AGAD namang nakarating sina Zoe at Dylan sa hospital dahil malapit lang ito sa school nila. Natawagan niya na rin ang Mommy ni Zoe at kahit katatapos lang sa trabaho ay nagmadali itong pumunta ng hospital para lang makita ang anak.
"Zoe, I'm so sorry. Please, don't leave me," Dylan said while carrying Zoe to the emergency room. Hindi niya alam kung anong gagawin sa oras na mawala si Zoe sa buhay niya. Kahit ubod pa ng sungit ang kaibigan ay hindi niya kaya itong iwanan."Nurse! Nurse, help!" sigaw ni Dylan sa mga nurse na tumatakbo papunta sa kanila na may dalang stretcher. Tinulungan ng mga lalaking nurse sa paglapag si Zoe sa stetcher. Napuno na ng kulay pula ang uniform nilang dalawa. Pagdating nila sa emergency room ay agad nilang inisikaso si Zoe."Dito ka na lang po sa labas maghintay, Sir. Bawal po kayo sa loob," sabi ng isang nurse na babae kay Dylan pagpasok sa emergency room ni Zoe."Miss, please, tulungan niyo po 'yong bestfriend ko," pagmamakaawa ng binata sa nurse. Tinanguan lamang siya nito at agad na pumunta sa emergency room kung saan si Zoe nakahiga. Napaupo naman si Dylan sa upuan na malapit sa puwesto niya habang nananalangin na sanang walang masamang nangyari sa bestfriend nito.Hindi niya mapigilang sisihin ang sarili niya dahil kung hindi niya naitulak si Zoe ay hindi siya mapupunta sa ganitong lugar. Ayaw niya pa naman sa ganitong klaseng lugar, pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Kasalanan niya itong lahat.Hindi maisip ng binata kung anong dahilan kung bakit napaaway ang dalaga. Alam niyang napakabuting tao ni Reighn para awayin nito."Dylan." Agad na nahimasmasan ang binata nang marinig nito ang pagtawag sa pangalan niya. Pagkalingon niya ay nakita niya ang mommy ni Zoe roon habang natataranta."Tita Abby," pagtawag nito at napatayo. Lumapit naman ang mommy ni Zoe sa kaniya habang inililibot ang tingin."Where's my daughter? What happened, Dylan? Bakit puno ka ng dugo?" sunod-sunod na tanong nito at para bang halata sa boses nito ang pagkataranta. Nilingon naman ni Dylan ang kaniyang kaibigan at tinuro habang ginagamot ito ng doctor. Pinigilan niya naman ang mommy ni Zoe nang balakin nitong lumapit sa anak."Oh my God, Zoe!" Bumuhos naman ang mga luha ni Abby habang nakatingin sa kaniyang anak. Samantalang hindi mapigilan ni Dylan na lalong masaktan dahil siya ang dahilan kung bakit nangyayari ito sa mag-ina."Tita?" pagtawag ni Dylan. Napalingon naman si Abby sa kaniya habang pinupunasan ang mga luha sa magkabilang pisngi. "Tita Abby, I'm so sorry. Kasalanan ko ang lahat ng ito dahil naitulak ko si Zoe. Hindi ko alam na napalakas po 'yong pagtulak ko sa kaniya."Patuloy ang paliwanag ni Dylan sa nanay ng kaibigan habang isinasambit ang salitang sorry. Hindi niya na rin mapigilan ang mapaluhod sa harap nito habang umiiyak. Alam niyang napapatingin na ang ibang tao sa kanila, pero wala siyang pakialam."Tita, sorry po talaga. Sana mapatawad niyo ako ni Zoe," patuloy na paghingi ng tawad ni Dylan."Dylan, stand up," utos nito sa binata. Pinilit nitong ngumiti habang pinapakita sa taong kaharap na malakas siya. "Para kang batang diyan na inagawan ng candy. Everything will be okay. Zoe is the bravest girl I know. Alam kong kakayanin niya ang lahat ng ito at alam kong hindi mo sinsasadya ang ginawa mo, Dylan. Kilala kita dahil hindi mo kayang saktan ang bestfriend mo."Isang ngiti lamang ang isinagot ni Dylan sa kaniya. Ilang beses niya nang nasasaktan si Zoe at kahit ilang beses ay hindi siya nakakuha ng reklamo sa dalaga. Napatingin sila sa mga mata ng isa't isa. Alam ni Dylan na ipinapakita lamang ng nanay ni Zoe na okay lang, na walang may kasalanan ng nangyari.Makalipas ang halos kalahating oras ay lumabas 'yong nurse sa emergency room kung saan ginamot si Zoe. Napalapit naman ang dalawa sa babaeng nurse para malaman ang sitwasyon ni Zoe."Nurse, kumusta po 'yong lagay ng anak ko? Is everything okay? Wala naman pong malubhang nangyari sa kaniya, hindi ba?" tanong agad ni Abby sa doctor at nagsimula na naman ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Nanginginig ang mga kamay nito at kinakabahan sa posibleng malaman."Si Dr. Cy na lang po 'yong magpapaliwanag sa inyo," paliwanag ng nurse. Sakto naman ang paglapit ng dalagang doctor sa kanila para ipaliwanag ang nangyari."Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente?" tanong ni Dr. Cy."I'm her mother, Doc," sagot ni Abby at saglit na binalingan ng tingin si Dylan."I'm Ysabelle Cy. I'm the doctor in charge of your daughter.""How's my daughter, Dr. Cy?" Abby's asked."The patient is okay," she started, "Hindi naman po malubha 'yong nangyari sa likuran niya. Napalakas lang po talaga ang pagtama ng isang bagay sa likuran ng anak niyo para masugatan po ito. Pasalamat lang po tayong hindi sa spinal cord tumama kung hindi magiging komplikado ang kalagayan niya.""Thanks, God," pagsingit ni tita."Mabuti na lang po dahil nadala siya agad dito sa hospital. Maraming dugo na ang lumabas sa likuran niya. The patient can stay in the hospital for three or four days dahil kailangan pang obserbahan 'yong likod niya," paliwanag ng doctor."Puwede na ba namin siyang makita, Dr. Cy?" tanong ni Dylan."Ililipat muna namin ang patient sa private room. Then, puwede niyo na siyang puntahan. Just call me if you have further questions." Sabay namang napatango ang dalawa sa sinabi ng doctor."Thank you so much," pasalamat ni Abby kay Dr. Cy.Nang malipat na si Zoe ay agad naman silang pumasok sa room kung saan nakahiga ang dalaga. Pagkapasok sa loob ay napansin kaagad nila ang pamumutla ng mukha ni Zoe. Hindi mapigilan titigan ni Dylan ang mukha ng dalaga lalo na nang mapagtanto na napakaganda nito. Ngayon niya ulit natitigan ang dalaga na hindi masungit at hindi palaging nakakunot ang noo.Kung mapapansin ay parang second version siya ni Zoe. Iyong Zoe na hindi palaban, hindi boyish at mas lalong hindi masungit, si Zoe na minahal niya noon. Sa sobrang daming nangyari ay nakalimutan niya na ang pagtingin nito sa dalaga. Mas naging priority ng binata ang pagkakaibigan na meron sila at alam niyang may boundaries kaya ayaw niyang lumagpas doon.Hindi mapigilan ni Dylan hawakan ang kanang kamay ni Zoe. Napakainit ng mga palad ng dalaga."D-Dylan?" mahinang tawag ni Zoe. Mabilis namang napatingin si Dylan sa kaniya."Zoe, I'm happy you're awake," may ngiti sa labi na sabi ni Dylan, pero nawala rin ang ngiti na 'yon nang hindi masaya ang dalaga na makita siya."What are you doing here?" she asked. Napansin kaagad ni Dylan ang pag-iba ng tono nang makita ito sa tabi niya. Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa kaniyang kamay hanggang sa mapabitaw na lang siya rito.Biglang nag-flashback ang nangyari kanina sa may cafeteria at sa nangyari sa kaibigan niya. Alam ng binata na hindi ito masaya na makita siya."I'm sorry, Zoe. H-Hindi ko sinasadya," paliwanag ni Dylan habang tinutukoy 'yong nangyaring pagtulak nito sa dalaga. Hindi naman sumagot ang dalaga sa kaniya kaya pilit na ngiti ang isinagot niya.Masaya na siya dahil nagising na rin ang kaibigan. Lumapit pa siya rito para yakapin, pero naramdaman niyang hindi ito tumutugon sa kaniya. Alam niyang galit ito kaya napahiwalay na lang siya."Nangyari na, Dylan," mahinang sagot ni Zoe habang iniiwasan na magtama ang mga mata nila."I know kaya nga nandito ako kasi gusto kong humingi ng tawad sa iyo," paliwanag ni Dylan. Lumingon sa kaniya ang dalaga habang nakatingin sa mukha ng binata ay nagpabalik-balik ang senaryo noong tinulak siya nito para lang ipagtanggol ang babaeng bago niya lang nakilala."Hindi na maibabalik pa ang nangyari, Dylan. Kaya please lang, iwan mo muna ako. Hindi ko pa kayang makita ka."Parang tinusok ng napakaraming karayom ang puso ni Dylan sa sinabi ni Zoe. Madalas na palabiro si Zoe, pero alam niyang sa sinasabi nito ngayon ay seryoso siya."Zoe, please, I'm sorry," patuloy na paghingi ng tawad ni Dylan. He held her hand and cried. Dylan doesn't care even his friend's Mom saw him because he only wants her forgiveness."Bullshit, Dylan!" pagmumura ni Zoe na ikinatigil ni Dylan. "Please, I don't need you here! I want my Mom and not you!"Pagkatapos sabihin ni Zoe 'yon ay agad na lumapit si Abby para pakalmahin ang anak. Napayuko naman si Dylan at hindi pa rin tumatayo mula sa pagkakaluhod."I'm sorry," paulit-ulit na sabi ni Dylan sa kaniya."Just leave and go to your Reighn! Hindi ba sa kaniya ka naman masaya? Hindi kita kailangan dito. So, leave!" walang emosyon na sabi ni Zoe. Nababakas ang galit sa mga sinabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Dylan.Mas lalong hindi mapigilan ni Dylan na mapaisip kung bakit ganito kagalit ang dalaga kay Reighn."Dylan?" Napatingin naman ang binata kay Abby nang tawagin ito at inalalayan siyang makatayo. "Ako na muna bahala kay Zoe. Umuwi ka na muna sa inyo para makapagpahinga at makapagpalit dahil puro dugo na 'yang suot mo."Nagdalawang isip naman si Dylan at pabalik-balik ang tingin niya kina Zoe at Abby. Hindi ito sigurado kung susundin niya ba mommy ng kaibigan."Sige na at kakausapin ko lang si Zoe."Wala nang nagawa si Dylan kung hindi ang sumunod. Tumingin muli ang binata kay Zoe, pero hindi na talaga nag-iba ang expression nito simula noong makita niya si Dylan. She still in serious face at hindi man lang niya kayang tignan ng diretso si Dylan."Sige po. Alis na po ako," paalam ni Dylan at lumabas ng kuwarto.Nag-iba si Zoe at alam niyang kasalanan niya iyon. He should be the one who protects her, but look what happened? He hurt her not only physically but also emotionally."Zoe? Baby, how are you? Anong mas masakit sa iyo anak, puso mo o 'yong sugat mo sa likod?" Her mom teased her."Mom, are you joking? Kung nagjo-joke ka it's not funny anyway." Umikot ang mga mata ni Zoe pagkatapos niya tignan ang pintuang nilabasan ng kaniyang kaibigan. Narinig niya naman ang mahinang pagtawa ng kaniyang nanay at ang pag-upo nito sa gilid ng kaniyang kama.Her mom knows that she's in love with her best friend. Napaisip siya sa tanong ng kaniyang nanay. Syempre mas masakit pa rin ang sugat niya sa puso. Anytime naman kasi ay mawawala ang sugat sa katawan, pero sa puso? Hindi niya alam kung kailan huhupa ang sakit.Until now she doesn't believe that Dylan pushed her because of Reighn. Alam niyang si Dylan ang dapat prumotekta sa kaniya, pero anong nangyari?"Zoe, anak, ano ba talagang nangyari?" her mom asked. Tama bang sabihin pa ito sa mommy niya? Ayaw niya namang magtago dahil pakiramdam niya ay sasabog na siya."Si Reighn ang unang nangbastos sa akin, Mom. Siya 'yong dahilan kung bakit napilitan akong lumaban," paliwanag ni Zoe. Kumuyom ang kaniyang mga kamay dahil sa naramdamang galit mula sa dalaga.Naisip ni Abby ang paliwanag ni Dylan sa kaniya kanina at alam niyang ito ang tinutukoy ng kaniyang anak."Alam ba ni Dylan ang totoo?" tanong ni Abby habang hinihimas-himas 'yong noo ni Zoe para pakalmahin ang anak."Ayoko na ng gulo, Mom. Alam ko naman na hindi niya ako paniniwalaan dahil mas paniniwalaan pa rin niya 'yong admirer niyang akala mo isang anghel na bumaba sa lupa. Ayon pala ay isa sa mga kampon ng demonyo." Napatawa na lang si Abby dahil sa sinabi ni Zoe.Napaisip si Zoe at alam niyang totoo ang sinabi nito sa kaniyang nanay. Akala niya mabait ito, pero mas daig pa ni Reighn ang tambay sa kanto kung maghamon ng away. Napangisi tuloy siya nang maisip na bagay ang pangalan niya sa Reighna ng Demonyo."Tsk! Teenagers now a days," napapailing na sabi ni Abby. "Magpahinga ka na muna r'yan. Tatawagan ko lang ang Daddy mo at ibabalita ang kalagayan mo. Paniguradong nag-aalala na rin 'yon."Nang makarating si Dylan sa bahay nila ay hindi pa rin mawala sa isip niya si Zoe. Paniguradong kailangan pa nito ng space dahil sa nangyari."Ma? Pa?" tawag ni Dylan sa kaniyang mga magulang pagkapasok sa loob ng bahay.Napangisi siya nang mapagtanto na wala pa rin ito. Iniisip niya kung kailan matatapos ang trabaho nila. Kahit na nagkukulang na ang mga magulang nito sa pag-aalaga sa kaniya ay naiintindihan niya ito. Alam niyang ginagawa lamang ito ng magulang para sa kaniya.He took a quick shower at nagbihis na. Alas-singko na ng hapon at bukod kay Zoe ay inalala niya rin ang kalagayan ni Reighn. Alam niyang mabait ang dalaga kaya nakapagtataka kung bakit ganoon ang naging kahinatnan nina Zoe.Hindi niya mapigilang mapaisip kung kumusta na si Reighn at kung ayos lang ba ito. Paniguradong pinauwi na ito ng nurse kung hindi nito nakayang pumasok sa kaniyang klase.Napalingon naman si Dylan sa ibabaw ng lamesa nang marinig niyang tumunog ang kaniyang cellphone. Lumapit naman siya roon at kinuha. Napansin niyang unknown number ito at nagtataka siya kung sino ang tumatawag.Napaisip si Dylan na baka importante ito kaya naman agad niyang sinagot ang tawag."Hello?" panimula ni Dylan."Hello? Si Dylan ba ito?" Napakunot noo si Dylan nang mapansin ang pamilyar na boses ng babae."Yes, who's this, please?" Dylan's asked."Dylan, si Reighn ito."HINDI agad makapagsalita si Dylan. Kanina lang ay naiisip niya ito, ngayon naman ay kausap niya na."Reighn," tanging sambit ni Dylan at napabuntong hininga. "Saan mo nakuha ang number ko?""Kay Hayden," sagot nito. Ilang segundo rin ang naging katahimikan sa pagitan nilang dalawa."Reighn/Dylan!" sabay nilang tawag kaya naman pareho rin silang natawa."Ladies first," nakangiting sabi ni Dylan. Lumapit naman ito sa couch at umupo. Narinig niya pa ang pagbuntong hininga ni Reighn bago ito nagsimulang magsalita."A-Ano, hmm... t-tungkol kay Zoe," nauutal na sabi ni Reighn sa kabilang linya."What about her?" diretsong tanong ni Dylan. Bumalik na naman ang alaala niya noong makita nito ang dugo sa likuran ng kaibigan at kung paano niya ito sinugod sa hospital."Is she okay?" tanong ni Reighn na halatang kinakabahan.Inalala ni Dylan ang pag-uusap nila kanina ni Zoe. Alam niyang nasaktan ito dahil sa nangyari at nagagalit dahil mas pinili nito si Reighn kaysa sa kaibigan. Isa pa ay ayaw n
MABABAKAS sa mukha nina Reighn at Dylan na parehong inlove ang mga ito sa isa't-isa. Nakaguhit sa bawat labi nila ang matatamis na ngiti habang nagkatitigan at magkahawak ang mga kamay. Nasasaktan si Zoe sa nakikita kaya ipinikit niya sandali ang kaniyang mga mata.'Kalma ka lang Zoe!' sabi ng kaniyang isipan at dahan-dahan ulit niyang binuksan ang kaniyang mga mata. Pero napamura na lang siya nang makita na nakayakap na ang mga braso ni Dylan sa maliit na baywang ni Reighn at ang kamay naman ng dalaga ay nakalingkis sa mismong batok ng binata."Shit! Shit!" mura niya. Pakiramdam niya ay sinasaksak ang puso niya nang paulit-ulit dahil sa natunghayan niya. Agad niyang kinuha ang isang basong alak na nasa kaniyang tabi at inubos ng diretso ang laman nito. Uminit ang lalamunan niya bigla at rumihestro sa mukha niya ang pait dulot ng lasa ng ininom niya.Nakita niyang napatingin sa gawi niya si Reighn at sandali siya nitong tinititigan na para bang kinikilala kung sino siya. Hindi agad ma
HABANG nilulunod ni Zoe ang sarili sa alak ay wala siyang kamalay-malay na sa 'di kalayuan ay pinagmamasdan siya ni Reighn at lihim na natutuwa sa nangyayari sa kaniya.'Sige lang, Zoe, masaktan ka lang habang nakikita mong masaya kaming pareho ni Dylan,' ani ni Reighn sa kaniyang isip. 'Kung dati ay solong-solo mo siya p'wes ngayon iba na. Ngayong abot-kamay ko na ang tagumpay ay hinding-hindi kita hahayaang nakawin 'yon sa akin.'Hindi mapigilan na mapangisi si Reighn pagkatapos 'yon sabihin sa kaniyang isip.High school pa lamang sila noon ay lihim na niyang minamahal ang binata. Noong unang beses niyang makita si Dylan sa birthday party ng kuya niya, sa hindi malamang dahilan ay nagsimulang tumibok ang puso niya para sa binata.Kaya noong magkaroon sila ng pagkakataon na makapag-usap sa araw na 'yon ay nag-uumapaw ang saya na naramdaman niya. Subalit saglit ding napawi 'yon nang tawagin ni Zoe si Dylan at tuluyan nang nawala ang atensyon ng binata sa kaniya. Ilang saglit pa ay nag
KAHIT na nahihilo ay sinubukan ni Zoe na pigilan ang dalawa sa pagsusuntukan."Tinutulungan o sinasamantala mo ang kahinaan ni Zoe? Hindi ako tanga at pinanganak kahapon lang, Hayden. Huwag mo akong paikuting gago ka!" galit na sigaw ni Dylan at susubukan na naman nitong suntukin ang binate nang hilahin ni Zoe ang laylayan ng damit niya."Masiyadong marumi ang isip mo, Dylan! Wala akong plano sa kaibigan mo kung ganoon ang nasa isip mo!" sigaw pabalik ni Hayden kay Dylan na nanggagalaiti."Fuck you and shut up!" Dinuro ni Dylan si Hayden. Hindi naman makapagtimpi si Hayden at anytime ay gusto niya nang sapakin si Dylan.Hindi agad naka-react si Dylan nang yakapin siya ni Zoe nang mahigpit mula sa likuran. Nag-alala na siya para sa dalawa at ayaw niyang lalong mag-initan sina Hayden at Dylan dahil alam niyang magkaibigan din ang mga ito. Alam niyang may pinagsamahan ang dalawa at ayaw niya 'yon masira dahil lang sa kaniya."Dylan, please! Walang ginawa sa akin si Hayden. Huwag mainit a
ISANG buwang tulala at lumuluha si Zoe. Siguro sapat na iyon para naman magpakalayo-layo at ituloy ang buhay niya. Hindi man siya sanay na malayo sa mga taong mahal niya, pero kailangan niya nang sanayin ang sarili. Hindi ganoon kadali na mag-stay kung alam niyang walang taong gustong tumanggap sa kaniya."Hindi na ba kita mapipigilan, Zoe?" bungad na tanong ni Abby habang nakatingin sa kaniyang anak na nag-iimpake ng mga gamit. Napabuntong hininga naman ang dalaga at napatigil sa ginagawa. Hinarap niya ang kaniyang nanay at pilit na ngumiti."Sorry, Mom," mahinang sabi ni Zoe. Tumingala siya para pigilan ang muling pagtulo ng luha niya. Lumapit naman si Abby sa kaniya at hinaplos ang likuran nito. Nang ibalik ni Zoe ang tingin sa kaniyang nanay ay nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. "Sorry po kung iiwan kitang mag-isa. Kailangan ko lang pong umalis dahil naaawa na ako sa sarili ko.""Naiintindihan naman kita, Zoe. Mahirap talagang magmahal ng taong hindi ka kayang mahalin pabal
LUMIPAS ang anim na taon."Mommy, I'm so excited to go to Mama Lola in Philippines!" masayang sabi ni Dykeil habang inaayos ni Zoe ang mga gamit nila. Nagtatalon naman ang bata sa tuwa habang hawak ang kaniyang laruan na sasakyan."Huwag makulit kay Mama Lola, okay?" payo ni Zoe kay Dykeil. Sobrang hyper nito at para bang hindi napapagod ang batang ito. Kahit papaano ay naturuan na ni Zoe si Dykeil na magsalita at makaintindi ng Tagalog."Yes, mommy. I will be a good boy to Mama Lola," may ngiting sabi ni Dykeil. Hindi mapigilan ni Zoe na mapangiti nang makita ang mukha ng kaniyang anak. Nasaktan man siya noon sa isang lalaki ay nagkaroon naman ng magandang resulta ang gabing 'yon.When she gave birth to Dykeil, she's not prepared to be a Mom. Alam niyang napakarami niyang pagkukulang at alam niyang masasagasaan ni Zoe ang future ng anak niya. Naalala niya five years ago noong ibigay sa kaniya ng doctor si Dykeil ay nagbago lahat ng pag-iisip niya. He is her life."Miss Madrigal, it's
NARAMDAMAN ni Zoe ang pagkatulala at gulat ni Dylan. Siguro ay kung ano-ano na ang tumatakbo sa utak ng binata sa isip ni Zoe."Mommy?" nagtatakang tanong ni Dylan at nilipat ang tingin kay Zoe. "May anak ka na?""You're right. I'm his mom, Dylan," diretsong sagot ni Zoe at para bang hindi nakakitaan ng kaba sa kaniyang mukha. Nilingon naman ni Zoe si Alfred at pinakilala rin ang binata. "And this is Alfred."Nag-aabang pa si Dylan sa sunod na sasabihin ni Zoe, pero mukhang nanahimik na ang dalaga. Wala siyang nagawa kung hindi ang makipagkamay sa lalaking itinuro ng kaniyang kaibigan. Mas matangkad ito ng kaunti sa kaniya at halata rin sa itsura nito na may lahi. Kulay asul ang mga mata ni Alfred at napakalalim tignan. Hindi mapigilan ni Dylan na magtaka kung ano ang relasyon na meron sila ni Zoe. Ngayon niya lang ito nakita kaya naman hindi niya mapigilang mapaisip."Hello, Tito Dylan!" bati ni Dykeil kay Dylan. Napatigil si Dylan sa kaniyang iniisip at napalingon sa bata. Nakita
DALAWANG linggo na ang nakararaan simula nang dumating sina Zoe rito sa Pilipinas. Hindi alam ni Dylan sa kaniyang sarili kung bakit sa tuwing matatapos na ang kaniyang trabaho ay sabik na sabik siya pumunta sa bahay nina Zoe at makipaglaro kay Dykiel. Kahit ilang beses nang komprontahin ni Dylan si Zoe na sabihin ang lahat tungkol sa bata ay lagi na lang itong umiiwas o kaya iniiba ang topic."Dykiel!" tawag ni Dylan sa bata nang makapasok siya sa bahay nina Zoe. Mabilis namang napalingon si Dykiel at lumapit sa kaniya."Tito Dylan!" tawag din nito at nagpakarga sa kaniya nang makalapit na ito."I have a gift for you," nakangiting sambit ni Dylan. Ipinakita niya naman ang dalang pasalubong at ibinigay kay Dykiel. Mabilis namang binuksan ni Dykiel ang regalo na iyon at napangiti nang makita ang isang toy car."Wow! You're the best tito po. I love you!" nakangiting sagot nito at 'saka hinalikan si Dylan sa pisngi. Napangiti naman si Dylan sa itinuran ng bata. Feeling niya kasi ay para
AFTER two years.Zoe is happily married to Dylan Rodriguez. They already live under one roof ---- she, Dylan, Dykeil, and soon their daughter named Dianne. Hindi in-expect ng dalaga na masusundan pa si Dykeil lalo na at nakunan din ito si Zoe sa kanilang pangalawang anak ni Dylan.Katulad ng mga pinangako ni Dylan noon ay tinupad nito ang sinasabi niya magpapakatatay sa anak nila ni Zoe. Hindi lang ‘yon dahil nasaksihan din ni Zoe kung gaano ka-perfect si Dylan bilang asawa nito.Habang si Dykeil naman habang lumalaki ay nagiging kamukha na ng kaniyang ama. Ang ina naman nito na si Abby ay may sariling love life na. Nitong linggo ay nag-propose ang kaniyang Tito Gilbert sa ina at nakita ni Zoe kung gaano kasaya ang dalawa sa isa’t isa. Hindi naman tumutol ang dalaga dahil alam niyang magiging masaya ang ina sa lalaki.Kahapon naman ay nakatanggap si Zoe ng invitation galing kay Reighn. Isinama kasi siya bilang ninang ng panganay nitong anak na babae. Kahit alam ni Zoe na bad history s
NAGSIMULANG magbilang ang dalawang clown nang matapos nitong sabihin ang gustong mangyari. Sumibol ang kaba sa buong katawan ni Zoe nang magsipagtinginan ang mga tao sa kaniya."Again, bring me the parents of the celebrant," pag-uulit na sabi ng isang clown. Tumakbong lumapit ang mga bata sa dalaga at hinila ito papunta sa may unahan.Ilang segundong nakatayo si Zoe roon at para bang may hinihintay sila na ibang tao. Alam ni Zoe na walang nakakila kung sino ang totoong ama ni Dykeil, bukod sa kaniyang pamilya. Kaya naman ganoon na lang ang bulong-bulungan ng mga tao at nagtatanong kung nasaan ang tatay ng anak niya.Nang nilingon ni Zoe ang puwesto ng anak ay dumagdag pa sa kaniyang kaba nang hindi niya makita roon si Dykeil. Agad niya itong hinanap ng tingin at napatigil lang ang dalaga nang makita ang pamilyar na tao na hila-hila ng kaniyang anak papunta sa puwesto niya.Sa pagkakaalam ng dalaga ay walang balak pumunta si Dylan ngayon. Alam niyang may importante itong gagawin kaya h
NANATILING nakaupo at tahimik si Zoe. Hindi niya alintana ang babaeng nakaabang sa kaniyang harapan. Wala siyang dapat ikabahala dahil alam niyang hindi na sila pa magkakaayos ni Dylan. Wala na silang dapat pag-usapan ni Reighn.Alam niyang simula noong nag-usap sila ay alam niyang puro gulo lang ito. At kapag nagpakain na naman siya sa mga sinasabi nito ay baka may mawala na naman sa kaniya. Iyon ang kaniyang kinatatakutan."Zoe," muling pagtawag ni Reighn sa dalaga, "can I have your minute? May sasabihin lang sana ako."Hindi lumingon si Zoe at para bang nagbibingihan sa kaniyang paligid."Nak... Zoe," pagtawag ng kaniyang ina. Lumingon ang dalaga kay Abby at nakita niya ang pagtango ng ina na para bang ayos lang sa kaniya na iwanan sila kasama si Dykeil."I have nothing to say to her, mom," aniya ni Zoe.Kinuha ng dalaga ang plato ni Dykeil para sana sandukan ito ng pagkain, pero pinigilan siya ng kaniyang ina. Naramdaman ni Zoe ang paghawak ni Abby sa kaniyang kamay na para bang p
"MOMMY? Daddy?" tawag ni Dykeil. Natigilan ang dalawa nang marinig ang boses ng bata. Bumaba si Dykeil sa hagdan at lumapit sa dalawa. Samantalang napatayo naman si Dylan at hindi makatingin sa bata."I thought you are sleeping, baby?" tanong ni Zoe nang makalapit si Dykeil sa kaniyang binti. Napailing naman ang bata at tinaas ang dalawang kamay na para bang gustong magpakarga. Binuhat naman ito ni Zoe at hinalikan ang pisngi ng anak."You should goy upstairs, Dykeil. May pinag-uusapan pa kami at hindi puwedeng marinig ng bata 'yon," sambit ni Zoe. Hindi naman sumagot si Dykeil at nilapit ang bibig sa kanang tenga at bumulong nang may mapansin. Ngunit sa lakas ng pagkakabulong ni Dykeil ay alam niyang narinig ni Dylan 'yon."Bakit umiiyak si Daddy Dylan?" tanong ng anak. Nilingon naman ni Zoe ang binata at napansin niyang nagpupunas si Dylan ng luha. Nang matapos sa ginagawa ang binata ay tumingin siya kay Dykeil at ngumiti."Napuling lang ako," pagdadahilan ni Dylan."Are you two fig
KATULAD ng nakasanayan ay maagang nagising si Dylan para maghanda. Malapit na rin kasi ang paghaharap nila ni Zoe. Sa totoo lang ay hindi niya naman ito ginustong makarating sila sa ganitong sitwasyon. Isa pa ay ayaw niyang maipit si Dykeil sa hindi nila pagkakaintindihan ni Zoe, pero wala naman siyang magawa dahil baka tuluyan nang mapalayo sa kaniya ang anak.Napatingin si Dylan sa may pintuan nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok. Mabilis na lumapit ang binata roon at inaakalang si Reighn ang nasa likod ng pinto. Ilang araw na rin kasing hindi nagpapakita ang dalaga sa kaniya simula noong malaman niya ang totoo kay Reighn. Ngunit nang buksan ito ng binata ay hindi niya inaasahan ang taong bumungad sa kaniya."What are you doing here?" walang emosyong tanong ni Dylan sa kaniya."Can we talk?" nakatingin sa mata na tanong ng kausap. Tinignan ni Dylan ang mga papel na iniwan niya sa lamesa bago niya ibalik ang tingin sa kaniyang harapan."I'm busy," maikling sagot ni Dylan. Hinawa
HINANAP kaagad ng mga mata ni Zoe 'yong calendar sa gilid at napansin niya ang papalapit na birthday ng kaniyang anak. Paano niya nagawang kalimutan 'yon?One week bago ang birthday ni Dykeil dapat ay nakahanda na ang mga surprise nito sa kaniya at ang mga hahandain nito. Ngayon ay dalawang araw na lang ang mayroon siya. Paano niya pa magagawang pagkasyahin ang araw na 'yon?"Makapaghahanda ka ba sa lagay na 'yan, Zoe? Bakit hindi mo na lang kausapin si Dylan tungkol diyan? Nakabalik nga si Dykeil dito, pero hindi ka naman maramdaman ng anak mo."Nangingilid na ang mga luha ni Zoe at pinipigilan niya na lamang na huwag ipakita ang emosyon sa harapan ng kaniyang ina. Hindi siya puwedeng maging mahina ngayon. Nang makalabas ang ina ng dalaga ay tuluyan nang bumuhos ang kaniyang luha.Biglang nawalan ng gana si Zoe sa kaniyang ginagawa nang mapagtanto niyang tama ang kaniyang ina. Pero iniisip niya na kapag pinakita niyang mahina siya ay baka tuluyang mawala sa kaniya ang anak. Iyon ang
NAKAKUYOM ang mga kamay ni Zoe nang pumasok sa loob ng bahay. Napansin kaagad ng kaniyang ina ang kinikilos ng dalaga kaya naman tinawag niya ito, pero hindi siya narinig ni Zoe. Nakatulalang napaupo si Zoe sa upuan at hindi maalis sa isip niya kung paano nagawa ni Dylan 'yon."Anak, may nangyari ba?" malumanay na tanong ni Abby sa anak. Hindi naman siya sinagot ni Zoe kaya tinawag niya ito. "I saw Dylan leave without saying anything. Narinig ko ring nasisigawan kayo. May problema ba?"Nanatiling tahimik si Zoe kaya naman hindi na nakapagtimpi pa si Abby at tinawag ang kaniyang anak sa malakas na boses. Napatingin naman ang kaniyang apo sa kaniya. Mabilis naman na inutos ni Abby sa katulong na iakyat muna ang bata sa taas para hindi marinig ang pag-uusap nila."Zoe," tawag muli ng ginang. Napalingon saglit sa kaniya ang dalaga. "Ano bang nangyari sa pag-uusap niyo ni Dylan at ganyan ka na naman kumilos?""Nothing, mom," maikling sagot ng dalaga. Ayaw na ni Zoe na dagdagan pa ang probl
IT'S been week since Dykeil decided to go with Dylan. Sobrang tahimik ng bahay nina Zoe at nakakapanibago. Lahat sila ay nakasanayan na nangungulit si Dykeil sa kanila, pero ngayon parang naglaho lahat."Anak, nandiyan na si Dykeil." Natigilan si Zoe sa pag-aayos ng ama at hinarap ang kaniyang ina na nakatayo sa may pintuan. "Hinatid siya ni Dylan.""Nandiyan pa po ba siya o umalis na?" tanong ng dalaga.Umiling naman ang ginang at pumasok sa loob ng kuwarto ni Zoe. Umupo si Abby sa gilid ng kama at para bang may gustong sabihin. Sumunod naman si Zoe at umupo sa tabi ng ina. Ilang segundo silang natahimik bago kunin ni Abby ang dalawang kamay ng kaniyang anak at hinawakan nang mahigpit."May dapat kang malaman, Zoe. Hindi ko alam kung mapapatawad mo ako, pero humihingi na ako agad ng tawad sa iyo." Napakunot ang noo ni Zoe at para bang hindi naiintindihan ang sinasabi ng ina. Ano pa ba ang dapat niyang malaman?"Ako ang nagsabi kay Dylan na anak niya si Dykeil." Natigilan si Zoe nang
AGAD na napalapit ang ina ni Zoe nang makita nitong umiiyak ang anak habang tinatawag ang pangalan ni Dykeil."M-Mom," naluluhang tawag ni Zoe. Hindi niya alam kung paano patatahanin ang dalaga. Pinagtitinginan na sila ng mga tao at nagtataka na rin sa kanila."What happened, Zoe? Nasaan sina Dykeil?" bungad na tanong ni Abby nang si Zoe lang ang madatnan niya. Pinunasan naman ni Abby ang luha sa mga pisngi ng dalaga at hinahaplos ang likod nito para patahanin."Mom, si Dykeil po." Napatigil si Zoe sa pagsasalita at ramdam niyang muli na naman bubuhos ang panibagong luha niya."Calm down, Zoe. Ano bang nangyari? Nasaan sila?" sunod-sunod na tanong ng ginang. Hinintay niyang makasagot ang anak hanggang sa nalaman niya ang totoong dahilan nito."Si Dykeil po n-nawawala," nauutal na sagot ni Zoe."What?!" gulat nitong sambit, "paanong nawawala? Hindi ba niya kasama si Alfred kanina?"Umiling naman si Zoe at tinuro 'yong kaninang puwesto ni Dykeil sa upuan. Nandoon pa rin ang basket na da