CHAPTER 97"May balita ka na ba kung nasaan ang asawa mo?" tanong ni Gino kay Dave. Andito sila ngayon sa bahay ni Gino. Pumunta si Dave roon para may makausap naman sya."Wala pa nga e. May initusan akong maghanap sa kanya pero wala pa ring balita. Siguro hayaan ko na lamang muna si Aira dahil baka nagpapalamig lamang sya at uuwi rin sa akin o di kaya ay sa mga magulang nya," sagot naman ni Dave saka sya uminom ng alak. Tumango tango naman si Gino dahil sa sinabi ni Dave."Sana nga bumalik na si Aira para magkausap na kayo," sagot ni Gino. "Nga pala balita ko madalas na raw kayong magkasama ni Trina ngayon ah. Anong balita sa inyong dalawa?" tanong pa ni Gino."Oo madalas na kaming magkasama ngayon ni Trina at minsan nga ay sa bahay pa sya natutulog. Pinapauwi ko naman kaso ay ayaw naman makinig sa akin," sagot ni Dave."Tsk. Mukhang malakas pa ang tama ng isang yon sayo ah. Anong balak mo ngayon?" sagot ni Gino."Hindi ko pa alam Gino. Naguguluhan pa rin ako. Hindi ko alam kung nas
CHAPTER 98Pagkapasok naman ni Dave sa kanyang silid ay inis nyang naihilamos ang kanyang kamay sa kanyang mukha.Iniisip pa rin nya ang asawa nya. Hindi nya alam kung nasaan eto. Gusto nya sanang pakinggan muna eto pero hindi nya alam kung nasaan ba eto ngayon. Ilang oras pa ang nakalipas at nanatili lamang si Dave sa kanyang kwarto. Ayaw nya munang lumabas dahil ginugulo ni Trina ang isipan nya. Alam nya sa sarili nya na mahal nya ang asawa nya pero hindi nya maiwasang mapaisip ng tungkol kay Trina dahil naging karelasyon nya rin eto at minsan na rin nyang minahal eto.Bigla namang narinig ni Dave na may kumakatok sa pintuan nya hindi nya sana eto papansinin dahil baka si Trina lamang iyon pero biglang nagsalita ang kumakatok sa pintuan nya."Sir Dave nandito po sila ma'm Divina. Gusto raw po kayong makausap," sabi ni manang Hellen. Wala namang nagawa di Dave kundi ang pagbuksan eto ng pintuan."Sige manang pakisabi saglit lamang. May gagawin lamang ako," sagot ni Dave saka nya isi
CHAPTER 99Lumipas pa ang mga araw at halos dalawang linggo na rin ang nakakaraan ng magsimulang magtrabaho si Aira sa isang call center. Naging maayos naman ang mga nakalipas na araw sa kanya. Nasasanay na rin sya sa klima sa Baguio dahil malamig nga roon. "Aira ayos ka lang ba?" tanong ni Allysa kay Aira ng mapansin nya na namumutla eto habang nakapikit ng mariin. Si Allysa ay katrabaho ni Aira sa call center sabay lamang silang nahire neto kaya naging ka close na nya eto.Hindi naman kaagad nakasagot si Aira kaya linapitan na sya ni Allysa."Girl ano ba ang nangyayare sayo?" tanong pa ni Allysa kay Aira at sinalat pa nya ang noo neto dahil baka may lagnat eto pero hindi naman eto mainit."N-Nahihilo lang ako Allysa. Siguro kulang lang ako sa tulog kaya nahihilo ako," sagot ni Aira. "Napapadalas na ata ang pagkahilo mo Aira. Magpacheck up ka na kaya," sabi ni Allysa."Hindi na. Baka kulang lang talaga ako sa tulog kaya ako nagkakaganito," sagot ni Aira. Napapadalas na kasi ang p
CHAPTER 100Sa nakalopas na mga araw ay itinuon na lamang muna ni Dave ang kanyang atensyon sa kanyang trabaho habang naghihintay sya na bumalik si Aira. Nasa opisina nya ngayon si Dave at abalang abala sya sa tambak na trabaho nya ngayon ng biglang may kumatok sa opisina ni Dave."Come in," sigaw ni Dave agad naman na bumukas ang pinto ng kanyang opisina pero hindi man lang iyon linilingon ni Dave."Sobrang busy mo ata ngayon ah," agad na sabi ng dumating sa opisina ni Dave na walang iba kundi si Gino ang kanyang matalik na kaibigan."May kailngan ka?" tanong ni Dave at hindi man lang nya linilingon ang kaibigan dahil abala sya sa ginagawa nya."Wala naman. Kukumustahin lang kita. Matagal tagal na rin na hindi tayo nakakainom e. Pwede ka ba mamaya?" Sagot ni Gino. Napaangat naman ng tingin nya si Dave."Sige. Pupuntahan na lamang kita sa inyo. Doon na lamang ako dideretso mamaya," sagot ni Dave saka nya ibinalik ang tingin nya sa ginagawa nya."Sige maghahanda na lamang ako ng mga in
CHAPTER 101"Hey. Dahan dahan bro. Hindi ka mauubusan ng alak," saway ni Gino sa kaibigan ng makita nya na sunod sunod ang pag inom neto. Hindi naman sya pinansin ni Dave. Kaya napapailing na lamang si Gino sa kaibigan."Nga pala nakita ko si Bianca yung best friend ni Aira. Natanong ko sa kanya kung alam ba nya kung nasaan si Aira," pagkukwento ni Gino rito. Ang totoo nyan ay madalas nyang ayain si Bianca na lumabas simula ng ipakilala eto sa kanya nila Dave at Aira pero hindi nya eto sinasabi sa kaibigan."O anong sabi nya? Alam ba nya kung nasaan si Aira?" tanong ni Dave."Hindi rin daw nya alam e. Kelan nga lang daw nya nalaman ang nangyare sa inyo. Kahit sya ay nagulat din. At hindi sya naniniwala na kayang gawin ni Aira ang bagay na yon. Sinubukan na rin nyang tawagan si Aira pero cannot be reach na ang number neto," sagot ni Gino."Tsk. Nagawa na nga nya e. Kitang kita mismo ng mga mata ko yun. Kung hindi alam ni Bianca kung nasaan si Aira ay baka nga sumama na iyon sa lalake n
CHAPTER 102Pagkarating ni Trina sa bar ni Paulo ay agad na syang dumiretso sa opisina neto."Kagagaling ko pa lamang dito kahapon diba?" inis na sabi ni Trina kay Paulo pagkapasok nya sa opisina ng binata."Oo nga. Pero gusto ulet kita makasama ngayon e. Hindi ka naman siguro busy diba," sagot ni Paulo saka sya lumapit kay Trina."May pupuntahan kasi ako. Pwede ba na bukas na lang kita balikan?" sagot ni Trina."Nandito ka na aalis ka pa. Sino ba kasi ang pupuntahan mo? Si Dave na naman ba? Na hindi ka naman yata pinapansin," sagot ni Paulo."Tsk. Mahal ko si Dave at alam kong babalik din sya sa akin," inis na sagot ni Trina at inirapan pa nya si Paulo."Tsk. Talaga lang ha? E hindi ka nga nya pinapansin man lang. Mag iisang buwan ng umalis ang kapatid mo pero hindi ka naman pinapansin ng lalake na yun. Bakit ba kasi hindi na lang ako?" sagot ni Paulo."Pinapansin nya ako," inis na sabi ni Trina. "Sige na babalikan na lamang kita bukas," pagpapaalam pa ni Trina. Lalabas na sana sya
CHAPTER 103"Sigurado ka ba na kaya mo ng pumasok sa trabaho hija?" tanong ni aling Wanda kay Aira ng makita nya eto dahil parang matamlay eto ng lumabas ng bahay."Opo kaya ko naman po," sagot ni Aira. "Magpatingin ka na kaya muna sa doktor hija. Natatakot ako baka kung napapaano ka na," sabi pa ni aling Wanda dahil nag aalala na sya kay Aira. Kahit naman kasi nangungupahan lamang eto sa kanya ay naging malapit na rin sa kanya si Aira lalo na sa kanyang anak."Sa susunod na lamang po-- uhmp," hindi natuloy ni Aira ang sasabhin nya ng bigla syang nakaramdam na parang babaliktad ang sikmura nya kaya dali dali syang bumalik sa loob ng bahay nya habang nakatakip ang kanyang kamay sa kanyang bibig.Agad naman na sinundan ni aling Wanda si Aira sa loob ng bahay neto at nakita nya na nagsusuka na eto."Ano ba ang nangyayare sayo hija. Baka may nakain ka o ano?" nag aalalang sabi ni aling Wanda kay Aira habang hinahagod ang likod ni Aira na patuloy na nagsusuka. Hindi naman nakasagot si Air
CHAPTER 104Agad na rin na nagpunta sila Aira sa OB-gyne upang makumpirma nga kung talaga nga ba na buntis siya.Pagkapasok ni Aira sa loob ng room kung nasaan ang OB ay agad sya netong sinuri at pina TransV ultrasound din sya para makasiguro nga na buntis talaga sya. Naghintay pa ulet sila ng ilang minuto bago sya muling tinawag upang pumasok sa loob ng silid ng OB nya."Ms. Aira Savedra?" tanong ng doktor.Tumango lamang naman si Aira saka sya naupo sa harapan ng doktor "Base on your ultrasound your eight weeks pregnant," pagbabalita ng doktor. Hindi naman na naiwasan ni Aira na tumulo ang kanyang luha dahil sa saya dahil magkakaroon na pala sila ng anak ni Dave. Pero agad na pinunasan ni Aira ang kanyang mga luha ng maalala nya ang naging sitwasyon nila ng dati nyang asawa."S-sigurado po ba kayo na buntis ako?" muling tanong ni Aira."Yes ms. Aira. Eto na ang patunay na buntis ka nga," sagot ng doktor saka nya ipinakita ang ultrasound ni Aira. Agad naman na tiningnan iyon ni Aira
CHAPTER 472Kinabukasan ay nagising naman si Amara na maliwanag na sa labas ng kanyang silid. Dahan dahan pa nga syang bumangon at agad nga nyang napansin ang mga paper bag sa tabi ng kanyang kama at naipikit na nga lamang nya ng nariin ang kanyang mga mata dahil wala nga syang nagawa man lang sa mga balak nya kagabi dahil napasarap nga ang kanyang tulog.Bumuntong hininga naman na muna si Amara bago sya nagpasya na tumayo na at saka sya dumiretso sa CR na nasa kanyang silid lamang at agad na nga nyang ginawa ang kanyang morning routine. Medyo binilisan na nga lamang din nya ang kanyang ginagawa dahil ramdam na nya ang pagkalam ng kanyang tyan dahil hindi nga pala sya nakakain ng dinner kagabi.Agad naman ng lumabas ng kanyang silid si Amara at agad na nga syang pumunta sa kusina para kumuha ng makakain nya ngayong umaga.Pagkapasok naman ni Amara sa kusina ay nadatnan naman nya ang kanya ina roon na kumakain pa nga lamang ng agahan."Good morning mom," bati ni Amara sa kanyang anak.
CHAPTER 471Pagkapasok ni Amara sa kanyang silid ay agad nga nya na inilock ang pinto at saka nya ibinaba na muna sa tabi ng kanyang kama ang kanyang mga dala at saka sya pasalampak na dumapa sa kanyang kama at doon na nga nya hindi napigilan ang pag alpas ng masagana nyang luha sa kanyang mga mata."Sana sa pagbabalik ko ay hindi ka pa rin magbago Dylan. Mahal na mahal kita pero kailangan ko nga sigurong gawin ito para sa pangarap mo at para na rin sa pangarap ko. Siguro hanggang pagiging magkaibigan na lamang talaga tayo. Kahit na masakit ay pipilitin ko na lamang na tanggapin ang katotohanan na hindi mo ako kayang mahalin Dylan," usal ni Amara sa kanyang isipan habang patuloy nga sa pag agos ang kanyang masaganang luha na kanina pa nya pinipigilan.Iniyak naman muna ng iniyak ni Amara ang kanyang nararamdamang lungkot. Dahil sa totoo lang ay ayaw nya sanang umalis ng bansa pero naisip nya na siguro ay tama naman ang kanyang nga magulang kaya susundin na lamang nya ang mga ito.Dahi
CHAPTER 470"Yayakap lang e. May problema ba dun?" nakanguso pa na sagot ni Amara at pilit nyang pinipigilan na mahalata sya ni Dylan dahil ang totoo ay gusto na nya talagang maiyak ngayon pa lang sa isipin na ito na ang huling beses na mayayakap nya si Dylan dahil pagkatapos nga nito ay papayag na sya sa gustong mangyare ng kanyang mga magulang.Bumuntong hininga na nga lamang si Dylan at saka sya napapailing na lamang dahil sa kakulitan ng kangyang kaibigan. Hindi naman na nagsalita pa si Dyla at ibinuka na lamang nya ang kanyang braso upang pagbigyan si Amara.Ngiting ngiti naman si Amara na agad na yumakap kay Dylan at habang yakap nya nga ito ng mahigpit ay hindi na nga nya napigilan ang pagpatak ng kanyang luha pero agad din naman nya iyong pinunasan."Dylan mamimiss kita," mahinang sabi ni Amara habang yakap yakap pa rin nya si Dylan.Napakunot naman ang noo ni Dylan dahil malinaw na malinaw nga nyang narinig ang sinabi ni Amara kahit na mahina nga lamang iyon."Ha? Bakit mo na
CHAPTER 469Parang bigla namang nakunsenya si Dylan dahil sa inaasta ni Amara ngayon sa kanya. Mahalaga pa rin naman sa kanya ang dalaga pero hindi naman kasi pupwede na palagi na lamang silang magkabuntot na dalawa."Masasanay ka rin naman. Sadyang kailangan ko lamang talaga na mag focus sa kumpanya namin. At ikaw maaari mo ring gawin ang mga gusto mong gawin na hindi ako kasama. Magkikita at magkikita pa rin naman tayo pero hindi na nga lang kagaya ng dati," sabi ni Dylan kay AmaraDahan dahan naman na tumango si Amara at saka sya nag angat na ng kanyang ulo at pasimple pa nga nyang pinunasan ang luha na hindu na nya namalayan pa na tumulo na pala."Oo. Masasanay din naman ako na hindi ka palaging kasama. Galingan mo sa pagtatrabaho mo ha. Sana maging successful ka rin kagaya ng iyong ama at kapatid. Kapag nangyare yun ako ang unang una na magiging masaya para sa'yo," ilit ang ngiti na sabi ni Amara kay Dylan."Teka nga umiiyak ka ba?" tanong ni Dylan ng may makita dyang butil ng lu
CHAPTER 468Agad naman na dumiretso sila Dylan at Amara sa mall. Ngiting ngiti naman si Amara habang nakakapit sa braso ni Dylan habang sila ay naglalakad papasok sa loob ng mall. Dumiretso na nga rin muna sila sa isang kainan doon dahil kanina pa rin talaga hindi kumakain si Amara kaya nag aya na nga muna sya na kumain at agad naman iyong pinagbigyan ni Dylan.Pagkatapos nilang kumain na dalawa ay dumiretso naman na sila shop roon para makapamili na nga di Amara at nakasunod nga lamang si Dylan sa kanya gaya ng dati na nitong ginagawa sa tuwing nagpapasama si Amara sa kanya.Wala kasing magawa si Dylan noon kundi ang pagbigyan na lamang palagi si Amara kapag gusto nitong magpasama sa kanya dahil kapag hindi nya nga ito napapagbigyan ay ang tita Bianca nga nya ang tumatawag sa kanya para samahan nga ito. Pero ngayon ay mayroon na nga syang idadahilan dito dahil totoo naman na kailangan nyang mag focus sa kanilang kumpanya.Pagkatapos mamili ni Amara ay inaya naman na nya si Dylan sa i
CHAPTER 467Nasa ganoong senaryo nga sila ng bigla ngang bumukas ang pinto ng opisina ni Dylan at nagulat pa nga si Rayver sa nakita nya.Sumenyas naman si Dylan sa kanyang kuya Rayver na wag itong maingay kaya naman hindi na nagsalita pa si Rayver at saka nya dahan dahan na isinara ang pinto ng opisina ni Dylan.Naglakad naman na sila pareho papunta sa table ni Dylan at saka sila naupo na roon."Anong ginagawa ni Amara rito? Binabantayan ka ba nya?" nakangisi pa na tanong ni Rayver kay Dylan."Tsk. As usual kinukulit na naman ako ng isa na yan," naiiling pa na sagot ni Dylan sa kanyang kuya Rayver.Napalingon naman si Rayver sa gawi ni Amara na natutulog pa nga rin at saka sya napapailing na lamang talaga dahil mukhang tinamaan na ang dalaga sa kanyang kapatid."So ano ba talaga ang balak mo sa kanya?" tanong pa muli ni Rayver sa kanyang kapatid. "Alam mo wala ka pa naman yatang napupusuan na babae bakit hindi mo na lang pag aralan na mahalin si Amara. Tutal kilalang kilala mo naman
CHAPTER 466"Okay fine. Amara ayos lang naman ako rito sa aking bagong opisina. Please lang wag ka na muna mangulit ngayon dahil may mga kailangan pa akong tapusin na mga pinapagawa ni kuya Rayver sa akin," sagot ni Dylan kay Amara."E di tapusin mo na yan. Hindi naman ako makikialam sa mga ginagawa mo eh. Hihintayin na lamang kita na matapos sa mga ginagawa mo," nakangiti pa na sabi ni Amara at saka sya prenteng naupo na muli sa sofa roon.Nagulat naman si Dylan sa sinabi ni Amara dahil mukhang seryoso nga ito na hibintayin sya nito."Amara pwede ka naman ng umuwi at hindi mo na kailangan pang hintayin na matapos ako rito," sagot ni Dylan dito.Tumayo naman si Amara at saka sya lumapit kay Dylan. Nagpapungay pungay pa nga sya ng mata rito at tila ba nagpapacute pa sya kay Dylan.Napabuntong hininga naman si Dylan at napapailing na lamang talaga sya dahil alam na nya ang nga ganitong galawan ni Amara. Dahil kapag ganito ito ay may kailangan na naman ito sa kanya."Amara please may mga
CHAPTER 465 DYLAN & AMARAMakalipas nga ang ilang buwan matapos ang kasal nila Shiela at Rayver ay ngayon nga lamang muli pumasok ng opisina si Rayver dahil talagang sinulit nga nya ang honeymoon stage nila ni Shiela at ngayon nga ay nagdadalang tao na ito. Apat na buwan na nga itong buntis ngayon at talagang pinalipas muna ni Rayver ang first trimester ni Shiela dahil masyado nga itong maselan noon. Kaya ngayon na medyo ayos na nga ang pakiramdam nito ay pumasok naman na sya sa kanyang opisina dahil matagal tagal na nga rin syang nawala roon.Ngayong araw nga rin ay kailangan na nyang i-train si Dylan sa paghawak ng kumpanya dahil balak ng kanilang ama na ipahawak na kay Dylan ang isa pa nilang kumpanya."Dylan dito na muna ang pansamantala mong opisina. Siguro ay mahigit isang buwan ay kaya mo naman ng pamahalaan ang isang kumpanya ni dad," sabi ni Rayver sa kanyang bunsong kapatid habang naroon nga sila sa isang opisina sa loob ng kanyang kumpanya. Balak nya na doon na lamang m
CHAPTER 464 (SPECIAL CHAPTER) Napabuntong hininga naman si Shiela at saka sya dahan dahan na tumango kay Rayver. Matamis naman na nginitian ni Rayver si Shiela at saka nya ito kinintalan ng magaan na halik sa labi at saka nya ipinuwesto ang naghuhumindig nyang sh*ft sa perlas ni Shiela. Dahan dahan naman na ipinapasok ni Rayver ang kanyang sh*ft sa pagkababae ni Shiela at nahihirapan pa nga syang ipasok iyon dahil nga masikip pa iyon dahil ito nga ang unang beses na makikipags*x si Shiela. "Ahh. S-saglit lang. M-masakit mahal. Sandali lang," awat ni Shiela kay Rayver at bahagya pa nga itong itinulak. "Sa simula lang ito mahal. Mamaya ay mawawala na rin naman ang sakit kapag naipasok ko na ito," sagot ni Rayver. "M-masyado yatang malaki mahal. H-hindi yata kasya," seryoso pa na sabi ni Shiela. At bahagya naman na natawa si Rayver dahil sa sinabi ni Shiela kaya naman nahampas nga sya nito sa braso. "Kasyang kasya ito mahal. First time mo pa lang kasu kaya ganyan," sabi ni