CHAPTER 104Agad na rin na nagpunta sila Aira sa OB-gyne upang makumpirma nga kung talaga nga ba na buntis siya.Pagkapasok ni Aira sa loob ng room kung nasaan ang OB ay agad sya netong sinuri at pina TransV ultrasound din sya para makasiguro nga na buntis talaga sya. Naghintay pa ulet sila ng ilang minuto bago sya muling tinawag upang pumasok sa loob ng silid ng OB nya."Ms. Aira Savedra?" tanong ng doktor.Tumango lamang naman si Aira saka sya naupo sa harapan ng doktor "Base on your ultrasound your eight weeks pregnant," pagbabalita ng doktor. Hindi naman na naiwasan ni Aira na tumulo ang kanyang luha dahil sa saya dahil magkakaroon na pala sila ng anak ni Dave. Pero agad na pinunasan ni Aira ang kanyang mga luha ng maalala nya ang naging sitwasyon nila ng dati nyang asawa."S-sigurado po ba kayo na buntis ako?" muling tanong ni Aira."Yes ms. Aira. Eto na ang patunay na buntis ka nga," sagot ng doktor saka nya ipinakita ang ultrasound ni Aira. Agad naman na tiningnan iyon ni Aira
CHAPTER 105"Sigurado ka na ba dyan?" tanong ni Gino kay Dave. Balak na kasi ni Dave na ipaasikaso na ang annulment papers nila ni Aira sa kanyang abogado."Oo sigurado na ako. Siguro naman ay sapat na ang panahon ng paghihintay ko kay Aira at hindi sya bumalik sa mga panahon na yon," malungkot na sagot ni Dave sa kanyang kaibigan. Kahit na mabigat sa loob nya ay kailangan na nyang ifile eto dahil baka hindi na talaga bumalik pa si Aira. Ipinagpatuloy na rin naman nya ang paghahanap kay Aira pero wala pa ring magandang balita sa kanya ang mga binayaran nya upang maghanap kay Aira. Gusto nya rin kasi na makasiguro na nasa maayos na lagay si Aira ngayon."Mukhang hindi ka na talaga magpapapigil. Good luck sayo bro. Sana ay tama ang gagawin mong desisyon na yan," sabi ni Gino kay Dave at tinapik pa nya eto sa balikat. Napabuntong hininga na lamang si Dave.Pinapunta na rin naman ni Dave ng araw na iyon ang kanyang abogado sa kanyang bahay para pag usapan ang tungkol sa pag file ng annul
CHAPTER 106"Sa tingin ko mahal na mahal ka pa rin ni Trina bro. Kung sakali bro na makipagbalikan nga sayo si Trina. Papayag ka ba?" tanong pa ni Gino."Hindi ko alam. Masyado pang sariwa ang mga nangyare sa amin ni Aira. Siguro mas mabuting ituon ko na lamang muna ang atensyon ko sa negosyo namin," sagot ni Dave."Magandang desisyon yan bro. Pero good luck na lang sa'yo kung paano mo iiwasan si Trina dahil tingnan mo naman kahit na narito ako ay walang sabi sabi na hinalikan ka nya," iiling iling pa na turan ni Gino sa kaibigan."Tsk. Kahit ako nagulat din sa ginawa ni Trina," sagot ni Dave."Good luck talaga bro kung paano mo maiiwasan ang babae na yun," sabi pa ni Gino.**********Mabilis naman na lumipas ang mga araw at mga linggo. Tuluyan na nga na nawalan ng bisa ang kasal nila Dave at Aira. Hindi malaman ni Dave kung dapat ba syang maging masaya roon o hindi dahil hinahanap hanap pa rin nya ang presensya ni Aira. Alam naman nya sa sarili nya na may mali sya ng mga panahon na
CHAPTER 107Sa kabilang banda naman ay patuloy pa rin na nagtatrabaho si Aira. Ayaw nya kasing tumunganga na lamang sa bahay nya at hintayin kung kelan sya manganganak. Buti na lamang at pinayagan sya na magpatuloy sa trabaho sa call center kahit na buntis sya pero hindi sya binibigyan ng night shift. Ilang buwan na rin naman ang nakakalipas ng malaman ni Aira na buntis sya at ngayon nga ay malaki na ang kanyang tyan at malapit na rin syang manganak. Malapit ng mag siyam na buwan ang kanyang dinadala sa kanyang sinapupunan. Hindi naman sya masyadong nahihirapan sa mga gawain sa bahay dahil palagi syang tinutulungan ni Wanda at ni Janella. Palagi kasing nakaantabay ang mga ito sa kanya at hindi talaga sya pinapabayaan ng mga eto."Aira kumain ka na muna ha. Yang singkamas na naman ang linalantakan mo. Baka sikmurain ka nyan wala ka pang kain," paalala ni nay Wanda kay Aira dahil nga napaglilihian ni Aira ang singkamas ay halos inaraw araw na ni Aira ang pagkain neto hanggang ngayon
CHAPTER 108Sa nakalipas rin na buwan ay inabala naman ni Dave ang kanyang sarili sa kanyang kompanya. Dito na lamang nya itinuon ang kanyang atensyon dahil palagi nyang naaalala si Aira sa tuwing wala syang ginagawa."Hi Dave," bati ni Trina sa binata pagkapasok neto sa opisina ng binata."What are you doing here?" tanong ni Dave kay Trina habang abala pa rin sya sa kanyang laptop."Binibisita ka," sagot ni Trina saka sya prenteng naupo sa sofa sa loob ng opisina ni Dave.Sa nakalipas kasi na buwan ay hindi pa rin tinatantanan ni Trina si Dave. Palagi pa rin syang pinupuntahan ng dalaga sa kanyang opisina. Hindi na kasi sya mapuntahan neto sa kanyang bahay dahil bumalik na muna sya sa bahay ng kanyang mga magulang kaya sa opisina nya eto palaging nangungulit "Hindi ka ba nagsasawa kakapunta rito?" tanong ni Dave."Hindi hanggat hindi ka bumabalik sa akin. Ewan ko ba naman sayo Dave hiwalay naman na kayo ni ate Aira kung bakit ayaw mo pa ring bumalik sa akin tayo naman talaga ang nag
CHAPTER 109Lumipas pa ang ilang araw at nakaleave na nga si Aira sa trabaho dahil malapit na syang manganak. Lagi naman naka antabay sa kanya ang mag inang Wanda at Janella. Doon na nga rin pinapatulog ni nay Wanda si Janella sa bahay ni Aira para may kasama eto sa gabi dahil baka bigla na lamang sumakit ang tyan neto."Okay naman ang mga babies mo. Nakapwesto na rin sila at anytime pwede na silang lumabas," pagbabalita ng doktora na sumusuri kay Aira."Talaga po dok? Mabuti naman po kung ganon. Sana po ay kayanin kong manganak ng normal delivery," sagot ni Aira.Sobrang saya ni Aira ng malaman nya na kambal pala ang kanyang ipinagbubuntis. Hindi nya iyon inaasahan dahil wala namang may lahing kambal sa kanilang pamilya. Kaya pala sobrang laki ng kanyang tyan ay dalawa pala ang sanggol na nasa sinapupunan nya. At nang malaman iyon ni Aira ay dali dali na rin nyang dinagdagan ang mga gamit na binili nya para sa mga babies nya."Basta hija kapag nakaramdam ka na ng pananakit ng tyan ay
CHAPTER 110Agad naman na sinuri ng doktor si Aira. Ini IE na rin sya neto para malaman kung malapit na bang lumabas ang mga babies."Wow. 8cm agad. Kaunti pa Aira," sabi ng doktora kay Aira. Hindi naman na maipinta ang mukha ni Aira dahil sobrang namimilipit na sya sa sakit ng tyan dahil panay na ang paghilab neto."Mga babies wag pahihirapan si mommy ha," kausap ni Aira sa kanyang mga baby na nasa tyan pa rin nya. Naghintay pa sya ng ilang minuto at talagang hindi na kaya ni Aira ang sakit."Dok parang lalabas na po ang baby ko," sabi ni Aira habang hindi n maipinta ang kanyang mukha dahil sa sobrang sakit ng kanyang tyan. Agad naman syang linapitan ng doktora."Mukhang lalabas na nga ang mga babies mo Aira," sabi ng doktor. Pinaayos naman na nila ng pwesto si Aira."Okay bibilang ako hanggang tatlo Aira then push," sabi ng doktora. Tumango tango naman si Aira rito."One... Two... Three... Push..," sabi ng doktora at isang malakas na ire ang ginawa ni Aira. "Uhhaaaa... Uhhaaaa..."
CHAPTER 111Lumipas pa ang mga araw at masaya naman si Aira na kahit sila lamang na mag iina ay maayos naman ang lagay nila. Hindi rin naman kasi sila talaga pinapabayaan nila nay Wanda at Janella kaya kahit papaano ay hindi nahihirapan si Aira sa pag aasikaso sa kanyang kambal.*******Sa opisina naman ni Dave ay kausap nya ang kayang private investigator na kinuha nya para maghanap kay Aira."Bakit hindi nyo pa rin nahahanap si Aira? Ang tagal tagal nyo ng naghahanap pero wala pa rin kayong magandang balita sa akin," inis na bulyaw ni Dave sa lalakeng kaharap nya."Pasensya na po. Ginagawa naman po namin ang lahat sadyang magaling lamang pong humanap ng lugar ang inyong asawa," sagot ng lalake. Napabuntong hininga naman si Dave."Sana sa susunod ay may magandang balita na kayo sa akin para hindi naman nasasayang ang ibinabayad ko sa inyo," inis pa rin na sabi ni Dave. Tumango tango naman ang lalake."Sige po mauna na po ako. Pasensya na po ulet sir," sabi ng lalake. Tumango lamang s
CHAPTER 521Titig na titiig naman si Amara kay Dylan at nagtataka nga siya sa sinasabi nito. Ang alam nya kasi ngayon ay ikakasal na ito sa iba kaya bakit nga ito mag aalala pa sa kanya ng ganito."Bakit? Para saan pa?" tanong ni Amara kay Dylan. "Ang mabuti pa ay pabayaan mo na lamang ako Dylan. Wag mo na akong alalahanin dahil lilipas din naman ito at makakalimutan din naman kita. Sadyang nagpapalipas lamang ako ng nararamdaman kong ito at darating ang araw na makakalimutan ko na rin ang nararamdaman ko para sa'yo dahil siguro nga ay hindi talaga tayo para sa isa't isa," dagdag pa ni Amara kasabay ng pagpatak ng kanyang luha dahil sa sobra talaga syang nasasaktan sa mga nangyayare sa kanila ni Dylan. Agad din naman ng pinunansan ni Mara ang kanyang luha dahil ayaw nyang makita ni Dylan na umiiyak sya ng dahil dito."Hindi ko maaatim na pabayaan ka na lamang ng ganyan Amara," sagot ni Dylan at saka sya naupo sa kama ni Amara para magpantay sila ng dalaga at saka nga nya hinawakan ang
CHAPTER 520Pagkabukas nga ni Bianca ng pintuan ng silid ni Amara ay medyo madilim nga roon dahil dim light lamang ang nakabuhay na ilaw nito at sarado pa nga ang nga bintana nito kahit na mataas na ang araw pero agad din naman nilang nakita na nakahiga nga si Amara sa kama nito at nakakumot pa."Mom mamaya na lamang po ako kakain," mahinang sabi ni Amara ng marinig nga nya na nagbukas ang pinto ng kanyang silid. Wala naman kasing ibang pumapasok roon ng basta basta na lamang kundi ang kanyang ina at si Amanda lamang pero sa mga oras nga na ito ay alam nyang wala ang kanyang kapatid kaya alam nyang ang kanyang ina ang nagbukas noon. Alam nya rin na hindi naman puounta ng ganoong oras ang kanyang ama dahil alam nya na nasa opisina nga ito.Magsasalita na nga sana si Bianca ng bigla nga syang pigilan ni Dylan at sinenyasan sya nito na wag sasagot kaya hindi nga sya nagsalita at tumango na nga lamang sya kay Dylan. Nagpasya na rin si Bianca na lumabas na muna at hayaan na lamang muna nya
CHAPTER 519"Nasa kanilang mansyon lamang si Amara sabi ng tita Bianca mo at ilang araw na daw itong nagmumukmok doon simula ng malaman nga nito na ipagkakasundo ka namin sa ibang babae. Mukhang nasaktan natin ang damdamin ni Amara anak," malungkot pa na sagot ni Aira kay Dylan."Mom gusto ko po syang puntahan. Kailangan ko po syang makausap para malaman nya ang totoo. Kailangan nyang malaman na hindi nyo po ako ipinagkasundo at hindi ako ikakasal sa ibang babae," sabi ni Dylan sa kanyang ina at hindi na nga nya napansin pa ang pagpatak ng kanyang luha at luha ito sa sobrang saya dahil sa mga nalaman nya."Gusto ko pong sabibin kay Amara ngayon kung gaano ko po sya kamahal mom," dagdag pa ni Dylan.Agad naman na napangiti si Aira dahil sa sinabi ni Dylan at pinunasan pa nga nya ang luha ni Dylan na lumandas sa pisngi nito gamit ang kanyang kamay."Alam ko naman kung gaano mo kamahal si Amara anak kaya hinding hindi kita pipigilan na kausapin sya ngayon," nakangiti pa na sbai ni Aira a
CHAPTER 518Pagkarating ni Aira sa kanilang mansyon ay agad na nga nyang hinanap muna ang kanyang asawa na si Dave upang sabihn dito ang mga napag usapan nila ni Bianca at kahit ito nga ay nagulat din sa mga sinabi ni Aira.Matapos nilang mag usap na mag asawa ay agad naman ng pinuntahan ni Aira ang kanyang anak na si Dylan sa silid nito dahil hindi pa nga ito pumapasok sa opisina pero nagulat na lamang sya ng pagpasok nya sa silid nito ay nakasuot na nga ito ng pang opisina nitong damit at mukhang paalis na nga ito."Anak saan ka pupunta? Papasok ka ba sa opisina ngayon kahit tanghali na?" kunot noo pa na tanong ni Aira kay Dylan.Lumapit naman si Dylan sa kanyang ina at saka sya humalik sa pisngi nito at bago nga sya magsalita ay bumuntong hininga pa nga muna ito."Yes mom. Kailangan ko po kasing pumunta sa opisina ngayon dahil may mga kailangan po akong pirmahan na mga dokumento," sagot ni Dylan at halata mo nga sa kilos nito na para bang ayaw pa nitong pumasok sa opisina.Bumunyo
CHAPTER 517"Kung ganon ay talagang ipinagkasundo nyo na nga talaga si Dylan sa ibang babae?" tanong pa ni Bianca at labis nga syang nalulungkot sa isipin na iyon at nalulungkot nga sya para sa kanyang anak na si Amara.Dahan dahan naman na tumango si Aira kay Bianca habang may mapait na ngiti sa kanyang labi."Oo Bianca. Hindi ko kasi kaya na makita na nagkakaganoon si Dylan. Kaya kahit na ayaw ko sana sa mga arrange marriage na yan ay napilitan na lang din ako kung yun ang makabubuti para sa anak ko," sagot ni Aira.Napabuntong hininga naman si Bianca dahil sa sinabi ni Aira at saka sya dahan dahan na tumango dahil naiintindihan naman nya kung bakita nga ito nagawa ng kanyang kaibigan."Kung gayon ay ikakasal na pala talaga si Dylan," malungkot na sabi ni Bianca."Hindi pa Bianca. Hindi pa naman talaga sigurado iyon. Dahil nung nanggaling si Amara sa amin ay parang bigla akong nagdalawang isip kaya ang sabi ko sa mga Asuncion ay mas maganda na magkakilanlan na nga muna ang dalawa. k
CHAPTER 516"Nagpaubaya na lamang kasi si Zeus. Sya na rin ang kusang lumapit sa amin noon at kinausap nga nya si Amara tungkol sa kanilang relasyon. At doon nga ay maayos na nilang tinapos na dalawa ang kanilang relasyon. Ramdam ko na mahal na mahal ni Zeus ang anak ko pero sabi nga nya ay gusto nyang maging masaya si Amara kaya magpapaubaya na lamang sya dahil alam nya na hindi na nga siya ang mahal ng anak ko. Nakakahanga ang ginawa na iyon ni Zeus at bihira sa lalaki ang ganoon katapang na papakawalan ang taong mahal nya para lamang lumigaya ito," pagkukwento pa ni Bianca."A-anong ibig mong sabihin Bianca?" nauutal pa na tanong ni Aira sa kanyang kaibigan at tila ba hindi sya makapaniwala sa mga sinabi ng kanyang kaibigan."Hiwalay na sila Zeus at Amara. Gusto ni Zeus na maging masaya si Amara kaya pinalaya na nya ang anak ko," sagot ni Bianca. "Matapos ng araw na iyon ay masayang masaya nga ang anak ko at excited na excited na nga syang makaharap muli si Dylan dahil alam nga nya
CHAPTER 515Hindi naman kaagad nakasagot si Bianca dahil pinag iisipan nga nya kung tama ba na sabihin nya kay Aira ang tungkol sa pinagdaraanan ng kanyang anak na si Amara."Bianca sabihin mo na sa akin iyan dahil alam ko na may problema kayo. Parang anak na rin ang turing ko kay Amara at alam mo yan. Kaya naman sabihin mo na kung ano yan dahil hindi talaga ako mapapakali neto," sabi pa ni Aira ng hindi pa rin nagsasalita ang kanyang kaibigan."H-hindi na kasi matutuloy ap ang kasal nila Amara at Zeus," sabi ni Bianca.Napakunot naman kaagad ang noo ni Aira at nagtataka sya sa sinasabi ng kanyang kaibigan ngayon."Hindi matutuloy? Bakit? Anong nangyare? Akala ko ay abala sya sa pag aasikaso sa kanyang kasal kaya hindi sya napunta ulit sa akin," sunod sunod pa na tanong ni Aira kay Bianca.Bumuntong hininga naman si Bianca at saka nga nya sinimulan ng magkwento sa kangang kaibigan."Oo hindi na matutuloy pa ang kasal nila Amara at Zeus. Nagdadalawang isip kasi talaga si Amara sa pagpa
CHAPTER 514Habang abalang abala naman si Bianca sa kanyang mga halaman ay lumapit nga sa kanya ang kanilang kasambahay kaya naman napatingin nga sya rito."Ma'm Bianca may bisita po kayo," sabi ng kasamabhay kay Bianca."Sinong bisita ko?" kunot noo na tanong ni Amara sa kanilang kasambahay dahil wala naman siyang inaasahang bisita na darating ngayong araw."Si ma'm Aira po," sagot ng kanilang kasambahay.Nagulat naman si Bianca sa sinabi ng kanilang kasambahay dahil hindi nya inaasahan ang pagdating ng kanyang kaibigang si Aira ngayon. Matagal tagal na rin kasing hindi nya nga ito nakakausap man lang."Sige papasukin mo na lamang sya at ihatid mo rito sa garden," nakangiti naman na sagot ni Bianca.Tanging pagtango lamang naman ang naging tugon ng kanilang kasambahay. At ng tuluyan na nga na umalis ito ay isa isa na nga na tinanggal ni Bianca ang kanyang suot na gloves at itinabi na rin muna nya ang gunting na ginagamit nga niya kanina."Kumusta ka naman? Bakit hindi ka na man lang
CHAPTER 513Ilang araw na rin ang nakalilipas simula ng malaman ni Amara ang tungkol kay Dylan na ipapakasal na nga ito sa ibang babae.Sa nakalipas na mga araw na iyon ay wala namang ibang ginawa si Amara kundi ang magmukmok sa kanyang silis.Ilang beses na syang inaya ng kanyang kapatid na mamasyal pero lagi nga itong tinatanggihan ni Amara at ang lagi nga nitong sagot ay wala pa syang gana na lumabas ng kanilang bahay.Kagaya nga ngayon ay pinuntahan nga ni Amanda ang ate Aira nya upang ayain na pumunta sa mall."Ate Amara ilang araw ka ng nagmumukmok dito. Lumabas ka naman kahit ngayon lang. Ni hindi ka na nga ata nasisikatan man lang ng araw," pangungulit ni Amanda sa ate Amara nya. "Hindi ako sanay na ganyan ka ate. Kaya sige na sumama ka na sa akin na mamasyal kahit ngayon lang ate. Please," dagdag pa ni Amara.Ilang araw na rin talaga kasing hinahatiran lamang ng pagkain si Amara sa kanyang silid dahil hindi talaga ito lumalabas doon. Palagi lamang nga itong nakahiga at umiiya