Thank you for reading My Sister's Husband! Maikli lang po talaga ito, kaya hanggang dito lang. Next story na po ang anak nina Augustus at Angelica, The Martyr Wife. Abangan! 🤍🍓
BLURBKailangan pakasalan ni Juancho si Eli para maisalba ang naluluging kumpanya ng kanilang pamilya, subalit sa unang tingin ay nahulog agad ang loob niya sa dalaga.They got married, but he kept her away from the world. Akala ni Eli ay masaya sila at mahal siya ni Juancho, ngunit isang araw, nahuli niya ito sa isang hotel kasama ang ibang babae.Eli gave Juancho their divorce papers, but he refused to let Eli go. Simula noon, pareho na silang nagbago. Juancho became distant, giving all his time to work and his mistress, while Eli rebelled.Unti-unti nang nawawala ang Eli na minahal ni Juancho. At nang may makilala itong ibang lalaki, saka naman siya naghabol. Maibabalik pa kaya niya ang pagmamahal ng asawa?Chapter 1Eli's POV"Gusto kong bumuo ng masayang pamilya na kasama ka. Dalawang anak, at tatanda tayong magkasama."Ang mga salitang iyon ang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko habang pinananood ang aking asawa... sa kama... kasama ang ibang babae.Nangilid ang masaganang
Eli's POVNAKAUPO ako sa malawak na living area ng aming bahay. Nakahalukipkip ang aking mga kamay at panay tingin ako sa orasan na nakasabit sa pader. Pagkatapos kong mahuli si Juancho sa hotel kasama ang ibang babae, walang paalam siyang nagtungo sa ibang bansa para sa business trip niya.Mariin akong lumunok nang maalala ang hirap na pinagdaanan ko sa loob ng tatlong araw. Halos mamatay ako sa sakit nang madiskubre ang panloloko ng lalaking pinakasalan at minahal ko. Kung hindi pa sa tulong ng kaibigan ko, baka tuluyan na akong nabaliw.Hindi ko kayang sabihin sa mga magulang ko ang ginawa ni Juancho. Tama na ang pinagdadaanan nila, ayaw ko nang dumagdag sa kanilang mga isipin."Ma'am, nandiyan na po si Sir."Malakas na kumabog ang dibdib ko sa sinabi ng aming katulong. Binalingan ko siya at tinanguan. Nag-aalala itong nagpaalam para bumalik sa kusina.Ilang beses ko nang kinabisa ang bawat salitang sasabihin ko kay Juancho, pero ngayon na dumating na siya, para akong na-mental blo
Eli's POVNARINIG ko ang creek sound na tanda nang pagkabukas ng pinto sa kuwarto. Mula sa sahig, nag-angat ako ng paningin kay Juancho na nakatingin sa akin."Mas mahinahon ka na ba?"Ilang ulit akong lumunok. Nakaupo ako sa gilid ng kama, pagod na pagod at namamaga ang gilid ng mga mata mula sa pag-iyak."Ano pa bang gusto mo sa akin? Pumili ka na, di ba? May iba ka na. Palayain mo na ako," basag ang boses ko."Hindi tayo maghihiwalay.""Bakit!" hindi ko napigilan ang hindi magtaas ng boses dahil sa sobrang inis.Noon ko lang napansin ang basong hawak niya sa isang kamay. May laman iyong alak na sinimulan niyang inumin habang naglalakad papunta sa single sofa na malapit sa bintana. Doon siya naupo.Buong akala ko, kaya ayaw niyang makipaghiwalay sa akin dahil nagsisisi siya at gusto niyang bumawi, pero nagkamali ako. Maling-mali..."Kailangan namin ang family business n'yo."Gusto kong matawa sa narinig. "Just because of that? You want me to stay in this marriage and suffer for your
Eli's POV ILANG araw na rin ang lumilipas, pero hindi na umuwi si Juancho sa bahay. Wala itong business trip, kaya sigurado akong kasama niya ang kabit niya."Agnes." Mapait akong ngumiti.Sa babae niya siya umuuwi at siguradong higit pa sa iniisip ko ang mga ginagawa nila. Huminga ako nang malalim dahil pakiramdam ko, kinakapos ako ng hininga.Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, I looked pale. Walang kakulay-kulay ang mukha ko. Halata rin sa mga mata ko ang ilang gabing pagpupuyat at pag-iyak.Mula sa sarili kong repleksyon, bumaba ang paningin ko sa gunting na nakapatong sa table ng vanity mirror sa loob ng aming kuwarto. I started cutting my long hair. Mula sa lagpas siko, ginupit ko ito hanggang sa isang dangkal lamang ang taas nito mula sa aking balikat.Pagkatapos kong maggupit ng buhok, nanood ng ako ng make-up video sa internet at sinimulang kulayan ang aking mukha, pero hindi naman iyong tipong magmumukha akong clown."Oh, nandiyan ka pa rin sa harap ng salamin?" Biglang
Eli's POV"Ibig n'yong sabihin, ang kabit ni Juancho ay pamilyadang tao?" Umawang ang mga labi ni Gabby sa gulat. "What a jerk!""Mismo! Sobrang mahal niya siguro ang babaeng iyon para piliin niyang maging kabit!"Napatingin ako kay Andi sa narinig. Malungkot akong nagbaba ng mukha. Ako man ay hindi makapaniwala. Oo, maganda iyong Agnes, pero hindi ko inakala na kasal na ito at may anak na. Paano nagawa ni Juancho na pumatol sa babaeng pamilyado na? Ganoon ba niya kagusto ang babaeng iyon?Nakita kong siniko ni Gabby si Andi at tumingin sa akin. Natigilan silang dalawa nang makita ang mukha ko."My God, you're crying again? Diyos ko, ha? Hindi ka ba napapagod?" Naiiling si Andi. "Naku, mabuti pa, magyoyosi na muna ako sa labas! Na-i-stress ako sa lovelife mo."Nang maiwan kaming dalawa ni Gabby ay lumipat ito ng upo sa tabi ko. "Eli."Hinawakan niya ang aking kamay at marahan iyong pinisil."Hindi ko alam kung saan ako nagkulang, Gabby. Akala ko, naging mabuti akong asawa sa kaniya. B
Eli's POV"Rapist! Rapist!" malakas at paulit-ulit akong sumigaw habang yakap ang sarili ko sa labis na takot.Bigla naman nagising ang lalaki at pabalikwas na bumangon. "Where? Where?" Luminga ito sa paligid na parang hinahanap ang rapist na tinutukoy ko, hanggang sa mabaling ang paningin nito sa akin at nagtatakang tinitigan ako nang mapansin niyang sa kaniya ako nakatingin."Wait, wait a minute, are you referring to me?" His brows furrowed."May iba pa ba!""Me? A rapist?" Tumawa itong hindi makapaniwala.Kinuha ko ang kumot. Suot ko pa rin naman ang damit ko kagabi, but I don't feel safe. Kaya mabilis kong tinakpan ang sarili ko gamit ang kumot na iyon."Hey, miss, I'm not a rapist, huh!""Then you're a kidnapper!" Bumaling ako sa bintana at muling nagsisigaw, "Help! Help!""A kidna—what? What the fuck are you saying!""Bakit ako nandito! Saan mo ako dinala? Anong ginawa mo sa akin?!" Kulang na lang ay maglupasay ako sa pag-iyak. I didn't think of this to happen! Ang plano ko lan
Eli's POV"Saan ka ba nagpunta kagabi?"Ito ang bungad na tanong sa akin ni Gabby nang makapasok ako sa loob ng shop niya. Nakaupo siya sa harap ng coffee table at nagkakape. She looks exhausted. Halata ang hangover sa mukha.I just shrugged my shoulders because I didn't want to answer her question."Eli, nag-alala kami sa iyo. Muntik na kaming tumawag ng pulis. Saan ka nga nagpunta?"Nang maalala ko ang bastos na lalaking nagdala sa akin sa bahay niya, uminit na naman ang mukha ko."I don't wanna talk about it."Lumapit ako sa table niya at saka kumuha ng maiinom bago umupo.Puno ng pagdududa ang mga mata ni Gabby. To be honest, after I passed out, wala na akong alam sa nangyari. Ni hindi ko alam kung paano sila nakauwi ni Andi."Umamin ka nga, nakipag-one night stand ka ba kagabi?"Naibula ko ang tubig na iniinom ko at nanlalaki ang mga matang binalingan si Gabby. "Ano ba!""Naninigurado lang. Remember, you're still married. Kasalanan sa batas ng tao lalo na sa batas ng Diyos ang ma
Eli's POV"Eli, go!""Eli, no. Don't."Napatingin ako kina Andi at Gabby habang panay pagtatalo sila sa dapat kong gawin. Naikuwento ko na kasi sa mga ito ang buong pangyayari kaninang umaga, at ang napag-usapan namin ng manyak na lalaking iyon."Gabby, ano ba?! Hayaan mo na nga si Eli!" Umikot ang mga mata ni Andi. "Palibhasa ikaw, wala kang ka-sweet-sweet sa katawan. Puro ka kasi dasal.""Gusto mo ba talagang turuan magkasala itong kaibigan natin, Andi?""Hindi ko siya tinuturuang magkasala, tinuturuan ko siyang gumanti!""It's the same thing—parehong mali. My God! Why are you so bad influence?""Ay, puwede ba, Sister Gabriela? Bawas-bawasan n'yo po ang pagdadasal! Masyado ka nang mabait, baka kunin ka na ni Lord!"Gusto kong matawa sa sinabi ni Andi, pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil halatang imbyerna na si Gabby rito. Panay iling na nga lang ito na parang sinusukuan na ang kaibigan namin na masadlak sa lusak ng kasalanan."Wala nang martyr ngayon, Eli girl. Tayong mga babae,
Andi's POVNAKATUTOK ang paningin ko sa mga puting bulaklak na hawak ko sa aking mga kamay. Nasa loob ako ng bridal car at naghihintay ng tamang oras para lumabas.I turned my head to the church in front of me. Malaki at luma na ang simbahan, pero saksi ito sa napakaraming kasal na nagdaan. Sa loob no'n ay nakatayo at naghihintay sa harap ng altar si Ares. Ang aking groom, ang lalaking hindi ko mahal.Siguro maraming tao ang tatawa kapag sinabi ko na hindi ko mahal ang lalaking nasa loob ng simbahan na iyan, pero pinili ko siya kaysa sa taong mahal ko na limampung ulit na tumawag sa akin kagabi para pigilan ako sa kasal. Tatanggapin ko ang lahat ng pangungutya nila, dahil kung ako man ang nasa kanilang kalagayan... iyon din ang gagawin ko.Huminga ako nang malalim bago umibis ng bridal car at marahan na naglakad papunta sa lumang pinto ng simbahan. Nababalot iyon ng mga puting bulaklak. Maging ang buong loob ng simbahan ay punong-puno ng bulaklak, white lamp, butterflies, at marami pa
Andi's POVIBINABA ko ang tawag matapos kaming senyasan ng private nurse ni Mommy na handa na ito. Si Ares ang kausap ko at nagbigay lang ako ng update sa kaniya na nandito na kami ni Sven sa hacienda. He wanted to come, but after I told him about everything, he respected my decision to go here with Sven.Nilingon ko si Sven sa tabi ko at tinanguan ito. Sabay kaming pumasok sa silid ni Mommy. Nakasandal siya sa headboard ng kama, malamlam ang mga mata na nakatingin sa amin. Magkatabi kaming naupo sa sofa na malapit sa kama nito."I hope you're doing well," Sven started. "I'm sorry to come here without notice, but I want to know what happened. Why did you do it? Why did you... killed my child?"Napatingin ako kay Sven nang mag-crack ang boses niya. I can see how his face turned red. Hinfi ko alam kung dahil sa galit o sa matinding emosyon."Is it because you hate me so much? You killed your own grandchild because you don't like me? Because I wasn't rich back then?"Napalunok ako. Ramda
Andi's POV"Andi?!" narinig kong gulat na sambit ni Melody sa pangalan ko.Hindi ko siya binigyan ng pansin at itinuon lang ang paningin ko sa babaeng tinatawag niyang Pauline. Now I remember it, she told me her name back then. Nagmamalaki niyang sinabi kung sino siya at kung ano siya ni Sven noon."Kasinungalingan lang pala ang lahat? All this time, I thought Sven cheated on me."Napaatras si Pauline nang marinig ang sinabi ko. Kabadong nilingon nito si Melody.Mariin kong kinuyom ang mga kamay ko. "Magkasabwat kayo?""Hindi! Mali ka nang narinig, Andi—""Huwag ka nang magsinungaling, Melody! Narinig ko na ang lahat! Buking ka na!""Tanga! Mali ka nga ng pagkaintindi! At saka, bakit nandito ka pa? Sinong may sabi sa iyo na puwede kang pumasok? Pamamahay ko ito!"Tumango ako. Hindi makapaniwala na pagkatapos niya kaming sirain ni Sven, may kapal pa siya ng mukhang magmatapang sa akin."Inggitera!" bulyaw ko na ikinatigil nito. "Noon pa man, inggit ka na sa akin. Hindi ka na nakuntento
Andi's POVKALALABAS ko lang mula sa shower at kasalukuyan akong nagpapatuyo ng buhok ko gamit ang towel. Napatingin ako sa aking cellphone na nasa ibabaw ng sidetable. Kanina pa iyon ring nang ring pero hindi ko pinapansin.Sigurado ako na kung hindi si Sven ang tumatawag, si Melody ito. I don't know why she keeps on calling me. I told her I'm not seeing Sven anymore, but she doesn't seem to believe me.Matapos kong makapagpalit ng damit na pantulog, nakatanggap na naman ako ng tawag. But this time, it wasn't from Sven or Melody. Galing sa guard sa baba. Sinagot ko ang tawag at nagtaka sa narinig."May babaeng naghahanap sa inyo dito sa baba, ma'am.""Bakit hindi mo pinaakyat?""E, lasing na lasing ho. Nagwawala."Nalukot ang noo ko sa narinig. Mukhang kilala ko na kung sino ang tinutukoy nito. "Is that Melody? I mean, iyong babaeng kasama ko dati?""Opo."Bumuntonghininga ako at napailing. "Sandali, lasing siya?""Oo, ma'am. Lasing na lasing."Ibinaba ko agad ang tawag at nagmamadal
Andi's POVNARAMDAMAN ko ang dalawang maskulado at mabalahibong braso na yumakap sa akin mula sa likuran. Ares sniffed my neck before giving me small kisses on my cheeks."Everything is ready."Bumuntonghininga ako bago pilit na ngumiti. "Okay.""Bakit parang hindi ka yata masaya? Are you still thinking about him?""Ares, pagod lang ako.""Oh, really?" Nag-iba ang tono ng boses niya kaya nilingon ko ito."Ikakasal na tayo, di ba?"Mataman niya akong tinitigan gamit ang seryosong mga mata. "Ikakasal ka nga sa akin, ibang lalaki naman ang iniisip mo."Umikot ang mga mata ko. Babalik sana ako sa desk ko pero mahigpit niya akong pinigilan sa braso."Let go of me, Ares. Masakit.""Umamin ka nga sa akin, Andi. Are you still in love with you ex-husband?"Mariin akong lumunok. Naalala ko ang nangyari kahapon, kung paano ko inamin sa sarili ko na mahal ko pa rin si Sven, only to discover that Melody is pregnant with his child."Hindi na."Nginisian niya ako. "And what about me? Do you love me?
Sven's POVHINDI ako mapakali habang paulit-ulit na tinatawagan ang numero ni Andi. Nang mawalan ng malay si Melody, wala akong magawa kundi dalhin ito sa loob ng bahay ko. Pero pagbalik ko, wala na si Andi sa kitchen. Wala na rin ang mga damit niya."Hiwalayan mo siya, please."Natigilan ako nang marinig ang mahina at malungkot na boses ni Melody. Tiningnan ko ito at labis na awa ang naramdaman ko.I know I'm such a jerk for using her. And if I could only take her pain away, I would do it. Pero ang masaktan siya ang kapalit ng katuparan ng pangarap kong muling makasama si Andi. Mahirap man sa loob ko, wala akong magagawa para sa kaniya."Sven, nagmamakaawa ako."I put my phone away and walked slowly to the couch where she was sitting. Umaagos ang luha sa mga pisngi niya habang nagsusumamo ang mga matang nakatingin sa akin.I took her hand and gently squeezed it. "I can't, Melody.""Why not? Why?""I love her so much."Mariin siyang pumikit. "Hindi ba puwedeng ako na lang? Ako na lang
Andi's POVNATIGILAN ako nang tuluyan humarap sa akin si Sven at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Kitang-kita ang kalituhan sa mga mata niya. Bakit parang totoo? Bakit parang wala talaga siyang alam?"Hindi ko maalala ang pangalan niya, pero sinabi niya sa akin na girlfriend mo siya.""What? No, that's not true. Mag-isa ko lang noon, Andi. Wala akong kasamang ibang tao nang umalis ka at bumalik sa inyo."Napatayo na ako sa puntong iyon. "I saw her kissing you! I talked to her! Sinagot-sagot niya ako at matapang niyang ipinamukha sa akin na niloloko mo lang ako!"Paulit-ulit na umiling si Sven. Napatayo na rin siya. "Wala akong iba, Andi. Ikaw lang ang babae sa buhay ko no'n.""You're lying!""No. Andi. Maniwala ka, inaamin ko, nagsinungaling ako, pero wala akong ibang babaeng minahal, ikaw lang. Mula noon hanggang ngayon, Andi, ikaw lang."Muling umagos ang masaganang luha sa magkabila kong pisngi."Then who is that woman? Sino ang babaeng nakayakap sa iyo noong gabing iyon? Sino
Andi's POVSven stared at my face for a long time. Shock and disbelief were evident in his eyes. Nagbaba ako ng paningin dahil kahit namumuhi ako kina Mommy, nahihiya rin ako sa ginawa nila."Andi, ang ibig mong sabihin... "Malungkot ko siyang tinanguan.Mariin niyang ipinikit ang mga mata pagkatapos ihampas ang kamao sa ibabaw ng mesa. "Fuck! All this time, akala ko, nagpa-abort ka dahil sa akin.""Kaya umalis ako noon sa amin. Hindi ko sila kayang patawarin, at hindi ko rin kayang patawarin ang sarili ko. Wala akong nagawa para sa anak ko. Wala akong nagawa."Tumingin siya sa akin, maagap akong hinila sa baywang para yakapin. "It's not your fault, wala kang kasalanan, Andi. Ako, kasalanan ko ang lahat. Kung hindi ko ginawa iyon... kung hindi kita—""Bakit ka nagsinungaling?"Napakalas siya ng yakap sa akin nang itanong ko iyon. Pulang-pula ang mga mata niya."Talaga bang... pinakasalan mo lang ako para sa pera? Para sa yaman ng mga magulang ko? I want to know the truth, Sven. Pleas
Andi's POVLUMABAS ako mula sa cafe shop kung saan kami nag-usap ni Hayate. Nangingilid ang luha sa mga mata ko, kung saan-saan ko ibinabaling ang ulo ko dahil hindi ko alam kung saan titingin, saan pupunta o maski ano ang iisipin.Natagpuan ko na lang ang sarili ko, halos kalahating oras ang nakalipas, na naglalakad sa gilid ng kalsada. Nang marating ko ang mataas na gate, sa halip na mag-doorbell, sumandal ako roon at piniling maghintay.Nandito ako sa labas ng bahay ni Sven. Dito ako dinala ng mga paa ko matapos ng mga nalaman. I wanted to talk to him, but I'm afraid. Takot ako na baka kasama niya si Melody, takot ako na malamang inaayos na nila ang relasyon nila. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin, basta ang sigurado lang ako, siya ang gusto kong makita sa mga sandaling ito.Makaraan ang dalawang oras, tumigil sa tabi ang isang itim na sasakyan. Kotse iyon ni Sven. Umibis siya ng sasakyan niya, at hindi ko na inisip kung kasama ba niya si Melody o hindi. Patakbo akong lumap