Chapter 161Lumundag at halos sobrang bilis na ng pagtibok ng dibdib ni Belinda nang maramdaman ang hininga ni Van sa leeg niya. She froze for a moment dahil talagang hindi niya aakalain na darating nga si Van at ngayon ay nasa likod niya. Ang init na nanggagaling sa kamay ni Van ay parang isang kuryente na naglakbay sa buong katawan ni Belinda. Despite her dizziness dahil sa alak, she could feel it. Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng buong katawan niya at ramdam na ramdam din niya ang namumuong tensyon sa pagitan nila.She felt it again. The familiar feeling na si Van ang nagpaparamdam sa kanya. Umawang ang labi ni Belinda at hindi alam ang gagawin, but she close her eyes at kumuha ng lakas ng loob sa pamamagitan ng paghinga ng malalim.“A-Anong ginagawa mo rito?” rinig ni Belinda ang sarili niyang pagkautal sa tanong na iyon, kaya naman napapikit siya ulit. Nanghihina ang lahat sa kanya. Nanghihina ang mga tuhod niya at ang buong katawan niya. Sa puntong iyon, kahit na lasing
CHAPTER 163 Van looked at Belinda, gulat at sandaling natigilan. “You already know?” Natawa si Belinda sa tanong ni Van. “Na ano? Na single ka na o na alam kong babaero ka at nandito ka para mambabae?” Belinda said sarcastically. Van sighed and closed his eyes. Huminga uto ng malalim at tumalikod pa na animo'y umiipon ng lakas ng loob. “Why are you so mad? You should be happy that I’m giving my attention to another woman. Isn't the first time we saw each other sa loob ng limang taon na nakalipas ay iniiwasan mo ako? I am doing my best now, Belinda. So why the are you angry? I’m avoiding you because you have a husband at ayaw ko ng—" “Sa tingin mo ba kung may asawa ako, nandito ako ngayon? Sa tingin mo makikipagsayawan ako at makikipag-inuman kung may asawa ako? Can you even think about that? Hindi ako ganoong klaseng babae, Van. Hindi ako makikipagsayaw sa iba kung may asawa ako. And damn it, Van. Hindi mo ba naitanong kung bakit wala ang sinasabi mong asawa ko sa pag-uwi k
Chapter 164Van's hands started traveling over Belinda's body habang patuloy at walang sawa siyang humahalik sa kanya.“Hmmm…” Napadaing si Belinda nang kagatin ni Van ang labi niya, at mas pinalalim pa ang halik. Parehas silang uhaw. Parehas na nakikipaglaban na animo'y gustong malaman kung sino ang pinakamagaling.It looks like, they want to please each other.Belinda was really drunk, pero mas lalo siyang nalasing sa halik ni Van at aa paraan nito; dumagdag pa ang mga haplos ni Van na nakakaliyo at nakakawala sa sarili. Five years. Five fvcking years, and she let Van kiss her again like this.It's feels good.She could clearly feel it. In five years, hindi niya naramdaman ang bagay na si Van lang ang nakakapagparamdam sa kanya. Para bang sa limang taon na pagkawala ng relasyon nila, natulog ang pakiramdam na iyon. But now, just like that, muling nabuhay ang natutulog na iyon, na parang kilalang-kilala talaga ng katawan niya si Van.Lahat ng parte ng katawan niya ay biglang nagising
Belinda looked at Van's pocket and then rolled her eyes again. Binilisan pa niya ang paglalakad dahil ayaw niyang marinig kung sino iyon. Baka isa na naman sa mga kausap niya kanina sa bar at hinahanap siya kaya talagang binilisan ni Belinda ang lakad.She didn’t know kung bakit biglang nawala ang kanyang pagkalasing. Siguro dahil sa dami ng nangyari? She didn’t know, but now she could walk straight, huli pa, pero hindi na gaano.“Yes, I'm with her. Gago, susuntukin kita kapag nakita kita,” Belinda heard Van say. Sa bilis ng lakad ni Belinda, walang hirap na naabutan siya ni Van at sumabay sa kanya.“Fine. I’ll tell her, pero ihanda mo ‘yang mukha mo at talagang maghihiram ka ng mukha ng aso,” Van seriously said bago tuluyang ibaba ang tawag.“Who's that? Warren?” Belinda curiously asked.“Yes, hinahanap ka raw ni Yuhan at ng iba pa. They’re all worried about you, so I suggest we go back for now para mapanatag sila. I'm telling you, iba sila mag-alala. They might call the NBI if they
Belinda kissed Daviah's forehead while she was still sleeping, pero sa paghalik niya ay mukhang naalimpungatan ang kanyang anak kaya napakagat si Belinda sa labi at napalayo.“I'm sorry. Did I wake you up?” Agad na tanong at paghingi ni Belinda ng paumanhin kay Daviah iah.Inaantok pa si Daviah habang nakatingin kay Belinda.“Where are you going?” mahinang tanong ni Daviah, na halatang antok pa rin, pero kahit na antok ay nagawa pa rin nitong itanong iyon.“Sa baba lang ako. I'm going to cook your favorite breakfast as your reward dahil subrang bait at good girl ng baby ko the last few days,” sagot ni Belinda habang nakangiti. Inayos niya ang buhok ng anak at inilagay sa gilid.Tumitig si Belinda kay Daviah at hindi maiwasang maisip si Van. Kung hindi lang siya lasing at hindi sobrang inis kay Van kagabi, siguro nasabi na niya rito ang tungkol kay Daviah. Pero dahil maraming nangyari, hindi niya nagawang sabihin ang tungkol sa anak niya. Sa puntong 'to, siguro nga talaga mas maayos n
“Sit down, Belinda.” This time, si Edie, ang ama ni Belinda ang nagsalita, na may seryosong tingin at boses kaya napatingin ulit si Belinda kay Van at kumunot ang noo, sinusubukang hanapin sa mukha nito ang sagot kung bakit subrang seryoso ng mga magulang niya.Hindi na napigilan ni Belinda ang magtanong sa isip kung ano ang pinag-usapan nila bago siya dumating. May sinabi ba si Van? Ano ang sinabi niya? Ano ang naging usapan nila?Umupo si Belinda gaya ng iniutos ni Edie, at nang makaupo na siya, isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Edie.“I don’t know what’s happening, but Van came here early today to ask for permission to court you,” paunang sabi ni Edie gamit ang seryosong boses.“Po?” gulat na tanong ni Belinda bago muling tumingin kay Van para kumuha ng sagot.Court? He wants to court me? Ang mga tanong na iyon ay paulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Belinda, sabay-sabay at halos parang tumakbo siya ng subrang layo sa lakas ng pagkabog ng dibdib niya sa narinig.Pa
Agad na hinarap ni Belinda si Van nang matapos ang usapan iyong kasama ang mga magulang ni Belinda. Tinaasan niya ito ng kilay dahil sinundan pa siya ni Van papunta sa kusina.Hindi pa rin makapaniwala si Belinda sa mga narinig niya. Okay, the truth is, she's happy hearing those things from Van. Sino ba naman ang hindi magiging masaya? It's been five years, but still, she is hearing this from Van, even after what happened between them.Magiging sinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya masaya sa mga narinig niya.Pakiramdam talaga ni Belinda ay isa lang iyon sa mga panaginip niya, but then, this is real, this is reality. Mahirap man paniwalaan, but this is really the reality. Reality na kahit kailan hindi inisip ni Belinda na mangyayare dahil kahit kailan ay hindi na siya umasa noon.“Umuwi ka na, o kaya pumunta ka na lang sa resort. Nandoon sila Yuhan at iba pa, so you know, you can just go there instead. Saka, maboboring ka lang dito,” mariing sabi ni Belinda kay Van dahil p
NAPAPALUNOK na lang si Belinda sa mga nangyayare. She look at her daughter na wala man lang kaalam alam na nandito at nakita na niya ang ama niya. “Belinda! Si Van nandito raw, baka makita niya si— Oh, g-good morning.” Napasulyap si Belinda kay Lia na talaga namang biglang biglang natigilan sa pagpasok. Kagigising lang ni Lia at kanina ay pagbaba niya nalaman niyang dumating si Van rito sa mansyon ng mga Francisco. Pagkatapos niyang malaman ang tingkol kay Van ay nagmamadali siyang pumasok sa kusina dahil napag alaman niya rin na nandoon si Belinda. Pinuntahan ni Lia si Belinda para sabihan ngunit tumigil siya sa paglalakad at sa pagsasalita nang makita si Van sa kusina.Nagsisi tuloy si Lia na nagsalita na ito kahit na hindi pa siya nakakarating sa mismong kusina, hindi tuloy niya nalaman agad na nandoon na din pala si Van at huli na siya sa pagbabala tungkol rito.Kinagat ni Lia ang kanyang labi habang nakatingin kay Van, pagkatapos ay tumingin kay Daviah, at sa huli kay Belinda.
Mariing pumikit si Cheska at hinimas ang batok niya, sinusubukang kalmahin ang sarili. Pero nang marinig niya ang pag-andar ng makina, agad siyang sumakay sa front seat, hindi na nag-isip pa. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya—parang may kung anong sumasakal sa dibdib niya habang pinagmamasdan si Azrael na tila ba hindi siya nakikita.Pagkaupo niya sa passenger seat, agad niyang nilingon si Azrael. Walang emosyon ang mukha nito, at tila ba tumagos ang katahimikan ng buong sasakyan sa balat niya."Hindi ba talaga kita makakausap ng matino?" Tanong ni Cheska at napapikit dahil sa suot nitong earbud, hindi siya sigurado kung naririnig ba siya nito o ano.Hindi na nakatiis si Cheska. Inabot niya ang kanang tainga ni Azrael at biglang inalis ang isang earbud. Kasabay ng pag-alis niya roon ay ang biglang pag-ikot ng mukha ng lalaki para tignan siya, puno ng iritasyon at pagkabigla.“What the fvck you fvcking think are you doing?” Inis na ani ni Azrael, masyadong diretso
Paglabas ni Cheska ng pinto ay agad siyang luminga sa magkabilang direksyon ng hallway, hinahanap ang pamilyar na porma ni Azrael. Mabilis ang pintig ng puso niya—hindi niya alam kung dahil ba sa kaba, inis, o… baka pareho, ewan, pati siya ay talagang nagugulugan sa nararamdaman. Kaso sa magkabilang dereksyon iyon ay wala siyang nakitang Azrael.“Ang bilis naman niya?” bulong ni Cheska sa sarili, bitbit ang iritang hindi niya maipaliwanag.Napahawak na lang si Cheska sa sintido. Dalawa ang elevator doon at sa dalawang hallway din ang daan kaya hindi niya alam kung alin sa dalawa ang sinakyan ni Azrael o tinungo nito.“Dito na nga lang!” Inis na ani Cheska sa sarili. Bahagyang nabunutan siya ng tinik nang makita niya ang pamilyar na likod nito—nakatayo, nakaharap sa elevator, at tila malapit nang sumakay. Mabilis ang lakad ni Azrael at may mga bumating nurse pa nga dito, dahil nga kilala ito doon, pero wala man lang itong pakealam o pinansin man lang. Diretso lang. Walang tingin. Walan
“Huwag ka kasi mag-alala. Kaya ko ang sarili ko, at mabait naman iyong boss kong iyon kahit medyo bugnutin. Kaya relax ka lang diyan."Ngumiti si Cheska pagkatapos sabihin iyon. Naiintindihan naman ni Cheska kung bakit nag-aalala ang kaibigan. Hindi rin naman ito ang unang beses na subra ang pag-aalala ng kaibigan dahil sa lalake.Bumuntong-hininga si Cris, halatang napapaisip.“Kaya kumain na lang tayo nito. Sayang din, at saka para kang tanga magtampo—Shit!”Napasinghap si Cheska nang maramdaman ang malamig at malagkit na icing ng yema cake sa pisngi niya. Napapikit siya sa gulat, halos hindi makapaniwalang pinahiran din siya ni Cris ng yema cake sa mukha, gaya ng ginawa niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, naglalagablab ang titig, at unti-unting inangat ang ulo papunta kay Cris.Nakita niya itong may mahinang tawa habang hawak pa ang daliring may natirang icing, kitang-kita ang kalokohan sa mukha. Parang batang nakaiskor ng kalokohan.“Cris...” seryoso ang boses niya, m
"Kamusta po ang kapatid ko, Doc? Okay lang naman po siya, hindi ba? Matagal na din po kasi kami rito at palaging na dedelay ang operasyon ng kapatid ko. Medyo nag-aalala na rin po kasi ako at ang laki na ng bill namin dito. Nagmukha na ngang hotel itong hospital para sa amin ng kapatid ko kaya gustong gusto ko na pong malaman kung bumubuti na po ang lagay ko." Tuloy tuloy na tanong ni Cheska dahil nabalitaan niyang tapos na ang panibagong test na ginawa nila sa kapatid niya.Ngumiti ang doctor bago sumagot,“Bumubuti ang lagay ng kapatid mo, so we are really happy to say that we are going to schedule the operation for him next month, first week.”Nagliwanag ang mukha ni Cheska sa narinig mula sa doctor. Hindi ito iyong tita ni Azrael dahil naka-leave daw ito—kaya’t iba ang naka-assign na doktor na sumuri at dumalo sa kapatid niya ngayon. Ngunit kahit iba ang kausap niya, dala pa rin ng balitang iyon ang matinding ginhawa at pag-asa.“And na-inform na din namin si Dr. Villariva. We su
Napasulyap si Cheska kay Azrael, and Azrael just sighed. Biglang lumambot ang tingin nito at hindi tulad kanina na halos umigting na ang panga.“I’m really happy na nandito ka ngayon para sa anak ko,” masayang ani Daviah habang hindi pa rin binibitawan si Cheska. “Nandito sana ako para pagalitan siya. Pasensya ka na sa anak ko, ha. Nalaman ko kasing puro trabaho ang inaatupag nitong mga nakaraang araw. Hindi man lang siya makapaglaan ng oras para sayo. Sana hindi ka magsawa sa kanya.”Napatingin si Azrael sa ina, agad na sumabat, “Saan mo ba kasi nalaman yan, Ma? I told you, napag-usapan na namin ng girlfriend ko na kapag tungkol sa trabaho ay ayos lang kung—”“No way! Ayos lang? I told you, magsasawa siya kapag palagi kang busy sa trabaho!” Pagalit na ani ng kanyang ina kaya napahawak sa batok si Azrael.“She won’t. Hindi siya magsasawa sa akin and I am making my way para magkasama naman kami—and you don’t need to meddle in our relationship, Ma.” Mahinahong sagot ni Azrael, ngunit bu
“Get a day off today. Spend time with your girlfriend! Hindi ka naman kailangan sa kompanya kaya–”“Kailangan ako sa kompanya, Ma. I’m the boss–”“Come on! Hindi ikakabagsak ng kompanya ang isang day off ng boss!”Naalimpungatan si Cheska nang makarinig ng pag-uusap at pagtatalo sa kung saan.Mabigat ang talukap ng mga mata niya habang dahan-dahan itong iminulat. Ang una niyang napansin ay ang malambot na kutson ng sofa sa ilalim ng kanyang likod. May kumot na nakabalot sa kanya, at may unan sa ilalim ng ulo niya.Kumunot ang noo ni Cheska. Hindi niya maalala kung kailan siya nahiga nang maayos doon, pero masarap ang pakiramdam ng init ng kumot—parang may sumilong na yakap sa buong katawan niya. Sinalubong din siya ng mahinang aroma ng nilulutong pagkain—bawang na piniprito, longganisang medyo nanunuyot na sa kawali, at ang pinong halimuyak ng piniritong itlog. Lahat ng iyon ay humaplos sa kanyang ilong, tila inaakay siya na bumangon na.Napaupo siya, marahang itinulak ang kumot at na
Binuka ni Cheska ang labi, handang magsalita ulit—siguro para kontrahin siya, siguro para lang mapanatili ang kaunting distansya sa pagitan nila. Pero sa huli, isang mahabang buntong-hininga na lang ang pinakawalan niya. Tinitigan niya si Azrael, hindi gumalaw, hindi rin siya gumawa ng anumang hakbang para paalisin ito sa pagkakahiga sa kanyang hita.Alam naman kasi talaga ni Cheska na pagod na ito, kahit sino ay mapapagod pagkatapos ng nangyari kanina. Ni hindi nga naisip ni Cheska na hanggang ngayon ay gising pa ito gayong kanina pa niya nakikita ang pagod sa mata niya at gusto ng magpahiga.Hinigit ni Cheska ang paghinga at sinubukang sumulyap na lang sa ibang direksyon, pilit pinipigilan ang anumang emosyong bumabalot sa dibdib niya. Sinisubukang huwag mag-isip at hayaan na lang ito sa pwesto nito.Pero ilang sandali, kinagat ni Cheska ang labi at hindi mapigilan ang mapatitig ulit dito. Nakapikit na, pero hindi matukoy ni Cheska kung tulog na ba ito o ano.Napatingin siya sa mukh
Tahimik si Cheska habang nagluluto. Halos hindi niya magawa ang huminga ng malalim. Ilang beses na siyang napapahawak sa pisngi niyang alam niyang namumula dahil sa sobrang init ng pakiramdam niya sa mukha. Hindi niya alam kung dahil ba 'yun sa kalan o sa... nangyari kanina.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyare at lalo na sa inaasta niya mismo.Hindi niya makalimutan ang biglaan, marahas ngunit sabay rin na banayad na halik ni Azrael. Gulong-gulo pa rin siya sa sarili niya—at hindi lang dahil doon. Pati na rin sa kung paano siya tumugon, kung paano siya... napalapit at hinayaan ito na halikan siya ng ganoon kalalim. Sa isang taong hindi naman niya karelasyon dahil peke lang naman ang namamagitan sa kanila.Humigpit ang hawak ni Cheska sa sandok.Naririnig niya ang bawat tik-tak ng wall clock, parang ang lakas-lakas. Samantalang si Azrael—nakaupo lang sa gilid ng countertop, nakasandal, nakangiti, at... pinapanood siya. At dahil nga sa pinapanood siya nito,
Napatigil siya. Tahimik. Seryoso ang boses. Seryoso ang mukha. Wala na ang pilyong ngiti. Nakatitig lang si Azrael sa kanya—diretso, walang iwas. Kaya namutla bigla ang mga salitang gusto sanang ilabas ni Cheska. Parang may pumisil sa dibdib niya.“But I want to kiss you, only you this time,” mariing ani ni Azrael.Parang tumigil ang oras para kay Cheska. Lahat ng ingay sa paligid niya ay nawala. Ang naririnig lang niya ay ang tibok ng puso niya at ang tinig ni Azrael na tila dumiretso sa puso niya at hindi sa tenga. Napalunok siya, pero hindi siya kumibo. Hindi niya alam kung alin sa mga nararamdaman niya ang dapat unahin—galit, takot, o ‘yung matagal na niyang pilit itinatanggi na nararamdaman niya para sa lalaking nasa harapan niya ngayon.Masyado syang nagulat sa mga sinabi ni Azrael at hindi niya alam kung dapat ba niya iyong paniwalaan o ano.Isang hakbang lang ang pagitan nila. Isang hakbang na pwedeng burahin at itawid ng kahit sinong may lakas ng loob. At si Azrael—walang pag