Chapter 117Belinda: What the hell is this? Para saan naman ito, Lia? Anong gagawin ko sa pa-trailer na sinasabi mo at kailangan pa talagang may letrato ng maligno?Nangangalait na si Belinda nang isend niya iyon. Just what the hell? Trailer? Hindi makuha ni Belinda ang kalokohan ngayon ng kaibigan kaya talagang kunot noo na itong naghihintay ng reply mula kay Lia.Lia: Maligno? Funny, Belinda. You said nakamove on ka na kaya ayos lang siguro mag-send ng letrato ng Daddy ni Daviah, right?Napasimangot si Belinda.Belinda: So anong gagawin ko sa picture na yan? Titigan? Sayo na, hindi ko kailangan yan! Ang pangit!Inis na ibinaba ni Belinda ang phone niya at hindi na lang ginalaw iyon. Hindi niya alam kung bakit biglang ganoon si Lia. Alam ni Lia kung gaano pilit na iniiwasan ni Belinda ang pag-usapan si Van kaya naman napapabusangot na lang mukha niya sa pagsend ni Lia ng letrato ni Van.Ilang sandali ay napanguso na lang siya dahil ang totoo ay hindi naman pangit si Van doon sa letr
Chapter 118The party went on after that. Halos lasing ang lahat habang si Belinda ay paunti-unti lang ang pag-inom dahil uuwi pa ito at ayaw niyang lasing siya pagbalik sa bahay. Ayaw niyang makita siya ng anak na lasing; that was the thing she didn’t want to happen.Napasulyap si Belinda sa relo niya para tingnan ang oras. It's already 12 at halos ilang oras na rin sila. Belinda is going to sleep in her parents' house tonight because Daviah is there at malapit lang din ito kung nasaan sila ngayon.“Bakit kasi hindi m-mo dinala si Daviah? You two should stay here tonight. Marami namang available na rooms ngayon dito sa hotel kaya dapat talaga dinala mo siya para hindi ka uuwi ng ganitong oras.” Gray said at lasing na talaga.Ang hotel kung nasaan sila ay pag-aari nila Gray. This is not the biggest hotel owned by their family; isa lang ito sa regular na hotel. Everyone in the Francisco family is really rich.Dahil sa lasing na, tuluyan nang umakyat ang ibang mga pinsan ni Belinda sa m
“Yan! Ganyan nga! Magpaka-pinsan ka naman!” Pahabol pa ni Gray na hindi na pinansin ni Warren.Sa kanilang magpipinsan, napapansin din kasi ng iba na si Warren lang ang hindi gaanong malapit kay Belinda, but they didn't really know what happened in the Philippines before they learned the revelation about Belinda and Van's life.“Hindi na. Ayos lang. Kaya ko namang mag-commute at marami pa namang pwedeng sakyan—”“Ihahatid kita and I also want to see Daviah.”Napakurap-kurap si Belinda at halos mapakamot sa batok niya. This is the first time na naging ganito si Warren kaya hindi alam ni Belinda kung paano pakikisamahan si Warren.They became close years ago, when Belinda and Van were still together, but because of everything that happened, maraming nagbago.“P-Pero baka maabala kita. Ayos lang—”“Sige na. Zoren, ihatid mo na sila.” Napatikom ng labi si Belinda nang hindi siya pinansin ni Warren at binalingan lang si Zoren.Zoren looked at Warren, alanganin niyang tinignan, pero ilang s
Kinabukasan, halos mabulabog ang lahat nang malaman ng buong Francisco na ikakasal si Warren. Si Warren ang panganay sa Francisco, kaya naman talagang nabulabog ang lahat at napasugod papunta sa bahay nila.“And who's that woman? Ni hindi ka nagsabi na may girlfriend ka tapos ikakasal ka?” Hilda said, isa sa mga kapatid ni Edie at kapatid ng Ama mismo ni Warren.Belinda just listened to their conversations habang ang anak nitong si Daviah ay nakikipaglaro kay Dave sa gilid.Dahil sa malaking balitang iyon, halos kompleto ang mga Francisco sa bahay nila Warren, at pati sina Belinda at Daviah ay naroroon din para sa gagawing pag-uusap.“Iyan din ang sinabi namin sa kanya kagabi, Tita. I mean, it's too sudden, sa sobrang bilis, parang hindi talaga kapani-paniwala.” Agad na siniko ni Valerie si Faye nang sumabat siya habang pinapapak ang chocolate na kinuha niya sa refrigerator nila Warren.They all had a hangover, pero pumunta pa rin sila bilang isang Francisco para sumama sa gagawing pa
Hinayaan ni Gray si Belinda na iunan ang ulo sa balikat niya, pero hindi nito mapigilan ang magsalita habang ganoon ang posisyon.“Isn't the Philippines big para magkita kayo?” she innocently asked, making Belinda close her eyes a bit.“You know, mamanhikan pa lang naman ang gagawin and we will go back here after that. Siguro 2 or 3 days tayo roon? Tapos saka na lang tayo uuwi ulit pabalik sa Pilipinas kapag kailangan na tayong masukatan ng damit for the wedding at kung wala namang importanyeng gawin, hindi naman na natin kailangang umuwi riyo. Don’t overthink. Hindi ka naman magtatagal doon, kaya siguro hindi naman kayo magkikita dahil hindi naman fairytale ang buhay natin. It's a reality."Hindi alam kung anong sasabihin ni Belinda nang marinig iyon galing kay Gray. The Philippines is big, tama naman ito, pero para kay Belinda, masyadong maliit ang Pilipinas para sa kanila ni Van. Lalo na alam ni Belinda na kahit anong nangyari at ilang taon man ang lumipas, Van is still Francisco b
“Mommy, is the Philippines a beautiful country? You know, we’ve already been to many countries, but this is the first time we’re going to the Philippines.” Walang tigil sa pagtatanong at pagsasalita si Daviah pagkasakay sa eroplano. Even now that they are already in their seats, Daviah kept asking, and the way she talks really seems so mature.“Yes, Anak. The Philippines is beautiful, and for me, it’s one of the most beautiful countries in the world. I already told you, right? Doon ako lumaki, doon ako nag-aral, at doon din nagtrabaho si Mommy.” Malumanay na sagot ni Belinda at inayos ang buhok ni Daviah.Daviah innocently nodded, pero nakikita ang pagtataka sa mukha ni Daviah. Noong una, tahimik siya, pero napa-isip at ilang sandali ay sinulyapan ulit si Belinda.Hindi napigilan ni Belinda ang ikunot ang noo nang makita ang pagtatanong sa mukha ni Daviah, na parang may gustong sabihin.“What is it?” Belinda asked and even held Daviah's cheeks.“I’m just curious, Mommy. The Philippine
“Of course, Daviah. Maraming dagat sa Pilipinas. Did you know that the Philippines has 7,641 islands? So maraming dagat doon. If you want to see one, Palawan is one of the best options. You can ask Lolo Edie to take us on a trip to Palawan if you want because maganda ang dagat doon. We can swim and have a bonfire at night.” Napaangat si Belinda at Daviah kay Valeria nang sumabat ito.Nasa likod kasi siya nakaupo at paniguradong narinig ang usapan nila ni Daviah, kaya tumayo siya para sabihin iyon.Nagningning ang mata ni Daviah sa sinabi ni Valeria.“Really, Tita Valeria?!” Daviah even stood up from where she was sitting and faced Valeria.“Daviah, careful,” Belinda said.Natawa naman si Valerie sa excitement na pinakita ni Daviah kaya hinawakan ni Valerie ang ulo ni Daviah at hinaplos iyon.“Ang cute naman ng pamangkin ko! Yes, Baby. Maraming dagat ang Pilipinas. You love swimming, right? Then the Philippines is really a good choice.” Valerie said at nanatiling nakatayo habang kinaka
Halos mahigit ni Belinda ang paghinga niya nang marinig ang announcement na tuluyan nang nakalapag ang eroplano na pagmamay-ari ng mga Francisco. It was the land of the Francisco clan.Halos nagpawis din ang kamay ni Belinda sa subrang kabang nararamdaman niya dahil talagang nasa Pilipinas na siya at wala ng atrasan ang pag-uwi niya sa lugar kung saan siya nasaktan at ang lugar na iniwan niya."Finally!" Si Faye at agad na tumayo.Everyone started getting their luggage, and Belinda did the same, pero mabagal ang galaw niya dahil sa pag-aalala. Sa sobrang tense niya, talaga namang parang gusto na lang niyang bumalik agad sa abroad. Pakiramdam ni Belinda ay masyado na siyang overacting, pero hindi talaga niya mapigilan ang kabahan. Kung bakit ganoon na lang ang kaba ni Belinda, hindi niya alam.“Thank you, Tito Warren!” Masayang ani ni Daviah nang kunin ni Warren ang hawak niyang bag at siya ang nagbuhat. Pagkatapos nito, hinawakan ni Warren ang kamay ni Daviah.“Mauna na kami sa labas
Nanghihinang naghilamos si Daviah ng mukha at saka tiningnan ang sarili sa salamin. Nagising siya na masama ang pakiramdam niya kahit na maayos naman ang pagtulog niya ngayong gabi, maaga nga siyang nakatulog kaya hinfi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng panghihina.Gusto niyang sumuka, pero wala namang lumalabas sa kanya. Nakaramdam din siya ng pagkahilo, na talaga namang dumagdag pa sa pagpahina sa kanya. Hindi siya sakitin kaya hindi niya mapigilan ang manibago sa pagsama ng kanyang pakiramdam. Binsa ni Daviah ang labi at saka ito huminga ng malalim. Ilang beses niya iyong ginawa, nagbabakasakaling bumuti ang pakiramdam niya.But even though she didn’t feel okay, naligo na siya at bumaba. It was only 7 AM nang tuluyan siyang bumaba. Ayaw niyang maulit ang nangyari kahapon na alas otso na siya nagising, kaya naman galit na galit si Geneva sa kanya. Hindi lang mapigilan ni Daviah anv mapangiti nang unang bumungad sa kanya ay si Azi na nasa sala, nakikipag-usap sa Papa nito
Masaya si Daviah pagkatapos ng araw na iyon kahit sobrang dami ng nangyari. She's happy dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makasama ang mga kapatid ni Azi at mapalapit sa kanila kahit papaano.Pagkatapos nilang kumain, pumasyal pa sila sa ilang bahagi ng probinsya, kaya naman sandaling nakalimutan ni Daviah ang mga pagpapahirap at insulto na nangyari kanina sa kanya.“Look! This is a good one,” sabi ni Vivian habang pauwi na sila, sabay pakita ng kuha sa camera niya. It was a picture of Azi hugging Daviah from the back while both of them were looking ahead. Lumipat si Vivian sa isa pang litrato, at ang isang iyon ay si Daviah na nakatingin sa dagat habang si Azi naman ay nakatingin kay Daviah, animo'y mas maganda pa ang tanawin niya kaysa sa tanawing tinatanaw ni Daviah. “I look so damn crazy in love with you there,” biglang sabi ni Azi na busy sa pagda-drive pero nasulyapan ang ipinakitang litrato ni Vivian. Napangiwi naman si Vivian sa narinig. “Seriously, Kuya Azi? Sobr
“Kumain ka na?” Azi asked nang lumayo si Daviah sa pagkakayakap.“Hindi pa siya kumain, Kuya. What if sa labas na lang tayo kumain? Sa may bulaluhan, I'm sure hindi pa nakakapunta roon si Ate Daviah,” nakangiting sabi ni Vivian sa gilid, and she look so excited.“You want bulalo?” tanong naman ni Azi kay Daviah.Daviah nodded and just smiled. Nanliit ang mata ni Azi at tinitigan si Daviah, hanggang sa mapanguso na lang si Daviah at umiwas ng tingin dahil hindi niya natatagalan ang titig nito.Azi was about to say something, pero hindi niya naituloy nang bumukas ang pinto sa di-kalayuan, and it was Lander.Pati si Lander ay natigilan nang makita sila Azi. Lander looked at Azi, pagkatapos noon ay tinignan naman niya si Daviah.“Wala ka bang sasabihin sa fiancé mo?” mariing tanong ni Lander kay Daviah.“What is it?” tanong naman ni Azi habang hindi mapigilan ang kunot-noo. Si Vivian naman ay natahimik na lang sa tanong ng Kuya Lander niya.“N-nasabi ko kasi kanina na gutom na ako, i-iyon
"Ang dami mong sugat, pero mabuti na lang maliliit lang, but the problem is itong mga napaso, subrang namumula na sila," nag-aalalang ani ni Vivian habang nakatingin sa sugat ni Daviah.Hindi nagawang magsalita ni Daviah dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Ngayon ang unang beses na magkakaroon siya ng interaction sa kapatid ni Azi."Masakit ba?" Tanong nito, pero agad din namang nagsalita agad na animo'y hindi na kailangan ng sagot ni Daviah. "Of course, masakit." Ani nito.Nang may magdala ng first aid, agad at hindi na nag-aksaya si Vivian sa paggamot kay Daviah, she immediately start.“Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa ni Mama. Sorry, Ate Daviah,” mahinahon at ramdam sa boses ni Vivian ang paghingi ng tawad habang abala siya sa paglalagay ng ointment sa mga paso at sugat ni Daviah. Daviah couldn’t help but stare at Vivian. Parehas sila ng mata ng Kuya Azi niya, and she looked so fragile. “May rumi po ba sa mukha ko?” Dahil sa pagtitig ni Daviah, hindi na napigi
Chapter 71“What the hell is this?” Pinunasan ni Daviah ang luha niya nang pumasok si Lander sa dining table. Kasunod niya si Vivian, ang bunsong kapatid ni Azi. Nakangiti itong pumasok, pero biglang nawala ang ngiti nang makita ang kalat sa sahig. Pareho silang wala kanina nang magising si Daviah, at nabalitaan niyang maaga silang umalis. Mukhang kararating lang nila ngayon. Tinanggal ni Lander ang suot na headphones at kunot-noong tinignan ang mga pagkaing nagkalat sa sahig. Nang walang sumagot mula sa mga kasambahay o kay Daviah, tinignan niya ang mga kasambahay. “Nagtatanong ako kung anong nangyari dito?” seryosong tanong ni Lander sa kanila. Nagtinginan ang mga kasambahay, halatang nagtuturuan kung sino ang unang magsasalita. They all scared reason why Daviah sigh.Nang wala pa ring umimik, lalong kumunot ang noo ni Lander. Samantala, tahimik lang si Vivian, pero ramdam ni Daviah ang tingin nito sa kanya. Hindi tulad ng titig ng kanilang ina, Vivian look at her gentle.“Wa
“Ouch!” Nabitawan ni Daviah ang kutsilyo na hawak niya nang mahiwa ang kanyang kamay. Mangiyak-iyak siyang lumapit sa sink upang hugasan ang sugat. Naghihiwa siya ng karne at hirap siya sa paghiwa dahil iyon ang unang beses na maghihiwa siya ng ganun. Akala niya noong una ay madali lang, pero hindi naman pala ganoon kadali lalo. Kailangan niyang gumawa ng maliliit na hiwa dahil isasahog iyon sa pakbet. Geneva had requested fried fish and pakbet for lunch. However, Daviah really didn’t know how to cook it kaya nag search na lang ito sa internet kung paano ang magluto, hindi lang niya sigurado kung magagawa niya ba iyon ng tama. She couldn’t even manage to slice properly, kaya naman nagkaroon na siya ng maraming sugat sa kamay, maliliit lang naman, pero dahil naparami na ay nararamdaman na ni Daviah ang hapdi. “Sorry, Ma’am Daviah. Gusto po sana namin kayong tulungan, pero baka mapagalitan kami ni Ma’am Geneva,” ani ng isang kasambahay na nakatayo sa gilid. Napangiti si Daviah sa
“Gising na pala ang senyorita,” agad na narinig ni Daviah iyon nang pababa siya sa hagdan. Galing iyon kay Geneva na prenteng nakaupo sa sofa. Hindi tuloy alam ni Daviah kung magpapatuloy siya sa pagbaba o hindi. She suddenly froze at the cold voice of Azi's mother. Bigla siyang natauhan kung nasaan siya at kung ano ang kinakaharap niya. She was too happy about their short conversation with Azi kaninang alauna, kaya talaga namang medyo nakalimutan niya kung gaano siya hindi gusto ng Mama ni Azi.“G-Good morning po.” Kahit natigilan at hindi alam ang gagawin, she still tried to be calm and polite. She tried to smile to Geneva kahit na hindi ito nakangiti, pero ang ngiti nito ay talaga namang nanginginig Binati niya ito at dahan-dahang nagpatuloy sa pagbaba. She tried not to create any noise habang pababa.“Alam mo ba kung anong oras na?” tanong bigla ni Geneva nang hindi tumitingin kay Daviah. “A-Alas otso na po—” “At sa tingin mo, paggising yan ng responsableng babae? At saka,
Noong una ay akala ni Daviah ay panaginip lang na may tumatawag sa kanya kaya hindi niya iyon pinansin, pero nagising si Daviah nang maramdaman ang paghalik sa pisngi niya. Kung hindi niya naamoy agad ang pamilyar na pabango ni Azi, paniguradong sisigaw siya, pero naamoy niya agad iyon at talagang nanuot sa kanyang ilong."Love," muling tawag nito. Inaantok na tinignan ni Daviah ang tao sa tabi niya and there she saw Azi, sitting beside her, nakababa ng kaunti ang katawan dahil sa panggigising sa kanta.“I'm sorry, I woke you up,” malambing na ani ni Azi kay Daviah nang dahan-dahan siyang naupo mula sa pagkakahiga.“Bakit? May problema ba?” tanong ni Daviah habang humihikab.They sleep in separate rooms dahil na rin sa kagustuhan ni Geneva, ang mama ni Azi. Azi said that it's fine if they sleep in one room together dahil ikakasal naman na sila. Pero si Daviah mismo ang tumanggi doon dahil alam niyang mas lalo lang magkakaproblema. Masyado ng mainit ang nangyare sa dinner nila, kaya
Chapter 67Nakahinga ng maluwag si Daviah nang makita niyang pababa na si Azi sa hagdan kasama ang papa nito. Halos isang oras siya sa taas, at hindi mapakali si Daviah habang nakaupo sa sofa kasama ang mama ni Azi at si Zara.Halos hirap siyang gumalaw kanina pa, pero ngayong nakita na niya si Azi ay biglang lumuwag ang dibdib niya.“Mabuti naman at bumaba na kayong mag-ama. Kanina pa naghihintay ang dinner. Let's go, let's have dinner,” ani Geneva habang umiiling nang makita ang dalawa.“Manang, pakitawag si Lander!” Utos pa nito kay Manang.“Sige po, Ma'am!” Si Manang at agad na na tumango at tumungo sa hadgan.Agad na dumiretso si Azi kay Daviah. Ngumiti si Daviah sa kanya, pero seryosong nakatingin lang si Azi rito.“May nangyare ba? Why are you so serious?” Tanong ni Daviah rito, pero imbes na sagutin ay agad namang siyang tinanong ni Azi.“You okay?” Tanong ni Azi na sandaling nagpangiti kay Daviah.Kahit kailan talaga ay alam nito kung kailan hindi okay si Daviah.Tumango si D