Chapter 111“Via?” Hindi tinignan ni Belinda ang nagsalita, pero alam niyang ang asawa ng kanyang ina iyon… na ama raw niya. Masyado siyang gulat at talagang nakatuon na ang attention kay Van at sa sugat nito. Walang lakas kanina si Belinda na lapitan si Van, pero dahil sa nakita niyang sugat nito at dugo ay biglang nakalimutan niya kung anong nangyare sakanila ni Van.Ang makita ang dugo at sugat na iyon sa kamay ni Van ay talagang nakakapagpakaba kay Belinda dahl sa pag-aalala.Van immediately looked away as he saw Belinda staring at him. Biglang kinabahan si Van sa tingin ni Belinda sa kanya at talagang hindi niya iyon matagalan lalo na at nakikita nito ang lubos na pag-aalala,“What's happening here, Edie? Bakit duguan ang kamay ni Van?” Nag-aalalang tanong ni Cylvia kay Edie.Hindi nagsalita si Edie at napatingin lang kay Belinda saka niya binaba ang tingin kay Van. Kitang-kita ni Edie na hindi naging komportable si Van sa biglaang pagdating ni Belinda. They all watched Van get t
Chapter 112Nagmulat si Van at tinignan si Belinda, at laking pasalamat niya nang hindi na ito nakatingin sa kanya, kaya pwede na niyang tingnan ulit ito.“Nagkasagutan ba kayo ng daddy mo?” Ang inosenteng tinig ni Belinda ay nagdulot ng konting ngiti kay Van habang tinitingnan niya ulit si Belinda. Van miss her so much. Sa subrang pagkamiss niya ngayon ay baka makalimutan niya ang lahat at manatili na lang sa tabi ni Belinda. Hindi ito nakatingin kaya malaya na ulit si Van na titigan si Belinda.Ni hindi na dumako sa isip niya ang tungkol sa hindi siya anak ng kinalakihan niyang ama dahil masyado siyang okupado sa lahat ng mga nangyayare sa buhay niya.“Daddy mo, hindi daddy ko,” malumanay na sambit ni Van.Napanguso si Belinda at hindi nagsalita pagkatapos na sabihin ni Van ang bagay na iyon. Alam na ni Belinda iyon, pero siguro dahil masyadong mabilis kaya hindi pa niya alam kung paano lubos na tatanggapin kung sino ang papa niya.Hindi nagsalita ulit si Belinda at tinuon na lang a
Napahilot si Belinda sa noo niya dahil sa sumasakit na ang ulo niya sa napakaraming trabahong tinanggap niya. Bigla siyang nagsisi na tumanggap siya ng naparaminh trabaho sa linggong iyon. “Mommy! Mommy!” Napasulyap si Belinda sa pintuan ng kwarto niya nang marinig ang boses ng kanyang anak.Narinig pa nito ang pagkatok nito ng mahihina. Napangiti si Belinda at agad na iniwan ang ginagawa sa laptop para lumapit sa pinto. Biglang nawala ang sakit sa ulo ni Belinda nang marinig niya ang anak niya mula sa labas ng kwarto, at ang malambing na tinig ng kanyang anak ay nagbigay ginhawa sa kanyang puso.Binuksan niya ang pinto at nakita ang kanyang anak na si Daviah, na nakayakap sa kanyang paboritong Teddy bear.“How’s my princess? Nag-enjoy ka ba sa lakad niyo nila lola mo?” Naupo si Belinda para magpantay ang tingin nilang dalawa ng kanyang anak habang tinatanong iyon.Pinanood ni Belinda ang pagtango at pagngiti ni Daviah sa kanya.“Yes, Mommy! I enjoyed it! And look! Lolo and Lola boug
Pagdating na pagdating ni Belinda sa kusina, napahinga siya ng malalim. She tried to stop herself thinking about Van again. Hindi niya lang napansin ang pagsunod ng kanyang ina, kaya halos mapatalon siya nang magsalita ito sa likuran niya.“Tulungan na kita sa pagluluto.” Napasulyap si Belinda sa kanyang ina.“Hindi na po, ako na dito.” Belinda insisted, pero hinayaan na lang niya ang kanyang ina nang lumapit ito sa refrigerator at buksan.“Minsan lang tayo magsabay magluto, kaya pagbigyan mo na ako.” Cylvia said at agad na kumuha ng mga sangkap na lulutuin sa refrigerator."Ganito ka sana palagi kung nanatili na lang kayo ni Daviah sa bahay. You know, the house is big, kaya sana mas maganda kung doon na lang din kayo." Lumapit di Cylvia at nilagay ang mga sangkap sa lamesa na kinuha niya sa ref. Bumaba ang tingin ni Belinda roon.Hindi gusto ni Cylvia ang desisyon ni Belinda naa pag-alis gayong mas maigi nga na sa iisang bahat na lang sila, pero wala siyang nagawa dahil ayaw niya n
Gray: “Pumunta ka, ah! Noong huling party hindi ka pumunta kaya dapat pumunta ka ngayon!" Belinda stared at that message from Gray. She was about to call her para kausapin at agad ng magsorry dahil hindi siya pupunta, pero naunahan siya sa text message. Gray: "Hinding hindi na kita kakauspin kung wala ka sa birthday ko!" Napahilot na lang sa batok si Belinda nang may pumasok na text message ulit mula kay Gray. Dahil alam niyang magtatampo ang pinsan niyang iyon, wala siyang nagawa kundi ang pumunta. Sa isip ni Belinda ay pupunta siya, pero saglit na lang. Kabadong-kabado si Belinda sa pagpasok sa hotel kung saan gaganapin ang birthday party ni Gray. It was a pool party. Pagpasok na pagpasok niya, agad siyang sinalubong ng mga pinsan niya, pero natagpuan ng mga mata ni Belinda si Warren na seryosong nakatingin sa kanya. Napaiwas na lang si Belinda ng tingin at agad na nakipagpalitan ng pagbati. Sampong tao ang nga naroon at lahat sila ay pinsan ni Belinda. Gray, Faye, Jul
Chapter 116“He’s getting married? What? No way! I’m his sister, and I didn’t even know about this! Is this a joke? What the hell?” Gray said, pacing back and forth. Hindi mapakali at talagang gulat pa rin sa nabasa sa invitation.“No. This is not real. I mean, masyadong nakakagulat! He is just making fun of us siguro! Tama! Ni wala nga siyang pinakilala sa atin, hindi ba? We don't even know who's the woman is.!” Dugtong pa ni Gray.Bumalik si Belinda sa pool area habang lukot ang mukha at hindi makapaniwala sa naging pag-uusap nila ni Lia. She picked up the invitation from the table and read it again. Binasa niya ang pangalan ng kanyang kaibigan at saka ang pangalan ng kanyang pinsan na para bang hindi pa siya nakuntento sa pagbasa niya kanina. She still couldn’t believe it!“Your brother doesn’t have time for jokes. It’s definitely real, Gray,” Yuhan said, holding a cigarette. With his tattoos and cigarette, he definitely looked like a bad boy. Nakaupo ito sa tabi ni Belinda.Sa its
Chapter 117Belinda: What the hell is this? Para saan naman ito, Lia? Anong gagawin ko sa pa-trailer na sinasabi mo at kailangan pa talagang may letrato ng maligno?Nangangalait na si Belinda nang isend niya iyon. Just what the hell? Trailer? Hindi makuha ni Belinda ang kalokohan ngayon ng kaibigan kaya talagang kunot noo na itong naghihintay ng reply mula kay Lia.Lia: Maligno? Funny, Belinda. You said nakamove on ka na kaya ayos lang siguro mag-send ng letrato ng Daddy ni Daviah, right?Napasimangot si Belinda.Belinda: So anong gagawin ko sa picture na yan? Titigan? Sayo na, hindi ko kailangan yan! Ang pangit!Inis na ibinaba ni Belinda ang phone niya at hindi na lang ginalaw iyon. Hindi niya alam kung bakit biglang ganoon si Lia. Alam ni Lia kung gaano pilit na iniiwasan ni Belinda ang pag-usapan si Van kaya naman napapabusangot na lang mukha niya sa pagsend ni Lia ng letrato ni Van.Ilang sandali ay napanguso na lang siya dahil ang totoo ay hindi naman pangit si Van doon sa letr
Chapter 118The party went on after that. Halos lasing ang lahat habang si Belinda ay paunti-unti lang ang pag-inom dahil uuwi pa ito at ayaw niyang lasing siya pagbalik sa bahay. Ayaw niyang makita siya ng anak na lasing; that was the thing she didn’t want to happen.Napasulyap si Belinda sa relo niya para tingnan ang oras. It's already 12 at halos ilang oras na rin sila. Belinda is going to sleep in her parents' house tonight because Daviah is there at malapit lang din ito kung nasaan sila ngayon.“Bakit kasi hindi m-mo dinala si Daviah? You two should stay here tonight. Marami namang available na rooms ngayon dito sa hotel kaya dapat talaga dinala mo siya para hindi ka uuwi ng ganitong oras.” Gray said at lasing na talaga.Ang hotel kung nasaan sila ay pag-aari nila Gray. This is not the biggest hotel owned by their family; isa lang ito sa regular na hotel. Everyone in the Francisco family is really rich.Dahil sa lasing na, tuluyan nang umakyat ang ibang mga pinsan ni Belinda sa m
Mariing pumikit si Cheska at hinimas ang batok niya, sinusubukang kalmahin ang sarili. Pero nang marinig niya ang pag-andar ng makina, agad siyang sumakay sa front seat, hindi na nag-isip pa. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya—parang may kung anong sumasakal sa dibdib niya habang pinagmamasdan si Azrael na tila ba hindi siya nakikita.Pagkaupo niya sa passenger seat, agad niyang nilingon si Azrael. Walang emosyon ang mukha nito, at tila ba tumagos ang katahimikan ng buong sasakyan sa balat niya."Hindi ba talaga kita makakausap ng matino?" Tanong ni Cheska at napapikit dahil sa suot nitong earbud, hindi siya sigurado kung naririnig ba siya nito o ano.Hindi na nakatiis si Cheska. Inabot niya ang kanang tainga ni Azrael at biglang inalis ang isang earbud. Kasabay ng pag-alis niya roon ay ang biglang pag-ikot ng mukha ng lalaki para tignan siya, puno ng iritasyon at pagkabigla.“What the fvck you fvcking think are you doing?” Inis na ani ni Azrael, masyadong diretso
Paglabas ni Cheska ng pinto ay agad siyang luminga sa magkabilang direksyon ng hallway, hinahanap ang pamilyar na porma ni Azrael. Mabilis ang pintig ng puso niya—hindi niya alam kung dahil ba sa kaba, inis, o… baka pareho, ewan, pati siya ay talagang nagugulugan sa nararamdaman. Kaso sa magkabilang dereksyon iyon ay wala siyang nakitang Azrael.“Ang bilis naman niya?” bulong ni Cheska sa sarili, bitbit ang iritang hindi niya maipaliwanag.Napahawak na lang si Cheska sa sintido. Dalawa ang elevator doon at sa dalawang hallway din ang daan kaya hindi niya alam kung alin sa dalawa ang sinakyan ni Azrael o tinungo nito.“Dito na nga lang!” Inis na ani Cheska sa sarili. Bahagyang nabunutan siya ng tinik nang makita niya ang pamilyar na likod nito—nakatayo, nakaharap sa elevator, at tila malapit nang sumakay. Mabilis ang lakad ni Azrael at may mga bumating nurse pa nga dito, dahil nga kilala ito doon, pero wala man lang itong pakealam o pinansin man lang. Diretso lang. Walang tingin. Walan
“Huwag ka kasi mag-alala. Kaya ko ang sarili ko, at mabait naman iyong boss kong iyon kahit medyo bugnutin. Kaya relax ka lang diyan."Ngumiti si Cheska pagkatapos sabihin iyon. Naiintindihan naman ni Cheska kung bakit nag-aalala ang kaibigan. Hindi rin naman ito ang unang beses na subra ang pag-aalala ng kaibigan dahil sa lalake.Bumuntong-hininga si Cris, halatang napapaisip.“Kaya kumain na lang tayo nito. Sayang din, at saka para kang tanga magtampo—Shit!”Napasinghap si Cheska nang maramdaman ang malamig at malagkit na icing ng yema cake sa pisngi niya. Napapikit siya sa gulat, halos hindi makapaniwalang pinahiran din siya ni Cris ng yema cake sa mukha, gaya ng ginawa niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, naglalagablab ang titig, at unti-unting inangat ang ulo papunta kay Cris.Nakita niya itong may mahinang tawa habang hawak pa ang daliring may natirang icing, kitang-kita ang kalokohan sa mukha. Parang batang nakaiskor ng kalokohan.“Cris...” seryoso ang boses niya, m
"Kamusta po ang kapatid ko, Doc? Okay lang naman po siya, hindi ba? Matagal na din po kasi kami rito at palaging na dedelay ang operasyon ng kapatid ko. Medyo nag-aalala na rin po kasi ako at ang laki na ng bill namin dito. Nagmukha na ngang hotel itong hospital para sa amin ng kapatid ko kaya gustong gusto ko na pong malaman kung bumubuti na po ang lagay ko." Tuloy tuloy na tanong ni Cheska dahil nabalitaan niyang tapos na ang panibagong test na ginawa nila sa kapatid niya.Ngumiti ang doctor bago sumagot,“Bumubuti ang lagay ng kapatid mo, so we are really happy to say that we are going to schedule the operation for him next month, first week.”Nagliwanag ang mukha ni Cheska sa narinig mula sa doctor. Hindi ito iyong tita ni Azrael dahil naka-leave daw ito—kaya’t iba ang naka-assign na doktor na sumuri at dumalo sa kapatid niya ngayon. Ngunit kahit iba ang kausap niya, dala pa rin ng balitang iyon ang matinding ginhawa at pag-asa.“And na-inform na din namin si Dr. Villariva. We su
Napasulyap si Cheska kay Azrael, and Azrael just sighed. Biglang lumambot ang tingin nito at hindi tulad kanina na halos umigting na ang panga.“I’m really happy na nandito ka ngayon para sa anak ko,” masayang ani Daviah habang hindi pa rin binibitawan si Cheska. “Nandito sana ako para pagalitan siya. Pasensya ka na sa anak ko, ha. Nalaman ko kasing puro trabaho ang inaatupag nitong mga nakaraang araw. Hindi man lang siya makapaglaan ng oras para sayo. Sana hindi ka magsawa sa kanya.”Napatingin si Azrael sa ina, agad na sumabat, “Saan mo ba kasi nalaman yan, Ma? I told you, napag-usapan na namin ng girlfriend ko na kapag tungkol sa trabaho ay ayos lang kung—”“No way! Ayos lang? I told you, magsasawa siya kapag palagi kang busy sa trabaho!” Pagalit na ani ng kanyang ina kaya napahawak sa batok si Azrael.“She won’t. Hindi siya magsasawa sa akin and I am making my way para magkasama naman kami—and you don’t need to meddle in our relationship, Ma.” Mahinahong sagot ni Azrael, ngunit bu
“Get a day off today. Spend time with your girlfriend! Hindi ka naman kailangan sa kompanya kaya–”“Kailangan ako sa kompanya, Ma. I’m the boss–”“Come on! Hindi ikakabagsak ng kompanya ang isang day off ng boss!”Naalimpungatan si Cheska nang makarinig ng pag-uusap at pagtatalo sa kung saan.Mabigat ang talukap ng mga mata niya habang dahan-dahan itong iminulat. Ang una niyang napansin ay ang malambot na kutson ng sofa sa ilalim ng kanyang likod. May kumot na nakabalot sa kanya, at may unan sa ilalim ng ulo niya.Kumunot ang noo ni Cheska. Hindi niya maalala kung kailan siya nahiga nang maayos doon, pero masarap ang pakiramdam ng init ng kumot—parang may sumilong na yakap sa buong katawan niya. Sinalubong din siya ng mahinang aroma ng nilulutong pagkain—bawang na piniprito, longganisang medyo nanunuyot na sa kawali, at ang pinong halimuyak ng piniritong itlog. Lahat ng iyon ay humaplos sa kanyang ilong, tila inaakay siya na bumangon na.Napaupo siya, marahang itinulak ang kumot at na
Binuka ni Cheska ang labi, handang magsalita ulit—siguro para kontrahin siya, siguro para lang mapanatili ang kaunting distansya sa pagitan nila. Pero sa huli, isang mahabang buntong-hininga na lang ang pinakawalan niya. Tinitigan niya si Azrael, hindi gumalaw, hindi rin siya gumawa ng anumang hakbang para paalisin ito sa pagkakahiga sa kanyang hita.Alam naman kasi talaga ni Cheska na pagod na ito, kahit sino ay mapapagod pagkatapos ng nangyari kanina. Ni hindi nga naisip ni Cheska na hanggang ngayon ay gising pa ito gayong kanina pa niya nakikita ang pagod sa mata niya at gusto ng magpahiga.Hinigit ni Cheska ang paghinga at sinubukang sumulyap na lang sa ibang direksyon, pilit pinipigilan ang anumang emosyong bumabalot sa dibdib niya. Sinisubukang huwag mag-isip at hayaan na lang ito sa pwesto nito.Pero ilang sandali, kinagat ni Cheska ang labi at hindi mapigilan ang mapatitig ulit dito. Nakapikit na, pero hindi matukoy ni Cheska kung tulog na ba ito o ano.Napatingin siya sa mukh
Tahimik si Cheska habang nagluluto. Halos hindi niya magawa ang huminga ng malalim. Ilang beses na siyang napapahawak sa pisngi niyang alam niyang namumula dahil sa sobrang init ng pakiramdam niya sa mukha. Hindi niya alam kung dahil ba 'yun sa kalan o sa... nangyari kanina.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyare at lalo na sa inaasta niya mismo.Hindi niya makalimutan ang biglaan, marahas ngunit sabay rin na banayad na halik ni Azrael. Gulong-gulo pa rin siya sa sarili niya—at hindi lang dahil doon. Pati na rin sa kung paano siya tumugon, kung paano siya... napalapit at hinayaan ito na halikan siya ng ganoon kalalim. Sa isang taong hindi naman niya karelasyon dahil peke lang naman ang namamagitan sa kanila.Humigpit ang hawak ni Cheska sa sandok.Naririnig niya ang bawat tik-tak ng wall clock, parang ang lakas-lakas. Samantalang si Azrael—nakaupo lang sa gilid ng countertop, nakasandal, nakangiti, at... pinapanood siya. At dahil nga sa pinapanood siya nito,
Napatigil siya. Tahimik. Seryoso ang boses. Seryoso ang mukha. Wala na ang pilyong ngiti. Nakatitig lang si Azrael sa kanya—diretso, walang iwas. Kaya namutla bigla ang mga salitang gusto sanang ilabas ni Cheska. Parang may pumisil sa dibdib niya.“But I want to kiss you, only you this time,” mariing ani ni Azrael.Parang tumigil ang oras para kay Cheska. Lahat ng ingay sa paligid niya ay nawala. Ang naririnig lang niya ay ang tibok ng puso niya at ang tinig ni Azrael na tila dumiretso sa puso niya at hindi sa tenga. Napalunok siya, pero hindi siya kumibo. Hindi niya alam kung alin sa mga nararamdaman niya ang dapat unahin—galit, takot, o ‘yung matagal na niyang pilit itinatanggi na nararamdaman niya para sa lalaking nasa harapan niya ngayon.Masyado syang nagulat sa mga sinabi ni Azrael at hindi niya alam kung dapat ba niya iyong paniwalaan o ano.Isang hakbang lang ang pagitan nila. Isang hakbang na pwedeng burahin at itawid ng kahit sinong may lakas ng loob. At si Azrael—walang pag