CHAPTER 102Pagkarating ni Trina sa bar ni Paulo ay agad na syang dumiretso sa opisina neto."Kagagaling ko pa lamang dito kahapon diba?" inis na sabi ni Trina kay Paulo pagkapasok nya sa opisina ng binata."Oo nga. Pero gusto ulet kita makasama ngayon e. Hindi ka naman siguro busy diba," sagot ni Paulo saka sya lumapit kay Trina."May pupuntahan kasi ako. Pwede ba na bukas na lang kita balikan?" sagot ni Trina."Nandito ka na aalis ka pa. Sino ba kasi ang pupuntahan mo? Si Dave na naman ba? Na hindi ka naman yata pinapansin," sagot ni Paulo."Tsk. Mahal ko si Dave at alam kong babalik din sya sa akin," inis na sagot ni Trina at inirapan pa nya si Paulo."Tsk. Talaga lang ha? E hindi ka nga nya pinapansin man lang. Mag iisang buwan ng umalis ang kapatid mo pero hindi ka naman pinapansin ng lalake na yun. Bakit ba kasi hindi na lang ako?" sagot ni Paulo."Pinapansin nya ako," inis na sabi ni Trina. "Sige na babalikan na lamang kita bukas," pagpapaalam pa ni Trina. Lalabas na sana sya
CHAPTER 103"Sigurado ka ba na kaya mo ng pumasok sa trabaho hija?" tanong ni aling Wanda kay Aira ng makita nya eto dahil parang matamlay eto ng lumabas ng bahay."Opo kaya ko naman po," sagot ni Aira. "Magpatingin ka na kaya muna sa doktor hija. Natatakot ako baka kung napapaano ka na," sabi pa ni aling Wanda dahil nag aalala na sya kay Aira. Kahit naman kasi nangungupahan lamang eto sa kanya ay naging malapit na rin sa kanya si Aira lalo na sa kanyang anak."Sa susunod na lamang po-- uhmp," hindi natuloy ni Aira ang sasabhin nya ng bigla syang nakaramdam na parang babaliktad ang sikmura nya kaya dali dali syang bumalik sa loob ng bahay nya habang nakatakip ang kanyang kamay sa kanyang bibig.Agad naman na sinundan ni aling Wanda si Aira sa loob ng bahay neto at nakita nya na nagsusuka na eto."Ano ba ang nangyayare sayo hija. Baka may nakain ka o ano?" nag aalalang sabi ni aling Wanda kay Aira habang hinahagod ang likod ni Aira na patuloy na nagsusuka. Hindi naman nakasagot si Air
CHAPTER 104Agad na rin na nagpunta sila Aira sa OB-gyne upang makumpirma nga kung talaga nga ba na buntis siya.Pagkapasok ni Aira sa loob ng room kung nasaan ang OB ay agad sya netong sinuri at pina TransV ultrasound din sya para makasiguro nga na buntis talaga sya. Naghintay pa ulet sila ng ilang minuto bago sya muling tinawag upang pumasok sa loob ng silid ng OB nya."Ms. Aira Savedra?" tanong ng doktor.Tumango lamang naman si Aira saka sya naupo sa harapan ng doktor "Base on your ultrasound your eight weeks pregnant," pagbabalita ng doktor. Hindi naman na naiwasan ni Aira na tumulo ang kanyang luha dahil sa saya dahil magkakaroon na pala sila ng anak ni Dave. Pero agad na pinunasan ni Aira ang kanyang mga luha ng maalala nya ang naging sitwasyon nila ng dati nyang asawa."S-sigurado po ba kayo na buntis ako?" muling tanong ni Aira."Yes ms. Aira. Eto na ang patunay na buntis ka nga," sagot ng doktor saka nya ipinakita ang ultrasound ni Aira. Agad naman na tiningnan iyon ni Aira
CHAPTER 105"Sigurado ka na ba dyan?" tanong ni Gino kay Dave. Balak na kasi ni Dave na ipaasikaso na ang annulment papers nila ni Aira sa kanyang abogado."Oo sigurado na ako. Siguro naman ay sapat na ang panahon ng paghihintay ko kay Aira at hindi sya bumalik sa mga panahon na yon," malungkot na sagot ni Dave sa kanyang kaibigan. Kahit na mabigat sa loob nya ay kailangan na nyang ifile eto dahil baka hindi na talaga bumalik pa si Aira. Ipinagpatuloy na rin naman nya ang paghahanap kay Aira pero wala pa ring magandang balita sa kanya ang mga binayaran nya upang maghanap kay Aira. Gusto nya rin kasi na makasiguro na nasa maayos na lagay si Aira ngayon."Mukhang hindi ka na talaga magpapapigil. Good luck sayo bro. Sana ay tama ang gagawin mong desisyon na yan," sabi ni Gino kay Dave at tinapik pa nya eto sa balikat. Napabuntong hininga na lamang si Dave.Pinapunta na rin naman ni Dave ng araw na iyon ang kanyang abogado sa kanyang bahay para pag usapan ang tungkol sa pag file ng annul
CHAPTER 106"Sa tingin ko mahal na mahal ka pa rin ni Trina bro. Kung sakali bro na makipagbalikan nga sayo si Trina. Papayag ka ba?" tanong pa ni Gino."Hindi ko alam. Masyado pang sariwa ang mga nangyare sa amin ni Aira. Siguro mas mabuting ituon ko na lamang muna ang atensyon ko sa negosyo namin," sagot ni Dave."Magandang desisyon yan bro. Pero good luck na lang sa'yo kung paano mo iiwasan si Trina dahil tingnan mo naman kahit na narito ako ay walang sabi sabi na hinalikan ka nya," iiling iling pa na turan ni Gino sa kaibigan."Tsk. Kahit ako nagulat din sa ginawa ni Trina," sagot ni Dave."Good luck talaga bro kung paano mo maiiwasan ang babae na yun," sabi pa ni Gino.**********Mabilis naman na lumipas ang mga araw at mga linggo. Tuluyan na nga na nawalan ng bisa ang kasal nila Dave at Aira. Hindi malaman ni Dave kung dapat ba syang maging masaya roon o hindi dahil hinahanap hanap pa rin nya ang presensya ni Aira. Alam naman nya sa sarili nya na may mali sya ng mga panahon na
CHAPTER 107Sa kabilang banda naman ay patuloy pa rin na nagtatrabaho si Aira. Ayaw nya kasing tumunganga na lamang sa bahay nya at hintayin kung kelan sya manganganak. Buti na lamang at pinayagan sya na magpatuloy sa trabaho sa call center kahit na buntis sya pero hindi sya binibigyan ng night shift. Ilang buwan na rin naman ang nakakalipas ng malaman ni Aira na buntis sya at ngayon nga ay malaki na ang kanyang tyan at malapit na rin syang manganak. Malapit ng mag siyam na buwan ang kanyang dinadala sa kanyang sinapupunan. Hindi naman sya masyadong nahihirapan sa mga gawain sa bahay dahil palagi syang tinutulungan ni Wanda at ni Janella. Palagi kasing nakaantabay ang mga ito sa kanya at hindi talaga sya pinapabayaan ng mga eto."Aira kumain ka na muna ha. Yang singkamas na naman ang linalantakan mo. Baka sikmurain ka nyan wala ka pang kain," paalala ni nay Wanda kay Aira dahil nga napaglilihian ni Aira ang singkamas ay halos inaraw araw na ni Aira ang pagkain neto hanggang ngayon
CHAPTER 108Sa nakalipas rin na buwan ay inabala naman ni Dave ang kanyang sarili sa kanyang kompanya. Dito na lamang nya itinuon ang kanyang atensyon dahil palagi nyang naaalala si Aira sa tuwing wala syang ginagawa."Hi Dave," bati ni Trina sa binata pagkapasok neto sa opisina ng binata."What are you doing here?" tanong ni Dave kay Trina habang abala pa rin sya sa kanyang laptop."Binibisita ka," sagot ni Trina saka sya prenteng naupo sa sofa sa loob ng opisina ni Dave.Sa nakalipas kasi na buwan ay hindi pa rin tinatantanan ni Trina si Dave. Palagi pa rin syang pinupuntahan ng dalaga sa kanyang opisina. Hindi na kasi sya mapuntahan neto sa kanyang bahay dahil bumalik na muna sya sa bahay ng kanyang mga magulang kaya sa opisina nya eto palaging nangungulit "Hindi ka ba nagsasawa kakapunta rito?" tanong ni Dave."Hindi hanggat hindi ka bumabalik sa akin. Ewan ko ba naman sayo Dave hiwalay naman na kayo ni ate Aira kung bakit ayaw mo pa ring bumalik sa akin tayo naman talaga ang nag
CHAPTER 109Lumipas pa ang ilang araw at nakaleave na nga si Aira sa trabaho dahil malapit na syang manganak. Lagi naman naka antabay sa kanya ang mag inang Wanda at Janella. Doon na nga rin pinapatulog ni nay Wanda si Janella sa bahay ni Aira para may kasama eto sa gabi dahil baka bigla na lamang sumakit ang tyan neto."Okay naman ang mga babies mo. Nakapwesto na rin sila at anytime pwede na silang lumabas," pagbabalita ng doktora na sumusuri kay Aira."Talaga po dok? Mabuti naman po kung ganon. Sana po ay kayanin kong manganak ng normal delivery," sagot ni Aira.Sobrang saya ni Aira ng malaman nya na kambal pala ang kanyang ipinagbubuntis. Hindi nya iyon inaasahan dahil wala namang may lahing kambal sa kanilang pamilya. Kaya pala sobrang laki ng kanyang tyan ay dalawa pala ang sanggol na nasa sinapupunan nya. At nang malaman iyon ni Aira ay dali dali na rin nyang dinagdagan ang mga gamit na binili nya para sa mga babies nya."Basta hija kapag nakaramdam ka na ng pananakit ng tyan ay
CHAPTER 474"Tita Bianca si Amara po nasaan?" hindi na nakatiis na tanong ni Dylan sa ina ni Amara.Napakunot naman ang noo ni Bianca dahil sa tanong ni Dylan at napatingin pa nga sya sa kanyang asawa na tahimik lamang na nakikinig sa kanila. "Wag mong sabihin sa akin na hindi mo rin alam Dylan na umalis na si Amara," sagot ni Bianca sa binata."Po? Umalis po si Amara?" kunot noo naman na tanong ni Dylan."Yes hijo. Umalis na si Amara halos mag iisang buwan na nga ng siya ay umalis papuntang London. Ang akala ko ay nagpaalam sya sa'yo noon bago sya umalis ng bansa," sagot naman ni Bianca kay Dylan.Gulat na gulat naman si Dylan sa sinabi ng tita Bianca nya dahil hindi nya talaga alam na umalis si Amara ng bansa at wala rin naman syang natatandaan na nagpaalam ito sa kanya noong huli nilang pagkikita. Ngayon nya napagtanto na kaya pala walang Amara na nangungulit sa kanya dahil umalis na pala ito ng bansa at wala nga syang kaalam alam doon. Ang buong akala nya kasi ay abala lamang it
CHAPTER 473Kinabukasan ay maaga naman ngang hinatid si Amara ng kanyang pamilya sa airport."Mag iingat ka roon anak ha. Nandoon naman ang ate Charmaine mo kaya hindi ka naman malulungkot doon. Saka bibisitahin naman kita roon paminsan minsan kaya wag kang mag alala ha," sabi ni Bianca kay Amara at naiyak pa nga ito habang sinasabi iyon sa kanyang anak dahil nalulungkot pa rin sya sa pag alis nito."Opo mom mag iingat po ako roon. Mamimiss ko po kayo," nakangiti pa na sagot ni Amara sa kanyang ina at pigil nya talaga ang kanyang sarili na wag maiyak sa pag alis nya.Agad naman na yinakap ni Bianca si Amara at ganon din naman ang ginawa ni Gino at hinalikan pa nga nya sa noo si Amara."Mag iingat ka palagi doon anak ha. Pupuntahan ka namin doon kapag hindi ako busy sa opisina," sabi pa ni Gino kay Amara."Opo dad," nakangiti naman na sagot ni Amara sa kanyang ama."Ate mamimiss kita," umiiyak naman na sabi ng bunsong kapatid ni Amara na si Amanda at agad na nga rin itong yumakap sa ka
CHAPTER 472Kinabukasan ay nagising naman si Amara na maliwanag na sa labas ng kanyang silid. Dahan dahan pa nga syang bumangon at agad nga nyang napansin ang mga paper bag sa tabi ng kanyang kama at naipikit na nga lamang nya ng nariin ang kanyang mga mata dahil wala nga syang nagawa man lang sa mga balak nya kagabi dahil napasarap nga ang kanyang tulog.Bumuntong hininga naman na muna si Amara bago sya nagpasya na tumayo na at saka sya dumiretso sa CR na nasa kanyang silid lamang at agad na nga nyang ginawa ang kanyang morning routine. Medyo binilisan na nga lamang din nya ang kanyang ginagawa dahil ramdam na nya ang pagkalam ng kanyang tyan dahil hindi nga pala sya nakakain ng dinner kagabi.Agad naman ng lumabas ng kanyang silid si Amara at agad na nga syang pumunta sa kusina para kumuha ng makakain nya ngayong umaga.Pagkapasok naman ni Amara sa kusina ay nadatnan naman nya ang kanya ina roon na kumakain pa nga lamang ng agahan."Good morning mom," bati ni Amara sa kanyang anak.
CHAPTER 471Pagkapasok ni Amara sa kanyang silid ay agad nga nya na inilock ang pinto at saka nya ibinaba na muna sa tabi ng kanyang kama ang kanyang mga dala at saka sya pasalampak na dumapa sa kanyang kama at doon na nga nya hindi napigilan ang pag alpas ng masagana nyang luha sa kanyang mga mata."Sana sa pagbabalik ko ay hindi ka pa rin magbago Dylan. Mahal na mahal kita pero kailangan ko nga sigurong gawin ito para sa pangarap mo at para na rin sa pangarap ko. Siguro hanggang pagiging magkaibigan na lamang talaga tayo. Kahit na masakit ay pipilitin ko na lamang na tanggapin ang katotohanan na hindi mo ako kayang mahalin Dylan," usal ni Amara sa kanyang isipan habang patuloy nga sa pag agos ang kanyang masaganang luha na kanina pa nya pinipigilan.Iniyak naman muna ng iniyak ni Amara ang kanyang nararamdamang lungkot. Dahil sa totoo lang ay ayaw nya sanang umalis ng bansa pero naisip nya na siguro ay tama naman ang kanyang nga magulang kaya susundin na lamang nya ang mga ito.Dahi
CHAPTER 470"Yayakap lang e. May problema ba dun?" nakanguso pa na sagot ni Amara at pilit nyang pinipigilan na mahalata sya ni Dylan dahil ang totoo ay gusto na nya talagang maiyak ngayon pa lang sa isipin na ito na ang huling beses na mayayakap nya si Dylan dahil pagkatapos nga nito ay papayag na sya sa gustong mangyare ng kanyang mga magulang.Bumuntong hininga na nga lamang si Dylan at saka sya napapailing na lamang dahil sa kakulitan ng kangyang kaibigan. Hindi naman na nagsalita pa si Dyla at ibinuka na lamang nya ang kanyang braso upang pagbigyan si Amara.Ngiting ngiti naman si Amara na agad na yumakap kay Dylan at habang yakap nya nga ito ng mahigpit ay hindi na nga nya napigilan ang pagpatak ng kanyang luha pero agad din naman nya iyong pinunasan."Dylan mamimiss kita," mahinang sabi ni Amara habang yakap yakap pa rin nya si Dylan.Napakunot naman ang noo ni Dylan dahil malinaw na malinaw nga nyang narinig ang sinabi ni Amara kahit na mahina nga lamang iyon."Ha? Bakit mo na
CHAPTER 469Parang bigla namang nakunsenya si Dylan dahil sa inaasta ni Amara ngayon sa kanya. Mahalaga pa rin naman sa kanya ang dalaga pero hindi naman kasi pupwede na palagi na lamang silang magkabuntot na dalawa."Masasanay ka rin naman. Sadyang kailangan ko lamang talaga na mag focus sa kumpanya namin. At ikaw maaari mo ring gawin ang mga gusto mong gawin na hindi ako kasama. Magkikita at magkikita pa rin naman tayo pero hindi na nga lang kagaya ng dati," sabi ni Dylan kay AmaraDahan dahan naman na tumango si Amara at saka sya nag angat na ng kanyang ulo at pasimple pa nga nyang pinunasan ang luha na hindu na nya namalayan pa na tumulo na pala."Oo. Masasanay din naman ako na hindi ka palaging kasama. Galingan mo sa pagtatrabaho mo ha. Sana maging successful ka rin kagaya ng iyong ama at kapatid. Kapag nangyare yun ako ang unang una na magiging masaya para sa'yo," ilit ang ngiti na sabi ni Amara kay Dylan."Teka nga umiiyak ka ba?" tanong ni Dylan ng may makita dyang butil ng lu
CHAPTER 468Agad naman na dumiretso sila Dylan at Amara sa mall. Ngiting ngiti naman si Amara habang nakakapit sa braso ni Dylan habang sila ay naglalakad papasok sa loob ng mall. Dumiretso na nga rin muna sila sa isang kainan doon dahil kanina pa rin talaga hindi kumakain si Amara kaya nag aya na nga muna sya na kumain at agad naman iyong pinagbigyan ni Dylan.Pagkatapos nilang kumain na dalawa ay dumiretso naman na sila shop roon para makapamili na nga di Amara at nakasunod nga lamang si Dylan sa kanya gaya ng dati na nitong ginagawa sa tuwing nagpapasama si Amara sa kanya.Wala kasing magawa si Dylan noon kundi ang pagbigyan na lamang palagi si Amara kapag gusto nitong magpasama sa kanya dahil kapag hindi nya nga ito napapagbigyan ay ang tita Bianca nga nya ang tumatawag sa kanya para samahan nga ito. Pero ngayon ay mayroon na nga syang idadahilan dito dahil totoo naman na kailangan nyang mag focus sa kanilang kumpanya.Pagkatapos mamili ni Amara ay inaya naman na nya si Dylan sa i
CHAPTER 467Nasa ganoong senaryo nga sila ng bigla ngang bumukas ang pinto ng opisina ni Dylan at nagulat pa nga si Rayver sa nakita nya.Sumenyas naman si Dylan sa kanyang kuya Rayver na wag itong maingay kaya naman hindi na nagsalita pa si Rayver at saka nya dahan dahan na isinara ang pinto ng opisina ni Dylan.Naglakad naman na sila pareho papunta sa table ni Dylan at saka sila naupo na roon."Anong ginagawa ni Amara rito? Binabantayan ka ba nya?" nakangisi pa na tanong ni Rayver kay Dylan."Tsk. As usual kinukulit na naman ako ng isa na yan," naiiling pa na sagot ni Dylan sa kanyang kuya Rayver.Napalingon naman si Rayver sa gawi ni Amara na natutulog pa nga rin at saka sya napapailing na lamang talaga dahil mukhang tinamaan na ang dalaga sa kanyang kapatid."So ano ba talaga ang balak mo sa kanya?" tanong pa muli ni Rayver sa kanyang kapatid. "Alam mo wala ka pa naman yatang napupusuan na babae bakit hindi mo na lang pag aralan na mahalin si Amara. Tutal kilalang kilala mo naman
CHAPTER 466"Okay fine. Amara ayos lang naman ako rito sa aking bagong opisina. Please lang wag ka na muna mangulit ngayon dahil may mga kailangan pa akong tapusin na mga pinapagawa ni kuya Rayver sa akin," sagot ni Dylan kay Amara."E di tapusin mo na yan. Hindi naman ako makikialam sa mga ginagawa mo eh. Hihintayin na lamang kita na matapos sa mga ginagawa mo," nakangiti pa na sabi ni Amara at saka sya prenteng naupo na muli sa sofa roon.Nagulat naman si Dylan sa sinabi ni Amara dahil mukhang seryoso nga ito na hibintayin sya nito."Amara pwede ka naman ng umuwi at hindi mo na kailangan pang hintayin na matapos ako rito," sagot ni Dylan dito.Tumayo naman si Amara at saka sya lumapit kay Dylan. Nagpapungay pungay pa nga sya ng mata rito at tila ba nagpapacute pa sya kay Dylan.Napabuntong hininga naman si Dylan at napapailing na lamang talaga sya dahil alam na nya ang nga ganitong galawan ni Amara. Dahil kapag ganito ito ay may kailangan na naman ito sa kanya."Amara please may mga