CHAPTER 99Lumipas pa ang mga araw at halos dalawang linggo na rin ang nakakaraan ng magsimulang magtrabaho si Aira sa isang call center. Naging maayos naman ang mga nakalipas na araw sa kanya. Nasasanay na rin sya sa klima sa Baguio dahil malamig nga roon. "Aira ayos ka lang ba?" tanong ni Allysa kay Aira ng mapansin nya na namumutla eto habang nakapikit ng mariin. Si Allysa ay katrabaho ni Aira sa call center sabay lamang silang nahire neto kaya naging ka close na nya eto.Hindi naman kaagad nakasagot si Aira kaya linapitan na sya ni Allysa."Girl ano ba ang nangyayare sayo?" tanong pa ni Allysa kay Aira at sinalat pa nya ang noo neto dahil baka may lagnat eto pero hindi naman eto mainit."N-Nahihilo lang ako Allysa. Siguro kulang lang ako sa tulog kaya nahihilo ako," sagot ni Aira. "Napapadalas na ata ang pagkahilo mo Aira. Magpacheck up ka na kaya," sabi ni Allysa."Hindi na. Baka kulang lang talaga ako sa tulog kaya ako nagkakaganito," sagot ni Aira. Napapadalas na kasi ang p
CHAPTER 100Sa nakalopas na mga araw ay itinuon na lamang muna ni Dave ang kanyang atensyon sa kanyang trabaho habang naghihintay sya na bumalik si Aira. Nasa opisina nya ngayon si Dave at abalang abala sya sa tambak na trabaho nya ngayon ng biglang may kumatok sa opisina ni Dave."Come in," sigaw ni Dave agad naman na bumukas ang pinto ng kanyang opisina pero hindi man lang iyon linilingon ni Dave."Sobrang busy mo ata ngayon ah," agad na sabi ng dumating sa opisina ni Dave na walang iba kundi si Gino ang kanyang matalik na kaibigan."May kailngan ka?" tanong ni Dave at hindi man lang nya linilingon ang kaibigan dahil abala sya sa ginagawa nya."Wala naman. Kukumustahin lang kita. Matagal tagal na rin na hindi tayo nakakainom e. Pwede ka ba mamaya?" Sagot ni Gino. Napaangat naman ng tingin nya si Dave."Sige. Pupuntahan na lamang kita sa inyo. Doon na lamang ako dideretso mamaya," sagot ni Dave saka nya ibinalik ang tingin nya sa ginagawa nya."Sige maghahanda na lamang ako ng mga in
CHAPTER 101"Hey. Dahan dahan bro. Hindi ka mauubusan ng alak," saway ni Gino sa kaibigan ng makita nya na sunod sunod ang pag inom neto. Hindi naman sya pinansin ni Dave. Kaya napapailing na lamang si Gino sa kaibigan."Nga pala nakita ko si Bianca yung best friend ni Aira. Natanong ko sa kanya kung alam ba nya kung nasaan si Aira," pagkukwento ni Gino rito. Ang totoo nyan ay madalas nyang ayain si Bianca na lumabas simula ng ipakilala eto sa kanya nila Dave at Aira pero hindi nya eto sinasabi sa kaibigan."O anong sabi nya? Alam ba nya kung nasaan si Aira?" tanong ni Dave."Hindi rin daw nya alam e. Kelan nga lang daw nya nalaman ang nangyare sa inyo. Kahit sya ay nagulat din. At hindi sya naniniwala na kayang gawin ni Aira ang bagay na yon. Sinubukan na rin nyang tawagan si Aira pero cannot be reach na ang number neto," sagot ni Gino."Tsk. Nagawa na nga nya e. Kitang kita mismo ng mga mata ko yun. Kung hindi alam ni Bianca kung nasaan si Aira ay baka nga sumama na iyon sa lalake n
CHAPTER 102Pagkarating ni Trina sa bar ni Paulo ay agad na syang dumiretso sa opisina neto."Kagagaling ko pa lamang dito kahapon diba?" inis na sabi ni Trina kay Paulo pagkapasok nya sa opisina ng binata."Oo nga. Pero gusto ulet kita makasama ngayon e. Hindi ka naman siguro busy diba," sagot ni Paulo saka sya lumapit kay Trina."May pupuntahan kasi ako. Pwede ba na bukas na lang kita balikan?" sagot ni Trina."Nandito ka na aalis ka pa. Sino ba kasi ang pupuntahan mo? Si Dave na naman ba? Na hindi ka naman yata pinapansin," sagot ni Paulo."Tsk. Mahal ko si Dave at alam kong babalik din sya sa akin," inis na sagot ni Trina at inirapan pa nya si Paulo."Tsk. Talaga lang ha? E hindi ka nga nya pinapansin man lang. Mag iisang buwan ng umalis ang kapatid mo pero hindi ka naman pinapansin ng lalake na yun. Bakit ba kasi hindi na lang ako?" sagot ni Paulo."Pinapansin nya ako," inis na sabi ni Trina. "Sige na babalikan na lamang kita bukas," pagpapaalam pa ni Trina. Lalabas na sana sya
CHAPTER 103"Sigurado ka ba na kaya mo ng pumasok sa trabaho hija?" tanong ni aling Wanda kay Aira ng makita nya eto dahil parang matamlay eto ng lumabas ng bahay."Opo kaya ko naman po," sagot ni Aira. "Magpatingin ka na kaya muna sa doktor hija. Natatakot ako baka kung napapaano ka na," sabi pa ni aling Wanda dahil nag aalala na sya kay Aira. Kahit naman kasi nangungupahan lamang eto sa kanya ay naging malapit na rin sa kanya si Aira lalo na sa kanyang anak."Sa susunod na lamang po-- uhmp," hindi natuloy ni Aira ang sasabhin nya ng bigla syang nakaramdam na parang babaliktad ang sikmura nya kaya dali dali syang bumalik sa loob ng bahay nya habang nakatakip ang kanyang kamay sa kanyang bibig.Agad naman na sinundan ni aling Wanda si Aira sa loob ng bahay neto at nakita nya na nagsusuka na eto."Ano ba ang nangyayare sayo hija. Baka may nakain ka o ano?" nag aalalang sabi ni aling Wanda kay Aira habang hinahagod ang likod ni Aira na patuloy na nagsusuka. Hindi naman nakasagot si Air
CHAPTER 104Agad na rin na nagpunta sila Aira sa OB-gyne upang makumpirma nga kung talaga nga ba na buntis siya.Pagkapasok ni Aira sa loob ng room kung nasaan ang OB ay agad sya netong sinuri at pina TransV ultrasound din sya para makasiguro nga na buntis talaga sya. Naghintay pa ulet sila ng ilang minuto bago sya muling tinawag upang pumasok sa loob ng silid ng OB nya."Ms. Aira Savedra?" tanong ng doktor.Tumango lamang naman si Aira saka sya naupo sa harapan ng doktor "Base on your ultrasound your eight weeks pregnant," pagbabalita ng doktor. Hindi naman na naiwasan ni Aira na tumulo ang kanyang luha dahil sa saya dahil magkakaroon na pala sila ng anak ni Dave. Pero agad na pinunasan ni Aira ang kanyang mga luha ng maalala nya ang naging sitwasyon nila ng dati nyang asawa."S-sigurado po ba kayo na buntis ako?" muling tanong ni Aira."Yes ms. Aira. Eto na ang patunay na buntis ka nga," sagot ng doktor saka nya ipinakita ang ultrasound ni Aira. Agad naman na tiningnan iyon ni Aira
CHAPTER 105"Sigurado ka na ba dyan?" tanong ni Gino kay Dave. Balak na kasi ni Dave na ipaasikaso na ang annulment papers nila ni Aira sa kanyang abogado."Oo sigurado na ako. Siguro naman ay sapat na ang panahon ng paghihintay ko kay Aira at hindi sya bumalik sa mga panahon na yon," malungkot na sagot ni Dave sa kanyang kaibigan. Kahit na mabigat sa loob nya ay kailangan na nyang ifile eto dahil baka hindi na talaga bumalik pa si Aira. Ipinagpatuloy na rin naman nya ang paghahanap kay Aira pero wala pa ring magandang balita sa kanya ang mga binayaran nya upang maghanap kay Aira. Gusto nya rin kasi na makasiguro na nasa maayos na lagay si Aira ngayon."Mukhang hindi ka na talaga magpapapigil. Good luck sayo bro. Sana ay tama ang gagawin mong desisyon na yan," sabi ni Gino kay Dave at tinapik pa nya eto sa balikat. Napabuntong hininga na lamang si Dave.Pinapunta na rin naman ni Dave ng araw na iyon ang kanyang abogado sa kanyang bahay para pag usapan ang tungkol sa pag file ng annul
CHAPTER 106"Sa tingin ko mahal na mahal ka pa rin ni Trina bro. Kung sakali bro na makipagbalikan nga sayo si Trina. Papayag ka ba?" tanong pa ni Gino."Hindi ko alam. Masyado pang sariwa ang mga nangyare sa amin ni Aira. Siguro mas mabuting ituon ko na lamang muna ang atensyon ko sa negosyo namin," sagot ni Dave."Magandang desisyon yan bro. Pero good luck na lang sa'yo kung paano mo iiwasan si Trina dahil tingnan mo naman kahit na narito ako ay walang sabi sabi na hinalikan ka nya," iiling iling pa na turan ni Gino sa kaibigan."Tsk. Kahit ako nagulat din sa ginawa ni Trina," sagot ni Dave."Good luck talaga bro kung paano mo maiiwasan ang babae na yun," sabi pa ni Gino.**********Mabilis naman na lumipas ang mga araw at mga linggo. Tuluyan na nga na nawalan ng bisa ang kasal nila Dave at Aira. Hindi malaman ni Dave kung dapat ba syang maging masaya roon o hindi dahil hinahanap hanap pa rin nya ang presensya ni Aira. Alam naman nya sa sarili nya na may mali sya ng mga panahon na
CHAPTER 408Kinabukasan naman ay maaga ngang nagising si Joey at nagpaluto nga sya ng masarap na agahan sa kanilang mga kasambahay para sa kanila ni Jenny.Nagulat naman si Jenny na pagkababa nya ng kanilang hagdan ay natanaw na nga nya ang kanyang ama na nasa kanilang dining table at mukhang hinihintay nga sya nito dahil hindi pa nagagalaw ang mga pagkain doon. Kaya naman agad na nyang linapitan ito."Good morning dad," bati kaagad ni Jenny sa kanyang ama saka sya humalik sa pisngi nito. "Wala po ba kayong pasok sa opisina ngayon dad?" tanong pa ni Jenny sa kanyang ama."Meron pero pwede naman akong magpalate dahil kumpanya naman natin iyon kaya hawak ko naman ang oras ko," sagot ni Joey kay Jenny. "At isa pa ay gusto kitang makasabay kumain ng agahan dahil matagal tagal na rin yung huling kain natin na magkasabay. Kaya maupo ka na para makakain na tayo," dagdag pa ni Joey at saka nya ipinaghila ng upuan si Jenny."Salamat dad," sabi namna ni Jenny matapos syang maupo.Napangiti nama
CHAPTER 407"Don't worry dad. Hindi naman na po ako magagalit at naiintindihan ko na po kayo kaya okay lang po na bumawi kayo sa kanila. At ang tungkol naman po sa amin ni Shiela ay hindi ko naman po maipapangako na agad agad kaming magkakapalagayan ng loob dahil alam nyo naman po kung ano ang sitwasyon naming dalawa ngayon pero pipilitin ko po na makapag move on na para na lamang po sa ikatatahimik ng lahat," sagot naman ni Jenny sa kanyang ama.Nagulat naman si Joey sa sinabi ni Jenny at napangiti na nga lamang sya dahil doon dahil ang buong akala nya ay mahaba habang paliwanagan na naman ang mangyayare sa kanilang mag ama ngayon."T-totoo ba yang sinasabi mo anak? S-seryoso ka ba na ayos na sa'yo na bumawi ako sa mga kapatid mo?" hindi pa rin makapaniwala na tanong ni Joey kay Jenny.Napangiti naman si Jenny sa kanyang ama dahil kita nya ang gulat na gulat na reaksyon nito dahil sa kanyang sinabi."Yes dad. Seryoso po ako sa sinabi ko," nakangiti pa na sagot ni Jenny sa kanyang ama
CHAPTER 406Napangiti naman si manang Lina dahil sa sinabi ni Joey. Masaya sya dahil kahit papaano ay ngumingiti na ulit si Joey nito kasing mga nakalipas na mga araw ay palagi itong balisa at halata mo na sa mukha nito ang stress. Alam nya naman kasi ang pinagdaraanan nito ngayon dahil nga naikwento na nito sa kanya ang mga nangyari noon kaya naiintindihan nya rin naman talaga ang mga anak ni Joey kay Nelia dahil napabayaan nya nga talaga ang mga ito."Masaya ako at nakausap mo na pala ang isa sa mga anak mo. Sana nga ay magkaayos ayos na kayo para naman maging masaya na kayo muli," sagot ni Manang Lina kay Joey dahil kita nga nya na napapabayaan na rin ni Joey ang kanyang sarili dahil sa kaiisip nito sa mga problema nito sa kanyang mga anak."Salamat po manang," nakangiti pa na sagot ni Joey sa matanda."Subukan mo ring kausapin ngayon si Jenny at baka ngayon ay magkaintindihan na nga kayong dalawa. Basta habaan mo na lamang ang pasensya sa anak mo na yan dahil alam mo naman ang uga
CHAPTER 405Napabuntong hininga na lamang sila Ashley at Sherwin dahil sa sinabi ng kanilang nakababatang kapatid. Alam nila na hindi na nito masyado nakasama pa ang kanilang ama noon dahil napakaliit pa nito ng iwan sila ng kanilang ama noon."Sorry April. Pasensya ka na kung hindi ka man lang namin naisip. Alam naman namin na sabik ka na kay tatay. Pasensya ka na kung pinangunahan kami ng nararamdaman dahil totoo naman na nakakasama ng loob ang ginawa ni tatay dahil pinaasa nga nya si nanay," sagot ni Ashley kay April saka nya ito linapitan at agad na yinakap.Agad naman na gumanti ng yakap si April sa kanyang ate Ashley at hindi na nga nya napigilan pa na mapaiyak. Hindi na nga rin napigilan ni Sherwin ang kanyamg sarili at agad na nga rin syang napalapit kay April at saka nya ito yinakap din."Sorry April. Hayaan mo at pipilitin namin ang aming mga sarili na tanggapin at patawarin muli si tatay. Dahil tama ka wala na nga si nanay dapat ay hindi na rin tayo pumayag na pati si tatay
CHAPTER 404"Ate ano pong pag uusapan natin? May problema po ba?" agad ng tanong ni Ashley sa kanyang ate Shiela.Napabuntong hininga naman na muna si Shiela saka sya naupo na rin sa tabi ng kanyang mga kapatid."Gusto ko kasi kayong makausap tungkol kay tatay," sagot ni Shiela sa mga kapatid nya at kita pa nya na natigilan bigla ang kanyang mga kapatid lalo na si Sherwin ng marinig nito ang salitang tatay."Bakit ate? Kinausap ka ba nya kanina para kumbinsihin na sumama tayo sa kanya? Ate naman alam mo naman ang ginawa nya noon diba? Pinabayaan nya tayo noon kaya nangyare kay nanay yun," naiinis ng sagot ni Ashley sa ate Shiela nya."Hindi nya ako kinausap para sa bagay na yun. Makining na muna kayo sa akin," sagot ni Shiela."E ano ate? Anong sinabi nya sa'yo?" sabat naman na ni Sherwin.Napabuntong hininga naman si Shiela dahil inaasahan naman na nya kanina pa na ganito ang magiging reaksyon ng mga kapatid nya kapag kinausap nya ang nga ito ng tungkol sa kanilang ama."Please makin
CHAPTER 403"Okay fine," sagot naman ni Rayver sa dalaga at saka nya muling hinigpitan ang pagkakahawak nya sa bewang nito. "Last kiss. Please," pakiusap pa ni Rayver sa dalaga kaya naman natawa na lamang si Shiela at mabilis nya na ngang dinampian ng magaan na halik sa labi ang binata."Okay na. Sige na. Bitawan mo na ako," sabi pa ni Shiela habang hawak nya ang kamay ng binata na nakahawak sa kanyang bewang."Yun na yun? Hindi pwede yun," nakanguso pa na sabi ni Rayver sa dalaga. Akmang magsasalita pa sana si Shiela ng bigla na ngang sakupin muli ni Rayver ang kanyang labi at ang magaan na halik ni Rayver sa dalaga ay unti unti na ngang nagiging mapusok at mapaghanap at napapangiti na lamang din ang binata ng maramdaman nya na tinutugon na ng dalaga ang kanyang paghalik dito.Napakapit pa nga si Shiela sa batok ng binata at napapapikit na lamang ang kanyang mata habang tinutugon nya ang paghalik ng kanyang nobyo sa kanya at pakiramdam nya ay ang sarap sarap halikan ng labi ng binat
CHAPTER 402"Shiela anak sana ay ikaw na rin ang bahalang umintindi muna sa kapatid mong si Jenny. Alam ko na hindi ko dapat ito sinasabi sa'yo pero ayaw ko naman na dumating ang panahon na hindi na talaga kayo magkaayos o magpansinan man lang. Wala naman akong pinapaboran sa inyo pero gusto ko rin sana na magkaayos man lang kayo. Alam ko na unfair na talaga ako sa inyo pero kasi hindi ko alam kung paano ko ba sisimulan na bumawi sa inyong magkakapatid kung ayaw nyo naman akong makita o makausap man lang sinabayan pa ni Jenny na hindi matanggap na mayroon pa akong ibang anak. Kaya sana hinihiling ko rin anak na ikaw na ang bahalang magpasensya sa kanya. Pero wag kang mag alala anak dahil hindi ko naman hahayaan na masira kayo ni Rayver ng dahil lamang kay Jenny. Alam ko kung gaano kabait ang pamilya ni Rayver kaya nga panatag ako na narito kayo ng mfa kapatid mo kaya masaya ako na nasa tamang tao ka anak," mahabang sentimyento ni Joey kay Shiela dah totoong sumasakit na nga ang ulo ny
CHAPTER 401"Kung ako lamang naman po tay ay handa naman po akong magpatawad sa inyo kaagad pero iniisip ko rin po ang mga kapatid ko. May mga isip na rin po sila at alam ko po na sobra rin po silang nasaktan sa mga nangyare kaya sana po tay bigyan nyo na lamang po muna sila ng panahon pa. Alam ko naman po na hindi rin nila kayo matitiis sadyang sariwa pa lamang po sa kanila ang nangyare kay nanay," sagot ni Shiela sa kanyang ama.Dahan dahan naman naman na tumango si Joey at saka sya nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga."Naiintindihan ko anak. Alam ko naman na nasaktan talaga kayo sa mga ginawa ko. At umaasa ako na sana ay mapatawad nyo na ako dahil gustong gusto ko ng makabawi sa inyo anak. Gusto ko ng makabawi sa ilang taon na hindi ko kayo nakasama," sagot ni Joey. "Kung maibabalik ko nga lang sana ang panahon sana ay binalikan ko kaagad kayo noon pero wala na nanguare na ang nangyare at ilang taon nga akong wala man lang paramdam sa inyo. Gustuhin ko man na balikan ka
CHAPTER 400Sa mansyon naman nila Aira at Dave ay naabutan naman nila Shiela at Rayver na nagkakasayahan ang mga ito."Anong meron?" tanong ni Rayver sa mga naroon sa mansyon dahil nadatnan nga nila na parang may party doon."Ang tagal nyo kasi kuya kaya inumpisahan na namin ang gender reveal ni baby," si Reign na nga ang sumagot sa tanong ni Rayver habang hawak nito ang medyo may kalakihan na nitong tyan.Agad naman na nagsilapit ang mga kapatid ni Shiela sa kanya. At agad pa nga na yumakap ang mga ito kay Shiela. Nagtataka naman si Shiela sa inaasal ng kanyang mga kapatid kaya naman hindi na nya naiwasang tanungin ang mga ito."Himala at may pagyakap kayo sa akin ngayon. Anong meron?" biro pa nga ni Shiela sa kanyang mga kapatid at napatingin pa nga sya kay Rayver.Bigla namang natahimik ang lahat ng mga naroon. Kaya pati si Rayver ay nagtaka na rin sa ikinikilos ng mga ito."A-ate andyan po si tatay," halos pabulong na sabi ni Ashley kay Shiela. Nagulat naman si Shiela sa sinabi n