Chapter 187“Bakit hindi kayo gulat?” kunot-noong tanong ni Gray at saka sinulyapan si Edie at Cylvia na inaakala niyang mas magugulat dahil si Belinda ay anak nila, habang si Van naman ay itinuring at lumaking anak ni Edie."Tito? Tita? Ano? Wala po kayong sasabihin? Tignan niyo po, oh? Hindi ba dapat kayo iyong mas gulat?" Gray asked at tinuro pa si Van at Belinda na magkatabi.Napasulyap tuloy si Edie at Cylvia kila Belinda at Van. Napaayos si Belinda sa pagkakaupo at nilayo ang ulo ni Van nang makita ang pagsulyap ng mga magulang niya sa kanya. Edie sigh and calmly look at Gray.“Years ago, we were also shocked, Gray. We all had the same expression,” simpleng sambit ni Edie, na nagpasinghap sa lahat. Bigla silang nawalan ng masabi, lalo na nang marinig nila iyon mula sa mismong ama ni Belinda.“This is hard to understand knowing that our family was a mess years ago, pero noon pa, may relasyon na sila. Bago kami umuwi ni Edie dito sa Pilipinas, mas relasyon na sila,” mahinahong sam
Belinda waited for Van in their room, pero hindi ito bumalik. Halos hindi nagawang makatulog ng maayos si Belinda lalo na at iniisip nito kung anong nangyare kila Van.Hindi pa gaanong sumisilip ang araw nang agad na bumangon na si Belinda kahit na tulog na tulog pa nga rin si Daviah. Hindi na makapaghintay si Belinda na makita si Van at itanong kung ayos lang ba ito.Pumunta si Belinda sa opisina ni Van, pero wala siya roon kaya bumaba siya. Belinda even asked some employees kung nakita nila si Van, and nang sinabi nilang nasa pool area raw ito kasama ang iba pang mga kasamahan, agad siyang pumunta roon and then, there, she saw Van with her cousins."Good morning!" bati ni Julious nang makita si Belinda, sabay ngiti, but Belinda just frowned while looking at Van, who was sitting and laughing at something Yuhan was saying. Pero sa kabila ng pagtawa niya, kitang-kita ni Belinda ang mga sugat-sugat na mukha nito, pati ang putok na labi.Nang mapatingin si Van kay Belinda, napaayos ito n
Napatingala si Belinda nang bumaba ang labi ni Van papunta sa leeg niya. She bit her lip while her eyes were closed, hinahayaang damhin ang bawat halik ni Van sa leeg niya, kissing every part of it, na para bang isa itong paboritong pagkain na walang kasawaan niyang kakainjn.Ilang sandali lang ay bahagyang lumayo si Van para tignan si Belinda, pero bumalik agad ang labi niya sa leeg ni Belinda dahil sa hindi na niya kayang pigilan ang emosyon niya. His hands started lifting Belinda's clothes hanggang umabot sa dibdib niya, kaya tuluyan nang nagkaroon ng access si Van.Madaling natanggal ni Van ang lock ng bra ni Belinda, kaya tuluyan itong nahulog sa kandungan ni Belinda.“Van—hmmm!” Belinda bit her lip, napaliyad pa nga siya nang maramdaman niya ang labi ni Van sa nipple niya. Napahawak siya sa ulo ni Van para kumuha ng lakas, hindi mapigilan ang sarili ang mas lalong mapadaing.Ramdam na ramdam na ni Belinda ang init at sensasyon sa kanyang katawan, at sa puntong ito, she wanted it
Chapter 190“Pwede ka na mauna sa labas,” sabi ni Belinda habang sinusuklay ang buhok at nakitang nakaayos na si Van. Hindi maalis ni Belinda ang ngiti pagkatapos ng nangyare at ganoon din naman si Van.They both so happy na animo'y mga highschool student.Paglabas nila sa bathroom, nakatulog pa rin si Daviah reason kaya hindi mapigilan ni Van ang yakapin si Belinda ulit. Van really misses Belinda's smell na para atang kahit anong mangyare ay hindi niya iyon magagawang kalimutan."Van, pwede ka munang lumabas at samahan sila Gray sa baba," mahinahong sambit ni Belinda, pero umiling lang si Van.Gusto sanang makausap ni Belinda si Daviah ngayon, kaya sana ay gusto niyang mauna si Van sa pagbaba, pero mukhang walang plano si Van na mauna sa paglabas kaya naman napapabuntong hininga na lang si Belinda habang nakatitig sa reflection nila ni Van sa salamin sa harap niya.“I’d rather stay here than be with them. Aasarin lang ako ng mga iyon at saka mas gusto ko rito,” sambit ni Van na para
Sa labas naman, halos malukot ang mukha ni Van nang makita ang kausap ng mga pinsan ni Belinda. Ayaw talaga ni Van na umalis sa kwarto, pero dahil ayaw ng anak niyang nandoon siya, umalis na lang siya, pero hindi iyon nangangahulugang wala siyang gagawin para makuha ang loob ng anak.Natahimik at nagkatinginan ang mga lalaking pinsan ni Belinda nang makita si Van. Umupo lang si Van at pinikit ang mga mata. Naririnig niya ang usapan ng iba, pero hindi niya iyon pinansin; ang gusto lang niya ay makita at makasama si Belinda kasama ang kanilang anak.“Yes. Daviah really likes that. Kaya nga sobrang nalilibang ako tuwing dinadala siya ni Belinda sa office,” binasa ni Van ang labi nang marinig iyon mula sa boss ni Belinda. Hindi alam ni Van kung ano ang unang pinaguusapan nila dahil hindi iyon pumapasok sa isip niya, pero sa sandaling iyon, malinaw sa kanya ang sinabi nito.“She’s really smart, Francisco kasi,” si Yuhan na ilang beses tinignan si Van na tahimik at nakapikit habang nakasand
Chapter 192Belinda was already asleep when she felt someone hugging her from behind. Hindi pa man niya nakikita kung sino, she already knew who it was. Amoy pa lang nito ay kilalang kilala na niya at kahit ata anong mangyare ay talagang hindi niya makakalimutan ang moy na iyon.Tulog na sila ni Daviah, pero dahil sa paggalaw ng tao sa likod niya, tuluyan siyang nagising. Gumalaw siya at humarap, and then she saw Van.Agad na ibinaon ni Belinda ang mukha sa leeg ni Van without even saying anything. Sobrang gaan ng dibdib niya at pakiramdam niya. Everything was perfect for her. Everything.“I love you,” Belinda heard that from Van, pero dahil sa sobrang pagkaantok, hindi na niya nagawang sagutin iyon lalo na at dahil ang kamay ni Van ay tinatapik tapik na ang likuran ni Belinda na animo'y isang bata si Belinda na pinapatulog nito.Nagising si Belinda na wala si Van sa tabi niya, pero nang tumayo siya at tignan ang direksyon kung nasaan si Daviah, biglang hinaplos ang puso niya sa nakit
Umawang ang labi ni Belinda nang makita ang paglapit ng babae kay Van at nakipagkamay. It was a simple gesture, pero kay Belinda ay nag-alab na ang selos na nararamdaman niya. Hindi niya mapigilan ang sarili na magkaroon ng ganoong nararamdaman ngayon lalo na dahil ilang araw na silang hindi gaanong nag-uusap tapos ngayon ay makikita niyang nakikipagtawanan ito.Napagilid si Belinda nang maglakad ang babaeng kausap ni Van palabas. Nginitian siya ng babae and she looks so kind, pero si Belinda ay hindi kayang magbigay ng ngiti dahil sa bigat ng nararamdaman niya at dahil na rin sa selos.“Do you need anything?” tanong ni Van habang nagsisimulang ayusin ang mga papeles sa lamesa niya.Sa tanong ni Van, mas lalong bumigat ang pakiramdam ni Belinda. Kung kanina ay mabigat na, mas sobra na ngayon dahil iyon pa ang naging tanong nito.“W-Wala,” sagot ni Belinda at agad na umiwas ng tingin.Imbes na lumapit, lumabas na lang siya at hindi na tumuloy. Mabilis siyang umalis papunta sa kwarto, a
"E-Excuse me po!" sabi ni Belinda para makadaan sa mga kumpulan. But then… pagkasabi niya ng tatlong salitang iyon, biglang tumabi ang mga tao at binigyan siya ng sobrang luwang na daanan.Natigilan siya, hindi alam kung paano niya ihahakbang ang paa niya nang tuluyang makita si Van na may hawak na bulaklak. Walang bugbugan na nagaganap. Hindi alam ni Belinda ang gagawin nang mapagtanto niya na wala namang bugbugang nagaganap gaya ng sinabi ni Zyra at Faye. Until she felt someone tap her back."Ang bilis mo naman tumakbo," si Zyra at nang tignan ni Belinda ito ay nakangiti na silang dalawa. "Doon lang kami," si Faye at agad na hinila na si Zyra palayo.Napasulyap ulit si Belinda sa harap niya—kung nasaan si Van. Nakapalibot dito ang magagandang disenyo ng mga bulaklak, at pati ang daraanan niya ay punong-puno ng mga bulaklak. It looked like a wedding aisle, ang daanan ng bride papunta sa lalaking papakasalan.Sa likod ni Van, nag-aagaw ang kulay kahel ng langit, pero napako ang ting
Napaayos si Cheska sa pagkakaupo nang mapansing malapit na sila at dahil naka kotse si Azrael, hindi naman pwedeng ipasok niya ito at ayaw din ni Cheska na makakuha ng attention gayong paniguradong makakarating ito sa mama niya kaya naman sa kanto pa lang ay agad na niyang sinabihan si Azrael na itigil na ang kotse.Tatanggalin sana ni Cheska ang Office coat ni Azrael na suot niya para isauli na, pero bago pa matanggal ni Cheska ay agad nang nagsalita si Azrael."What? Balak mong maglakad pauwi na ganyan ang damit? Sinuot ko yan sayo para may pantakip ka ng katawan tapos tatanggalin mo?"Napanguso si Cheska sa narinig."Kung sana kasi hindi mo ako initusang magpalit, diba? Tapos ngayon ayaw mong maglakad ako ng ganoon ang damit. Talaga lang, ha?" Sarkastikong ani ni Cheska at hindi na tinuloy ang pagtanggal sa office coat ni Azrael."Why don' you just do everything I said without saying anything? ha?" Napairap si Cheska.“Salamat sa paghatid—” Sambit na lang nito, pero natigilan si Che
Chapter 17 “Bitawan mo nga ako!” Inis na ani ni Cheska kay Azrael nang patuloy siya nitong hinila papalabas at papunta sa parking lot. And Cheska successfully pulled her hand. Nang tignan siya ni Azrael, tinignan niya ito ng masama. “Ano bang problema mo at ang init-init ng ulo mo?” Umigting ang panga ni Azrael at saka pumikit ng mariin. "You!" "Me?" Takang tanong ni Cheska. Hindi niya lubos alam kung bakit subrang init ng ulo ni Azrael. Oo at inaasar niya ito kanina, pero tama na bang rason iyon para maging ganito kagalit? "Yes, you! because you have a plan on drinking that alcohol!" Umawang ang labi ni Cheska. "Seryoso ka ba? Doon ka talaga nagagalit ng ganyan?" Hindi makapaniwalang tanong no Cheska. Pinanood ni Cheska kung paano hinilot ni Azrael ang sintido niya bago magsalita. “I told you not to get that drink, pero plano mo paring kunin—” “Malamang! Anong gusto mo? Pahirapan ko pa iyong waiter? Tapos ano? Mawawalan siya ng trabaho dahil lang sa hindi ko tinanggap
Chapter 16Hindi makapaniwalang tinitigan ni Cheska si Azrael, ang isang kilay niya ay bahagyang nakataas habang pilit niyang inuunawa ang ikinikilos nito. Kanina lang ay nakaupo ito sa kabilang dulo ng sofa, pero ngayon ay nasa tabi na niya—nakaakbay pa na parang walang pakialam sa mundo. Hindi niya maiwasang magtaka sa biglaang pagbabago ng mood nito.“Problema mo?” tanong ni Cheska, at sa hindi mawaring dahilan, halos matawa na siya sa inasal ng binata.“Hindi kita pinapasweldo para magtanong. Just stay quiet and sit beside me,” mariin at masungit na sabi ni Azrael.Napanguwi si Cheska sa narinig dahil kailan ay subrang sungit nito, pero hindi maintindihan ni Cheska ang sarili kung bakit niya tinanggal ang kamay ni Azrael.Kung ibang lalaki siguro ang lumapit sa kanya nang ganito kalapit, malamang ay siniko na niya ito, o kaya’y nasapatusan. Pero sa halip na gawin iyon, napahinga lang siya nang malalim at pinagmasdan ang iritadong ekspresyon ni Azrael—ang nakakunot nitong noo, ang
Chapter 15Gusto pang magmatigas ni Cheska dahil para sa kanya ay hassle ang magpalit pa ng damit gayong para sa kanya ay maayos naman na ang damit na suot, pero wala naman siyang magagawa gayong boss naman niya ang nagsabi at nag-utos. At saka kahit naman binabara bara niya iyon at sinsagotsagot ay takot pa rin ito na baka biglang magbago ang isip nito. Plano din kasi ni Cheska na kausapin si Azrael tungkol sa pagpapagamot ng kapatid niya kaya talagang hindi niya maipagkakailang masaya siya sa pagtawag nito.Matapos ang ilang minutong paghihintay, dumating na ang damit na ipinadala ni Azrael. Walang nagawa si Cheska kundi isuot ito, kahit pa ramdam niyang hindi niya ito kailanman isusuot kung siya ang masusunod.Paglabas niya mula sa restroom, agad niyang naramdaman ang kakaibang pakiramdam ng telang bumabalot sa katawan niya. Isang itim na fitted dress ang suot niya—hapit na hapit ito sa kanyang katawan, dinidikitan ang bawat hubog niya sa paraang hindi siya sanay. Ang tela ay manipi
Chapter 14Hindi na nagpalit si Cheska ng damit. Kung ano ang suot niya kanina habang nasa kalsada kasama si Cris, iyon na rin ang dinala niya sa mamahaling bar kung saan siya pinatawag ni Azrael. Naka-itim siyang t-shirt na kupas at maluwag sa kanya, halos mahulog na sa balikat. Ang suot niyang shorts ay mukhang hiniram niya pa sa kung sinong lalaki—lampas tuhod at luma na rin. Naka-black cap siya, pero hindi nito tuluyang natakpan ang mahaba niyang buhok na nakalugay, bumabagay sa overall niyang pormang parang tambay sa kanto.At ngayon, habang naglalakad siya sa loob ng bar, hindi niya maipinta ang mga tingin na ipinupukol sa kanya ng mga tao roon. Napapailing si Cheska dahil parang nanliliit ang mga matang nakatingin sa kanya, na animo’y sa tingin pa lang ay sinasabi nang hindi siya bagay sa lugar na iyon.Napapalatak si Cheska. “Ano bang problema ng mga ‘to? Saka ano namang pake nila?” bulong niya sa sarili at medyo nakaramdam ng inis.Ang mga babae sa paligid ay nakasuot ng mga f
“Huhulaan ko, nag-away na naman kayo ng Mama mo, no?”Hindi tinignan ni Cheska si Cris nang marinig niya ang boses nito. Sa halip tignan ito, nanatili siyang nakatitig sa kalsada, pinagmamasdan ang walang-humpay na daloy ng mga sasakyan. Ang ilaw mula sa mga headlight ay sumasalamin sa kanyang mga mata, pero hindi iyon sapat para tabunan ang lungkot na nararamdaman niya sa lahat ng masasakit na salita mula sa kanyang ina.“Wala siya ngayon, pero kahapon, oo. Ano pa nga ba? Wala namang bago doon. Himala na lang siguro kung hindi kami mag-aaway o magtatalo ng isang araw. Palagi naman kasing mainit ang ulo niya.” Mahina at sarkastikong sagot ni Cheska, kasabay ng mapait na ngiti.Napabuntong-hininga si Cris at umiling. "Masyado ka kasing mabait sa Mama mo. Halos ikaw na lahat ang gumagawa ng pera para kapatid mo at pati sa pagsusugal ni Tita. Huwag mo namang hayaang abusuhin ka niya, Cheska.""Hindi ko naman kayang maging matigas, Cris. Mama ko iyon, eh. Kahit ganoon iyon, mama ko pa r
Chapter 12Zara. Iyon ang pangalan ng kanilang ina.Palaging ganoon ang ina ni Cheska sa kanilang magkapatid. Sa kabila ng pagsusumikap ni Cheska na makatulong sa gastusin, puro masasakit na salita lang ang natatanggap nila mula sa kanilang ina at paulit ulit na panunumbat na walang katapusan.Paulit-ulit na binabanggit ng kanyang ina kung paano siya nagsisisi na sumama sa ama nila noong maayos pa ang buhay nito. Para bang isang pagkakamali ang kanilang pagdating sa mundo. Palagi nitong pinaparamdam na sila ang mismong sumira sa buhay nito.Alam din ni Cheska na dating guro ang kanyang ina sa kanilang probinsya. Lagi nitong sinasabi na may ibang lalaking gusto sana niyang pakasalan noon—at kung siya raw ang nasunod, hindi sana naging ganito ang buhay niya. Isang masakit na katotohanang palaging itinatanim sa isip ni Cheska, na para bang kasalanan nilang magkapatid kung bakit ganoon ang sinapit ng kanilang ina.“A-Ate, magpapagamot na po ako?”Kitang-kita ni Cheska ang pagningning ng mg
Chapter 11“Gwapo sana, kaso ang gago-gago niya.”Napabuntong-hininga si Cheska habang nakatitig sa hawak niyang cellphone. Napapailing na lang siya sa inis at halo halong nararamdaman niya. Hindi niya alam kung bubuksan ba niya ito o hindi—baka kasi may makita na naman siyang hindi niya magugustuhan. Kahit pa pilit niyang iwaksi sa isip ang nakita niya, patuloy itong bumabalik, paulit-ulit, na parang isang sirang plaka ang narinig niya kanina na talaga namang paulit ulit na lang sa isip ni Cheska.“Nagbibigay ng cellphone, tapos may nagbebembangan? Kinikilabutan pa rin ako. Ang gandang cellphone tapos may b0ld. Tanga na, gago pa. Paano na lang kung si Tita Daviah ang nakakuha at nagbukas ng phone? Ang tanga niya, sobra.”Napapailing siya habang kinakausap ang sarili at alam din naman niya na mukha na siyang tanga habang kausap ang sarili, pero talagang hindi niya mapigilan ang sarili. Hindi lang inis ang nararamdaman niya—may halong kilamot talaga. Hindi niya inakalang makakakita siya
Chapter 10"Iha, pasensya na kung marami kami ngayon dito. I am really just happy that my son already has a girlfriend, kaya talagang sinabihan ko ang lahat tungkol sayo. Mas marami pa sana ito kung hindi lang nasa ibang bansa at busy ang iba. And also, my husband is not here dahil may dinaluhang meeting, kaya hindi mo siya makikilala ngayon."Halos nawala lahat ng tapang ni Cheska nang makita niya kung gaano karami ang pamilya ni Azrael. Mukhang alam na ni Cheska kung bakit ganito kalaki at kalawak ang condo ni Azrael—dahil kung maliit ito, hindi sila magkakasya lahat."O-Okay lang po at saka m-masaya naman po akong makilala kayo," sinubukan ni Cheska na ngumiti at maging normal ang kilos, pero halos hindi niya magawa nang mabuti dahil alam naman niya sa sarili niya na hindi totoo ang lahat ng ito.Nang matapos sabihin ni Cheska iyon, agad siyang dinumog at nagpakilala isa-isa. Ang iba ay sabay-sabay pa nga sa pagsasabi ng pangalan, kaya halos wala nang matandaan si Cheska sa mga pang