NANATILING nakaupo at tahimik si Zoe. Hindi niya alintana ang babaeng nakaabang sa kaniyang harapan. Wala siyang dapat ikabahala dahil alam niyang hindi na sila pa magkakaayos ni Dylan. Wala na silang dapat pag-usapan ni Reighn.Alam niyang simula noong nag-usap sila ay alam niyang puro gulo lang ito. At kapag nagpakain na naman siya sa mga sinasabi nito ay baka may mawala na naman sa kaniya. Iyon ang kaniyang kinatatakutan."Zoe," muling pagtawag ni Reighn sa dalaga, "can I have your minute? May sasabihin lang sana ako."Hindi lumingon si Zoe at para bang nagbibingihan sa kaniyang paligid."Nak... Zoe," pagtawag ng kaniyang ina. Lumingon ang dalaga kay Abby at nakita niya ang pagtango ng ina na para bang ayos lang sa kaniya na iwanan sila kasama si Dykeil."I have nothing to say to her, mom," aniya ni Zoe.Kinuha ng dalaga ang plato ni Dykeil para sana sandukan ito ng pagkain, pero pinigilan siya ng kaniyang ina. Naramdaman ni Zoe ang paghawak ni Abby sa kaniyang kamay na para bang p
NAGSIMULANG magbilang ang dalawang clown nang matapos nitong sabihin ang gustong mangyari. Sumibol ang kaba sa buong katawan ni Zoe nang magsipagtinginan ang mga tao sa kaniya."Again, bring me the parents of the celebrant," pag-uulit na sabi ng isang clown. Tumakbong lumapit ang mga bata sa dalaga at hinila ito papunta sa may unahan.Ilang segundong nakatayo si Zoe roon at para bang may hinihintay sila na ibang tao. Alam ni Zoe na walang nakakila kung sino ang totoong ama ni Dykeil, bukod sa kaniyang pamilya. Kaya naman ganoon na lang ang bulong-bulungan ng mga tao at nagtatanong kung nasaan ang tatay ng anak niya.Nang nilingon ni Zoe ang puwesto ng anak ay dumagdag pa sa kaniyang kaba nang hindi niya makita roon si Dykeil. Agad niya itong hinanap ng tingin at napatigil lang ang dalaga nang makita ang pamilyar na tao na hila-hila ng kaniyang anak papunta sa puwesto niya.Sa pagkakaalam ng dalaga ay walang balak pumunta si Dylan ngayon. Alam niyang may importante itong gagawin kaya h
AFTER two years.Zoe is happily married to Dylan Rodriguez. They already live under one roof ---- she, Dylan, Dykeil, and soon their daughter named Dianne. Hindi in-expect ng dalaga na masusundan pa si Dykeil lalo na at nakunan din ito si Zoe sa kanilang pangalawang anak ni Dylan.Katulad ng mga pinangako ni Dylan noon ay tinupad nito ang sinasabi niya magpapakatatay sa anak nila ni Zoe. Hindi lang ‘yon dahil nasaksihan din ni Zoe kung gaano ka-perfect si Dylan bilang asawa nito.Habang si Dykeil naman habang lumalaki ay nagiging kamukha na ng kaniyang ama. Ang ina naman nito na si Abby ay may sariling love life na. Nitong linggo ay nag-propose ang kaniyang Tito Gilbert sa ina at nakita ni Zoe kung gaano kasaya ang dalawa sa isa’t isa. Hindi naman tumutol ang dalaga dahil alam niyang magiging masaya ang ina sa lalaki.Kahapon naman ay nakatanggap si Zoe ng invitation galing kay Reighn. Isinama kasi siya bilang ninang ng panganay nitong anak na babae. Kahit alam ni Zoe na bad history s
ISANG malutong na tawa galing kay Zoe Yaffeh Madrigal ang umagaw ng kaniyang pansin nang matapos niyang makatayo mula sa pagkadapa."Dylan, ang laki mo na, pero lampa ka pa rin!" natatawang asar sa kaniya ng bestfriend niyang si Zoe. Hindi na lamang ito pinansin ni Dylan at kinuha ang kaniyang gamit na nahulog at muling naglakad patungo sa kanilang classroom."Uy, Dylan Rodriguez!" pagtawag ni Zoe sa buong pangalan ng binata. "Teka lang naman, haha!"Patuloy ang pagsigaw niya sa pangalan ng kaibigan dahil hindi siya nito pinapansin. Nang mahabol si Dylan ay 'saka niya ito inakbayan sa balikat na parang lalaki. Hindi pa nakapagpigil si Zoe at kinurot pa si Dylan ng matagal sa kanang pisngi nito. Hindi na nakapagpigil sa inis si Dylan at hinarap si Zoe."Ano ba, Zoe?!" galit na tanong ng binata.Sikat at tahimik na estudyante lamang si Dylan sa campus at halos lahat ng babae ay may gusto sa kaniya kaya nagtataka sila sa biglaang pagsigaw nito sa hallway. Napahiya na nga ito kanina ay m
TILA ba ay nakaramdam siya ng pagkadisgusto sa paglapit ng babae kay Dylan. Nakaramdam siya ng inis at tila ba uminit ang buong mukha niya. Unang beses na mangyari na may nakalapit sa taong mahal niya. Nakita niyang ngumiti ng matamis ang babae nang abutin ni Dylan ang papel na hawak nito. Gusto niyang batukan ang binata sa ginawa. Bakit ba niya ito tinanggap? Namumula pa ang mukha ng babae. Tumaas lalo ang kilay ni Zoe dahil dito. Maganda iyong babae, may maliit na mukha, maputi ang balat nito at may blonde na buhok. "Thank you, Dylan. Sana basahin mo iyong ginawa ko." Pagkatapos sabihin iyon ng babae ay bigla na lang itong tumakbo paalis sa harapan ni Dylan. Nakita niyang napakamot ng ulo si Dylan at gumuhit ang isang ngiti sa labi nang tingnan ang papel na hawak nito. Nagdadabog na lumapit si Zoe sa binata at bigla na lang hinablot sa kamay ni Dylan iyong papel na binigay ng babae. Dala ng kaniyang inis ay pinunit niya iyong papel at itinapon sa gilid ng hallway. "Anong ginawa
MULA sa may bulsa ay kinuha ni Reighn ang papel na pinunit ni Zoe dahil sa matinding selos na naramdaman niya kanina. Nagulat man si Zoe ay hindi niya ito ipinahalata sa babaeng nasa harapan, na kung makatingin sa kaniya ay parang lalamunin na siya ng buo at buhay. Magsasalita pa sana si Zoe para ipaliwanag ang nangyari nang bigla siyang sigawan ni Reighn."What the hell is wrong with you, bitch?!" tanong ni Reighn na may gigil sa boses at pinanlakihan pa niya ng mga mata si Zoe. Kung may laman pa iyong baso niya ng juice na nasa harapan ay paniguradong nasabuyan na niya si Reighn ngayon dahil sa pinakitang ugali."What the hell is wrong with me?" Itinuro pa ni Zoe ang kaniyang sarili habang nagtatanong dito. Tumayo na rin siya at nakipagtaasan ng kilay kay Reighn. Naagaw na nila ang atensiyon ng mga estudyante na nasa loob ng cafeteria. Kabi-kabilang bulungan ang naririnig ni Zoe na lalong nagbibigay sa kaniya ng init ng ulo."May problema ka ba sa akin, bitch?!" mahina lang, pero al
AGAD namang nakarating sina Zoe at Dylan sa hospital dahil malapit lang ito sa school nila. Natawagan niya na rin ang Mommy ni Zoe at kahit katatapos lang sa trabaho ay nagmadali itong pumunta ng hospital para lang makita ang anak."Zoe, I'm so sorry. Please, don't leave me," Dylan said while carrying Zoe to the emergency room. Hindi niya alam kung anong gagawin sa oras na mawala si Zoe sa buhay niya. Kahit ubod pa ng sungit ang kaibigan ay hindi niya kaya itong iwanan."Nurse! Nurse, help!" sigaw ni Dylan sa mga nurse na tumatakbo papunta sa kanila na may dalang stretcher. Tinulungan ng mga lalaking nurse sa paglapag si Zoe sa stetcher. Napuno na ng kulay pula ang uniform nilang dalawa. Pagdating nila sa emergency room ay agad nilang inisikaso si Zoe."Dito ka na lang po sa labas maghintay, Sir. Bawal po kayo sa loob," sabi ng isang nurse na babae kay Dylan pagpasok sa emergency room ni Zoe."Miss, please, tulungan niyo po 'yong bestfriend ko," pagmamakaawa ng binata sa nurse. Tinang
HINDI agad makapagsalita si Dylan. Kanina lang ay naiisip niya ito, ngayon naman ay kausap niya na."Reighn," tanging sambit ni Dylan at napabuntong hininga. "Saan mo nakuha ang number ko?""Kay Hayden," sagot nito. Ilang segundo rin ang naging katahimikan sa pagitan nilang dalawa."Reighn/Dylan!" sabay nilang tawag kaya naman pareho rin silang natawa."Ladies first," nakangiting sabi ni Dylan. Lumapit naman ito sa couch at umupo. Narinig niya pa ang pagbuntong hininga ni Reighn bago ito nagsimulang magsalita."A-Ano, hmm... t-tungkol kay Zoe," nauutal na sabi ni Reighn sa kabilang linya."What about her?" diretsong tanong ni Dylan. Bumalik na naman ang alaala niya noong makita nito ang dugo sa likuran ng kaibigan at kung paano niya ito sinugod sa hospital."Is she okay?" tanong ni Reighn na halatang kinakabahan.Inalala ni Dylan ang pag-uusap nila kanina ni Zoe. Alam niyang nasaktan ito dahil sa nangyari at nagagalit dahil mas pinili nito si Reighn kaysa sa kaibigan. Isa pa ay ayaw n
AFTER two years.Zoe is happily married to Dylan Rodriguez. They already live under one roof ---- she, Dylan, Dykeil, and soon their daughter named Dianne. Hindi in-expect ng dalaga na masusundan pa si Dykeil lalo na at nakunan din ito si Zoe sa kanilang pangalawang anak ni Dylan.Katulad ng mga pinangako ni Dylan noon ay tinupad nito ang sinasabi niya magpapakatatay sa anak nila ni Zoe. Hindi lang ‘yon dahil nasaksihan din ni Zoe kung gaano ka-perfect si Dylan bilang asawa nito.Habang si Dykeil naman habang lumalaki ay nagiging kamukha na ng kaniyang ama. Ang ina naman nito na si Abby ay may sariling love life na. Nitong linggo ay nag-propose ang kaniyang Tito Gilbert sa ina at nakita ni Zoe kung gaano kasaya ang dalawa sa isa’t isa. Hindi naman tumutol ang dalaga dahil alam niyang magiging masaya ang ina sa lalaki.Kahapon naman ay nakatanggap si Zoe ng invitation galing kay Reighn. Isinama kasi siya bilang ninang ng panganay nitong anak na babae. Kahit alam ni Zoe na bad history s
NAGSIMULANG magbilang ang dalawang clown nang matapos nitong sabihin ang gustong mangyari. Sumibol ang kaba sa buong katawan ni Zoe nang magsipagtinginan ang mga tao sa kaniya."Again, bring me the parents of the celebrant," pag-uulit na sabi ng isang clown. Tumakbong lumapit ang mga bata sa dalaga at hinila ito papunta sa may unahan.Ilang segundong nakatayo si Zoe roon at para bang may hinihintay sila na ibang tao. Alam ni Zoe na walang nakakila kung sino ang totoong ama ni Dykeil, bukod sa kaniyang pamilya. Kaya naman ganoon na lang ang bulong-bulungan ng mga tao at nagtatanong kung nasaan ang tatay ng anak niya.Nang nilingon ni Zoe ang puwesto ng anak ay dumagdag pa sa kaniyang kaba nang hindi niya makita roon si Dykeil. Agad niya itong hinanap ng tingin at napatigil lang ang dalaga nang makita ang pamilyar na tao na hila-hila ng kaniyang anak papunta sa puwesto niya.Sa pagkakaalam ng dalaga ay walang balak pumunta si Dylan ngayon. Alam niyang may importante itong gagawin kaya h
NANATILING nakaupo at tahimik si Zoe. Hindi niya alintana ang babaeng nakaabang sa kaniyang harapan. Wala siyang dapat ikabahala dahil alam niyang hindi na sila pa magkakaayos ni Dylan. Wala na silang dapat pag-usapan ni Reighn.Alam niyang simula noong nag-usap sila ay alam niyang puro gulo lang ito. At kapag nagpakain na naman siya sa mga sinasabi nito ay baka may mawala na naman sa kaniya. Iyon ang kaniyang kinatatakutan."Zoe," muling pagtawag ni Reighn sa dalaga, "can I have your minute? May sasabihin lang sana ako."Hindi lumingon si Zoe at para bang nagbibingihan sa kaniyang paligid."Nak... Zoe," pagtawag ng kaniyang ina. Lumingon ang dalaga kay Abby at nakita niya ang pagtango ng ina na para bang ayos lang sa kaniya na iwanan sila kasama si Dykeil."I have nothing to say to her, mom," aniya ni Zoe.Kinuha ng dalaga ang plato ni Dykeil para sana sandukan ito ng pagkain, pero pinigilan siya ng kaniyang ina. Naramdaman ni Zoe ang paghawak ni Abby sa kaniyang kamay na para bang p
"MOMMY? Daddy?" tawag ni Dykeil. Natigilan ang dalawa nang marinig ang boses ng bata. Bumaba si Dykeil sa hagdan at lumapit sa dalawa. Samantalang napatayo naman si Dylan at hindi makatingin sa bata."I thought you are sleeping, baby?" tanong ni Zoe nang makalapit si Dykeil sa kaniyang binti. Napailing naman ang bata at tinaas ang dalawang kamay na para bang gustong magpakarga. Binuhat naman ito ni Zoe at hinalikan ang pisngi ng anak."You should goy upstairs, Dykeil. May pinag-uusapan pa kami at hindi puwedeng marinig ng bata 'yon," sambit ni Zoe. Hindi naman sumagot si Dykeil at nilapit ang bibig sa kanang tenga at bumulong nang may mapansin. Ngunit sa lakas ng pagkakabulong ni Dykeil ay alam niyang narinig ni Dylan 'yon."Bakit umiiyak si Daddy Dylan?" tanong ng anak. Nilingon naman ni Zoe ang binata at napansin niyang nagpupunas si Dylan ng luha. Nang matapos sa ginagawa ang binata ay tumingin siya kay Dykeil at ngumiti."Napuling lang ako," pagdadahilan ni Dylan."Are you two fig
KATULAD ng nakasanayan ay maagang nagising si Dylan para maghanda. Malapit na rin kasi ang paghaharap nila ni Zoe. Sa totoo lang ay hindi niya naman ito ginustong makarating sila sa ganitong sitwasyon. Isa pa ay ayaw niyang maipit si Dykeil sa hindi nila pagkakaintindihan ni Zoe, pero wala naman siyang magawa dahil baka tuluyan nang mapalayo sa kaniya ang anak.Napatingin si Dylan sa may pintuan nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok. Mabilis na lumapit ang binata roon at inaakalang si Reighn ang nasa likod ng pinto. Ilang araw na rin kasing hindi nagpapakita ang dalaga sa kaniya simula noong malaman niya ang totoo kay Reighn. Ngunit nang buksan ito ng binata ay hindi niya inaasahan ang taong bumungad sa kaniya."What are you doing here?" walang emosyong tanong ni Dylan sa kaniya."Can we talk?" nakatingin sa mata na tanong ng kausap. Tinignan ni Dylan ang mga papel na iniwan niya sa lamesa bago niya ibalik ang tingin sa kaniyang harapan."I'm busy," maikling sagot ni Dylan. Hinawa
HINANAP kaagad ng mga mata ni Zoe 'yong calendar sa gilid at napansin niya ang papalapit na birthday ng kaniyang anak. Paano niya nagawang kalimutan 'yon?One week bago ang birthday ni Dykeil dapat ay nakahanda na ang mga surprise nito sa kaniya at ang mga hahandain nito. Ngayon ay dalawang araw na lang ang mayroon siya. Paano niya pa magagawang pagkasyahin ang araw na 'yon?"Makapaghahanda ka ba sa lagay na 'yan, Zoe? Bakit hindi mo na lang kausapin si Dylan tungkol diyan? Nakabalik nga si Dykeil dito, pero hindi ka naman maramdaman ng anak mo."Nangingilid na ang mga luha ni Zoe at pinipigilan niya na lamang na huwag ipakita ang emosyon sa harapan ng kaniyang ina. Hindi siya puwedeng maging mahina ngayon. Nang makalabas ang ina ng dalaga ay tuluyan nang bumuhos ang kaniyang luha.Biglang nawalan ng gana si Zoe sa kaniyang ginagawa nang mapagtanto niyang tama ang kaniyang ina. Pero iniisip niya na kapag pinakita niyang mahina siya ay baka tuluyang mawala sa kaniya ang anak. Iyon ang
NAKAKUYOM ang mga kamay ni Zoe nang pumasok sa loob ng bahay. Napansin kaagad ng kaniyang ina ang kinikilos ng dalaga kaya naman tinawag niya ito, pero hindi siya narinig ni Zoe. Nakatulalang napaupo si Zoe sa upuan at hindi maalis sa isip niya kung paano nagawa ni Dylan 'yon."Anak, may nangyari ba?" malumanay na tanong ni Abby sa anak. Hindi naman siya sinagot ni Zoe kaya tinawag niya ito. "I saw Dylan leave without saying anything. Narinig ko ring nasisigawan kayo. May problema ba?"Nanatiling tahimik si Zoe kaya naman hindi na nakapagtimpi pa si Abby at tinawag ang kaniyang anak sa malakas na boses. Napatingin naman ang kaniyang apo sa kaniya. Mabilis naman na inutos ni Abby sa katulong na iakyat muna ang bata sa taas para hindi marinig ang pag-uusap nila."Zoe," tawag muli ng ginang. Napalingon saglit sa kaniya ang dalaga. "Ano bang nangyari sa pag-uusap niyo ni Dylan at ganyan ka na naman kumilos?""Nothing, mom," maikling sagot ng dalaga. Ayaw na ni Zoe na dagdagan pa ang probl
IT'S been week since Dykeil decided to go with Dylan. Sobrang tahimik ng bahay nina Zoe at nakakapanibago. Lahat sila ay nakasanayan na nangungulit si Dykeil sa kanila, pero ngayon parang naglaho lahat."Anak, nandiyan na si Dykeil." Natigilan si Zoe sa pag-aayos ng ama at hinarap ang kaniyang ina na nakatayo sa may pintuan. "Hinatid siya ni Dylan.""Nandiyan pa po ba siya o umalis na?" tanong ng dalaga.Umiling naman ang ginang at pumasok sa loob ng kuwarto ni Zoe. Umupo si Abby sa gilid ng kama at para bang may gustong sabihin. Sumunod naman si Zoe at umupo sa tabi ng ina. Ilang segundo silang natahimik bago kunin ni Abby ang dalawang kamay ng kaniyang anak at hinawakan nang mahigpit."May dapat kang malaman, Zoe. Hindi ko alam kung mapapatawad mo ako, pero humihingi na ako agad ng tawad sa iyo." Napakunot ang noo ni Zoe at para bang hindi naiintindihan ang sinasabi ng ina. Ano pa ba ang dapat niyang malaman?"Ako ang nagsabi kay Dylan na anak niya si Dykeil." Natigilan si Zoe nang
AGAD na napalapit ang ina ni Zoe nang makita nitong umiiyak ang anak habang tinatawag ang pangalan ni Dykeil."M-Mom," naluluhang tawag ni Zoe. Hindi niya alam kung paano patatahanin ang dalaga. Pinagtitinginan na sila ng mga tao at nagtataka na rin sa kanila."What happened, Zoe? Nasaan sina Dykeil?" bungad na tanong ni Abby nang si Zoe lang ang madatnan niya. Pinunasan naman ni Abby ang luha sa mga pisngi ng dalaga at hinahaplos ang likod nito para patahanin."Mom, si Dykeil po." Napatigil si Zoe sa pagsasalita at ramdam niyang muli na naman bubuhos ang panibagong luha niya."Calm down, Zoe. Ano bang nangyari? Nasaan sila?" sunod-sunod na tanong ng ginang. Hinintay niyang makasagot ang anak hanggang sa nalaman niya ang totoong dahilan nito."Si Dykeil po n-nawawala," nauutal na sagot ni Zoe."What?!" gulat nitong sambit, "paanong nawawala? Hindi ba niya kasama si Alfred kanina?"Umiling naman si Zoe at tinuro 'yong kaninang puwesto ni Dykeil sa upuan. Nandoon pa rin ang basket na da