, parang ang lakas-lakas. Samantalang si Azrael—nakaupo lang sa gilid ng countertop, nakasandal, nakangiti, at... pinapanood siya. At dahil nga sa pinapanood siya nito,
Napatigil siya. Tahimik. Seryoso ang boses. Seryoso ang mukha. Wala na ang pilyong ngiti. Nakatitig lang si Azrael sa kanya—diretso, walang iwas. Kaya namutla bigla ang mga salitang gusto sanang ilabas ni Cheska. Parang may pumisil sa dibdib niya.“But I want to kiss you, only you this time,” mariing ani ni Azrael.Parang tumigil ang oras para kay Cheska. Lahat ng ingay sa paligid niya ay nawala. Ang naririnig lang niya ay ang tibok ng puso niya at ang tinig ni Azrael na tila dumiretso sa puso niya at hindi sa tenga. Napalunok siya, pero hindi siya kumibo. Hindi niya alam kung alin sa mga nararamdaman niya ang dapat unahin—galit, takot, o ‘yung matagal na niyang pilit itinatanggi na nararamdaman niya para sa lalaking nasa harapan niya ngayon.Masyado syang nagulat sa mga sinabi ni Azrael at hindi niya alam kung dapat ba niya iyong paniwalaan o ano.Isang hakbang lang ang pagitan nila. Isang hakbang na pwedeng burahin at itawid ng kahit sinong may lakas ng loob. At si Azrael—walang pag