HINDI agad makapagsalita si Dylan. Kanina lang ay naiisip niya ito, ngayon naman ay kausap niya na.
"Reighn," tanging sambit ni Dylan at napabuntong hininga. "Saan mo nakuha ang number ko?"
"Kay Hayden," sagot nito. Ilang segundo rin ang naging katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
"Reighn/Dylan!" sabay nilang tawag kaya naman pareho rin silang natawa.
"Ladies first," nakangiting sabi ni Dylan. Lumapit naman ito sa couch at umupo. Narinig niya pa ang pagbuntong hininga ni Reighn bago ito nagsimulang magsalita.
"A-Ano, hmm... t-tungkol kay Zoe," nauutal na sabi ni Reighn sa kabilang linya.
"What about her?" diretsong tanong ni Dylan. Bumalik na naman ang alaala niya noong makita nito ang dugo sa likuran ng kaibigan at kung paano niya ito sinugod sa hospital.
"Is she okay?" tanong ni Reighn na halatang kinakabahan.
Inalala ni Dylan ang pag-uusap nila kanina ni Zoe. Alam niyang nasaktan ito dahil sa nangyari at nagagalit dahil mas pinili nito si Reighn kaysa sa kaibigan. Isa pa ay ayaw niya itong makita kaya naman nandirito siya ngayon sa bahay nila.
"I don't think so," mahinang sagot ni Dylan at napayuko.
"What do you mean by that? Ako ba ang dahilan?" sunod-sunod na tanong ni Reighn.
"No!" mabilis na sagot ni Dylan. "Wala kang kasalanan, Reighn. It's just that I have a problem with her. Bestfriend problem to be exact."
"Ah, okay. Pero, Dylan, gusto ko pa ring mag-sorry sa nangyari," wika ni Reighn. Napakagat labi naman si Dylan dahil alam niyang wala naman itong kasalanan, pero hindi niya naman alam kung paano sasabihin. "I'm so sorry, Dylan."
"This is not your fault, Reighn. Gusto kita kaya kailangan din kitang protektahan," mabilis na sagot ni Dylan, pero huli na bago niya pa mabawi ang sinabi.
"G-Gusto mo ako?" nauutal na tanong ni Reighn. Itinaas ni Dylan ang tingin kasabay nito ay ang pagbilis ng kaniyang puso. Pakiramdam niya ay ito na ang panahon para sabihin ang totoo.
Ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob si Dylan na sabihin ang nararamdaman niya sa taong mahal nito. Siguro kung kasama niya lang si Zoe ngayon ay isang malakas na batok ang ibibigay nito sa kaniya at aasarin ito na napakatorpe, kaso hindi nga pala sila magkaayos.
"Dylan?" tawag ni Reighn na nagpabalik diwa sa binata.
"Reighn," kinakabahang tawag ni Dylan sa kaniya.
"Totoo ba 'yong narinig ko? Gusto mo ako?" pag-uulit na tanong ng dalaga.
"You're right. I'm inlove with you, Reighn," nakangiting sagot ko.
"P-Paano?" tanong ni Reighn. "Kailan pa?"
Malalim naman na huminga si Dylan at nagsimulang magkuwento. "Remember your brother's birthday? 'Yong mga panahong 'yon nasa highschool pa lang tayo. Ayon 'yong unang beses na nakita kita and I was shocked kasi kapatid ka pala ni Hayden. Hindi niya kasi kinuwento sa akin na may kapatid pala siyang babae."
"Naalala ko nga 'yon."
"In the middle of the party ay nakita kita roon sa isang sulok na nagmamasid sa mga taong nasa paligid mo. Nakita ko rin kung paano ka niyaya ng mga tao, but you keep saying no. And that moment I noticed that you are shy." Napatawa ng mahina si Dylan nang maalala ang pangyayari na 'yon.
"Ilang minuto siguro akong nakatingin sa'yo no'n. Hindi siguro tingin ang matatawag ko dahil nakatitig na ako noon pa nang matagal. Tapos bigla kang napalingon sa direksyon ko at nagtama 'yong mga mata natin. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis 'yong tibok ng puso ko. Hindi ko pa mapigilang mapatulala nang bigla kang ngumiti sa akin. You are my love at first sight, Reighn."
"Dylan," tawag ng dalaga sa kaniya, pero hindi pa rin tumigil si Dylan at nagpatuloy sa sinasabi nito.
"After that day, lagi na kitang hinahanap kay Hayden. He keeps saying that he don't know where you are kaya nainis ako sa kaniya. May mga araw na nakikita kita, pero naguguluhan ako kung bakit lagi mo akong iniiwasan sa tuwing lalapitan kita. May isang beses na nakausap kita, pero saglit lang iyon at hindi na naulit pa. Laging ganoon ang routine natin sa tuwing magtatagpo ang landas natin. And then one time, nalaman ko na lang na umalis ka na pala ng bansa. Wala man lang akong kaalam-alam. Pero on that day, I promise myself na kapag magtatagpo na naman ang landas natin ay sasabihin ko na talaga ang totoong nararamdaman ko na gusto kita."
"Dylan, can I have a favor?" tanong ni Reighn. Saglit na napaisip si Dylan bago siya sumagot.
"Anything, what is it?"
"Can you love me forever?" Nagulat man sa simula ang binata, pero hindi niya na mapigilang mapangiti. Naisip niya 'yong letter na binigay nito sa kaniya kanina at alam niyang kunektado ito ngayon.
"Of course, Reighn," sagot ni Dylan. "I like you, and I always do."
"I like you too, Dylan. Hindi ako makapaniwala na ganito na pala ang nararamdaman mo sa akin. Akala ko aasa lang ako ng matagal. Akala ko kasi girlfriend mo si Zoe kaya lumayo na ako," paliwanag ni Reighn. Ngumiti naman si Dylan at 'saka napailing kahit na alam niyang hindi siya makikita ng dalaga.
"Tadhana na talaga ang gagawa ng paraan para pagtagpuin tayong muli," wika ni Dylan. Narinig naman ng binata ang mahinang tawa ni Reighn kaya naman hindi niya na rin mapigilang matawa.
"Ang korni mo pala."
"Minsan lang 'yan. Sagarin na natin," natatawang sagot ni Dylan kasabay ng malakas na tawanan pa nila.
Pagkatapos ng aminan sa pagitan nina Dylan at Reighn ay lagi nang magkasama ang dalawa. Para silang magnet na mahirap paghiwalayin. Ilang araw na rin ang nakalipas no'n at nakalabas na ng hospital si Zoe.
Sa tuwing makikita niya na magkasama ang dalawa ay hindi niya mapigilang mainis dito. Lalo na sa tuwing nakikita niyang sweet ang dalawa. Naiinis pa rin siya kay Dylan, pero mas naiinis pa rin siya kay Reighn. To the point na gusto niya na itong kalbuhin.
Paano ba naman kasi ay pati ang nag-iisang bestfriend niya na si Dylan ay inagaw pa sa kaniya. Ayon na lang ang tanging taong kayang pagtiisan ang ugali niya, pero nawala pa. Parang kinalimutan na lamang siya pagkatapos ng nangyaring aksidente sa kaniya.
Naiinis din siya sa tuwing maiisip na sila na pa lang dalawa. Hindi man lang nagawang mag-kuwento ng kaibigan niya sa kaniya. Kung nalaman niya ng mas maaga, edi sana nakapaghiganti pa siya roon sa babae. Alam niya kasing mahihirapan na siyang kalabanin si Reighn sa kadahilanang lagi nang magkasama ang dalawa.
"Nakakainis!" sigaw ni Zoe habang binubunot ang mga damo kung saan siya nakaupo.
Ayon na lang ang tanging paraan niya para mailabas ang inis niya sa dalawang naglalandian sa harapan niya. Naiinis siya at naiinggit dahil 'yong ganoong tao pa ang nagustuhan ni Dylan. Samantalang siya naman ang laging kasama nito simula noong maliit pa sila. Bakit hindi na lang siya?
Para siyang tangang nakatitig ng masama sa dalawa habang bumubunot ng damo. Pinagtitinginan siya ng ibang dumaraan sa kaniya, pero 'yong dalawang kaharap niya ay hindi man lang nagawang lingunin siya.
"Guys!" Napalingon naman siya sa taong tumawag sa kanila. Nakita niya ang isang lalaking ngiting-ngiti habang papalapit sa kanila. Si Hayden Ellery. Ang kapatid ni Reighn.
Nagsilingunan naman ang dalawa kay Hayden at nagbatian silang tatlo. Mas lalo siyang nainis na hindi man lang siya pinansin kaya hindi niya mapigilang mapatili ng malakas dahilan para mapalingon sa kaniya ang lahat.
"Ano ba! Ano ba! Ano ba!" paulit-ulit na bigkas ni Zoe sa kanila. "Para naman akong multo rito na hindi niyo pinapansin!"
"Uy, Zoe! Nandiyan ka pala," tawag sa kaniya ni Hayden. Tinarayan niya naman ito dahil para na namang itong tangang nakangiti sa kaniya. Palibhasa bata pa lang sila ay mas gusto na ito kay Zoe. "Anyway, guys! Invited kayo sa birthday ko, ah! Pumunta kayo and remind ko lang. No gift, no entry roon."
Napatawa naman sina Reighn at Dylan sa sinabi ni Hayden, pero si Zoe lang ang tanging may mukha na nakabusangot.
"Sure!" sabay na sabi nina Reighn at Dylan. Napalingon naman sila kay Zoe at hinihintay ang sagot nito.
"Oo na! Pupunta na ako. Leche!" sagot ni Zoe. Nagtawanan naman ang mga lalaki. Samantalang nakangisi lang si Reighn kay Zoe.
Dumating ang araw ng kaarawan ni Hayden at ginanap ito sa isang hotel. Lahat ng mga kakilala ng binata ay nagsipagdayo sa nasabing kaarawan. Kita ang mga mamahaling suot ng bawat taong dumalo na mapapansin mo na nagmula pa sa mga kilalang designers ng bansa.
Pumasok ang magkasintahan na sina Reighn at Dylan. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanila. Ang mga ibang babae ay naiinggit dahil sa nalamang balita at ang iba naman ay natuwa dahil hindi nito nakatuluyan ang kaniyang sadistang bestfriend. Which is mortal na kaaway ng mga kababaihan sa campus.
Nasa kalagitnaan na ang party nang bigla silang mapalingon sa entrance ng hotel. Isang babae na sobrang ganda ang naglalakad doon. Sari-saring bulungan ang naririnig ni Zoe habang papasok siya. Mga bulong na nagtatanong kung sino siya at namamangha dahil sobrang ganda ng suot niya at ng ayos nito.
Pasimpleng napangisi si Zoe dahil wala ni isang nakakilala sa kaniya. Lahat ng lalaki sa party ay gusto siyang lapitan at yayaing makasayaw, pero wala siyang balak na sumayaw hangga't hindi siya niyaya ng taong mahal niya.
Umupo siya at tumingin sa mga taong nakatingin din sa kaniya. Nagsasayawan ang mga ito, pero ang mata nila ay nakatingin lang kay Zoe. Parang Dyosa ang dalaga na tinitingala ng lahat. Pero nawala ang ngisi sa labi ni Zoe at biglang sumikip ang dibdib niya nang mapadako ang tingin sa dalawang tao.
MABABAKAS sa mukha nina Reighn at Dylan na parehong inlove ang mga ito sa isa't-isa. Nakaguhit sa bawat labi nila ang matatamis na ngiti habang nagkatitigan at magkahawak ang mga kamay. Nasasaktan si Zoe sa nakikita kaya ipinikit niya sandali ang kaniyang mga mata.'Kalma ka lang Zoe!' sabi ng kaniyang isipan at dahan-dahan ulit niyang binuksan ang kaniyang mga mata. Pero napamura na lang siya nang makita na nakayakap na ang mga braso ni Dylan sa maliit na baywang ni Reighn at ang kamay naman ng dalaga ay nakalingkis sa mismong batok ng binata."Shit! Shit!" mura niya. Pakiramdam niya ay sinasaksak ang puso niya nang paulit-ulit dahil sa natunghayan niya. Agad niyang kinuha ang isang basong alak na nasa kaniyang tabi at inubos ng diretso ang laman nito. Uminit ang lalamunan niya bigla at rumihestro sa mukha niya ang pait dulot ng lasa ng ininom niya.Nakita niyang napatingin sa gawi niya si Reighn at sandali siya nitong tinititigan na para bang kinikilala kung sino siya. Hindi agad ma
HABANG nilulunod ni Zoe ang sarili sa alak ay wala siyang kamalay-malay na sa 'di kalayuan ay pinagmamasdan siya ni Reighn at lihim na natutuwa sa nangyayari sa kaniya.'Sige lang, Zoe, masaktan ka lang habang nakikita mong masaya kaming pareho ni Dylan,' ani ni Reighn sa kaniyang isip. 'Kung dati ay solong-solo mo siya p'wes ngayon iba na. Ngayong abot-kamay ko na ang tagumpay ay hinding-hindi kita hahayaang nakawin 'yon sa akin.'Hindi mapigilan na mapangisi si Reighn pagkatapos 'yon sabihin sa kaniyang isip.High school pa lamang sila noon ay lihim na niyang minamahal ang binata. Noong unang beses niyang makita si Dylan sa birthday party ng kuya niya, sa hindi malamang dahilan ay nagsimulang tumibok ang puso niya para sa binata.Kaya noong magkaroon sila ng pagkakataon na makapag-usap sa araw na 'yon ay nag-uumapaw ang saya na naramdaman niya. Subalit saglit ding napawi 'yon nang tawagin ni Zoe si Dylan at tuluyan nang nawala ang atensyon ng binata sa kaniya. Ilang saglit pa ay nag
KAHIT na nahihilo ay sinubukan ni Zoe na pigilan ang dalawa sa pagsusuntukan."Tinutulungan o sinasamantala mo ang kahinaan ni Zoe? Hindi ako tanga at pinanganak kahapon lang, Hayden. Huwag mo akong paikuting gago ka!" galit na sigaw ni Dylan at susubukan na naman nitong suntukin ang binate nang hilahin ni Zoe ang laylayan ng damit niya."Masiyadong marumi ang isip mo, Dylan! Wala akong plano sa kaibigan mo kung ganoon ang nasa isip mo!" sigaw pabalik ni Hayden kay Dylan na nanggagalaiti."Fuck you and shut up!" Dinuro ni Dylan si Hayden. Hindi naman makapagtimpi si Hayden at anytime ay gusto niya nang sapakin si Dylan.Hindi agad naka-react si Dylan nang yakapin siya ni Zoe nang mahigpit mula sa likuran. Nag-alala na siya para sa dalawa at ayaw niyang lalong mag-initan sina Hayden at Dylan dahil alam niyang magkaibigan din ang mga ito. Alam niyang may pinagsamahan ang dalawa at ayaw niya 'yon masira dahil lang sa kaniya."Dylan, please! Walang ginawa sa akin si Hayden. Huwag mainit a
ISANG buwang tulala at lumuluha si Zoe. Siguro sapat na iyon para naman magpakalayo-layo at ituloy ang buhay niya. Hindi man siya sanay na malayo sa mga taong mahal niya, pero kailangan niya nang sanayin ang sarili. Hindi ganoon kadali na mag-stay kung alam niyang walang taong gustong tumanggap sa kaniya."Hindi na ba kita mapipigilan, Zoe?" bungad na tanong ni Abby habang nakatingin sa kaniyang anak na nag-iimpake ng mga gamit. Napabuntong hininga naman ang dalaga at napatigil sa ginagawa. Hinarap niya ang kaniyang nanay at pilit na ngumiti."Sorry, Mom," mahinang sabi ni Zoe. Tumingala siya para pigilan ang muling pagtulo ng luha niya. Lumapit naman si Abby sa kaniya at hinaplos ang likuran nito. Nang ibalik ni Zoe ang tingin sa kaniyang nanay ay nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. "Sorry po kung iiwan kitang mag-isa. Kailangan ko lang pong umalis dahil naaawa na ako sa sarili ko.""Naiintindihan naman kita, Zoe. Mahirap talagang magmahal ng taong hindi ka kayang mahalin pabal
LUMIPAS ang anim na taon."Mommy, I'm so excited to go to Mama Lola in Philippines!" masayang sabi ni Dykeil habang inaayos ni Zoe ang mga gamit nila. Nagtatalon naman ang bata sa tuwa habang hawak ang kaniyang laruan na sasakyan."Huwag makulit kay Mama Lola, okay?" payo ni Zoe kay Dykeil. Sobrang hyper nito at para bang hindi napapagod ang batang ito. Kahit papaano ay naturuan na ni Zoe si Dykeil na magsalita at makaintindi ng Tagalog."Yes, mommy. I will be a good boy to Mama Lola," may ngiting sabi ni Dykeil. Hindi mapigilan ni Zoe na mapangiti nang makita ang mukha ng kaniyang anak. Nasaktan man siya noon sa isang lalaki ay nagkaroon naman ng magandang resulta ang gabing 'yon.When she gave birth to Dykeil, she's not prepared to be a Mom. Alam niyang napakarami niyang pagkukulang at alam niyang masasagasaan ni Zoe ang future ng anak niya. Naalala niya five years ago noong ibigay sa kaniya ng doctor si Dykeil ay nagbago lahat ng pag-iisip niya. He is her life."Miss Madrigal, it's
NARAMDAMAN ni Zoe ang pagkatulala at gulat ni Dylan. Siguro ay kung ano-ano na ang tumatakbo sa utak ng binata sa isip ni Zoe."Mommy?" nagtatakang tanong ni Dylan at nilipat ang tingin kay Zoe. "May anak ka na?""You're right. I'm his mom, Dylan," diretsong sagot ni Zoe at para bang hindi nakakitaan ng kaba sa kaniyang mukha. Nilingon naman ni Zoe si Alfred at pinakilala rin ang binata. "And this is Alfred."Nag-aabang pa si Dylan sa sunod na sasabihin ni Zoe, pero mukhang nanahimik na ang dalaga. Wala siyang nagawa kung hindi ang makipagkamay sa lalaking itinuro ng kaniyang kaibigan. Mas matangkad ito ng kaunti sa kaniya at halata rin sa itsura nito na may lahi. Kulay asul ang mga mata ni Alfred at napakalalim tignan. Hindi mapigilan ni Dylan na magtaka kung ano ang relasyon na meron sila ni Zoe. Ngayon niya lang ito nakita kaya naman hindi niya mapigilang mapaisip."Hello, Tito Dylan!" bati ni Dykeil kay Dylan. Napatigil si Dylan sa kaniyang iniisip at napalingon sa bata. Nakita
DALAWANG linggo na ang nakararaan simula nang dumating sina Zoe rito sa Pilipinas. Hindi alam ni Dylan sa kaniyang sarili kung bakit sa tuwing matatapos na ang kaniyang trabaho ay sabik na sabik siya pumunta sa bahay nina Zoe at makipaglaro kay Dykiel. Kahit ilang beses nang komprontahin ni Dylan si Zoe na sabihin ang lahat tungkol sa bata ay lagi na lang itong umiiwas o kaya iniiba ang topic."Dykiel!" tawag ni Dylan sa bata nang makapasok siya sa bahay nina Zoe. Mabilis namang napalingon si Dykiel at lumapit sa kaniya."Tito Dylan!" tawag din nito at nagpakarga sa kaniya nang makalapit na ito."I have a gift for you," nakangiting sambit ni Dylan. Ipinakita niya naman ang dalang pasalubong at ibinigay kay Dykiel. Mabilis namang binuksan ni Dykiel ang regalo na iyon at napangiti nang makita ang isang toy car."Wow! You're the best tito po. I love you!" nakangiting sagot nito at 'saka hinalikan si Dylan sa pisngi. Napangiti naman si Dylan sa itinuran ng bata. Feeling niya kasi ay para
NAPAISIP si Zoe sa sinabi nito at alam niyang malaking gulo ang papasukin kapag pumayag ito sa kagustuhan ng binata. Pero ano pa nga bang magagawa niya? Matagal ng sira ang pagkatao niya. Matagal ng wasak ang pamilya niya. Ano pa ang kinakatakot niyang mawala?Hinarap niya ang binata at walang emosyon sa mukha na sinagot si Dylan."Bibigyan kita ng sariling anak, pero lahat ng atensyon mo na para kay Reighn ay dapat nasa akin."Nag-aalinlangan man si Dylan ay tumango pa rin siya. "Deal," sagot nito.Nagulat si Zoe nang sunggaban siya ng halik ni Dylan na para bang sabik na sabik. Nanlaki ang mga maliliit na mata ni Zoe at tinulak palayo si Dylan."What are you doing, Dylan? Baka may makakita sa atin dito!" may diing sabi ni Zoe at palinga-linga sa kaniyang paligid kahit alam niyang nasa kuwarto lang siya. Tinuro naman ni Dylan ang pintuan."Ni-lock ko ang pinto, Zoe," sagot ni Dylan na ikinalingon ng dalaga."W-What?" Namumula ang mga pisngi ni Zoe dahil sa hiya na naramdaman.
AFTER two years.Zoe is happily married to Dylan Rodriguez. They already live under one roof ---- she, Dylan, Dykeil, and soon their daughter named Dianne. Hindi in-expect ng dalaga na masusundan pa si Dykeil lalo na at nakunan din ito si Zoe sa kanilang pangalawang anak ni Dylan.Katulad ng mga pinangako ni Dylan noon ay tinupad nito ang sinasabi niya magpapakatatay sa anak nila ni Zoe. Hindi lang ‘yon dahil nasaksihan din ni Zoe kung gaano ka-perfect si Dylan bilang asawa nito.Habang si Dykeil naman habang lumalaki ay nagiging kamukha na ng kaniyang ama. Ang ina naman nito na si Abby ay may sariling love life na. Nitong linggo ay nag-propose ang kaniyang Tito Gilbert sa ina at nakita ni Zoe kung gaano kasaya ang dalawa sa isa’t isa. Hindi naman tumutol ang dalaga dahil alam niyang magiging masaya ang ina sa lalaki.Kahapon naman ay nakatanggap si Zoe ng invitation galing kay Reighn. Isinama kasi siya bilang ninang ng panganay nitong anak na babae. Kahit alam ni Zoe na bad history s
NAGSIMULANG magbilang ang dalawang clown nang matapos nitong sabihin ang gustong mangyari. Sumibol ang kaba sa buong katawan ni Zoe nang magsipagtinginan ang mga tao sa kaniya."Again, bring me the parents of the celebrant," pag-uulit na sabi ng isang clown. Tumakbong lumapit ang mga bata sa dalaga at hinila ito papunta sa may unahan.Ilang segundong nakatayo si Zoe roon at para bang may hinihintay sila na ibang tao. Alam ni Zoe na walang nakakila kung sino ang totoong ama ni Dykeil, bukod sa kaniyang pamilya. Kaya naman ganoon na lang ang bulong-bulungan ng mga tao at nagtatanong kung nasaan ang tatay ng anak niya.Nang nilingon ni Zoe ang puwesto ng anak ay dumagdag pa sa kaniyang kaba nang hindi niya makita roon si Dykeil. Agad niya itong hinanap ng tingin at napatigil lang ang dalaga nang makita ang pamilyar na tao na hila-hila ng kaniyang anak papunta sa puwesto niya.Sa pagkakaalam ng dalaga ay walang balak pumunta si Dylan ngayon. Alam niyang may importante itong gagawin kaya h
NANATILING nakaupo at tahimik si Zoe. Hindi niya alintana ang babaeng nakaabang sa kaniyang harapan. Wala siyang dapat ikabahala dahil alam niyang hindi na sila pa magkakaayos ni Dylan. Wala na silang dapat pag-usapan ni Reighn.Alam niyang simula noong nag-usap sila ay alam niyang puro gulo lang ito. At kapag nagpakain na naman siya sa mga sinasabi nito ay baka may mawala na naman sa kaniya. Iyon ang kaniyang kinatatakutan."Zoe," muling pagtawag ni Reighn sa dalaga, "can I have your minute? May sasabihin lang sana ako."Hindi lumingon si Zoe at para bang nagbibingihan sa kaniyang paligid."Nak... Zoe," pagtawag ng kaniyang ina. Lumingon ang dalaga kay Abby at nakita niya ang pagtango ng ina na para bang ayos lang sa kaniya na iwanan sila kasama si Dykeil."I have nothing to say to her, mom," aniya ni Zoe.Kinuha ng dalaga ang plato ni Dykeil para sana sandukan ito ng pagkain, pero pinigilan siya ng kaniyang ina. Naramdaman ni Zoe ang paghawak ni Abby sa kaniyang kamay na para bang p
"MOMMY? Daddy?" tawag ni Dykeil. Natigilan ang dalawa nang marinig ang boses ng bata. Bumaba si Dykeil sa hagdan at lumapit sa dalawa. Samantalang napatayo naman si Dylan at hindi makatingin sa bata."I thought you are sleeping, baby?" tanong ni Zoe nang makalapit si Dykeil sa kaniyang binti. Napailing naman ang bata at tinaas ang dalawang kamay na para bang gustong magpakarga. Binuhat naman ito ni Zoe at hinalikan ang pisngi ng anak."You should goy upstairs, Dykeil. May pinag-uusapan pa kami at hindi puwedeng marinig ng bata 'yon," sambit ni Zoe. Hindi naman sumagot si Dykeil at nilapit ang bibig sa kanang tenga at bumulong nang may mapansin. Ngunit sa lakas ng pagkakabulong ni Dykeil ay alam niyang narinig ni Dylan 'yon."Bakit umiiyak si Daddy Dylan?" tanong ng anak. Nilingon naman ni Zoe ang binata at napansin niyang nagpupunas si Dylan ng luha. Nang matapos sa ginagawa ang binata ay tumingin siya kay Dykeil at ngumiti."Napuling lang ako," pagdadahilan ni Dylan."Are you two fig
KATULAD ng nakasanayan ay maagang nagising si Dylan para maghanda. Malapit na rin kasi ang paghaharap nila ni Zoe. Sa totoo lang ay hindi niya naman ito ginustong makarating sila sa ganitong sitwasyon. Isa pa ay ayaw niyang maipit si Dykeil sa hindi nila pagkakaintindihan ni Zoe, pero wala naman siyang magawa dahil baka tuluyan nang mapalayo sa kaniya ang anak.Napatingin si Dylan sa may pintuan nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok. Mabilis na lumapit ang binata roon at inaakalang si Reighn ang nasa likod ng pinto. Ilang araw na rin kasing hindi nagpapakita ang dalaga sa kaniya simula noong malaman niya ang totoo kay Reighn. Ngunit nang buksan ito ng binata ay hindi niya inaasahan ang taong bumungad sa kaniya."What are you doing here?" walang emosyong tanong ni Dylan sa kaniya."Can we talk?" nakatingin sa mata na tanong ng kausap. Tinignan ni Dylan ang mga papel na iniwan niya sa lamesa bago niya ibalik ang tingin sa kaniyang harapan."I'm busy," maikling sagot ni Dylan. Hinawa
HINANAP kaagad ng mga mata ni Zoe 'yong calendar sa gilid at napansin niya ang papalapit na birthday ng kaniyang anak. Paano niya nagawang kalimutan 'yon?One week bago ang birthday ni Dykeil dapat ay nakahanda na ang mga surprise nito sa kaniya at ang mga hahandain nito. Ngayon ay dalawang araw na lang ang mayroon siya. Paano niya pa magagawang pagkasyahin ang araw na 'yon?"Makapaghahanda ka ba sa lagay na 'yan, Zoe? Bakit hindi mo na lang kausapin si Dylan tungkol diyan? Nakabalik nga si Dykeil dito, pero hindi ka naman maramdaman ng anak mo."Nangingilid na ang mga luha ni Zoe at pinipigilan niya na lamang na huwag ipakita ang emosyon sa harapan ng kaniyang ina. Hindi siya puwedeng maging mahina ngayon. Nang makalabas ang ina ng dalaga ay tuluyan nang bumuhos ang kaniyang luha.Biglang nawalan ng gana si Zoe sa kaniyang ginagawa nang mapagtanto niyang tama ang kaniyang ina. Pero iniisip niya na kapag pinakita niyang mahina siya ay baka tuluyang mawala sa kaniya ang anak. Iyon ang
NAKAKUYOM ang mga kamay ni Zoe nang pumasok sa loob ng bahay. Napansin kaagad ng kaniyang ina ang kinikilos ng dalaga kaya naman tinawag niya ito, pero hindi siya narinig ni Zoe. Nakatulalang napaupo si Zoe sa upuan at hindi maalis sa isip niya kung paano nagawa ni Dylan 'yon."Anak, may nangyari ba?" malumanay na tanong ni Abby sa anak. Hindi naman siya sinagot ni Zoe kaya tinawag niya ito. "I saw Dylan leave without saying anything. Narinig ko ring nasisigawan kayo. May problema ba?"Nanatiling tahimik si Zoe kaya naman hindi na nakapagtimpi pa si Abby at tinawag ang kaniyang anak sa malakas na boses. Napatingin naman ang kaniyang apo sa kaniya. Mabilis naman na inutos ni Abby sa katulong na iakyat muna ang bata sa taas para hindi marinig ang pag-uusap nila."Zoe," tawag muli ng ginang. Napalingon saglit sa kaniya ang dalaga. "Ano bang nangyari sa pag-uusap niyo ni Dylan at ganyan ka na naman kumilos?""Nothing, mom," maikling sagot ng dalaga. Ayaw na ni Zoe na dagdagan pa ang probl
IT'S been week since Dykeil decided to go with Dylan. Sobrang tahimik ng bahay nina Zoe at nakakapanibago. Lahat sila ay nakasanayan na nangungulit si Dykeil sa kanila, pero ngayon parang naglaho lahat."Anak, nandiyan na si Dykeil." Natigilan si Zoe sa pag-aayos ng ama at hinarap ang kaniyang ina na nakatayo sa may pintuan. "Hinatid siya ni Dylan.""Nandiyan pa po ba siya o umalis na?" tanong ng dalaga.Umiling naman ang ginang at pumasok sa loob ng kuwarto ni Zoe. Umupo si Abby sa gilid ng kama at para bang may gustong sabihin. Sumunod naman si Zoe at umupo sa tabi ng ina. Ilang segundo silang natahimik bago kunin ni Abby ang dalawang kamay ng kaniyang anak at hinawakan nang mahigpit."May dapat kang malaman, Zoe. Hindi ko alam kung mapapatawad mo ako, pero humihingi na ako agad ng tawad sa iyo." Napakunot ang noo ni Zoe at para bang hindi naiintindihan ang sinasabi ng ina. Ano pa ba ang dapat niyang malaman?"Ako ang nagsabi kay Dylan na anak niya si Dykeil." Natigilan si Zoe nang
AGAD na napalapit ang ina ni Zoe nang makita nitong umiiyak ang anak habang tinatawag ang pangalan ni Dykeil."M-Mom," naluluhang tawag ni Zoe. Hindi niya alam kung paano patatahanin ang dalaga. Pinagtitinginan na sila ng mga tao at nagtataka na rin sa kanila."What happened, Zoe? Nasaan sina Dykeil?" bungad na tanong ni Abby nang si Zoe lang ang madatnan niya. Pinunasan naman ni Abby ang luha sa mga pisngi ng dalaga at hinahaplos ang likod nito para patahanin."Mom, si Dykeil po." Napatigil si Zoe sa pagsasalita at ramdam niyang muli na naman bubuhos ang panibagong luha niya."Calm down, Zoe. Ano bang nangyari? Nasaan sila?" sunod-sunod na tanong ng ginang. Hinintay niyang makasagot ang anak hanggang sa nalaman niya ang totoong dahilan nito."Si Dykeil po n-nawawala," nauutal na sagot ni Zoe."What?!" gulat nitong sambit, "paanong nawawala? Hindi ba niya kasama si Alfred kanina?"Umiling naman si Zoe at tinuro 'yong kaninang puwesto ni Dykeil sa upuan. Nandoon pa rin ang basket na da