Satana's POVMABIGAT ang loob na bumuntonghininga ako habang nakatayo sa harap ng pinto ng bahay ni Nathan. Tinawagan niya ako kanina, nagde-demand na magkita kami. Hindi naman sinabi kung saan kaya dumiretso na ako dito sa bahay niya, pero mukhang walang tao.Kung aalis ako sa buhay ni Augustus, ayokong iwan siya ng problema. Kakausapin ko si Nathan para hindi niya ituloy ang binabalak niyang pagdedemanda.Naalala ko ang backdoor sa kitchen ng bahay niya. Sinubukan kong puntahan iyon at buksan, bumukas naman. Tahimik ang buong kabahayan nang makapasok ako. Mukhang wala talagang tao. Paalis na sana ako nang mahagip ng paningin ko ang pinto ng garage. Naisip kong silipin kung nandoon pa ang sasakyan nito o wala na.Pagbukas ko ng pinto, isang kotse ang bumungad sa akin. Pero hindi ito ang sasakyang madalas niyang gamitin. Tinitigan kong mabuti ang kotse. Why does this seem familiar to me?Lumapit ako sa trunk ng sasakyan at matagal itong pinagmasdan. Makalipas ang ilang sandali, bigla
Angela's POVMALAKAS ang kabog ng dibdib ko habang nakaupo sa harap ng mahabang table sa isang restaurant sa loob ng beach resort. Pag-aari ng kuya ni Augustus ang resort na ito kaya may privacy kaming makapag-usap na magpapamilya."I can't believe you did this," naiiling na sabi ng mama ni Augustus na si Tita Rosi kay mommy.Humingi ng tawad ang mga magulang ko. Matapos kong malaman ang lahat, hindi na ako nilubayan pa ni Augustus. Kahit saan ay nakabuntot siya sa akin. At nang sabihin niya ang totoo sa mga magulang niya, nag-demand na makipagkita ang mga ito."Paano n'yo nagawa ang bagay na ito? Pinagkatiwalaan namin kayo. Walang ibang ginawa ang asawa ko kundi tulungan kayo, but all this time, you've been fooling us?"Hinagod ni Tito Sixto ang likod ng kaniyang asawa upang pakalmahin ito. I can see the frustration on Tita Rosi's face. Magkahalong galit at paghihirap ng loob ang makikita sa mukha niya."We're sorry. Inaako namin ang lahat, kasalanan namin. Maiintindihan namin kung hi
BLURBKailangan pakasalan ni Juancho si Eli para maisalba ang naluluging kumpanya ng kanilang pamilya, subalit sa unang tingin ay nahulog agad ang loob niya sa dalaga.They got married, but he kept her away from the world. Akala ni Eli ay masaya sila at mahal siya ni Juancho, ngunit isang araw, nahuli niya ito sa isang hotel kasama ang ibang babae.Eli gave Juancho their divorce papers, but he refused to let Eli go. Simula noon, pareho na silang nagbago. Juancho became distant, giving all his time to work and his mistress, while Eli rebelled.Unti-unti nang nawawala ang Eli na minahal ni Juancho. At nang may makilala itong ibang lalaki, saka naman siya naghabol. Maibabalik pa kaya niya ang pagmamahal ng asawa?Chapter 1Eli's POV"Gusto kong bumuo ng masayang pamilya na kasama ka. Dalawang anak, at tatanda tayong magkasama."Ang mga salitang iyon ang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko habang pinananood ang aking asawa... sa kama... kasama ang ibang babae.Nangilid ang masaganang
Eli's POVNAKAUPO ako sa malawak na living area ng aming bahay. Nakahalukipkip ang aking mga kamay at panay tingin ako sa orasan na nakasabit sa pader. Pagkatapos kong mahuli si Juancho sa hotel kasama ang ibang babae, walang paalam siyang nagtungo sa ibang bansa para sa business trip niya.Mariin akong lumunok nang maalala ang hirap na pinagdaanan ko sa loob ng tatlong araw. Halos mamatay ako sa sakit nang madiskubre ang panloloko ng lalaking pinakasalan at minahal ko. Kung hindi pa sa tulong ng kaibigan ko, baka tuluyan na akong nabaliw.Hindi ko kayang sabihin sa mga magulang ko ang ginawa ni Juancho. Tama na ang pinagdadaanan nila, ayaw ko nang dumagdag sa kanilang mga isipin."Ma'am, nandiyan na po si Sir."Malakas na kumabog ang dibdib ko sa sinabi ng aming katulong. Binalingan ko siya at tinanguan. Nag-aalala itong nagpaalam para bumalik sa kusina.Ilang beses ko nang kinabisa ang bawat salitang sasabihin ko kay Juancho, pero ngayon na dumating na siya, para akong na-mental blo
Eli's POVNARINIG ko ang creek sound na tanda nang pagkabukas ng pinto sa kuwarto. Mula sa sahig, nag-angat ako ng paningin kay Juancho na nakatingin sa akin."Mas mahinahon ka na ba?"Ilang ulit akong lumunok. Nakaupo ako sa gilid ng kama, pagod na pagod at namamaga ang gilid ng mga mata mula sa pag-iyak."Ano pa bang gusto mo sa akin? Pumili ka na, di ba? May iba ka na. Palayain mo na ako," basag ang boses ko."Hindi tayo maghihiwalay.""Bakit!" hindi ko napigilan ang hindi magtaas ng boses dahil sa sobrang inis.Noon ko lang napansin ang basong hawak niya sa isang kamay. May laman iyong alak na sinimulan niyang inumin habang naglalakad papunta sa single sofa na malapit sa bintana. Doon siya naupo.Buong akala ko, kaya ayaw niyang makipaghiwalay sa akin dahil nagsisisi siya at gusto niyang bumawi, pero nagkamali ako. Maling-mali..."Kailangan namin ang family business n'yo."Gusto kong matawa sa narinig. "Just because of that? You want me to stay in this marriage and suffer for your
Eli's POV ILANG araw na rin ang lumilipas, pero hindi na umuwi si Juancho sa bahay. Wala itong business trip, kaya sigurado akong kasama niya ang kabit niya."Agnes." Mapait akong ngumiti.Sa babae niya siya umuuwi at siguradong higit pa sa iniisip ko ang mga ginagawa nila. Huminga ako nang malalim dahil pakiramdam ko, kinakapos ako ng hininga.Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, I looked pale. Walang kakulay-kulay ang mukha ko. Halata rin sa mga mata ko ang ilang gabing pagpupuyat at pag-iyak.Mula sa sarili kong repleksyon, bumaba ang paningin ko sa gunting na nakapatong sa table ng vanity mirror sa loob ng aming kuwarto. I started cutting my long hair. Mula sa lagpas siko, ginupit ko ito hanggang sa isang dangkal lamang ang taas nito mula sa aking balikat.Pagkatapos kong maggupit ng buhok, nanood ng ako ng make-up video sa internet at sinimulang kulayan ang aking mukha, pero hindi naman iyong tipong magmumukha akong clown."Oh, nandiyan ka pa rin sa harap ng salamin?" Biglang
Eli's POV"Ibig n'yong sabihin, ang kabit ni Juancho ay pamilyadang tao?" Umawang ang mga labi ni Gabby sa gulat. "What a jerk!""Mismo! Sobrang mahal niya siguro ang babaeng iyon para piliin niyang maging kabit!"Napatingin ako kay Andi sa narinig. Malungkot akong nagbaba ng mukha. Ako man ay hindi makapaniwala. Oo, maganda iyong Agnes, pero hindi ko inakala na kasal na ito at may anak na. Paano nagawa ni Juancho na pumatol sa babaeng pamilyado na? Ganoon ba niya kagusto ang babaeng iyon?Nakita kong siniko ni Gabby si Andi at tumingin sa akin. Natigilan silang dalawa nang makita ang mukha ko."My God, you're crying again? Diyos ko, ha? Hindi ka ba napapagod?" Naiiling si Andi. "Naku, mabuti pa, magyoyosi na muna ako sa labas! Na-i-stress ako sa lovelife mo."Nang maiwan kaming dalawa ni Gabby ay lumipat ito ng upo sa tabi ko. "Eli."Hinawakan niya ang aking kamay at marahan iyong pinisil."Hindi ko alam kung saan ako nagkulang, Gabby. Akala ko, naging mabuti akong asawa sa kaniya. B
Eli's POV"Rapist! Rapist!" malakas at paulit-ulit akong sumigaw habang yakap ang sarili ko sa labis na takot.Bigla naman nagising ang lalaki at pabalikwas na bumangon. "Where? Where?" Luminga ito sa paligid na parang hinahanap ang rapist na tinutukoy ko, hanggang sa mabaling ang paningin nito sa akin at nagtatakang tinitigan ako nang mapansin niyang sa kaniya ako nakatingin."Wait, wait a minute, are you referring to me?" His brows furrowed."May iba pa ba!""Me? A rapist?" Tumawa itong hindi makapaniwala.Kinuha ko ang kumot. Suot ko pa rin naman ang damit ko kagabi, but I don't feel safe. Kaya mabilis kong tinakpan ang sarili ko gamit ang kumot na iyon."Hey, miss, I'm not a rapist, huh!""Then you're a kidnapper!" Bumaling ako sa bintana at muling nagsisigaw, "Help! Help!""A kidna—what? What the fuck are you saying!""Bakit ako nandito! Saan mo ako dinala? Anong ginawa mo sa akin?!" Kulang na lang ay maglupasay ako sa pag-iyak. I didn't think of this to happen! Ang plano ko lan
BLURBNahuli ni Andi si Sven na may ibang babae, pero sa halip na isalba ang kanilang pagsasama, ipinagtabuyan siya nito. Makalipas ang ilang taon, muli silang nagkita. Ikakasal na si Sven... pero sa best friend niya.Nakahanda ba siyang ipaubaya ito sa kaniyang kaibigan o magpapadala siya sa pang-aakit ng dating asawa?Chapter 1Andi's POV"Ipalaglag mo."Natulala ako matapos marinig ang sinabi ni Sven. Matagal ko siyang tinitigan, hinihintay na sana ay sabihin niyang nagbibiro lamang siya."M-mahal, a-anong ibig mong sabihin?"Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa lumang sofa at lumapit sa akin. Walang ni isang emosyon ang makikita sa mukha niya."Ipalaglag mo iyan." Dinuro niya ang tiyan ko.Umawang ang mga labi ko sa narinig. Doon tuluyang umagos ang mga luha sa pisngi ko. Hinawakan ko ang tiyan ko at natutulalang hinimas ito. Tinalikuran niya ako at parang aligagang tumingin sa labas ng nakabukas na pinto."Akala ko, matutuwa ka. Sven, magkakaanak na tayo."Sinubukan kong ngumiti. Bi
Eli's POVPABALIKWAS akong bumangon. Napasinghap ako nang mapansin na nasa isang kuwarto ako. And the room seems familiar. Teka... kuwarto namin ito ni Juancho, ah? Sa dati naming bahay! What am I doing here? Paano ako napunta dito?Nagmamadali akong tumayo at lumapit sa pinto. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang malamang naka-lock iyon. Pinaghahampas ko ito."Juancho? Juancho!" I have a feeling na siya ang may kagagawan nito. "Juancho, open this door!"Malakas kong tinawag ang pangalan niya nang paulit-ulit. Pinaghahampas at pinagsusuntok ko ang pinto nang mahigit limang minuto bago iyon bumukas."What's the meaning of this? Anong ginagawa ko dito?"Mataman niya akong tinitigan. "Dinukot kita.""What?!""And I'm about to blackmail you."Nagsalubong ang mga kilay ko. "B-blackmail? Ano bang ibig mong sabihin!"Napansin kong tila kabado siya. "I-I... I was preparing our lunch. Gusto ko sana maging romantic ito, pero... maaga kang nagising."I raised an eyebrow. "So, is it m
Eli's POVI FOUND it hard to swallow after hearing what Juancho said. It felt like a huge lump was stuck in my throat. Sinubukan kong ngumiti bago nag-iwas ng paningin upang maitago ang emosyon sa mukha ko."You should marry again. Sayang naman ang lahi mo," pagbibiro ko habang pinanonood silang mag-ama.He softly laughed. "Isang babae lang ang gusto kong malahian."Saglit akong natigilan sa sinabi niya pero nagkunwari akong tumatawa. Ayaw kong mag-feeling dahil baka ibang babae ang tinutukoy niya. I stopped laughing when I noticed him looking at me so intently. Ilang segundo kaming nagkatitigan bago tumunog ang cellphone niya na nakakuha sa atensyon namin."It's my secretary," aniya nang ilabas ang phone niya mula sa bulsa ng kaniyang pantalon. "I just got here, my prince. But daddy had to leave."Ngumiti ako. "Go. Pupunta ka naman mamaya sa birthday party ni Hale, di ba?""Of course, I wouldn't miss it for the world."Mula sa akin ay binalingan niya ang anak namin na nasa mga bisig
Eli's POVI COULDN'T help but smile as I carefully arranged the dried fruit and nuts in the fruitcake. I love baking and decorating different types of cakes. I started baking cakes as a hobby a year ago, and I loved it so much that I decided to make it my business."Clara, take this outside and display it," nakangiti kong tawag sa kasama ko.Mula sa ibabaw ng workbench, kinuha ko ang cake at inabot iyon kay Clara. I only have two staffs members: my shop assistant and another staff member who helps me bake.Ilang buwan na rin mula nang itinayo at binuksan ko para sa lahat itong Hale's Pastry. I made sure that the cake shop has warm and inviting atmosphere with sweet smells. It is cozy and rustic, with exposed wooden walls and wooden beams.Sunod kong pinagtuunan ng pansin ay ang mga bluebrry cupcake na in-order kahapon at kukunin ngayong araw."Ma'am Agnes, tumawag po si Sir, nasa restaurant na raw po siya.""Ganoon ba? Okay, tell him we'll be there in half an hour."Natigilan ako nang
Eli's POVHUMIGPIT ang kapit ko sa mga kamay ni Mommy nang makitang lumabas mula sa emergency room ang doctor. May mantsa pa ito ng dugo sa kaniyang damit kaya lalo akong nanlambot. Pakiramdam ko ay babagsak ang mga tuhod ko. Kuya L had to support me as I still clung to Mom."Kumusta siya, doc? Kumusta ang anak ko?!""For goodness' sake, Grace! Calm down and let the doctor speak!""How can I calm down?! Tell me, how could I do that?! My only son is inside that room! He's fighting for his life!"Umiling si Tito Jacob bago bumaling sa doctor. "Doc, anong nangyari sa anak ko?""The surgery went well. We were able to remove the bullet from the patient's body, but he lost a lot of blood. Kailangan natin siyang masalinan ng dugo, kung hindi ay maaring mag-fail ang organs niya, which could be life-threatening.""Oh my God! Jacob! Our son!" Lalong lumakas ang iyak ni Tita Grace.Napaatras ako at kamuntikan nang bumagsak kung hindi dahil kay Kuya L. My vision began to get blury."Doc, gawin n'
Eli's POV"Eli."Nagmulat ako ng mga mata nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. I turned my gaze to the door and see Juancho. Nakangiti siya sa akin nang hindi abot sa mga mata."Pinapasok na ako ni Tita Angela. I begged her to let me see you, kahit ilang sandali lang."Marahan siyang lumapit sa kamang kinahihigaan ko. Sinubukan pa niyang kunin ang kamay ko pero iniwan ko iyon. Halatang nasaktan siya sa ginawa ko, pero pinili niyang ngumiti."How are you feeling? Sabi ng doctor, makakalabas ka na raw bukas."Hindi ako nagsalita at tinitigan lang ang mukha niya. Malaki ang ipinayat niya, halata iyon sa kaniyang mukha. Noon kasi, kahit busy ay hindi ito nawawalan ng oras mag-gym. Kahit maraming trabaho, nagagawa nitong makatulog at makakain sa tamang oras. But now, he has dark circles under his eyes. Mas humaba na rin kaysa sa dati ang balbas niya."Nagdala ako ng mga pagkain, pero ayaw tanggapin ni Tita Angela.""Inaalagaan mo ba ang sarili mo?" nagawa kong itanong sa paos na bos
Eli's POVHINDI ko mahulaan kung ano talaga ang nararamdaman ni Juancho sa mga sandaling iyon. His eyes were open wide. Magkahalong gulat, pangamba at saya ang nakikita ko sa mukha niya. Pero mabilis na napalitan ng matinding takot ang makikitang emosyon sa mga mata niya nang muling tumingin sa paligid namin."I won't let anything happen to you and our baby, okay?"Sunod-sunod akong tumango. He cupped my face and kissed me on the forehead.Muli niyang sinubukan itulak pabukas ang pinto sa gawi ko. Nanlalabo ang mga mata ko sa paglipas ng bawat segundo. I'm afraid I'll pass out here. No, I have to get out. I need to save our baby.Tumulong na ako sa pagtulak sa pinto habang malakas na inihahampas ni Juancho ang sarili niya roon. He shouted and started punching the glass window."Get them out! Get them out!"Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Kasunod roon ang malakas na ingay sa labas."Eli! Juancho!"Bumaling ako sa pinto nang makilala kung kanino ang boses na iyon. "T-Thomas... "
Eli's POVAGAD akong umiwas ng paningin sa sinabi ni Juancho. Lalong nanikip ang dibdib ko. Bakit kailangan umabot sa ganito? Bakit?Natigilan ako sa pag-iisip nang mapansin na paalis na kami ng Manila. Agad ko siyang binalingan. "Where are we going? Where are you taking me?"Ilan segundo siyang hindi nagsalita."Juancho, ano ba!""Away from here."Nagsalubong ang mga kilay ko. "Ano? H-hindi puwede. Ayoko."Hindi na siya muling nagsalita pa, ni hindi na niya ako binalingan. Tumingin ako sa daan. Bigla kong inagaw mula sa kaniya ang manibela."Turned this around, Juancho! Ayokong sumama sa iyo!""Eli! Bitiw! Mababangga tayo!""Ihinto mo ito!""Gusto lang kitang ilayo sa kaniya!"Natigilan ako sa sinabi niya. Ilang sandali kaming nagkatinginan bago niya muling itinuon ang paningin sa daan. Binalak niyang itabi ang sasakyan, pero natigilan ako nang hindi niya iyon gawin.Nagpatuloy siya sa pagmamaneho, pero napansin ko ang takot sa mga mata niya. Bigla siyang nawalan ng kulay sa mukha."
Eli's POVNANLAKI ang mga mata ko sa narinig. Hindi ako sigurado kung tama ang narinig ko, pero kinailangan kong kumapit sa pader dahil pakiramdam ko, mabubuwal ako sa pagkakatayo."May... relasyon sila?" naibulong ko sa aking sarili."Why did you have to do this? Walang ginagawang masama si Eli. Napakainosente niya sa lahat ng bagay!" I heard Juancho's angry voice.Nang silipin ko silang muli, nakita kong tumatango si Thomas na parang sumasang-ayon kay Juancho."Alam mo, mabait naman si Eli." Tumawa ito habang naiiling. "Iyong totoo, minsan, nalilito na rin ako. Gusto ko pa ba siyang gamitin o itutuloy ko na ang pagkakaibigang nasimulan namin. You see, hindi lang naman ako ang nalilito sa ating dalawa."Tuluyan akong lumabas sa pinagtataguan ko. Thomas began to laugh. Halos mamasa ang gilid ng mga mata ko dahil sa mga nalaman.Napansin ako ni Thomas kaya nabaling sa akin ang paningin niya. Natigilan siya sa pagtawa at napalitan ng gulat ang mukha. Juancho turned around and was also s