ISANG malutong na tawa galing kay Zoe Yaffeh Madrigal ang umagaw ng kaniyang pansin nang matapos niyang makatayo mula sa pagkadapa.
"Dylan, ang laki mo na, pero lampa ka pa rin!" natatawang asar sa kaniya ng bestfriend niyang si Zoe. Hindi na lamang ito pinansin ni Dylan at kinuha ang kaniyang gamit na nahulog at muling naglakad patungo sa kanilang classroom."Uy, Dylan Rodriguez!" pagtawag ni Zoe sa buong pangalan ng binata. "Teka lang naman, haha!"Patuloy ang pagsigaw niya sa pangalan ng kaibigan dahil hindi siya nito pinapansin. Nang mahabol si Dylan ay 'saka niya ito inakbayan sa balikat na parang lalaki. Hindi pa nakapagpigil si Zoe at kinurot pa si Dylan ng matagal sa kanang pisngi nito. Hindi na nakapagpigil sa inis si Dylan at hinarap si Zoe."Ano ba, Zoe?!" galit na tanong ng binata.Sikat at tahimik na estudyante lamang si Dylan sa campus at halos lahat ng babae ay may gusto sa kaniya kaya nagtataka sila sa biglaang pagsigaw nito sa hallway. Napahiya na nga ito kanina ay mas dumoble pa ang pagkahiya nito ngayon."Wala ka na naman bang mapag-trip-an kaya ako ang biktima mo?!" Napatigil si Zoe sa pagpisil ng pisngi ni Dylan at napayuko na lamang ito dahil naramdaman niya ang inis ng kaibigan.Napansin ng dalaga na maraming nanonood sa kanila at pinag-uusapan kung ano ang nangyari. Nang maisip niyang siya nga pala si Zoe Yaffeh Madrigal--- ang babaeng hindi nahihiya at ang babaeng gustong-gusto ng atensyon ng lahat. Bigla nitong inangat ang ulo at malawak na napangiti sa harap ni Dylan. Napailing na lang ang binata at dahan-dahan siyang napalunok dahil alam na niya ang sunod na gagawin ng kaniyang kaibigan.Napadaing naman si Dylan nang malakas itong batukan ni Zoe. Napailing na lang ang mga nanonood dahil wala silang magawa para dito. Iba kasi ang ugali ni Zoe at mahirap itong kalabanin. Kung sabagay may pagka-boyish din kasi Zoe kaya lahat ng babae o mapalalaki pa man ay takot sa kaniya.Malakas at dahan-dahang pumalakpak si Zoe at humarap sa mga chismosang nanonood sa kanila. "Okay, tapos na ang palabas. Bukas na naming itutuloy kaya magsipag-balik na kayo sa kaniya-kaniya niyong lungga!" natatawang utos ni Zoe habang tinataboy ang mga estudyante.Mabilis namang umalis ang mga estudyante dahil sa takot. Humarap naman siya kaagad kay Dylan at nginitian nito ng pagkatamis-tamis, pero parang walang pakialam si Dylan at mabilis na pumasok sa classroom nila."Sungit!" sigaw ni Zoe kay Dylan at sumunod na rin ito sa loob.Bata pa lamang ay sina Zoe at Dylan na ang laging magkasama. Kahit sino man ang lumapit sa kanila ay hindi nila kayang paghiwalayin ang dalawa dahil sa sobrang higpit ng attachment nito sa isa't isa. Nasanay na rin si Dylan sa ugali ni Zoe na may pagka-boyish at grabe kung mang-asar at mang-trip. Araw-araw ba naman silang magkasama at hanggang ngayong nasa kolehiyo ay silang dalawa pa rin ang nandiyan sa isa't isa."Pst! Dylan!" mahinang tawag sa kaniya ni Zoe. Nasa harapan kasi ang guro nila at nagtuturo. Natatakot siyang makita na nakipagdaldalan ng kanilang terror slash boring na professor niya.Hindi pinansin ni Dylan ang tawag ni Zoe at patuloy itong nagta-take down notes habang nakikinig sa kanilang professor."Dylan!" mahinang tawag ulit ni Zoe ngunit may diin na sa boses nito. Sa pangalawang beses ay hindi pa rin siya pinansin ni Dylan.Naghintay pa siya ng ilang minuto at hindi na siya mapakali sa kaniyang upuan. Naiinis siya dahil wala siyang makausap. Sobrang boring ba naman kasi ng pagtuturo ng professor niya at wala nang pumapasok sa utak niya maliban sa matapos ang klase ng kanilang guro.Tinawag niyang muli si Dylan, pero hindi pa rin ito lumingon. Kaya kinalabit niya ito nang kinalabit dahil nasa harapan lamang ng upuan niya si Dylan. Sa sobrang inis ay hindi niya na napigilang sipain ng malakas ang upuan ni Dylan."Ano ba?!" galit na sabi ni Dylan at hindi niya napigilang mapatayo. Napatigil naman sa pagtuturo ang kanilang guro at nagsipaglingunan naman ang mga kaklase nila sa kanila."Yes, Mr. Rodriguez? What's the problem, and you chose to interrupt my class?""Sorry, Ma'am Badilla. Si Zoe po kasi sinipa ng malakas 'yong upuan ko," nakayukong paliwanag ni Dylan. Galit na humarap ang professor nila kay Zoe, pero bago pa magsalita ang kanilang guro ay mabilis ng tumayo si Zoe."Sinipa ko lang po 'yong upuan ni Dylan dahil sabi niya po ang boring daw po ng turo mo," nakangusong dahilan ni Zoe. Natigilan naman ang guro sa narinig lalo na nang marinig ang mahihinang tawanan mula sa iba pang estudyante."Zoe!" pagpigil ni Dylan sa kaniya, "I never said that!" inis na sagot nito.Pasimple namang nginisian ni Zoe si Dylan. Alam niya kasing ayaw nito na sinisiraan siya sa harap ng guro lalo na at alam ni Dylan na makakaapekto ito sa mga grades na makukuha niya."Ma'am Badilla, oh! Binubulungan po ako ni Dylan. Ang sabi niya totoo naman daw talaga na boring ka magturo," pagsusumbong ni Zoe habang nakaturo pa kay Dylan. Napahampas naman ng noo si Dylan at wala ng nagawa."You two! Get out of my class, now!" naiinis na sigaw ng kanilang guro. Natahimik naman ang ibang mga estudyante na nagbubulungan at napaayos ng upo.Mabilis namang kinuha ni Dylan ang gamit niya at padabog na lumabas ng silid. Samantalang si Zoe naman ay mabagal niyang kinuha ang gamit nito at mukhang nag-aasar pa. Tinarayan niya pa ang kaniyang mga chismosang classmate at bago lumabas ay malawak niyang nginitian ang kaniyang guro."Thank you, Ma'am Badilla! Ang galing mo talaga magturo!" naka-thumbs up pa na sabi ni Zoe sa harap ng professor niya. Mabilis itong tumakbo palabas dahil nakita niya na tila ba sasabog na sa inis ang professor nito. Hinanap naman ng mga mata niya si Dylan pagkalabas ng silid at sinundan niya ito nang makitang naglalakad palayo sa kaniya."Hi, Dylan, kaya love na love kita, eh!" sabi ni Zoe nang maabutan ito sa paglalakad. Alam niya kasing nakisakay rin ang kaibigan sa kaniya para mapalabas sila. Hindi naman siya pinansin ng binata kaya hinawakan niya ito sa kabilang braso at pinigilan sa paglalakad."Saan tayo pupunta?" masayang tanong ni Zoe. Hindi na nakapagpigilan si Dylan at galit siyang hinarap."Puwede ba, Zoe! Huwag mo na ako idamay sa mga kalokohan mo. Kung feeling mo natutuwa ako dahil pinagbibigyan kita noon, ngayon hindi na! Sumusobra na 'yang ugali mo at hindi na maganda!" sumbat sa kaniya ni Dylan. Hindi naman mapigilan ni Zoe na hindi masaktan dahil ngayon lamang nagsalita ang kaibigan sa kaniya no'n."Anong gusto mong gawin ko?" malumanay na tanong ni Zoe."Gusto kong mapag-isa kahit ngayon lang. Lumayo ka muna sa akin!" may galit pa rin sa pagbigkas ang pagkasasabi nito. Napaisip naman ang dalaga sa sinabi sa kaniya at kahit papaano ay ayaw niya pa ring iwan si Dylan. Humakbang ng limang beses paatras si Zoe."Oh, ayan! Malayo na tayo sa isa't isa. Mag-isa ka na sa puwesto mo ngayon. Siguro naman ay hindi mo na a---""Ayaw kitang makita!" pagtigil ni Dylan sa sasabihin niya. Napakunot naman ang noo ng dalaga rito."Edi, pumikit ka! Basic!" dahilan ni Zoe. Sa totoo lang ay alam niya kung ano ang gustong i-point ng binata, pero ayaw niya lang gawin. Alam niyang nagsasawa na ito sa ugali niya."Ano ba, Zoe?! I'm serious!" naiinis na sabi ni Dylan."Mukha rin ba akong nagbibiro?""Tsk! Wala ka talagang kuwenta!" inis na sigaw ni Dylan.Mabuti at nakasarado ang mga pinto ng classroom kaya hindi naririnig ang bangayan ng dalawa sa hallway. Wala namang nagsalita sa kanilang dalawa kaya nang biglang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase ay pinagpatuloy ni Dylan ang paglalakad palayo kay Zoe.Pasimple namang napatawa si Zoe dahil sa naging reaction ng kaibigan. Alam niya kasing hindi rin siya matiis ni Dylan. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil napo-pogian siya kay Dylan kapag naiinis ito sa kaniya. Bata pa lang kasi sila ay may gusto na si Zoe kay Dylan kaya ayaw niya talagang mapalayo sila sa isa't isa.Sinundan niya naman ito, pero nawala rin ang ngiti sa labi niya nang makita niyang may naglakas loob na babae na lumapit sa taong mahal niya. Nakangiti ang babae na ito habang iniaabot ang hawak nitong papel kay Dylan.Hindi mapigilang mapaisip ni Zoe kung sino ang babaeng 'yon.TILA ba ay nakaramdam siya ng pagkadisgusto sa paglapit ng babae kay Dylan. Nakaramdam siya ng inis at tila ba uminit ang buong mukha niya. Unang beses na mangyari na may nakalapit sa taong mahal niya. Nakita niyang ngumiti ng matamis ang babae nang abutin ni Dylan ang papel na hawak nito. Gusto niyang batukan ang binata sa ginawa. Bakit ba niya ito tinanggap? Namumula pa ang mukha ng babae. Tumaas lalo ang kilay ni Zoe dahil dito. Maganda iyong babae, may maliit na mukha, maputi ang balat nito at may blonde na buhok. "Thank you, Dylan. Sana basahin mo iyong ginawa ko." Pagkatapos sabihin iyon ng babae ay bigla na lang itong tumakbo paalis sa harapan ni Dylan. Nakita niyang napakamot ng ulo si Dylan at gumuhit ang isang ngiti sa labi nang tingnan ang papel na hawak nito. Nagdadabog na lumapit si Zoe sa binata at bigla na lang hinablot sa kamay ni Dylan iyong papel na binigay ng babae. Dala ng kaniyang inis ay pinunit niya iyong papel at itinapon sa gilid ng hallway. "Anong ginawa
MULA sa may bulsa ay kinuha ni Reighn ang papel na pinunit ni Zoe dahil sa matinding selos na naramdaman niya kanina. Nagulat man si Zoe ay hindi niya ito ipinahalata sa babaeng nasa harapan, na kung makatingin sa kaniya ay parang lalamunin na siya ng buo at buhay. Magsasalita pa sana si Zoe para ipaliwanag ang nangyari nang bigla siyang sigawan ni Reighn."What the hell is wrong with you, bitch?!" tanong ni Reighn na may gigil sa boses at pinanlakihan pa niya ng mga mata si Zoe. Kung may laman pa iyong baso niya ng juice na nasa harapan ay paniguradong nasabuyan na niya si Reighn ngayon dahil sa pinakitang ugali."What the hell is wrong with me?" Itinuro pa ni Zoe ang kaniyang sarili habang nagtatanong dito. Tumayo na rin siya at nakipagtaasan ng kilay kay Reighn. Naagaw na nila ang atensiyon ng mga estudyante na nasa loob ng cafeteria. Kabi-kabilang bulungan ang naririnig ni Zoe na lalong nagbibigay sa kaniya ng init ng ulo."May problema ka ba sa akin, bitch?!" mahina lang, pero al
AGAD namang nakarating sina Zoe at Dylan sa hospital dahil malapit lang ito sa school nila. Natawagan niya na rin ang Mommy ni Zoe at kahit katatapos lang sa trabaho ay nagmadali itong pumunta ng hospital para lang makita ang anak."Zoe, I'm so sorry. Please, don't leave me," Dylan said while carrying Zoe to the emergency room. Hindi niya alam kung anong gagawin sa oras na mawala si Zoe sa buhay niya. Kahit ubod pa ng sungit ang kaibigan ay hindi niya kaya itong iwanan."Nurse! Nurse, help!" sigaw ni Dylan sa mga nurse na tumatakbo papunta sa kanila na may dalang stretcher. Tinulungan ng mga lalaking nurse sa paglapag si Zoe sa stetcher. Napuno na ng kulay pula ang uniform nilang dalawa. Pagdating nila sa emergency room ay agad nilang inisikaso si Zoe."Dito ka na lang po sa labas maghintay, Sir. Bawal po kayo sa loob," sabi ng isang nurse na babae kay Dylan pagpasok sa emergency room ni Zoe."Miss, please, tulungan niyo po 'yong bestfriend ko," pagmamakaawa ng binata sa nurse. Tinang
HINDI agad makapagsalita si Dylan. Kanina lang ay naiisip niya ito, ngayon naman ay kausap niya na."Reighn," tanging sambit ni Dylan at napabuntong hininga. "Saan mo nakuha ang number ko?""Kay Hayden," sagot nito. Ilang segundo rin ang naging katahimikan sa pagitan nilang dalawa."Reighn/Dylan!" sabay nilang tawag kaya naman pareho rin silang natawa."Ladies first," nakangiting sabi ni Dylan. Lumapit naman ito sa couch at umupo. Narinig niya pa ang pagbuntong hininga ni Reighn bago ito nagsimulang magsalita."A-Ano, hmm... t-tungkol kay Zoe," nauutal na sabi ni Reighn sa kabilang linya."What about her?" diretsong tanong ni Dylan. Bumalik na naman ang alaala niya noong makita nito ang dugo sa likuran ng kaibigan at kung paano niya ito sinugod sa hospital."Is she okay?" tanong ni Reighn na halatang kinakabahan.Inalala ni Dylan ang pag-uusap nila kanina ni Zoe. Alam niyang nasaktan ito dahil sa nangyari at nagagalit dahil mas pinili nito si Reighn kaysa sa kaibigan. Isa pa ay ayaw n
MABABAKAS sa mukha nina Reighn at Dylan na parehong inlove ang mga ito sa isa't-isa. Nakaguhit sa bawat labi nila ang matatamis na ngiti habang nagkatitigan at magkahawak ang mga kamay. Nasasaktan si Zoe sa nakikita kaya ipinikit niya sandali ang kaniyang mga mata.'Kalma ka lang Zoe!' sabi ng kaniyang isipan at dahan-dahan ulit niyang binuksan ang kaniyang mga mata. Pero napamura na lang siya nang makita na nakayakap na ang mga braso ni Dylan sa maliit na baywang ni Reighn at ang kamay naman ng dalaga ay nakalingkis sa mismong batok ng binata."Shit! Shit!" mura niya. Pakiramdam niya ay sinasaksak ang puso niya nang paulit-ulit dahil sa natunghayan niya. Agad niyang kinuha ang isang basong alak na nasa kaniyang tabi at inubos ng diretso ang laman nito. Uminit ang lalamunan niya bigla at rumihestro sa mukha niya ang pait dulot ng lasa ng ininom niya.Nakita niyang napatingin sa gawi niya si Reighn at sandali siya nitong tinititigan na para bang kinikilala kung sino siya. Hindi agad ma
HABANG nilulunod ni Zoe ang sarili sa alak ay wala siyang kamalay-malay na sa 'di kalayuan ay pinagmamasdan siya ni Reighn at lihim na natutuwa sa nangyayari sa kaniya.'Sige lang, Zoe, masaktan ka lang habang nakikita mong masaya kaming pareho ni Dylan,' ani ni Reighn sa kaniyang isip. 'Kung dati ay solong-solo mo siya p'wes ngayon iba na. Ngayong abot-kamay ko na ang tagumpay ay hinding-hindi kita hahayaang nakawin 'yon sa akin.'Hindi mapigilan na mapangisi si Reighn pagkatapos 'yon sabihin sa kaniyang isip.High school pa lamang sila noon ay lihim na niyang minamahal ang binata. Noong unang beses niyang makita si Dylan sa birthday party ng kuya niya, sa hindi malamang dahilan ay nagsimulang tumibok ang puso niya para sa binata.Kaya noong magkaroon sila ng pagkakataon na makapag-usap sa araw na 'yon ay nag-uumapaw ang saya na naramdaman niya. Subalit saglit ding napawi 'yon nang tawagin ni Zoe si Dylan at tuluyan nang nawala ang atensyon ng binata sa kaniya. Ilang saglit pa ay nag
KAHIT na nahihilo ay sinubukan ni Zoe na pigilan ang dalawa sa pagsusuntukan."Tinutulungan o sinasamantala mo ang kahinaan ni Zoe? Hindi ako tanga at pinanganak kahapon lang, Hayden. Huwag mo akong paikuting gago ka!" galit na sigaw ni Dylan at susubukan na naman nitong suntukin ang binate nang hilahin ni Zoe ang laylayan ng damit niya."Masiyadong marumi ang isip mo, Dylan! Wala akong plano sa kaibigan mo kung ganoon ang nasa isip mo!" sigaw pabalik ni Hayden kay Dylan na nanggagalaiti."Fuck you and shut up!" Dinuro ni Dylan si Hayden. Hindi naman makapagtimpi si Hayden at anytime ay gusto niya nang sapakin si Dylan.Hindi agad naka-react si Dylan nang yakapin siya ni Zoe nang mahigpit mula sa likuran. Nag-alala na siya para sa dalawa at ayaw niyang lalong mag-initan sina Hayden at Dylan dahil alam niyang magkaibigan din ang mga ito. Alam niyang may pinagsamahan ang dalawa at ayaw niya 'yon masira dahil lang sa kaniya."Dylan, please! Walang ginawa sa akin si Hayden. Huwag mainit a
ISANG buwang tulala at lumuluha si Zoe. Siguro sapat na iyon para naman magpakalayo-layo at ituloy ang buhay niya. Hindi man siya sanay na malayo sa mga taong mahal niya, pero kailangan niya nang sanayin ang sarili. Hindi ganoon kadali na mag-stay kung alam niyang walang taong gustong tumanggap sa kaniya."Hindi na ba kita mapipigilan, Zoe?" bungad na tanong ni Abby habang nakatingin sa kaniyang anak na nag-iimpake ng mga gamit. Napabuntong hininga naman ang dalaga at napatigil sa ginagawa. Hinarap niya ang kaniyang nanay at pilit na ngumiti."Sorry, Mom," mahinang sabi ni Zoe. Tumingala siya para pigilan ang muling pagtulo ng luha niya. Lumapit naman si Abby sa kaniya at hinaplos ang likuran nito. Nang ibalik ni Zoe ang tingin sa kaniyang nanay ay nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. "Sorry po kung iiwan kitang mag-isa. Kailangan ko lang pong umalis dahil naaawa na ako sa sarili ko.""Naiintindihan naman kita, Zoe. Mahirap talagang magmahal ng taong hindi ka kayang mahalin pabal
AFTER two years.Zoe is happily married to Dylan Rodriguez. They already live under one roof ---- she, Dylan, Dykeil, and soon their daughter named Dianne. Hindi in-expect ng dalaga na masusundan pa si Dykeil lalo na at nakunan din ito si Zoe sa kanilang pangalawang anak ni Dylan.Katulad ng mga pinangako ni Dylan noon ay tinupad nito ang sinasabi niya magpapakatatay sa anak nila ni Zoe. Hindi lang ‘yon dahil nasaksihan din ni Zoe kung gaano ka-perfect si Dylan bilang asawa nito.Habang si Dykeil naman habang lumalaki ay nagiging kamukha na ng kaniyang ama. Ang ina naman nito na si Abby ay may sariling love life na. Nitong linggo ay nag-propose ang kaniyang Tito Gilbert sa ina at nakita ni Zoe kung gaano kasaya ang dalawa sa isa’t isa. Hindi naman tumutol ang dalaga dahil alam niyang magiging masaya ang ina sa lalaki.Kahapon naman ay nakatanggap si Zoe ng invitation galing kay Reighn. Isinama kasi siya bilang ninang ng panganay nitong anak na babae. Kahit alam ni Zoe na bad history s
NAGSIMULANG magbilang ang dalawang clown nang matapos nitong sabihin ang gustong mangyari. Sumibol ang kaba sa buong katawan ni Zoe nang magsipagtinginan ang mga tao sa kaniya."Again, bring me the parents of the celebrant," pag-uulit na sabi ng isang clown. Tumakbong lumapit ang mga bata sa dalaga at hinila ito papunta sa may unahan.Ilang segundong nakatayo si Zoe roon at para bang may hinihintay sila na ibang tao. Alam ni Zoe na walang nakakila kung sino ang totoong ama ni Dykeil, bukod sa kaniyang pamilya. Kaya naman ganoon na lang ang bulong-bulungan ng mga tao at nagtatanong kung nasaan ang tatay ng anak niya.Nang nilingon ni Zoe ang puwesto ng anak ay dumagdag pa sa kaniyang kaba nang hindi niya makita roon si Dykeil. Agad niya itong hinanap ng tingin at napatigil lang ang dalaga nang makita ang pamilyar na tao na hila-hila ng kaniyang anak papunta sa puwesto niya.Sa pagkakaalam ng dalaga ay walang balak pumunta si Dylan ngayon. Alam niyang may importante itong gagawin kaya h
NANATILING nakaupo at tahimik si Zoe. Hindi niya alintana ang babaeng nakaabang sa kaniyang harapan. Wala siyang dapat ikabahala dahil alam niyang hindi na sila pa magkakaayos ni Dylan. Wala na silang dapat pag-usapan ni Reighn.Alam niyang simula noong nag-usap sila ay alam niyang puro gulo lang ito. At kapag nagpakain na naman siya sa mga sinasabi nito ay baka may mawala na naman sa kaniya. Iyon ang kaniyang kinatatakutan."Zoe," muling pagtawag ni Reighn sa dalaga, "can I have your minute? May sasabihin lang sana ako."Hindi lumingon si Zoe at para bang nagbibingihan sa kaniyang paligid."Nak... Zoe," pagtawag ng kaniyang ina. Lumingon ang dalaga kay Abby at nakita niya ang pagtango ng ina na para bang ayos lang sa kaniya na iwanan sila kasama si Dykeil."I have nothing to say to her, mom," aniya ni Zoe.Kinuha ng dalaga ang plato ni Dykeil para sana sandukan ito ng pagkain, pero pinigilan siya ng kaniyang ina. Naramdaman ni Zoe ang paghawak ni Abby sa kaniyang kamay na para bang p
"MOMMY? Daddy?" tawag ni Dykeil. Natigilan ang dalawa nang marinig ang boses ng bata. Bumaba si Dykeil sa hagdan at lumapit sa dalawa. Samantalang napatayo naman si Dylan at hindi makatingin sa bata."I thought you are sleeping, baby?" tanong ni Zoe nang makalapit si Dykeil sa kaniyang binti. Napailing naman ang bata at tinaas ang dalawang kamay na para bang gustong magpakarga. Binuhat naman ito ni Zoe at hinalikan ang pisngi ng anak."You should goy upstairs, Dykeil. May pinag-uusapan pa kami at hindi puwedeng marinig ng bata 'yon," sambit ni Zoe. Hindi naman sumagot si Dykeil at nilapit ang bibig sa kanang tenga at bumulong nang may mapansin. Ngunit sa lakas ng pagkakabulong ni Dykeil ay alam niyang narinig ni Dylan 'yon."Bakit umiiyak si Daddy Dylan?" tanong ng anak. Nilingon naman ni Zoe ang binata at napansin niyang nagpupunas si Dylan ng luha. Nang matapos sa ginagawa ang binata ay tumingin siya kay Dykeil at ngumiti."Napuling lang ako," pagdadahilan ni Dylan."Are you two fig
KATULAD ng nakasanayan ay maagang nagising si Dylan para maghanda. Malapit na rin kasi ang paghaharap nila ni Zoe. Sa totoo lang ay hindi niya naman ito ginustong makarating sila sa ganitong sitwasyon. Isa pa ay ayaw niyang maipit si Dykeil sa hindi nila pagkakaintindihan ni Zoe, pero wala naman siyang magawa dahil baka tuluyan nang mapalayo sa kaniya ang anak.Napatingin si Dylan sa may pintuan nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok. Mabilis na lumapit ang binata roon at inaakalang si Reighn ang nasa likod ng pinto. Ilang araw na rin kasing hindi nagpapakita ang dalaga sa kaniya simula noong malaman niya ang totoo kay Reighn. Ngunit nang buksan ito ng binata ay hindi niya inaasahan ang taong bumungad sa kaniya."What are you doing here?" walang emosyong tanong ni Dylan sa kaniya."Can we talk?" nakatingin sa mata na tanong ng kausap. Tinignan ni Dylan ang mga papel na iniwan niya sa lamesa bago niya ibalik ang tingin sa kaniyang harapan."I'm busy," maikling sagot ni Dylan. Hinawa
HINANAP kaagad ng mga mata ni Zoe 'yong calendar sa gilid at napansin niya ang papalapit na birthday ng kaniyang anak. Paano niya nagawang kalimutan 'yon?One week bago ang birthday ni Dykeil dapat ay nakahanda na ang mga surprise nito sa kaniya at ang mga hahandain nito. Ngayon ay dalawang araw na lang ang mayroon siya. Paano niya pa magagawang pagkasyahin ang araw na 'yon?"Makapaghahanda ka ba sa lagay na 'yan, Zoe? Bakit hindi mo na lang kausapin si Dylan tungkol diyan? Nakabalik nga si Dykeil dito, pero hindi ka naman maramdaman ng anak mo."Nangingilid na ang mga luha ni Zoe at pinipigilan niya na lamang na huwag ipakita ang emosyon sa harapan ng kaniyang ina. Hindi siya puwedeng maging mahina ngayon. Nang makalabas ang ina ng dalaga ay tuluyan nang bumuhos ang kaniyang luha.Biglang nawalan ng gana si Zoe sa kaniyang ginagawa nang mapagtanto niyang tama ang kaniyang ina. Pero iniisip niya na kapag pinakita niyang mahina siya ay baka tuluyang mawala sa kaniya ang anak. Iyon ang
NAKAKUYOM ang mga kamay ni Zoe nang pumasok sa loob ng bahay. Napansin kaagad ng kaniyang ina ang kinikilos ng dalaga kaya naman tinawag niya ito, pero hindi siya narinig ni Zoe. Nakatulalang napaupo si Zoe sa upuan at hindi maalis sa isip niya kung paano nagawa ni Dylan 'yon."Anak, may nangyari ba?" malumanay na tanong ni Abby sa anak. Hindi naman siya sinagot ni Zoe kaya tinawag niya ito. "I saw Dylan leave without saying anything. Narinig ko ring nasisigawan kayo. May problema ba?"Nanatiling tahimik si Zoe kaya naman hindi na nakapagtimpi pa si Abby at tinawag ang kaniyang anak sa malakas na boses. Napatingin naman ang kaniyang apo sa kaniya. Mabilis naman na inutos ni Abby sa katulong na iakyat muna ang bata sa taas para hindi marinig ang pag-uusap nila."Zoe," tawag muli ng ginang. Napalingon saglit sa kaniya ang dalaga. "Ano bang nangyari sa pag-uusap niyo ni Dylan at ganyan ka na naman kumilos?""Nothing, mom," maikling sagot ng dalaga. Ayaw na ni Zoe na dagdagan pa ang probl
IT'S been week since Dykeil decided to go with Dylan. Sobrang tahimik ng bahay nina Zoe at nakakapanibago. Lahat sila ay nakasanayan na nangungulit si Dykeil sa kanila, pero ngayon parang naglaho lahat."Anak, nandiyan na si Dykeil." Natigilan si Zoe sa pag-aayos ng ama at hinarap ang kaniyang ina na nakatayo sa may pintuan. "Hinatid siya ni Dylan.""Nandiyan pa po ba siya o umalis na?" tanong ng dalaga.Umiling naman ang ginang at pumasok sa loob ng kuwarto ni Zoe. Umupo si Abby sa gilid ng kama at para bang may gustong sabihin. Sumunod naman si Zoe at umupo sa tabi ng ina. Ilang segundo silang natahimik bago kunin ni Abby ang dalawang kamay ng kaniyang anak at hinawakan nang mahigpit."May dapat kang malaman, Zoe. Hindi ko alam kung mapapatawad mo ako, pero humihingi na ako agad ng tawad sa iyo." Napakunot ang noo ni Zoe at para bang hindi naiintindihan ang sinasabi ng ina. Ano pa ba ang dapat niyang malaman?"Ako ang nagsabi kay Dylan na anak niya si Dykeil." Natigilan si Zoe nang
AGAD na napalapit ang ina ni Zoe nang makita nitong umiiyak ang anak habang tinatawag ang pangalan ni Dykeil."M-Mom," naluluhang tawag ni Zoe. Hindi niya alam kung paano patatahanin ang dalaga. Pinagtitinginan na sila ng mga tao at nagtataka na rin sa kanila."What happened, Zoe? Nasaan sina Dykeil?" bungad na tanong ni Abby nang si Zoe lang ang madatnan niya. Pinunasan naman ni Abby ang luha sa mga pisngi ng dalaga at hinahaplos ang likod nito para patahanin."Mom, si Dykeil po." Napatigil si Zoe sa pagsasalita at ramdam niyang muli na naman bubuhos ang panibagong luha niya."Calm down, Zoe. Ano bang nangyari? Nasaan sila?" sunod-sunod na tanong ng ginang. Hinintay niyang makasagot ang anak hanggang sa nalaman niya ang totoong dahilan nito."Si Dykeil po n-nawawala," nauutal na sagot ni Zoe."What?!" gulat nitong sambit, "paanong nawawala? Hindi ba niya kasama si Alfred kanina?"Umiling naman si Zoe at tinuro 'yong kaninang puwesto ni Dykeil sa upuan. Nandoon pa rin ang basket na da