Eli's POV"Ibig n'yong sabihin, ang kabit ni Juancho ay pamilyadang tao?" Umawang ang mga labi ni Gabby sa gulat. "What a jerk!""Mismo! Sobrang mahal niya siguro ang babaeng iyon para piliin niyang maging kabit!"Napatingin ako kay Andi sa narinig. Malungkot akong nagbaba ng mukha. Ako man ay hindi makapaniwala. Oo, maganda iyong Agnes, pero hindi ko inakala na kasal na ito at may anak na. Paano nagawa ni Juancho na pumatol sa babaeng pamilyado na? Ganoon ba niya kagusto ang babaeng iyon?Nakita kong siniko ni Gabby si Andi at tumingin sa akin. Natigilan silang dalawa nang makita ang mukha ko."My God, you're crying again? Diyos ko, ha? Hindi ka ba napapagod?" Naiiling si Andi. "Naku, mabuti pa, magyoyosi na muna ako sa labas! Na-i-stress ako sa lovelife mo."Nang maiwan kaming dalawa ni Gabby ay lumipat ito ng upo sa tabi ko. "Eli."Hinawakan niya ang aking kamay at marahan iyong pinisil."Hindi ko alam kung saan ako nagkulang, Gabby. Akala ko, naging mabuti akong asawa sa kaniya. B
Eli's POV"Rapist! Rapist!" malakas at paulit-ulit akong sumigaw habang yakap ang sarili ko sa labis na takot.Bigla naman nagising ang lalaki at pabalikwas na bumangon. "Where? Where?" Luminga ito sa paligid na parang hinahanap ang rapist na tinutukoy ko, hanggang sa mabaling ang paningin nito sa akin at nagtatakang tinitigan ako nang mapansin niyang sa kaniya ako nakatingin."Wait, wait a minute, are you referring to me?" His brows furrowed."May iba pa ba!""Me? A rapist?" Tumawa itong hindi makapaniwala.Kinuha ko ang kumot. Suot ko pa rin naman ang damit ko kagabi, but I don't feel safe. Kaya mabilis kong tinakpan ang sarili ko gamit ang kumot na iyon."Hey, miss, I'm not a rapist, huh!""Then you're a kidnapper!" Bumaling ako sa bintana at muling nagsisigaw, "Help! Help!""A kidna—what? What the fuck are you saying!""Bakit ako nandito! Saan mo ako dinala? Anong ginawa mo sa akin?!" Kulang na lang ay maglupasay ako sa pag-iyak. I didn't think of this to happen! Ang plano ko lan
Eli's POV"Saan ka ba nagpunta kagabi?"Ito ang bungad na tanong sa akin ni Gabby nang makapasok ako sa loob ng shop niya. Nakaupo siya sa harap ng coffee table at nagkakape. She looks exhausted. Halata ang hangover sa mukha.I just shrugged my shoulders because I didn't want to answer her question."Eli, nag-alala kami sa iyo. Muntik na kaming tumawag ng pulis. Saan ka nga nagpunta?"Nang maalala ko ang bastos na lalaking nagdala sa akin sa bahay niya, uminit na naman ang mukha ko."I don't wanna talk about it."Lumapit ako sa table niya at saka kumuha ng maiinom bago umupo.Puno ng pagdududa ang mga mata ni Gabby. To be honest, after I passed out, wala na akong alam sa nangyari. Ni hindi ko alam kung paano sila nakauwi ni Andi."Umamin ka nga, nakipag-one night stand ka ba kagabi?"Naibula ko ang tubig na iniinom ko at nanlalaki ang mga matang binalingan si Gabby. "Ano ba!""Naninigurado lang. Remember, you're still married. Kasalanan sa batas ng tao lalo na sa batas ng Diyos ang ma
Eli's POV"Eli, go!""Eli, no. Don't."Napatingin ako kina Andi at Gabby habang panay pagtatalo sila sa dapat kong gawin. Naikuwento ko na kasi sa mga ito ang buong pangyayari kaninang umaga, at ang napag-usapan namin ng manyak na lalaking iyon."Gabby, ano ba?! Hayaan mo na nga si Eli!" Umikot ang mga mata ni Andi. "Palibhasa ikaw, wala kang ka-sweet-sweet sa katawan. Puro ka kasi dasal.""Gusto mo ba talagang turuan magkasala itong kaibigan natin, Andi?""Hindi ko siya tinuturuang magkasala, tinuturuan ko siyang gumanti!""It's the same thing—parehong mali. My God! Why are you so bad influence?""Ay, puwede ba, Sister Gabriela? Bawas-bawasan n'yo po ang pagdadasal! Masyado ka nang mabait, baka kunin ka na ni Lord!"Gusto kong matawa sa sinabi ni Andi, pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil halatang imbyerna na si Gabby rito. Panay iling na nga lang ito na parang sinusukuan na ang kaibigan namin na masadlak sa lusak ng kasalanan."Wala nang martyr ngayon, Eli girl. Tayong mga babae,
Eli's POV"Angelica." Binuksan ni Juancho ang pinto ng kuwarto, pero nanatili siya sa bungad ng pintuan. Hindi na nag-abalang pumasok sa silid namin.Mariin akong lumunok nang marinig ang itinawag niya sa akin. Angelica. He never once called me by my name. Laging pet name ko ang tawag niya sa akin dahil cute raw. Kaya ngayon na nag-iba na, hindi ako sanay. At parang may kakaibang kirot iyon sa puso ko."Anong kailangan mo?" Nakatutok ang paningin ko sa laptop ko.Nanonood ako ng movie series kahit wala naman doon ang atensyon ko. Ayaw ko lang na ipakita sa kaniya na may pakialam pa rin ako at apektado sa presensya niya.Ito ang gusto niya, di ba? Ibibigay ko. Ibibigay ko ang lahat ng hinihingi niya."May sasabihin ako. Puwede bang lumabas ka muna?""You can tell me right here.""No, let's talk in my office."Huminga ako nang malalim. Nang marinig ko ang mga yabag niyang palayo, mariin akong pumikit. Gusto kong umiyak at magalit. "Get your act together, Eli."Gusto kong magwala. Minsan
Eli's POVKASALUKUYAN akong nasa isang kilalang clothing shop kasama si Thomas. Nakahikera ang mga babae sa kanan ko habang may hawak na damit na siyang pinagpipilian ni Thomas para sa isusuot ko sa party. Nakaupo siya sa mahabang sofa at nakadekuwatro na parang hari. Gaano ba kayaman ang lalaking ito at nagagawa niyang makuha ang gusto niya sa isang kumpas lang ng mga daliri? I mean, my parents are rich, yes, but this clothing shop is owned by a famous designer at tanging mga malalaking pangalan lang sa lipunan ang nagiging kliyente nito."This dress would look good on her," sabi ng may-ari ng store at ngumiti pa ito sa akin. Yes, siya personally ang nag-i-entertain kay Thomas.Inilingan ito ni Thomas. "No, too plain. I want her to stand out this evening."Napalunok ako sa narinig. Hindi naman ako introvert. In fact, I've been to a couple of party na puro mga sosyal at kilalang pangalan ang bisita, but I always make sure na hindi takaw-pansin ang ayos ko. Naiintindihan iyon ni Mommy
Eli's POVNAGMAMADALI ang bawat hakbang ko palapit sa exit ng hotel, subalit bago ko pa man ito marating, isang kamay ang pumigil sa braso ko at pilit akong pinaharap."Anong ginagawa mo rito?" Bunungad sa akin ang kunot-noong mukha ni Juancho. "Hindi ka naman pumupunta ng mga party kung hindi kasama si Tita Angela. Is she here with you?"Tiningnan ko siya nang masama. "Anong pakialam mo?""Eli.""Bitiwan mo ako!" Binawi ko ang braso ko at tinalikuran siya, pero muli niya akong pinigilan. Sa inis ay hinarap ko siya at sinampal nang malakas."Ang kapal talaga ng pagmumukha mo! Hindi ka na ba talaga makapaghintay na maghiwalay tayo bago mo ibalandra sa maraming tao iyang kabit mo!"Huminga siya nang malalim habang nakatingin sa akin na parang nagtitimpi. "She's part of the company. We came here for business."Mapait akong ngumiti. "Business? Business my ass! Fuck you, Juancho!"Muli ko siyang tinalikuran, pero nang marating ko ang exit ay pinigilan na naman ako ni Juancho sa kamay.Huma
Eli's POVSANDALI akong nag-isip. Sa totoo lang ay ayaw ko sa ideya na iyon. Hindi magandang manatili siya dito sa bahay lalo pa't hindi ko naman talaga siya lubusang nakikilala, pero nahihiya naman akong tumanggi pagkatapos ng lahat ng nangyari."Don't worry, I'm harmless." Nilapag niya ang baso sa ibabaw ng sink at nginitian ako na parang naiintindihan niya iniisip ko.Ngumiti na lang ako bago tumango."Hindi naman siguro magagalit ang husband mo kapag nakisilong ako?"Inilingan ko ito bago lumabas ng kitchen at nagtungo sa sala. "Umalis na siya.""Umalis?"Nagbuga ako ng hangin. Napakabigat ng dibdib ko nang maalala na nagsasama na sina Juancho at Agnes."He's staying with his mistress."Matagal akong pinagmasdan ni Thomas nang may simpatya sa mukha bago siya tumango. "So, separate na kayo?"Tumango ako."Did you file for an annulment?""Hindi pa," tipid kong sagot.His brows furrowed in confusion. "Why? You should've divorce him."Napansin kong may inis sa boses niya habang sinasa
Andi's POVDUMATING ako sa bahay na parang basang sisiw. Namumutla, umiiyak at tulala. Nadatnan ko sina Mommy at Daddy sa loob ng living room. Nag-uusap. Nang makita nila ako ay bigla silang natigilan."Andrea, what happened to you? Bakit ka umiiyak?"Agad na tumayo si Mommy at lumapit sa akin. Samantalang si Daddy, nanatiling nakaupo sa mahabang sofa. Nagbuga ito ng hangin mula sa ilong at saka bumaling sa malayo.Sa kanilang dalawa ni Mommy, si Daddy ang pinakatutol na magpakasal ako kay Sven. Ang iniisip niya, wala akong mararating sa buhay kapag sa mahirap ako napunta. Noong kasal namin, si Mommy lang ang dumalo. papaano, si Mommy lang ang nakakaintindi sa akin."Who did this to you? It's that man, right? He hurt you?"Umiling ako kay mommy bago yumakap nang mahigpit dito. Muling akong naluha nang maalala ang mga nangyari kanina."My poor baby. Sinabi ko na, e. Hindi ka magiging masaya sa lalaking iyon! I told you many times, many times! But you didn't listen!""I'm sorry, mommy.
BLURBNahuli ni Andi si Sven na may ibang babae, pero sa halip na isalba ang kanilang pagsasama, ipinagtabuyan siya nito. Makalipas ang ilang taon, muli silang nagkita. Ikakasal na si Sven... pero sa best friend niya.Nakahanda ba siyang ipaubaya ito sa kaniyang kaibigan o magpapadala siya sa pang-aakit ng dating asawa?Chapter 1Andi's POV"Ipalaglag mo."Natulala ako matapos marinig ang sinabi ni Sven. Matagal ko siyang tinitigan, hinihintay na sana ay sabihin niyang nagbibiro lamang siya."M-mahal, a-anong ibig mong sabihin?"Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa lumang sofa at lumapit sa akin. Walang ni isang emosyon ang makikita sa mukha niya."Ipalaglag mo iyan." Dinuro niya ang tiyan ko.Umawang ang mga labi ko sa narinig. Doon tuluyang umagos ang mga luha sa pisngi ko. Hinawakan ko ang tiyan ko at natutulalang hinimas ito. Tinalikuran niya ako at parang aligagang tumingin sa labas ng nakabukas na pinto."Akala ko, matutuwa ka. Sven, magkakaanak na tayo."Sinubukan kong ngumiti. Bi
Eli's POVPABALIKWAS akong bumangon. Napasinghap ako nang mapansin na nasa isang kuwarto ako. And the room seems familiar. Teka... kuwarto namin ito ni Juancho, ah? Sa dati naming bahay! What am I doing here? Paano ako napunta dito?Nagmamadali akong tumayo at lumapit sa pinto. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang malamang naka-lock iyon. Pinaghahampas ko ito."Juancho? Juancho!" I have a feeling na siya ang may kagagawan nito. "Juancho, open this door!"Malakas kong tinawag ang pangalan niya nang paulit-ulit. Pinaghahampas at pinagsusuntok ko ang pinto nang mahigit limang minuto bago iyon bumukas."What's the meaning of this? Anong ginagawa ko dito?"Mataman niya akong tinitigan. "Dinukot kita.""What?!""And I'm about to blackmail you."Nagsalubong ang mga kilay ko. "B-blackmail? Ano bang ibig mong sabihin!"Napansin kong tila kabado siya. "I-I... I was preparing our lunch. Gusto ko sana maging romantic ito, pero... maaga kang nagising."I raised an eyebrow. "So, is it m
Eli's POVI FOUND it hard to swallow after hearing what Juancho said. It felt like a huge lump was stuck in my throat. Sinubukan kong ngumiti bago nag-iwas ng paningin upang maitago ang emosyon sa mukha ko."You should marry again. Sayang naman ang lahi mo," pagbibiro ko habang pinanonood silang mag-ama.He softly laughed. "Isang babae lang ang gusto kong malahian."Saglit akong natigilan sa sinabi niya pero nagkunwari akong tumatawa. Ayaw kong mag-feeling dahil baka ibang babae ang tinutukoy niya. I stopped laughing when I noticed him looking at me so intently. Ilang segundo kaming nagkatitigan bago tumunog ang cellphone niya na nakakuha sa atensyon namin."It's my secretary," aniya nang ilabas ang phone niya mula sa bulsa ng kaniyang pantalon. "I just got here, my prince. But daddy had to leave."Ngumiti ako. "Go. Pupunta ka naman mamaya sa birthday party ni Hale, di ba?""Of course, I wouldn't miss it for the world."Mula sa akin ay binalingan niya ang anak namin na nasa mga bisig
Eli's POVI COULDN'T help but smile as I carefully arranged the dried fruit and nuts in the fruitcake. I love baking and decorating different types of cakes. I started baking cakes as a hobby a year ago, and I loved it so much that I decided to make it my business."Clara, take this outside and display it," nakangiti kong tawag sa kasama ko.Mula sa ibabaw ng workbench, kinuha ko ang cake at inabot iyon kay Clara. I only have two staffs members: my shop assistant and another staff member who helps me bake.Ilang buwan na rin mula nang itinayo at binuksan ko para sa lahat itong Hale's Pastry. I made sure that the cake shop has warm and inviting atmosphere with sweet smells. It is cozy and rustic, with exposed wooden walls and wooden beams.Sunod kong pinagtuunan ng pansin ay ang mga bluebrry cupcake na in-order kahapon at kukunin ngayong araw."Ma'am Agnes, tumawag po si Sir, nasa restaurant na raw po siya.""Ganoon ba? Okay, tell him we'll be there in half an hour."Natigilan ako nang
Eli's POVHUMIGPIT ang kapit ko sa mga kamay ni Mommy nang makitang lumabas mula sa emergency room ang doctor. May mantsa pa ito ng dugo sa kaniyang damit kaya lalo akong nanlambot. Pakiramdam ko ay babagsak ang mga tuhod ko. Kuya L had to support me as I still clung to Mom."Kumusta siya, doc? Kumusta ang anak ko?!""For goodness' sake, Grace! Calm down and let the doctor speak!""How can I calm down?! Tell me, how could I do that?! My only son is inside that room! He's fighting for his life!"Umiling si Tito Jacob bago bumaling sa doctor. "Doc, anong nangyari sa anak ko?""The surgery went well. We were able to remove the bullet from the patient's body, but he lost a lot of blood. Kailangan natin siyang masalinan ng dugo, kung hindi ay maaring mag-fail ang organs niya, which could be life-threatening.""Oh my God! Jacob! Our son!" Lalong lumakas ang iyak ni Tita Grace.Napaatras ako at kamuntikan nang bumagsak kung hindi dahil kay Kuya L. My vision began to get blury."Doc, gawin n'
Eli's POV"Eli."Nagmulat ako ng mga mata nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. I turned my gaze to the door and see Juancho. Nakangiti siya sa akin nang hindi abot sa mga mata."Pinapasok na ako ni Tita Angela. I begged her to let me see you, kahit ilang sandali lang."Marahan siyang lumapit sa kamang kinahihigaan ko. Sinubukan pa niyang kunin ang kamay ko pero iniwan ko iyon. Halatang nasaktan siya sa ginawa ko, pero pinili niyang ngumiti."How are you feeling? Sabi ng doctor, makakalabas ka na raw bukas."Hindi ako nagsalita at tinitigan lang ang mukha niya. Malaki ang ipinayat niya, halata iyon sa kaniyang mukha. Noon kasi, kahit busy ay hindi ito nawawalan ng oras mag-gym. Kahit maraming trabaho, nagagawa nitong makatulog at makakain sa tamang oras. But now, he has dark circles under his eyes. Mas humaba na rin kaysa sa dati ang balbas niya."Nagdala ako ng mga pagkain, pero ayaw tanggapin ni Tita Angela.""Inaalagaan mo ba ang sarili mo?" nagawa kong itanong sa paos na bos
Eli's POVHINDI ko mahulaan kung ano talaga ang nararamdaman ni Juancho sa mga sandaling iyon. His eyes were open wide. Magkahalong gulat, pangamba at saya ang nakikita ko sa mukha niya. Pero mabilis na napalitan ng matinding takot ang makikitang emosyon sa mga mata niya nang muling tumingin sa paligid namin."I won't let anything happen to you and our baby, okay?"Sunod-sunod akong tumango. He cupped my face and kissed me on the forehead.Muli niyang sinubukan itulak pabukas ang pinto sa gawi ko. Nanlalabo ang mga mata ko sa paglipas ng bawat segundo. I'm afraid I'll pass out here. No, I have to get out. I need to save our baby.Tumulong na ako sa pagtulak sa pinto habang malakas na inihahampas ni Juancho ang sarili niya roon. He shouted and started punching the glass window."Get them out! Get them out!"Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Kasunod roon ang malakas na ingay sa labas."Eli! Juancho!"Bumaling ako sa pinto nang makilala kung kanino ang boses na iyon. "T-Thomas... "
Eli's POVAGAD akong umiwas ng paningin sa sinabi ni Juancho. Lalong nanikip ang dibdib ko. Bakit kailangan umabot sa ganito? Bakit?Natigilan ako sa pag-iisip nang mapansin na paalis na kami ng Manila. Agad ko siyang binalingan. "Where are we going? Where are you taking me?"Ilan segundo siyang hindi nagsalita."Juancho, ano ba!""Away from here."Nagsalubong ang mga kilay ko. "Ano? H-hindi puwede. Ayoko."Hindi na siya muling nagsalita pa, ni hindi na niya ako binalingan. Tumingin ako sa daan. Bigla kong inagaw mula sa kaniya ang manibela."Turned this around, Juancho! Ayokong sumama sa iyo!""Eli! Bitiw! Mababangga tayo!""Ihinto mo ito!""Gusto lang kitang ilayo sa kaniya!"Natigilan ako sa sinabi niya. Ilang sandali kaming nagkatinginan bago niya muling itinuon ang paningin sa daan. Binalak niyang itabi ang sasakyan, pero natigilan ako nang hindi niya iyon gawin.Nagpatuloy siya sa pagmamaneho, pero napansin ko ang takot sa mga mata niya. Bigla siyang nawalan ng kulay sa mukha."