“Yan! Ganyan nga! Magpaka-pinsan ka naman!” Pahabol pa ni Gray na hindi na pinansin ni Warren.Sa kanilang magpipinsan, napapansin din kasi ng iba na si Warren lang ang hindi gaanong malapit kay Belinda, but they didn't really know what happened in the Philippines before they learned the revelation about Belinda and Van's life.“Hindi na. Ayos lang. Kaya ko namang mag-commute at marami pa namang pwedeng sakyan—”“Ihahatid kita and I also want to see Daviah.”Napakurap-kurap si Belinda at halos mapakamot sa batok niya. This is the first time na naging ganito si Warren kaya hindi alam ni Belinda kung paano pakikisamahan si Warren.They became close years ago, when Belinda and Van were still together, but because of everything that happened, maraming nagbago.“P-Pero baka maabala kita. Ayos lang—”“Sige na. Zoren, ihatid mo na sila.” Napatikom ng labi si Belinda nang hindi siya pinansin ni Warren at binalingan lang si Zoren.Zoren looked at Warren, alanganin niyang tinignan, pero ilang s
Kinabukasan, halos mabulabog ang lahat nang malaman ng buong Francisco na ikakasal si Warren. Si Warren ang panganay sa Francisco, kaya naman talagang nabulabog ang lahat at napasugod papunta sa bahay nila.“And who's that woman? Ni hindi ka nagsabi na may girlfriend ka tapos ikakasal ka?” Hilda said, isa sa mga kapatid ni Edie at kapatid ng Ama mismo ni Warren.Belinda just listened to their conversations habang ang anak nitong si Daviah ay nakikipaglaro kay Dave sa gilid.Dahil sa malaking balitang iyon, halos kompleto ang mga Francisco sa bahay nila Warren, at pati sina Belinda at Daviah ay naroroon din para sa gagawing pag-uusap.“Iyan din ang sinabi namin sa kanya kagabi, Tita. I mean, it's too sudden, sa sobrang bilis, parang hindi talaga kapani-paniwala.” Agad na siniko ni Valerie si Faye nang sumabat siya habang pinapapak ang chocolate na kinuha niya sa refrigerator nila Warren.They all had a hangover, pero pumunta pa rin sila bilang isang Francisco para sumama sa gagawing pa
Hinayaan ni Gray si Belinda na iunan ang ulo sa balikat niya, pero hindi nito mapigilan ang magsalita habang ganoon ang posisyon.“Isn't the Philippines big para magkita kayo?” she innocently asked, making Belinda close her eyes a bit.“You know, mamanhikan pa lang naman ang gagawin and we will go back here after that. Siguro 2 or 3 days tayo roon? Tapos saka na lang tayo uuwi ulit pabalik sa Pilipinas kapag kailangan na tayong masukatan ng damit for the wedding at kung wala namang importanyeng gawin, hindi naman na natin kailangang umuwi riyo. Don’t overthink. Hindi ka naman magtatagal doon, kaya siguro hindi naman kayo magkikita dahil hindi naman fairytale ang buhay natin. It's a reality."Hindi alam kung anong sasabihin ni Belinda nang marinig iyon galing kay Gray. The Philippines is big, tama naman ito, pero para kay Belinda, masyadong maliit ang Pilipinas para sa kanila ni Van. Lalo na alam ni Belinda na kahit anong nangyari at ilang taon man ang lumipas, Van is still Francisco b
“Mommy, is the Philippines a beautiful country? You know, we’ve already been to many countries, but this is the first time we’re going to the Philippines.” Walang tigil sa pagtatanong at pagsasalita si Daviah pagkasakay sa eroplano. Even now that they are already in their seats, Daviah kept asking, and the way she talks really seems so mature.“Yes, Anak. The Philippines is beautiful, and for me, it’s one of the most beautiful countries in the world. I already told you, right? Doon ako lumaki, doon ako nag-aral, at doon din nagtrabaho si Mommy.” Malumanay na sagot ni Belinda at inayos ang buhok ni Daviah.Daviah innocently nodded, pero nakikita ang pagtataka sa mukha ni Daviah. Noong una, tahimik siya, pero napa-isip at ilang sandali ay sinulyapan ulit si Belinda.Hindi napigilan ni Belinda ang ikunot ang noo nang makita ang pagtatanong sa mukha ni Daviah, na parang may gustong sabihin.“What is it?” Belinda asked and even held Daviah's cheeks.“I’m just curious, Mommy. The Philippine
“Of course, Daviah. Maraming dagat sa Pilipinas. Did you know that the Philippines has 7,641 islands? So maraming dagat doon. If you want to see one, Palawan is one of the best options. You can ask Lolo Edie to take us on a trip to Palawan if you want because maganda ang dagat doon. We can swim and have a bonfire at night.” Napaangat si Belinda at Daviah kay Valeria nang sumabat ito.Nasa likod kasi siya nakaupo at paniguradong narinig ang usapan nila ni Daviah, kaya tumayo siya para sabihin iyon.Nagningning ang mata ni Daviah sa sinabi ni Valeria.“Really, Tita Valeria?!” Daviah even stood up from where she was sitting and faced Valeria.“Daviah, careful,” Belinda said.Natawa naman si Valerie sa excitement na pinakita ni Daviah kaya hinawakan ni Valerie ang ulo ni Daviah at hinaplos iyon.“Ang cute naman ng pamangkin ko! Yes, Baby. Maraming dagat ang Pilipinas. You love swimming, right? Then the Philippines is really a good choice.” Valerie said at nanatiling nakatayo habang kinaka
Halos mahigit ni Belinda ang paghinga niya nang marinig ang announcement na tuluyan nang nakalapag ang eroplano na pagmamay-ari ng mga Francisco. It was the land of the Francisco clan.Halos nagpawis din ang kamay ni Belinda sa subrang kabang nararamdaman niya dahil talagang nasa Pilipinas na siya at wala ng atrasan ang pag-uwi niya sa lugar kung saan siya nasaktan at ang lugar na iniwan niya."Finally!" Si Faye at agad na tumayo.Everyone started getting their luggage, and Belinda did the same, pero mabagal ang galaw niya dahil sa pag-aalala. Sa sobrang tense niya, talaga namang parang gusto na lang niyang bumalik agad sa abroad. Pakiramdam ni Belinda ay masyado na siyang overacting, pero hindi talaga niya mapigilan ang kabahan. Kung bakit ganoon na lang ang kaba ni Belinda, hindi niya alam.“Thank you, Tito Warren!” Masayang ani ni Daviah nang kunin ni Warren ang hawak niyang bag at siya ang nagbuhat. Pagkatapos nito, hinawakan ni Warren ang kamay ni Daviah.“Mauna na kami sa labas
Chapter 125“Oh my God! Oh my God! Kuya Van?!” Valerie was the second one to see Van standing where he was. Nagkapit pa siya ng labi habang nakaturo kay Van.Dahil sa sigaw at pagturo ni Valerie, napasulyap din ang iba at lahat sila ay nagmukhang gulat at masaya nang makita si Van na nakatayo doon.“Van?! What the fvck?"“Bro?!"“Kuya Van!”“Oh my God! Hindi ka man lang nagsabi!”Natauhan si Belinda sa sunud-sunod na sigaw at pagbati ng mga pinsan niya kay Van. Bigla siyang natauhan sa pakikipagtitigan kay Van. She felt like it's not right to do that. She immediately looked away and gulped. Sinubukan niyang maging normal ang kilos at halos kurutin na ang sarili para umayos ang pakiramdam niya. Hindi niya alam ang gagawin, pero sa huli ay naglakad na lang siya palapit ulit sa sasakyan dahil halos lahat ay nilapitan na si Van para batiin at kamustahin.Belinda expected to see Van dahil maliit ang mundo nila, as Van is still part of Francisco, pero talagang hindi pa rin mapigil ni Belind
Chapter 126 Belinda looked at Warren, but even he seemed to be getting nervous. Napaayos tuloy ng pagkakatayo si Belinda at hindi maiwasang mailang nang halos lahat ay nakatingin na sa kanya, kasama na roon si Van. Dahil sa tumingin ang lahat kay Belinda, hindi na natatabunan si Van at kitang kita na ni Belinda ang mukha nito. Van looked at Belinda intently and couldn’t help but stare at her, almost like he was studying her face. Tinignan ni Van si Belinda sa mata, sunod ay bumaba iyon sa ilong at halos tignan ang bawat parte ng mukha ni Belinda. Ramdam na ramdam ni Belinda ang ganoong titig ni Van kaya naman halos pagsakluban siya ng langit at lupa at gusto na lang niyang kainin ng lupa para matigil ang titig na iyon na binibigay ni Van sa kanya. Anong tingin iyan? She wanted to ask that rudely to make Van stop staring at her, pero syempre hindi niya iyon kayang sabihin. Wala siyang lakas ng loob para sabihin iyon lalo na at lahat ng mga pinsan niya ay nakatingin sa kanya. “
Chapter 16Hindi makapaniwalang tinitigan ni Cheska si Azrael, ang isang kilay niya ay bahagyang nakataas habang pilit niyang inuunawa ang ikinikilos nito. Kanina lang ay nakaupo ito sa kabilang dulo ng sofa, pero ngayon ay nasa tabi na niya—nakaakbay pa na parang walang pakialam sa mundo. Hindi niya maiwasang magtaka sa biglaang pagbabago ng mood nito.“Problema mo?” tanong ni Cheska, at sa hindi mawaring dahilan, halos matawa na siya sa inasal ng binata.“Hindi kita pinapasweldo para magtanong. Just stay quiet and sit beside me,” mariin at masungit na sabi ni Azrael.Napanguwi si Cheska sa narinig dahil kailan ay subrang sungit nito, pero hindi maintindihan ni Cheska ang sarili kung bakit niya tinanggal ang kamay ni Azrael.Kung ibang lalaki siguro ang lumapit sa kanya nang ganito kalapit, malamang ay siniko na niya ito, o kaya’y nasapatusan. Pero sa halip na gawin iyon, napahinga lang siya nang malalim at pinagmasdan ang iritadong ekspresyon ni Azrael—ang nakakunot nitong noo, ang
Chapter 15Gusto pang magmatigas ni Cheska dahil para sa kanya ay hassle ang magpalit pa ng damit gayong para sa kanya ay maayos naman na ang damit na suot, pero wala naman siyang magagawa gayong boss naman niya ang nagsabi at nag-utos. At saka kahit naman binabara bara niya iyon at sinsagotsagot ay takot pa rin ito na baka biglang magbago ang isip nito. Plano din kasi ni Cheska na kausapin si Azrael tungkol sa pagpapagamot ng kapatid niya kaya talagang hindi niya maipagkakailang masaya siya sa pagtawag nito.Matapos ang ilang minutong paghihintay, dumating na ang damit na ipinadala ni Azrael. Walang nagawa si Cheska kundi isuot ito, kahit pa ramdam niyang hindi niya ito kailanman isusuot kung siya ang masusunod.Paglabas niya mula sa restroom, agad niyang naramdaman ang kakaibang pakiramdam ng telang bumabalot sa katawan niya. Isang itim na fitted dress ang suot niya—hapit na hapit ito sa kanyang katawan, dinidikitan ang bawat hubog niya sa paraang hindi siya sanay. Ang tela ay manipi
Chapter 14Hindi na nagpalit si Cheska ng damit. Kung ano ang suot niya kanina habang nasa kalsada kasama si Cris, iyon na rin ang dinala niya sa mamahaling bar kung saan siya pinatawag ni Azrael. Naka-itim siyang t-shirt na kupas at maluwag sa kanya, halos mahulog na sa balikat. Ang suot niyang shorts ay mukhang hiniram niya pa sa kung sinong lalaki—lampas tuhod at luma na rin. Naka-black cap siya, pero hindi nito tuluyang natakpan ang mahaba niyang buhok na nakalugay, bumabagay sa overall niyang pormang parang tambay sa kanto.At ngayon, habang naglalakad siya sa loob ng bar, hindi niya maipinta ang mga tingin na ipinupukol sa kanya ng mga tao roon. Napapailing si Cheska dahil parang nanliliit ang mga matang nakatingin sa kanya, na animo’y sa tingin pa lang ay sinasabi nang hindi siya bagay sa lugar na iyon.Napapalatak si Cheska. “Ano bang problema ng mga ‘to? Saka ano namang pake nila?” bulong niya sa sarili at medyo nakaramdam ng inis.Ang mga babae sa paligid ay nakasuot ng mga f
“Huhulaan ko, nag-away na naman kayo ng Mama mo, no?”Hindi tinignan ni Cheska si Cris nang marinig niya ang boses nito. Sa halip tignan ito, nanatili siyang nakatitig sa kalsada, pinagmamasdan ang walang-humpay na daloy ng mga sasakyan. Ang ilaw mula sa mga headlight ay sumasalamin sa kanyang mga mata, pero hindi iyon sapat para tabunan ang lungkot na nararamdaman niya sa lahat ng masasakit na salita mula sa kanyang ina.“Wala siya ngayon, pero kahapon, oo. Ano pa nga ba? Wala namang bago doon. Himala na lang siguro kung hindi kami mag-aaway o magtatalo ng isang araw. Palagi naman kasing mainit ang ulo niya.” Mahina at sarkastikong sagot ni Cheska, kasabay ng mapait na ngiti.Napabuntong-hininga si Cris at umiling. "Masyado ka kasing mabait sa Mama mo. Halos ikaw na lahat ang gumagawa ng pera para kapatid mo at pati sa pagsusugal ni Tita. Huwag mo namang hayaang abusuhin ka niya, Cheska.""Hindi ko naman kayang maging matigas, Cris. Mama ko iyon, eh. Kahit ganoon iyon, mama ko pa r
Chapter 12Zara. Iyon ang pangalan ng kanilang ina.Palaging ganoon ang ina ni Cheska sa kanilang magkapatid. Sa kabila ng pagsusumikap ni Cheska na makatulong sa gastusin, puro masasakit na salita lang ang natatanggap nila mula sa kanilang ina at paulit ulit na panunumbat na walang katapusan.Paulit-ulit na binabanggit ng kanyang ina kung paano siya nagsisisi na sumama sa ama nila noong maayos pa ang buhay nito. Para bang isang pagkakamali ang kanilang pagdating sa mundo. Palagi nitong pinaparamdam na sila ang mismong sumira sa buhay nito.Alam din ni Cheska na dating guro ang kanyang ina sa kanilang probinsya. Lagi nitong sinasabi na may ibang lalaking gusto sana niyang pakasalan noon—at kung siya raw ang nasunod, hindi sana naging ganito ang buhay niya. Isang masakit na katotohanang palaging itinatanim sa isip ni Cheska, na para bang kasalanan nilang magkapatid kung bakit ganoon ang sinapit ng kanilang ina.“A-Ate, magpapagamot na po ako?”Kitang-kita ni Cheska ang pagningning ng mg
Chapter 11“Gwapo sana, kaso ang gago-gago niya.”Napabuntong-hininga si Cheska habang nakatitig sa hawak niyang cellphone. Napapailing na lang siya sa inis at halo halong nararamdaman niya. Hindi niya alam kung bubuksan ba niya ito o hindi—baka kasi may makita na naman siyang hindi niya magugustuhan. Kahit pa pilit niyang iwaksi sa isip ang nakita niya, patuloy itong bumabalik, paulit-ulit, na parang isang sirang plaka ang narinig niya kanina na talaga namang paulit ulit na lang sa isip ni Cheska.“Nagbibigay ng cellphone, tapos may nagbebembangan? Kinikilabutan pa rin ako. Ang gandang cellphone tapos may b0ld. Tanga na, gago pa. Paano na lang kung si Tita Daviah ang nakakuha at nagbukas ng phone? Ang tanga niya, sobra.”Napapailing siya habang kinakausap ang sarili at alam din naman niya na mukha na siyang tanga habang kausap ang sarili, pero talagang hindi niya mapigilan ang sarili. Hindi lang inis ang nararamdaman niya—may halong kilamot talaga. Hindi niya inakalang makakakita siya
Chapter 10"Iha, pasensya na kung marami kami ngayon dito. I am really just happy that my son already has a girlfriend, kaya talagang sinabihan ko ang lahat tungkol sayo. Mas marami pa sana ito kung hindi lang nasa ibang bansa at busy ang iba. And also, my husband is not here dahil may dinaluhang meeting, kaya hindi mo siya makikilala ngayon."Halos nawala lahat ng tapang ni Cheska nang makita niya kung gaano karami ang pamilya ni Azrael. Mukhang alam na ni Cheska kung bakit ganito kalaki at kalawak ang condo ni Azrael—dahil kung maliit ito, hindi sila magkakasya lahat."O-Okay lang po at saka m-masaya naman po akong makilala kayo," sinubukan ni Cheska na ngumiti at maging normal ang kilos, pero halos hindi niya magawa nang mabuti dahil alam naman niya sa sarili niya na hindi totoo ang lahat ng ito.Nang matapos sabihin ni Cheska iyon, agad siyang dinumog at nagpakilala isa-isa. Ang iba ay sabay-sabay pa nga sa pagsasabi ng pangalan, kaya halos wala nang matandaan si Cheska sa mga pang
Chapter 9Gulo?Matatawag ba itong gulo kung malaki ang halagang makukuha niya at maipapagamot na niya ang kapatid niya? Iyon ang hindi mapigilan ni Cheska na isipin. Kanina pa siya parang wala sa katinuan, para kasing ang daming nangyari sa isang gabi lang, na para bang nananaginip lang siya na ewan—at ngayon, may pampaopera na ang kapatid niya.Napabuntong-hininga siya at napaupo sa gilid ng kama ni Azrael. Lumingon siya sa paligid, sa magarbong kwarto na ngayon na talaga namang kahit kailan ay hindi inisip ni Cheska na mapupuntahan niya. Nakakabingi ang katahimikan. Hanggang sa bumukas bigla ang pinto. “Here!” Gulat na sinalo ni Cheska ang hinagis na damit ni Azrael. Halatang kagagaling lang nito sa labas, at siya naman ay nanatili sa loob ng kwarto matapos siyang utusan na huwag lumabas. Napakunot-noo siya.“Ano ’to?” tanong niya bago pa man tingnan ang damit. “Malamang damit. Isn’t that obvious? Magpalit ka na at nagdadatingan na ang pamilya ko. Fix yourself, and please
Chapter 8 “Ano bang problema mo!” inis na ani ni Cheska kay Azrael at agad na hinila ang kamay. Agad kasing hinila ni Azrael si Cheska para dalhin sa kwarto niya, at nang makapasok ay agad ngang hinila ni Cheska ang kamay niya at tinignan ito nang masama. At ngayong silang dalawa na lang, hindi niya napigilang ipakita ang pagkainis niya sa nangyare. “I'm sorry—” Pero bago pa matapos ni Azrael ang sasabihin ay sumabog na ng tuluyan si Cheska. “Pake ko sa sorry mo? Mag-explain ka na lang kung bakit mo sinabi iyon sa mama mo. Ako? Girlfriend mo? Ibang klase ka ah, nagkita lang tayo kahapin tapos girlfriend mo an agad ako? Saka wala akong pakealam kong mayaman ka o ano! Ano ka? Sinuswerte?! Ako? Girlfriend mo agad! ha! Asa ka!” Napapailing na ani ni Cheska at halos hindi na huminga sa subrang inis at pag-aalburoto, at halos sumakit ang ulo niya habang iniisip ang bagay na iyon. Kahit kailan ay hindi inisip ni Cheska ang pumasok sa isang relasyon, tapos biglang ganito? Pinakilala siya